You are on page 1of 1

PANGALAN:

SEKSYON:
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
GAWAIN #1

A. TAMA O MALI
Panuto: Basahin at unawain. Tukuyin kung tama o mali ang mga pahayag. Isulat ang VALENTINES
kung tama at EDI WOW kung mali.
1. Ang tekstong impormatib ay paglalahad ng mga pangyayari at karanasan ng mga tao.
2. Mahalaga ang pagsusuri sa anomang babasahin upang makilala ang uri ng teksto hindi na
mahalagang isaalang–alang pa ang pinagkunan nito.
3. Ang tekstong persuweysib ay may layunin na maglahad ng opinyon upang makunbinsi ang mga
mambabasa.
4. Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng
instruksiyon kung paano isasagawa ang isang tiyak na bagay.
5. Isa sa katangian ng tekstong impormatib ay ang pagtataglay nito ng iisa lamang na estraktura.
6. Laganap sa bansa ang karamdaman o sakit na COVID-19. Tinatayang umaabot na sa 15,588 katao
ang nagkaroon nito, 3,598 ang tala ng gumaling, 921 ang nasawi at 11,069 ang aktibo. Ang pahayag
ay halimbawa ng tekstong argumentatib.
7. Halimbawa ng tekstong prosidyural. Paano mag-apply sa balik probinsiya? Una, magtungo sa
website http://balikprobinsya.ph at i-click ang apply button. Pangalawa, kumpletuhin ang
enrolment form at i-submit. At hintayin ang verification at tawag sa iyo.
8. Isa sa mahalagang konteksto upang maging epektibo ang pangungumbinsi ay ang mahusay
na paggamit ng wika sa pagpapahayag.
9. Ang tekstong naratib ay paglalahad ng mga pangyayari na pawang katotohanan lamang.
10.Mahalaga ang malinaw na pagbibigay ng intruksiyon sa paggawa ng tekstong
prosidyural.

B. PAGPUNO SA TSART
Panuto: Pumili ng tatlo sa mga uri ng teksto. Ipakita ang kaibahan ng bawat isa sa pamamagitan ng
pagbibigay ng sariling pakahulugan sa mga uri nito. Magbigay ng isang halimbawang parirala,
pangungusap o pahayag na maaaring nabasa , naisip o napakinggan.

Uri ng Teksto
Kahulugan

Halimbawa:

You might also like