You are on page 1of 8

PAKSA

Kasaysayan ng Wikang Pambansa:


5 (Panahon ng Amerikano, Komonwelt at Hapon)
WEEK 6 DURATION 180 minuto

LAYUNIN

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari tungo sa pagkabuo at pagkaunlad ng
pambansang wika;
2. natatalakay ang kasaysayan at pag-unlad ng pambansang wika sa panahon ng
Amerikano, Komonwelt at Hapon;
3. nakikilala ang mga detalye mula sa binasa;
4. natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad
ng Wikang Pambansa; at
5. nabubuo ang story board gamit ang mga mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng
Wikang Pambansa.

PANIMULA

Mahalagang Tanong

1. Bakit ayaw ituro ng mga Kastila ang kanilang wika sa mga katutubo?
2. Ano ang wikang opisyal sa panahong ito na nakasaad sa Saligang Batas
ng Biak-na-Bato?
3. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang wikang mauunawaan ng
lahat?

1 Fil 01: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Alam Mo Ba?

Sa panahon ng Amerikano unti-unting ipinaturo ang Wikang


Pambansa, una bilang kurso sa kolehiyo at pagkaraa'y
bilang mga sabjek sa mababa at mataas na paaralan,
habang nililinang ang gamit sa iba't-ibang larangan

Alinsunod sa mga hakbang na ito ang paglikha ng Balarila


at ng Tagalog-English Vocabulary bilang mga opisyal na
lathala ng Surian.

Noong Nobyembre 13, 1936, itinatag ang SURIAN NG


WIKANG PAMBANSA (National Language Institute)
at makalipas ang isang taong pagsaliksik at pag-aaral ay
inirekomenda ng Surian ang Tagalog upang maging
batayan ng wikang pambansa.

Sa panahong ito tahasang itinadhana ng batas ang


paggamit ng isang wikang pambansa
...ang nabanggit na mungkahi ni Rizal ay naging hudyat
tungo sa simplikasyon ng pagbaybay katulad ng
pinalaganap na abakada sa Balarila (1940) ni Lope K.
Santos.

Sang-ayon sa Konstitusyon 1935, dapat gumawa ng


hakbang ang Kongreso, "upang linangin at palaganapin
ang wikang pambansa na batay sa isang wikang katutubo."

Tinanggap ng abakada ang limang pantig gaya ng


panukala ng mga misyonero, ngunit pinairal nito ang 15
katinig sang-ayon sa mga tunog sa wikang Tagalog.

(Halaw mula sa: https://prezi.com/fslel3fvbiee/kasaysayan-ng-wikang-pambansa-sa-


panahon-ng-amerikano/)

2 Fil 01: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


TALAKAYAN

Tuklasin natin ang


mahahalagang pangyayari sa
bawat panahon.

PANAHON NG AMERIKANO
a) Ang pagdating ng mga Amerikano ay nagbunsod ng malaking pagbabago sa kalagayang
pangwika sa Pilipinas.
b) Nagpatayo sila ng pitong pambayang paaralan sa Maynila.
a) Naging unang guro ang mga sundalong Amerikano na nagturo ng Ingles.
• (Marso 4) Alinsunod sa Pangkalahatang Kautusan Blg. 41, Si kapitan Alberto Todd
ay nagsagawa ng mga hakbang tungo sa pagtatag ng isang sistema ng edukasyon:
1900 1. pagtatag ng isang komprehensibong modernong sistema ng edukasyon
2. paggamit ng wikang Ingles bilang midyum ng pagtuturo
3. pagpapatupad ng patakarang sapilitang pagpasok sa paaralan
• Pinagtibay ng Philippine Commission sa Bisa ng Batas 7 na gawing panturo sa mga
paaralan ang wikang Ingles.
• Oryentasyon ng mga Amerikano sa Edukasyon: pagpilit sa paggamit ng Ingles
bilang midyum ng pagtuturo
• Malugod itong tinanggap ng mga katutubo dahil:
1. mabuti ang pakikisama ng mga Amerikano
2. uhaw ang mga Pilipino sa isang uri ng pag-aaral na liberal
• Ang paksa sa paaralan ay nakatuon sa mga Amerikano tulad ng kanilang kultura,
literatura, kasaysayan, politika, ekonomiya at iba pa.
• Hindi lang kinaligtaan ang pag-aaral sa anomang bagay na Pilipino, ipinagbawal
pa.
1901 •

Ang mga bagay na Amerikano ang buong pusong tinangkilik.
Sa musmos na isipan ay nagkaroon ng bagong ídolo ang mga Pilipino: Jack & Jill,
Humpty Dumpty, Snow White, Cinderella, Little Miss Muffet, at iba pa.
• Natutuhan ng mga bata ang A is for Apple, D is for Daffodil, E is for Elephant, at S is
for Snow. Kahit na sa Pilipinas ay wala namang apple, daffofil, elephant at snow
kundi atis, katuray,kalabaw at haluhalo.
• Ipinapatik ang tatak ng pagkabaduy o pagka-promdi sa mga bagay na lokal at
katutubo at pagka-class naman sa pagsuot ng mga imported.
• Isinibol ng panahon ang isang uri ng pananalita: pinaghalong wika: Ingles at
Tagalog (Enggalog/Taglish). Lumitaw ang isang uri ng English-Filipino sapagkat
ibang-iba naman talaga sa American English o sa British English. May Cebuano-
English, Ilokano-English at Carabao-English.
• Monroe Educational Commission - Nakita sa sarbey na mabagal matuto ang mga
1925 batang Pilipino kung Ingles ang wikang panturo sa mga paaralan.
• Panukalang Batas Blg. 577 – Gamitin bilang wikang panturo sa mga paaralang
1932 primary ang mga katutubong wika mula taong panuruan 1932 – 1933.

3 Fil 01: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


PANAHON NG KOMONWELT
• Ang misyon nina Quezon at Osmeña ay nagpahalaga sa importansiya ng wikang pambansa.
• Isa sa mga layunin ng edukasyon sa panahon ng Komonwelt ang debelopment ng diwa ng
pambansang pagkakaisa o nasyonalismo.
• Naniniwala ang mga lider ng bansa na ang adapsiyon ng isang panlahat na pambansang wika
ay lubhang mahalaga. Pinagpasiyahan nila kung ano ang magiging opisyal na wika ng bansa.

• Nagkaroon ng Kumbensiyong Konstitusyonal na tinalakay ang problema sa wika. Nagkakaiba


ang mga delegado sa kung aling wika ang dapat umiral bilang opisyal na wika ng Pilipinas. Ang
nakararami ay sang-ayon sa pagpapanatili ng Ingles bilang opisyal na wika dahil:
1. ang Ingles noon ay malaganap na sa buong kapuluan
2. napakaraming guro ang nasanay at nagkapag-aral sa Ingles at gumagamit nito bilang
wikang panturo
3. ang henerasyon ng kabataan noon, maliban sa iilan lamang, ay nagsipag-aral sa Ingles
at ang hahaliling mga henerasyon ay naturuan sa Ingles
4. ang Ingles ang umiiral na wika ng komersyo sa silangan at karamihan sa mga
pakikipagtransaksiyong komersyal na rehiyon o sa Amerika ay isinasagawa sa wikang
ito
5. nakagugol na ng milyon-milyong piso para sa edukasyon ng masa sa Ingles, sa
pagsasanay ng mga guro, sa paghahanda ng mga Sistema ng panuruan, mga aklat at
peryodikal, atbp
6. lubhang marami nang literatura, lalo na ng mga nakababatang henerasyon ng mga
Pilipino na nasusulat sa wikang Ingles.
7. ang atas sa Batas Tydings-McDuffie ay nagtatakda sa Ingles bilang pangunahing
batayan ng pagtuturo at ang pagpapasimula ng ganito ring probisyon ay kasama sa
rekomendasyon ng Komite ng Paturuang Pambayan.
• Iminungkahi sa isinagawang deliberasyon ang mga sumusunod:
1. Ingles ang dapat maging wikang opisyal
2. Ingles at Espanyol ang dapat maging wikang pambansa
3. Tagalog ang dapat maging wikang opisyal
4. dapat magtatag ng Akademya ng Wikang Pambansa na ang pangunahing tungkulin ay
ang pag-aaral at pagrerekomenda ng isang pambansang wika
5. Tagalog ang dapat maging pambansang wika
6. ang pambansang wika ay isang bernakular na pinili sa pamamagitan ng isang
referendum
7. dapat na magkaloob ng isang pambansang wika na batay sa wikang Tagalog
• Nagdaos ng publikong pandinig ang Komite sa Opisyal na Wika sa layuning makagawa ng
makatuwirang pasiya. Dinaluhan ito ng mga taong interesado at may-alam tungkol sa wika.
• Nagkaroon ng maayos na diskusyon at malayang mga pangangatuwiran. Napagkasunduan ng
dalawang proposisyon na ang pambansang wika ay dapat na katutubong wika at hindi
dayuhang wika, at ang Ingles at Espanyol ay dapat magpatuloy bilang mga wikang opisyal.

• Konstitusyong 1935 (Artikulo Blg. XIV, Seksyon 3), Ang Kongreso ay gagawa ng
hakbang tungo sa pagpapatibay at pagpapaunlad ng isang wikang pambansa na
1935 ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika sa kapuluan.

• (Nob. 13), Pagtibayin ang Batas Komonwelt Blg. 184 – Itinatag ang tanggapan
ng Surian ng Wikang Pambansa ((SWP) na binibigyan ng kapangyarihang gumawa
1936 ng mga pag-aaral sa lahat ng mga sinasalitang wika sa kapuluan. Magsagawa sila
ng komparatibong pag-aaral sa mga wika ng Pilipinas at magrekomenda ng

4 Fil 01: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


wikang pinakamagaling na magiging batayan ng isang pambansang wika.
 (Enero 12) Upang maisakatuparan ang mga tadhana ng Seksiyon 1 at 2 ng Batas
Komonwelt Blg. 184, hinirang ni Pangulong Quezon ang Kapuluan ng Surian ng
Wikang Pambansa mula sa iba’t ibang rehiyon at kumatawan sa ilang pangunahing
wika ng Pilipinas.
 Direktor Jaime C. de Veyra (Samar-Leyte/ Waray, Bisaya)
 Santiago A. Fonacier (Ilokano)
 Filemon Sotto (Cebuano) na tumangging maging kagawad at pinalitan ni Isidro
Abad
 Casimiro F. Perfecto (Bikolano)
 Felix S. Salas Rodriguez (Panay-Bisaya/Ilonggo)
 Hadji Butu (Tausug)
 Cecilio Lopez (Tagalog)
 Zoilo Hilario (Kapampangan)
 Jose I. Zulueta (Pangasinan)
 Lope K. Santos (Tagalog)
 Maraming haka-haka ang nabuo tungkol sa naging batayan ng wikang pambansa.
Paano raw ito napili?
1937  Ang desisyon ng lupon ay nakasalig sa pamantayan o batayan ng kanilang nabuo.

Mga Pamantayan sa Pagpili ng Batayan ng Wikang Pambansa


Alin sa mga katutubong wika ang:
 sinasalita at nauunawaan ng maraming Pilipino?
 ginagamit ng mga pinakadakilang nasusulat sa akdang panliteratura?
 sinasalita at ginagamit sa pamahalaan, edukasyon at negosyo?

 Wala pang halos isang taon ay nakapili na ang Surian ng Wikang Pambansa ng
isang wikang katutubo na magiging batayan ng wikang pambansa.
 Wikang Tagalog ang tumugma, pumasa at umaayon sa itinakdang mga
pamantayan.
 (Nob. 9) Isinumite ng mga miyembro ng Surian kay Pangulong Quezon ang
kanilang rekomendasyong Tagalog ang gagamiting batayan ng wikang pambansa.
 (Dis. 30) Nagkabisa ang Kautusang Tagapagpagganap Blg. 134 – Wikang
Tagalog ang ginawang batayan ng wikang pambansa. Ipinahayag ang kautusang
ito ni Pang. Manuel Luis Quezon sa isang brodkast sa radyo mula sa Malacañang.

 (Dis. 13) Nalimbag ang kauna-unahang Balarilang Pilipino na siyang bunga ng


walang agod na pagsusumikap at pagmamalasakit sa wika ni G. Lope K. Santos
1939 na kinikilalang “Ama ng Balarilang Pilipino.”

 (Abril 1) Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 – pagpapalimbag ng


Diksyunaryong Tagalog-Ingles at ng Balarila ng Wikang Pambansa para magamit
sa mga aaralan sa buong kauluan.
 (Hunyo 19) sinimulang ituro sa mga paaralang pampubliko at pribado ang
1940 pambansang wikang nakabatay sa Tagalog.
 Bulitin Blg. 26 – Lahat ng mga pahayagang pampaaralan ay magkaroon ng isang
pitak o kolum sa wikang pambansa.

5 Fil 01: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


PANAHON NG HAPON
 Halos hindi pa natagalang ipinaturo ang wikang pambansa sa mga paaralan, sumiklab ang
Pangalawang Digmaang pandaigdig (WW II).
 Nasarado sandali ang mga paaralan.
 Sa pagbukas, ipinagamit na wikang panturo ang wikang katutubo.
 Sa pamamagitan ng paaralan ay pinasimulan nila ang paglaganap ng ideolohiyang Hapones

 (Enero 17) ang Punong Tagaatas ng Pwersang Imperyal ay naglahad ng “Mga


Saligang Prinsipyo ng Edukasyon sa Pilipinas” na nagtatakda sa mga layuning:
1. ipaunawa sa taong bayan ang posisyon ng Pilipinas bilang miyembro ng
East Asia Co-Prosperity Sphere upang malasap daw ang sariling kaunlaran
at kultura sapagkat nararapat na ang “Asya ay para sa mga Asyano” at
“Ang Pilipinas ay para sa mga Pilipino”
2. burahin ang dating kaisipan ng pagiging depende sa mga Kanluranin, lalo
na sa United States at sa Great Britain, at maitaguyod ang bagong
kulturang Pilipino na batay sa kamalayang pansarili ng sambayanan bilang
mga Silanganin.
3. pagsikapang mapalaganap ang wikang Hapones at wakasan ang paggamit
ng Ingles.
 Ibig ng mga Hapon na malimutan ng mga Pilipino ang Wikang Ingles.
 Naging masigla at umunlad ang wikang pambansa
 Umunlad ang Panitikan ng Pilipinas.
 Ang mga manunulat na sumusulat ng Ingles ay napilitang magsulat sa wikang
pambansa.
 Inalis sa kurikulum ang wikang Ingles at sapilitang ipinaturo ang wikang pambansa
at Niponggo
 Ang patalastas ng tagaatas sa Hapones ay nag-utos na “dapat magsagawa ng
1941 hakbang para ang Tagalog ay mapalaganap”
 Pinagsikapan ng may kapangyarihang Hapones na kontrolin din ang paksang
aralin at ang programa ng pagtuturo upang maisakatuparan ang ikinukubling
plano.
 Inutusan din ang mga guro na alisin ang lahat ng bahagi ng teksbuk na tumutukoy
sa anumang bagay na may kaugnayan sa United States at Great Britain
 Maliban sa pag-aalis at pagbubura sa mga nilalamang Ingles sa mga aklat ay
nanatiling halos walang pagbabago sa estruktura ng edukasyon.
 Binigyang-diin ang Niponggo sa mga institusyon at pagsasanay pangguro. Dapat
matutuhan ng mga upang maituro nila ito at mapahalagahan ang programa ng
Japan para sa Pilipinas.
 Itinuturo ang Niponggo sa loob ng isang oras sa isang araw sa limang araw. Sa
halip na pamamaraang pagsasalin, ang ginamit ng mga instruktor ay pamaraang
tuwiran o aktwal na paggamit ng wika sa kinauukulang sitwasyon.
 Mga paksa na pagtuturo: pamumuhay at kulturang Hapones, Kasaysayan at
Kulturang Silanganin, edukasyong pisikal, mga awiting Pilipino at Hapones.
 Naging aktibo si Pang. Jose P. Laurel sa paglahok sa paghahanda ng Bagong
Konstitusyong Pilipino sa layuning maituon sa paglinang ng nasyonalismo upang
matugunan ang mga realidad.

 (Hulyo 24) Isinaad sa Ordinansa Militar Blg. 13 na ang Niponggo at Tagalog ang
1942 siyang opisyal na mga wika ng bansa, bagaman, pansamantalang pinahihintulutan
ang paggamit ng wikang Ingles. Ang hakbang na ito ay isang opisyal na pagkilala
6 Fil 01: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
sa pambansang wika bilang wika ng pamahalaan. Sa ilalim ng pangasiwaang
military, tinuruan ng Niponggo ang mga guro ng mga pampublikong paaralan
upang pagkatapos ay sila naman ang magturo sa mga paaralan.

 (Nob. 30) Naglagda si Pang. Laurel ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 10 na


nagtatakda ng ilang repormang edukasyon, at isa sa mga iyon ang pagtuturo sa
1943 wikang pambansa sa lahat ng publiko at pribadong hayskul, kolehiyo at
unibersidad.

 (Enero 3) Binuksan ang isang Surian ng Tagalog na tulad ng Surian ng Niponggo


upang ituro ang Tagalog sa mga gurong di-Tagalog.
1944  Walang sumalungat sa pamamalakad ng mga Hapones kahit sa mga di-Tagalog sa
takot na mapahamak sa mga Hapones.

1. Ano ang naging kalagayan ng wikang Tagalog sa panahon ng


Pag-usapan Amerikano? Komonwelt? at Hapon?
Natin!
2. Ano ang nilalaman ng Batas 74? Makatwiran ba ang itinatakda
nito? Ipaliwanag.

3. Ano ang layunin ng edukasyon sa panahon ng Komonwelt?

4. Ano-ano ang mga pamantayan sa pagpili ng batayan ng


Wikang Pambansa?

5. Bakit sinasabing sa panahon ng mga Hapones ang panahong


namayagpag ang panitikang Tagalog? Paano nangyari ito?

GAWAIN

Story Board: Gamit ang ilustrasyon sa ibaba, magtala ng tigdadalawang mahahalagang kaganapan sa panahon
ng Amerikano, Komonwelt at Hapon ukol sa kasaysayan ng wikang pambansa.

Unang mahalagang senaryo: Ikalawang mahalagang senaryo:

7 Fil 01: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Ikatlong mahalagang senaryo: Ikaapat na mahalagang senaryo:

Ikalimang na mahalagang senaryo: Ikaanim na mahalagang senaryo:

MGA SANGGUNIAN

Alma M. Dayag at Mary Grace G. del Rosario. (2016). Pinagyamang PLUMA (Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino). Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.

Alvin Ringgo C. Reyes. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Makati City: Diwa
Learning System Inc.

Godfrey G. Montero & Norly R. Plasencia. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
Nasipit Talamban, Cebu City: University of San Carlos Press

Inihanda ni:

Ivy P. Garcia, LPT


Instructor, Senior High School
8 Fil 01: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

You might also like