You are on page 1of 8

DAHON NG PAGPATIBAY

Ito ay isang proyekto ng pananaliksik na pinamagatang “Epekto ng Social Media sa Wika at


Kultura ng mga Mag-aaral Mula Ika-pito Hanggang Ika-labindalawang Baitang ng Jose Rizal
Institute-Orani Taong Pampaaralan 2017-2018” na inihahanda nina:

____________________ _______________________
Iraga, Elaika Chrisanta E. Maglonzo, John Rich B.

_____________________ _______________________
De Mesa, Janelle Mikaela Aguilar, Carolina V.

_____________________ _______________________
Walog, Kelly R. Santos, Romeo

_____________________ _______________________
Soriano, Angelica C. Oquialda,Yurika D.

Ito ay tinatanggap katuparan sa mga kailangan sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa


Wika at Kulturang Filipino.

Bb. Christine Joy E. Agoyaoy


Guro
PASASALAMAT

Una sa lahat kami ay nagpapasalamat sa Poong Maykapal sa kaniyang kabutihang hatid sa


amin. Sa talino, lakas, at pasensya na kaniyang ipanagkaloob sa aming grupo upang mabuo ang
pananaliksik na ito. Isang pasasalamat din ang nais naming iparating sa aming guro na si Bb.
Christine Joy Agoyaoy sa tiwala at paggabay na kaniyang ibinigay sa aming grupo at siyang
dahilan upang maisakatuparan ang pananaliksik na ito.

Ipinapahatid din naming ang aming pasasalamat sa mga mag-aaral mula ika-pito hanggang
ikalabindalawang baitang sa kanilang partisipasyon sa aming isinagawang pananaliksik. Kami ay
nagpapasalamat sa kanilang taos pusong pagbibigay ng sagot at kanilang mga nalalaman sa aming
mga talatanungan.

Higit sa lahat kami ay nagpapasalamat sa aming mga magulang na umintindi at sumuporta


sa amin maging sa aming pinansyal na pangangailangan. Isang taos pusong pasasalamat ang aming
nais ipaabot ng bawat isa sa aming grupo sa lahat ng indibidwal na tumulong, tumangkilik at
sumuporta sa upang mabuo ang pananaliksik na ito.
INTRODUKSYON

Social media, isang napakalawak at napakalalim na parte ng internet kung saan


napakaraming bagay ang mga nagagawa. Ilan sa mga uri ng social media ay ang Twitter,
Instagram, Youtube, at ang pinakamalawak, Facebook.

“With the Internet and social media being a huge part of today's culture, I think it's super
important to promote staying smart online.” - G. Hannelius

Tunay nga na sa panahon natin ngayon, malaki na ang ginagampanan ng social media sa
ating mga buhay. Hindi maipagkaka-ila na marami na ang nabago sa ating mundo magmula ng
mauso ang iba’t ibang social media sites. Masasabing malaki ang naitutulong ng social media sa
pagkakaroon ng komunikasyon ng mga tao sa kanilang pamilya, kaibigan at nagiging daan rin ito
upang makakilala tayo ng iba pang tao. Kung gaano karami ang mabuting dulot ng social media
sa bawat isa, marami rin ang naidudulot nitong hindi maganda.

Bilang isang mag-aaral hindi maitatanggi na isa ang social media sa dahilan kung bakit
nawawalan ng pokus ang isang estudyante sa kaniyang pag-aaral. Sa social media natin nakikita
kung ano ang uso na nagbibigay ng malaking epekto sa mga tao lalo na sa mga kabataan. Dahil
ang social media ay maituturing na tunay na ma-impluwensiya hindi maitatangi na maging ang
wika at kultura ng tao ay naaapektuhan sa paggamit nito.

Sa paglipas ng panahon, ang mga nakasanayang wika ng mga Pilipino ay unti-unting


binubura ng social media. Maraming naglahong mga salita. Maraming mga lupon ng titik ang unti-
unting napapalitan ng mga bagong salita na karamihan sa mga nakaiintindi lamang ay ang mga
taong nasa Generation Z, ang mga kabataan. Ang mga kabataan na siyang bumubuo ng
pinakamalaking porsyento ng populasyon na gumagamit ng social media.

Ang kabataan daw ang pag-asa ng bayan, ngunit sa henerasyon kung saan ang social media
ang baterya ng bawat teenager, marami ng mga matatandang hindi maibigay ang paniniwala nila
sa nasabing kasabihan. Sa kalawakan ng social media, Ang epekto nito sa wika at kultura ng mga
Pilipino ay hindi na maikukubli.

Sa puntong ito nais naming bigyang kalinawan ang epekto ng social media sa wika at
kultura ng mga mag-aaral sa Jose Rizal Institute (Orani).
KATAWAN

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman ang epekto ng social media sa mga
mag-aaral mula ika-pito hanggang ika-labindalawang baitang ng Jose Rizal Institute-Orani. At
hindi lamang sa mga mag-aaral sa paaralang nabanggit kung hindi maging sa mga kabataan sa
buong Pilipinas. Ang kahalagahan ng pananaliksik na ito ay ang malaman kung mabuti ba o hindi
ang epekto ng social media sa wika at kultura ng mga mag-aaral at mga kabataan.

Ayon kay Dr. Grace Cruz, isa sa mga manunulat ng Media Use and Youth Lifestyle, 6 sa
pitong mga kabataan nasa pagitan ng edad na 15 hanggang 24 ay mayroong social media account.
Ang social media para sa atin ay ang tulay upang magkaroon ng komunikasyon sa mas maraming
tao, ito ay nakakatulong sa pagkakaroon ng mga kaibigan kahit nasa malayo man sila. Sa
pagkakaroon ng mga kaibigan sa malalayong lugar, umuunlad ang wika at napapalawak ang ating
bokabularyo. Malaki din ang naitutulong ng social media sa ating wika sa kadahilanan na
maraming impormasyon o kaalaman ang ating nakukuha sa social media, katulad na lamang ng
pagkakaroon ng mga panibagong salita.

Ngunit ito din ay may kamalian sapagkat sa pagunlad ng social media, sa paglimot ng mga
lumang wika na galing pa sa ating mga ninuno. Isa ring negatibong epekto nito ay mas pinipili na
ng mga kabataan na makipagusap na lamang sa mga social networking sites kesa sa personal
magusap kasi para sa kanila mas mabilis at mas madalas nila itong ginagamit. Dapat may balanse
at limitasyon ang paggamit natin ng social media, huwag natin kakalimutan ang ating wika,
gamitin natin ang social media sa tamang paraan at sa alam nating makakatulong upang umunlad
ang ating wika.

Maraming mga salita noon na hindi na nagagamit ngayon gayundin na marami ng mga
bagong salita ngayon na hindi naman nalalaman noon. Isa ang social media sa may
pinakamalaking impluwensiya sa pagbabago ng wika.

Mayroong mga salita noon na hindi na ginagamit ngayon tulad ng sipnayan na Matematika
ngayon, salumpuwit na bangko o upuan ngayon, agamahan o relihiyon na ngayon at marami pang
iba. Sa dami ng mga lumang salita na nabura na ng panahon at social media, hindi na maiisa-isa
pa ang mga ito.

Ang mga ilan sa mga bagong salita naman ngayon na umusbong dahil sa social media ay
ang petmalu na isang salitang binaligtad na nangangahulugang “malupit”, lodi o “idol”, pawer o
“power”, at napakarami pang iba.

Nauso at naging likas na rin sa mga kabataan at mga mag-aaral na Pilipino ang paggamit
ng Korean language sa kanilang pananalita.
Dahil nga sa lawak ng utak ng kabataan ngayon at sa tulong ng mabilis na komunikasyon
sa social media, mabilis na naipapakalat ang kung ano ang ngayon sa bawat sulok ng bansa. Kung
ang mga kabataan noon ay magalang pa kung magsalita, ngayon ay nahahaluan na nila ng mga
bagong usbong na salita ang kanilang pakikipag-usap.

Napakarami ring nawala, nadagdag at nabago sa ating kulturang Pilipino. Kung dati ay
napaka-walang galang ng kung sino mang hindi magsasalita ng walang kasamang ‘po at opo’ sa
matatanda, ngayon ay iilan na lamang ang nagsasabi nito. Likas din sa ating kultura ang iba’t ibang
mga pamahiin na karaniwang matatanda na lamang ang nakakaalam ngayon, ngunit dahil sa
impluweniya ng social media, karamihan dito ay hindi na pinaniniwalaan dahil sa mga kaniya-
kaniyang opinyong ibinabahagi sa pamamagitan ng comments kung kaya’t naiimpluwensiyahan
din ang isip ng ibang taong huwag ng paniwalaan o gamitin pa ang mga pamahiing ito. Dahil din
sa impluwensiya ng social media, umusbong ang mga Korean Pop Groups at mga Korean Drama
na nakaapekto ng malaki sa kultura nating mga Pilipino. Dahil nga sa napapanood at nagti-trending
ito worldwide sa mga social media sites, at napakalaking porsyento ng mga kabataan ang
gumagamit ng social media, napakarming mga kabataan ang gumagaya sa mga Korean artists. Sa
kanilang pananamit, pananalita, pagsulat, mga pagkain at mga nakasanayan.

Narito ang kinalabasan sa ginawa naming survey sa mga mag-aaral mula ika-pito hanggang
ikalabindalawang baitang ng Jose Rizal Institute-Orani. Kami ay nagsagawa ng pagsu-survey sa
100 respondente.
45% ang nagsabing nakakasama ang epekto ng social media sa wika at kultura ng mga
Pilipino dahil ayon sa kanila, nakakalimot na ang mga Pilipino sa sarili nating wika at kultura at
55% naman ang nagsabing hindi nakakasama ang social media sa wika at kultura ng mga Pilipino
dahil ayon sa kanila, nakakatulong pa nga ito upang mapalawak ang kaalaman ang kaalaman. 72%
ang nagsabing nakakatulong ang social media sa pagpapataas ng kaalaman sa wika dahil
nadaragdagan ang kaalaman tungkol rito at 28% naman ang nagsabing hindi ito nakatutulong dahil
nakasisira lamang ito ng pag-aaral. 85% ang nagsabing nababago ng social media ang kanilang
nakasanayan at 15% naman ang nagsabing hindi.

40% ang nagsabing natutunan nila ang paggamit ng Hangeul sa social media, 24% ang
pagsasalita ng gay linggo, 12% ang paggaya sa nakasanayan ng ibang lahi at 40% naman ang
paggaya sa pananamit ng ibang lahi. 67% ang nagsabing Filipino ang wikang kanilang ginagamit
sa pagpopost at pagti-tweet sa mga social media accounts nila, 25% ang nagsabing Ingles, 3% ang
Korean at 5% naman sa Taglish. 40% ang nagsabing gumagamit siya ng ibang wika sa pagpopost
at pagti-tweet dahil uso, 19% ang nagsabing dahil doon siya sanay, 23% ang nagsabing dahil
magandang tignan at 18% ang nagsabing dahil mas madali.

25% ang nagsabing madalas na madalas niyang nagagamit ang wikang Filipino sa
paggamit ng social media, 53% ang madalas at 22% ang madalang. 8% ang nagsabing malawak
na malawak ang kaniyang kaalaman sa mga kulturang Pilipino, 61% ang nagsabing malawak ang
kanyang kaalaman, 27% ang nagsabing kakaunti ang kaniyang kaalaman at 4% ang nagsabing
wala siyang kaalaman.

Narito ang mga porsyento ng mga nalalamang kultura ng mga mag-aaral ng Jose Rizal
Institute-Orani. 59% ang pagmamano, 62% ang pagsasabi ng po at opo, 17% ang manyana habit,
36% ang pagdaraos ng pista, 20% ang pagsusuot ng baro’t saya, 41% ang iba’t ibang mga pamahiin
at 31% ang pagkaing Pilipino.

Sa ginawa naming panayam kay Charl Aguilar, ang Supreme Student Government
Chairman, marami pa raw umano siyang nalalamang mga kulturang Pilipino ngunit marami na rin
siyang mga natutunang kultura mula sa ibang lahi dahil sa impluwensiya ng social media. Taglish
ang ginagamit niyang wika sa pagpopost dahil para sa kaniya, ito ay uso at mas magandang tignan
kaysa sa purong Filipino.
KONGKLUSYON

Tunay ngang napakalaki ng nai-ambag ng social media sa buhay nating mga tao ngunit
hindi maipagkakaila ang mga nabago at nawala dahil dito. Ilan na nga sa mga nabago ng social
media ay ang wika at kultura ng mga Pilipino.

Sa resulta ng aming ginawang pananaliksik, napatunayan lamang na unti-unti na ngang


naiiba ang wika ng mga Pilipino dahil sa impluwensiya ng social media. Unti unti ring nababago
ang mga nakasanayang kultura dahil na rin sa lawak ng social media na siyang nagiging dahilan
upang matakpan ang mga nakasanayan ng mga panibagong kaalaman mula sa iba’t ibang lahi.

Bagama’t nananatili ang Filipino na pambansang wika at mas nakararami pa rin ang
gumagamit nito sa social media, hindi pa rin maikakaila na humahabol na ang Ingles sa mga
namamayagpag na wika sa larangan ng Internet lalong lalo na sa social media. At kahit na marami
pa ring mga kulturang Pinoy ang patuloy na umiikot sa ating kinagisnan ay huwag dapat tayong
maging kampante dahil patuloy na pumapasok ang iba’t ibang mga kultura na siyang tumutulay at
naglalayag sa pamamagitan ng social media.

Dapat lamang na pagyamanin at pa-usbungin natin ang sariling atin dahil sa kahuli-hulihan
ng lahat, Pilipino pa rin tayo at dugong Pilipino pa rin ang siyang naglilibot sa ating mga ugat.
BIBLIYOGRAPIYA

Salazar, Danica. (2007) “Oxford English Dictionary.” Radyo Inquirer. Oktubre 14, 2017
http://radyo.inquirer.net/1746/pasok-sa-oxford-dictionary-and-kkb-at-iba-pang-salita

Thompson, Roger. (2004) “Lumang Tagalog.” Wikipedia. Oktubre 14, 2017


https://tl.wikipedia.org/wiki/Lumang_Tagalog

Sambuena, Angelica. (2011) “Filipino Youths are the Biggest Internet Users.” Cebu Daily News
Inquirer. Oktubre 14, 2017 http://cebudailynews.inquirer.net/41007/filipino-youths-are-biggest-
internet-users

You might also like