You are on page 1of 4

Sanaysay Tungkol sa Wika

Wika ang pinakamagandang regalo ng Maykapal sa kanyang mga nilalang. Ito


ang tanging kasangkapan ng tao sa pakikipag-ugnayan niya sa kapwa, sa
asosasyon, sa institusyon at maging sa dakilang Bathala. Malaki ang
nagagawa ng wika sa pagkakaroon ng magandang unawaan, ugnayan at
mabuting pagsasamahan.

Kung wala ang wika, paano kaya magkakaintindihan ang mamamayan, paano
kaya mapabibilis ang pagsulong ng kaunlaran at paano kaya mapalalapit ang
tao sa isa’t isa? Sa bawat isang tanong at marami pang kasunod na
katanungan, hindi sapat ang senyas, drowing, ang kulay, ang krokis, ang
ingay o anumang paraang maaaring likhain ng tao upang matugunan ang
lahat ng mga katanungan. Sa lahat ng ito, kailangan ng tao ang wika.

Kahit na anumang anyo , pasulat o pasalita, hiram o orihinal, banyaga o


katutubo, wika ang pinakamabisang sangkap sa paghahatid ng diwa at
kaisipan at sa pagpapanatili sa madali o mahabang panahon ng mga naliko
na tala, pangkasaysayan o pampanitikan, pampolitika at panlipunan,
pansimbahan o pangkabuhayan at maging sa larangan ng siyensya o ng iba
pang displina. Maging ang kultura ng isang panahon, pook o bansa ay muling
naipahayag sa pamamagitan ng wika.

Naipadarama ng wika ang sidhi ng damdamin, ang lalim ng lungkot, ang


lawak ng galak, ang kahalagahan ng katwiran, ang kabutihan ng layunin, ang
nakapaloob na katotohanan sa isang intension, ang kaibuturan ng
pasasalamat at paghanga at ng iba pang nais na iparating ng sinuman.
Ang wikang Filipino, na siyang pambansang wika sa Pilipinas ay ang wikang
ginagamit sa lahat ng sulok ng bansa. Ito ang nagsisilbing sinturon upang
maitali ang mga mamamayan upang maging isa sila sa kanilang mga diwa,
pangarap at kalsadang tinutugpa. Mahirap na isipin kung walang sariling
wika na magiging daan upang magkabuklod-buklod ang mga hiwa-hiwalay na
isla ng Pilipinas. Maaaring magdulot ito ng mga kaguluhan at hindi
pagkakaunawaan.
Wika pa rin ang pinakamahalagang sangkap sa anumang paraan ng mabisang
pakikipagtalastasan at komunikasyon.
Kahalagahan ng SOCIAL MEDIA sa KUMONIKASYON

Para sakin ang social media ang nakakatulong, dahil dito tayo nakakakuha
ng mga impormasyon na pwede nating malaman . Isa din itong bagay kung
saan ay magbibigay sa atin ng masamang paraan / mabuting paraan , sa
mabuting paraan ay isang bagay lang na ipapakita natin ang kahalagahan ng
ating mga tamang nalalaman kahit pa hindi ito ang ipinapakita ng social
media .

Madaling salitang ay hindi rin ito nababasi sa taong may pinag aralan upang
sundin ang tamang bagay na ating nakikita o nababasa . Dahil kung isa kang
tapat , maayos at may takot sa sarili at lalo na sa diyos hindi na nababasi
dito kung may pinag aralan ka .

Madaming Teen-agers ang gumagamit ng Social Media dahil ito aang


ginagamit nila sa pakikipag komunikasyon sa malalayong kamag-anak nila at
ginagamit din nila ito bilang pagpapahayag ng kanilang saloobin. At Social
Media rin ang kanilang ginagamit upang maging update kung hindi man sila
nakapanood ng balita. Social Media rin ang ginagamit nila para maipakita
ang kagandahan ng kanilang pinupuntahan.

Ang social media ay nagbibigay ng mga impormasyon at marami pang iba


,katulad ng “google” , dito ako tayo naghahanap ng mga impormasyon na
pwedeng malaman o pagkunan ng ideya na makatutulong sa mga
mananaliksik upang malaman ang mga mahahalagang detalye na nangyai
noong unang panahon at mga impormasyon o mga ng yayari sa kasalukuyan.

Ang paggamit ng facebook,instagram,youtube,google,twitter at iba pang


mga sitena pwedeng pagkunan ng impormasyon na magagamit ngayun ng
millennials na maaaring mapagkunan o magsaliksik ng mga impormasyon
,magagamit din ito para mapadali ang kumunikasyon.

Maraming bagay ang pwedeng magawa ng social media na maaaring


makatulong sa mga studyante na naghahanap ng impormasyon at pwede na
rin ngayon na magnegosyo gamit ang social media .ngunit hindi lang
magagandang bagay ang pwedeng idulot ng social media sa mga tao meron
din itong negatibong naidudulot sa mga tao.
Liham Pangangalakal
# 435 Phase 2, Cool Subd.
Barangay Cambaro, Mandaue City
Agosto 05, 2019

Wayland Superbisor
Big Apple Express Spa
C. Raymundo, Mandaue City

Mahal na G. Wayland,

Nabasa ko po sa pahayagang Philippine Daily Inquirer na kayo po ay naghahanap


ng isang graphic artist. Ninanais ko pong mag-apply sa posisyong ito. Ayon po sa
hinihiling, nakapaloob po sa envelope na ito ang resume at 2x2 pictures.Ako po ay
may edad na 15 at may tangkad na 5’7, may kayumangging kompleksyon at
may malusog na pangangatawan.

Kasalukuyan po akong nag-aaral sa Rizal High School at na saikatlong taon ng


sekondarya. Noong ako po ay nasa ika-limang baiting, nahalal po ako bilang
president ng klase at treasurer naman noong ako’y nasa unang taon ng
sekondarya at maski sakasalukuyang taon. Nakasali napo ako sa mga paligsahan
na may kinalaman sa sining tulad ng“T-Shirt Painting Contest” na kung saan
nanalo ako ng consolation prize at “Pot-PaintingContest” na naganap sa
aking paaralan. Ako po ang top 1 sa aming klase noong ako ay nasa ika-lima at
ika-anim na baiting. Naniniwala po ako na kung may imahinasyon kang malawak at
malikhain ay siguradong matutupad ang mga pangarap mo.

Maaari niyo po akong makausap sa kahit anong oras sa aking email account na
email_address@yahoo.com at sa numero na 09291823145.

Maraming salamat po sa oras na ibinigay mo sa pagbasa ng aking liham.

Lubos na gumagalang,

Jenevie Bote
Liham Pangkaibigan

A.C Cortes St.


Mandaue City
Agosto 05, 2019

Mahal kong Julie-Ann,

Kamusta ka na? Sana ay nasa mabuti kang kalagayan.


Sumulat ako sayo dahil gusto kong kamustahin ka. Alam mo
talagang nalungkot ako nang lumipat ako ng paaralan at
lalawigan. Naalala ko pa noong mag kaklase pa tayo ay sabay
sabay tayong kumakain ng ating kaibigan.At dinarasal ko na
magkita tayong muli
Hanggang dito na lamang..

Nagmamahal,
Jenevie

You might also like