You are on page 1of 1

Globalisasyon- proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon

at produkto sa iba’t ibang direksyon


Iskemang Subcontracting - Ito ay pagkuha ng isang kompanya sa isang ahensiya o indibidwal
na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.
Migrasyon – tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong
politikal patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente.
MNC- multinational corporations
Mura at Flexible Labor - Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang
kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad na mababang pasahod at paglilimita sa
panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
Netizen- ang terminong ginagamit sa mga taong aktibong nakikilahok sa usaping panlipunan
maging ito man ay politikal, ekonomikal o sosyokultural gamit ang internet bilang midyum ng
pagpapahayag
Outsourcing- paglipat ng gawain ng isang kompanya tungo sa ibang kompanya na ang
pangunahing dahilan ay mapagaan ang gawain upang mapagtuunan ng pansin ang higit na
magpapalaki ng kanilang kita.
Perennial institutions - matatandang institusyong nananatili pa rin sa kasalukuyan tulad ng
pamilya, simbahan, pamahalaan at paaralan dahil sa mahahalagang gampanin nito sa lipunan
PLEP – Philippine Labor and Employment Plan, binuo ng Department of Labor and
Employment o DOLE upang ilatag ang mga pagtataya sa kalagayan ng paggawa sa bansa sa
nakalipas at sa mga susunod pa na mga taon.
Prosumers - tawag sa taong kumokunsumo ng isang produkto o serbisyo maging ito man ay
bagay o ideya habang nagpo-produce ng bagong ideya
Subsidiya- tulong ng pamahalaan sa mga na miyembro ng lipunan sa anyong pinansyal at
serbisyo.
Self employed without any paid employee – tumutukoy sa trabahong para-paraan o sa
sinasabing vulnerable employment.
TNC- transnational corporations
Unpaid family labor – uri ng paggawa na nagaganap sa pagitan ng mga miyembro na hindi
palagian ang sahod o sweldo (DOLE)

You might also like