You are on page 1of 2

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong.

Piliin ang pinaka angkop


na sagot at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang kabutihang panlahat?


a. Kabutihan ng lahat ng tao
b. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan
c. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan
d. Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito.
2. Ano ang tunay na layunin ng lipunan?
a. Kapayapaan b. Kabutihang Panlahat c. katiwasayan d. kasaganaan
3. Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., Propesor ng Pilosopiya sa Ateneo de Manila University, binubuo
ng tao ang lipunan at binubuo ng lipunan ang tao. Ito ay nangangahulugang:
a. Ang tao ang gumagawa sa lipunan at kaalinsabay nito ay ang lipunan at hinuhubog ng
lipunan ang mga tao
b. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil mula sa kanyang pagsilang ay nariyan na ang
pamilyang nag-aaruga sa kanya; binubuo ng lipunan ang tao dahil matatagpuan ang tao sa
lahat ng bahagi nito.
c. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil ang kanilang kontribusyon ang nagpapalago at
nagpapatakbo dito; binubuo ng lipunan ang tao dahil ang lipunan ang nagbubuklod sa lahat
ng tao.
d. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag-aaruga sa tao at dahil dito
matatagpuan at makakamit ang kanyang ninanais.
4. Ang sumusunod ay elemento ng kabutihang panlahat maliban sa:
a. Kapayapaan c. paggalang sa indibidwal na tao
b. Katiwasayan d. kapakanang panlipunan ng lahat
5. Ang sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa:
a. Paggawa ng tao ayon sa kanyang pansariling hangad
b. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiaambag ng sarili kaysa sa nagagawa
ng iba.
c. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa
pagbabahagi para sa pagkamit nito.
d. Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan.
6. Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay __________.
a. Tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay
b. Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating kapwa
c. Mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ang nagnanais na makapag-isa
d. Mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging panlipunan.
7. Alin sa mga sumusunod ang hindi mabuting katangian ng makatarungang lipunan?
a. Ang mga mamamayan lamang ang may mainam na buhay.
b. Ang mga tao ay nakikilahok
c. Ang mga tao ay may malasakit sa karapatan ng iba
d. May dignidad at pagkilala sa sarili ang mga tao
8. Ano ang pinagkaiba ng lipunan sa komunidad?
a. Sa lipunan, ang nagingibabaw ay ang iisang tunguhin o layunin samantalang sa komunidad
ang mahalaga ay ang pagkakabukod-tnagi ng mga kabilang nito.
b. Sa lipunan, ang pangkat ng mga tao ay may nagkakaisang interes, mithiin at
pagpapahalaga samantalang sa komunidad, ang namumuno ang nagbibigay ng direksiyon
sa mga taong kasapi nito.
c. Sa lipunan, ang namumuno ay inaatasan ng mga mamamayan na kamtin ang mithiin ng
mga kasapi nito samantalang sa komunidad, ang mga tao ang nararapat na manaig sa
pagkamit ng kanilang mga mithiin.
d. Sa lipunan, mas malaking pamahalaan ang nakasasakop samantalang sa komunidad ay
mas maliit na pamahalaan.
9. Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat indibidwal. Ang
pangungusap ay:
a. Tama, dahil sa pagkakataon na ganito lamang matitiyak na makakamit ang tunay na
layunin ng lipunan.
b. Tama, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning itinalaga ng lipunan.
c. Mali, dahil may natatanging katangian at pangangailangan ang bawat isang indibidwal.
d. Mali, dahil ang bawat indibidwal sa lipunan ang nararapat na magtakda ng mga layunin.
10. Kalayaan at pagkakapantay-pantay ang nararapat na manaig sa lipunan. Ang pangungusap
ay:
a. Tama, dahil ito ang mahalaga upang mangibabaw ang paggalang sa mga karapatan ng tao
b. Tama, dahil ito ay inilaan na makamit ng tao sa lipunan ayon sa Likas na Batas
c. Mali, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihang panlahat at sa pagkakapantay-
pantay, masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal
d. Mali, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal at sa pagkakapantay-
pantay, masasakripisyo ang kabutihang panlahat.

You might also like