You are on page 1of 40

Impluwensiya ng Facebook sa Pagbabago ng Kaugalian ng mga

Piling Mag-aaral sa Unibersidad ng Mapùa, Intramuros,


Taong Panunuran 2023-2024

Ihahain na Tesis ng Pangkat 3


mula sa IS101 - Curie
kay Inst. Jordan N. Musa

Bilang Bahagi ng
Kahingian sa pagpasa sa FIL02
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

nina:

Apao, Jomar U. (L)


Buo, Miko Sealtiel E. (K)
Gemzon, Elmari Stanley V. (K)
Jarquio, Aleah Nicole D. (K)
Lacay, Kiel Vincent B. (K)
Lagrama, Misha Elis V. (K)

2024

0
Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT SALIGAN NG PAG-AARAL

Ang "rasyonale" o ang panimula ay nagbibigay ng lohikal na paliwanag o

batayan para sa isang partikular na desisyon, gawain, o pananaw. Ito ay

sumasaklaw sa paglalarawan ng suliranin, pagsusuri ng mga opsyon,

paglilinaw ng layunin, pagbibigay ng basehan, at pagtatala ng mga bentahe at

disbentahe ng desisyon. Sa kabuuan, ang rasyonale ay mahalaga upang

magbigay-linaw at magbigay ng lohikal na basehan para sa isang desisyon,

naglalayong magkaroon ng maayos na pang-unawa at pagtanggap mula sa

mga taong apektado.

Panimula

Karamihan sa mga kabataan ngayon sa ating henerasyon ang aktibo sa

“social media” lalo na sa pag lathala ng kanilang mga aktibidad. Ang mga

mananaliksik na sina Vasaluo et al., (2010) at Young et al., (2009) ay sumuri

sa mga profile ng mga gumagamit ng mga website na ito upang matukoy kung

gaano kahilig ang mga indibidwal na ito na mag-post ng kanilang buong

pagkakakilanlan, magbahagi ng kanilang mga larawan at video, at

magpahayag ng kanilang pananampalataya, estado sa pag-aasawa, at

oryentasyon sa pulitika sa internet.

Ayon sa pag-aaral ni Gruzd et al., (2012), natuklasan na ang mga social

networking tool, tulad ng Facebook, ay kilala sa pangkalahatang publiko at ito'y

tinanggap na rin ng akademya sa isang propesyonal na konteksto. Ang


1
Facebook ay isa sa mga kilalang plataporma ng social media sa Pilipinas (Asia

Pacific Foundation of Canada, 2021). Ginagamit ng mga iskolar ang Facebook

dahil ito ay nag-aalok ng kaginhawahan sa pakikipag-ugnayan sa mga kapwa

iskolar para sa mga kolaboratibong proyekto. Bukod dito, matatawag itong

isang mabisang kasangkapan sa pagtuturo, kung saan maaaring gamitin upang

palakasin ang interaksiyon sa pagitan ng guro at mag-aaral, pati na rin ang

pagpapalawak ng learning community sa loob at labas ng silid-aralan.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maunawaan ang impluwensiya ng

paggamit ng Facebook sa pagbabago ng mga kaugalian ng ilang mga

mag-aaral sa Unibersidad ng Mapúa, Intramuros, para sa taong panuruan

2023-2024. Mahalaga ang pag-unawa sa mga positibo at negatibong

impluwensiya ng Facebook sa mga gumagamit nito, upang makapagbigay ng

linaw sa kung paano ito nakakaapekto sa kanilang mga gawi at kilos.

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay ang pagtukoy sa mga

positibo at negatibong impluwensiya ng Facebook sa ugali ng mga mag-aaral

sa Mapúa. Sa pamamagitan ng paglilinaw sa mga ito, maaaring masuri kung

paano nakakaapekto ang Facebook sa mga aspeto ng kanilang buhay, kasama

na ang kanilang mga kaugalian.

Base sa resulta ng pagsasaliksik ang impluwensiya ng Facebook sa

pagbabago ng kaugalian ng mga piling mag-aaral sa Unibersidad ng Mapùa,

Intramuros, taong panunuran 2023-2024, nais matukoy ng mga mananaliksik

kung paano itong naging salik sa pabago ng mga kaugalian ng mga mag-aaral

sa Mapúa. Hindi lamang matukoy kung ano-ano ang mga ito, ngunit pati na rin
2
kung paano ito nakakaapekto sa kanilang pamumuhay at pakikipag-ugnayan

sa kapwa. Nais din matukoy ang mga konkretong kaugalian na sakop ng

naging pagbabago dulot ng Facebook. Sa ganitong paraan, mas maaari nating

maunawaan kung paano nagbago ang kanilang mga gawi at kilos dahil sa

kanilang paggamit ng plataporma na ito.

Sa pananaliksik na isinagawa ni Menguin (2021) na naglalaman ng 30

Filipino Values at mga paniniwalang kultural na nakakapag pagpabago sa ating

mga kilos at pag uugali. Kabilang sa saklaw ng pag-aaral ang pagsusuri at

pag-aaral ng mga kaugalian tulad ng mabuting pakikitungo, delicadeza,

kasiyahan, at kusang-palo (initiative), at pakikipagkapwa-tao. Sa pamamagitan

ng pagtukoy sa mga ito, mas maiintindihan ang mga impluwensiya ng

Facebook sa aspetong sosyal at moral ng mga mag-aaral sa Mapúa.

Sa pag-unawa sa mga impluwensiya nito, maaari tayong makagawa ng

mga hakbang upang matugunan ang mga posibleng isyu at magkaroon ng mas

mahusay na pamamahala sa paggamit ng social media platform na ito.

Kaligirang Kasaysayan

Ang Facebook ay isang kilalang serbisyong panlipunang plataporma na

pagmamay-ari ng Meta Platforms, isang kumpanya sa Amerika. Itinatag ito

noong 2004 ni Mark Zuckerberg, kasama ang ilang kaibigan sa Unibersidad ng

Harvard. Sa simula, ito ay limitado lamang sa mga mag-aaral ng Harvard,

ngunit agad itong kumalat sa iba pang mga paaralan at sa huli, sa buong

publiko. Ang Facebook ay nagbago ng paraan ng pakikipag-ugnayan sa


3
pamamagitan ng pagbibigay-halaga sa mga tunay na pagkakakilanlan ng mga

unibersidad upang patunayan ang mga account ng mga gumagamit (Buckman,

2005). Kasama sa mga tampok nito ang Wall para sa pagbabahagi ng mga

mensahe at mga pagbabago, ang News Feed para sa pagkumpila ng mga

nilalaman, at ang Like Button na naging isang simbolo ng pagpapahayag ng

emosyon ukol sa kinukunsumong paksa. Sa kasalukuyan, ang Facebook ay isa

sa pinakamalaking social media platform sa buong mundo, may mahigit sa

dalawang bilyong aktibong gumagamit araw-araw (Kirschner at Karpinski,

2010). Dagdag pa rito, patuloy itong naglalakbay sa iba't ibang aspeto ng

buhay, tulad ng negosyo, edukasyon, at pampublikong pagpapahayag.

Sa nakalipas na dekada, ang mga teenager ay mas umaasa na sa

Facebook upang kanilang maipahayag ang sarili at upang makipaghalubilo sa

mga tao. Sa kasamaang palad, karamihan sa mga teenager ay kasalukuyang

sinusukat ang kanilang halaga batay sa bilang ng mga reaksyon at komentong

na kanilang natatanggap, na nagreresulta sa pagbabago ng kanilang pananaw

sa sarili. Bukod dito, ang Facebook ay nakaimpluwensya sa sistema ng mga

relasyon, dahil madalas na inuuna ng mga kabataan ang pakikipag-ugnayan

online kaysa sa harap-harapan na komunikasyon (Rui et al., 2015). Habang

ang ilang mga teenager ay gumagamit ng plataporma upang mapanatili ang

kanilang koneksyon sa kanilang mga pamilya, lalo na sa Pilipinas, kung saan

matibay ang mga ugnayan, ang iba naman ay maaaring lumayo o

mina-maltrato ang kanilang mahal sa buhay dahil sa kanilang pagbabalak na

panatilihin ang likhang-isip na presensya sa internet na binuo nila upang


4
sumikat (Sharma, 2015). Bukod dito, lalo pang nakakaapekto sa kanilang

kalusugan at pag-uugali ang patuloy na pag-ekspos sa hitsura o personalidad

sa mga estranghero nang hindi nila nalalaman ang mga intensyon nito, na

siyang makakapagdulot ng inggit, galit, o takot (Sandra at Ning, 2016).

Ang pag-aaral na ito ay pinili ng mga mananaliksik upang

mabigyang-pansin ang impluwensiya ng paggamit ng Facebook sa mga piling

magaaral sa Unibersidad ng Mapùa, Intramuros. Ito ay isang napapanahong

isyu dahil sa patuloy na paglaki ng populasyon ng mga kabataan na gumagamit

ng platapormang ito. Nais ng mga mananaliksik na magbigay ng linaw at

impormasyon sa mga magulang, guro, at iba pang tagabasa nito hinggil sa

nahihinuhang banta at benepisyo ng paggamit ng Facebook sa edukasyon at

kaugalian ng mga mag-aaral (Junco, 2015).

Sa kabilang banda, ang pag-aaral na ito ay naiiba sapagkat isinagawa

ito sa konteksto ng Unibersidad ng Mapùa, Intramuros, na may espesyal na

pagtuon sa mga estudyante na may edad na sakop sa katawagang teenager o

mga kabataang nabibilang sa mataas na paaralan. Binigyang prayoridad ng

mga mananaliksik ang mga aspeto sa paggamit ng Facebook ng mga

mag-aaral, kabilang na ang pagkakaroon ng limitadong oras sa paggamit nito,

mga paksang kanilang sinisiyasat, at ang mga implikasyon ng midyang

kanilang kinukunsumo sa pakikitungo sa tao, sa pamamagitan ng social media

at pisikal na komunikasyon (Golder at Macy, 2014). Gagamit sila ng

kwalitatibong uri, at hinahangad ng mga mananaliksik na makapagpahayag ng

5
masusing pagsusuri at rekomendasyon upang matulungan ang mga kabataang

gumamit ng Facebook sa maayos at responsableng paraan (Boulianne, 2015).

Batayang Teoretikal

Ang pananaliksik na ito ay magbibigay ng pokus sa teoryang Social

Media Engagement Theory. Ang teoryang ito ay nakatutok sa kung paano

ginagamit ng mga indibidwal ang bawat nilalaman ng mga social media

platforms sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok at pakikipag-ugnayan

(TheoryHub, n.d.). Ang teoryang ito ay nanggaling sa pananaliksik nina Di

Gangi at Wasko (2016) kung saan binibigyang diin ang mga karanasan at ugali

ng mga users dulot ng pakikipaghalubilo sa social media platforms at ang

kanilang karanasan at pagtrato sa isa’t-isa gamit ang mga teknikal na features

nito tulad na lamang ng mga posts, likes, comments, shares, at iba pa.

Nakalahad sa pag-aaral din na ito na malaki ang impluwensiya ng mga teknikal

na features at interaksiyon ng mga users sa kanilang pag-uugali. Base rin sa

pananaliksik na isinagawa ng TheoryHub (n.d.), binibigyang-diin ng teoryang ito

ang aktibong pakikilahok at pakikipag-ugnayan ng mga indibidwal na may

ibinabahaging content sa social media. Tumutugon ito sa pakiramdam na

pagiging konektado ng mga user, impluwensyang panlipunan, at mga salik na

nakakaapekto sa pakikipag-ugnayan. Ito ay maaaring humantong sa isang

makabuluhang koneksiyon sa isa’t-isa at pagiging kabilang ng mga user, at

maaari din magsulong ng isang pakiramdam ng pagtitiwala sa impormasyong

6
ibinabahagi na siya namang nakakaimpluwensiya sa kanilang pangkalahatang

ugali (TheoryHub, n.d.).

Bilang karagdagang teorya, magbabase din ang mga mananaliksik sa

Uses and Gratifications Theory (UGT). Ipinapaliwanag ng teoryang ito kung

ano-ano ang mga aspekto na nagdudulot sa atin o kung ano ang mga personal

na kadahilanan kung bakit at paano tayo gumamit ng media tulad na lamang ng

social media na kinabibilangan ng Facebook (Roy, 2009). Inilahad ni Rubin

(2002) ang tatlong pangunahing aspekto ng teoryang ito ay una, ang mga

users ay nakikipaghalubilo at nakikipag-ugnayan sa media upang matugunan

ang kanilang mga pangangailagan na nagbibigay diin sa kanilang kasiyahan at

pagiging kuntento. Pangalawa, malaki ang impluwensiya ng kanilang

sikolohikal at sosyolohikal na aspekto sa ugaling kanilang inaasal sa

pakikipag-ugnayan sa platapormang kanilang ginagamit. Pangatlo, hindi lang

media ang nakakapagimpluwensiya sa mga tao pagdating sa paano at bakit

nila ginagamit ito. Maaaring may mas malaking impluwensiya ang panlabas na

aspekto tulad ng kanilang mga pamilya, kaibigan, lipunan, at mga sariling

karanasan at kaugalian kaysa sa mismong media na ating ginagamit. Sa

konteksto naman ng social media, base sa pag-aaral nina Ferris et al., (2021)

na ginamitan ng UGT bilang pangunahing batayan, nadiskubre na kapag ang

mga kabataan na nasa kolehiyo ay nakikipaghalubilo sa personal at palaging

gumagamit ng social media, nakikitaan nila na malaking abala ang social media

sa kanilang mga ugali, relasyon, at pakikipag-ugnayan sa labas ng media na

ito. Bukod pa rito, tuwing umaasa sila sa social media upang maunawaan at
7
madiskubre ang kanilang mga sarili ay nakakaapekto sa kanilang emosyonal

na aspekto na maaaring makapagbago ng kanilang ugali sa pisikal na mundo

(Ferris et al., 2021).

Balangkas Konseptuwal

Figure 1: Paradigm ng Pananaliksik

Nakalahad sa figure 1 ng balangkas konseptuwal ang mga baryabol na

kasama sa pananaliksik na ito. Ang independent variable o ang baryabol na

inoobserbahan at hindi binabago upang masuri ang epekto o impluwensiya nito

sa dependent variable (American Psychological Association, n.d.). Sa

pananaliksik na ito, ang paggamit ng Facebook ang independent variable.

Kabilang sa tinutukoy na partikular na paggamit nito ay ang oras nilalaan ng

mga mag-aaral sa Facebook, mga content na kanilang kinukunsumo, at ang

mga reaksiyon nila rito. Ang tatlong ito ang magsisilbing mediating variables

kung saan nilalahad ang mga partikular na proseso o aspekto na dinudulot ng

8
independent variable at kung paano nito naiimpluwensiyahan ang dependent

variable (Bhandari, 2023). Ang dependent variable o ang baryabol na susuriin

sa pag-aaral na ito ay ang pagbabago sa kaugalian ng mga mag-aaral. Ito ay

magbabase sa mga nailahad na independent at mediating variables.

Paglalahad ng Suliranin

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang masuri kung paano

nakakaapekto ang Facebook sa iba't ibang aspeto ng buhay ng mga mag-aaral

sa senior high school sa Unibersidad ng Mapùa, Intramuros. Ang mga

natuklasan sa mga ito ay maaaring magbigay ng direksyon para sa mas

mahusay na paggamit ng Facebook at para sa mga patakaran at programa sa

paaralan na makakatulong sa pagpapabuti ng pangkalahatang kagalingan ng

mga mag-aaral.

Ang layunin ng pag-aaral na aming gagawin ay matuklasan kung ano ang mga

madudulot nito sa kaugalian ng mga piling mag-aaral sa Unibersidad ng Mapua

ngunit kaakibat noon ay mag problemang ating tatalakayin at ito ay ang mga

sumusunod:

1. Ano-ano ang mga maaaring kaugnayan ng paggamit ng Facebook sa

mga pagbabago ng kaugalian ng mag-aaral sa Unibersidad ng Mapua,

Intramuros?

2. Paano nakaka-impluwensiya ang Facebook sa sosyal na ugnayan ng

mga mag-aaral sa loob at labas ng paaralan?

9
3. Mayroon bang pagbabago sa kaugalian ng mga mag-aaral na maaaring

may kaugnayan sa kanilang regular na paggamit ng Facebook?

4. Ano ang mga potensyal na negatibo at positibong impluwensiya ng labis

na paggamit ng Facebook sa kanilang kaugalian?

Haypotesis o Kuro-kuro

Batay sa mga pag-aaral ni Mpundu (2022), ang social media katulad ng

Facebook, ay isang daan na maaaring makapagdulot ng maganda sa mga

kabataan. Isa na rito ay ang maaring magkaroon ng malayong ugnayan ang

bawat tao para magkaroon ng komunikasyon dahil sa paggamit nito. Isa ring

dulot ng mga social media ayon sa mga pag aaral ay ang pagpapadali nito

sapangangalap ng mga impormasyon. Sa kabila ng patuloy na pag-unlad ng

teknolohiya at paglaganap ng social media platforms tulad ng Facebook,

nagaganap ang isang malawakang pagbabago sa mga kaugalian at kilos ng

mga kabataan. Sa konteksto ng Unibersidad ng Mapúa, Intramuros,

mahalagang suriin ang potensyal na impluwensiya ng Facebook sa mga

mag-aaral, partikular sa kanilang mga pag-uugali.

1. Inaasahan na ang aktibong pakikilahok sa social media, partikular sa

Facebook, ay maaaring magdulot ng mga pagbabago sa paraan ng pakikitungo

at pakikisalamuha ng mga mag-aaral sa kanilang kapwa.

10
2. Sa pamamagitan ng paglalathala ng kanilang mga aktibidad at

pagnanais na ipaalam ang kanilang buong pagkakakilanlan, maaaring mabago

ang kanilang pananaw at pag-uugali sa iba't ibang aspeto ng kanilang buhay.

3. Gayundin, sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito, mahalagang suriin

ang mga potensyal na positibo at negatibong impluwensiya ng paggamit ng

Facebook sa mga mag-aaral.

4. Inaasahang ang pagiging aktibo sa social media ay maaaring

magdulot ng kasiyahan at positibong pakikipag-ugnayan, ngunit maaari rin

itong magdulot ng negatibong impluwensiya tulad ng labis na paggamit,

pagkawala ng privacy, at pagkabahala sa pagkakakilanlan.

5. Sa kabuuan, ang pangunahing kuro-kuro ay nagtutukoy sa potensyal

na impluwensiya ng Facebook sa pagbabago ng mga kaugalian at kilos ng mga

mag-aaral sa Mapúa.

6. Sa pamamagitan ng masusing pagsusuri at pag-aaral, inaasahan na

mabibigyan ng linaw ang impluwensiya ng social media platform na ito sa

kanilang buhay, at maaaring magtulak ng mga hakbang upang mapabuti ang

kanilang karanasan sa paggamit ng teknolohiya.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito na ito ay nakatuon sa impluwensiya ng Facebook

sa pagbabago ng kaugalian o pag-uugali ng piling mag-aaral sa Unibersidad ng

Mapùa, Intramuros sa taong panunuran 2023-2024. Sa pag-aaral na ito ay

naglalayong matukoy kung ano ang kaugalian, limitasyon at rekomendasyon sa


11
impluwensiya ng Facebook. Ito ay sumasaklaw lamang sa 10-15 na mga

mag-aaral ng Unibersidad ng Mapùa, na labing anim hanggang dalawang pu’t

tatlo (16-23) taong gulang.

Ang pananaliksik na ito ay hindi kumakatawan sa lahat ng pag-uugali

bagkus ito ay nalilimitahan lamang sa mga kaugaliang: mabuting pakikitungo,

delicadeza, kasiyahan, at kusang-palo (initiative), at pakikipagkapwa-tao. Hindi

dapat itong magsilbing basehan sa mga kaugaliang hindi nabanggit at hindi ito

sumasaklaw sa ugali ng lahat ng estudyante sa Mapùa.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral ng impluwensiya ng Facebook sa pagbabago ng

kaugalian ng mga mag-aaral ay isang mahalagang hakbang sa pag-unawa sa

modernong karanasan ng mga mag-aaral sa konteksto ng digital na edad. Sa

pamamagitan ng pag-aaral na ito, maaaring maunawaan ang mga

pagbabagong dulot ng Facebook sa paraan ng pakikisalamuha, pag-aaral, at

pagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral. Hindi lamang ito magbibigay

ng kaalaman sa mga positibong aspeto ng teknolohiya, kundi pati na rin sa

mga potensyal na panganib at hamon na dala nito, tulad ng pagkakaroon ng

isyu sa mental na kalusugan at pagkaadik sa social media.

Bilang karagdagan, ang pag-aaral na ito ay maaaring magsilbing

batayan para sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga interbensyon at polisiya

na nakatuon sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga mag-aaral. Sa

pamamagitan ng pagtukoy sa mga impluwensiya ng Facebook, maaaring


12
magawa ang mga hakbang upang protektahan ang mga mag-aaral mula sa

negatibong impluwensya ng teknolohiya at magbigay ng suporta sa kanilang

personal na pag-unlad.

Bukod pa rito, ang pag-aaral na ito ay maaaring maging daan upang

palakasin ang kooperasyon sa pagitan ng paaralan, mga magulang, at mga

mag-aaral sa pagharap sa mga hamon ng digital na panahon at sa

pagpapabuti ng edukasyonal na karanasan ng mga mag-aaral. Sa ganitong

paraan, maaaring magsilbing gabay ang pag-aaral na ito sa pagpapalawak ng

kaalaman at pagtugon sa mga pangangailangan ng modernong lipunan.

Katuturan ng mga Katawagan

BALANGKAS (OK) - Ito ang nagpapakita ng ekstruktura ng metodolohiya at

instrumentong gagamitin sa pananaliksik upang suriin ang suliranin tungo sa

isang komprehensibong resulta

CONTENT (OK) - Ito ay tumutukoy sa mga impormasyon na nakikita o

ipinapamahagi sa Facebook.

DELICADEZA (OK) - Ito ang ugaling tumutukoy sa pagpapanaliti ng mga

mag-aaral ng kanilang dignidad sa pamamagitan ng mga pinipili at ipinapakita

nilang posts, comments, reacts, at shares sa Facebook

DIGITAL (OK) - Ito ay indikasyon na ang mga social media platforms ay

nakabase sa paggamit ng teknolohiya.

FACEBOOK (TK) - Isang social media site na nag-uugnay sa mga tao mula sa

iba't ibang panig ng mundo sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe,


13
impormasyon, imahe, bidyo at iba pang bagay sa kanilang pamilya, kaibigan, at

sa ibang tao.

FEATURE (OK) - Ito ang mga partikular na kakayahan ng iba’t-ibang social

media platforms.

KASIYAHAN (OK) - Ang ugaling ito ay tumutukoy sa pagiging masaya,

positibo, at malikhain ng mga mag-aaral sa pakikitungo sa iba at pagkonsumo

ng mga masasayang content sa Facebook.

KINUKUNSUMO (OK) - Ito ay isang salitang tumutukoy sa aktibidad ng

pagbabasa o pagkakalap ng impormasyon, datos, o kaalaman hinggil sa isang

tiyak na paksa o larangan, kung saan ang layunin ay ang pagtanggap at

pag-unawa sa mga ito sa pamamagitan ng pagbabasa, pagsusuri, at

pag-uunawa sa konteksto o kahulugan nito, upang magamit sa iba't ibang mga

layunin tulad ng pagpapalalim ng kaalaman o pagpapahayag ng sariling

opinyon.

KUSANG-PALO (OK) - Isa itong kaugalian na tumutukoy sa kakayahang

magkusang tumulong ng mga mag-aaral tuwing sila ay nakakakita ng mga

nanghihingi ng donasyon o tuwing may mga maling impormasyon na kumakalat

sa Facebook.

MABUTING PAKIKITUNGO (OK) - Ito ay isang ugali na nagpapakita ng

maayos na pakikitungo ng mga mag-aaral sa ibang users sa loob at labas ng

Facebook. Nakalakip dito ang kanilang pagiging marespeto at mabuti sa kapwa

MAKAPAGPAHAYAG (OK) - Ito ay tumutukoy sa proseso ng pagpapahayag o

pagpaparating ng kaalaman, ideya, o opinyon sa pamamagitan ng pagsasalita,


14
pagsusulat, o iba pang mga paraan ng komunikasyon, kung saan ang layunin

ay ang magamit ang sariling boses o pahayag upang maiparating ang

kahulugan, damdamin, o mensahe sa iba sa isang malinaw at epektibong

paraan.

MAKIPAGHALUBILO (OK) - Ito ay isang konsepto ng interaksyon kung saan

ang layunin ay ang makipagpalitan ng mga ideya, karanasan, at pananaw sa

pamamagitan ng pakikipagsalamuha at pagbibigay-pansin sa opinyon at

damdamin ng tao.

NAHIHINUHANG (OK) - Ito ay isang salitang nagpapahiwatig ng pag-iisip o

pang-huhula bago pa maranasan ang isang partikular na sitwasyon.

Nagbibigay-diin ito sa kakayahang magtamo ng isang palagiang pang-unawa o

pananaw batay sa isang impormasyon, pag-aaral, o karanasan na maaaring

humantong sa isang lohikal na kongklusyon.

NEWS FEED (OK) - Ito ay isang feature ng social media kung saan lumalabas

ang iba’t-ibang content galing sa mga tao o organisasyon na nasa following list

ng isang user.

PAGKABAHALA SA PAGKAKAKILANLAN (OK) - Ito ang kalimitang

negatibong impluwensiya ng pagiging babad sa social media kung saan ang

mga users ay nakakaranas ng pangangamba kung paano sila tinitignan ng mga

tao dulot ng mga hindi makatotohanang pamantayan sa isang tao na

naglilipana sa social media at takot sa diskriminasyon

15
PAKIKIPAGKAPWA-TAO (OK) - Sa ugaling ito naman ay ipinapakita ang

kakayahang magmalasakit at gumalang ng mga mag-aaral sa tuwing sila ay

nakikipag-ugnayan sa Facebook.

PLATFORM - Ito ay tumutukoy sa mga applications o website na

kinabibilangan ng iba’t-ibang social media gaya na lamang ng Facebook.

POST, LIKE, SHARE, COMMENT (OK) - Ito ang mga kadalasang aktibidad na

ginagawa ng mga users sa Facebook upang ipakita at ipamahagi ang kanilang

mga reaksiyon at nilalaman sa iba pang users.

SINISIYASAT (TK) - Ito ay isang salitang nagpapahiwatig ng aktibong

pag-saliksik o paghahanap ng mga detalye, impormasyon, o katotohanan

hinggil sa isang partikular na paksa o sitwasyon, kung saan ang layunin ay ang

maunawaan, masuri, o suriin ang mga aspeto ng isang bagay sa pamamagitan

ng sistematikong pagsusuri at pag-aaral nito.

SOCIAL MEDIA (OK) - Ito ay isang teknolohikal na instrumento kung saan ang

iba’t-ibang tao ay pwedeng gumawa at magbahagi ng mga content,

makipagpalitan ng impormasyon, at magbigay ng mga reaksiyon sa mga

birtwal na komunidad.

STRAND (OK) - Espesyal na akademikong track o programa na pinipili ng mga

estudyanteng nasa senior hayskul. Ito ay binubuo ng mga programang

nakabatay sa interes at kakayahan ng mga mag-aaral na idinisenyo upang

ihanda sila para sa mga partikular na kurso sa kolehiyo o trabaho.

USERS (OK) - Ito ay tumutukoy sa mga taong gumagamit ng mga social media

platform.
16
WALL (OK) - Ito ay isang espasyo sa profile ng mga gumagamit ng social

media kung saan puwede silang magpost at magshare ng mga content.

Kabanata 2

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Banyagang Literatura

Ang naging pag-aaral nina Dule et al., (2023) ay nagpapakita ng resulta

na ang labis na pag gamit sa social media ay patuloy na lumalaganap lalo na

sa kasalukuyang henerasyon. Ang pangunahing layunin ng kasalukuyang

pag-aaral ay suriin ang kalagayan ng pagkaadik sa Facebook at ang

kaugnayan nito sa pag ganap sa akademiko at iba pang mga kaugnay na salik

sa mga mag-aaral ng unibersidad. Ang karamihan sa mga kalahok na adik sa

Facebook, ay may positibong ugnayan sa labis na paggamit nito sa mga salik

tulad ng mas mababang mga grado sa akademiko. Maikukumpara rin ang mga

sintomas ng pagkabalisa at depresyon. Sa pagtatapos, natuklasan na mas

mataas ang antas ng pagkaadik sa Facebook sa mga kalahok sa pag-aaral, at

ito ay negatibong nakakaapekto sa kanilang pagganap sa akademiko.

Gayundin, kaugnay nito sa naapektuhan kagalingan sa isip at bawas na

pagpapahalaga sa sarili. Mas mainam na magtalaga ang lehislatura ng

unibersidad ng matatag na patakaran para sa pagsulong ng ligtas na paggamit

at pagbawas ng mga masamang impluwensiya ng problemang ito sa mga

mag-aaral.

17
Ayon naman sa pag-aaral ni Johnston (2013), Sa paglipas ng panahon,

dumadami na ang gumagamit ng mga sikat na social media, nakapabilang na

rin dito ang Facebook. Ang Facebook ay isang mas kilala na paraan ng

komunikasyon sa pagitan ng mga mag-aaral. pinili nila itong pag-aralan upang

tantiyahin kung paano nagbago ang pananaw, saloobin at pag-uugali ng mga

mag-aaral sa loob ng Unibersidad. Nagkaroon sila ng isang sarbey para

lamang sa mga mag-aaral sa unibersidad upang malaman kung ano ang

impluwensiya ng social media sa mga mag-aaral. Pagkatapos ay natuklasan

nila na ang porsyento ng mga mag-aaral na gumagamit ng Facebook ay

tumataas hanggang 95%. Malinaw na habang tumatagal, dumadami ang

mag-aaral na gumagamit ng facebook na nakakapagpabago sa kanilang

pag-uugali sa iba’t ibang aspeto.

Batay sa pananaliksik na isinigawa nina Kaya at Bicen (2016), ang

Facebook ay pasok bilang pangunahing social media platform para sa mga

estudyante lalo na’t marami na sa kabataan ngayon ang nagmamay-ari ng

smartphones. Nagiging praktikal na instrumento ito ng komunikasyon lalo na sa

pagitan ng mga estudyante at guro sa kahit anong oras. Binigyang-diin din ng

pananaliksik na ito ang mga features na laging ginagamit tulad na lamang ng

chat, share, follow, at post. Nakitaan rin ng mataas na ugnayan ang Facebook

engagement at partisipasyon sa mga pang-unibersidad na gawain; mas

nauudyok ang mga mag-aaral na sumali sa iba’t ibang gawain at nakikitaan din

sila ng kahusayan pagdating sa pakikipaghalubilo sa iba’t-ibang tao. Ngunit,

18
ang mga engagements na ito ay nagreresulta rin sa pagkakaroon ng mga kaso

ng narsisismo at mababang pagtingin sa sarili ng mga kabataan.

Naghangad na matugunan ang agwat sa pananaliksik sa Facebook sina

Wright et al., (2018) sa pamamagitan ng paglikha ng isang paunang

imbentaryo ng mga naturang pag-uugali, at paggalugad sa mga salik na

nakakaimpluwensya sa kanila (tulad ng edad, lugar na kinabibilangan, sosyal

na antas o yaman), pati na rin ang mga potensyal na kahihinatnan. Kabilang

dito ang pagpapahalaga sa sarili, mga inspirasyon na nagiging ugat ng

kanilang pakikitungo sa kapwa, mga kasamahang nakapaligid sa kanila, at ang

reaksyon nila ukol sa kanilang malubhang karanasan tulad ng depresyon,

pagkabalisa, at stress. Halimbawa, ang mga indibidwal na mahigpit na

sumusunod sa mga pamantayang moral ay bihirang makisali sa mga

mapanlinlang na gawain online. Ang mga nakababata naman ay maaari ding

mabilis malinlang ng reaksyong kanilang natatanggap o mga taong nagbibigay

sa kanila ng atensyon, habang ang mga indibidwal na may mas mataas na

pagpapahalaga sa sarili ay hindi gaanong maapektuhan at gumagamit lamang

ng mga plataporma tulad ng Facebook upang kumunsumo ng kanilang interes.

Ayon kina Altakhaineh at Alnamer (2018), ang pagdating ng bagong

teknolohiya ay nagdulot ng mga makabuluhang pagbabago sa kung paano

nakikipag-ugnayan ang mga indibidwal, partikular na isinasaalang-alang ang

lumalagong virtual na kalikasan ng komunikasyon. Isa sa mga app na

nagpadali ng pakikipag-komunikasyon ay ang Facebook. Nagagamit ng mga

tao ang Facebook upang matugunan ang iba’t ibang pangangailangan tulad ng
19
atensyon, papuri, maibahagi ang pang araw-araw na gawain, ipagmalaki ang

sarili, mang-inis ng iba, at iba pa. Ang lahat ng mga pag-uugaling ito ay

nag-papakita ng pag-mamataas sa sarili at upang madama na ang ibang tao na

sila’y mababa, may poot, nagseselos at nalulumbay. Ang Facebook din ay isa

sa nag-papalakas ng away dahil sa mga post ng iba’t ibang user na

nakakasakit sa iba kaya dapat subukan ng mga users na i-ayon ang kanilang

mga malisyosong aksyon online, na isinasaisip na ang mga sikolohikal at

panlipunang karamdaman ay maaaring magkaroon ng kasing dami ng

masamang epekto gaya ng depression. Isa din sa mga nakita ng pag-aaral ay

mas madami ang mga bata na gumagamit ng Facebook at resulta nito ay ang

kanilang kabihasaan sa paggamit ng Facebook, at ang resulta din nito ay ang

paggamit nila ng mga kagamitan dito para ipahiya o mang-asar ng ibang tao.

Lokal na Literatura

Ayon kay Quintos (2016), naitatag na ang mga social media sites tulad

ng Facebook, Twitter, Snapchat, at iba pa ay nakakatulong din sa mga taong

gumagamit nito. Ngunit madami din itong hindi magandang impluwensiya. Isa

din ito sa dahilan ng mga mag-aaral sa pagkawala sa pokus sa pag-aaral.

Maaari ito maging gamit sa pagpasa ng mga takdang-aralin, proyekto at mga

file. Ngunit pwede din ito maging dahilan ng pagiging hindi produktibo dahil

maaari nito kainin ang oras ng mga tao sa hindi kapaki-pakinabang na bagay.

Isinaad naman ni Conde (2016), na ang social media ay isang paraan ng

pagkuha ng impormasyon patungkol sa isang paksa na pinag-aaralan ng mga


20
kabataan. Ngunit sa kabila nito, may hindi magandang dulot ito, tulad na

lamang na unti-unti silang nabubulag na maaaring nakaka apekto sa kanilang

pag-aaral at sa pag-uugali.

Sa pananaliksik na isinagawa ni Yambao (N.D.), sa paglipas ng

panahon, madami ang nagbabago at kabilang na rito ang teknolohiya. Malaki

ang ginagampanan nito kabilang na ang pag-aaral at komunikasyon.

Karaniwan sa panahon ngayon, kabataan ang pinaka madaming gumagamit

nito, na nagdudulot ng pagka gugol nila sa buong oras sa araw-araw, na

nakakapag pabago sa kanilang pag-uugali, at ano mang aspeto sa buhay ng

mga mag-aaral.

Batay naman kay Angeles (2020), ang social media ay tumutukoy sa

sistema ng pakikipag-ugnaya. Habang dumarami ang gumagamit nito,

nagkakaroon ng mabuti at masamang dinudulot ang paggamit nito. Karamihan

na gumagamit ay nasa gulang 14-29 at ilan sa mga mabuting dulot ay ang

mabilis na paglagap ng impormasyon o kaalaman, at pakikipag komunikasyon.

Ngunit may mga kasamaan din na nakukuha sa social media. unang -una na

rito ay ang pagkawala ng tyansa na matuto pa, halimbawa ay ang pagsulat at

tamang paggamit ng gramatika ng mga salitang pangungusap. Sanhi din nito

ang pagkawala ng mahabang oras sa estudyante, na nagsisilbing dahilan

upang maapektuhan at mapabayaan ang pag-aaral.

Ayon naman kay Ellison (2007), tinukoy na ang social networking sites

ay mga serbisyo na maaaring gumawa ng pribado o pampublikong profayl sa

loob ng sistema. Isa ito sa mga tsanel kung saan madali makakasagap ng
21
impormasyon at pakikipag komunikasyon, marami sa mga kabataan ang

nahuhumaling dito. Ngunit isa din ito sa salik na dahilan bakit nawawalan ng

pokus ang mga mag-aaral at pagiging hindi produktibo.

Banyagang Pag-aaral

Ang pag-aaral na isinigawa nila Kraut et al., (2002) ay nagpapakita ng

mga kontradiksyon sa pagitan ng social networking at social isolation.

Natuklasan nila na bagaman may mga positibong benepisyo sa pakikisalamuha

sa online platforms tulad ng Facebook, maaari itong magdulot ng isolation sa

personal na pakikisalamuha

Natuklasan rin nila Kross et al., (2013) na ang labis na paggamit ng

Facebook ay kaugnay ng pagbaba ng personal na kasiyahan sa mga kabataan.

Ipinapakita rin nila ang koneksyon sa pagitan ng mas madalas na paggamit ng

Facebook at pagbaba ng kasiyahan sa buhay.

Ipinapakita rin ng pananaliksik na isinagawa nila Pantic et al., (2012) na

may kaugnayan ang paggamit ng online social networking sites tulad ng

Facebook at pagdami ng mga sintomas ng depression sa mga mag-aaral sa

hayskul. Nagpapahiwatig ito ng potensyal na negatibong impluwensiya ng labis

na paggamit ng Facebook sa kalusugan ng kabataan.

Kaugnay dito ang pag-aaral na isinagawa nila Moreno et al., (2012) na

ang labis na paggamit ng internet, kabilang na ang Facebook, ay may

kaugnayan sa pagdami ng mga sintomas ng depression lalo na sa mga

kasalukuyang henerasyon ng mga kabataan.


22
Sa pag-aaral naman nila Tandoc et al., (2015) naipakita ang koneksyon

sa pagitan ng paggamit ng Facebook, inggit, at depression sa mga mag-aaral

sa kolehiyo. Natuklasan ng mga mananaliksik na mas mataas ang antas ng

depression sa mga estudyante na mas malimit gumamit ng Facebook at may

mas mataas na antas ng inggit sa kanilang mga post.

Lokal na Pag-aaral

Ayon sa pag-aaral ni Bacilio (2019), ang teknolohiya ay ang bagong

mundo natin. Inilabas nito ang lahat ng gusto at uso ng tao. Ang mga

kompyuter ay ang pinakakaraniwang tool na ginagamit sa edukasyon ngayon.

Ang teknolohiya ay lubos na nakakatulong sa pagpapabuti ng edukasyon,

ngunit dapat nating tandaan kung paano ito dapat gamitin. Ang pag-abuso ay

may potensyal na magdulot ng mga pinsala sa ating sarili.

Sa pag-aaral ni Obienbangahonbalug (2016), isinaad na sa pag-unlad

ng panahon, nakikita natin ang pagbabago sa kultura ng mga Pilipino. Ang

pag-usbong ng teknolohiya ay nagdudulot ng pagkaunti-unti ng pagkaulitaw ng

wika at tradisyon ng mga Pilipino. Ito'y dahil unti-unti nang nakakalimutan ng

mga kabataan ang pagpapakita ng respeto sa mga nakatatanda, tulad ng

paggamit ng mga tradisyunal na salitang "po" at "opo," dahil mas inuuna na nila

ang kanilang paggamit ng mga teknolohikal na kasangkapan. Mahalaga na

natin itong pagtuunan ng pagmamahal, pagpapahalaga, at pagpapalago,

sapagkat ito ay bahagi ng ating sariling kultura at identidad.

23
Ayon naman kina Estera & Emil (2021), ang katotohanan na hindi lahat

ng mga ideya at damdamin ay maaaring ibahagi sa social media, lalo na kung

ito ay masyadong personal, ay dapat isaalang-alang kung gusto ng mga tao na

maging kritikal at responsable sa kanilang mga posts sa Facebook. Ang

maingat na paggamit ng wika ay mahalaga sa pagpapahayag ng mga

damdamin at opinyon ng isang tao.

Sa isinagawa namang pag-aaral ni Arriola (2021), sa ika-21 siglo, lahat

ay gumagamit ng teknolohiya at social media, maging bata man o matanda.

Sa partikular, ito ay naging isang pandaigdigang libangan para sa kanila, at

ngayon ay isang pandemya. Sa internet, sila ay nakakaaliw at naaaliw. Ang

kanilang mga kapamilya sa malalayong lugar o sa ibang bansa ay

nakakamusta nila gamit ang iba't ibang social media tulad ng Messenger. Mula

nang lumitaw ang virus na kilala bilang COVID-19 sa Pilipinas, ang social

media ay naging mas popular.

Ayon kay Santos (n.d.), ang pagdating ng social networking sites sa

buhay ng mga mag-aaral ay isang bahagi ng modernisasyon na mahalaga sa

pag-unlad ng bawat bansa. Mahalaga ang tamang paggamit ng mga ito para sa

pangkalahatang kaunlaran ng mga mag-aaral. Subalit, kailangang maging

responsable sa paggamit ng social networking sites at siguruhing hindi ito

nakakaapekto sa kanilang pag-aaral. Mahalaga ang paggamit ng mga ito para

mapabuti ang academic performance sa iba't ibang asignatura. Ngunit, dapat

maalala na ang sobra-sobrang paggamit nito ay maaaring makaapekto

negatibo sa kanilang pag-aaral. Sa madaling salita, ang tamang paggamit ng


24
social networking sites, na may layunin at oras, ay magbibigay daan sa mga

positibong impluwensiya nito habang iniiwasan ang mga negatibong aspeto.

Sintesis ng mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Sa paglipas ng panahon, madami ang nagbabago at kabilang na rito

ang teknolohiya. Ang pagdating ng mga social networking sites sa buhay ng

bawat isa ay isang mahalagang bahagi ng modernisasyon na mahalaga para

sa pag-unlad ng bawat bansa. Sa pag-unlad ng teknolohiya sa mundo, marami

ang mga naimbentong social media platforms at isa na dito ay ang Facebook

na kadalasang ginagamit ng mga tao, lalo na ng mga kabataan at mga

mag-aaral. Ito ay dahil mas praktikal ito para sa karamihan; bukod sa madali

itong gamitin, maaari ka pang makagawa ng mga gawain tulad ng pagpopost

ng iba’t-ibang impormasyon, libangan, pagpapadala ng mga proyekto at

takdang-aralin, at pakikipag-usap sa iba’t-ibang tao. Napagalaman din na ang

paggamit ng mga ito ay maaaring makatulong sa pagpapabuti ng academic

performance sa iba't ibang asignatura ngunit dapat tandaan na ang labis na

paggamit ay maaaring magdulot ng negatibong impluwensiya sa kanilang

edukasyon.

Sa paglikha ng app na ito, napakarami ang mga oportunidad at mga

benepisyo na inihatid nito ngunit hindi lahat ay puro kasiyahan lamang. Tulad

ng maraming bagay, may nakaambang na negatibong impluwensiya rin ito lalo

na sa ugali ng mga laging gumagamit nito. Sa panahon ng mga kabataan,

halos wala na ang walang hawak na selpon at mga walang social media
25
account. Kahit isang tunog lamang ng selpon ay isasantabi ang mga gawain at

titignan agad, kasi malay mo ba naman kung anong mga balita ang iyong

mapakikinggan o makikita. Napagalaman na hindi na sila nagiging responsable

sa pag-aaral dahil hindi na sila nakakapag-pokus at nawawalan na rin ng

kasipagan sa paggawa ng kanilang mga aktibidad sa eskuwelahan dahil sa

babad na paggamit ng Facebook. Makikita rin sa mga pag-aaral na ito kung

paano nagbago ang ugali ng mga kabataan sa pakikipag-usap sa matanda at

malimit na lamang sila magpakita ng respeto, halimbawa na lamang ay ang

pagsabi ng “po” at “opo,” dahil mas inuuna nila ang mga teknolohikal na bagay.

Idagdag pa na dahil sa pag-kauhaw ng mga tao para sa atensyon na hindi nila

makuha sa iba’t ibang aspeto ng buhay nila tulad ng kanilang mga magulang,

pag-nanais na mapabilib ang mga kaibigan, kamag-anak, etc., nabigyang

pansin rin ang pag-usbong ng depresyon at ng ugaling pagiging maiinggitin

dahil sa mga posts at interactions na kanilang ginagawa sa social media site na

ito.

Ngayong ika-21 na siglo, masasabi ngang napag-lapit-lapit tayo ng

social media at sa parehas na panahon ay napag-layo layo tayo nito. Sa

kabuuan, ang wastong paggamit ng mga social networking sites, na may

layunin at tamang oras, ay maaaring magdulot ng positibong impluwensiya

habang iniiwasan ang mga negatibong aspeto.

26
Kabanata 3

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Pamamamaraan

Ang pananaliksik na ito ay gagamitan ng kwalitatibong pamamaraan

upang makamtan ang layunin na maunawaan ang kahulugan at konteksto ng

mga karanasan, pananaw, at opinyon ng mga indibidwal tungkol sa

impluwensya ng Facebook sa kanilang mga pag-uugali.

Ang gagamiting disenyo ng pananaliksik na ito ay case study. Ito ay

isang malalim na pag-aaral sa isang tao, grupo, o pangyayari kung saan

inaalam ang bawat aspeto ng buhay at kasaysayan ng mga respodente sa

pamamagitan ng obserbasyon, interbyu, o talatanungan (Cherry, 2024). Sa

pag-aaral na ito, angkop na gamitin ang case study dahil sa mga salik at datos

na makakalap ng mga mananaliksik kaugnay sa buhay, pag-uugali, at kilos ng

mga respondente.

Sa pananaliksik na ito, ang independent variable ay ang paggamit ng

Facebook ng mga mag-aaral sa grade 11 at 12, pati na rin ang mga estudyante

sa kolehiyo, habang ang dependent variable ay ang pagbabago sa kanilang

mga kaugalian. Ang mga mediating variables naman ay ang uri ng nilalaman

na kanilang nakikita sa Facebook, ang kanilang reaksyon sa mga nilalaman, at

ang oras na kanilang ginugol sa paggamit ng platform.

Ang survey at open-ended questionnaire ay magiging kasangkapan

upang maiproseso ang mga datos mula sa mga respondente at makuha ang
27
mga pahayag, karanasan, at opinyon nila hinggil sa paksa. Pagkatapos, ang

thematic analysis ang gagamitin upang suriin at interpretasyon ang mga datos,

kung saan ang mga pattern at tema sa mga sagot ng mga respondente ay

bibigyan ng kahulugan at konteksto.

Sa ganitong paraan, maaari nating masuri kung paano nakakaapekto

ang paggamit ng Facebook sa mga mag-aaral sa kanilang mga kaugalian, at

kung paano ito nauugnay sa iba't ibang aspeto tulad ng uri ng nilalaman,

reaksyon, at oras na kanilang ginugol sa platform. Ang thematic analysis

naman ay magbibigay ng mas malalim na pag-unawa sa mga kahulugan at

pattern sa mga datos na nakalap mula sa sarbey at open-ended na mga

talatanungan.

Populasyon at Paraan ng Pagpili ng Kalahok

Ang ginamit na paraan ng pagpili ng kalahok sa pananaliksik na ito ay

voluntary sampling. Ang voluntary sampling design, ay isang non-probability

sampling technique kung saan ang mga respondente ay base sa mga

nagboluntaryo at may kwalipikadong potensyal na tumugon sa surbey sa loob

ng target na populasyon. Sabi rin dito na ang mga boluntaryo ay pwedeng

makuha sa personal, sa internet, tulad ng Facebook, Teams, at iba pang social

media, pwede rin sa pamamagitan ng pampublikong pag-post. Ang isang

mananaliksik na gumagamit ng boluntaryong sampling ay karaniwang

gumagawa ng kaunting pagsisikap na kontrolin ang komposisyon ng sample

kung saan kinakailangan hingkayatin ang mga respondente na lumahok sa


28
nasabing pag-aaral sa napiling grupo (Murairwa, 2015). Ang mga mananaliksik

ay kinakailangan makakuha ng (10-15) respondente para makakuha ng sapat

na datos para sa pag-aaral. Sa loob ng Unibersidad ng Mapùa, na labing anim

hanggat dalawang pu’t tatlo taong gulang (16-23). Upang mas maunawaan pa

ng mga mananaliksik ang pag-aaral ang impluwensiya ng Facebook sa

pagbabago ng kaugalian ng mga estudyante, kinakailangan mang-gagaling din

sakanila ang opinyon.

Deskripsiyon ng mga Kalahok

Maraming kailangan isaalangalang sa pag-pili ng mga kalahok sa

pananaliksik na ito tulad ng lokasyon, edad, pagkakaroon ng panahon, at iba

pang mga aspeto. Ang pang-una sa aming mga demograpikong hinahangad ay

ang edad; dapat ang edad ay nasa pagitan lamang ng 15-26 taong gulang,

matutukoy din dito kung anong grade-level ang mga kalahok nabibilang.

Pangalawa ay dapat na ang mga kalahok ay nag-aaral sa Unibersidad ng

Mapua dahil ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa mga mag-aaral lamang ng

unibersidad na ito. Ang ika-huling demograpiko ay ang paggamit ng Facebook,

ito ang pangunahing basehan at pangangailangan ng pananaliksik na ito.

Sa kabuuan, ang mga kahalok sa pananaliksik na ito ay inaasahang

magmumula sa Unibersidad ng Mapua, nasa baitang na senior high school

hanggang kolehiyo, at 15-26 ang edad. Ito ang mga deskripyon ng kalahok sa

pananaliksik na ito at sa pamamagitan nito ay malalaman natin kung ang mga

kalahok o respondente ay balid ba o hindi.

29
Instrumentong Ginamit

Ang instrumentong ginamit sa pananaliksik na ito ay isang serbey o

talatanungan na pinadala sa mga mag-aaral sa Unibersidad ng Mapùa sa

Intramuros gamit ng iba’t ibang platapormang pang-social media tulad ng

Facebook, Messenger, at Teams. Ang layunin ng pagsasagawa ng serbey na

ito ay upang maunawaan ang impluwensya ng Facebook sa pagbabago ng

kaugalian ng mga mag-aaral sa nasabing unibersidad. Ang nakalistang mga

tanong sa serbey ay sinulat at inilathala sa wikang Tagalog at naglalaman ito

ng mga katanungan tungkol sa paggamit ng Facebook, ang epekto nito sa

pag-aaral, at ang mga pananaw ng mga respondente sa pagsasagawa ng

pananaliksik. Maaaring mas mapahusay ang kamalayan sa mga potensyal na

positibong at negatibong epekto ng paggamit ng Facebook sa mga indibidwal

sa pamamaraang ito.

Isinasaad din sa serbey ang mga katanungan tungkol sa demograpiko

ng mga respondente tulad ng edad at kurso sa Unibersidad ng Mapùa.

Kasunod nito ang mga tanong hinggil sa kanilang paggamit ng Facebook,

kabilang na ang kadalasan ng paggamit nito sa isang linggo, mga interes na

kanilang kinukunsumo at binibisita dito, at mga features ng Facebook na

kanilang madalas gamitin. Ang mga tanong sa survey na may kaugnayan sa

kung paano nakakaapekto ang Facebook sa mga kaugalian ng mga tao ay

mahalagang pag-aralan upang mas maunawaan ang epekto ng social media

sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Halimbawa, maaaring itanong


30
kung gaano kadalas binibisita ng isang tao ang kanilang Facebook account at

kung paano ito nakakaapekto sa kanilang oras na nakalaan sa iba pang mga

gawain tulad ng pag-aaral, trabaho, o personal na pakikipag-ugnayan. Maaari

rin itong magtanong kung paano nakakaapekto ang paggamit ng Facebook sa

kanilang emosyon at mental na kalusugan, tulad ng pagkakaroon ng anxiety o

depression dahil sa mga nakikita o nai-post ng ibang mga tao.

Bukod sa pagpapadala ng serbey sa pamamagitan ng iba't ibang social

media na plataporma, maglalagay din ang mga mananaliksik ng mga pisikal na

kopya ng sagutan sa Unibersidad ng Mapùa sa Intramuros upang makakalap

ng mga kasagutan mula sa mga mag-aaral nang personal o harap-harapan.

Nagkaroon sila ng pagkakataon na makipag-usap nang direkta sa mga

respondente at maobserbahan ang kanilang mga reaksyon at ekspresyon

habang sumasagot sa mga tanong. Nagbigay sa kanila ito ng mas malalim na

pag-unawa sa kanilang mga karanasan at pananaw hinggil sa epekto ng

Facebook sa kanilang pag-aaral.

Hindi lamang nalilimitahan sa mga close-ended na katanungan ang

kanilang pananaliksik; mayroon ding open-ended na mga katanungan sa

serbey upang mabigyan ng pagkakataon ang mga respondente na maipahayag

ang kanilang sariling opinyon at karanasan hinggil sa epekto ng Facebook sa

kanilang pag-aaral. Ito din naman ay umakma sa kanilang layuinin na maging

kumpleto at malawak ang datos at mas maaaring maging kapani-paniwala ang

mga resulta ng pananaliksik.

31
Bilang karagdagan, sa simula ng survey, mayroon ding nilagay na

consent form o tick box upang hilingin ang pahintulot ng mga respondente sa

paggamit ng kanilang mga datos, alinsunod sa “Data Privacy Act of 2012”.

Upang suportahan ang paggamit ng serbey at talatanungan sa

pananaliksik na ito, isinama rin ang pag-aaral ni Belisario et al. (2015) sa

kanyang akdang "Comparison of self‐administered survey questionnaire

responses collected using mobile apps versus other methods" kung saan

pinapakita na ang mga serbey o pangmalawakang talatanungan ay epektibong

paraan para sa malawakang pagsasaliksik ng inaasahang respondente at

populasyon, lalo na sa mga sensitibo na paksa. Nagpapakita rin ang nasabing

pag-aaral na ang pagpapadala ng survey sa pamamagitan ng mga mobile apps

ay maaaring magdulot ng mabilis at maaasahang koleksyon ng data habang

nababawasan ang gastusin.

Paraan ng Pangangalap ng Datos

Ang mga datos na gagamitin para sa pananaliksik na ito ay kukunin

mula sa mga piling mag-aaral mula senior high school hanggang kolehiyo sa

Unibersidad ng Mapùa, taong 2024. Upang makakalap ng angkop na datos,

maingat na isinaalang-alang ng mga mananaliksik ang kanilang mga

prosesong isasagawa upang tugma ito sa layuning kanilang gustong makamit.

Ang mga mananaliksik ay lilikha ng mga talatanungan base sa mga

teorya, literatura, at pag-aaral na nakalap. Pagkatapos ay ipapaloob ito sa

32
isang Google Forms. Sa loob nito, nakalakip ang informed consent form,

tanong tungkol sa demograpiko ng mga respondente, sarbey hinggil sa

kanilang paggamit ng Facebook, at mga open-ended na tanong. Bago ito

ipamahagi, dadaan muna ito sa balidasyon ng mga piling propesiyonal tulad na

lamang ng mga guro, upang matiyak na angkop sa paksa at layunin ng

pananaliksik ang mga tanong na napakaloob dito. Pagkatapos ng balidasyon,

ito naman ay ipapamahagi online sa tulong ng mga plataporma sa social media

kabilang na ang Facebook, Messenger, at Microsoft Teams. Ipapamahagi rin ito

sa pamamagitan ng pisikal na kopya na ibibigay sa mga estudyante sa senior

high school at kolehiyo sa Unibersidad ng Mapúa.

Isinaalang-alang din ng mga mananaliksik ang voluntary sampling sa

pagkuha ng mga respondente na magbabahagi ng kanilang datos para sa

pananaliksik upang matiyak na ang mga sagot na kanilang ibibigay ay base sa

tiyak na karanasan at interes sa paksa. Ang mga datos na makakalap mula sa

mga respondente ay papanatilihing kumpedinsiyal ng mga mananaliksik.

Pagkatapos makalap ang tamang bilang ng mga datos, aayusin at itatala

ng mga mananaliksik sa isang dokumento ang kanilang mga sagot at

aanalisahin na ito gamit ang thematic analysis.

Pagpapahalaga sa mga Datos

Upang analisahin at mabigyan ng kahulugan ang kwalitatibong datos na

nakuha ng mga mananaliksik, ito ay gagamitan ng thematic analysis. Ang

33
thematic analysis ay gumagamit ng mga pangunahing konstruksyon ng mga

tema at interpretasyon, pati na rin ng mga analitikong pamamaraan upang

maiayos at maintindihan ang mga datos na nakalap (Braun & Clarke, 2022).

1. Sa kwalitatibong pananaliksik, isinusulat ang mga orihinal na datos mula

sa mga interbyu at talatanungan.

2. Tinitingnan at inuuri ang mga ito para makabuo ng mga tema o

kategorya.

3. Iniintindi ang mga datos para tukuyin ang mga kahulugan.

4. Inaanalisa kung ano ang ibig sabihin ng mga natuklasan.

5. Tinitiyak ang katatagan ng interpretasyon sa pamamagitan ng masusing

pagsusuri ng mga kapwa mananaliksik o pagsusuri ng miyembro upang

matiyak ang kredibilidad ng analitikal na proseso.

Sa pagpapahalaga sa mga datos na nakalap mula sa survey at mga

open-ended questionnaire, mahalaga na suriin ang bawat tugon ng mga

kalahok upang matukoy ang mga pangunahing tema. Mapag-iisa nito ang mga

simbolo at maibibigay ang kahulugan sa mga datos na nakalap. Halimbawa, sa

pagsusuri ng epekto ng Facebook sa pagbabago ng kaugalian ng mga

mag-aaral, maaaring makita ang tulad ng pagkakaugnay ng paggamit ng

Facebook sa pakikihalubilo, pagkukumpara sa online na mga interaksyon

kaysa sa personal na pakikipag- ugnayan, o ang pagkakaroon ng mga epekto

sa pag-aaral dahil sa labis na paggamit ng social media.

34
A. INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Data Privacy Act

● Yes

● No

Demograpiko

Name (optional):

Section/program:

Ano ang iyong kasalukuyang edad?

● 15-17

● 18-20

● 21-23

● 24-26

Paggamit ng Facebook

1.) Gaano kadalas ka gumagamit ng Facebook sa isang linggo habang

nag-aaral sa Mapua?

● 1-3 beses

● 4-6 beses

35
● 7-10 beses

● Higit sa 10 beses

2.) Anong mga uri ng content ang karaniwang binibisita mo sa Facebook

habang nag-aaral? (Pumili ng hanggang tatlong sagot.)

● Balita

● Memes

● Viral videos

● Personal updates ng kaibigan

● E. Educational content

● F. Others (please specify)

3.) Anong mga features ng Facebook ang madalas mong gamitin habang

nag-aaral? (Pumili ng hanggang tatlong sagot.)

● Timeline/News Feed

● Groups

● Messenger

● Events

● Photos/Videos

● Others (pls specify)

4.) Paano mo karaniwang reaksyunan o pakikitunguhan ang mga content

na nakikita mo sa Facebook habang nag-aaral?

● Naglalagay ng like o react

● Nagcocomment
36
● Nagsheshare

● Hindi ko pinapansin

● Binabasa lang, walang reaction

● Others (please specify)

Epekto ng Facebook sa Pag-aaral

1.) Naniniwala ka bang may positibong epekto ang paggamit ng Facebook

sa iyong pag-aaral?

● Oo

● Hindi

● Hindi Sigurado

Bakit? Ipaliwanag. ____________

2.) Naniniwala ka bang may negatibong epekto ang paggamit ng Facebook

sa iyong pag-aaral?

● Oo

● Hindi

● Hindi Sigurado

Bakit? Ipaliwanag. ____________

37
3.) Mayroon ka bang mga pagbabago sa iyong mga study habits o

academic performance na nauugnay sa iyong paggamit ng Facebook?

● Oo

● Hindi

● Hindi Sigurado

Bakit? Ipaliwanag. ____________

Open-ended questionnaire para sa mga mag-aaral ng Mapua University

Paggamit ng Facebook

1.) Paano mo karaniwang ginagamit ang Facebook habang nag-aaral sa

Mapua?

2.) Ano ang mga bagay na karaniwang hinahanap mo o sinusubaybayan sa

Facebook habang nag-aaral?

3.) Paano mo inaalam ang mga balita o impormasyon sa Facebook? May

mga specific pages o groups ka bang sinusubaybayan?

Epekto ng Facebook sa Pag-aaral

1.) Paano mo nararamdaman ang epekto ng paggamit ng Facebook sa

iyong pag-aaral?

38
2.) Mayroon ka bang mga karanasan o sitwasyon kung saan naapektuhan

ang iyong pag-aaral dahil sa paggamit ng Facebook? Paki-kwento.

3.) Paano mo naaasahan na makakaapekto o nakakaapekto na ang

Facebook sa iyong pag-aaral sa hinaharap?

Pananaw sa Pananaliksik

1.) Ano ang iyong opinyon sa pagsasagawa ng pananaliksik tungkol sa

epekto ng Facebook sa mga mag-aaral ng Mapua University? Bakit?

2.) Ano ang mga aspeto ng epekto ng Facebook sa pag-aaral na sa palagay

mo ay dapat bigyang pansin sa pananaliksik?

3.) Mayroon ka bang mga rekomendasyon o ideya para sa mga

mananaliksik upang mas mapabuti ang kanilang pagsasagawa ng

pananaliksik?

Mga Karagdagang Katanungan

1.) Ano ang mga paraan o hakbang na ginagawa mo upang panatilihing

balanse ang iyong oras sa pagitan ng pag-aaral at paggamit ng social

media tulad ng Facebook?

2.) Paano mo inihihiwalay ang iyong oras sa paggamit ng Facebook para sa

personal na layunin at para sa akademikong pag-aaral?

39

You might also like