You are on page 1of 22

ARALING

PANLIPUNAN 10
MODYUL 1

PAG-AARAL NG
KONTEMPORARYONG
ISYU
A. Konsepto ng Kontemporaryong Isyu

 Nahahati ang kontemporaryong isyu sa dalawang kataga:


“kontemporaryo” at “isyu”. Matatalunton ang pinag-ugatan nang
mga kontemporaryo sa salitang Latin na contemporarius.  Mula
ang contemporaries sa salitang “con ” na nangangahulugang “kasama
sa” at “tempur o tempor” na nangangahulugang “panahon”. Kung
gayon, ibig sabihin nito ay “kapanahon o kapanabayan. Sa
konstektong ito masasabi nating ang kontemporaryo ay “kapanahon
o kasalukuyang panahon o malapit sa nakaraan”.
  Naging tulay ang mga wikang English at Spanish upang

maging bahagi ito ng wikang Filipino.  Ang mga salitang


nangangahulugang kapanahon sa
salitang English na contemporary na nagmula ang
kontemporaryo, samantalang sa salitang Spanish naman
na contemporaneo nagmula ang kontemporaryo.  Ang
salitang kontemporaryo ay ginagamit sa iba’t ibang
konstekto isang halimbawa nito ay ang paggamit ng
kontemporaryong daigdig na naglalarawan sa panahon
mula ika–20 dantaon hanggang sa kasalukuyan. 
  Ang mga pangyayari sa panahong ito ay sinasabing naaalala

pa ng tao sa ngayon. Isa pang halimbawa ay ang paggamit ng


kontemporaryong kasaysayan na tumutukoy naman sa
panahon mula sa pagitan ng ika-20 dantaon hanggang sa
kasalukuyan. Samakatuwid ang mga pangyayaring naganap
sa nakalipas na dekada na nakakaapekto sa kasalukuyang
henerasyon ay bahagi ng kontemporaryong panahon.
Gayundin ang mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan
ay sadyang maituturing na kontemporaryo.
       Ang ikalawang salita na bumubuo sa
kontemporaryong isyu ay ang “isyu” na
nangangahulugang paksa, tema o suliraning
nakakaapekto sa lipunan. Ito ay napag-uusapan,
nagiging batayan ng debate, at may malaking epekto
sa pamumuhay ng tao sa lipunan. Maaaring ito ay
may negatibo at positibong epekto sa buhay ng tao.
 Kung pagsasamahin ang dalawang salita kontemporaryong

isyu ang tawag sa mga pangyayari o ilang suliraning


gumambala o nagpapabago sa ating pamayanan,
pamumuhay, kapaligiran sa bansa at sa buong mundo.
Maaari ring sabihin na ang kontemporaryong isyu ay isang
mahalagang usapin na umiiral sa kasalukuyan o kaya ay
umiral sa malapit na nakaraan. Ang mga paksang ito ang
nagiging talakayan ng mass media at nang madla at
pagtutuunan ng pag-aaral ng mga eksperto sa partikular na
larangan
B. Mga Hugis at Anyo ng
Kontemporaryong Isyu

   MAAARI RING MAGKAROON NG IBA’T IBANG HUGIS  AT


ANYO ANG MGA ISYU. MAUURI ANG MGA ITO BATAY SA
LARANGANG APEKTADO, O KAYA AY BATAY SA NG SAKOP NG
MGA ITO AT BATAY SA LARANGAN, MAAARING MAURI ANG
MGA ISYU BILANG PULITIKAL, KULTURAL, EKONOMIKO,
PANGKAPALIGIRAN O PANGLIPUNAN.
        SA USAPIN SA  SISTEMA NG PAMAMAHALA, PAGKAKAMIT
AT PAGGAMIT NG KAPANGYARIHAN, AT PAGGANAP SA MGA
GAWAING PULITIKAL. MGA HALIMBAWA NITO ANG PAG  -
 AARAL SA MGA DINASTIYANG PULITIKAL, PANDARAYA SA
H A L A L A N , P A G S U S O G S A S A L I G A N G -  B A T A S A T K O R A P S Y O N .
        Isyung kultural o pangkalinangan

yaong may kinalaman sa uri ng pamumuhay, sining,

panitikan at mga pagpapahalaga ng mga tao. Sakop


nito ang mga usapin tungkol sa pangangalaga at
pagpapanatili sa mga yamang kultural, pagwawalang
-bahala sa mga katutubong kultura, at
maging access sa mataas na kalidad na edukasyon.
Isyung pang ekonomiya

ang mga paksang may kinalaman sa paggamit ng

mga kapos na pinagkukunang-yaman. Kabilang


dito ang globalisasyong ekonomiko, kawalan ng
trabaho, mataas na antas ng implasyon at
pagkawasak ng kalikasan sa ngalan ng paglago ng
ekonomiya.
Isyung Pangkapaligiran

yaong may kinalaman sa kalikasan at paano nito

naaapektuhan ang mga gawain ng tao. Ilang


kontemporaryong isyung pangkapaligiran
ang climate change, tamang paraan tungo sa likas-
kayang pag-unlad at epektibong estratihiya tungo
sa disaster risk reduction.
Isyung Panlipunan o sektoral

naman ang tawag sa isyung mga batayan sa


pagpapangkat na ito ng etnisidad, relihiyon, hindi
pagbibigay ng sapat na atensiyon sa mga pangkat-
etnolingguistiko at pang aabuso sa kababaihan at
mga bata.
C. Mga Uri ng Kontemporaryong Isyu
batay sa lawak ng sakop
   May pag-uuri din sa mga isyu batay sa lawak ng sakop, maaaring

uriin ang mga isyu bilang lokal, pambansa at pandaigdigan. Lokal na


isyu kung nakakaapekto lamang ito sa pamayanan- maaring isang
subdibisyon, barangay, bayan o lungsod, maging panlalawigan.
Pambansa naman ang isyu kapag apektado nito ang buong bansa o
kaya ang maraming lokalidad sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Samantala, ang isang isyung pandaigdigang nalalapatan ng wastong
lunas ay maaaring maging isang isyung pang lokal o pambansa na
lamang bago tuluyang mawala.
D. Mga Batayan ng Kontemporaryong Isyu

 May mga kasanayang kailangan sa pag-aaral ng


kontemporaryong isyu. Sa pagsusuri ng isang isyu kailangang
malaman kung kailan at paano nagsimula at saan
nanggaling ang isyung sinusuri upang matiyak na ito ay hindi
gawa-gawa o kathang isip lamang. Mahalaga ring malaman
ang naapektuhan nito, sinu-sino ang nakinabang at ang mga
napinsala. Kailangang din malaman ang pagkakaiba ng
pananaw at ang mga naging epekto nito sa buhay ng tao,
lipunan, kapaligiran at kamalayan. Kilalanin din ang mga
sanggunian na pinagmulan ng mga isyu.
E. Mga Pinagkunang Sanggunian ng mga
Isyu

MARAMING MGA BAGAY, PANGYAYARI, SULIRANIN

AT ISYU SA ATING KAPALIGIRAN ANG NALALAMAN

NATIN SA IBA’T IBANG PARAAN. MAKAKAKALAP

TAYO NG MGA KAALAMAN SA PAMAMAGITAN NG

MGA SANGGUNIAN. MAAARING ITO AY PRIMARYA

O SEKONDARYANG SANGGUNIAN.
primaryang sanggunian 

o pinagkukunan ng impormasyon ay mga orihinal

na tala ng mga pangyayaring isinulat o ginawa ng


mga taong nakaranas sa mga ito. Halimbawa ng
mga ito ay mga sulat, journal, legal na dokumento,
guhit, larawan, sariling talaarawan, ulat ng
saksi, accounts, talambuhay at talumpati.
sekundaryang sanggunian 

ay mga impormasyon, interpretasyon batay sa primaryang pinagkunan ng

kaalaman o ibang sekundaryang sanggunian na inihanda o isinulat ng taong


walang kinalaman sa mga pangyayaring naitala. Kadalasang ginagamit ng mga
mananaliksik ang mga primaryang sanggunian upang malaman ang nakaraang
pangyayari subalit sila rin mismo ang gagawa ng sekundaryang sanggunian.
Ang ilan sa sekundaryang sanggunian ay mga ulat, teksto, guhit at kahit anong
nabuo batay sa pinagkunang primaryang sanggunian. Mga halimbawa ng
pangsekundaryang sanggunian gaya ng aklat, talambuhay, artikulo,
komentaryo, encyclopedia at dibuhong pampulitika.
Sa modernong panahon ngayon ay marami nang mga
sanggunian ang mapagkukunan natin ng
impormasyon tungkol sa mga kontemporaryong isyu
tulad ng telebisyon, radyo, internet, social media, text
messages, at mga nakalathalang material  tulad ng
 billboards, anunsyo, flyers, pahayagan at mga
babasahin.   
Karagdagang gawain(neuvle)

Panuto: Para sa iyo, anong pinakamahalagang


benepisyo ang makukuha mo sa pag-aaral ng
kontemporaryong isyu. Bumanggit ng tiglilimang
kaisipan na magbibigay ng kaliwanagan sa iyong
kasagutan. Bawat kaisipang iyong maisusulat ay may
kaukulang 2 puntos.
a. para sa iyong sarili
b. b. para sa bansa
Gawaing pagpapaunlad (NEUVLE)
PAGTATAYA/QUIZ
(NEUVLE)

You might also like