You are on page 1of 14

The Pontifical and Royal

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS


COLLEGE OF ARCHITECTURE
Espana, Manila

Nakakasiguro ba ang Mamayanang


Pilipino sa Kredibilidad ng Midya,
Print, Broadcast o Onlayn man?

Ipinasa nina:
Conde, Camille B.
Garcia, Chelsea D.
Naanep, Carlota Berlin V.
Ventura, Joshua J.
(1AR-9)
Ipinasa kay:
Gng. Crizel Sicat-De Laza

1. ABS-CBN News and Current Affairs. (2013) For Pinoys, Church is 'most trusted';
business, 'least trusted'. Retreived from: http://www.abscbnnews.com/focus/02/27/13/pinoys-church-most-trusted-business-least-trusted
Pisikal: Artikulo
Buod ng Nilalaman:
Ayon sa trust index (isang pagaaral kung gaano nagtitiwala ang mamamayan sa iba'tibang sektor sa bansa na isinagawa ng EON Stakeholder Relations at Ateneo Graduate
School of Business) ang simbahan ang pinakapinaniniwalaang sektor na may 68.1 %.
Pumapangalawa naman ang mga nasa sektor ng edukasyon sa 45.1%; saka sumunod ang
midya na may 32.33%. Sumunod sa tatlong ito ang gobyerno, mga non-government
organizations at huli sa listahan ang kabuhayan at komersyo.
Natukoy rin sa artikulo na ito na mga operator ng telebisyon ang pinakapinagkakatiwalaan sa midya na may 44.44%, sumunod ang mga istasyon ng mga radyo
with 31.3%; pangatlo ang mga pahayagan, 24.1% at huli ang online media, 20.6%.
Halaga/Kaugnayan sa pananaliksik:
Mahalaga ang artikulong ito dahil dito malalaman ang paningin ng mga tao sa mga sektor
kabilang na ang midya. Kung sino nga ba ang nangunguna, at nahuhuli sa listahan. Sino
nga ba ang pinaka- pinagkakatiwalaan ng lipunan?

2. Debra Miller. (2012) . There are Many Types of Media Bias . Politics and The Media .
(pp. 41-44) . London: Greenhaven Press.
Pisikal:Artikulo
Buod ng Nilalaman:
Nakasaad dito ang mga klase ng Media Bias.
1. Political Bias
2. Advertising Bias
3. Corporate Bias
4. Label Bias
5. Herd Mentality Bias
6. Internet Bias
7. Unbiased Bias
Isinaad din ng manunulat na ang pagiging "biased" ay hindi masama. Pinapanood mo ang
isang tsanel, dahil pinaniniwalaan mo ito at sasang-ayon ka sa mga nilalaman nito. May
mga bagay talaga na hindi dapat i-report kaya sinasabi ng iba na ito ay "biased".
Halaga/ Kaugnayan sa Pananaliksik:
Mahalaga ang artikulong ito para maintindihan ng mga mambabasa ang iba't-ibang panig
ng mga tao. Mayroong walang pakialam sa pagiging "biased" ng isang tsanel, dahil
mayroon talagang mga balita/ isyu na hindi dapat ilabas sa publiko.

3. Johnson T., Kaye B. . (2000) . Using is Believing: The Influence of Reliance on the
Credibility of Online Political Information among Politically Interested Internet Users.
(Vol.77, pp. 865-868)
Pisikal: Artikulo
Buod ng Nilalaman:
Ang apat na salik na lumalaganap sa midya ay Media Credibility, Credibility and Media
Use, Media Credibility and Political Attitudes, at ang pang huli ay, Credibility and
Demographics. Ilang media observers ay sinisisi ang internet dahil sa mga isyu sa midya.
Ilan sa mga tradisyonal na news tsanel ay pinipilit magbigay ng tama at "unbiased" na
mga impormasyon. Ngayon, ang mga mambabasa ay may gabay na mga kagamitan para
ikumpara ang mga napapanood o naririnig nila sa news, at ang mga mababasa nila sa
internet. Ilan sa mga pag-aaral, ay sinasabing mas mapapaniwalaan ang mga news sa
internet kaysa sa tradisyonal na pagbabalita. Karamihan sa mga pag-aaral sa Internet, ay
sinasabing mas pinapaniwalaan ng isang tao ang isang midyum na lagi niyang ginagamit.
Ang telebisyon ay sinasabing pinaka-pinagkakatiwalaan na midyum.
Halaga/ Kaugnayan sa Pananaliksik:
Mahalaga na malaman ng mambabasa kung ano ang mas pinapaniwalaan ng karamihan.
Sino at ano nga ba ang dapat paniwalaan? Ang online ba o ang tradisyonal na
pagbabalita? Pareho ba silang nagbibigay ng tamang impormasyon sa mga tao?

4. JW.ORG . (2013) . Mapagkakatiwalaan Mo ba ang News Media?. Retreived from:


http://www.jw.org/tl/publikasyon/magasin/g201312/mapagkakatiwalaan-mo-ba-newsmedia/
Pisikal: websayt
Buod ng nilalaman:
Ayon sa artikulong ito, marami ang duda sa kanilang nababasa at naririnig sa balita.
Maraming journalist at mga organisasyong pinagtatrabahuhan nila ang nangangakong
mag-uulat ng tama at kapaki-pakinabang na balita. Ngunit hindi parin ito sapat para
magtiwala, may mga dahilan pa ring mabahala.
1. Media Mogul.
2. Gobyerno.
3. Advertisement.
4. Pandaraya.
5. Presentasyon.
6. Pagbabawas.
7. Kompetisyon.
8. Pagkakamali.
9. Maling Akala.
Halaga/ Kaugnayan sa pananaliksik:
Bagaman hindi tamang paniwalaan ang lahat ng nababasa natin sa balita, hindi naman
ibig sabihin na wala na tayong mapagkakatiwalaan. Ang mahalaga ay maging maingat
tayo at panatilihing buks ang ating isipan.

5. Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas . (2011) . Broadcast Code of The


Philippines. Retreived from: http://www.kbp.org.ph/wpcontent/uploads/2008/04/KBP_Broadcast_Code_2011.pdf
Pisikal: PDF File
Buod ng nilalaman:
Ang akdang to ang nagsisilibing manwal ng bawat sektor ng broadkaster sa Pilipinas.
Dito makikita ang pamantayan sa pagbabalita News and Public Affairs, Analysis and
Commentaries, Coverage Involving Children, Personal Attacks, Crime and Crisis
Situations, Political Propaganda, National Development, Childrens Program and
Welfare, Contests, Public Participation Programs & Promotion, Culture and Tradition,
Respect for Law and Order, Discrimination, Crime and Violence, Sex, Obscenity and
Pornography,Liquor, Cigarettes, and Dangerous Drugs, On-Air Language, On-Air
Decorum, Bribery, Blocktimers, Universal Ethical Standardsat marami pang iba.
Nakasaad rin sa manwal na ito ang mga kaukulang parusa sa paglabag sa mga nakasaad
na paluntunan at ang mga prinsipyo na kinakailangan sa isang brodkaster gaya ng
katotothanan, pagkakaroon ng bukas na isipan, pananagutan, balanse, responsable,
pagiging otoridad ng saligang batas, may dangal at kagandahang asal, may katwiran na
may kaukulang pagiingat , sumusinod, tapat, epektibo at higit sa lahat, may respeto sa
kapwang broadkaster at sa kanyang pinapanayam.
Halaga/Kaugnayan sa Pananaliksik:
Ito ang manwal ng midya; sa akdang ito makikita kung may nalabag ba ang mga
mamahayag sa paghahatid ng patas at walang kinikilingang balita. Mahalaga rin na
malaman ng mambabasa ang mga kaukulan parusa sa paglabas sa mga batas na
konektado sa midya, para malaman ng mga tao kung hanggang saan ang limitasyon ng
bawat isa.

6. Manila Bulettin. (2015) . Personal credibility in social media. Retreived from:


http://www.mb.com.ph/personal-credibility-in-social-media/
Pisikal: Online Article
Buod ng Nilalaman:
Ang kredibilidad sa isang social account ay nakasalalay sa tatlong pamantayan;
mapapagkatiwalaan, pagiging eksperto, at ang pagiging kaakit-akit.
Ayon sa Polish sociologist na si P. Sztompka, mapapakatiwalaan ang isang tao kung
meron siyang repyutasyon, magandang takbo sa trabaho at ang maayos na pisikal na
itsura. Alam mo namaang eksperto ang isang tao kung ito ay may kaalaman o kaya
naman ay kakayanan sa isang panig asignatura. At panghuli; kaakit-akit ang isang may
hawak ng isang social account base na sa kanyang litrato na ginagamit bilang profile
picture pati narin ang iba pang mga nasa account niya. Dito pumapasok ang karisma ng
isang indibidwal na may social account.
Halaga/ Kaugnayan sa pananaliksik:
Ito ay mahalagang babasahin ukol sa aming aralin dahil dito sa artikulong ito ipinakita
kung paano makakabuo ng sariling kredibilidad ang isang indibidwal na gumagamit ng
social accounts. Dito ipinapakita kung paano tinitimabang ng mga tao ang mga balitang
nakikita nila sa kompyuter.

8. SparkNotes. (n.d.) . The Media . Retreived from: http://www.sparknotes.com/usgovernment-and-politics/american-government/the-media/section1.rhtml


Pisikal: Online Article
Buod ng Nilalaman:
Ang salitang midya ay tumutukoy sa grupo ng tao na naghahatid ng balita sa komunidad.
Ang tatlong pangunahing klase ng midya ay; Print Media, Broadcast Media at ang
Internet.
Print Media - Ilan sa mga ito ay dyaro, magasins, journals, newsletters, at marami pang
iba. Ang impluwensiya ng print media ay mas makabuluhan.
Broadcast Media - ito ay mga balita na inihahatid sa telebisyon o radio.
Internet - Ang internet ay unti-unti nagbabago. Ilan sa mga tao ay umaasa sa mga balita sa
internet kaysa sa "traditional print" at broadcast media. Ito ay maaaring naglalaman ng
text, audio, o video.
Halaga/Kaugnayan sa pananaliksik:
Ito ay mahalaga para malaman ng mga mambabasa kung ano ang mga klase ng midya. Ito
ay isang paraan para hindi agad mapaniwala sa mga napapanood, nakikita o nababasa.

9. The Research Pedia. (n.d.) Disadvantages of Media. Retreived from:


http://www.theresearchpedia.com/research-articles/disadvantages-of-media
Pisikal: Online Article
Buod ng nilalaman:
Ang midya ay ang pinagmumulan ng mga impormasyon. Ito ay may malaking
impluwensiya sa mga tao. Importante na alam ng bawat isa kung ano ang mga epekto ng
midya. Nakasanayan na rin ng ilan ang panonood ng news, at pagbabasa ng mga dyaryo,
magasin o mga websayt.
Ilan sa mga hindi magandang epekto ng media ay:
1. Information Overload - Ang midya sa panahon ngayon ay magkakaiba. Mayroong oras
na hindi maiiwasan na masobrahan ang mga nilalaman o idea ng bawat paksa. Sa
telebisyon man o internet, hindi natin alam kung ano ang aasahan. Kung ang
impormasyon ba ay maganda, masaya, malungkot at marami pang iba.
2. Excessive Advertising - Isa pa sa hindi magandang epekto ng midya sa henerasyon
ngayon ay ang Excessive Advertising. Telebisyon, radyo, internet ay nababayaran ng mga
advertisers para gawing "catchy" ang patalastas sa mata ng mga manonood. Mahahaba at
malalakad na patalastas sa telebisyon, paulit-ulit na "ads" sa radyo ay isa sa mga
pinagmumulan ng pagkairita ng publiko.
3. Inappropriate Content - Dahil sa hindi kontroladong pagdami ng mga Media Channels
sa publiko, hindi na naaayon ang ilang impormasyon para sa lahat. Mayroong mga paksa
na hindi maganda ang nilalaman.
Halaga/Kaugnayan sa Pananaliksik:
Mahalaga na malaman ng bawat isa ang mga hindi magagandang epekto ng mga naririnig
o nakikita natin sa ating paligid. Ilan rin sa mga ito ay sinasayang ang oras at pera tulad

ng telebisyon, at internet na wala namang saysay. Dapat nating intindihin ang epekto ng
media dahil ito ay may malaking impluwensiya, at isa rin itong malaking tulong para
makasagap ng impormasyon sa iba't-ibang lugar.

10. Anonymous. (1998) . Cruising is believing?: Comparing the Internet and Traditional
Sources on Media. 75 (2), 325-340.
Pisikal: Journal
Buod ng Nilalaman:
Sa partikular na journal na ito pinagaralan ng may akda ang kredibilidad ng online media
sa pamamagitan ng isang sarbey. Lumabas sa sarbey na kinahalukan ng 308 na mga
responde na ang karamihan sa mga tao ay nasa kahit papano ay naniniwala sa mga dyaryo
sa internet. Hindi naman naiba ang mga magasin sa internet na nasa gitna lang rin ang
pananaw sa kredibilidad ng mga magasin sa internet. Pinaka hindi pinapaniwalaan sa
internet ang mga literatura ng mga kandidato. Katulad naman ng mga magasin at
pahyagan, neutral o nasa gitna rin ang mga may kaugnayan sa pulitika.
Halaga/ Kaugnayan sa Pananaliksik:
Mahalaga ang journal na ito dahil dito naglakap sila ng datos sa pamimigitan mismo
taumbayan. Katulad lamang ng aming pagaaral, ito'y naglalayon rin na malaman ang
pananaw ng mamamayan sa ating midya. Ang malaking pagkakaiba lamang nito ay mas
malawak ang aming pagaaral dahil kami ay naglalayon malaman ang datos para sa lahat
ng uri ng midya hindi tulad nitong journal na nakatutok lamang sa online media.

Kasangkapan sa Pananaliksik:
1. Saang paraan ng midya ka kadalasang nakasasagap ng balita?

Broadcast Media (ABS-CBN, GMA, TV 5, CNN Philippines)


Spreadsheets (Philippines Star, Manila Bulletin, Philippine Daily Inquirer)
Tabloid (Hataw, Tiktik, Abante)
Social Media (Twitter, Blogs, Facebook)

2. Alin sa mga ito ang iyong pinakapinaniniwalaan?

Broadcast Media (ABS-CBN, GMA, TV 5, CNN Philippines)


Spreadsheets (Philippines Star, Manila Bulletin, Philippine Daily Inquirer)
Tabloid (Hataw, Tiktik, Abante)
Social Media (Twitter, Blogs, Facebook)

3. Ayon sa Broadcast Code of the Philippines ng KBP; "KATOTOHANAN ang


pangunahing layunin ng brodkaster sa pamamahayag ng mga balita, pangyayari at kurokuro. Pinangangalagaan niya ang pagbibigay ng tama at mahahalagang impormasyon at
hindi niya binabago ang katotohanan sa pamamagitan ng pagdaragdag, pagbabawas,
pagpapalit o paggamit ng impormasyon o detalye ukol sa mga pangyayari o pahayag sa
maling paraan." NANINIWALA KA BANG NASUSUNOD ANG PAMANTAYAN NA
ITO?

Oo
Hinde

4. Ayon sa Broadcast Code of the Philippines ng KBP; "BALANSE sa pamamahayag at


paglalathala ng balita, kuro-kuro, pananaw at talakayan sa himpapawid ang isang
mahusay na brodkaster. Malinaw na ipinakikita niya ang magkakaibang panig ng isyu.
Hindi niya ginagamit ang himpapawid upang manlibak o manira, pahiyain o bastusin ang
sinumang tao, anuman ang kasarian, pananaw, paniniwala sa relihiyon o pulitika, kultura,
lahi o etnisidad." NANINIWALA KA BANG NASUSUNOD ANG PAMANTAYAN NA
ITO?

Oo
Hinde

5. Ayon sa Broadcast Code of the Philippines ng KBP; "KATUWIRAN ang laging


maaasahan sa tunay na brodkaster. Sa bawat pagkakataon ay pinaninindigan niya ang
tama at inihahayag ang mali. May taglay siyang kabutihan, paggalang at kagandahang-

loob. Isinasaalang-alang niya ang kanyang integridad at karangalan sa lahat ng


pagkakataon." NANINIWALA KA BANG NASUSUNOD ANG PAMANTAYAN NA
ITO?

Oo
Hinde

6.
Matindi ang di pagsang-ayon (Strongly Disagree)
Di sang-ayon (Disagree)
Katamtaman ang pagsang-ayon (Moderately Disagree)
Sang-ayon (Agree)
Matindi ang pagsang-ayon (Strongly Agree)

KABANATA 1
Introduksyon ng Pananaliksik:
Ang midya ay nasa paligid lang. Kahit saan ka magpunta, sa mga mall, liwasan,
paliparan, eskwelahan, hotel, o restawran, asahan mo man o hindi. Hindi rin
mapagkakaila na ang Internet shops ay kalat rin. Dahil sa mura, at napadaling

Layunin ng Pagaaral
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay malaman ang kredibilidad ng midya,
print, broadcast at onlayn upang matulungan ang ating mamamayan na maging
masinop at maingat sa pagtanggap ng mga impormasyon na ating nakakalap sa
iba't-ibang klase ng midya. Dito tayo magkakaroon ng kaalaman kung anu-ano ang
mga pamamaraan ng midya sa pagpresinta ng impormasyon upang magkaroon tayo
ng ideya kung ang ating mga binabasa ay kapanipaniwala at makatotohanan ba.

You might also like