You are on page 1of 21

KASAYSAYAN NG

WIKANG PAMBANSA

PANAHON NG
AMERIKANO
PANAHON NG AMERIKANO

Pagkatapos ng mga
kolonyalistang Espanyol,
dumating naman ang mga
Amerikano sa pamumuno ni
“ALMIRANTE DEWEY”.
PANAHON NG AMERIKANO

• Ingles ang wikang ginamit na wikang


panturo sa panahong ito, buhat sa antas ng
primarya hanggang kolehiyo.
• Nagkaroon ng pambansang sistema ng
edukasyon sa kapuluan.
KASUNDUANG PARIS NG 1898

Sa kasunduang ito, isinuko ng España ang


Cuba, Puerto Rico, ilang bahagi ng West Indies,
Guam, at Filipinas sa Estados Unidos kapalit ng
$20 milyon. Nilagdaan ito noong 10 Disyembre
1898 at naipatupad noong 11 Abril 1899. Ito
ang naging wakas ng imperyo ng España sa
America at sa Pasipiko at simula naman ng
imperyalismong Americano .
KOMISYONG SCHURMAN

• Ang komisyon pinangungunahan ni


“JACOB SCHURMAN” ay naniwalang
kailangan ng Ingles sa edukasyong
primarya.
• Nagtakda ang komisyon ng Batas Blg.74
noong ika-21 ng Marso, 1901 na nagtatag
ng mga paaralang pambayan at nagpahayag
na Ingles ang gagawing wikang panturo.
KOMISYONG SCHURMAN

• Hindi maiwasan ng mga guro na


gumamit ng bernakular na wika sa
kanilang pagpapaliwanag.
• Gumawa ng rekomendasyon ang
Superintende Heneral ng mga paaralan
na ipagamit ang wikang bernakular
upang wikang pantulong.
THOMASITES
Naniwala ang mga kawal na Amerikano na
mahalagang maipalaganap agad sa
kapuluan ang wikang Ingles upang
madaling magkaunawaan ang mga Pilipino
at Amerikano. Mga sundalo ang unang
nagsipagturo ng Ingles at sumunod ang
grupong kinilala sa tawag na
“THOMASITES”.
PANAHON NG AMERIKANO

• Noong taong 1931, ang Bise Gobernador Heneral George Butte na


siyang Kalihim ng Pambayang Pagtuturo, ay nagpahayag ng kanyang
panayam ukol sa paggamit ng Bernakular sa pagtuturo sa unang apat na
taong pag-aaral.

• Sinabi rin niyang hindi kailanman magiging wikang pambansa ng mga


Pilipino ang Ingles sapagkat hindi ito ang wika ng tahanan. Sumang-
ayon sa kanya sina JACOB BOCOBO at MAXIMO KALAW.
• Ngunit matibay ang pananalig ng mga Pilipino ng mga Kawanihan ng
Pambayang Paaralan na nararapat lamang na Ingles ang ituro sa
pambayang paaralan. Ang sumusunod ay ilan sa mga dahilang
nagtataguyod ng paggamit ng Ingles.
PANAHON NG AMERIKANO

1. Ang pagtututro ng bernakular sa mga paaralan ay


magreresulta sa suliraning administribo.
2. Ang paggamit ng ibat’t – ibang bernakular sa
pagtututro ay magdudulot lamang ng rehiyunalismo sa
halip na nasyonalismo.
3. Hindi magandang pakinggan ang magkahalong
wikang Ingles at bernakular.
4. Malaki ang nagasta ng pamahalaan para sa
edukasyong pambayan at paglinang ng Ingles upang
maging wikang pambansa
PANAHON NG AMERIKANO

5. Ingles ang nakikitang pag – asa upang maging


wikang pambansa.
6. Ingles ang wika ng pandaigdigang
pangangalakal.
7. Ang Ingles ay mayaman sa katawagang
pansining at pang – agham.
8. Yamang nandito na ang Ingles ay kailangang
hasain ang paggamit nito
Ito ang mga sumusunod na kung
saan
Ang Bernikular ay may
Katwiran din:
PANAHON NG AMERIKANO

1. Walumpung porsiyento ng mag-aaral ang nakaabot ng hanggang


ikalimang grado lang kaya pagsasayang lamang ng panahon at
pera ang pagtuturo sa kanila ng Ingles na walang kinalaman sa
kanilang sosyal at praktikal na pamumuhay.
2. Kung bernakular ang gagamiting panturo , magiging epektibo
ang pagtuturo sa primarya.
3. Kung kailanagan talagang linangin ang ang wikang komon sa
Pilipinas, nararapat lamang na Tagalog ito sapagkat isang
porsiyento lamang ang gumagamit ng Ingles.
4. Hindi magiging maunlad ang pamamaraang panturo kung Ingles
ang gagamitin, sapagkat hindi naman natututo ang ang mga mag
– aaral kung paano nila malulutas ang mga problemang
kakaharapin nila sa pang-araw araw na pamumuhay.
PANAHON NG AMERIKANO

5. Ang paglinang ng wikang ingles bilang wikang


Pambansa ay hindi pagpapakita ng nasyonalismo.
6. Nararapat lamang na magsagawa ng mga bagay
na para sa ikabubuti ng lahat tulad ng paggamit ng
bernakular.
7. Walang kakayahang makasulat ng klasiko sa
wikang Ingles ang mga Pilipino.
8. Hindi nangangailangan ng mga kagamitang
panturo upang magamit ang bernakular, kailangan
lamang na ito pagsiglahin.
PANAHON NG AMERIKANO

*Alinsunod sa layunin maitaguyod ang wikang Ingles,


nagsagawa ang kawanihan ng Pambayang Patuturo ng mga
alintuntuning dapat sundin. Ito ay ang sumusunod;
paghahanap ng guro na Amerikano lamang; pagsasanay sa
mga Pilipinong maaaring magturo ng Ingles at iba pang
aralin; pagbibigay ng malaking tuon o din sa asignaturang
Ingles sa kurikulum sa lahat ng antas ng edukasyon,
pagbabawal ng paggamit ng bernakular sa loob ng
paaralan, pagsasalin ng teksbuk sa wikang Ingles,
paglalathala ng mga pahayagang lokal para magamit sa
paaralan, at pag-alis at pag bawal ng wikang Espanyol sa
paaralan.
PANAHON NG AMERIKANO

Nagsagawa ang mga Amerikano ng pag-aaral, eksperimento, at sarbey upang


malaman kung epiktibo ang pagtuturo gamit ang wikang Ingles. Ang unang
pagsisiyasat ay ginawa ni HENRY JONES FORD. Inulat nito na “gaya ng makikita,
ang gobyerno ay gumastos ng milyon-milyon para maisulong ang paggamit ng Ingles
upang mabisang mapalitan nito ang Espanyol at mga dayalek sa mga ordinaryong
usapan, at ang Ingles na sinasalita ay kay hirap makilln Ingles na nga.” Ganito rin
ang obserbasyon nina Propesor NELSON at DEAN FANSLER (1923) na maging ang
mga kumukuha ng mataas na edukasyon ay nahihirapan sa paggamit ng wikang
Ingles.
Sa sarbey n ginagawa nina NAJEEB MITRI SALEEBY at ng Educational Survey
commission na pinamumunuan ni Dr. PAUL MONROE, natuklasan nila na ang
kakayahang makaintindi ng mga kabataang Pilipino ay napakahirap tayahin kung ito
ba ay hindi nila malilimutan paglabas nila sa paaralan. Sa madaling salita, kahit na
napakahusay ng maaaring pagtuturo sa wikang Ingles ay hindi pa rin ito magiging
wikang panlahatan dahil ang mga Pilipino a y may kani-kaniyang wikang bernakular
na nanatiling ginagamit sa kanilang mga tahanan at sa iba pang pang-araw-araw na
gawain.
PANAHON NG AMERIKANO

Makikita ang mga duda si Saleeby hinggil sa gamit ng Ingles sa


pagtuturo sa ulat ng 1925 Monroe Survey Commission. Sa kadahilanang
maraming bata ang humihinto ng pag-aaral sa loob ng limang taon,
nasasayang lamang ang malaking gastos upang makapagpadala ng mga
Amerikanong guro upang magturo ng Ingles dahil hindi mapapantayan
ng isang Pilipinong sinanay na magturo ng wika ang kakayahang
magturo ng Ingles ng isang Amerikano. Suportado ni JOSEPH
RALTSON HAYDEN, Bise Gobernador ng Pilipinas noong 1933
hanggang 1935, sistemang Amerikano ng edukasyon, ngunit tinanggap
din niyang wikang katutubo ang ginagamit ng karaniwang Pilipino
kapag hindi kailanganng mag-Ingles. Iginiit din ni SALEEBY na
makabubuti ang magkaroon ng isang pambansang wikang hango sa
Katutubong wika nang sa gayun ay maging malaya at mas epektibo ang
paraan ng edukasyon sa buong bansa.
PANAHON NG AMERIKANO

Noong nagkaroon ng Kumbensiyong Konstitusyonal, nagingpaksa


ang pagpili sa wikang pambansa. Iminungkahi ni LOPE K.
SANTOS na isa sa mga wikang ginagamit ang nararapat na maging
wikang pambansa. Ang panakala ay sinusugan naman ni Pangulong
MANUEL L. QEZON na siyang pangulo ng Pamahalaang
Komonwelt ng Pilipinas. Nakasaad ang probisyong pangwika sa
Artikulo XIV, Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng 1935. nilikha ng
Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na nagsasaad ng
opisyal na paglikha sa Surian ng Wikang Pambansa noong ika-13 ng
Nobyembre, 1936. Ang tungkulin nito ay magsagawa ng
pananaliksik, gabay, at alintuntunin na magiging batayan sa pagpili
ng wikang tatawaging Wikang Pambansa. Ipinalabas noong 1937 ni
Pangulong QUEZON ang kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na
nag-aatas na Tagalog ang magiging batayan ng wikang gagamitin sa
MGA LARAWAN

You might also like