You are on page 1of 4

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Sa bahaging ito ang papel ay itinala ng mga

Mananaliksik ang ilang literatura at pag-aaral na Mahahalaga

at may kaugnayan sa paksang kanilang isinakatuparan.

Matutunghayan dito ang mga Literatura at Pag-aaral na tumatalakay

sa katuturan at uri ng panitikang Filipino,katuturan at epekto ng

“Social Media”.

Kaugnay na literatura

-Ayon kina Boyd at Ellison 2007, ang mga social networking

sites ay may serbidyong well-based na pinahihintulutan ang mga

indibidwal na gumawa ng mga pribado o pampublikong profayl sa

loob ng sistema,pinahihintulutan ang mga gumagamit na makita ang

listahan ng kanilang koneksyon at makita ang ginagawa ng iba pang

tagatangkilik.tumutukoy ito sa sites tulad ng

facebook,twitter,instagram,skypes,yahoo,at iba pa.Ilan ang mga

nabanggit sa napakaraming social networking sites na kumakalat

ngayon sa internet.ang internet ay isang tsanel kung saan

madalian kang makakasagap ng impormasyon at madali ring

makakapagbigay nito.isa sa pinakapakinabang nito ay ang

pakikipagkomunikasyon sa mga taong malayo sa atin.dahil sa

pagkauso nito dala ng malakas na impluwensiya,marami sa mga

kabataan ang lubos na nahuhumaling dito.


-Ayon sa artikulo ng Medical Daily 2013, ang pagbabasa

gamit ang libro ay mas maraing benipisyo kaysa sa pagbabasa gamit

ang e-book. Unang rason, ang pagbabasa sa libro ay masmagdudulot

sa iyo ng pagkatuto dahil hindi katulad sa e-book, nagkaroong ka

ng pagkakataon upang gawin ang ibang bagay gaya sa paggamit ng

Facebook. Pangalawang rason, mas nakatutulong sa

pagtulog ang pagbabasa gamit ang libro. Dahil sascreen ng gadget,

mas malaki ang posibilidad na magdulot ito ng pagkasakit ng mata.

Panghuli, ang pagbabasa gamit ang e-book ay nakadudulot ng

stress. Dahil sa pagpupuyat habang nagbabasa, mas mataas ang

posibilidad na magkaroon ng depresyon at magdulot ito

ng stress.

Kaugnay na Pag-aaral

-Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ni Ashley

Melinis(2007), ang pagbabasa sa elektronikong babasahin at

nakadudulot sa magaaral ng motibasyon sa pagiging mahusay na

mambabasa. Mas nagkakaroon ng motibasyon sapagbabasa ang mga mag-

aaral dahil sa binibigay ng elektronikong babasahin na

animation,sound,music, at narration. Gaganahan ang isang

mambabasa dahil sa dulot ng makabagong teknolohiya.


-Ayon sa pag-aaral nina basilyo at bemacer (2017) ang guro ay

may malaking papel na ginagampanan sa paghubog ng kagandahang

asal ng mga estudyante subalit sa pamamagitan ng social media na

produkto ng makabagong teknolohiya. Kay gulo ng takbo ng kanilang

pag iisip sa larangan ng kanilang pag-aaral nakakalungkot isipin

na mas nangingibabaw na ang negatibong epekto ng social media sa

mga estudyante at tila ba unti-unti nang na nahihigitan ang

kagandahang asal at disiplina sa sarili.

-Ayon sa pag-aaral ni young(2000) ang dependent ay gumugugol

ng 39 na oras sa internet para sa sosyal na pakikipag usap at

pakikihalubilo. Samantala,ang independent naman ay kumokonsumo ng

5 oras para sa netsurfing o email lamang. Kadalasan ay ang mga

malungkot, binubukod, o walang kakahayan sa larangan sosyal ang

apektado ng adiksyong ito. Marahil ito ang nagbibigay ng kung

anong wala sila sa totoong buhay. Sa mga nasabi ni Young,

makikita pa rin na mas mahina itong adiksyon na ito kung

ikukumpara sa mga lasenggo o durugista.

-Ayon sa pag aaral ni Health Spokesman Dr.Eric

Tayag(2006),ang social media ang isa sa mga dahilan kung bakit

madaling matukso ang mga kabataan ngayon. Paliwanag ni Tayag,

madaling maimpluwensyahan ang mga kabataan lalo na kung

nagkukulang sa paggabay ang mga magulang,simbahan at kanilang


paaralan. Dahil dito, sinabi ni Tayag na tinututukan ng

department of health(DOH) ang pakikipag ugnayan sa department of

education (DEpEd) para sa inpormasyong dissemination para maiiwas

sa pagkakaroon ng HIV ang mga kabataan sa pamamagitan ng sex

education.

-Ayon sa pag aaral nina Kraut at kanyang mga kasamahan

(2005) sa isang longitudinal na pag aaral na sa 73

pamilya,nalaman nila na ang paggamit ng internet ay may kinalaman

sa pagtaas ng depresyon at pagdalang sa ugnayan sa mga kaibigan

at pamilya.

You might also like