You are on page 1of 4

Pangalan: Cordero, Crizza Loraine A.

Seksyon: 11 STEM22C - Swati Mohan

Pagsusuri ng Tekstong Impormatibo

A. Sagutin ang mga sumusunod ng mga tanong batay sa binasang teksto.

1) Patungkol saan ang teksto? Magbigay ng isang pangungusap mula sa teksto na nagsilbing batayan
ng iyong sagot.

Sagot:

Ang teksto ay patungkol sa katotohanan tungkol sa COVID-19 virus. Ito ay nagbibigay ng


impormasyon sa kung ano talaga ang epekto at dahilan ng virus na ito. Nakasaad sa teksto ang
pangungusap na ito na naging batayan ng aking kasagutan, “Ang Covid-19 ay isang uri ng virus
sa pamilya na sanhi ng coronavirus na maaaring maging sanhi ng malubhang problema sa
kalusugan, lalo na sa mga matatanda, sa mga may mahinang katawan o madalas madapuan ng
malubhang sakit.” Dahil sa pangungusap na iyon nagkaroon ako ng kaalaman at impormasyon
ukol sa COVID-19 virus.

2) Anong uri ng tekstong impormatibo ang binasa?

Sagot:

Ang uri ng tekstong impormatibo ng aking binasa ay Pag-uulat ng Pang-Impormasyon.

3) Makatotohanan ba ang mga impormasyong nakalahad sa tektong binasa? Magbigay ng


patunayan.

Sagot:

Oo, dahil ang nakasaad sa teksto ay base sa katotohanan at walang halong opinyon o pananaw ng
manunulat. Ito din ay masusing sinaliksik at ang impormasyong nakuha ay nagmula sa reliable
source.

4) Kakikitaan ba ng personal o sariling damdamin o opiyon ng may-akda ang tekstong binasa?


Pangatwiran ang sagot.

Sagot:

Hindi, dahil ang mga nakasaad lamang sa teksto ay kung ano talaga ang totoo tungkol sa
COVID-19 virus, at hindi kailanman nakalagay sa teksto ang pananaw ng manunulat ukol sa
paksa. Ito lamang ay nakapokus sa kung ano ang totoo, at pinagbasehan ito sa legitimate source.

5) Tukuyin ang sumusunod na elemento ng tekstong impormatibo na mababasa sa halimbawang


teksto.

Sagot:

Layunin: Ang layunin ng teksto ay magbigay ng impormasyon at kaalaman ukol sa COVID-19 virus
sa mga mambabasa.

Pangunahing Kaisipan: Ang pangunahing kaisipan ay maipaunawa sa mga mambabasa sa kung ano
ang COVID-19 virus, inilahad ito sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi na kung
saan nakalagay ang mga importanteng impormasyon na makakadagdag ng kaalaman sa mga
mambabasa.

Pantulong na Kaisipan: Isinaad sa teksto kung ano ang COVID-19 kasali na dito ang sintomas,
bakuna, kung paano ito kumakalat, at kung paano ito maiiwasan. Sa bawat pamagat ng paksa ito ay
sinusuportahan ng katotohanan.

Istilo o Pamamaraan ng Pagsulat: Ang istilo o pamamaraan ng pagsulat ng manunulat ay pagbibigay


diin sa mga mahahalagang salita, at pagsusulat ng talasanggunian.

B. Batay sa binasang tekstong pinamagatang “Ang Mga Katotohanan Tungkol sa COVID-


19 –Coronavirus”, pagnilayan ang sumusunod na sitwasyon at iugnay ito sa mga
pangyayaring nagaganap sa paligid maging sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at
daigdig. Isulat sa dyornal ang iyong mga kaisipan.
(Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa, at daigdig)

1) May kasabihang sumunod sa batas, Ang aking gagawin upang maiwasan na maging
para COVID-19 ay maiwas. Ano-ano biktima ng COVID-19 virus ay proprotektahan ko
ang gagawin mo upang maiwasan ang aking sarili sa pamamagitan ng pagsunod sa
maging biktima ng covid-19 virus? mga health protocols na ipinanukala ng gobyerno
katulad na lamang ng social distancing, pagsuot ng
mask, at paghuhugas ng kamay at hindi
paglakwatsa sa kung saan-saan.

2) Kung sakaling ikaw o isa sa mga Upang mapigilan ang pagkalat o madagdagan ang
kapamilya o malapit na kaibigan mo biktima ng COVID-19 virus, ang gagawin ko at ng
ang magiging biktima ng dulot ng aking pamilya ay iiwas kami sa direktang
covid-19 virus, ano-ano ang gagawin pakikipag-usap para sa mga pagbati tulad ng
mo o ninyo upang mapigilan ang pakikipagkamay at halik. Susundin din namin ang
ganitong uri ng sakit? health safety protocols at iquaquarantine o i-isolate
namin yung biktima ng COVID-19 virus.

3) Sa paanong paraan mo maipapakita Maipapakita ko sa aking komunidad, bansa at


sa inyong komunidad,bansa at sa daigdig ang kahalagahan at pagiging responsable
daigdig ang kahalagahan at pagiging upang makaiwas sa COVID-19 Virus sa
responsable sa upang makaiwas sa pamamagitan ng simpleng pagsunod sa mga
covid 19 virus? COVID-19 safety & preventive measures.

IV. Pagsasanay

A. Ayon sa iyong mga naunawaan sa talakayan, magbigay ng maikli ngunit


komprehensibong sagot sa mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang tesktong impormatibo?

Ang tekstong impormatibo ay kilala sa alternatibong pangalang ‘ekspositori’, nilalayon ng


tekstong makapagbigay ng detalyado, makatotohanan, at tiyak na impormasyon patungkol sa
isang bagay, tao, hayop, lugar, o pangyayari.

2. Ano-ano ang mga katangian ng ganitong uri ng teksto?

▪ Makatotohanan ang mga datos


▪ May malawak na kaalaman tungkol sa paksa ang manunulat
▪ Ang kaalaman ay nakaayos ng sunod-sunod at inilalahad nang buong diwa at mayt
kaisahan
▪ Karaniwang makikita sa mga pahayagan o balita, sa mga magasin, textbook, at sa mga
pangkalahatang sanggunian
3. Ano-ano ang mga elemento ng tekstong impormatibo?

Ang mga elemento ng tekstong impormatibo ay Layunin ng May-Akda, Pangunahing Ideya,


Pantulong na Kaisipan, at Istilo o Pamamaraan ng Pagsulat.

4. Ano ang iba’t ibang uri ng tekstong impormatibo?

Ang iba’t ibang uri ng tekstong impormatibo ay Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan,


Pag-uulat Pang-impormasyon, at Pagpapaliwanag.

5. Bakit kailangang ilahad ng talasangguniang ginamit sa tekstong impormatibo?

Kailangan ilahad ang talasanggunian na ginamit sa isang tekstong impormatibo sapagkat ito ang
nagiging daan upang malaman ng mga mambabasa ang pinagmulan o source ng mga
impormasyon. Mahalaga ito upang malaman nila na ang mga nakalagay sa teksto ay base sa mga
pag aaral. Ang talasanggunian nagsisilbing patunay na gumawa ng pag-aaral o pag-reresearch
ang isang manunulat tungkol sa teksto.

6. Sa paanong paraan magiging mas epektibong maipararating ng manunulat ang mahahalagang


impormasyon sa kanyang mga mambabasa?

Ang isa sa mga pamamaraan ng epektibong paghahatid ng impormasyon ay sa pamamagitan ng


pagbibigay ng mga halimbawa. Sa pamamagitan nito, mas nauunawaan ng mga mambabasa ang
impormasyong nais niyang ipahatid. Bukod sa nabanggit, mahalaga rin na magbigay ng larawan
o ilustrasyon sa pagbabahagi ng impormasyon. Sa pamamagitan nito, napapagana ang pagiging
malikhain ng manunulat, at maging ang imahinasyon ng mga mambabasa.

C. Tukuyin ang kahulugan at katangian ng mga salitang ginamit sa teksto na nakasulat


nang madiin sa bawat bilang.

1. Ang sumusunod ay mga babasahing di-piksyon: talambuhay, balita,at artikulo sa magasin. Batay
sa mga halimbawang ito, anong pagpapakahulugan o katangian ang maibibigay mo para sa di-
piksyon?

Ang di-piksyon ay binubuo ng mga babasahin o sanaysay ng mga tunay na pangyayari. Halimbawa nito
ay kasaysayan, biograpiya, sanaysay, talaarawan.

2. Ang sumusunod ay mga babasahing piksyon: maikling kwento, tula, at nobela. Batay sa mga
halimbawang ito, anong pagpapakahulugan o katangian ang maibibigay mo para sa mga
babasahing piksyon?

Ang piksyon ay mga kwento na nagtatampok ng mga istorya na galing sa imahinasyon o kathang isip at
ito ay hindi makatotohanan. Halimbawa ng piksyon ay alamat, pabula, epiko, maikling kwento.

3. Ang salitang impormatibo ay nagmula sa salitang Ingles na inform. Batay sa pinagmulan ng


salita, anong kahulugan ang maibibigay mo para sa tekstong impormatibo?

Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng pagpapahayag na ang


layunin ay makapagbigay ng impormasyon. Naglalahad ito ng malinaw na paliwanag sa paksang
tinatalakay.
4. Ang ilan sa mga elemento ng tekstong impormatibo ay: layunin ng may-akda, pangunahing ideya,
pantulong na kaisipan, estilo sa pagsulat at kagamitan o sanggunian. Ano ang ibig tukuyin ng
pahayag na pangunahing ideya?

Ang pangunahing ideya ay tumutukoy sa diwa ng buong teksto. Ito ang nagbibigay ng pahiwatig
tungkol saan ang pag-unawa sa talata. Ipinahahayag ito sa pamamagitan ng isang pangungusap na
tuwirang natutukoy kung ano ang pag-uusapan sa buong talata.

5. Kailangan ng mga pantulong na kaisipan upang mabuo ang pangunahing ideya. Ano ang ibig
ipahiwatig ng pantulong na kaisipan?

Ang pantulong na kaisipan ay ang nagbibigay paliwanag o detalye sa isinasaad ng pamaksang


pangungusap.

V. Pagtataya

Epekto Sa Katawan Ng Mga Pagkaing Na-Proseso Tulad Ng De-Lata, Instant Noodles At


Iba Pa

Ayon sa isang UNICEF report, isa ang Pilipinas sa tatlong bansa sa Southeast Asia na may mataas
na bilang ng mga batang malnourished. Sa mga bilang na ito ay 40% sa mga bata ay may edad na limang
taong gulang pababa. Isang nakitaang dahilan ng malnutrition rate na ito ay ang pagpapakain ng mga
magulang ng affordable, accessible, at easy to prepare meals sa kanilang mga anak tulad ng instant
noodles at na-prosesong pagkain tulad ng mga delata. Sinasabi mula sa Filipino Health Line na ang
pagkain ng mga instant food araw-araw ay hindi tama dahil isa sa panganib nito ay ang kemikal na
tinatawag na Bisphenol-A na kung saan ito ay hinahalo sa paggawa ng lining ng delata upang
maprotektahan at hindi mahalo ang tin aluminum o lata mismo, sa pagkain. Ngunit ang lining na ito ay
toxic din. Maari itong maglabas ng chronic toxicity na nagdudulot ng masamang epekto sa katawan.

Epekto ng Bisophenal A:

• Nakakaapekto sa hormones ng tao.


• Maaring makaapekto sa reproductive system ng tao, infertility o kawalan ng kakayahang
mabuntis.
• Early puberty o maagang pagkakaroon ng menstruation
• Diabetes

Ayon naman sa Radyo Pilipinas at Mediko PH, may masamang dulot ang madalas na pagkain ng mg na-
prosesong pagkain at ito’y ilan sa mga sumusunod:

• May mataas na posibilidad ng pagkakaroon ng karamdaman sa puso at pagkakadanas ng stroke.


• Hindi nito natatapatan ang wastong pangangailangan ng ating katawan pagdating sa mga
sustansya na ating kailangan.
• Nagtataglay din ito ng sobrang asin na maaaring magdulot ng high blood pressure
• Problema sa bato
• Altapresyon
• Malnutrition

Ang pagkain ay napakaimportante sa buhay ng isang tao pati na rin sa ating kalusugan. Ang wastong
pagkain ay isang malaking bagay para sa ating kalusugan. Mahalaga ang pagkain ng mga
masusustansyang pagkain, hindi na importante kung ito'y inangkat galing sa ibang bansa at kung ito'y
mamahalin ang mahalaga ay masustansya ito para sa ating kalusugan. Makatutulong ang pagkain ng mga
luntiang dahong gulay, sariang prutas at pag-inom ng gatas at tubig at pag-eehersisyo para maiwasan ang
pagkakasakit.

You might also like