You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
ARANGUREN INTEGRATED SCHOOL
High School Department
Capas, Tarlac

Written Report on
Komunikasyon at
Pananaliksik sa
Kulturang Pilipino
____________________________

Ipinasa kay:

Kelly Ray R. Caisip


___________________________

Ipinasa nina:

Capuno,John Paul M.
Capuno,Joven S.
Carreon,Danilyn
Maninang,Abigail
Jose,Valerie Joy
I. Introduksiyon
Sinimulan ng noo’y Pangulong William P. McKinley ng Amerika ang reporma sa edukasyon sa Pilipinas.
Ito ang mga pangunahing layunin ng edukasyon sa panahon ng mga Amerikano.

1. Pagpapalaganap ng Demokrasya

2. Pagtuturo ng Wikang Ingles

3. Pagpapakalat ng kulturang Amerikano

II. Katawan

Agosto 1901 – Itinakda ang Batas Blg. 74 ng komisyon na pinamunuhan ni Jacob Schurman na
nagsasabing Ingles na ang Wikang Panturo. Nagbigay ng rekomendasyon ang Superintende
Heneral sa Gobernador heneral na ipagamit ang bernakular bilang wikang pantulong dahil
nahihirapan ang mga gurong ituro ang 3 R's (Reading, Writing, arithmetic) sa wikang Ingles.
Lupon ng Superyor na Tagapayo – sumusog sa paglilimbag ng mga aklat pangprimarya
sa Ingles-Ilokano, Ingles-Tagalog, Ingles-Bisaya, at Ingles Bikol.

Thomasites – ang tawag sa mga gurong Amerikano na itinalaga sa Maynila at mga lalawigan
upang magturo sa mga Pilipino ng Ingles. Tinatayang 600 na guro ang kabilang sa pagtuturo.

 Sibika ang naging pokus ng pagtuturo sa mga paaralan at binigyang-diin ang


demokratikong pamumuhay at hindi ang relihiyon.

 Maraming mga unibesrsidad, pampubliko at pribadong paaralan ang naitatag sa bansa.

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga institusyong naitatag sa panahon ng mga
Amerikano:
 Philippine Normal School (1901)
 Siliman University (1901)
 University of the Philippines (1908)
 University of Manila (1914)
 Centro Escolar University (1917)
 Philippine Women’s University (1919)
 Far Eastern University (1919)

SISTEMA NG EDUKASYON NOONG 1903


1903 – Itinatag ang Bureau of Education at si Dr. David Barrows ang unang direktor. Binuksan
din ang mga pang-araw at pang- gabing paaralan sa mga bayan at lalawigan.
- Karamihan sa mga panggabing paaralan ay para sa mga matatanda na nagnanais matuto
ng salitang Ingles.
- Sinimulan ang pagpapadala ng mga Pilipino sa Amerika upang mag-aral at sanaying
maging mga lider pagbalik nila sa Pilipinas. Bunga ito ng Pensionado Act of 1903 o Act
854 ng Philippine Commission. Inayos ang kurikulum tungo sa pagpapabuti ng pag-aaral
ng wikang Ingles. Nagtayo ng mga Teacher Institute sa buong bansa at sinanay ang mga
gurong Pilipino sa Ingles. Nagkaroon ng English Only Policy na nagtatakda ng may
parusang halaga ang sinumang gagamit ng katutubong wika sa eskuwelahan. Nagdaos ng
mga debate at paligsahan sa wikang Ingles. Nag-angkat ng mga teksbuk mula sa Amerika
at nagsulat din ng mga librong Ingles sa bansa. Ingles ang naging kailangan para
makapagpatayo ng munisipyo. Gayundin, kailangan din ang kahusayan sa Ingles para
mahalal sa Senado o Konggreso ayon sa Jones Law o Philippine Autonomy Act of 1916.
Nasa Ingles din ang eksamen sa Serbisyo Sibil na pinagtibay bilang unang pangunahing
lehislasyon ng Komisyong Taft, ang Act 5, o Civil Service Act, noong 19 Setyembre
1900. Ibig sabihin, hindi makukuha sa trabaho kung hindi marunong ng Ingles. Hindi
kataka-takang makabuo ng mga Pilipinong elite sa mga patakaran at implementasyon sa
Ingles.

PENSIONADO – ang tawag sa mga Pilipinong ang gobyerno ang tumutustos ng kanilang pag-
aaral. Marami sa kanila ang nag-aaral ng edukasyon, abogasya, medisina at inhinyeriya. Pagbalik
ng mga ito sa Pilipinas, sila ang mga naging guro at propesor o kaya ay tagapaglingkod sa iba’t-
ibang sangay ng pamahalaan.

Maraming dahilan o pagdadahilan at mapanghamak na katwiran ang ginamit upang ang


Ingles at hindi mga katutubong wika ang pinili ng gobyernong Amerikano upang maging
midyum ng pagtuturo sa mga paaralan. Ilan dito ay ang mga sumusunod:
 Ang mga wika ng Pilipinas ay mga “barbaro,” at kapag ginamit ng mga Pilipino ay
magbabalik sila sa … kakitirang sumaklaw sa kanila nang ilang siglo
 Hindi magkakaroon ng pag-unlad na pampanitikan ang mga wikang katutubo.
 Matatagalan at mababalam ang implementasyon ng sistema ng edukasyon kung mga
wika ng bansa ang gagamitin dahil mga Amerikanong guro ang mga unang magtuturo.
 Walang librong nasulat sa alinman sa napakaraming wika sa Pilipinas na magagamit sa
publikong pagtuturo.
 Ang ilang pahayagan sa katutubong wika ay walang maibibigay na intelektuwal na
kaalaman na kailangan ng mga mamamayan
 Ang mga pasilidad na magagamit kung ituturo ang mga lokal na wika ay gagamitin ng
mga maimpluwensiya at mayayaman sa pag-aaral ng Ingles upang lalong magkamit ang
mga ito ng dagdag na kapangyarihan
 Impraktikal na gamitin ang mga wikang ito dahil mangangailangan ng maraming
tagasalin ng mga libro.

1907 - May ipakilalang bill sa asembleya na nagmumungkahi na paggamit ng mga


diyalekto sa pambayang paaralan ngunit hindi ito napagtibay.
Batas Gabaldon – isinulat ito ng mambabatas na si Isauro Gabaldon ng Nueva Ecija.Sa
pamamagitan ng batas na ito, nabigyang-bisa ang pagtatayo ng dalawang pampublikong
paaralan sa bawat lalawigan. Maraming estudyante ang nakapasok sa mga pampublikong
paaralan dahil ito ay sapilitan. Ingles ang ginamit bilang wikang panturo.

Sa kabila ng patakaran sa Ingles at sa samu’t saring katwiran at pangangatwiran para dito


at laban naman sa mga katutubong wika, hindi rin nawalan ng suporta ang huli sa katauhan ng
mga indibidwal, mga manunulat at opisyal na Pilipino at Amerikano, at mga samahan.
Ipinahayag ni Najeeb M. Saleeby, isang siruhano sa US Army at naging Assistant Chief ng
Bureau of Non-Christian Tribes at naging opisyal sa mga eskuwelahan sa Mindanao ang
sumusunod “Ang wika ng edukasyon at mga kagamitan sa edukasyon ay dapat na (tumungo sa
sitwasyong) ang isang nagtapos sa eskuwelahang primarya ay makakatulong sa kanyang sarili
para makakuha ng mas maraming kaalaman at mapapag-aralan pagkatapos iwan ang
eskuwelahan. Ang gayong gamit ng edukasyon sa pamumuhay pagkatapos mag-aral ay dapat na
pakinabangan, maabot at magamit ni Juan de la Cruz”
Kaugnay nito, ipinahayag niya ang mga dahilan at bentahe kung bakit mga katutubong
wika (bernakular) ang dapat na naging midyum sa elementarya at sekundarya.
 Mabibigyan ang lahat ng bata ng pagkakataong makapag-aral sa elementarya dahil
mapapaikli nito sa apat na taon ang pag-aaral.
 Matututo sa wikang kailangan nila ang mga bata para sa kanilang kaunlarang kultural.
 Ang bernakular ang tanging midyum na panlaban sa ignoransya at iliterasi.
 Ang bernakular ang tanging midyum na angkop sa isang demokratikong estadong
nakapamamahala sa sarili.

David J. Doherty at George C. Butte – Sila ang mga Amerikanong nagpanukala ng


paggamit ng katutubong wika. Bagamat itinaguyod nila ang mga katutubong wika, hindi ang
hiwa-hiwalay kundi ang pagsasama-sama ng mga ito upang bumuo ng isang wikang komon ang
kanilang layunin. Tinatawag ito ngayon na fusionist view o ideyang amalgamasyon ng mga
wika. Gayunman, lubos na naniniwala ang dalawa na dapat gamitin ang katutubong wika sa
pagtuturo sa elementarya. Sa simula ay nakumbinsi ni Doherty si Lope K. Santos, na noo’y guro
niya sa Tagalog at editor ng “Muling Pagsilang,” seksyong Tagalog ng El Renacimiento, na
tipunin ang mga editor at manunulat sa bernakular upang bumuo ng isang wikang komon sa
pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga pangunahing wika sa Pilipinas. Sa katunayan, sumulat
pa si Santos ng artikulo na pinamagatang “The Vernacular As a Factor in National Solidarity
and Independence” noong 1930 bilang pagtataguyod dito. Tila hindi naging popular ang
posisyong ito dahil iba ang naging mga rekomendasyon pagkaraan. Maging si Santos ay
sumuporta lang sa Tagalog pagkaraan. Isang bagong panukala ang fusionist view na sa panahong
iyon ay hindi maliwanag sa mga Pilipino. Kaugnay ng wika ng edukasyon, gayunman,
nagkakaisa ang marami sa panahong iyon para sa katutubong wika, bagamat hindi nila
pinupwera ang Ingles at Kastila. Mga bill na nagpapatibay sa paggamit ng mga lokal na wika sa
eskuwelahan ang ipinasok ng mga miyembro ng Philippine Assembly na karamihan ng mga
miyembro ay Pilipino. Isa dito ang ipinasa ni Del. Carlos Corrales ng Camiguin noong 1907 na
paggamit ng isang “dialekto” (wika) na malawak na ginagamit sa komunidad. Noong 1908,
inaprubahan ng Philippine Assembly ang Assembly Bill 148.
Assembly Bill 148 - Sek. 14, Art 4 na nagpapatibay na kasama ng pagtuturo sa wikang
Ingles sa mga publikong eskuwelahang primarya ang pagtuturo din sa wikang mas ginagamit sa
kanilang rehiyon. ng nangyari sa naunang bill, hindi ito inaprubahan ng Committee on Matters
Pertaining to the Department of Public Instruction na pinamunuan ni James F. Smith dahil baka
raw mapalitan ng mga lokal na wika ang Ingles at salungat ito sa mga patakaran ng gobyernong
Amerikano.
Assembly Bill 74 – Nabuo ang Bill na ito noong 1902 na nagpapatibay ng pagtatatag ng
Instituto ng mga Wika ng Pilipinas. Ang naturang bill ay nauna nang ipinasok ni Smith upang
ilihis ang atensyon sa pagtuturo ng mga lokal na wika. Hindi inaprubahan ito ng mga Pilipino
noong 1909 dahil nga sa intensyon ni Smith. Nang ipinasok na nila ito noong 1912, hindi naman
ito inaprubahan ni Newton Guilbert, ang pumalit kay Smith dahil lilihis raw ito sa patakaran sa
Ingles. Isa ring resolusyon ng isang kumbensyon ng mga Presidente Municipal ng Negros
Occidental ang ipinasa bilang suporta sa Bill 74 noong 1911. Muli, hindi ito inaprubahan ni
Guilbert. Noong 1916, muling ipinasok ng Assembly ang Bill 148 nang walang aksyong nagawa
dito mula 1912. Muli, inupuan na naman ito ng Komite.
Monroe Commission (1925) – isang tagubilin ng Philippine Legislature na pag-aralan
ang mga kahinaan at kalakasan ng edukasyon sa Pilipinas. Dito ay inirekomenda ang paggamit
ng ilang “diyalekto” sa pagtuturo ng GMRC. Sinuportahan ni Butte ang pagtataguyod sa mga
wika sa Pilipinas sa kanyang talumpati noong 1931 na pinamagatang “Shall the Philippines
Have A Common Language?” sa harap ng Catholic Women’s League. Dahil sa suportang ito ni
Butte, na may mataas na posisyon sa Gobyernong Amerikano, dumami ang mga bill na ipinasok
bilang pagtaguyod sa mga lokal na wika. Ilan sa mga ito ang
House Bill 557 taong 1931 - na nagsasaad na simula sa pang-eskwelahang taon 1932 –
1933, ipagagamit ng Sekretaryo ng Publikong Pagtuturo ang mga lokal na diyalekto kasama ng
Ingles bilang midyum ng iba’t ibang kurso sa mga publiko at pribadong eskuwelahang primarya.
Hanggat maaari, ang diyalekto ay alinman sa mga sumusunod: Tagalog, Bisaya, Ilokano, Bikol,
Pangasinan, o Pampango.
Rep. Manuel V. Gallego (1932) – nagtatag ng isang Bill na nagpapatibay sa paggamit ng
mga katutubong diyalekto bilang midyum sa lahat ng eskuwelahang elementarya at sekondarya.
Dr. Cecilio Lopez - kauna-unahang Pilipinong linggwista sa Pilipinas. Sinuportahan niya
ang pagtuturo at paggamit ng katutubong wika sa edukasyon. Nagsulat siya ng mga artikulo sa
mga journal at magasin tungkol dito. Sa Konstitusyon ng 1935, walang probisyon kaugnay ng
wika at edukasyon. Ibig sabihin patuloy ang pagpapagamit ng Ingles. Noong 1940,
pinahintulutan ng Department of Public Instruction ang paggamit ng mga katutubong wika sa
mga eskwelahang primarya bilang mga pantulong na wikang panturo. Muli, unti-unting
pumapasok sa sistema ng edukasyon ang mga katutubong wika. Paris ni Bidasari, muling
nabubuhay, nagigising ang isyu sa lokal na mga wika.

III. Konklusiyon
 Ang mga Pilipino noong panahon ng mga Amerikano ay nakatulong sa pag-unlad ng
bansa.
 Higit ang naging pag-unlad ng pilipinas kung ihahambing noong panahon ng mga
kastila.
 Gayumpaman,mayroon din itong masamang naidulot na naging dahilan ng pag-aaklas
laban sa mga Amerikano
.

IV. Pagsusulit (Quiz)


A. Identification

1.sino ang namuo sa pagdating ng mga Amerikano?


2.Anong wika ang ginamit nila bilang panturo?
3.sino yung naniwala na kailangan ang Igles sa Edkasyon?
4.kailan natakda ang batas Blg 74?
5.sila ang mga unang nagsipagturo ng ingles?
6.sila ang mga grupong sumusunod na nagturo ng ingles.
7.sa paggmit ng bernakular magdudulot daw ito nang?
8.ilang pursyento ang mga nakaabot ng ikalimang grado?
9.siya ang Bise Governor Heneral na kalihim ng pagbayang pagtuturo.
10.sila ang mga sumangayon sa sinabi ng heneral.
11.sino ang nagpalabas ng kautusang Blg 134?
12.anong taon to ipinalabas?
13.nararapat lamang ang wikang ito ang gamitin.
14-15.anong wika ang hindi pewedeng magkahalo?

V. Mga sagot (Answers’ Key)


A. Identification

1.Almirante Dewey
2.Ingles
3.Jacob Schurman
4.Ika-21 na marso,1901
5.Sundalo
6.Thomasites
7.Rehiyonalismo
8.80%
9.George Butte
10.Jorge bacobo
11.Maximo kalaw
12.Pangulong Quezon
13.1947
14.Tagalog
15.Ingles at tabernakular

VI. Mga Sanggunian o reference

a) Libro

 Pinagyamang Pluma: Komunikasyon At Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

b)Internet

 https://www.slideshare.net/mobile/GabbieAllTheWay7/edukasyon-noong-panahon-ng-
amerikano
 https://www.scribd.com/document/331132034/Written-Report-Kurikulum-Sa-Panahon-Ng-
Amerikano

You might also like