You are on page 1of 22

San Pablo Dicesan Catholic Schools System

Diocese of San Pablo


Liceo de San Pablo
M. Paulino St., San Pablo City
Tel. No. (049) 562-3808

1|P a g e
Senior High School Department At Home Ako sa Liceo
Quarter 1/Day 6-7
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
(Panahon ng Espanyol at Rebolusyong Pilipino)
Senior High School (Core Subject)
Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural,
kasaysayan, at gamit ng wika sa lipunang Pilipino.
Pamantayan sa Pagganap: Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam
tungkol sa aspektong kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad
Most Essential Learning Competency: Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari /
kaganapan tungo sa pagkabuo at pag-unlad ng Wikang Pambansa

Mga Kasanayang Pampagkatuto:


Sa katapusan ng aralin, inaasahang ang mag-aaral ay:
 Nasusuri ang mga pananaw ng iba’t ibang awtor sa isinulat na kasaysayan ng
wika
 Nakapagbibigay ng opinyon o pananaw kaugnay sa mga napakinggang
pagtalakay sa wikang pambansa
 Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-
unlad ng wikang pambansa

SIMULAN NATIN
Panahon ng mga Espanyol
 Dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas noong 1521.
 Ang layunin nila’y hindi lamang paghahanap ng kayamanan at pananakop bagkus
mapalaganap ang kristiyanismo sa mga unang Pilipino.
 Ginamit ng mga Espanyol sa panulat ang alpabetong Romano bilang kapalit ng
baybayin.
 Ang mga misyonerong paring Dominiko naman ay nagdala ng limbagan at ginamit nila
ito sa paglilimbag ng mga aklat at polyeto tungkol sa wika at sa relihiyon.
 Inatasan ng mga pinuno sa Espanya na ituro ang Espanyol sa mga Kolonya nito dahil
batid nila ang kahalagahan ng kaalaman sa wikang para sa mabisang pagtuturo ng
relihiyon.
 Noong 1950, mayroon nang dekring inilabas na nagsasaad na dapat magtatag ng mga
paaralan para sa pagtuturo ng Espanyol sa mga Pilipino bagaman hindi ito natupad.
 Ang mga ordinansa noong 1642 at 1752 ay nagbigay-diin sa pagtatag ng mga paaralan
sa iba’t ibang distrito upang maturuan ng Espanyol ang mga katutubo ngunit hindi rin
natupad.

2|P a g e
Senior High School Department At Home Ako sa Liceo
 Noong 1863 si Jose dela Concha, ang kolonyal na ministro sa Espanya, ay
nagmungkahi sa reyna ng isang dekri sa pagtatatag ng sistemang edukasyong
pangkalahatan sa Pilipinas.
 Upang mas maging epektibo ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo, ang mga
misyonerong Espanyol mismo ang nag-aral ng mga wikang katutubo.
 Nagmungkahi si Gobernador Tello na turuan ang mga Indio ng wikang Espanyol.
 Sina Carlos I at Felipe II ay naniniwalang kailangang maging bilingguwal ng mga
Pilipino.
 Iminungkahi ni Carlos I ang Doctrina Christiana gamit ang wikang Espanyol.
 Napalapit ang mga katutubo sa prayle dahil sa wikang katutubo ang ginamit nila
samantalang napalayo naman sa pamahalaan dahil sa wikang Espanyol ang gamit nila.
 Inulit ni Haring Felipe II ang utos ukol sa pagtuturo ng wikang Espanyol sa lahat ng
katutubo noong ika-2 ng Marso, 1634.
 Mababatid sa parte ng kasaysayang ito na nanganib ang wikang katutubo.
 Sa panahong ito nagkawatak-watak ang mga Pilipino.

Panahon ng Propaganda/ Rebolusyong Pilipino


 Ang katutubong panitikan ng mga Pilipino ay nabihisan ng kulturang Espanyol at
paksaing panrelihiyon.
 Sa panahong ito maraming mga Pilipino ang nagkaroon ng matinding damdaming
nasyonalismo.
 Ang tatlong paring sina Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora ay
pinabitay ng mga Espanyol sa pamamagitan ng garrote sa salang pamumuno sa
rebolusyon at paglabag sa batas ng mga Espanyol.
 Sumiklab ang political at literaturang paghihimagsik ng mga Pilipino at tuluyang
tinuligsa ang mga Espanyol mula sa mga panrelihiyong akda tungo sa
pantanghalang panitikan.
 Ang mga Pilipinong mulat sa katotohanan ay hindi matanggap ang kawalan ng
karapatan at kalayaan ng kanyang mga kalahi.
 Sa panahong ito ay maraming akdang naisulat sa wikang Tagalog.
 Pawang mga akdang nagsasaad ng pagiging makabayan, masidhing damdamin
laban sa mga Espanyol, paghahantad ng mga makabuluhang impormasyon at
malubhang kalagayan ng mga Pilipino sa sariling bansa ang pangunahing paksa na
isinulat.
 Itinatag ni Andres Bonifacio ang Katipunan.
 Ang wikang Tagalog ang ginamit sa kanilang mga kautusan at pahayagan.
 Ito ang sinasabing unang hakbang tungo sa pagtataguyod ng wikang Tagalog.

3|P a g e
Senior High School Department At Home Ako sa Liceo
 Ginawang opisyal na wika ang Tagalog bagama’t walang isinasaad na ito ang
magiging wikang pambansa ng Republika.

Quarter 1/Day 8
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
(Panahon ng Amerikano at Hapones)
Senior High School (Core Subject)
Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural,
kasaysayan, at gamit ng wika sa lipunang Pilipino.
Pamantayan sa Pagganap: Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam
tungkol sa aspektong kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad
Most Essential Learning Competency: Nakapagbibigay ng opinyon o pananaw kaugnay sa
mga napakinggang pagtalakay sa Wikang Pambansa
Mga Kasanayang Pampagkatuto:
Sa katapusan ng aralin, inaasahang ang mag-aaral ay:
 Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari tungo sa pagkabuo at pag-unlad
ng wikang pambansa.
 Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-
unlad ng wikang pambansa.

SIMULAN NATIN
Panahon ng Amerikano
 Itinatag ng mga Amerikano ang mga pampublikong paaralan at ginamit nila ang
Ingles bilang wikang panturo nang dumating sila sa Pilipinas noong 1898.
 Noong 1901, sa pagrekomenda ng General Superintendent, ipinasa ng
Philippine Commission ang Act no. 74 at inilagay lahat ng paaralang natatag na
sa pangangasiwa ng Department of Public Schools at ginawa ang Ingles bilang
tanging wikang panturo.
 Tiniyak ng mga Pilipinong lider sa Estados Unidos na mananatiling mahalaga
ang Ingles sa paaralang pampubliko kahit na magkaroon ng pagbabago ang
politikal na kalagayan ng bansa.
 Pagkatapos magawa ang educationa survey noong 1925, nagkaroon ng
alinlangan tungkol sa bisa ng wikang Ingles kaya pinasa ng gobyerno ang
Concurrent Resolution No. 17- inulit dito ang suportang ibinigay sa mga
paaralang pampubliko para mapadali ang pagtatatag ng isang baying
nagsasariling namamahala, malaya at demokratiko at nakasalalay sa mga
mamamayang nakapag-aral at napakikinabangan.
 Ang pag-aproba ng Tydings-McDuffie Law na nagtatakda ng petsa ng kalayaan
ng Pilipinas ay nagpatahimik ng pag-alala ng mga Pilipinong politikal na lider.

4|P a g e
Senior High School Department At Home Ako sa Liceo
 Noong itinatag ang Commonwealth Constitution, walang indikasyon sa
Constitutional Convention na gawin ang Ingles bilang wikang pambansa.

 Itinakda ang isang probisyon para sa pagdebelop ng isang wikang pambansa


batay sa isa sa mga umiiral na mga katutubong wika.
 Binanggit ang Ingles, kaugnay ng paggamit nito, bilang isa sa mga opisyal na
wika.
 Noong Disyembre 1937, prinoklama ang wikang pambansa na batay sa
Tagalog at itinuro ito sa mga paaralan mula noong 1940.
 Samantala ang wikang Espanyol ay tuluyang nanamlay sa pagpasok ng mga
bagong opisyal na wika, ang Ingles at Filipino.
 Noong nagkaroon ng Kumbensiyong Konstitusyonal, naging paksa ang pagpili
ng wikang pambansa.
 Iminungkahi ni Lope K. Santos na isa sa mga wikang ginagamit ang nararapat
na maging wikang pambansa.
 Ang panukala na ito ay sinusugan ni Pangulong Manuel L. Quezon na siyang
pangulo ng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas na nakasaad sa probisyong
pangwika ng Artikulo XIV Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng 1935.
 Nilikha ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na nagsasaad
ng opisyal na paglikha sa Surian ng Wikang Pambansa noong ika-13 ng
Nobyembre, 1936.
 Ang tungkulin nito ay magsagawa ng pananaliksik, gabay alituntuning magiging
batayan sa pagpili ng wikang pambansa ng Pilipinas.
 Napili ang Tagalog bilang batayan ng wikang tatawaging Wikang Pambansa.
 Ipinalabas ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nag-
aatas na Tagalog ang magiging batayan ng wikang gagamitin sa pagbuo ng wikang
pambansa.

Panahon ng mga Hapones


 Napansin ang pagtuturo ng wikang pambansa ngunit pagkaraan ng Hulyo 4, 1946
noong nagkaroon tayo ng kalayaan, ang suliranin tungkol sa paggamit ng wikang
pambansa at wikang Ingles ay hindi na gaanong pinansin dahil sa mga suliranin pang-
ekonomiya na dapat munang asikasuhin ng pamahalaan lalo na at katatapos lamang
ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
 Sa pagnanais na burahin ang anumang impluwensiya ng mga Amerikano, ipinagbawal
ang paggamit ng Ingles sa anumang aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino.
 Maging ang paggamit ng lahat ng mga aklat, peryodiko tungkol sa Amerika ay
ipinagbawal din.

5|P a g e
Senior High School Department At Home Ako sa Liceo
 Ipinagamit ang katutubong wika, partikular na ang Tagalog sa pagsulat ng mga akdang
pampanitikan.
 Nagsara ang mga palimbagan maging Ingles at Tagalog .Subalit pagkalipas ng ilang
buwan, pagkatapos pumasok ng mga Hapones, pinahintulutan ding buksang muli ang

lingguhang magasing Liwayway sa pangangasiwa ni Kin-chi Ishikawa, isang Hapones na


may malawak na kabatiran sa layunin at tunguhin sa panitikan.
 Ito ang panahong namayagpag ang panitikang Tagalog.
 Sa panahong ito ipinatupad nila ang Ordinansa Militar Blg. 13 na nag-uutos nagawing
opisyal na wika ang Tagalog at ang wikang Hapones (Nihonggo)
 Itinatag ang Philippine Executive Commission na pinamunuan ni Jorge Vargas
upang itaguyod ang patakarang militar ng mga Hapones pati ang propagandang
pangkultura.
 Itinuro ang wikang Nihonggo sa lahat, ngunit binigyang diin ang paggamit ng Tagalog
upang maalis na ang paggamit ng wikang Ingles.
 Sa panahong ito ay isinilang ang KALIBAPI o Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong
Pilipinas.
 Si Benigno Aquino ang nahirang na direktor nito.
 Pangunahing proyekto ng kapisanan ang pagpapalaganap ng wikang Pilipino sa
buong kapuluan.
 Naging masigla ang talakayan tungkol sa wika.
 May tatlong namayagpag sa usaping pangwika. Ito ang pangkat ni Carlos Ronquillo,
pangkat ni Lope K. Santos at pangkat nina N. Sevilla at. G.E. Tolentino.
 Sa pagnanais ng mga Hapones na itaguyod ang Wikang Pambansa ay binuhay ang
Surian ng Wikang Pambansa.
 Si Jose Villa Panganiban ay nagturo ng Tagalog sa mga Hapones at di Tagalog.
 Para sa ikatututo ng kanyang mga mag-aaral ay gumawa siya ng kanyang
tinatawag na “A Shortcut to the National Language”. Iba’t ibang pormularyo
ang kanyang ginawa upang lubos na matutuhan ang wika.
 Napilitan ang mga bihasa sa wikang Ingles na matuto ng Tagalog at sumulat gamit ang
wikang ito.
 Umunlad ang wikang Tagalog sa panahong ito dahil napilitan ang mga manunulat lalo
na iyong mga nagsusulat dati sa Ingles, na magsulat sa Tagalog dahil nga ipinagbawal
ng mga Hapones ang paggamit ng wikang Ingles.

6|P a g e
Senior High School Department At Home Ako sa Liceo
Quarter 1/Day 9-10
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
(Panahon ng Pagsasarili hanggang Panahon ng Kasalukuyan)

Senior High School (Core Subject)


Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural,
kasaysayan, at gamit ng wika sa lipunang Pilipino.
Pamantayan sa Pagganap: Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam
tungkol sa aspektong kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad
Most Essential Learning Competency: Nakasusulat ng sanaysay na tumatalunton sa isang
partikular na yugto ng kasaysayan ng Wikang Pambansa
Mga Kasanayang Pampagkatuto:
Sa katapusan ng aralin, inaasahang ang mag-aaral ay:
 Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari tungo sa pagkabuo at pag-unlad
ng wikang pambansa.
 Nakapagbibigay ng opinyon o pananaw kaugnay sa napakinggang pagtalakay sa
wikang pambansa.
 Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa
pag-unlad ng wikang pambansa.

SIMULAN NATIN
Panahon ng Pagsasarili Hanggang sa Kasalukuyan
 Ito ang panahon ng liberasyon hanggang sa tayo ay magsarili simula noong
Hulyo 4, 1946.
 Pinagtibay rin na ang wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng
Batas Komonwelt Bilang 570.
 Ito ang panahon ng pagbangon sa mga nasalanta sa digmaan.
 Maraming mga banyagang kapitalista na karamiha’y Amerikano, ang dumagsa
sa ating bansa.
 Nakaapekto ito sa sistema ng edukasyong tumutugon sa pangangailangan ng
mga korporasyon at kompanya.
 Ito ang naging sanhi ng pagkabantulot sa pagsulong, pag-unlad at paggamit ng
wikang pambansa.

7|P a g e
Senior High School Department At Home Ako sa Liceo
 Noong Agosto 13, 1959 ay pinalitan ang tawag sa wikang pambansa. Mula
Tagalog, ito ay naging Pilipino sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7
na ipinalabas ni Jose B. Romero, ang dating Kalihim ng Edukasyon.

 Nilagdaan naman ni Kalihim Alejandro Roces at nag-utos na simulan ang


taong-aralan 1963-1964 na ang mga sertipiko at diploma sa pagtatapos ay
ipalimbag sa wikang Pilipino.
 Noong 1963, ipinag-utos na awitin ang Pambansang Awit sa titik nitong
Pilipino. Ito ay batay sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60 s. 1963 na
nilagdaan ni Pangulong Diosdado Macapagal
 Nang umupo naman si Ferdinand Marcos bilang pangulo ng Pilipinas, iniutos
niya, sa bisa ng Kautusang Tagapagpagganap Blg. 96 s. 1967 na ang lahat
ng edipisyo, gusali at tanggapan ay pangalanan sa Pilipino.
 Nilagdaan ni Kalihim Rafael Salas ang Memorandum Sirkular Blg. 172 (1968)
na nag-uutos na ang mga ulong-liham ng mga tanggapan ng pamahalaan ay
isulat sa Pilipino
 Ipinag-utos din na ang pormularyo sa panunumpa sa tungkulin ng mga
pinuno at kawani ng pamahalaan ay sa Pilipino gagawin.
 Ang Memorandum Sirkular Blg. 199 (1968) ay nagtagubilin sa lahat ng
kawani ng pamahalaang dumalo sa mga seminar sa Pilipinong
pangungunahan ng Surian ng Wikang Pambansa sa iba’t ibang purok
lingguwistika ng kapuluan.
 Noong 1969 nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 187 na nag-uutos sa lahat ng kagawaran, kawanihan,
tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na gamiting wikang Pilipino
hangga’t maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan naman ay sa
lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksiyon.
 Noong Hunyo 19, 1974 ang Kagawaran ng Edukasyon at Kultura sa
pamumuno ni Kalihim Juan L. Manuel ay nagpalabas ng Kautusang
Pangkagawaran Blg. 25 s. 1974 ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng
Patakarang Edukasyong Bilingguwal.
 Sa Saligang Batas 1987 ay nilinaw ang mga kailangang gawin upang
maitaguyod ang wikang Filipino.
 Sinasabing sa termino ni Pangulong Aquino isinulong ang paggamit ng
wikang Filipino.

Iba Pang Mahalagang Datos sa Pag-unlad ng Wikang Filipino

8|P a g e
Senior High School Department At Home Ako sa Liceo
 Nilikha ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184- opisyal na paglikha ng
Surian ng Wikang Pambansa (SWP) noong ika-13 ng Nobyembre 1936.
 Ang tungkulin ng SWP ay magsagawa ng pananaliksik, gabay at alituntunin na
magiging batayan sa pagoili ng wikang pambansa ng Pilipinas.
 Si Jaime C. de Veyra ang naging tagapangulo ng komite.
 Napili nila ang Tagalog bilang batayan ng wikang tatawaging wikang pambansa.

Ilang dahilan kung bakit Tagalog ang napiling batayang wika:


1. Mas marami ang nakapagsasalita at nakauunawa ng Tagalog kompara sa ibang
wika.
2. Mas medaling matutuhan ang Tagalog kompara sa ibang wikain sapagkat sa wikang
ito, kung ano ang bigkas ay siyang sulat
3. Tagalog ang ginagamit sa Maynila at ang Maynila ang sentro ng kalakalan sa
Pilipinas.
4. Ang wikang Tagalog ay may historical na batayan sapagkat ito ang wikang
ginagamit sa himagsikan na pinamunuan ni Andres Bonifacio.
5. Ang wikang Tagalog ay may historical na batayan sapagkat ito ang wikang ginamit
sa himagsikan na pinamunuan ni Andres Bonifacio.
6. May mga aklat na panggramatika at diksiyonaryo ang wikang Tagalog.
 Ipinalabas noong 1937 ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg.
134 na nag-aatas na Tagalog ang batayan ng wikang gagamitin sa pagbuo ng wikang
pambansa.
 Dahil sa pagsusumikap ni Pangulong Quezon na magkaroon ng wikang
pagkakakilanlan, hinirang siya “Ama ng Wikang Pambansa”.
 Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 noong Abril 1940 ay nagpapahintulot sa
pagpapalimbag at paglalathala ng Talatinigang Tagalog- Ingles at Balarila sa Wikang
Pambansa. Pinasimulan ang pagtuturo ng wikang pambansa sa mga paaralang
pampubliko at pampribado sa buong bansa.
 Pinagtibay ng Batas Komonwelt Blg. 570 na ang Pambansang Wika ay magiging isa na
sa mga wikang opisyal ng Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1940. Nilagdaan ni Pangulong
Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 12 noong Marso 26, 1954 na
nagpapahayag na ang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa ay magaganap
mula ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril bilang pagbibigay-kahalagahan sa
kaarawan ni Balagtas (Abril 2).
 Nilagdaan ni Pang. Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 186 noong Setyembre 23, 1955
na nag-uutos sa paglilipat ng petsa ng Linggo ng Wika mula ika-13 hanggang 19 ng
Agosto bilang pagbibigay ng halaga sa kaarawan ni Pangulong Quezon (Agosto 19).
 Noong Pebrero 1956, nilagdaan ni Gregorio Hernandez, Direktor ng Paaralang Bayan
ang Sirkular 21 na nag-uutos na ituro at awitin ang Pambansang Awit sa mga paaralan.

9|P a g e
Senior High School Department At Home Ako sa Liceo
 Nagpalabas si Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran Ng Edukasyon ng Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7 noong Agosto 13, 1959 na nagsasaad na kailanma’t tutukuyin
ang Wikang Pambansa, ang salitang Pilipino ang gagamitin.
 Nilagdaan ni Pang. Ferdinand Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na
nagtatadhana ng pagsasa-Pilipino ng mga pangalan ng gusali, edipisyo at tanggapan
ng pamahalaan noong Oktubre 24, 1967.

 Memorandum Sirkular Blg. 488 noong Hulyo 29, 1972 na humihiling sa lahat ng
tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng Linggo ng Wika.
 Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV, Seksyon 2 at 3-“ Ang Batasang Pambansa ay
magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng
pambansang wikang Pilipino at hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at
Pilipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas”.
 Hunyo 21, 1978, nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at Kultura, Juan Manuel ang
Kautusang Pangministri Blg. 22 na nag-uutos na isama ang Pilipino sa lahat ng
kurikulum ng pandalubhasang antas.
 Malinaw na nasasaad sa Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, ang pagkakaroon ng
Wikang Pambansa ng Pilipinas:
a. Sek. 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
b. Sek. 7.Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opsiyal
ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang ibang itinatadhana ng batas, Ingles.
c. Sek. 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin
sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Espanyol.
d. Sek. 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na
binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na
magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba
pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.

(Upang lubos na maunawaan ang paksang tinalakay panoorin ang bidyo na ito: para sa online
distance learning i-click ang link na ito https://www.youtube.com/watch?v=K4XGvdXzKxw,
(Pambansang Wika: Filipino, Pilipino o baka naman Tagalog?)

Para sa modular distance learning: ang bidyo na papanoorin ay makikita sa inyong


flashdrive (OTG).

10 | P a g e
Senior High School Department At Home Ako sa Liceo
Sanggunian:

Sevillano T. Marquez Jr., PhD.Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino.SIBS Publishing House, Inc., 2017
Alma M.Dayag at Mary Grace G. Del Rosario. Pinagyamang Pluma (Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Phoenix Pu blishing House, Inc., 2017

San Pablo Dicesan Catholic Schools System


Diocese of San Pablo
Liceo de San Pablo
M. Paulino St., San Pablo City
Tel. No. (049) 562-3808

11 | P a g e
Senior High School Department At Home Ako sa Liceo
Quarter 1/Day 6-7

Kasaysayan ng Wikang Pambansa


(Panahon ng Espanyol at Panahon ng Rebolusyong Pilipino)

Pagsasanay 10
Modular Distance Learning: Panoorin ang bidyo ng isang awtor na nagbigay ng
pananaw tungkol sa kasaysayan ng wikang pambansa at pagkatapos ay ilahad ang kanilang
pananaw matapos mong mapanood ang bidyo. Isulat ang iyong kasagutan sa isang short
bond paper at pagkatapos ipapasa ito sa aking itatakdang petsa ng pasahan. (Paalala! Ang
bidyo na inyong papanoorin ay nakalagay sa inyong flashdrive (USB) na ibibigay ng guro ang
pagtalakay sa aralin.)
Online Distance Learning: Panoorin ang bidyo ng isang awtor na nagbigay ng pananaw
tungkol sa kasaysayan ng wikang pambansa at pagkatapos ay ikahad ang kanilang naging
pananaw matapos mong mapanood ito.Isulat ang sagot sa short bond paper na gagawin sa
Microsoft Word.(Ipapasa ang aktibidad na ginawa sa akin sa araw na aking itatakda.)
Narito ang link ng bidyong papanoorin https://www.youtube.com/watch?v=KH-UFAt--To&t=32s
(Sa Madaling Salita: Kasaysayan ng Wikang Pambansa)
Pagsasanay 11
Online Distance Learning: Basahin ang mga pahayag. Sang-ayon ka ba sa mga
ito? Mayroon pa bang ibang kaisipang nais mong iugnay sa mga ito? Gamit ang
estratehiyang Read and React, ilahad ang iyong sariling opinyon, pananaw o kongklusyon
hinggil sa mga pahayag na tumatalakay sa wikang pambansa.
Modular Distance Learning: Read and React
Basahin ang mga pahayag. Sang-ayon ka ba sa mga ito? Mayroon pa bang ibang
kaisipang nais mong iugnay sa mga ito? Gamit ang estratehiyang Read and React, ilahad ang
iyong sariling opinyon, pananaw o kongklusyon hinggil sa mga pahayag na tumatalakay sa
wikang pambansa.
1. Read: Ayon kay Jean- Jacques Rousseau, “Ang pagkalikha ng wika ay hindi nagmula
sa pangangailangan nito ngunit nanggaling sa silakbo ng damdamin. Ang
pangangailangan ay maaaring makapaghati-hati sa mga tao at magtulak na mamutawi
sa bibig ng mga tao ang iyak, halakhak, sigaw, galit na maaaring pinagmulan ng
sinaunang wika”.
React: Isa ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming wika sa buong daigdig. Maliban sa
pambansang wikang Filipino, kasama nang mahigit sa sandaang katutubong wika. Sinasalita rin ang mga
wikang banyaga tulad ng Ingles, Mandarin, Fookien, Cantonese, Kastila, at Arabe.

12 | P a g e
Senior High School Department At Home Ako sa Liceo
2. Read: Sinasabing malaking bahagi ng ginawa ng mga katutubo noon ay hindi na
matagpuan sapagkat sinunog na ng mga dayuhang Espanyol ang mga ito dahil sa
kagagawan daw ito ng diyablo. Maliban sa dahilang iyon, nabuo sa kanilang sariling
magiging sagabal iyon sa pagpapalaganap nila ng pananampalatayang Katoliko.
React: Layunin daw ng mga Kastila ang pagpapalaganap ng Relihiyong Katolika Apostolika Romano
sa kanilang pangingibang- pook kaya unang ginanap ang misa at ang pagbibinyag sa mga katutubo. Hindi
gaanong nabangiot na layunin din nilang mapalawak ang kanilang sakop at mapalawak ang
mapagbibilhan nila ng kanilang mga produkto. Noong panahong iyon, wari’y hinati ng mga Kastila at
Portuges ang daigdig upang kanilang magalugad at masakop. Napasama sa maaaring puntahan ng mga
Kastila ang Pilipinas kaya sila ang nakapamayani rito.
3. Read: Noong panahon ng mga Espanyol, naging malaking usapin ang wikang
gagamitin sa pagpapalawak ng Kristiyanismo. Naniniwala ang mga Espanyol noong
mga panahong iyon na mas mabisa ang paggamit ng katutubong wika sa
pagpapatahimik sa mamamayan kaysa sa libong sundalong Espanyol.
React: para sa akin tama ang paniniwalang espanyol na mas mabisa sa kanilang pananakop at
pagpapatahimik ang pag-gamit ng katutubong wika dahil sa katutubong wika dito tayo nagkakaintindihan
at sa pamamagitan nito tayo nagkakaroon ng komunikasyon samantalang kung ikokompara sa mga
sundalong Espanyol hindi naman naten mauunawaan ang kanilang sinasabi at ang iba ay nagrerebelde
dahil sila nga ay tipong mananakop lamang sa ating teritoryo.
4. Read: Matagumpay na nahati at nasakop ng mga Espanyol ang mga katutubo. Hindi
nila itinanim sa isipan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng isang wikang magbibigkis
ng kanilang mga damdamin.
React: Hindi nila itinanim sa isipan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng isang wikang magbibigkis ng
kanilang mga damdamin.

5. Read: Naging biktima ng politika ang wikang Tagalog. Nag-uumpisa pa lamang sana
itong lumago ay napailalim na naman ito sa dayuhang wika.
React: dahil sa mga hapones amerekano at espanol kaya naging biktima ang ating dayuhang wika

Pagpapahalaga

Online Distance Learning:Baon ang kaisipan sa pagpapahalaga ay isulat mo kung paano


maipapakita ang mensaheng ninanais ng nasa loob ng kahon. Ipaliwanag ito sa loob ng 10-15
pangungusap. Isulat ang sagot sa ibaba.
Modular Distance Learning: Baon ang kaisipan sa pagpapahalaga ay isulat mo kung paano
maipapakita ang mensaheng ninanais ng nasa loob ng kahon. Ipaliwanag ito sa loob ng 10-15
pangungusap. Isulat ang sagot sa ibaba.

“Ating lingunin ang nakaraan, at alamin ang kasaysayan, Ito ang susi upang
mapailalim ang pag-unawa sa wikang pambansang ating pagkakakilanlan”.
13 | P a g e
Senior High School Department At Home Ako sa Liceo
dahil nag iiba na Ang sistema ngayung panahon na ito.pinapaliwanag Nito na dapat natin
malaman Ang nakaraang. upang mas maunawaan natin Ang kasaysayan.at mas Lalo nating
maunawaan Ang pambansang wikang Filipino. Ang pag-alam sa ating kasaysayan ay siyang
daan upang lalo nating maunawaan ang mga nagaganap ngayon sa ating bansa at magaganap
pa sa hinaharap.Ito ay susi upang lalo nating malaman ang mga naganap noon na siyang
naging sanhi kung ano man tayo ngayon.

Quarter 1/Day 8

Kasaysayan ng Wikang Pambansa


(Panahon ng Amerikano at Hapones)

Pagsasanay 12
Online Distance Learning: Masasabing hindi naging madali ang pinagdaanan ng
wikang pambansa.Maraming pagkakataong ito ay nanganib na maisantabi
lamang.Natatandaan mo pa ba ang mga pagkakataong ito?Balikan at isulat ang mga
pangyayaring nagpakitang muntik nang maisantabi ang pambansang wika. Isulat ang
pangyayari sa tamang kahon.
Modular Distance Learning: (BALIK-TANAW) Masasabing hindi naging madali ang
pinagdaanan ng wikang pambansa.Maraming pagkakataong ito ay nanganib na maisantabi
lamang.Natatandaan mo pa ba ang mga pagkakataong ito?Balikan at isulat ang mga
pangyayaring nagpakitang muntik nang maisantabi ang pambansang wika. Isulat ang
pangyayari sa tamang kahon.

14 | P a g e
Senior High School Department At Home Ako sa Liceo
PANAHON NG MGA HAPONES

ang panahon ng hapones ay madaming naulila


ng mga kapwa natin filipino kaya kailangan nating makiisa

PANAHON NG AMERIKANO

Nang panahong iyon ay hindi gaanong naging


mahalaga sa mga manunulat na Pilipino kung hindi pa rin sila ganap na malayang makasulat ng talagang
nais nilang isulat. Katulad ng isang maliit na ibong matagal na nakulong, nang bigyan ng laying lumipad
ay nasiyahan na muna sa palipad- lipad sa labas sa labas ng hawla at hindi makapangahas lumipad sa
malayo.

Pagsasanay 13
Online Distance Learning: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag sa
aktibidad na Ipaliwanag Mo!. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
Ipaliwanag ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa linya.
Modular Distance Learning: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag sa
aktibidad na Ipaliwanag Mo!. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Ipaliwanag ang
sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa linya.

15 | P a g e
Senior High School Department At Home Ako sa Liceo
1. Sa iyong palagay, sino ang higit na nakatutulong sa pagpapaunlad ng wikang Filipino,
ang mga Amerikano o ang mga Hapones? Patunayan ang sagot.
Silang lahat, dahil kung wala sila wala ang mga Pilipino
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____

2. Ano ang naging pakinabang ng mga manunulat na Pilipino sa panahon ng mga


Hapones? Nakabuti ba ang pagbabawal sa paggamit ng wikang Ingles?

Ito ay nakabuti dahil sila ang naging dahilan upang tayo ay magkaroon ng komunikasyon
sa ibang bansa. At dahil din sa kanilang husay sa pagsusulat ay napag aaralan natin ngayon ang
mga history ng ating bansa dahil sa mga primary sources kagaya ng kanilang mga master piece.
_________________________________________________________________________

3. Paano pinatunayan ng mga Amerikano ang paggalang nila sa Tagalog bilang wikang
katutubo ng mga Pilipino? Kung ikaw ay nabuhay noong panahong iyon, saan mo
ibabatay ang wikang pambansa? Ipaliwanag ang iyong sagot.
Ipapakita ko sa kanila na tayong mga Pilipino ay may lakas at hindi inapakapakan
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
______
Quarter 1/Day 9-10

Kasaysayan ng Wikang Pambansa


(Panahon ng Pagsasarili hanggang Panahon ng Kasalukuyan)

Pagsasanay 14
Online Distance Learning:Kung babalikan mo ang kasaysayan ng wikang
pambansa, maraming mga pangyayari ang naging sanhi o bunga ng isa pa sa maraming
pangyayari. Kung nauunawaan at natatandaan mo ang mga tinalakay na panahon sa
kasaysayan ng wikang pambansa ay punan ang kahon na nasa ibaba.
Para sa Modular Distance Learning: SANHI AT BUNGA
Kung babalikan mo ang kasaysayan ng wikang pambansa, maraming mga pangyayari
ang naging sanhi o bunga ng isa pa sa maraming pangyayari. Kung nauunawaan at
16 | P a g e
Senior High School Department At Home Ako sa Liceo
natatandaan mo ang mga tinalakay na panahon sa kasaysayan ng wikang pambansa ay
punan ang kahon na nasa ibaba.

Pagtalaga ng mga Amerikano sa Wikang Ingles bilang Wikang Panturo


Sanhi:

Dahil sa pananakop ng mga Amerikano natuto tayo ng wikang Ingles. Ito ay


nakakatulong para satin kasi Ito ang ginagamit na wika sa buong mundo. Ito ang naging
isa sa mga pangunahing wika ngayong panahon.

Pagtalaga ng mga Amerikano sa Wikang Ingles bilang Wikang Panturo


Bunga: Noong 1901, sa pangunguna ng Philippine Commission, ginawang opisyal na wikang
panturo ang wikangIngles sa bisa ng Batas blg. 74. Subalit noong 1925 ay napagtanto nila na
hindi ito nagingepektibo sa pagkakatuto ng mga Pilipino sapagkat noong panahong iyon ay hindi
pamasyadong pamilyar ang mga Pilipino sa wikang Ingles. Ang impormasyon na ito ayayon sa
Monroe Educational Survey Commission. Ngunit sa paglipas ng panahon aynaging laganap na
ang wikang Ingles sa bansa at dahil dito ay ginagamit na ito bilangwikang p
anturo sa iba’t-ibang asignatura tulad ng Agham at Matematika, at nadagdaganng iba pang
asignatura ang ginagamitan ng wikang Ingles tulad ng Literatura atPilosopiya.

Pakatatag ng Surian ng Wikang Pambansa


Sanhi: Maaring naisip ng mga mambabatas sa kongreso na gumawa ng resolusyon na
mahirap magkaunawaan kung marami ang wikang pagbabatayan. Nais ng pangulo na
mapabilis ang pagpapatibay sa pagkakaroon natin ng wikang pambansa, maaaring siya na
mismo ang humiling sa payo na rin ng SURIAN ng Wikang Pambansa na mailipat sa
kanya ang pamamahala. Maaaring ang mga purista ay tagapagtaguyod ng wikang tagalog
dahil ito ang wikang katutubo nila o iniisip nilang ito ang tanging wikang ginagamit ng
nakararami.

Pakatatag ng Surian ng Wikang Pambansa


17 | P a g e
Senior High School Department At Home Ako sa Liceo
Bunga: Nagkaroon ng batas para sa pagtatatag ng Surian ng Wikang Pambansa na
maghahanap ng isang wikang panlahat. Nilimbag ang mga Tagalog-English na
diksyunaryo at aklat sa Balarila ng Wikang Pambansa. Itinuro din ang wikang pambansa
sa lahat ng paaralan. Malaki ang naitulong ng pananakop ng mga hapon sa pagnanais na
ito ng mga Purista dahil pinasigla ng mga hapon ang paggamit ng tagalog.

Pagsasanay 15
Online Distance Learning: Basahin at unawain ang nasa pahayag. Sagutin ang mga
sumusunod na katanungan.
Modular Distance Learning: Basahin at unawain ang nasa pahayag Sagutin ang mga
sumusunod na katanungan.
A. Ang huling bahagi ng pagtalakay sa kasaysayan ng Wikang Pambansa ay nag-iwan ng
isang hamong sama-sama nating itaguyod ang paggamit ng wikang Filipino. Ikaw
bilang isang mag-aaral, ano-ano ang maaari mong gawin upang makatulong sa
pagsulong ng wikang Filipino? Isulat ang iyong sagot na hindi bababa sa limang
pangungusap.

Sa wikang pambansa na ating kinalakihan, bilang isanv mag-aaral ang dapat gawin
upang makatulong sa pagsulong ng wikanv Filipino ay ang pagpapahalaga nito sa atin
buhay dahil ang wikang ito na ating minamahal ay sumisimbolo ng ating buhay bilang
isang Pilipino.

B. Batay sa tinalakay na kasaysayan, nabatid nating napakalaki at napakahalaga ng papel


na ginagampanan ng mga lider ng ating bansa sa pagtataguyod ng Wikang Pambansa.
Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataong maging lider ng ating bansang Pilipinas,
anong mga proyekto o batas ang iyong paiiralin upang maisulong ang paggamit at
pagpapalago ng wikang Filipino?

kung ako ang lider nang ating pambansa susulong ko ang proyekto na kailangan sa ating
pambansa at pangangailangan ng mga tao kaya nang 4pcs na program para matulungan ang mga
mahihirap na tao sa pilipinas at makapag aral ang mga bata para hindi maging mangmang

18 | P a g e
Senior High School Department At Home Ako sa Liceo
Pagsasanay 16
Online Distance Learning at Modular Distance Learning
Sumulat ng sanaysay sa mga sumusunod na katanungan, ang sanaysay ay dapat na
binubuo ng tatlong talata na may limang pangungusap.Isusulat ang sagot sa malinis na papel
(short bond paper) para sa Modular Distance Learning.
(Online Distance Learning: Gagawin ang takdang-aralin gamit ang Microsoft Word sa short
bond paper at pagkatapos ay ipapasa ito sa gmail account na
ldspkarenjimenez05@gmail.com)
Mga katanungan:

1. Ano-ano ang kapansin-pansing pagkakaiba ng wika sa pagdaan ng panahon?


2. Paano natin maipapamalas ang ating pagpapahalaga sa ating sariling wika?
3. Paano natin mapagyayaman ang ating wika sa ating buhay araw-araw?

Pagtataya
Online Distance Learning:I-click ang link para masagutan ang mga katanungan.
https://drive.google.com/file/d/1IVIx6pISrqvh63Bz9v8vi77SeXSuQiZ/view?usp=sharing
Modular Distance Learning:
I. Suriing mabuti ang mga pahayag. Sa kahon bago ang bilang, isulat ang A kung ang unang
pahayag ay tama at mali ang ikalawa: B kung ang ikalawang pahayag ay tama at mali ang
una; C kung parehong tama ang pahayag; at D kung parehong mali ang pahayag.
1. A
A. Pagkatapos ng kolonyalistang Espanyol, dumating naman ang mga Amerikano.
B. Nadagdag ang wikang Ingles bilang isang banyagang wika.
2. B
A. Ginamit ang wikang Ingles bilang wikang panturo noong panahon ng mga
Amerikano.
B. Mula primary hanggang sekundarya ay Tagalog ang ginamit, ngunit pagdating ng
kolehiyo ay Ingles na.
3. A

19 | P a g e
Senior High School Department At Home Ako sa Liceo
A. Naniwala ang mga kawal na Amerikano na mahalagang maipalaganap agad sa
kapuluan ang wikang Ingles upang madaling magkaunawaan ang mga Pilipino at
Amerikano.
B. Mga Pilipinong guro ang unang nagsipagturo ng Ingles at sumunod ang grupong
kinilala sa tawag na Thomasites.
4. A
A. Nagsagawa ng sarbey ang mga Amerikano sa pamumuno ni Dr. Paul Monroe.
B. Nabatid nilang epektibo ang paggamit ng wikang Ingles sa pagtuturo.

5. C
A. Iminungkahi ni Lope K. Santos na isa sa mga wikang ginagamit ang nararapat na
maging wikang pambansa.
B. Ang panukala ay hindi sinang-ayunan ni Pangulong Manuel L. Quezon
6. C
A. Nilikha ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184- opisyal na paglikha
ng Surian ng Wikang Pambansa.

B. Ipinalabas noong 1937 ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg.


134-nag-aatas na Tagalog ang wikang pambansa.

7. A
A. Noong panahon ng mga Hapones, ninais nitong burahin ang anumang
impluwensiya ng mga Amerikano.
B. Ipinagbawal ang paggamit ng Ingles sa anumang aspekto ng pamumuhay ng mga
Pilipino
8. D
A. Pagkaraan ng ilang buwang pananakop ng mga Hapones ay binuksan muli ang mga
paaralang bayan sa lahat ng antas, itinuro ang wikang Nihonggo sa lahat.
B. Binigyang-diin ang paggamit ng wikang Tagalog upang maalis na ang paggamit ng
wikang Ingles.
9. D
A. Sa panahon ng pagsasarili, pinalitan ang tawag sa wikang pambansa. Mula Tagalog
ito ay naging Pilipino sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7.
B. Sa panahon ding ito, ang mga sertipiko at diploma ay inilimbag sa wikang Ingles.

10. A
A. Nang umupo naman si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay naglabas siya ng
Executive Order No. 210 noong Mayo 2003 na nag-aatas ng pagbabalik sa isang
monolingguwal na wikang panturo- ang Filipino

20 | P a g e
Senior High School Department At Home Ako sa Liceo
B. Ito ay isang hakbang upang maitaguyod ang paggamit ng wikang pambansa.

1. II. Ilahad sa pamamagitan ng isang talata ang iyong naging reaksyon o opinyon hinggil sa
nangyaring pagbabago sa Wikang Pambansa sa bawat panahon. Ang bawat talata ay
naglalaman ng 5-10 pangungusap at gagawaan niyo ito ng inyong sariling pamagat.Ilalagay
ang sagot sa short bond paper.
 Panahon ng Espanyol
 Panahon ng Amerikano
 Panahon ng Rebolusyong Pilipino
 Panahon ng Hapones
 Panahon ng Pagsasarilihanggang sa Kasalukuyang Panahon

Pamantayan sa Pagmamarka
Pamantayan Puntos
1. Nilalaman 6
2. Kaangkupan sa Paksa 4
3. Orihinalidad 3
4. Dating sa Mambabasa 2
Kabuuang Puntos: 15

Pagpapahalaga
Online Distance Learning: Baon ang kaisipan sa pagpapahalaga ay isulat mo kung
paano maipapakita ang mensaheng ninanais ng nasa loob ng kahon. Ipaliwanag ito sa loob ng
10-15 pangungusap. Isulat ang sagot sa ibaba. Ipapasa ang sagot sa aking gmail account
(ldspkarenjimenez05@gmail.com)
Modular Distance Learning: Baon ang kaisipan sa pagpapahalaga ay isulat mo kung paano
maipapakita ang mensaheng ninanais ng nasa loob ng kahon. Ipaliwanag ito sa loob ng 10-15
pangungusap. Isulat ang sagot sa malinis na papel.

“Maraming pagsubok man ang pinagdaanan, subalit ngayon, Wikang


pambansa’y isa nang katuparan”.

21 | P a g e
Senior High School Department At Home Ako sa Liceo
Maraming mga kabataan ngayon ang humaharap sa iba't pagsubok lalo na ngayong may
pandemya isa na rito ang edukasyon maraming kabataan ang maaring maapektuhan nitong
pandemya lalo na ang mga mahihirap na nais mag aral ang mga pagsubok sa buhay ay dapat
harapin kahit gaano pa ito kahirap dahil yun ang tamang gawin upang malampasan ang
pagsubok na dumarating sa buhay natin na parang isang bagyo na pwedeng masira kung
ikaw ay sususko.para sa akin ang mga pagsubok sa wika ay mahalaga dito kasi tayo matututo
at kukuha ng lakas ng loob para maging matatag at malakas kahit gaano kahirap
malalampasan natin ang mga pagsubok sa buhay lalo na kung tayo ay mag dadasal at hihingi
ng tulong mula sa panginoon lahat ng tao ay may mga pagsubok na haharapin sa buhay.

Sanggunian:

Sevillano T. Marquez Jr., PhD.Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino.SIBS Publishing House, Inc., 2017
Alma M.Dayag at Mary Grace G. Del Rosario. Pinagyamang Pluma (Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Phoenix Pu blishing House, Inc., 2017

22 | P a g e
Senior High School Department At Home Ako sa Liceo

You might also like