You are on page 1of 9

“Ang Mabilis na Paglaganap ng Maling Balita

sa Social Media Ngayong Pandemya”

Action Research
INTRODUKSYON

Sa kasalukuyan, di maipagkakaila na maraming tao ang aktibo sa kanilang sari-sariling


social media accounts tulad ng Facebook, Instagram at Twitter. Ayon kay Quitzon (2021) ang
social media ay naging isang pangunahing pwersa sa lipunang Pilipino, halos 90% ng Pilipino na
may sariling internet connection ay nasa social media. Ito ay naging pangunahing plataporma
upang makipag usap sa mga kaibigan, mahal sa buhay at mga online friends, ginagamit din ito
bilang isang anyo ng libangan at pati na rin sa pagkalap ng mga bagong balita o impormasyon.
Napakaraming mga mapagkukunan ng balita sa social media at napakadali pa nitong hanapin
lalo na ngayong pandemya. Sa katunayan, ayon sa isang survey mas maraming Pilipino ang
umaasa at pinagkakatiwalaan ang mga impormasyong kanilang nababasa so social media kaysa
sa mga balita sa mainstream media (Quitzon, 2021). Kasabay ng pagdami ng tao na umaasa sa
social media para sa balita, bumibilis at dumadami din ang kumakalat na mga maling balita sa
social media tulad ng mga impormasyong medikal at mga impormasyon tungkol sa politika. Ang
social media ngayon ay naging isang pangunahing plataporma ng mga maling balita at mga hindi
mapagkakatiwalaang balita dahil marami ngayon ang hindi marunong kumilala kung
mapagkakatiwalaan ba ang pinagkukunan ng impormasyon at mabilis din ng pagkalat nito sa
pamamagitan ng pag share o send sa social media. Ayon sa World Health Organization (2021),
napakaraming maling impormasyon ang kumakalat tungkol sa Covid-19 sa buong mundo na
maaring dahilan ng pagkamatay ng isang tao. Sa katunayan, ayon sa pag-aaral nila Islam et. al.
(2022) sa unang tatlong buwan ng 2020, halos 6,000 na katao ang naospital dahil sa maling
impormasyon tungkol sa Covid-19 at 800 na katao naman ang maaring namatay sa panahong ito.
Bukod dito, ayon kay Quitzon (2021) mabilis lumaganap ang mga maling balita sa Pilipinas
dahil sa mga trolls lalo na ngayong pandemya at sa nalalapit na eleksyon na minsan kumakalat sa
pamamagitan ng messenger kaya hindi ito nasusuri kagaya nalang ng fact-checking na ginagawa
sa Facebook. Maraming Pilipino ang nabibiktima ng mga maling balita galing sa mga post ng
kaibigan at sa mga messages na natatanggap galing sa pamilya. Hindi rin maiwasan ang pagkalat
ng mga maling impormasyon sa panlokal, noong nakaraang taon may kumalat na balita sa social
media na magsasara umano ang Baguio para sa turista ngunit ito ay nakumpirma bilang isang
fake news ng lokal na pamahalaan ng Baguio. Mabilis na kumalat ang maling balita na ito na
pinaniwalaan at kinatakutan ng mga marami noon, lalo na ang mga lokal na negosyo sa Baguio
(Refuerzo, 2021). Iilan lang ito sa mga pangyayari sa global, pambansa o panlokal na may
kaugnayan sa mabilis na paglaganap ng maling balita sa social media. Marami na ang naikakalat
na kamalayan at kaalaman tungkol sa suliraning ito ngunit tuluyan itong lumalaganap hanggang
ngayon, kaya kinakailangan nito ng mas malalim pang pag-unawa at pagsusuri upang
makapagbigay ng epektibo at mabilisang solusyon o kilos sa suliraning ito.

Kaugnay sa Pag-aaral

Sa digital na panahon, kasabay ng paglaganap ng sakit na Coronavirus sa buong mundo,


dumagsa ang mabilis na pagkalat ng balita at nagdulot ng kawalan ng katiyakan sa populasyon.
Sinakop ng maling impormasyon at balita ang social media, na naging bahagi na ng buhay ng
maraming tao (Rocha, et. al. 2021). Diumano, mas mabilis pa ang maling impormasyon at balita
na kumakalat sa social media kaysa sa maaasahang impormasyon. Ang mapanganib na suliranin
ay nakakasira sa mga sistema ng kalusugan at nakakaapekto sa kalusugan ng isip ng mga
gumagamit ng social media.
Ang pag-aaral na, “The Impact of fake news on social media and its influence on health
during the COVID-19 pandemic: a systematic review,” ay naglalayong suriin ang epekto ng
social media sa pagpapalaganap ng kaalaman at ang mga epekto nito sa kalusugan, sa
pamamagitan ng isang sistematikong pagsusuri. Upang makalap ang kinakailangan datos at
impormasyon, nagsagawa ang isang sistematikong paghahanap sa mga database ng MedLine,
Virtual Health Library (VHL), at Scielo Mula Enero 1, 2020 hanggang Mayo 11, 2021. Sinama
ng mga mananaliksik ang mga pag-aaral na tumugon sa epekto ng pekeng balita sa mga pasyente
at mga propesyonal sa pangangalaga ng pangkalusugan sa buong mundo. Nasuri sa
pamamaraang pagtatasa ng kalidad ng mga napiling pag-aaral gamit ang Loney and Newcastle-
Ottawa Scales. Natuklasan ng mga mananaliksik ang labing-apat na pag-aaral ang napili para sa
pagsasama sa pagsusuri, na binubuo ng anim na cross-sectional at walong descriptive
observational studies. Gumamit ng talatanungan upang makalap na limang pag-aaral ang
nagsama ng mga sukat ng pagkabalisa o sikolohikal na pagkabalisa dulot ng maling
impormasyon; pito ang nagsuri ng pakiramdam ng takot, kawalan ng katiyakan, at gikla, bilang
karagdagan sa mga pag-atake sa mga propesyonal sa kalusugan at mga taong nagmula sa Asya.

Ayon kay Radwan, et. al. (2020), ang kanilang pag-aaral ay naglalayong matukoy kung
paano nakakaapekto ang social media sa pagkalat ng taranta tungkol sa COVID-19 sa mga mag-
aaral sa elementarya at sekondarya sa Gaza Strip, Palestine. Sa pamamagitan ng paggamit ng
convenience sampling, 1,067 na mag-aaral ang nakasagot sa ginamit na online talatanungan.
Nasa pagitan na anim hanggang labing-walong taon ang mga mag-aaral, galing sa 56 na paaralan
na matatagpuan sa Gaza Strip, Palestine. Upang ihambing ang datos, ginamit nila ang
Independent Sample T-test, ANOVA, at chi-square test. Ipinakita ng resulta na ang social media
ay may malaking epekto sa pagkalat ng pagkabalisa sa COVID-19 sa mga mag-aaral. Mayroong
potensyal na ito ay may negatibong epekto sa kanilang kalusugang pangkaisipan at sikolohikal
na kagalingan. Kinalabasan na ang Facebook ay ang pangkaraniwang social media platform na
ginagamit ng mga mag-aaral (81.8%), at mayroong mas mataas na posibilidad na ang mga
kababaihan ay ginagamit ito upang makakuha ng balita tungkol sa COVID-19 kaysa sa mga
kalalakihan (p<0.001). Balitang pangkalusugan ang paksa na pinakamadalas na nakikita,
nababasa, o naririnig (n = 529, 65.2%), kung saan ang mga kalalakihan ay malamang na sundin
ang mga balita kaysa sa mga kababaihan (p<0.001). Karamihan sa mga mag-aaral (n = 736,
78.1%) ay naapektuhan ng sikolohikal, samantalang ang mga pisikal na naapektuhan ay ang
pinakamababa (n = 12, 1.3%). Ang mga babaeng mag-aaral ay naapektuhan ng sikolohikal at
nakaranas ng higit na takot na higit pa kaysa sa mga lalaking mag-aaral (p <0.001). Ang epekto
ng gikla ng social media ay depende sa edad at kasarian ng isang estudyante. (p <0.001). Ang
pag-aaral na ito ay nagpakita ng makabuluhang positibong ugnayan sa pagitan ng social media at
pagkalat ng panic tungkol sa COVID-19 (R = 0.891).

Konseptwal o Teoretikal na Balangkas

Marami ang umaasa sa mga balita na nanggagaling sa telebisyon, radyo, newspaper at pati
na rin sa social media para hindi mahuli sa mga pangyayari sa buong mundo o mga importanteng
impormasyon lalo na ngayong pandemya. Ayon kay Ayapana (2012) ang mga balita ay
naglalaman ng ulat tungkol sa isang pangyayari na maaring makatotohanan o isang balitang
gawa-gawa lamang o mas kilala bilang fake news. Ang mga maling balita o fake news ay hindi
na bago at ito ay matagal ng problema sa lipunan. Ang maling balita o fake news ay isang
balitang peke o impormasyong di totoo na may layunin na manira, lituhin o manipulahin ang
mga tao upang baguhin ang kanilang mga pananaw (Ireton & Posetti, 2018). Ang mga balitang
ito ay maaari din maging satirical, i.e. hindi seryoso at pampatawa lamang o seryoso at ang
layunin ng gumawa ay iligaw ang mga tao sa totoong balita (Verizon, n.d.). Sa panahon ngayon,
malaking porsyento ng mga tao ang kumukuha ng balita sa social media. Sa katunayan, ayon kay
Escalente (2020) ang mga gumagamit ng social media ay mas madaling maniwala sa mga fake
news. Kaya sila ang nagiging pangunahing target ng mga gumagawa ng maling balita, lalo na at
marami ang di marunong kumilala ng mapagkakatiwalaang source. Dahil dito mas lumaganap pa
ang pagkalat ng mga maling balita sa buong mundo lalo na sa mga balita tungkol sa pandemya.

Mayroong proseso at mga variables ang pagkakalat ng maling balita sa social media. Ang
unang variable sa prosesong ito ay ang pinagkukunan ng maling balita (source). Maraming mga
social media websites ang maaring pagkunan ng mga balita tulad ng Facebook, Instagram at
Twitter sa pamamagitan ng mga post o sa mga private messages. May mga tinatawag din na bots
o trolls sa social media na isa din sa pangunahing rason ng paglaganap ng mga maling balita sa
mga social media websites. Ang mga bots na ito ay gumagamit ng artificial intelligence upang
gayahin ang mga katangian ng isang taong gumagamit ng social media at ang trolls naman ay
ang mga taong binabayaran upang mag kalat ng mga maling balita sa social media (Verdinelli,
2021). Ang ikalawang variable naman ay ang mga konsumer o mga nagbabasa ng balita. Kapag
nabasa ng isang konsyumer ang maling balita, mayroong dalawang posibilidad na mangyari.
Maaaring titignan muna ng konsyumer kung saan nanggaling ang balita na ito at suriin kung
katotohanan ang nabasang balita o hindi ito kikilatisin ng konsyumer at ipagkakalat ito sa
pamamagitan ng share o message sa kanyang mga kaibigan, kapamilya, katrabaho, at sino pa
man. Marami sa atin ay nakikilahok sa mabilis na pagkalat ng maling impormasyon ng hindi
natin nalalaman. Ang prosesong ito ay maaaring maulit muli kung hindi sinusuri ng maayos ang
balitang nabasa kung ito ba ay totoo o hindi. Kahit hindi man nanggaling sa atin ang balita, ang
mga tao pa din ang pinaka pangunahing rason ng pagkalat ng mga maling balita sa social media
(C19help, 2020).

Kahalagahan ng Pag-aaral

Marami tayong pinagkukunan o source ng mga iba’t ibang balita o impormasyon tungkol
sa mga pangyayari sa bansa. Sa panahon ngayon ang partikular na ginagamit at inaasahan ng
mga tao para makakalap ng impormasyon ngayon ay ang social media lalo na at tayo ay nasa
digital na panahon o digital age. Malaki ang ginagampanan ng social media sa kasalukuyan dahil
ito ay lubhang kapaki-pakinabang sa maraming paraan, tulad ng isang magpagkukunan ng balita.
Napakadali na ngayon na makakita at makapagbasa ng mga balita sa iba’t ibang social media
websites ngunit dahil dito, mas napadali at napabilis na rin ang pagkalat ng mga maling balita o
fake news sa mga websites na ito.

Sa pananaliksik ng paksang ito, maaaring i-apply sa sarili ang self-regulation upang hindi
maging biktima at mangbiktima ng fake news o maling balita. Bilang mananaliksik, ang
information literacy ay isang mahalagang kakayahan upang maunawaan at mangalap ng
mahahalagang impormasyon na makakaambag at makakatulong sa lipunan. Bilang indibidwal,
ang media literacy at kritikal na pagsusuri sa maling impormasyon ay mahalaga sa sariling
kaligtasan. Bilang mamamayan sa isang sibilisadong lipunan, ang pagsusuri ng balita ay kapaki-
pakinabang sa pag-ambag sa pampublikong diskurso at makagawa ng tamang pagdedesisyon sa
pagdating ng kritikal na pagpapatibay sa pananaw. Sa pagpapakita ng paglaganap ng fake news
sa social media, maaring matuto ang mga taong madaling maloko na suriin muna ang binabasa
sa social media. Sa gayon, maaaring mabawasan ang nakakabahalang paglaganap ng fake news
at matutong makarating sa katotohanan sa kabila ng ingay ng maling balita at fake news.

Sa pag-aaral ng paglaganap ng fake news sa social media, ang mga paaralan at


institusyon ay magiging mas maingat at mas papangasiwaan ang mga estudyante pagdating sa
balita sa social media. Maaari itong magdala ng kamalayan sa mga administrador ng paaralan
kung ang kanilang mga estudyante ay nasa panganib ng mapaminsalang epekto ng fake news.
Sapagkat ang pagbasa ay mayroong napakalaking ambag sa pagkatuto ng mga estudyante; ito
ang ugat ng karunungan ng isang tao. Makakatulong ito sa pagtukoy kung dapat bang idagdag o
isama sa curriculum ang media literacy ngayong nabubuhay tayo sa digital age. Bukod dito,
makakatulong ito sa paghahanda ng mag-aaral para sa pagsasagawa ng praktikal at tamang
panghuhusga sa impormasyon mula sa social media.

Maliban sa kahalagahan nito sa sarili at sa paaralan, mahalga din ang pag-aaral ng


paksang ito sa lipunan. Sa pag-aaral ng paksang ito maaari itong makapagbigay ng kamalayan sa
lipunan tungkol sa lumalaking problema sa pagkalat ng maling impormasyon at disimpormasyon
sa social media. Makapagbibigay rin ito ng kaalaman sa lipunan kung ano nga ba ang mga sanhi
at mga maaring maging problema na maidudulot kapag ang problema sa maling balita ay mas
lumaganap pa. Maari rin na maipakita at maipaliwanag ng pag-aaral na ito kung gaano kadaling
manipulahin ng media at mga tao ang mga balita o impormasyon nahahanap natin sa social
media lalo na at ang suliranin na ito ay maari rin maging sanhi ng paghihiwalay ng mga tao dahil
sa pagkakaiba sa paniniwala o paninindigan na may kinalaman sa mga iba’t ibang hindi
kumpirmadong impormasyon at balita na nababasa o nakikita nila sa social media. Bukod sa
mga nabanggit, ang pag-aaral ng paksang ito ay maari rin makapagbigay o magbahagi ng mga
posibleng solusyon o sagot upang maiwasan na mas marami pa ang mabiktima sa mga maling
balita at ang pagkalat nito sa ibang tao.

Layunin ng Pag-aaral

Layunin ng pananaliksik na ito na suriin at unawain ang paglaganap ng maling balita sa


Social media. Hangad ng papel na ito na maiwasan na mabilog o manipulahin ang kamalayan ng
bawat Pilipino at ipaalala na huwag kaagad maniwala sa mga nakikita o nababasa sa Social
Media. Ang partikular na layunin ng pag-aaral na ito ay:

1. Matukoy ang sanhi ng paglaganap ng Fake news sa social media ngayong pandemya;
2. Imbestigahan ang mga problemang dulot ng paglaganap Fake news; at
3. Ihambing ang mga impormasyong galing sa mapagkakatiwalaang source sa hindi
mapagkakatiwalaang source.

METODOLOHIYA
Disenyo

Ang pag-aaral na ito ay tatalakayin ang problema gamit ang Kwantitatibo na disenyo.
Ang Kwantitatibo na disenyo ay naglalayong mangalap ng datos sa tiyak na paraan. Iyon ay,
mula sa pagtatasa ng mga pang-eksperimentong resulta na nagbubunga ng mga representasyon
pang-numero o pang istatistika. Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng closed-ended na katanungan
upang makita ang saklaw ng fake news sa social media, kung gaano karaming tao ang
naiimpluwensiyahan ng fake news, at imbestigahan ang paglalaganap ng maling balita sa social
media sa pamamagitan ng paghahambing ng istatistikal na datos sa pagitan ng maling balita at
maaasahang balita.

Populasyon ng Pag-aaral

Ang target na populasyon ng pag-aaral na ito ay ang mga gumagamit ng social media na
may edad na 12 at pataas. Ang pamantayan naman sa pag-aaral na ito ay dapat may anumang uri
ng social media tulad ng Facebook, Instagram o Twitter. Sa Pilipinas, mayroong tinatayang
84.07 million na katao ang gumagamit ng social media nang taong 2022. Sa 2021, may humigit
kumulang na 81.53 million na katao naman ang gumagamit umano ng social media. Ayon sa
prediksyon ng Statista Research Department (2021) tataas nang higit 91.3 million na katao ang
gumagamit ng social media sa 2026. Bukod dito, ayon kay Chua (2021) ang mga Pilipino ay
gumugugol ng halos 4 na oras at 15 minuto bawat araw sa social media, na mas mataas ng 22
minuto kaysa sa average noong nakaraang taon, 3 oras at 53 minuto at 3 minuto na mas mataas
naman kaysa sa average noong 2019, 4 na oras at 12 minuto. Mas mataas din ito ng 30 minuto
kaysa sa second-placer ngayong taon, ang Colombia, na may average na 3 oras at 45 minuto
(Chua, 2021).

Pangangalap ng Datos

Sa pag-aaral na ito mangangalap ang mga mananaliksik ng datos sa pamamagitan ng


survey research o mga talatanungan tungkol sa mabilis na paglaganap ng maling balita sa social
media ngayong pandemya. Ang survey o talatanungan ay isang paraan ng pangongolekta ng
impormasyon o datos na may nilalaman na iba’t ibang katanungan na sasagutin ng mga napiling
populasyon para sa pag-aaral na ito. Ang survey o mga talatanungan na ito ay may nilalaman na
iba’t ibang katanungan na makakatulong na malaman ang kasalukuyang pangyayari sa
paglaganap ng maling balita sa social media. Sa unang bahagi ng survey maitatanong ang
personal na impormasyon ng sumasagot o respondent tulad ng pangalan, edad at kasarian. Bukod
sa personal na impormasyon, kinakailangan din na sagutin ang mga tanong tulad ng dami ng oras
na ginugugol nila sa social media, kung umaasa ba sila sa social media para sa balita, kung
anong mga social media websites ang kanilang ginagamit para sa balita, kung paano nito
naapektuhan ang kanilang pananaw tungkol sa paksa ng balita, kung binabasa ba nila ng buo ang
balita at kung mapanuri sila sa mga nilalaman ng mga post o balita na kanilang nababasa. Upang
masigurado na balido o reliable ang datos na nakalap kinakailangan na maintindihan ng maayos
ang layunin ng survey o talatanungan bago ito sasagutin ng mga napiling populasyon sa pag-
aaral. Ang survey o talatanungan ay dapat maikli at nakatutok lang ito sa layunin ng pag-aaral
upang ito ay mas madali at mas mabilis itong sagutin. Bukod dito, magagamit din ang google
forms para sa madaling paggawa at pagsagot ng survey online. Ang bawat katanungan ay dapat
masagot sa pamamagitan ng ratings at mga oo o hindi na tanong bago ito puwedeng isumite para
makasigurado na ito ay nasasagot ng maayos at ng kumpleto.

Proseso ng Pangangalap ng Datos

Sa pangangalap ng datos, ang mga mananaliksik ay gagamit ng electronic survey o


talatanungan upang makakuha ng sagot sa mga tanong na tungkol sa paggamit ng social media
bilang pangunahing pinagkukunan ng balita. Nasa gitna pa rin ng pandemya kaya hindi
magsasagawa ng mga pisikal na panayam upang maiwasan ang paghawa ng COVID-19. Ito ay
para sa kaligtasan ng mga mananaliksik at mga respondente.

Ang napiling tagasagot o target na populasyon ay ang mga gumagamit ng social media
mula sa edad na 12 pataas. Ang social media ay may mas bata na gumagamit, ngunit
kinakailangan ang paghihigpit sa edad sapagkat mayroong batas na pumoprotekta sa privacy ng
mga bata. Ang COPPA o Children’s Online Privacy Protection Act ay batas na ipinagbabawal
ang mga hindi marangal at mapanlinlang na gawain at mga gawi na may kaugnayan sa
pangongolekta at paggamit ng personal na impormasyon mula at tungkol sa mga bata sa Internet
(Golden Data Law, 2020). Maaaring magpadala ng paunang sulat ng pahintulot sa mga
magulang; gayunpaman, upang manatiling etikal, lilimitahin ang mga tumutugon sa edad na 12.

Upang mangalap at mangolekta ng datos sa etikal na paraan at hindi lumalabag sa


privacy, hihilingin sa mga sumasagot na punan ang consent form bago sagutin ang talatanungan.
Ang consent form ay naglalaman ng pahayag na ang survey ay kasangkot sa pananaliksik,
pagpapaliwanag ng mga layunin ng pananaliksik, takdang panahon at tagal ng paglahok sa
pananaliksik, paglalarawan ng mga benepisyo o maaasahan sa pananaliksik, at pahayag na
naglalarawan ng pagiging kumpidensyal o anonymity ng mga tagasagot. Para sa mga respondent
na wala pang 18 taong gulang, kinakailangan ng pirma at pahintulot ng mga magulang.

Ang takdang panahon para sa pangongolekta ng datos ay isang buwan habang pandemya.
Ang fake news sa social media ay matatagpuan sa lahat ng dako anumang oras. Hindi kailangan
na mayroong importanteng pangyayari, ngunit mas mainam na ang pangongolekta ng datos ay
nasa loob ng panahon ng pandemya at eleksyon. Ang online survey o talatanungan ay
ipapamahagi sa pamamagitan ng Social Media Platforms gaya ng Facebook, Instagram, o
Twitter. Ipo-post ito ng mga mananaliksik sa timeline o news feed, o ipapadala ito nang direkta
sa Messenger. Upang ihanda ang datos para sa pagsusuri, kokolektahin ng mga mananaliksik ang
mga sagot at tugon mula sa mga Google Form at i-tatabulate ang mga resulta. Gagamit ng
software application tulad ng Excel o Strata para ayusin at ikategorya ang datos.

Mga Sanggunian:
Ayapana, K. (2012). Balita. https://www.slideshare.net/Kingromar_24/balitafinalppt
Chua, K. (2021). Ph remains top in social media, internet usage worldwide – report.
RAPPLER. Retrieved March 11, 2022, from
https://www.rappler.com/technology/internet-culture/hootsuite-we-are-social-2021-
philippines-top-social-media-internet-usage/

C19help. (2021).Kilalanin ang maling impormasyon: Paano manatiling ligtas sa pekeng


impormasyon-habang-natututo-tungkol-sa-COVID-19.-https://www.c19help.ca/tl/info/
whats-real-whats-fake

Escalente, A. (2020). Research Finds Social Media Users Are More Likely To Believe
Fake News.-https://www.forbes.com/sites/alisonescalante/2020/08/03/research-finds-
social-media-users-are-more-likely-to-believe-fake-news/?sh=59f5a6778657

Golden Data Law. (2020). What is “COPPA”?. https://medium.com/golden-data/what-is-coppa-


85310e9834d2

Ireton, C & Posetti, J. (2018). UNESCO Series on Journalism Education: Journalism, 'fake
news'-&-disinformation.-https://en.unesco.org/sites/default/files/
journalism_fake_news_disinformation_print_friendly_0.pdf

Islam, M. S., Sarkar, T., Khan, S. H., Mostofa Kamal, A., Hasan, S. M. M., Kabir, A., Yeasmin,
D., Islam, M. A., Amin Chowdhury, K. I., Anwar, K. S., Chughtai, A. A., & Seale, H.
(2020). COVID-19–Related Infodemic and Its Impact on Public Health: A Global Social
Media Analysis, The American Journal of Tropical Medicine and Hygiene, 103(4), 1621-
1629. https://www.ajtmh.org/view/journals/tpmd/103/4/article-p1621.xml

Quitzon, J. (2021). Social Media Misinformation and the 2022 Philippine Elections.
https://www.csis.org/blogs/new-perspectives-asia/social-media-misinformation-and-
2022-philippine-elections

Radwan, E. Radwan, A., & Radwan, W. (2020). The role of social media in spreading panic
among primary and secondary school students during the COVID-19 pandemic: An
online questionnaire study from the Gaza Strip, Palestine. Heliyon 6(12).
https://doi.org/10.1016/j.heliyon.2020.e05807

Refuerzo, A. (2021). News on Baguio closure by November a hoax – Mayor.


https://baguio.gov.ph/content/news-baguio-closure-november-hoax-%E2%80%93-mayor

Rocha, Y.M., Moura, G.A., Desiderio, G.A., Oliveira, C.H., Laurenco, F.D., & Nicolete, L.
(2021). The Impact of fake news on social media and its influence on health during the
COVID-19 pandemic: a systematic review. Journal of Public Health.
https://doi.org/10.1007/s10389-021-01658-z
Statista Research Department. (2021). Number of social network users in the Philippines 2018-
2023. Statista. Retrieved from https://www.statista.com/statistics/489180/number-of-
social-network-users-in-philippines/
Sumida, N., Walker, M., &amp; Mitchell, A. (2019). The role of social media in news. Pew
Research Center's Journalism Project. Retrieved from
https://www.pewresearch.org/journalism/2019/04/23/the-role-of-social-media-in-news/

Verdinelli, E. (2021). How to Spot bot and trolls on Social Media. Pivony.
https://pivony.com/blog/troll-and-bot-accounts-in-social-media/

Verizon. (n.d.). A Guide to Misinformation: How to Spot and Combat Fake News.
https://www.verizon.com/info/technology/fake-news-on-social-media/

World Health Organization. (2021). Fighting misinformation in the time of COVID-19, one click
at-a-time.-WHO-|-World-Health-Organization.-https://www.who.int/news-room/feature-
stories/detail/fighting-misinformation-in-the-time-of-covid-19-one-click-at-a-time

You might also like