You are on page 1of 3

Social media: Epekto nito sa akademikong pagganap ng mga

mag-aaral sap Gas-11 ng UNHS-SHS

Layunin/Paglalahad ng Suliranin

Nilalayon ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito na malaman ang epekto ng


“Social Media” sa akademikong pagganap ng mga mag aaral sa GAS-11.

Sinisikap na masagot ang mga sumusunod na katanungan:

1.Ano ang propayl ng mga mag-aaral batay sa:

A.) Edad; at
.B.) Kasarian

2. Anu- ano ang mga kadalasang ginagamit ng mga mag aaral na social media
na maaaring nagdudulot ng maganda o masamang epekto sa kanila?

3. Anu-ano ang mga maaaring maging epekto nito sa mga mag aaral?

4. May makabuluhang kaugnayan ba ang paggamit ng social media sa pag-


aaral ng mga mag aaral?

Kaugnayan na pag-aaral at literature

Ang bahaging ito ay naglalaman ng akademiko at propesyonal na mga


babasahin na may kinalaman sa ginagawang pag-aaral. Nagbibigay rin ng higit
na malinaw na kaalaman ang mga literatura at pag aaral na inilakip sa
pananaliksik na ang motibo ay madagdagan ang kaalaman ng mga
mambabasa, lalo na patungkol sa “Epekto ng social media sa akademikong
pagganap ng mga mag aaral sa GAS-11.

Kaugnay na literature

-Ayon kina Boyd at Ellison 2007, ang mga social networking sites ay may
serbisyong well-based na pinahihintulutan ang mga indibidwal na gumawa ng
mga pribado o pampublikong propayl sa loob ng sistema, pinahihintulutan ang
mga gumagamit na makita ang listahan ng kanilang koneksyon at makita ang
ginagawa ng iba pang tagatangkilik.Tumutukoy ito sa sites tulad ng
facebook, twitter, instagram, skypes, yahoo at iba pa. Ilan ang mga nabanggit
sa napakaraming social networking sites na kumakalat ngayon sa internet. Ang
internet ay isang tsanel kung saan madalian kang makakasagap ng impormasyon
at madali ring makakapagbigay ng isa sa pinakapakinabang na
pakikipagkomunikasyon sa mga taong malayo sa atin. Dahil sa pagkauso nito
dala ng malakas na impluwensiya, marami sa mga kabataan ang lubos na
nahuhumaling dito.

Ayon sa artikulo ng Medical Daily 2013, ang pagbabasa gamit ang libro
ay mas maraming benipisyo kaysa sa pagbabasa gamit ang e-book. Unang
rason ang pagbabasa sa libro ay magdudulot sa iyo ng pagkatuto dahil hindi
katulad sa e-book, nagkaroong ka ng pagkakataon upang gawin ang ibang bagay
gaya sa paggamit ng Facebook. Pangalawang rason, mas nakatutulong sa
pagtulog ang pagbabasa gamit ang libro. Dahil sa screen ng gadget, mas malaki
ang posibilidad na magdulot ito ng pagkasakit ng mata. Panghuli, ang
pagbabasa gamit ang e-book ay nakadudulot ng stress. Dahil sa pagpupuyat
habang nagbabasa.

Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ni Ashley Melinis (2007) ang


pagbabasa sa elektronikong babasahin ay nakadudulot sa mag-aaral ng
motibasyon sa pagiging mahusay na mambabasa. Mas nagkakaroon ng
motibasyon sapagbabasa ang mga mag-aaral dahil sa binibigay ng
elektronikong babasahin na animation, sound,music, at narration. Gaganahan
ang isang mambabasa dahil sa dulot ng makabagong teknolohiya.

Ayon sa pag-aaral ni Health Spokesman Dr.Eric Tayag(2006), ang social


media ang isa sa mga dahilan kung bakit madaling matukso ang mga kabataan
ngayon. Paliwanag ni Tayag, madaling maimpluwensyahan ang mga kabataan
lalo na kung nagkukulang sa paggabay ang mga magulang, at ang kanilang
paaralan. Dahil dito, sinabi ni Tayag na tinututukan ng department of
health(DOH) ang pakikipag ugnayan sa department of education (DEpEd) para
sa impormasyong dissemination para maiwas ang pagkakaroon ng HIV ang mga
kabataan sa pamamagitan ng sex education.

Ayon sa pag-aaral nina Basilyo at Bemacer (2017) ang guro ay may malaking
papel na ginagampanan sa paghubog ng kagandahang asal ng mga estudyante
subalit sa pamamagitan ng social media na produkto ng makabagong
teknolohiya. Kay gulo ng takbo ng kanilang pag-iisip sa larangan ng kanilang
pag-aaral, nakakalungkot isipin na mas nangingibabaw na ang negatibong
epekto
ng social media sa mga mag-aaral at tila unti-unti nang nahihigitan ang
kagandahang asal at disiplina sa sarili.

You might also like