You are on page 1of 38

Kasaysayan at

Pag-unlad ng Wikang
Filipino
Aralin 4

1
MGA LAYUNIN
 Natutukoy ang mga pinagdadaanang pangyayari
tungo sa pagkabuo ng wikang pambansa.
 Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga
pangyayaring may kaugnayan sa pag-unald ng
wikang pambansa.
 Nakapagbibigay ng opinion kaugnay sa mga
napakinggang pagtalakay sa wikang pambansa.

2
3
AKTIBITI
1. Anong mahalagang pangyayari ang iyong
naalala na nagbigay ng malaking epekto sa
iyong buhay? Isa-isahin at ipaliwanag.
2. Masasabi mo ba na ang mga pangyayari sa
iyong buhay, malungkot man o masaya ay
nakapag-ambag ng malaki sa iyong pagkatao?
Paano? Patunayan.

4
AKTIBITI
3. Naniniwala ka ba na hindi dapat kinakalimutan
ang mga pangyayaring may kinalaman sa ating
buhay lalo na sa ating pagka-Pilipino?Bakit?
4. Kung ikaw ang tatanungin,mahalaga bang
alamin natin ang kasaysayan ng ating bansa at
ng ating wikang pambansa?Bakit? Patunayan.

5
ABSTRAKSIYON

Kasaysayan ng Wikang Filipino

6
Panahon ng mga Katutubo

 Baybayin ang tawag sa katutubong paraan


ng pagsulat
 Binubuo ito ng labimpitong (17) titik:
tatlong (3) patinig at labing-apat (14) na
katinig

7
Alibata

8
 Ang mga katinig ay binibigkas na may kasamang
tunog ng patinig na /a/. Kung nais basahin o
bigkasin ang mga katinig na kasama ang tunog
na /e/ o /i/, nilalagyan ang titik ng tuldok sa
itaas. Samantala, kung ang tunog ng /o/ o /u/
ang nais isama sa pagbasa ng mga katinig, tuldok
sa ibaba nito ang inilalagay.

9
 Samantala, kung ang nais kaltasin ay ang
anumang tunog ng patinig na kasama ng katinig
sa hulihan ng isang salita, ginagamitan ito ng
panandang kruz (+) bilang hudyat sa pagkakaltas
ng huling tunog.

10
 Gumagamit ng dalawang pahilis na guhit // sa
hulihan ng pangungusap bilang hudyat ng
pagtatapos nito.

11
Panahon ng mga Kastila
 Maraming pagbabago ang naganap at isa na rito
ang sistema ng ating pagsulat.
 Ang dating baybayin ay napalitan ng Alpabetong
Romano na binubuo naman ng 20 titik, limang (5)
patinig at labinlimang (15) katinig.
 a, e, i, o, u b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y

12
 Pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang isa
sa naging layunin ng pananakop ng mga
Kastila.
 Ngunit nagkaroon ng suliranin hinggil sa
komunikasyon.
 Nagtatag ang Hari ng Espanya ng mga
paaralang magtuturo ng wikang Kastila sa
mga Pilipino ngunit ito ay tinutulan ng mga
prayle.

13
 Ang mga misyonerong Kastila mismo ang
nag-aral ng mga wikang katutubo.
1. Mas madaling matutuhan ang wika ng isang
rehiyon kaysa ituro ito sa lahat ang Espanyol.
2. Higit na magiging kapani-paniwala at mabisa
kung ang isang banyaga ay nagsasalita ng
katutubong wika.
 Ang mga prayle’y nagsulat ng mga diksyunaryo
at aklat-panggramatika, katekismo at mga
kumpesyonal para sa mabilis na pagkatuto nila
ng katutubong wika

14
 Naging usapin ang tungkol sa wikang panturong
gagamitin sa mga Pilipino.
 Inatas ng Hari na ipagamit ang wikang katutubo
sa pagtuturo ng pananampalataya subalit hindi
naman ito nasunod.
 Gobernador Tello – turuan ang mga Indio ng
wikang Espanyol
 Carlos I at Felipe II – kailangang maging
bilingguwal ang mga Pilipino
 Carlo I – ituro ang doktrinang Kristiyana sa
pamamagitan ng wikang Kastila

15
 Noong Marso 2, 1634, muling inulit ni Haring
Felipe II ang utos tungkol sa pagtuturo ng
wikang Kastila sa lahat ng katutubo
 Hindi naging matagumpay ang mga kautusang
nabanggit kung kaya si Carlos II ay naglagda ng
isang dekrito na inuulit ang mga probisyon sa
mga nabanggit na batas. Nagtakda rin siya ng
parusa para sa mga hindi susunod dito.
 Noong Disyembre 29, 1792, nilagdaan ni Carlos
IV ang isa pang dekrito na nag-uutos na gamitin
ang wikang Kastila sa mga paaralang itatatag sa
lahat ng mga pamayanan ng Indio.

16
Panahon ng Propaganda
 Sa panahong ito, marami na ring mga Pilipino ang
naging matindi ang damdaming nasyonalismo.
Nagtungo sila sa ibang bansa upang kumuha ng mga
karunungan.
 Dr. Jose Rizal, Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna,
Marcelo H. del Pilar
 Sa panahong ito ay maraming akdang naisulat sa wikang
Tagalog. Pawang mga akdang nagsasaad ng pagiging
makabayan, masisidhing damdamin laban sa mga
Kastila ang pangunahing paksa ng kanilang mga isinulat.
17
Panahon ng mga Amerikano
 Nagsimula na naman ang pakikibaka ng mga
Pilipino nang dumating ang mga Amerikano sa
pamumuno ni Almirante Dewey
 Ginamit nilang instrumento ang edukasyon na
sistema ng publikong paaralan at pamumuhay na
demokratiko
 Mga gurong sundalo na tinatawag na Thomasites
ang mga naging guro noon.

18
 William Cameron Forbes – naniniwala ang mga
kawal Amerikano na mahalagang maipalaganap
agad sa kapuluan ang wikang Ingles upang
madaling magkaunawaan ang mga Pilipino at
Amerikano
 Nagtatag ng lupon si Mc Kinley na
pinamumunuan ni Schurman na ang layunin ay
alamin ang pangangailangan ng mga Pilipino
1. Isang pambayang paaralan ang kailangan ng mga
Pilipino
2. Mas pinili ng mga lider-Pilipino na gamitin
bilang wikang panturo ang Ingles
19
 Jorge Bocobo – naniniwalang ang lahat ng
sabjek sa primaryang baitang, kahit na ang Ingles
ay dapat ituro sa pamamagitan ng diyalektong
lokal
 N.M Saleeby, isang Amerikanong
Superintendent – kahit na napakahusay ang
maaaring pagtuturo sa wikang Ingles ay hindi pa
rin ito magiging wikang panlahat dahil ang mga
Pilipino ay may kani-kaniyang wikang
bernakular na nananatiling ginagamit sa kanilang
mga tahanan at sa iba pang pang-araw-araw na
gawain
20
 Bise Gobernador Heneral George Butte –
naniniwalang epektibong gamitin ang mga
wikang bernakular sa pagtuturo sa mga Pilipino
 Labag man sa iniutos ni Mc Kinley na gamiting
wikang panturo ang mga wikang bernakular sa
mga paaralan ay nanatili pa rin ang Ingles na
wikang panturo at pantulong naman ang wikang
rehiyonal

21
Panahon ng Hapones
 Sa pagnanais na burahin ang anumang
impluwensiya ng mga Amerikano, ipinagamit
nila ang katutubong wika partikular ang wikang
Tagalog sa pagsulat ng mga akdang
pampanitikan.
 Ito ang panahong namayagpag ang panitikang
Tagalog.
 Ipinatupad nila ang Order Militar Blg. 13 na nag-
uutos na gawing opisyal na wika ang Tagalog at
wikang Hapon
22
Panahon nga Malasariling
Pamahalaan
 Saligang Batas noong 1935, Seksyon 3, Artikulo
XIV – “Ang Kongreso ay gagawa ng mga
hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay
ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga
umiiral na katutubong wika.”
 Dahil sa probisyong ito, itinatag ni Pangulong
Quezon ang Surian ng Wikang Pambansa na
ngayon ay Sentro/Komisyon ng/sa Wikang
Filipino upang mamuno sa pag-aaral sa pagpili
ng wikang pambansa.
23
Manuel Luis Molina Quezon

24
 Nilikha ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelth
Blg. 184 – opisyal na paglikha ng Surian ng Wikang
Pambansa noong ika-13 ng Nobyembre 1936
 Ang tungkulin nito ay magsagawa ng pananaliksik, gabay at
alituntunin na magiging batayan sa pagpili ng wikang
pambansa ng Pilipinas
 Si Jaime C. de Veyra ang naging tagapangulo ng komite
 Napili nila ang Tagalog bilang batayan ng wikang
tatawaging Wikang Pambansa
 Ipinalabas noong 1937 ng Pang. Quezon ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134 – nag-aatas na Tagalog ang
batayan ng wikang gagamitin sa pagbubuo ng wikang
pambansa
25
 Ilang dahilan kung bakit Tagalog ang napiling batayang
wika :
1. Mas marami ang nakapagsasalita at nakauunuwa ng
Tagalog kumpara sa ibang wika
2. Mas madaling matutuhan ang Tagalog kumpara sa ibang
wikain sapagkat sa wikang ito, kung ano ang bigkas ay
siyang sulat
3. Tagalog ang ginagamit sa Maynila at ang Maynila ang
sentro ng kalakalan sa Pilipinas
4. Ang wikang Tagalog ay may historikal na basehan sapagkat
ito ang wikang ginamit sa himagsikan na pinamunuan ni
Andres Bonifacio
5. May mga aklat na panggramatika at diksyunaryo ang
wikang Tagalog
26
 Dahil sa pagsusumikap ni Pang. Quezon na
magkaroon tayo ng wikang pagkakakilanlan,
hinirang siyang “Ama ng Wikang Pambansa”
 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 noong Abril
1940 – nagpapahintulot sa pagpapalimbag at
paglalathala ng Talatinigang Tagalog-Ingles at
Balarila sa Wikang Pambansa.
 Pinasimulan ang pagtuturo ng wikang pambansa
sa mga paaralan pampubliko at pampribado sa
buong bansa

27
 Pinagtibay ng Batas Komonwelth Blg. 570 na ang
Pambansang Wika ay magiging isa na sa mga wikang
opisyal ng Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1940
 Nilagdaan ni Pang. Ramon Magsaysay ang Proklamasyon
Blg. 12 noong Marso 26, 1954 na nagpapahayag ng
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa ay
magaganap mula sa ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng
Abril bilang pagbibigay-kahalagahan sa kaarawan ni
Balagtas (Abril 2)
 Nilagdaan ni Pang. Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 186
noong Setyembre 23, 1955 na nag-uutos sa paglilipat ng
petsa ng Linggo ng Wika mula ika-13 hanggang 19 ng
Agosto bilang pagbibigay ng kahalagahan sa kaarawan ni
Pang. Quezon (Agosto 19)
28
 Noong Pebrero, 1956, nilagdaan ni Gregorio
Hernandez, Direktor ng Paaralang Bayan ang
Sirkular 21 na nag-uutos na ituro at awitin ang
Pambansang Awit sa mga paaralan
 Nagpalabas si Kalihim Jose E. Romero ng
Kagawaran ng Edukasyon ng Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7 noong Agosto 13, 1959 na
nagsasaad na kailanma’t tutukuyin ang Wikang
Pambansa, ang salitang Pilipino ang gagamitin
 Nilagdaan ni Pang. Ferdinand Marcos ang
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na
nagtatadhana ng pagsasa-Pilipino ng mga pangalan
ng gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan
noong Oktubre 24, 1967 29
 Marso 27, 1968, nilagdaan ni Rafael Salas, Kalihim
Tagapagpaganap, ang Memorandum Sirkular Blg. 96 na
nag-aatas ng paggamit ng wikang Pilipino sa mga opisyal na
komunikasyon sa mga transaksyonng pamahalaan
 Memorandum Sirkular Blg. 488 noong Hulyo 29, 1972 na
humihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na
magdaos ng Linggo ng Wika
 Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV, Seksyon 2 at 3 –
“Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang
tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng
pambansang wikang Pilipino at hangga’t hindi binabago ang
batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling mga wikang
opisyal ng Pilipinas”
30
 Hunyo 21, 1978, nilagdaan ng Ministro ng
Edukasyon at Kultura, Juan Manuel ang
Kautusang Pangministri Blg. 22 na nag-uutos na
isama ang Pilipino sa lahat ng kurikulum na
pandalubhasang antas
 Nabagong muli ag Konstitusyon nang sumiklab
ang Edsa I noong Pebrero 25, 1986 at nahirang
na pangulo ng bansa si Gng. Corazon c. Aquino
 Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, nasasaad
tungkol sa wika:

31
 Sek.6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino
 Sek.7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at
pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino
at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles
 Sek.8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa
Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing
wikang panrehiyon, Arabic at Espanyol
 Sek.9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon
ng wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng
iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa,
mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa
Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang
pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili
32
Estado ng Wika sa Kasalukuyan

33
Larawan ng Wika sa Kasalukuyan

34
APLIKASYON
 Magbigay ng mga salitang maaaring maikapit o
maikawil sa salitang “Wikang Pambansa
Filipino” gamit ang spider web.

35
APLIKASYON
 Isadula ang mga naging sanhi at
bunga/kalagayan ng wika batay sa sumusunod
na panahon:
a. Panahon ng Katutubo
b. Panahon ng Kastila
c. Panahon ng Amerikano
d. Panahon ng Hapones
e. Panahon ng Malasariling Pamahalaan
 Matapos, tumawag ng isang miyembro sa ibang
pangkat upang bigyang paglalahat ang ginawang
pagsasadula. 36
PINAL NA OUTPUT
 Pagbuo ng isang sanaysay hango sa saliksik.
 Magsagawa ng isang survey at pakikipanayam hinggil sa
mga barayti ng wikang ginagamit ng mga tao sa
kasalukuyan.
 Pumili lamang ng target at espisipikong mga kalahok kung
saan sa isang tiyak na lugar lamang sila matatagpuan: mga
mag-aaral,guro,propesyonal, ralyista, at iba pa.
 Saliksikin ang mga salitang ginagamit ng mga target na
kalahok,kung saan ito nagmula,paano sila
nagkakaunawaan at alamin kung ano ang implikasyon nito
sa wikang Filipino. 37
PINAL NA OUTPUT
 Pagbuo ng isang sanaysay hango saliksik.
 Sundin ang pormat na nakahain sa ibaba upang maging
gabay sa paglalahad ng datos sa bubuuing sanaysay.
Panimula: Naglalaman ng kaunting kaligiran o
background hinggil sa paksang tatalakayin.
Katawan: Pagtalakay sa mga nakalap na datos at
malalimang pagpapaliwanag sa mga ito.
Wakas: Pagbibigay ng konklusyon o paglalahat
hinggil sa natuklasan o napatunayan sa
isinagawang saliksik. 38

You might also like