You are on page 1of 6

Kasaysayan ng Pambansang Wika

Inihanda ni Joe Anthony Bryan C. Ramos

Panahon ng Katutubo
 Bago pa man matuklasan ng mga Europeo ang Pilipinas, ito ay may sarili ng sibilisasyon.
 May sistemang pampolitika sa anyo ng mga barangay
 May mga konsepto ng mga diyos na sinasamba sa pamamagitan ng paganismo
 May sariling at mga kasangkapan na gamit sa iba’t- ibang gawain
 May ugnayang panlabas
 May panitikan na nagsisilbing tagapag-ingat ng kultura
 Ang tagalog ang itinuturing na pinakamaunlad at nag-aangkin ng pinakamayamang
panitikan (San Juan, 1974).
 Ang tagalog ay kinakikitaan ng impluwensyang Tsino, Arabe at Sanskrit bunsod marahil sa
pakikipag-ugnayan ng ating mga ninuno sa mga lahing nagsasalita ng mga ito. Ang salitang
dayunan na am, ate, batutay, buwisit at hikaw ay mula sa Tsino; hukom at sulat sa Arabe; at
basa, kati, at dusa mula sa Sankrit.
 Baybayin- ang tawag sa sinaunang alpabeto ng pilipinas at hindi alibata.
 Ang sinaunang Tagalog ay isinulat sa paraang silabiko o patnigan. Mayroon 17 titik: 3
patinig (/a/, /i/ na maaring maging /e/, at /u/ na maari ring maging /o/) at 14 na katinig (/ba/,
/ka/, /da/, /ga/, /nga/, /ha/, /la/, /ma/, /na/, /pa/, /sa/, /ta/, /wa/ at /ya/).

Panahaon ng Espanyol (Relihiyon: Kristyanismo)


 Pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang isa sa naging layunin ng pananakop ng mga Kastila.
 Nagkaroon ng suliranin hinggil sa komunikasyon sapagitan ng mga Kastila at Katutubong
Pilipino.
 Nagtatag ang Hari ng Espanya ng mga paaralang magtuturo ng wikang Kastila sa mga
Pilipino ngunit ito ay tinutulan ng mga prayle.
 Ang mga misyonerong Kastila mismo ang nag-aral ng mga wikang katutubo.
1. Mas madaling matutuhan ang wika ng isang rehiyon kaysa ituro ito sa lahat ang
Espanyol.
2. Higit na magiging kapani-paniwala at mabisa kung ang isang banyaga ay nagsasalita
ng katutubong wika.
 Ang mga prayle’y nagsulat ng mga diksyunaryo at aklat-panggramatika, katekismo at mga
kumpesyonal para sa mabilis na pagkatuto nila ng katutubong wika
1. Arte y vocabulario tagalo (1582) ni Padre Juan de Plasencia, isang Pransiskano.
Pinayaggan maging aklat sa gramtika ng Sinodo del Obispos sa Maynila. Nagbigay ng
hustong kaalaman tungkol sa tagalog.
2. Arte y reglas de la lengua tagala (1610) na isinulat ni Padre Francisco de San Jose na
kilala ring Padre Blancas de San Jose, isang Dominikano. Inilimbag ni Tomas Pinpin,
unang Pilipinong tagalimbag. Itinuring na pinakakomprehensibong kodipikasyon o resulta
ng sistematikong pagsasaayos ng wikang Tagalog.
3. Vocabulario de lengua tagala (1613) ni Padre Pedro de San Buenaventura, isang
Agustino.
4. Arte de la lengua yloca (1627) ni Padre Francisco Lopez, isang Agustino. Unang
gramatika sa wikang Ilocano.
5. Compendio de la arte de la lengua tagala (1703) ni Padre Gaspar de San Agustin,
isang Agustino.
6. Vocabulario de la lengua bisaya (1711) ni Padre Matheo Sanchez, isang Heswita.
7. Arte de la lengua pampanga (1729) at Vocabulario de la lengua pampanga en
romance (1732) ni Padre Diego Bergano, isang Agustino.
8. Arte de la lengua tagala y mannual tagalog (1745) ni Padre Sebastian de Totanes,
isang Pransiskano.
9. Arte de la lengua bicolana (1754) ni Padre Marcos de Lisboa, itinututring itong unang
aklat sa gramatika ng wikang Bikol.

1
10. Vocabulario de la lengua tagala (1860) nina Padre Juan de Noceda at Padre Pedro de
Sanlucar mga Heswita, itinuturing na pinakamahusay na bokabularyong naisulat sa
Panahon ng Espanyol.
11. Ensayo de Gramatica hispano- Tagala (1878) ni Padre Torbio Minguella, isang
Agustino.
12. Gramtica de la lengua de Maguindanao segun se habla en el centro y en la costa
sur de la isla de Mindanao (1892) ni Padre Jacinto Juanmarti, isang Heswita.
13. Arte de la lengua bisaya-hiligayna de la isla de panay (1894) ni Padre Alonso de
Mentrida, isang Agustino.
 Ang Doctrina Cristiana (Doktrinang Kristiyano) ang pinakaunang aklat na naisulat sa
Tagalog, na inakdaan noong 1593. Naisulat ito sa Kastila at Tagalog.
 Naging usapin ang tungkol sa wikang panturong gagamitin sa mga Pilipino.
 Inatas ng Hari na ipagamit ang wikang katutubo sa pagtuturo ng pananampalataya subalit
hindi naman ito nasunod.
 Gobernador Tello – turuan ang mga Indio ng wikang Espanyol
 Carlos I - kailangang maging bilinggwal ang mga Pilipino
- ituro ang doktrinang Kristiyana sa pamamagitan ng wikang Kastila
 Noong Marso 2, 1634, muling inulit ni Haring Felipe IV ang utos tungkol sa pagtuturo ng
wikang Kastila sa lahat ng katutubo.
 Hindi naging matagumpay ang mga kautusang nabanggit kung kaya si Carlos II ay
naglagda ng isang dekrito na inuulit ang mga probisyon sa mga nabanggit na batas.
Nagtakda rin siya ng parusa para sa mga hindi susunod dito.
 Noong Disyembre 29, 1792, nilagdaan ni Carlos IV ang isa pang dekrito na nag-uutos na
gamitin ang wikang Kastila sa mga paaralang itatatag sa lahat ng mga pamayanan ng Indio.
 Sa panahong ito, naging matindi ang damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino. Nagtungo
sila sa ibang bansa upang kumuha ng mga karunungan. (Dr. Jose Rizal, Graciano
Lopez-Jaena, Antonio Luna, Marcelo H. del Pilar).
 Sa panahong ito ay maraming akdang naisulat sa wikang Tagalog. Pawang mga akdang
nagsasaad ng pagiging makabayan, masisidhing damdamin laban sa mga Kastila ang
pangunahing paksa ng kanilang mga isinulat.

Panahon ng Amerikano (Edukasyon)


 Ika-21 ng Disyembre 1898, sa pamamagitan ng Proklamasyong Benevolent Assimilation,
inihayag ni pangulong William Mckinley ang magiging bisa sa Pilipinas ng Kasunduan sa
Espanya.
 Ika-11 ng Abril 1899, nailipat ang pamamahala ng pilipinas sa Estados Unidos
 Komisyong Schurman- komisyong binuo noong ika- 20 ng Enero 1899 na pinamunuan ni
Dr. Jacob Schurman.
 Ayon sa konsultasyon at pag-aaral ng Komisyong Schurman, napag-alaman nito na
higit na pinipili ng mga pinunong Pilipino ang Ingles bilang wikang panturo sa mga
publikong paaralan kaysa mga wikang katutubo o Espanyol.
 Komisyong Taft- nabuo noong ika- 16 ng Marso 1900 na pinanungkulan ni William Howard
Taft.
 Gamitin ang Ingles bilang midyum ng komunikasyon sa Pilipinas.
 Ipinatupad niya ang Batas Blg. 74 noong ika-21 ng Enero 1901 (Department of Public
Instruction) na mangangasiwa ng libreng pampublikong edukasyon sa bansa. Itinatakda
rin nito na hanggat maari ay Ingles ang gagamiting wikang panturo sa lahat ng
paaaralang bayan.
 Kap. Albert Todd- Pansamantalang tagapamuno ng pagtuturong Publiko sa ilalim ng
Pamahalaang Militar. Iminungkahi niya na dapat magpadala ang ang Estados Unidos
ng sapat na guro sa Pilipinas at mag magtayo ng isang paaralang normal na huhubog
ng mga pilipino na magiging guro ng Ingles.
 Bilang tugon sa rekomendasyon ni Todd, nagpadala nag Estados Unidos ng mahigit na
500 Thomasites (gurong lulaan ng United States Army Transfort). Sinupurtahan pa ito

2
ng higit na pagpapatayo ng paaralang pambayan, pagdaragdag ng pasalidad
pampaaralan at pag-aangkat ng mga materyales na panturo mula sa Estados Unidos
na pawang nagpapatatag sa pagtuturo ng/sa Ingles.
 Newton W. Gilbert- Pansamantalang gobernor- heneral ng pilipipinas noong 1913. Upang
lalong mapilitan ang mga Pilipinong mag-aaral ng Ingles, nag patupad siya ng isang
kautusang tagapagpaganap. Ayon sa kanyang kautusan:
 Ang mga katitikan mg mga pulong ng mga sangguniang pambayan at panlalawigan ay
dapat nakasulat sa Ingles
 Ang lahat ng opisyal na korespondensiya sa mga naglilingkod man sa pamahalaan o
mga pribadong indibidwal ay dapat nakasulat sa Ingles.
 Uunahing itaas ang ranggo ng mga taong may sapat na kasanayan sa Ingles, parehong
sa pasalita at pasulat na kumunikasyon.
 Henry Jones Ford- Itinalaga noon ni Pangulong Woodrow Wilson ng Estados Unidos para
sa isang misyong pag-aralan ang kalagayan ng Pilipinas. Ayon sa kanya walang malinaw na
na resulta ang puspusang pagtuturo ng Ingles. Sa huli, inirekomenda ni Ford ang paggamit
ng wikang katutubo sa paaralan.

Panahon ng Komonwelt
 Batas Tydings Mcduffie- nailimbag noong ika- 24 Marso 1934. Kilala sa tawag na
Philippines Independent Act., na binuo nila Sen. Millard Tyding at John Mc Duffie.
 Isinasaad nito na pagkatapos ng 10 taon ng pag-aproba dito ay lilisanin na ng Estados
Unidos ang pamamahala nito sa mga halal na opisyal ng bayan at tatawagin itong
Pamahalaang Komonwelt.
 Ayon sa Seksiyon 2(a)(8) ng Batas Tydings-McDuffie “Provision shall be made for the
establishment and maintenance of an adequate system of public schools, primarily
conducted in the English language.
 Nagkaroon ng mainit na usapin tungkol sa probisyong ito dahil isinara nito ang usapin
patungkol sa patakarang pangwika. Dahil dito nagkaroon ng malakas na argumento
tungkol sa paggamit ng unang wika bilang wikang panturo. Ngunit nagdesisyon na ang
mga nakatataas na Ingles ang gagamitin at wala ng iba pa. Gayumpaman, idinaan ito
sa isang debate na pumapatungkol sa pagpili ng pambansang wika.
 Argumentong Pabor sa Paggamit ng Ingles:
 Kung ang wika ay gagamitin sa pagtuturo mahihirapan ang mga estudyante sa
iba't- ibang lalawigan.
 Rehiyonalismo sa halip na nasyonalismo.
 Malaki ang pinuhunan sa pagtuturo ng Ingles.
 Ingles- susi sa pagkakaisa.
 Tungo sa globalisayon.
 Advance sa katawagang pang-agham at pansining.
 Matagal pero hindi dapat kainipan ang pag-aaral ng Ingles.
 Argumentong Pabor sa Katutubong Wika:
 Sayang ang pera at panahon sa pag-aaral ng Ingles dahil pagtungtong ng mga
mag-aaral sa ika-5 baitang ay huminto na sa pag-aaral.
 Mas madaling ituro ang katutubong wika dahil nasa kamalayan na ito ng bata.
 1 porsyento lang ang ang gumagamit ng Ingles sa kanilang tahanan.
 Kapakipakinabang lang ang Ingles kapag tumuntong lang sila sa kolehiyo.
 Mas makatutulong ang ang Tagalog sa araw- araw na realidad.
 Matapos mapakinggan ang opinyon ng bawat panig ay naisatitik ang Saligang Batas ng
1935 sa Artikulo XIV, seksiyon 3 na nagsasaad na:
 Panatilihin ang Ingles at Espanyol bilang wikang opisyal.
 Ibatay ang Pambansang Wika sa isa sa mga katutubong Wika.
 Ika- 13 ng ng Nombyembre 1936 ng Batas Komonwelt Blg, 184 na pinamagatang “An act
to establish a National Language Institute (Surian ng Wikang Pambansa) and define its
Power and Duties”.

3
 Layunin ng SWP na pag-aralan ang mga wika sa pilipinas upang matukoy mula sa mga
ito ang pauunlarin at kikilalanin bilang pambansang wika.
 Ika- 30 ng Disyembre 1937- Blg. 134 s. 1937 inirekomenda na gawin ang tagalog bilang
batayan ng Pambansang Wika ng SWP.
 Ika- 30 ng Disyembre 1939- naging epektibo ang Batas Blg. 134 s. 1937
 Ika-11 ng Abril 1940- pinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 s. 1940, inatas
ang paglilimag ng dalawang publikasyon na nagsisilibing kodipikasyon ng wikang pambansa
--- ang A Tagalog- English Vocabulary at Ang Balarila ng Wikang Pambansa
 Ang Balarila ng Wikang Pambansa- binuo ni Lope K. Santos, ang Abakada (15 katinig at
5 panitig) na may 20 letra (a b k d e g h i l m n ng o p r s t u w y).
 Ika- 19 ng Hunyo 1940- iniatas na ituro ang pambansang wika sa lahat ng paaralang
pribado at pangpupliko.

Panahon ng Hapones
 ika- 2 ng Enero 1942- tuluyan nang nasakop ng Hapon ang Maynila at inilagay sa
Imperyong Hapones.
 Ika- 14 1942 ng Oktubre- pinasiyahan ang Ikalawang Republiko ng Pilipinas, itinuturing ito
bilang isang gobyernong papet na itinatag ng mga Hapones na ang pangulo ay si Jose P.
Laurel.
 Ang Greater East Asia Co-Prosperity Sphere- isang ideolohiyang naglalayong gawing
nakapagsasariling rehiyon ang silangang asya, nagtatamasa ng pantay na kasaganaan, at
malaya sa anumang impluwensya ng Amerika at Europa.
 Ayon sa Ordinansa Militar Blg. 13 na ipinalabas noong Hulyo 1942 ng Philippines
Executive Commission na pinamunuuan ni Jorge B. Bargas, ang Tagalog at Nippongo ang
magiging opisyal na wika sa Pilipinas.
 Ayon sa Artikulo IX, Seksiyon 2, “dapat magsagawa ng mga hakbang ang pamahalaan
tungo sa pagpapaunlad at pagpapalaganap ng Tagalog bilang pambansang wika”
Sang-ayon ito sa isa mga propaganda ni Pangulong Laurel na “Isang watawat, isang bansa,
isang wika”.
 Pinabuksan noong ika-3 ng Enero 1944 ang isang Surian ng Tagalog, upang ituro ang
Tagalog sa gurong di- Tagalog na pagkaraan ay ipadadala sa mga lalawigan upang magturo
ng pambansa wikang.

Panahon ng Ikatlong Republika hanggang Kasalukuyang Panahon


 1946 (Hulyo 5) – ideneklara ang kalayaan ng pilipinas mula sa Amerika. Isinilang ang
ikatlong Republika ng Pilipinas na tumapos sa 48 taong (1898- 1946) pamamahala ng
Estados Unidos.
 1954 (Marso 26) – Ipinalabas ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 12,
serye ng 1954 , na nag-aatas ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula ika-29
ng Marso hanggang ika- 4 ng Abril taon- taon bilang paggunita sa kaarawan ni Fransisco
Balagtas.
 1955 (Setyembre 23) ipinalabas ni Pangulong Magsaysay ang Proklamasyon Blg 186, s.
1955 na sa pamamagitan nito’y inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang
Pambansa taon- taon simula sa ika -13 hanggang ika– 19 ng Agosto. Nakapaloob sa
panahong saklaw ang pagdiriwang ng kaarawan ni Quezon ( Agosto 19).
 1959 (Agosto 13) – Pinalalabas ng Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon
ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, s. 1959 na nagsasaad na kailan ma’y tutukuyin ang
Wikang Pambansa , ang salitang PILIPINO ay siyang gagamitin.
 1963 (Disyembre 1963) Pinatupad ni Pangulong Diosdado Macapagal na nagtatakda ng
pag-awit ng pambansang wika ng pilipinas sa Pilipino sa alin mang pagkakataon sa loob o
labas ng bansa
 1967 (Oktubre 24) – naglagda ang pangulong Marcos ng isang Kautasang
Tagapagpaganap Blg. 96, na nagtatahadhanang ang lahat ng gusali, edipisyo at tanggapan
ng pamamahala ay papangalanan na sa Pilipino.

4
 1968 (Marso 27) – Pinalabas ng Kalihim Tagapagpaganap Rafael M. Salas ang
Memorandum Sirkular Blg. 172 na nagbibigay – diin sa pagpapairal ng Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 96 , at bilang karagdagan ay iniaatas din na ang mga letterhead ng
mga kagawaran , tanggapan at mga sangay ng pamahalaan ay nararapat na nasusulat sa
Pilipino , kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles. Iniatas din na ang pormularyo ng
panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at empleyado ng pamahalaan ay sa Pilipino
gagawin.
 1968 (Agosto 5) – pinalabas ang Memorandum Sirkular Blg. 199 na nilagdaan ni Kalihim
Tagapagpaganap Rafael M. Salas na nananawagan sa mga pinuno at empleyado ng
pamahalaan na dumalo sa mga seminar sa Pilipino na idinaros ng Surian ng Wikang
Pambansa sa lahat ng purok pangwika.
 1969 ( Agosto 6 ) – Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 ay nilagdaan ng Pangulo na
nag- aatas sa lahat ng kagawaran kawanihan , tanggapan at iba pang sangay ng
pamahalaan na gamitin ang wikang Pilipino hanggat maaari sa Linggo ng Wikang
Pambansa at pagkaraan nito , sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksyon ng
pamahalaan.
 1969 ( Agosto 7 ) – Ang Memorandum Blg. 277 ay pinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap
Ernesto M. Maceda, na nagpapahintulot sa Surian ng Wikang Pambansa na ipagpatuloy
ang pagsasagawa ng seminar tungkol sa Pilipino sa mga lalawigan, lungsod sa bansa,
maging sa iba’t- ibang tanggapan at ahensiya ng pamahalaan, upang paigtingin ang
kamalayang maka-Pilipino ng mamamayan.
 1970 ( Agosto 17) – pinalabas ni kalihim tagapagpagaanap Alejandro Melchor ang
Memorandum Sirkular blg. 384 na nagtatalaga ng mga may kakayahang tauhan upang
mamahala ng lahat ng komunikasyon sa wikang Pilipino sa lahat ng departamento,
kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan, at korporasyong ari o kontrolado
ng pamahalaan.
 1970 (Hulyo 2)- lahat ng pinuno ng mga kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang
sangay ng pamahalan, at lokal, sampu ng mga korporasyong pag-aari o kontrolado ng
pamahalaang pambansa ay magdaos ng palutuntunan sa Pilipino kahit 30 minuto lamang
sa alinmang araw sa Linggo ng Wikang Pambansa.
 Kautusang Tagapagpaganap Blg, s. 1971- ipinalabas ni Pangulong Marcos noong ika-16
ng Marso 1971 na bumago sa komposisyon ng SWP at niliwanag ang kanyang mga
kapangyarihan at tungkulin. (1) Magpatupad ng mga bagong kinakailangang alituntunin at
regulasyong magpapalawak o magpapalakas sa Pambansang Wika, (2) I- update ang
balarila ng Pambansang Wika, (3) Bumalangkas ng diksiyonaryo, ensiklopedya, o anumang
kagamitang pang lingguwistiko, (4) Pag-aralan ang isyu tungkol sa Pambansang Wika at, (5)
Bumalangkas ng mga polisiya sa malawakang paglilimbag ng mga aklat at mga babasahin
tungkol sa Pambansang Wika.
 Kautusang Pangkagawaran Blg 117, s. 1987 ng DECS- na ipinalabas noong Ika- 30 ng
Enero 1987 ni Pang. Corazon Aquino na nagsasabing kikilalanin ang SWP bilang Linangan
ng mga Wika sa Pilipinas (LWP).
 Kautusang Pangkagawaran Blg 22, s. 1987 ng DECS- Kikilalanin ang Pambansang Wika
bilang “FILIPINO”.
 1987 ( Pebrero 2) – Pinagtibay ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas. Sa Artikulo XV ,
seksyon 6-9 , nasasaad ang sumusunod :
Sek. 6 . Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang , ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang- ayon sa nararapat na maaaring ipasya
ng kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at
puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at
bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang- edukasyon.
Sek. 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo , ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at hanggat walang ibang itinatadhana ang batas , Ingles.

5
 Kautusang Pangkagawaran Blg 81, s. 1987 ng DECS- na ipinalabas ni Kalihim
Quisumbing noong Ika- 30 ng Enero 1987. Ito ay bilang pagkilala sa “Alpabeto at Patnubay
sa Ispeling ng Wikang Filipino” na binuo ng LWP. Ayon sa dokumento, ang alpabetong
Filipono ay binubuo ng 28 titik na ganito ang ayos: A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, Ň,
NG, O, P, Q, R, S, T, U ,V, W, X ,Y, Z.
 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335, s. 1988- na ipinalabas noong ika- 25 ng Agosto
1988 ni Pang. Corazon Aquino na nag- aatas sa lahat ng kagawaran , kawanihan
tanggapan , ahensya , instrumentaliti ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang para
sa layuning magamit ang wikang Filipino sa mga opisyal na transaksyon, komunikasyon at
korespendensya.
 Batas Republika Blg. 7104- ipinasa noong ika- 14 ng Agosto 1991 na lumilikha sa
Komisyon ng Wikang Filipino (KWF). May atas ang Komisyon na magsagawa,
mag-ugnay at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at
preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika ng Pilipinas.
 Proklamasyon Blg. 10, s. 1997- ipinalabas ni Fidel Ramos noong Ika- 15 ng Hulyo 1997 na
nagg papahayag ng taunang pagdiriwang ng Buwan ng Pambansang Wika tuwing Agosto.
Ito ay pagbibigay pugay pa rin sa kinikilalang “Ama ng Wikang Pambansa” na si Manuel L.
Quezon.
 Kautusang Pangkagawaran Blg. 45, s. 2001 ng DECS- nagpapakilala sa 2001 Revisyon
ng Alfabetong Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino. Sa rebisyong ito, sinasabi
na pinaluwag ang paggamit ng mga letrang C F J Ň Q V X Z.
 Kautusang Pangkagawaran Blg. 42, s. 2006 ng DECS- ipinatigil ang implementasyon ng
2001 Revisyon ng Alfabetong Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino dahil sa
naging negatibong feedback mula sa mga guro, estudyante, magulang at iba pang
tagagamit ng wika.
 Kautusang Pangkagawaran Blg. 34, s. 2013 ng DepEd- pinalabas noong ika-14 ng
Agosto 2013 na nagpapakilala sa Ortograpiyang Pilipino, ang binagong gabay sa
ortograpiyang wikang Filipino na binuo ng KWF makaraan ang masusing pag-aaral ng mga
nagdaang ortograpiya ng Pambansang Wika.
 Resolusyon Blg. 13- 19, s. 2013 ng KWF- ipinalabas noong ika-12 ng Abril 2013 ni
Tagapangulo Virgilo S. Almarion na nag-uutos nang pagbabalik ng opisyal na ispeling ng
bansa sa “Pilipinas” tungong “Filipinas”.

Sanggunian:
Reyes, Alvin Ringgo.“Komunikasyon at Pananaliksisik sa Wika at Kulturang Pilipinino”. Makati
City: Diwa Learning System Inc., 2016.- Alinsunod sa K-12 Kurikulum ng Batayang Edukasyon.

You might also like