You are on page 1of 39

Technological University of the Philippines

Taguig Campus

ANG DULOT NG SOCIAL MEDIA SA PAGPAPATIWAKAL

NG ISANG TAO

Ang Pananaliksik ay ipinasa kay:

Maria Fe Gannaban-Hicana, Ph.D

Bilang pagtupad sa isa sa mga Pangingilala

Ng Asignaturang

The Contemporary World

Ipinasa nina:

Delos Reyes, Maria Janell Sophia M.

Hibe, Janna Patricia A.

Ika-13 ng Nobyembre 2019


Technological University of the Philippines
Taguig Campus

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KAUGNAY NA LITERATURA

I. ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Isang pag-aaral mula sa journal ng Clinical Psychological Science ay naglahad


ng mga nakakagambalang katanungan tungkol sa posibleng kaugnayan sa pagitan ng
mga kabataang gumagamit ng Social Media at ang bilang ng mga kabataan na
nagpapakamatay. Maraming pag-aaral na ang nagsasabing may kaugnayan nga ang
lumolobong bilang ng mga kabataan na nagpapatiwakal at ang labis-labis na oras sa
pag-gamit ng Social Media sa mga kabataan.

Ayon sa Department of Health, tinatayang umaabot sa pito (7) sa kada


dalawang daang libong (200,000) kalalakihan at dalawa (2) sa kada dalawang daang
libong (200,000) kababaihan ang bilang ng mga nagpapatiwakal sa Pilipinas, at muna
2012 hanggang 2016 ay umabot sa 2413 sa kabuuan: 2000 sa lalaki at 413 sa babae ang
naitalang kaso ng pagpapakamatay sa Pilipinas. At sa panahon ngayon, mas lalo pang
lumulobo ang bilang ng kasong ito sa Pilipinas at sa iba’t-ibang panig ng mundo. Ayon
sa pag-aaral, Depresyon ang pangunahing sanhi ng pagpapakamatay. Ito ay ang labis
labis na kalungkutan at pagkalumbay na nararamdaman ng isang tao. Maraming salik
na nakaka-apekto sa karamdaman na ito, isa na rito ang problema sa Interpersonal
Relationship o Pakikipag-ugnayan sa kapwa— ang pangunahing layunin ng Social
Media. Sa kabila ng magandang layunin ng mga Social Networking Sites ay mayroon
pa rin itong negatibong epekto sa mga kabataan na gumagamit nito
Technological University of the Philippines
Taguig Campus

Sa dulo ng sinasagawang pag-aaral, ang mga mananaliksik ay nais magkaroon


ng mga kasagutan sa mga sumusunod na katanungan:

1. Ang mga dulot ng Social Media na nabanggit sa talatanungan ba ay maaaring maging


sanhi ng labis na kalungkutan at humantong sa pagpapakamatay?

2. Ano ang pangunahing dulot ng social media na sanhi ng pagpapakamatay ng isang


tao?

3. Anu-anong mga pamamaraan ang maaaring gawing hakbang ng mga gumagamit ng


Social Media upang maiwasan ang negatibong epekto nito sa kanilang mental na
kalusugan?

4. Kinakailangan na bang bigyan ng pansin at gumawa ng mabisang hakbang ang bawat


Social Networking Sites patungkol sa isyu na ito?
Technological University of the Philippines
Taguig Campus

II. MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Suicide o Pagpapatiwakal ay isang sinasadyang aksyon ng isang tao na kitilin ang


kanyang sariling buhay. Kapag ang tao ay nakakakita, nakakarinig o nakakabasa ng
mga balita tungkol sa isang normal o sikat na tao na kinikitil ang kanilang sariling
buhay, labis na kalungkutan ang dulot nito. Nawawalan ng lakas: sa personal, may
katahimikan sa hangin sa pag-iwas ng balita, isang kalungkutan na mahirap na iatanggi,
imposibleng hindi bigyan ng pansin.

Ayon sa datos sa 2015 mula sa Global Burden of Disease Study, ang mga rate ng
pagpapakamatay sa Pilipinas ay umaabot sa 1.9 para sa mga babae, 5.8 para sa mga
lalaki, at 3.8 para sa parehong kasarian para sa bawat 100,000 ng pangkalahatang
populasyon. Ang pagpapakamatay ay ang pangatlong nangungunang sanhi ng
pagkamatay sa mga kabataan, na nagreresulta sa halos 4,400 na pagkamatay bawat
taon, ayon sa American Center for Disease Control.

Ang isang pag-aaral na naihain sa journal ng Clinical Psychological Science ay nag-


aalala sa mga nakakagambalang katanungan tungkol sa posibleng kaugnayan sa pagitan
ng paggamit ng social media ng mga kabataan at mga bilang ng mga pagpapakamatay
sa kabataan. Natagpuan nito ang pag-lobo ng bilang ng mga nagpapakamatay na
kabataan sa panahon mula 2010-2015, pati na rin ang pagtaas ng mga kadahilanan ng
peligro tulad ng depresyon at mga saloobin ng pagpapakamatay.
Base sa pananaliksik na inilathala ng American Psychological Association, ang social
media ay may kaugnayan sa pagtaas ng bilang ng mga kabataan na may karamdaman
sa pag-iisip. Sinabi ni Josh mula sa smartsocial.com, may tatlong dahilan kung bakit
nasasabing may negatibong epekto ay social media sa mentalidad ng mga kabataan.
Una ay Maaaring hikayatin ng social media ang mga mag-aaral na magsikap para sa
'pagiging perpekto' na hindi naman totoo. Sa katunayan, social media ay tinuturuan
Technological University of the Philippines
Taguig Campus

lamang sila na magkaroon ng ibang identidad maliban sa kanilang totoong sarili.


Pinepeke ang mga bagay na hindi maganda tungkol sa kanila upang maging perpekto at
katangggap-tanggap sya sa mga mata ng tao sa social media. Pangalawa naman ay ang
mga mag-aaral ay maaaring magsimulang makaramdam na sila’y napagiwanan at hindi
kagusto-gusto matapos makita ang kanilang mga kaibigan na masaya sa social media.
Sa tuwing nakakakita ng mga larawan o mga posts tungkol sa perpektong buhay ng
isang tao, kalungkutan agad ang mararamdaman. Pangatlo ay ang social media ay
lumilikha ng isang pansamantalang kasiyahan na sa huli ay wala naming pakinabang.

Ang Cyberbullying ay mas malakas na nauugnay sa mga saloobin ng pagpapakamatay


sa mga bata at kabataan kaysa sa tradisyonal na pang-aapi o bullying, ayon sa isang
bagong pagsusuri na inilathala sa JAMA Pediatrics.
Isa ngayon ang kaso ng K-pop star na si Sulli ang mabilis na umusbong na balita dahil
sa kanyang magpapakamatay. Ayon sa mga report, natagpuan siyang patay sa kanyang
apartment sa labas ng Seoul, South Korea. Dalawampu’t-limang taong gulang lamang
si Sulli at Cyberbullying at depression ang sinasabing dahilan ng kanyang
pagpapakamatay.

53% Matanda (18+)

47% Minor (17 pataas)

57% Babae

43% Lalaki
Technological University of the Philippines
Taguig Campus

Atake sa reputasyon

Atake sa hitsura

Pag-atake laban sa opinyon ng mga biktima

Pagkalat ng larawan na nakuha sa larawan

Ang pagkalat ng mga video na sinasabing pribado

Poser / Pagkalat ng kasinungalingan

Facebook

Cellphone (malayong pangalawa)

Mga Blog

Ibinahagi ang INCIDENT SA

Kaibigan

Mga magulang (malayong pangalawa)

Magkapatid

IBA
Technological University of the Philippines
Taguig Campus

Ang 79% ay binuotan ng isang tao

21% ang binu-bully ng isang grupo

Ang mga istatistika ng cyberbullying ay nagmumungkahi na ang mga batang babae ay


mas madaling kapitan ng cyberbullying, ay walang respeto ng edad. Ang mga cyber
cyber bullies ay lilitaw na maging malikhain dahil higit sa mga salita, gumagamit sila
ng mga larawan sa pagkuha ng litrato upang saktan ang kanilang mga biktima. Ang iba
ay gumagamit ng mga dapat na pribadong video bilang nangangahulugan ng panggulo
sa kanilang mga biktima. Ang pagnanakaw ng pagkakakilanlan ay gumaganap din ng
malaking papel sa panliligalig sa cyber.
Technological University of the Philippines
Taguig Campus

III. BALANGKAS KONSEPTWAL

Ipinapakita ng larawan 1 ang modelo ng IPO pagbuo ng isang kampanya sa


social media upang magbigay kaalaman sa komunidad tungkol sa dulot ng Social
Media sa pagpapatiwakal ng isang tao.

Input Process Output

Ang mga kasagutan Ginagawa ang sarbey Kampanya sa Social

at saloobin ng mga gamit ang mga Media patungkol sa

respondente sa dulot mga dulot Social


talatanungan
ng Social Media sa Media sa

pagpapatiwakal ng pagpapatiwakal ng

isang tao isang tao.

Pag-loop ng Feedback
Larawan 1: Ang modelong IPO

Ipinapakita ng banhay sa itaas ang proseso ng mga mananaliksik para sa pag-


aaral. Ang unang kahon ay kasama ang mga input na kinakailangan ng mga
mananaliksik para sa pag-aaral; ang mga sagutan ng mga mag-aaral patungkol sa paksa
ay mabubuting impormasyon upang mabuo ang solusyon sa pagtatapos ng pag-aaral.
Technological University of the Philippines
Taguig Campus

Ang pangalawang kahon ay nagtatanghal ng proseso sa pangangalap ng mga


kinakailangang datos. Ang mga mananaliksik ay gumagamit ng mga palatanungan sa
sarbey para sa epektibong pagtitipon ng mga kasagutan o opinion.

Ang pangatlo ay dapat ipahiwatig na ang output n gaming pag-aaral. Ang mga
mananaliksik ay dapat gumamit ng social media upang magkaroon ng isang kampanya
dahil ang social media ay nagsisilbing mga tulay hindi lamang para sa mga mag-aarl
kundi para sa komunidad. Ang kampanya ay magbibigay ng kamalayan sa komunidad
hinggil sa paksa.

IV. LAYUNIN

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon hinggil sa


isyu ng lipunan tungkol sa paglobo ng bilang ng mga taong kinikitil ang kanilang
buhay. Nais rin ng pananaliksik na ito na alamin ang mga salik sa Social Media na
maaaring maging dahilan ng pagkakaroon ng saloobin ng pagpapakamatay ng mga
gumagamit ng nasabing plataporma. Naglalayong magbigay ng mga posibleng
pamamaraan ang pananaliksik na ito sa mga mambabasa kung paano maiiwasan ang
pagkakaroon ng mga negatibong epekto ng mga plataporma sa Social Media sa mental
na kalusugan ng mga gumagamit nito. Ito rin ay nagnanais na magbigay linaw kung
mayroon nga bang kaugnayan ang oras ng pag-gamit ng Social Media ng isang tao at
ang pagkakaroon ng mga saloobin ng pagpapakamatay. Nagnanais din ang pananaliksik
na ito na magbigay gabay sa mga taong dumaranas ng mga nasabing salik sa Social
Media na nakakaapekto sa kanilang mentalidad sa negatibong pamamaraan. At ang
pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay magsilbing gabay sa mga mambabasa na
dumaranas ng suliranin na ito, kung papaano sila matutulungan at sa kung paanong
pamamaraan sila maiintindihan ng lipunan, pati na rin kung paano sila makakatakas sa
suliranin na ito.
Technological University of the Philippines
Taguig Campus

V. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral tungkol sa salik sa Social Media at ang epekto nito sa mentalidad
ng isang tao na maaaring humantong sa saloobin ng pagpapakamatay ay makatutulong
upang mas lalong mapalawak ang pag-unawa ng mga mambabasa sa hindi
maitatangging masamang epekto ng Social Media sa usapang mentalidad. Sa kabila ng
magandang layunin ng mga Social Networking Sites ay kinapapalooban pa rin ito ng
mga hindi nakakabuting epekto sa mga tao, lalo na sa labis na pag-gamit ng nasabing
mga plataporma. Dahil ang layunin ng mga Social Networking Sites ay magsilbing
midyum para sapagbabahagi ng ibat-ibang tao tungkol sa kanilang mga buhay. Ito ay
nagsisilbi lamang na libangan para sa mga tao sa pamamagitan ng pag-alam at
pagbabasa ng kalagayan ng mga tao na kanila mismong ipinapaskil sa kanilang mga
Account. Ngunit sa kabila ng aliw at libangan na hatid ng Social Media, nagkakaroon
ito ng negatibong epekto sa mga taong lumalabis ang pag-gamit nito. Makakatulong
ang pananaliksik na ito upang makahanap at makatuklas ng mga pamamaraan o
solusyon sa problemang ito sa pamamagitan ng mga makakalap na sarbey at
impormasyon na manggagaling sa mga libro, mga relatibong napapaliksik at literatura,
sa mga artikuli galing sa internet, at sa mga tao mismo na pagkukuhanan ng mga
impormasyon sa pamamagitan ng sarbey.
Technological University of the Philippines
Taguig Campus

VI. SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay nasa loob lamang ng Teknolohikal na


Unibersidad ng Pilipinas - Taguig. Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang
kasalukuyang mga mag-aaral ng TUP-Taguig sa iba’t ibang antas at kurso. Nais ng mga
mananaliksik na makipag-panayam sa mga mag-aaral na gumagamit ng Social Media
at anuman ang kasarian . Ito ay upang maiwasan ang hindi pantay na pahayag, opinyon,
at mga natuklasan. 100 mga respondente ang makikilahok sa pag-aaral na ito.

Ang pananaliksik na ito ay magkakaroon din ng mga limitasyon. Sa pag-aaral


na ito, mga estudyante na nasa edad 17 hanggang 21 taong gulang lamang ang maaring
makilahok. Ang iba pang mga paaralan ay hindi kasama sa pag-aaral. Hindi rin kasama
ang mga mag-aaral na may edad 22 pataas. Ito ay para sa katiyakan ng pakikipag-usap
at pakikipanayam sa naturang pag-aaral nang madali, kaya gumugol ng mas kaunting
oras para sa mga sarbey.
Technological University of the Philippines
Taguig Campus

VII. KATUTURAN NG MGA KATAWAGANG GINAMIT

Pagpapatiwakal/Pagpapakamatay - ay pagkilos ng sinasadyang pagsasagawa ng sariling


ikamamatay

Social Media/Social Networking Sites - ay ang mga plataporma na nagbibigay daan sa


mga gumagamit na lumikha at magbahagi ng mga ideya, kaisipan, at impormasyon sa
pamamagitan ng virtual network at komunidad.

Mental na Kalusugan (Mental Health) - ay ang emosyonal, sikolohikal at panlipunang


katauhan ng isang indibidwal. Naaapektuhan nito ang pag-iisip, pag-kilos at
pakiramdam ng isang tao. Ito rin ang tumutukoy sa mga desisyon na ginagawa ng isang
tao.

Interpersonal Relationship - ay ang malalim o malapit na samahan sa pagitan ng


dalawa o higit pang tao. Ito ay maaaring magkakaiba-iba mula sa mga relasyon sa
pamilya o kamag-anak, kaibigan, asawa, relasyon sa mga kasama sa trabaho,
organisasyon at sa kapitbahayan.
Technological University of the Philippines
Taguig Campus

KABANATA II

PARAAN NG PANANALIKSIK

2.1 DISENYO NG PANANALIKSIK AT MGA HAKBANG SA PAG-AARAL

Isinagawa ang pananaliksik upang malaman na kung paano nagiging dahilan


ang Social Media kaya nagpapakamatay ang isang tao. Ang disenyo ng pananaliksik na
ginamit sa pananaliksik na ito ay deskriptibo na pananaliksik, nakakakuha ng mga
opinyon ng mga respondente. Ang layunin upang malaman kung ano ang tingin o
opinyon ng mga respondente ukol sa kung paano nakakaapekto ang Social Media sa
isang tao at kung anong kinalamn nito sa pagpapakamatay ng isang tao, ang mga
palatanungan sa sarbey ay ginagamit upang mangolekta ng data. Ang pamamaraan ng
sarbey na ginamit sa mga respondente upang sagutin ang mga tanong ay
pinamamahalaan sa pamamagitan ng mga opinyon o mga talatanungan. Matapos
sagutin ng mga kalahok ang mga tanong, sinuri ng mga mananaliksik ang mga sagot na
ibinigay.

Para sa isang tumpak o tama na pagsusuri ng dulot ng Social Media sa


pagpapatiwakal ng isang tao, ang halimbawang populasyon ay 100 na mga respondente
na random na pipiliin mula sa tinatayang populasyon.
Technological University of the Philippines
Taguig Campus

2.2 LOKASYON NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa Teknolohikal na Unibersidad ng


Pilipinas- Taguig Campus, KM 14 East Service Road, Western Bicutan Taguig City,
kung saan humanap ang mga mananaliksik ng mga estudyante na maaaring sumagot sa
mga katanungan sa sarbey patungkol sa pag-aaral na ito.

2.3 PAGPILI NG MGA KALAHOK SA PAG-AARAL

Ang mga napiling tumugon sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng


Teknolohikal na Unibersidad ng Pilipinas - Taguig. Gumamit ang mga mananaliksik ng
random sampling na pamamaraan upang magkaroon ng pagkakataon ang lahat ng
estudyante sa TUP-Taguig na sumagot sa sarbey at magkaroon ng pantay na
representasyon ng mga datos. Humanap at pumili ang mga mananaliksik ng isang daan
(100) na estudyante bilang mga respondente na galing sa iba't ibang mga kurso at antas.

2.4 PANGANGALAP NG DATOS

Ginamit na paraan sa pagkolekta ng datos: Talatanungan

Ang pamamaraan ng pangangalap ng datos na ginamit: Pagtatanong: Online survey

Upang mabuo ang hanay ng mga katanungan, ang mga mananaliksik ay nagbasa
ng maraming impormasyon tungkol sa kung paano ang Social Media ay isa sa mga
dahilan kung bakit nagpapatiwakal ang isang tao. Ang mga mananaliksik ay naghanda
ng mga talatanungan bilang kasangkapan na ginamit para sa pangangalap ng datos. Ang
Technological University of the Philippines
Taguig Campus

mga mananaliksik ay pinakalat mula sa online ang mga talatanungan upang mas
mapadali ang pangangalap ng mga datos.

2.6 PAMAMARAAN NG BALIDASYON

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pag-likha ng talatanungan


o survey questionaires. Dito naghain ng mga katanungan ang mga mananaliksik upang
hingiin ang opinion at mga kasagutan ng mga estudyante na gumamit ng Social Media.
Nakatulong din sa mga mananaliksik ang mga artikulo, journals at mga relatibong
isinagawang pananaliksik na nag-mula sa internet. Pati na rin ang mga bidyo na galling
sa site ng Youtube. Ito ang mga ginamit na pamamaraan ng mga mananaliksik upang
mas lalong mapatibay at mabigyang suporta ang mga inahain na impormasyon sa pag-
aaral na ito.
Technological University of the Philippines
Taguig Campus

KABANATA III

PRESENTASYON, ANALISIS, AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Grapiko 1. Kasarian ng mga respondente

Series 1

63

37

Babae Lalaki

Animnapu't tatlong porsyento (63%) ng mga respondente ay babae habang


ang iba pang tatlumpu't pitong porsyento (37%) ay lalaki.
Technological University of the Philippines
Taguig Campus

Grapiko 2. Edad ng mga respondente

Series 1

34
30

16
12
8

17 18 19 20 21

Ang edad ng mga sumasagot ay mula sa 17 taong gulang hanggang 21


taong gulang. Tatlongpu’t apat na porsyento (34%) ng mga sumasagot ay 20
taong gulang, tatlumpung porsyento (30%) ay 19 taong gulang, labing anim na
porsyento (16%) ay 17 taong gulang, labing dalawang porsyento (12%) ay 21
taong gulang at walong porsyento (8%) ay 18 taong gulang.

Ang mga respondente ay sapalarang pinili. Karamihan sa mga sumasagot


ay babae. Mahigit sa kalahati ng mga respondente ay 20 taong gulang.
Technological University of the Philippines
Taguig Campus

Grapiko 3. Bilang ng oras na ginugugol ng mga respondente sa pag-gamit ng


Social Media sa isang araw

Series 1

70

5 17
8
1-2 oras 2-3 oras 3-4 oras 5 pataas na oras

Pitumpung poryento (70%) ng mga respondente ay limang (5) oras pataas


ang ginugugol sa pag-gamit ng Social Media. Labing pitong porsyento (17%) ng
mga respondente ay tatlo (3) hanggang apat (4) na oras ang ginugugol sa pag-
gamit ng Social Media. Walong porsyento (8%) ng mga respondete ay dalawa (2)
hanggang tatlong (3) oras ang ginugugol sa pag-gamit ng Social Media.
Samantalang limang porsyento (5%) lamang ang mga respondenteng isa (1)
hanggang dalawang (2) oras lamang ang ginugugol sa pag-gamit ng Social Media.
Technological University of the Philippines
Taguig Campus

Karamihan ng mga respondente ay limang oras pataas ang ginugugol nila


sa pag-gamit ng Social Media.

Grapiko 4. Bilang ng mga respondente na sumagot sa tanong na kung ano ang


kalimitang dahilan ng nakikita nilang nagpapakamatay sa Social Media

Series 1
44

8 8 10
7 7
16

ng io
n ala an em ty pa
llyi ess W tah obl nxie iba
bu pr as
in P r A A t
ber De k ily
Cy ng Fam
la ay
iw
agh
N

Karamihan ng mga respondente ang nagsabing Cyberbullying ang


kadalasang nakikita nilang dahilan kung bakit nagpapatiwakal ang isang tao,
pumapangalawa naman ang Depression, pangatlong dahilan naman ay ang
Nakipaghiwalay sa kasintahan at Family problem at huli naman ay Anxiety at ang
iba naman ay wala pang nakikita. At sampong porsyento (10%) naman ay mga iba
pang kadahilanan.
Technological University of the Philippines
Taguig Campus

Grapiko 5: Bilang ng mga respondente na sumagot kung nakakaapekto ba ang


sinasabi ng iba na hindi maganda sa kanila.

Series 1

53

47

Oo Hindi

Limampu’t tatlong porsyento (53%) ng mga respondente ang nagsabing


naaapektuhan sila samantalang ang apatnapu’t pitong porsyento (47%) ng mga
respondente ang nagsabing hindi sila naapektuhan sa mga sinasabi ng iba sa
kanila.
Technological University of the Philippines
Taguig Campus

Karamihan ng mga respondente ay nagsabing naapektuhan sila sa mga


hindi magagandang sinasabi ng iba sa kanila sa Social Media.

Grapiko 6. Bilang ng mga respondente na sumagot sa tanong na kung


nakakaramdam ba sila ng inggit sa tuwing nakakakita sila ng mga posts sa
Social Media.

Series 1

61

39

Oo Hindi

Animnapu’t isang porsyento (61%) ng mga respondente ang nagsabing


nakakaramdam sila ng inggit samantalang tatlumpu’t siyam posyento (34%) na
respondente naman ang nagsabing hindi sila nakakaramdam ng inggit.

Karamihan ng mga respondente ay nagsabing nakakaramdam sila ng


inggit sa tuwing nakakakita sila ng mga posts sa Social Media tungkol sa mga
bagay na pinapangarap nila ngunit wala sila.
Technological University of the Philippines
Taguig Campus

Grapiko 7. Bilang ng mga respondente na sumagot sa tanong na kung may


pakialam ba sila sa bilang ng mga Reactions na nakukuha nila.

Series 1

59

41

Meron Wala

Limampu’t siyam na porsyento (59%) ng mga respondente ang nagsabing


wala silang pakialam samantalang apatnapu’t isang porsyento naman ang
nagsabing meron silang pakialam.

Karamihan ng mga respondente ay nagsabing meron silang pakialam sa


bilang ng mga reaksyon na nakukuha nila sa Shared Posts, Posted pictures gaya
ng Profile Picture at Cover Photo.
Technological University of the Philippines
Taguig Campus

Grapiko 8. Bilang ng mga respondente na sumagot sa tanong na kung


naaapektohan ba sila at nalulungkot sa mga posts sa Social Media tungkol sa
mga hindi inaasahang pangyayari

Series 1

84

16

Oo Hindi

Walumpu’t apat na porsyento (84%) ng mga respondente ang nagsabing


naapektuhan at nalulungkot sila samantalang labing anim na porsyento (16%)
naman ang nagsabing hindi sila naaapektuhan at nalulungkot.

Karamihan sa mga respondente ay nagsabing naapektuhan at nalulungkot


sila sa mga posts sa mga posts sa Social Media tungkol sa mga hindi inaasahang
pangyayari gaya ng pagpapakamatay ng mga kamaganak ng kaibigan, aksidente,
pagkamatay ng artista o kilalang personalidad.
Technological University of the Philippines
Taguig Campus

Grapiko 10. Bilang ng mga respondente na sumagot sa tanong na kung ang


social media ba ay mas nagdudulot sa kanila ng kasiyahan o kalungkutan?

Series 1

69

10
16

Kasiyahan Kalungkutan Parehas

Animnapu’t siyam na porsyento (69%) ng mga respondente ang nagsabing


kasiyahan at kalungkutan ang nadudulot sa kanila. Labing anim na porsyento
(26%) ng mga respondente ang nagsabing kasiyahan ang nadudulot sa kanila
samantalang sampung porsyento (5%) ng mga respondente ang nagsabing
kalungkutan ang nadudulot sa kanila.

Karamihan ng mga respondente ay nagsabing kasiyahan ang nadudulot ng


Social Media sa kanila.
Technological University of the Philippines
Taguig Campus

Grapiko 11. Bilang ng mga respondente na sumagot sa tanong na kung


Nagpopost ba sila sa social media tungkol sa mga hindi magagandang
pangyayari sa buhay mo?

Series 1

51

49

Oo Hindi

Limampu’t isang porsyento (51%) ng mga respondente ang nagsabing


nagpopost sila sa Social Media samantalang Apatnapu’t siyam na porsyento
(49%) ng mga respondente ang nagsabing indi sila nagpopost sa Social Media.

Karamihan sa mga respondent ang nagsabing nagpopost sila sa Social


Media tungkol sa mga hindi magagandang pangyayari sa buhay nila.
Technological University of the Philippines
Taguig Campus

Grapiko 12. Bilang ng mga respondente na sumagot sa tanong na kung oo ang


sagot nila sa itaas na tanong, mas nagpapagaan ba nito ang kanilang
pakiramdam mo?

Series 1

60

40

Oo Hindi

Animnapung porsyento (60%) ng mga respondente ang Oo ang sagot


samantalang apatnapung porsyento (40%) ng mga respondente naman ang
nagsasabing hindi.

Karamihan ng mga respondente ang nagsabing mas napapagaan ang


kanilang pakiramdam pag napopost nila sa Social Media ang kanilang mga
nararamdaman o ang mga hindi magandang pangyayari sa kanilang buhay.
Technological University of the Philippines
Taguig Campus

Grapiko 13. Bilang ng mga respondente na sumagot sa tanong na kung mas


dapat bang bigyan ng pansin ng mga developers ng iba't ibang social
networking sites ang issue tungkol sa maaaring kaugnayan ng social media sa
suicide?

Series 1

99

Oo Hindi

Siyamnapu’t siyam na porsyento (99%) ang nagsabing dapat bigyang


pansin ng mga developers ng iba’t ibang social networking sites ang issue
samantalang isang porsyento (1%) lamang ang nagsabing hindi.

Karamihan ng mga respondente ay nagsabing dapat bigyang pansin ng


mga developers ng iba’t ibang social networking sites ang issue tunngkol sa
maaring kaugnayyan ng social media sa suicide.
Technological University of the Philippines
Taguig Campus

Sa tanong na “Ano sa tingin mo ang dapat mong gawin bilang isa sa


gumagamit ng Social Media upang maiwasan ang mga negatibong epekto
nito sa ating mentalidad”, ang mga respondente ay nabigyan ng pagkakataon na
sumagot ayon sa kanilang opinyon. Mayroong mga sumagot na huwag na
lamang pansinin o magpaapekto sa mga isyu at negatibong epekto na
nakapaloob sa social media. Mas mainam na gamitin na lamang ang nasabing
plataporma ayon sa layunin ng iyong pag-gamit. Sanayin ang sarili sa mundo ng
social media. Ang iba naman ay sumagot na limitahan o huwag abusuhin ang
pag-gamit sa nasabing plataporma, dahil lahat ng sobra ay nakakasama. Ang
hakbang na ito ay sa tingin ng mga respondente na isa sa pinakamabisang paraan
upang makaiwas sa maaaring epekto ng naturang plataporma sa mentalidad ng
isang tao. Dapat ay maglaan lamang ng sapat na oras para rito at gawin lamang
itong pampalipas oras o libangan. Ang ilan din ay nagsabing maging responsible
at sensitibo sa pag-gamit ng naturang plataporma. Maging maingat at pag-isipan
muna ang bawat ishe-share at ipo-post sa iyong account. Huwag basta-basta
gagawa ng desisyon ng hindi pinag-iisapan ng mabuti. Maging sensitibo sa
maaaring epekto ng iyong nais sabihin sa mga taong maaaring makakita at
makabasa nito. Ang ibang respondente ay nagsabi na gumamit na lamang ng iba
pang applications na hindi makakaapekto sa iyong mentalidad sa negatibong
pamamaraan. Maaaring mag-install ng mga laro o di kaya nama’y mga babasahin
gaya ng Wattpad, pati na rin ang mga apps ng mga kanta at musika. Umiwas sa
mga lugar sa internet na sa tingin mo ay hindi makakabuti sa iyo. Isa rin sa tingin
ng mga respondente na mabisang paraan sa pag-iwas sa negatibong epekto ng
social media ay ang pag-iwas sa mga negatibong tao. Ang mga ganitong klase
ng tao ang isa sa pinaka-sanhi ng mga hindi magandang epekto sa social media sa
Technological University of the Philippines
Taguig Campus

mentalidad ng tao. Mainam na hanggat maaari ay tanggalin sila sa listahan ng


iyong mga kaibigan sa sa mga naturang plataporma, o di kaya nama’y i-unfollow
sila, at ang mas mabisa, i-block sila. Dito magsisimula ang hakbang sa pag-iwas
sa epektong negatibo ng mga platapormang ito sa mentalidad ng isang tao. Ang
ilan sa mga respondente ay nagsabi na huwag malinlang sa mundo ng social
media sa totoong mundo. Dito nagkakaroon ng mga komplikasyon at ang puno’t
dulo ng mga problemang ito. Sa pagkakataong ito, dapat ay mas bigyang pansin
ang mga kaibigan sa totoong buhay, pamilya at mga taong nakakasalamuha sa
totoong mundo. Maging instrumento sa pag-babago at tulungan ang mga
nalinlang na sa mga platapormang ito.
Technological University of the Philippines
Taguig Campus

KABANATA IV

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

4.1 LAGOM

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa para sa layunin ng pagkilala sa mga dulot ng


Social Media sa pagpapatiwakal ng isang tao sa pamamagitan ng pakikipag-
ugnayan sa mga mag-aaral ng TUP-Taguig. Deskriptibong pamamaraan ng
pananaliksik ang ginamit at gumamit ng sarbey bilang paraan sa pangangalap ng
datos. Ang talatanungan ay nagsilbing instrumento para sa pagkolekta ng datos.
Humigit-kumulang sampung porsyento (10%) ng mga mag-aaral ng TUP-Taguig
ang naging respondente sa ginawang sarbey. Ang pag-aaral ay isinasagawa sa
taon ng paaralan 2019-2020.

Batay sa natipon, nasuri, at inihain na mga datos, ang mga mananaliksik ay


humantong sa mga sumusunod na natuklasang impormasyon na inilahad
alinsunod sa mga katanungan na nabuo sa pahayag ng suliranin.

1. Ang mga dulot ng Social Media na nabanggit sa talatanungan ba ay maaaring maging


sanhi ng labis na kalungkutan at humantong sa pagpapakamatay?

- Ang mga dulot ng Social Media sa isyu na ito ayon sa ginawang talatanungan ng mga
mananaliksik ay ang mga sumusunod: Una ay naaapektohan sila kapag may
nagsasabi ng hindi maganda tungkol sa kanila sa Social Media. Higit sa kalahati
Technological University of the Philippines
Taguig Campus

ang sumagot ng Oo sa tanong na ito, ngunit kalahati rin ang hindi sumang-ayon.
Pangalawa naman ay nakakaramdam sila ng inggit sa

tuwing nakakakita sila ng mga post sa social media tungkol sa mga bagay na
pinapangarap nila ngunit wala sila. 61% ang umamin na sila ay naaapektuhan sa
ganitong bagay. Pangatlo naman ay wala silang pakialam sa bilang ng mga reaksyon
na nakukuha o makukuha nila sa mga posts nila. Ibig sabihin ay ang numero ng mga
reaksyon nakukuha nila sa kanilang mga posts ay walang kinalaman upang sila ay
maging malungkot. Ang pang-apat ay parehong nagdudulot ng kalungkutan at
kasihayan ang social media sa mga respondente. 69% sa mga respondente ang
nagsabing magkahalong lungkot at saya ang hatid sa kanila ng social media. Pang-lima
naman ay ang pagpo-post sa social media tungkol sa hindi magagandang
pangyayari sa buhay ay nakakapag-pagaan ng loob. Kung gayon, ang pagppost
tungkol sa hindi magagandang pangyayari sa buhay ay hindi nakaka-apekto upang mas
lalong lumala ang kalungkutan ng isang tao na maaaring humantong sa pagpapatiwakal.

2. Ano ang pangunahing dulot ng social media na sanhi ng pagpapakamatay ng isang


tao?
Sa ginawang talatanungan ng mga mananaliksik, naghain sila ng tanong kung mayroon
na bang nakita ang mga respondente ng isang ulat sa loob mismo ng social media
tungkol sa isang taong nagpakamatay. Karamihan ay sumagot ng oo at ang
pangunahing dahilan ayon sa kanilang nasaksihan ay Cyberbullying; sumunod lamang
ang Depresyon, kung saan ang Depresyon ang pangunahing sanhi ng Cyberbullying.
Technological University of the Philippines
Taguig Campus

3. Anu-anong mga pamamaraan ang maaaring gawing hakbang ng mga gumagamit ng


Social Media upang maiwasan ang negatibong epekto nito sa kanilang mental na
kalusugan?

Sa talatanungan na likha ng mga mananaliksik, nagbigay sila ng tanong na kung ano sa


tingin ng mga respondente ang maaari nilang gawing hakbang bilang isa sa mga
gumagamit ng social media upang maiwasan ang mga negatibong epekto nito sa
mentalidad ng isang tao. Ang mga kasagutan ng mga respondente ay ang sumusunod:
Una ay huwag na lamang pansinin o magpaapekto. Pangalawa ay limitahan o
huwag abusuhin ang pag-gamit sa nasabing plataporma. Pangatlo ay maging
responsible at sensitibo sa pag-gamit ng naturang plataporma. Pang-apat ay
gumamit na lamang ng iba pang applications. Pang-lima ay pag-iwas sa mga
negatibong tao. At ang pang-anim ay huwag malinlang sa mundo ng social media sa
totoong mundo.

4. Kinakailangan na bang bigyan ng pansin at gumawa ng mabisang hakbang ang bawat


Social Networking Sites patungkol sa isyu na ito?

Ayon sa sagot na nanggaling sa talatanungan na kung mas dapat bang bigyan ng pansin
ng mga developers ng iba't ibang social networking sites ang isyu tungkol sa maaaring
kaugnayan ng social media sa pagpapatiwakal, ang sagot ng mga respondente ay Oo,
dapat itong bigyan ng pansin. Sa 99% na sumang-ayon at 1% na hindi sumang-ayon,
napatunayan ng mga respondente na kabilang sa mga gumagamit ng naturang
plataporma na kinakailangan na bigyan ng aksyon ang isyu sa maaaring malaking
kaugnayan ng social media sa pag-lobo ng bilang ng mga taong nagpapatiwakal.
Technological University of the Philippines
Taguig Campus

4.2 KONGKLUSYON

Ang mga sumusunod ay mga konklusyon na nabuo batay sa mga natuklasan ng pag-
aaral.

1. Ang Social Media ay napatunayan na mayroong kinalaman sa pagpapatiwakal


ng isang tao.
2. Cyberbullying ang pangunahing sanhi ng pagpapakamatay dulot ng Social
Media na isa sa sanhi ng Depresyon.
3. Ang isyu patungkol sa kaugnayan ng social media sa pagpapatiwakal ng isang
tao ay nararapat na bigyan ng aksyon ng mga may-likha ng mga plataporma.
4. Ang pangunahin at epektibong hakbang upang makaiwas sa hindi magandang
epekto ng social media ay limitahan o huwag abusuhin ang pag-gamit sa
nasabing plataporma. Ang mga kabataan lalo na ang mga estudyante ay hindi
maiiwasang hindi gumamit ng social media, dahil ito ay midyum sa pakikipag-
ugnayan sa mga taong nais nilang makausap at bilang libangan. Kaya ang
mabisang solusyon ay ang pag-limita sa pag-gamit nito at magpokus sa totoong
mundo, sa totoong tao at totoong kalagayan ng buhay.
Technological University of the Philippines
Taguig Campus

4.3 REKOMENDASYON

Rekomenda para sa mga mananaliksik sa hinaharap:

Kaugnay ng pananaliksik na ito, ang mga mananaliksik sa hinaharap ay dapat


maglagay ng mga bagay na hindi nakuha ng pananaliksik na ito tulad ng paggalugad sa
iba pang mga dulot sa social media na maaaring sanhi ng pagpapakamatay ng isang tao.

Ang hinaharap na mga mananaliksik ay dapat na palawakin ang saklaw ng


populasyon upang makamit ang mas katanggap-tanggap na mga pangkalahatang
resulta.

Ang mga mananaliksik sa hinaharap ay dapat makahanap ng higit pang mga


variable na maaaring maiugnay sa pananaliksik na ito, bilang karagdagan sa
karagdagang impormasyon.

Rekomendasyon para sa mga respondente ng pananaliksik na ito:

Ang mga mag-aaral ay dapat maging mas responsable sa pag-gamit ng social


media upang sila ay makaiwas sa negatibong epekto na maaaring idulot nito sa
mentalidad na nagdudulot ng pagpapatiwakal.
Technological University of the Philippines
Taguig Campus

Magkaroon ng disiplina sa sarili. Gamitin ang social media sa maganda at


positibong paraan, umiwas sa negatibong pumapaloob rito lalo na sa mga negatibong
tao, upang maging matiwasay ay malibang lamang sa platapormang ito.

Rekomendasyon para sa mga may-likha ng mga plataporma sa social media:

Bukod sa pagsisiguro na maging ligtas at maaasahan ang iyong mga


plataporma, panahon na para bigyan rin ng pansin ang mga negatibong nakapaloob sa
bawat social networking sites, lalo na ang cyberbulluying at ang suicide na mayroong
kinalaman dito. Upang ang social media ay maging isang lugar na ligtas, maaasahan, at
lugar ng saya, kaginhawaan, libangan at pagiging kontento sa bawat taong gumagamit
nito.
Technological University of the Philippines
Taguig Campus

SANGGUNIAN

https://smartsocial.com/effects-of-social-media-on-mental-health/

https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/showbiz/2019/10/15/1960299/dahil-sa-depression-cyber-bullying-k-
pop-star-nag-suicide

https://blog.pcc.com/social-media-self-esteem-and-teen-suicide

https://socialmediahq.com/does-social-media-have-a-teen-suicide-problem/

https://cnnphilippines.com/life/culture/2019/02/26/suicide-discourse.html

www.philstar.com/headlines/2019/08/29/1947360/33-million-pinoys-suffer-
depression/amp/

www.philstar.com/headlines/2019/02/07/1891602/unicef-cyber-bullying-
affects-70-youth/amp/

http://www.bullyingstatistics.org/?
fbclid=IwAR2kHQPkTI8BxSFWjV_t29Qj0gjonR7wQQbM4ex1GkeQbfGvfIZDI0impTM

https://www.google.com/amp/s/www.cbsnews.com/amp/news/smartphones-
cyberbullying-targeted-as-causes-of-skyrocketing-teen-suicide-rate/
Technological University of the Philippines
Taguig Campus

https://community-matters.org/2019/04/18/bullying-cyberbullying-and-teen-
suicide-risks-and-prevention-strategies/

1. Gaano ka kadalas gumamit ng Social Media sa isang araw?

(0-2 oras)

(2-3 oras)

(3-4 oras)

(5-pataas)

2. Naaapektohan ka ba kapag may nagsasabi ng hindi maganda tungkol sayo sa Social


Media?

(Oo/Hindi)

3. Nakakaramdam ka ba ng inggit sa tuwing nakakakita ka ng mga posts sa Social


Media tungkol sa mga bagay na pinapangarap mo ngunit wala ka? (gaya ng
kumpleto/masayang pamilya, materyal na bagay, pisikal na kagandahan atbp)

(Oo/Hindi)
Technological University of the Philippines
Taguig Campus

4. May pakialam ka ba sa bilang ng mga Reactions na nakukuha/makukuha mo sa mga


Shared Posts, Posted Pictures gaya ng Profile Picture at Cover Photo mo?

(Oo/Hindi)

5. Naaapektohan ka ba at nalulungkot sa mga posts sa Social Media tungkol sa mga


hindi inaasahang pangyayari gaya ng pagkamatay ng kamaganak ng kaibigan,
aksidente, pagkamatay ng artista o kilalang personalidad, atbp.?

(Oo/Hindi)

6. May nakita ka na bang post sa Social Media tungkol sa isang taong nagpakamatay?
Kung oo, ano kadalasan ang dahilan?

7. Ang social media ba ay mas nagdudulot sayo ng kasiyahan o kalungkutan?

(kasiyahan/kalungkutan/Parehas)

8. Nagpopost ka ba sa social media tungkol sa mga hindi magagandang pangyayari sa


buhay mo?

(Oo/Hindi)

Kung oo, mas nagpapagaan ba ito ng pakiramdam mo?


Technological University of the Philippines
Taguig Campus

(Oo/Hindi)

9. Mas dapat bang bigyan ng pansin ng mga developers ng iba't ibang social
networking sites ang issue tungkol sa maaaring kaugnayan ng social media sa suicide?

(Oo/Hindi)

10. Ano sa tingin mo ang dapat mong gawin bilang isa sa gumagamit ng social media
upang maiwasan ang mga negatibong epekto nito sa ating mentalidad?

(magbigay ng opinion)

You might also like