Professional Documents
Culture Documents
Sanico
ABM 5
Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas
Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas
1. Mahigit sa 100 wika at 400 na dayalek ang matatagpuan sa Pilipinas. Ang mga pag-aaral na ginagawa
pa kaugnay ng wika ay nagpapakita ng pagkakatulad ng mga ito. Gayunman, sa kabila ng mga
pagkakahawig ng mga wika sa Pilipinas, malaki pa rin ang problema dahil sa kolonyal na karanasan ng
bansa kung saan ang isang banyagang wika ay nagpupumilit na magdomina sa isang lipunang
nadodominahan sa bilang ng mga hindi nagsasalita ng wikang ito.
2. Nahahati sa panahon ng (1) Kastila, (2) Amerikano, (3) Hapon, at (4) Republika hanggang sa
kasalukuyan
3. Panahon ng Kastila
- nagkaroon ng Kilusang Propaganda noong 1872 na siyang naging panimula ng pagkapukaw pa ng iba
upang maghimagsik. Sumilang ang Katipunan ni Bonifacio. Ginamit ang wikangTagalog sa kanilang mga
kautusan at pahayagan.
- ang unang kongkretong pagkilos ng mga Pilipino na ginawa noon at nang pagtibayin ang Konstitusyon
ng Biac-na-Bato noong 1899.
- sa pagkakatatag ng Unang Republika (Aguinaldo) nawala ang impluwensiya ni Mabini sa pagpapatibay
ng Tagalog bilang opisyal na wika sapagkat nasaad sa Konstitusyon na ang paggamit ng wika ay opsyunal
alinsunod sa batas. Masasabing ang dahilan nitoy ang pamamayani ng mga ilustrado sa Asembleyang
Konstitusyunal. Pangkat ito nina Buencamino, at gayundin nais ni Aguinaldong maakit ang mga di-Tagalog.
Sa gayoy naging biktima ng pulitika ang wika.
4. Panahon ng Amerikano
Ayon kay Senador Morgan ng Alabama, ang Pilipinas ay mahalaga bilang base militar at komersyal
ng Amerika sa silangan. Inaasahan din nilang mangangailangan sa Pilipinas ng mga kagamitang
mabibili sa kanilang bansa sapagkat mababago na ang sistema ng pamumuhay sa kanilang
ipakikilalang edukasyon.
Hindi naging madali ang pagtuturo ng Ingles. Hindi maiwasan ang paggamit ng wikang bernakular
sa kanilang pagpapaliwanag sa mga bata. Noon 1900 ang Superintendente Heneral ng mga
Paaralan ay nagbigay ng rekomendasyon sa Kalihim ng gobernador Militar ng paggamit ng
bernakular bilang pantulong na wikang panturo. Pinagtibay naman ng Lupon ng Superyor na
Tagapayo ang resolusyon sa pagpapalimbag ng mga librong pamprimarya sa Ingles-Ilokano, InglesTagalog, Ingles-Bisaya at Ingles-Bikol.
Noong 1906 pinagtibay ni Dr. David Barrows (direktor ng Kawanihan ng Pagtuturo) ang isang kurso
sa wikang Tagalog para sa mga gurong Amerikano at Pilipino sa Philippine Normal School sa
panahon ng bakasyon ng mga mag-aaral.
Nagbago na naman ang pamamalakad nang ang nahalili bilang Direktor ay si Frank White dahil sa
pagreresayn ni Barrows. Ipinahayag ni White na Ingles lamang ang gagamiting wikang panturo at
ipinagbabawal ang bernakular.
Ang naging resulta: ang pagwawalang-bahala ng mga nakapag-aral sa anumang bagay na Pilipino
at pagyakap at pagmamalaki sa anumang bagay na Amerikano.
Mga Isinagawa ng Kawanihan ng Pambayang Pagtuturo
Ang padalus-dalos na desisyong Amerikano at ang kanilang pagsisikhay na mapalaganap ang Ingles
bilang wikang komon ay sinalungat at tinutulan ng mga Pilipino at maging mga Amerikano. Ayon
kay Davi Doherty hindi mangyayaring maging wika ng buhay-tahanan at lansangan ang wikang
ito. Kaya iminungkahi niyang bumuo ng pambansang wika sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng
pitong bernakular na wika.
24 Hulyo 1942, pinalabas ang Ordinasa Militar Blg. 13 na nagsasaad na ang Niponggo at Tagalog
ang siyang opisyal na wika, pinapayagan lamang ang paggamit ng Ingles bilang pansamantalang
wika.
Nagkaroon ng Kapisanan ang Paglilingkod sa Bagong Pilpinas (KALIBAPI). Layunin nito ang
pagpapabuti ng edukasyon, pagpapalakas at pagpapaunlad ng pangkabuhayan sa Pilipinas sa
pamamatnubay ng Emperyong Hapones. Si Benigno Aquino Sr ang direktor nito. Pangunahing
proyekto nito ang pagpapalaganap ng wikang Pilipino sa tulong ng Surian ng Wikang Pambansa.
Ang Pilipino sa halip na gamitin agad ay pinagdudahan pa. Eksperimento muna ang paggamit ng
bernakular sa lalawigan ng Iloilo noong 1948 hanggang 1954 at muli noong 1967-68 sa Iloilo at
Rizal.
Ang mga klase sa Tagalog ay naging labis na gramatikal at di nakaakit at nakahikayat sa mga
estudyante sa wikang pambansa.
Sa Konstitusyon ng 1987, pinagtibay na ang Wikang Filipino bilang wikang pambansa. Itoy batay
hindi lamang sa Tagalog kundi sa lahat ng wika sa Kastila at Ingles. Sa mas tiyak, ito ang tinatawag
ngayon na pambansang linggwa frangka na wikang ginagamit ng mga Pilipino sa pakikipag-usap sa
isat isa sa kabila ng kanilang ibat ibang wikang sinasalita.
Sa kabila ng pagbabago sa basehan ng wikang pambansa, hindi pa rin natatapos ang paggigiit pa
rin ng ilang sektor na Tagalog pa rin itong Filipino. Isa pa ring problema ng wikang pambansa na di
pa nalulutas ay ang pagpapagamit dito bilang midyum ng pagtuturo. Sa kasalukuyan, ang inaadap
ng gobyerno ay bilinggwal na Patakaran sa Edukasyon na pinagtibay noong 1973 at ipinairal noong
1974 hanggang sa kasalukuyan.
Brodkast Midya
Radyo
Telebisyon
Ginagamit sa pagbibigay ng mga kaalaman na ginagamitan ng mga mata para makita ang
pangyayari o palabas at ng mga tainga para marinig ang mga pahayag at damdamin upang
mapagkuro kuro ang nakita at narinig.
Elektonik Midya
social media
pangmadalang artikulasyon
midyum
pangmadlang komunikasyon
antas ng karaniwang tao o masa na tila sa kanilang pananaw ay mahina ang pang-unawa at mababaw
ang kaligayahan.
Kaya naman ang mga tabloid sa Filipino, kahit na ang pinakamalaman sa kanila, ay kailangang
magpakamasa at sumakay sa mainit na tsismis at iskandalo para kagatin ng tao. Sa paligsahan ng mga
tabloid para kumita, pagaan nang pagaanang saysay ng mga balita samantalang palakas nang palakas
ang ugong ng intriga, sex at kontrobersiya. At dahil hindi professionalism kundi sensationalism
ang bumebenta, mababa rin ang pamantayan ng peryodismo. Ang mga balita ay madalas na kulang o
walang research, hindi balanse at may kinikilingan. Wari
bagang ang motto ng maraming tabloid writers ay Shoot first, ask questions
later.
Sa TV at radyo, at kasama dito ang mga news programs, lagi nang pinagtutuunanng pansin ang anim na
kategorya: patayan, holdapan, pang-aabuso, aksidente,kalamidad, at higit sa lahat, showbiz tsismis. Sa
pagpili ng news, ang kinikilanganay iyong may kontrobersiya, may inaantig na maapoy na damdamin
at mahahayap na salita. Kaya naman ang popular sa media ay mga taong pinanggagalingan ng mga ito.
Ang kahabaan ng news program ay nagdudulo sa climax ang showbiz balita, na para bagang ito ang
pinakaimportanteng item sa araw na iyon. At para maging interesante ang balita, malayang
binubudburan at binuburdahan ng mga anchor o host ng balita, na wari moy eksperto sila sa alinmang
isyu, at sa tonong arogante o maton.
Bakit nga kaya sa mga programang nasa wikang Filipino, madalas ay masimpormal ang tono, tila mas
maluwag ang pamantayan ng propesyunalismo, mas mababa ang katangiang artistiko. Ditoy tila hindi uso
ang mahinahong usapan at tahimik na pag-unawa at pagsusuri sa mga isyu, kundi maiingay na taltalan
at mababaw na pabonggahan. At ang tingin sa pagiging media personality ay lisensya para barilin ang
sinumang kalaban.
Sa kabilang banda, bakit kapag ang dyaryo at programa sa radyo at telebisyon ay nasa Ingles, tila ang
mga taga-media ay mas mahinahon, mga ideya at isyu ang sinusuri, at mas kritikal ang talakayan.
Paghambingin na lamang ang pagbabalita sa TV Patrol at sa ANC News. Madalas ikatuwiran ng mga
prodyuser na magkaiba kasi ang audience ng news sa Ingles at balita sa Filipino. Ano kaya ang ibig sabihin
nito? Na kapag masa ang audience ay dapat ibaba ang panuntunanng journalism at bigyang diin ang aliw?
Na kapag ang audience ay ang middle at upper class ay dapat itaas ang pamantayan at gawing mas
malaman at analitikalang news program? Hindi kaya ito ay isang uri ng snobbery at condenscension
na lalo lamang nagbabaon sa masa sa kulturang mababaw at superpisyal at lalo
pang nagpapalaki sa guwang sa pagitan ng mayaman at mahirap?