You are on page 1of 3

FIL.

3 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON

YUNIT II: PANGUNAHING SALIGAN NG KURIKULUM

Inaasahang matutunan:

a. Natutukoy at nakilala ang pinagmulan ng kurikulum at mga pangunahing saligan ng nito.


b. Naipapaliwanag kung paano naimpluwensyahan ng bawat saligan upang maging
maunlad ang kurikulum.
c. Nakasusulat ng mga tungkulin ng isang guro.

Introduksyon

Ang bawat bagay sa daigdig ay may kanya kanyang pinagmulan. Ito ay pinag-aralan at
binigyang buhay ng iba’t ibang eksperto hanggang sa matuklasan ang mga pinagmulan/teorya
nito. Gayundin sa kurikulum, ito ay hindi mabubuo kung wala ang mga taong sumusuri nito. Ang
kurikulum ay isang plano ng gawaing pampaaralan at kasama nito ang mga dapat matutunan
ng mga mag-aaral, mga paraan kung paano tayahin ang pagkatuto at mga katangian ng mga
mag-aaral kung paano sila matatanggap sa programa at ang iba’t ibang kagamitang panturo.

Mas higit na mauunawaan ang kahulugan at kahalagahan ng kurikulum kung ang mga guro ay
nagkakasundo sa tunay na katuturan ng edukasyon. Pinaniniwalaan ng mga dalubhasa sa
larangan ng pagtuturo na ang edukasyon ay isang proseso kung saan ang lipunan ay naglalaan
para sa pag-unlad ng mamamayan. Kinakailangang paunlarin ang mamamayan sapagkat siya
ang pinakamahalagang sangkap ng lipunan.

Abstraksyon

Ang Pag-unlad ng Kurikulum sa Pilipinas

Ang bawat panahon sa kasaysayan ng Pilipinas ay kakakitaan ng iba’t ibang tuon ng kurikulum.

1. Panahon Bago Dumating ang mga Kastila


Pagtuturo sa loob ng tahanan ang mga pangunahing gawain upang patuloy na
mabuhay.
2. Panahon ng Kastila
Sa unang panahon ng Kastila, ginamit na paaralan ang mga kumbento at mga pari ang
mga guro. Ginamit nila ang dala nilang mga akda dayuhan at isinalin sa wikang katutubo
upang palaganapin ang kristiyanismo. Ginamit din nila ang mga isinalin upang turuang
bumasa, sumulat bumilang ang mga katutubo.
3. Panahon ng mga Amerikano
Sa unang panahon ng mga Amerikano, naitayo ang mga paaralang pampubliko, naging
guro ang mga kawal na aamerikano, ginamit nilang aklat ang mga dalang babasahin at
naging palasak ang pagsasaling-wika upang ituro ang wikang Ingles.
4. Panahon ng Hapon
Nang dumating ang mga Hapon, ipinagbawal ang pagtuturo ng Wikang Ingles at sa halip
ay ang pagtuturo ng Niponggo at ang pagtuturo ng wikang Filipino. Isinama rin ang
pagtatalakay sa patakaran ng co-prosperity sphere, at pag-aalis ng kaisipang U.S.
Imperialism.
5. Panahon ng Martial at ng 1986 Rebolusyon
Ipinatupad sa panahong ito ang bilingual education, population and education at family
planning, taxation at land reform, at pagpapatibay sa pagpapahalagang Filipino.
6. Panahon ng Kasalukuyan
Ang kasalukuyang panahon ay nakilala bilang panahon ng makina.
Ang Wikang Filipino ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino ng legal na ahensiyang
naatasang mamahala sa patuloy na paglinang ng wikang pambansa.
“Ang Filipino ay katutubong wika na ginamit sa buong bansa bilang wika ng
komunikasyon ng mga etnikong grupo.

SALIGAN NG KURIKULUM

 Pilosopikal
 Perennialism
 Essentialism
 Progressivism
 Reconstructivism

 Historikal
 Franklin Bobbit (1876-1956)
 Werret Charters (1875-1952)
 William Kilpatrick (1875-1952)
 Harold Rug (1886-1960)
 Hollis Caswell (1901-1989)
 Ralph Tyler (1902-1994)
 Hilda Taba (1902-1967)
 Peter Oliva (1992-2012)
 B.F. Skinner

 Saykolohikal
 Ivan Pavlov (1849-1936)
 Edward Thorndike (1874-1949)
 Robert Gagne (1916-2002)
 Jean Piaget (1896-1980)
 Lev Vygotsky (1896-1934)
 Howard Gardner
 Daniel Goleman
 Gestalt
 Abraham Maslow (1908-1970)
 Carl Rogers (1902-1987)
 Sosyolohikal
 Paaralan
 Edukasyon
 Layunin ng Edukasyon
 Metodo sa Pagtuturo
 Tungkulin ng Guro
 John Dewey (1859-1952)
 Alvin Toffler

You might also like