You are on page 1of 7

Porfirio G.

Comia Memorial National High School


Barcenaga, Naujan Oriental Mindoro
Region Mimaropa

EPEKTO SA KALUSUGAN NG SOCIAL MEDIA SA AKADEMIKONG PAGGANAP


NG MGA MAG-AARAL SA BAITANG 11 NG PORFIRIO G. COMIA MEMORIAL
NATIONAL HIGH SCHOOL

Isinumeti kay:
Bb. Rizalyn Lomio

Isinumeti nina:
Cortez, Princess Lyanh M.
De Claro, Elaine
Fallarcona, Aira Grace J.
Manalo, Gerlyn E.

Enero, 2020
KABANATA II

MGA KAUGNAY LITERATURA AT PAG-AARAL

Kaugnay na Literatura

Lokal

Sa taong 2012, nilikha nina Rosen, Cheever, at Carrier ang katawagang

“iDisorder,”na nangangahulugan sa negatibong kaugnayan sa gamit ng teknolohiya at

mental na pag-iisip. Kumakailan lang, ang mga mananaliksik na nabanggit ay nagkalap

ng mas matibay na impormasyon na magsasabing mayroon itong masamang epekto sa

ating kalusugan.

Ayon kay Gideon Lasco ang social media ay nakakaapekto sa kalusugan

lalo na kung hindi na nakakatulog ng maayos ang isang tao. Ang pagpupuyat ay

nakakahina ng immune system kaya naman mas mataas ang posibilidad na mahawa

siya ng sakit. Bukod pa rito, maaari din siyang magkaroon ng karamdaman sa puso,

malubhang diabetes, at iba pang mga seryosong karamdaman.


Banyaga

Ginagamit ang social media para sa pakikipag-usap, pagbabahagi ng

impormasyon at iba pa. May iba’t ibang uri ng social media. Ito ay ang facebook, twitter,

google, Wikipedia at ilan pang mga uri ng social media. Kung mapapansin, ang mga

nabanggit ay ilan sa kadalasang ginagamit sa panahon ngayon ng bawat indibidwal

karaniwan nasa mga kabataan. Dahil sa tulong na hatid nito, nakakakuha tayo ng mga

impormasyon para sa pang-araw-araw nating pamumuhay. Magkakaroon tayo ng

pagkakataon na makausap ang ating mga kaibigan, kasintahan, magulang, kamag-

anak at iba pa. Makakatulong din ito upang maibahagi ang ating mga saloobin, ideya,

impormasyon at mga kaalaman sa iba upang makamit rin nila ito. (Rouse, Margaret.

”Social Media”,2016)

Ang social media ay may magandang naidudulot tulad

pakikipagkomunikasyon sa ating malalayong pamilya sapagkat hindi na natin

kailangang magpadala ng sulat upang masabi natin ang mga gusto nating sabihin.

Sinulat ni Ali Kingston Mwila (2013) na ang social media sa estudyante at mga

eksperto ay nakakabahagi at nakakapag-uganay sa kapareho nilang hilig at

makapaglagay ng saloobin at opinion sa mga isyu. Isa pang positibong epekto ng social

media sites ay mapag-isa ang mga tao at makamit ang kanyang nais.

Pagkawala sa atensyon at pokus sa isang partikular gawain ay dahilan ng paggugugol

ng labis na oras sa paggamit nito. Nakabase ang mga estudyante sa teknolohiya at

internet imbis na sa normal na pagkatuto tulad ng pagsisiyasat sa mga libro at iba pang

reperesiya.
Batay kay Abhishek Karadkar manunulat ng technician online (2015) na

mayroong mga rason ang mag-aaral kung bakit sila naglalaan ng oras sa mga social

media. Isa sa mga ito ay ang social media ay nagbibigay kalayaan sa mga kabataan

upang magawa ang kanilang ninanais. Nakakasalamuha sila ng mga bagong tao sa

iba’t ibang bahagi ng mundo at maari silang gumamit ng hindi totoong impormasyon.

Ang social media ay may magandang naidudulot tulad

pakikipagkomunikasyon sa ating malalayong pamilya sapagkat hindi na natin

kailangang magpadala ng sulat upang masabi natin ang mga gusto nating sabihin dahil

maaari na natin silang makausap sa pamamagitan ng social media.Subalit ang

pagkahumaling ng lubos sa paggamit ng social media ay hindi magandang ugali. Ang

bawat mag-aaral na gumagamit ng mga ito ay naglalaan ng mas madaming oras upang

makipag-usap sa kanilang kaibigan na nagiging dahilan ng pagkasayang ng oras kaysa

pag-aaral at pagtuklas ng bagong kaalaman. Ito rin ay nakakaapekto sa kalusugan ng

mga kabataan ngayon.

Kaugnay na Pag-aaral
Lokal

Batay sa pag-aaral ni Fionamae Abainza 2014, ang social media katulad

ng Facebook ay isang daan na maaaring makapagdulot ng maganda sa mga kabataan.

Isa na ditto ay ang maaaring magkaroon ng malayong ugnayan ang bawat tao para

magkaroon ng komunikasyon dahil sa paggamit nito sa. Isa ring dulot ng social media

ayon sa mga pag-aaral ay ang pagpapadali nito sa pangangalap ng mga impormasyon.

Nagiging malaking tulong talaga at kaagapay sa mga mag-aaral ang

social media, huwag lamang itong aabusuhin at na ang kumakain sa ating buong oras.

Marami na ang nagpahayag na mabuti ang dulot ng social media sa ating pag-aaral.

Isang sarbey ang ginawa ni Keith J. Anderson, Ph.D. sa 13,000 mag-aaral sa

kolehiyo sa walong akademikong institusyon.Ito ay tungkol sa paggamit ng internet

upang makilala kung paano nito naaapektuhan ang pakikihalubilo at ang akademikong

pamumuhay. Lumabas na ang tipikal na gumagamit ng internet ay komukunsumo ng

100 minuto bawat araw at ang maliit na grupong ito ang internet ay humahadlang sa

ilang aspeto ng kanilang buhay.

Ayon sa pananaliksik mula sa Pew Research Center, 18 hanggang 29 taong

gulang ang madalas gumamit ng social media. Pinapabilis na ng internet ang lahat ng

ating mga pangangailangan tulad ng paghahatid ng balita, mensahe at impormasyon

nang mabilis at nasa oras.Maging sa mga estudyante, ginagamit nila ang modernong

teknolohiya sa kanilang mga assignment, research, bokabularyong hindi pamilyar at

koordinasyon sa mga kaklase para sa kanilang class group project.

Banyaga
Ayon kay Wasta Fari (2010), ang facebook ay isa sa pinakasikat na

Website dahil sa patuloy na gumagamit nito. Hindi matatawaran ang kabutihang

naidudulot nito upang pagbukludin ang iba’t ibang nakakaenganyong abilidad na

maaaring gawin dito ay ang katotohanang maaari kang gumawa ng isang birtwal na

pagkatao upang makakilala ng bagong mga kaibigan subalit kung pagbabasehan ang

katotohanang na ang isang tao ay maaaring gumawa ng pekeng account upang manira

ng ibang tao, ito ay lubhang nakakakapagkuha ng atensyon ng lahat ng siguridad.

Ayon kay Young (1996) ang dependent ay gumugugol ng 39 na oras sa internet

para sa sosyal na pakikipag-usap at pakikihalubilo. Samantala, ang independent naman

ay kumokonsumo ng 5 oras para sa netsurfing o e-mail lamang. Kadalasan ay ang mga

malungkot, binubuklod, o walang kakayahan sa larangang sosyal ang apektado ng

adiksyong ito. Marahil ito ang nagbibigay ng kung anong wala sila sa totoong buhay. Sa

mga nasabi ni Young, makikita pa rin na mas mahina itong adiksyon na ito kung

ikukumpara sa mga lasenggo at durugista.

Ayon sa ulat ng CSI/FBI Computer Crime and Security sinasabi na 79% ng

mga empleyado ang umaabuso ng internet sa Estados Unidos at isa sa mga abusong

ito ay pagdodownload ng pornograpiya. Sa karagdagan, sa isang sarbey na ginawa ng

NOL poli ng ICM, sinasabing halos lahat ng respondent ay humihiling ng karagdagang

control upang maiwasan ang panloloko, pornograpiya at pedipilya.

You might also like