You are on page 1of 3

I.

Layunin
a. Napag-iiba ang katotohanan (facts) sa hinuha (inferences), opinion at personal na
interpretasyon
b. Naiisa – isa ang mga positibo at negatibong pahayag; at
c. Naiuugnay ang balitang napanood sa balitang napakinggan at naibibigay ang sariling
opinion tungkol dito
II. Paksa: KONTEMPORARYONG PROGRAMANG PANGRADYO
III. Kagamitan
Laptop,
IV. Pamaraan
a. Panimulang Gawain
Bago magpatuloy sa mismong aralin, sagutin muna ang paunang pagtataya upang
malaman at masukat ang inyong kaalaman kaugnay sa aralin.
Panuto: Tukuyin kung KATOTOHANAN, HINUHA, OPINYON o PERSONAL NA
INTERPRETASYON ang mga sumusunod na pahayag.
1. Ayon sa sikat na manghuhulang si Rudy Baldwin, asahan na natin ang
mga sunod – sunod na lindol sa mga susunod na araw.
2. Malabo nang maibalik ang face to face classes ngayong Taong
Panuruang 2020 – 2021.
3. Para sa akin, marami pa ring dapat ipagpasalamat sa kabila ng mga
suliraning naganap sa nagdaang taon.
4. Maagang nagbabala ang World Health Organization na ang COVID – 19
pandemic ay hindi magiging kahuli-hulihan dahil sa inaasahang may mga
susunod pang katulad nito sa hinaharap.
b. Takdang Gawain
i. Pagganyak
Magparinig ng mga halimbawa ng mga komentaryong pangradyo sa mga bata.
(to look for)
ii. Paglalahad
1. Pag-alas ng sagabal
Ngayon ay iyong basahin at unawain ang halimbawa ng komentaryong
pangrafyo. Ito ay tungkol sa bakuna kontra COVID – 19. Narito ang isang
bahagi ng nasabing talakayan sa radyo.

Iskrip ng Komentaryong Panradyo


Kaugnay ng Bakuna Kontra COVID-19
Ni Hanah F. Garcia
Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZGP, narito ang inyong pinagkakatiwalaang mamamahayag na sina
Anna Domingo at Erick Bidanez at ito ang Radyo Ekspres.
Announcer:
Magandang buhay sa inyong lahat!
Erick:
Magandang buhay, partner!
Anna:
Partner, talaga namang mainit na usapin ngayon ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga sundalo at
kapulisan.
Erick:
Oo nga, partner. Umaalma ang marami. Sabi nga ng iba, hindi lang naman mga sundalo at kapulisan ang
frontliners. Nariyan din ang mga guro at iba pang empleyado ng gobyerno.
Anna:
Totoo ‘yan, partner! May punto rin naman nga sila.
Erick:
Pero bakit nga ba uunahin ang mga sundalo at kapulisan na mabakunahan kontra COVID-19?
Anna:
Giit ni Pangulong Duterte, nais niyang unang mabakunahan ang mga sundalo at kapulisan kontra COVID-
19 para mapanatili ang kanilang kalusugan habang nangangalaga sa peace and order sa bansa.
Erick: Naku! Hindi ba lagi na lang pinapaboran ni Pangulong Duterte ang mga sundalo at kapulisan?
Anna:
Sa isang banda partner, mainam din ngang unang mabakunahan ang mga sundalo at kapulisan dahil sila
talaga ang laging nakasuong sa laban kontra COVID-19. Sila ang tagaprotekta ng bawat lugar upang
maging ligtas sa COVID-19.
Erick:
Pero ang alam ko, partner, ang vaccine na mula sa Chinese pharmaceutical company na Sinopharm ang
gagamitin na may efficacy rate na 79.34% lamang. At hindi pa ito aprubado ng Food and Drug
Administration (FDA) ha.
Anna:
Partner, ayon sa World Health Organization (WHO), wala talagang vaccine ang magkakaroon ng 100%
efficacy rate. Maging ang gawa ng U.S. drugmakers na Pfizer-BioNtech at Moderna ay may efficacy rate
na 95%. Ang mahalaga raw ay umabot ito ng 50% at ito ay magiging safe na para gamitin.
Erick:
Naku, ‘di ba delikado pa rin ‘yong ganoon, partner? Pero, sige na nga, sila na mauna.
Anna:
Ganoon na nga, partner. Kaya hayaan na natin ang desisyon ng mga eksperto sa mga ganiyang bagay
dahil sila ang higit na nakaaalam kung ano ang makabubuti para sa lahat.
Erick: Ganoon na nga, partner. Kaya hayaan na natin ang desisyon ng mga eksperto sa mga ganiyang
bagya dahil sila ang higit na nakakaalam kung ano ang makabubuti para sa lahat.

Pag-unawa sa Binasa
1. Tungkol saan ang binasang komentaryong panradyo?
2. Sino-sino ang mga mamamahayag sa nasabing programa?
3. Ano ang iyong masasabi tungkol sa usaping kanilang tinalakay?
4. Sang-ayon ka ba na mga sundalo at kapulisan ang unang mabakunahan
kontra COVID-19? Bakit?
5. Bilang mag-aaral, paano nakatulong sa iyo ang nabasang komentaryo?

iii. Talakayan
Matapos na basahin ang halimbawa ng komentaryong pangradyo, atin naming
suriin kung ano ang kahulugan nito at ang kanyang kaugnayan sa
kontemporaryong programang pangradyo. Gayon din, alamin kung paano
nagkakaiba – iba ang mga pahayag na nagsasaad ng katotohanan, hinuha,
opinion, at personal na interpretasyon.
KONTEMPORARYONG PROGRAMANG PANRADYO
Ang radio ang itinuturing na una sa pinakapinagkakatiwalaang pinagkukunan ng
pampolitikang impormasyon sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, pumapangalawa ang
radyo at telebisyong bilang pinakagamit na medya sa bansa.
Ayon sa Philippine Statistics Authority noong 2013, tinatayang 2/3 na bahagi ng
populasyon ng bansa ang nakikinig sa radyo na may 41.4% ng tagapakinig
minsan sa isang lingo. Nananatili rin itong pinakalaganap na media na nakaabot
kahit na sa pinakaliblib na mga lugar sa bansa.
May dalawang pamimiliang pangunahing istasyon sa radyo, ito ay ang
Amplitude Modulation (AM) at Frequency Modulation (FM). Ang mga istasyon
na FM ay nakapokus ang nilalaman sa musika samantalang ang mga istasyong
AM ay nag-uulat ng mga balita, kasalukuyang pangyayari, serbisyo publiko,
seryal na drama atbp.

Ang komentaryong panradyo ayon kay Elena Botkin – Levy,


Koordineytor ng ZUMIX Radio, ay ang pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na
maipahayag ang kanilang mga opinion at saloobin kaugnay sa isang
napapanahong isyu, o sa isang isyung kanilang napiling talakayin at pagtuunan
ng pansin. Ang pagbibigay opinion ayon kay Levy ay makatutulong ng Malaki
upang ang kabataan ay higit na maging epektibong tagapagsalita. Ayon pa
sakanya, ang unang hakbang upang makagawa ng isang mahusay at epektibong
komentaryong panradyo ay ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa
pagsulat ng isang sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw.

Katotohanan, hinuha, opinyon at personal na interpretasyon


Sa pagpapahayag ng isang broadcaster sa kanyang programa, malimit na
gumagamit ng makatotohanang pagpapahayag na kung saan ang impormasyon
ay balido dahil may pagbabatayan, ito ay nagiging daan upang ang isang
broadcaster ay magkaroon ng kredibilidad sa pamamahayag. Ngunit may
pagkakataon rin na sila ay nagbibigay ng hinuha, mga sapantaha, o palagay sa
isang isyu o paksa na kanilang tinatalakay. May interaksyon ding namamagitan
sa radio broadcasting dahil hindi maaaring magkaroon ng dull time o patay na
oras habang on air ang isang broadcaster. Kalimitang nagpapahayag sila ng isang
opinyon at maaari ding pinalalawig ito ng mga taong nakapakinig sa kanila na
maaaring co-broadcaster o tagapakinig ng programa sa pamamagitan ng ma
personal na interpretasyon.

Narito ang linkng isang halimbawa ng komentaryong panradyo na ating


papakinggan upang higit na mas maunawaan aralin.
https://www.youtube.com/watch?v=axpG-21cp71

iv. Paglalapat
v. Ebalwasyon
V. Takdang - Aralin

You might also like