You are on page 1of 5

ANG NEGATIBONG EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA MGA MAG-AARAL SA

BUGO NATIONAL HIGH SCHOOL

PAPEL NG PANANALIKSIK

Iniharap sa

Faculty ng Bugo National Senior High School

Bugo, Cagayan de Oro City

Sa Bahagyang Katuparan

ng Mga Kinakailangan para sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo

sa Pananaliksik 11

Bansal, Zean

Dalogdog, Jefferson Kharl L.

Ello, Helen Grace G.

Escasinas, Geraldine Rose D.

Igloria, Kyle Rose I.

Sanipa, Rezowe L.

Sudaria, Cielo Grace N.


PAPEL NG PANANALIKSIK
KABANATA 1

PANIMULA

INTRODUKSYON:

Pagdating sa social media, ito ay isang napakalawak na paksa na maaaring

kumonekta at makaugnayan ng lahat, lalo na sa mga kabataan. Tinutulungan tayo

ng internet na makakuha ng mga bagay tulad ng balita, mensahe, at impormasyon

nang napakabilis. Napakaswerte ng mga kabataan ngayon dahil isang click na lang

sila mula sa mga alerto, anunsyo, mga tip sa pag-aaral, paghahanap ng trabaho,

fashion, sining at marami pang kaalaman na gumagawa o sumusuporta sa kanilang

pang-araw-araw na buhay. pang araw-araw na gawain.

Dahil sa nagbabagong panahon, patuloy ang pag-unlad ng iba’t ibang aspeto

sa buhay ng tao, kasama na ang social media na nagsilbing libangan sa mga

kabataan samatagal na panahon. Nag-iba ang perspektibo ng mga kabataan sa

produkto ngmodernisasyon at teknolohiya. Naging iba rin ang pamamaraan ng

pakikisalamuha namalayo sa kinagisnan ng ating mga magulang. Mas humaba ang

oras na inilalaan ngmga kabataan sa kasalukuyang panahon sa paggamit ng social

media tulad na lamangng facebook, twitter, Instagram, at marami pang iba. Pati ang

paglalaro ng mga onlinegames na malayo sa naging buhay ng nakaraang mga

henerasyon at mas pinipili naigugol ang kanilang oras sa paggamit ng internet kaysa

paglilibang. Nag-iba na rin ang kinagawian na pagpunta sa silid- aklatan upang

sumipi ng mga Takdang aralin, ngayon isang pindot lang ay maaari mo nang

maakses ang iba’t ibang sites na mapagkukunan ng takdang aralin.


Nakakalungkot isipin na dahil sa social media ay mag-iba ang kaugalian ng

mgakabataan, nangingibabaw ang masama at negatibong epekto na idulot ng social

mediasa ating kabataan. Kaya’t ang layunin ng pag –aaral na ito ay kumalap

ngimpormasyon para tuklasin ang negatibong epekto ng Social Media sa mga

kabataan.

MGA LAYUNIN:
1. Upang makapagbibigay ng impormasyon sa mga mag-aaral ng Bugo National

High School tungkol sa mga negatibong epekto ng social media.

2. Upang alamin kung ano ang mga masasamang epekto ng social media sa mga

mag-aaral sa Bugo National High School.

3. Upang makatulong sa mga mag-aaral na makaiwas sa mga negatibong epekto

ng social media.

4. Upang makapagturo sa mga mag-aaral ng Bugo National High School tungkol sa

mga maaaring gawin upang maiwasan ang mga negatibong epekto ng social media.

5. Upang maipakita sa mga mag-aaral ng Bugo National High School kung paano

maging responsableng gumagamit ng social media.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

1. Ano ang mga negatibong epekto ng social media sa kalusugan ng mga mag-

aaral sa Bugo National High School?

1.1 Pisikal

1.2 Emosyonal

1.3 Mental
2. Oras na naigugol ng mga mag-aaral sa social media:

Grade 7

Grade 8

Grade 9

Grade 10

Grade 11

Grade 12

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang mga natuklasan ng pag-aaral ay makatutulong sa mga sumusunod na stake

holder:

 Kahalagahan para sa mga guro. Para matulungan nila ang kanilang mga

mag-aaral na umiwas sa sobrang paggamit ng social media.

 Kahalagahan para sa mga magulang. Para mabantayan nila ang kanilang

anak sa paggamit ng social media at para na rin ma kontrol nila ang oras na

naigugol sa kanilang mga anak sa social media.

 Kahalagan para sa mga mag-aaral. Upang malaman nila ang mga negatibong

epekto ng social media sa kanilang kalusugan at kapaligiran para maiwasan

nila ang sobrang paggamit ng social media.

 Kahalagan para sa mga mananaliksik. Makakatulong ang pag-aaral na ito ay

magbibigay ng kaugnayan na materyal para sa mga mag-aaral at iba pang

mananaliksik na nagsasagawa ng katulad na pananaliksik. Ang pag-aaral na

ito ay magbibigay sa mananaliksik ng karagdagang impormasyon sa mga

negatibong epekto ng social media sa mga mag-aaral.


SAKLAW AT DELIMITASYON NG PAG-AARAL

Nakatuon ang mga mananaliksik sa mga mag-aaral ng Bugo National High School,

Cagayan de Oro City para sa school year 2022 hanggang 2023.

PAGBIBIGAY KAHULUGAN SA MGA SALITA

Binibigyan kahulugan nang sumusunod na mga termino na ginagamit mula sa

pananaliksik:

You might also like