You are on page 1of 3

Kabanata 2

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Sa bahaging ito ang papel ay itinala ng mga Mananaliksik ang ilang literatura at pag-aaral na

Mahahalagaat may kaugnayan sa paksang kanilang isinakatuparan.Matutunghayan dito ang mga

Literatura at Pag-aaral natumatalakay sa katuturan at uri ng panitikang Filipino,katuturan at

epekto ng “Social Media”

Kaugnay na literatura

Ayon kina Boyd at Ellison 2007, ang mga Social Networking Sites ay may serbidyong

well-based na pinahihintulutan ang mga indibidwal na gumawa ng mga pribado o pampublikong

profayl saloob ng sistema,pinahihintulutan ang mga gumagamit na makita ang listahan ng

kanilang koneksyon at makita ang ginagawa ng iba pang taga-tangkilik.tumutukoy ito sa sites

tulad ng facebook, twitter, instagram, skypes, yahoo,at iba pa. Ilan ang mga nabanggit sa

napakaraming Social Networking Sites na kumakalatngayon sa internet.ang internet ay isang

tsanel kung saan madalian lang makakasagap ng impormasyon at madali ring makakapagbigay

nito. Isa sa pinakapakinabang nito ay ang pakikipagkomunikasyon sa mga taong malayo sa

atin.Dahil sa pagkauso nito dala ng malakas na impluwensiya, marami sa mgakabataan ang lubos

na nahuhumaling dito.

Ayon sa artikulo ng Medical Daily 2013, ang pagbabasa gamit ang libro ay mas maraing

benipisyo kaysa sa pagbabasagamit ang e-book. Unang rason, ang pagbabasa sa libro ay mas

magdudulot sa iyo ng pagkatuto dahil hindi katulad sa e-book,nagkaroong ka ng pagkakataon

upang gawin ang ibang bagay gaya sapaggamit ng Facebook. Pangalawang rason, mas

nakatutulong sapagtulog ang pagbabasa gamit ang libro. Dahil sa screen ng gadget, mas malaki
ang posibilidad na magdulot ito ng pag kasakitng mata. Panghuli, ang pagbabasa gamit ang e-

book ay nakadudulotng stress. Dahil sa pagpupuyat habang nagbabasa, mas mataas ang

posibilidad na magkaroon ng depresyon at magdulot itong stress.

Kaugnay na Pag-aaral

Ayon sa isang Pag-aaral na isinagawa ni AshleyMelinis (2007), ang pagbabasa sa

elektronikong babasahin ay nakadudulot sa magaaral ng motibasyon sa pagiging mahusay

namambabasa. Mas nagkakaroon ng motibasyon sa pagbabasa ang mga mag-aaral dahil sa

binibigay ng elektronikong babasahin na animation ,sound, music, at narration. Gaganahan ang

isang mambabasa dahil sa dulot ng makabagong teknolohiya.

Ayon sa pag-aaral nina basilyo at bemacer (2017) ang guroay may malaking papel na

ginagampanan sa paghubog ng kagandahang asal ng mga estudyante subalit sa pamamagitan ng

Social Media na produkto ng makabagong teknolohiya. Kay gulo ng takbo ngkanilang pag iisip

sa larangan ng kanilang pag-aaral. nakakalungkot isipin na mas nangingibabaw na ang

negatibong epekto ng Social Media sa mga estudyante at tila ba unti-untinang na nahihigitan ang

kagandahang asal at disiplina sa sarili.

Ayon sa pag-aaral ni young (2000) ang dependent ay gumugugol ng 39 na oras sa internet

para sa sosyal na pakikipagusap at pakikihalubilo. Samantala ,ang independent naman ay

kumokonsumo ng 5 oras para sa netsurfing o email lamang. Kadalasan ay ang mga malungkot,

binubukod, o walang kakahayan sa larangan sosyal ang apektado ng adiksyong ito. Marahil ito

ang nagbibigay ng kung anong wala sila sa totoong buhay. Sa mga nasabi ni Young, makikita pa

rin na mas mahina itong adiksyon naito kung ikukumpara sa mga lasenggo o durugist
Ayon sa pag aaral ni Health Spokesman Dr.EricTayag (2006),Ang Social Media ang isa

sa mga dahilan kung bakit madaling matukso ang mga kabataan ngayon. Paliwanag ni Tayag,

madaling maimpluwensyahan ang mga kabataan lalo na kung nagkukulang sa paggabay ang mga

magulang, simbahan at kanilang paaralan. Dahil dito, sinabi ni Tayag na tinututukan ng

Department Of Health (DOH) ang pakikipag ugnayan sa Department Of Education (DEpEd)

para sa impormasyong dissemination para maiiwas sa pagkakaroon ng HIV ang mga kabataan sa

pamamagitan ng Sex Education.

Ayon sa pag aaral nina Kraut at kanyang mga kasamahan (2005) sa isang longitudinal na

pag aaral na sa 73 pamilya, nalaman nila na ang pag gamit ng internet ay may kinalaman sa

pagtaas ng depresyon at pagdalang sa ugnayan sa mga kaibigan at pamilya.

You might also like