You are on page 1of 2

SURING - BASA SA MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Hindi maipagkakaila na ang social media ay nagbabago sa kung paano tayo

nakikipagusap sa iba’t ibang tao. Mula sa pagbahagi ng ating mga saloobin hanggang sa

pagpaplano kung saan natin gustong pumunta sa bakasyon, ito ay halos nakalagay o

nakapaloob sa ating mga social media accounts gaya ng Facebook, Twitter, at Instagram.

Malaki din and naitutulong ng social media sa ating wika, sa kadahilanan na maraming

impormasyon o kaalaman ang ating nakukuha, mapapalawak din nito ang ating bokabularyo.

Ngunit ito din ay may kamalian sapagkat sa pagunlad ng social media, nakalimutan narin

nating gamitin ang ating lumang wika na nanggaling sa ating mga ninuno, nasalinan na ito

ng wikang Ingles na kung saan nagiging slang ang iilan sa atin mga pilipno.

Isa ring negatibong epekto nito ay mas pinipili ng mga kabataan na makipagusap na

lamang sa mga social networking sites kesa sa personal magusapkasi para sa kanila mas

mabilis at madakas nila itong ginagamit. Dapat ay balanse at may limitasyon ang paggamit

ng social media, huwag natin kakalimutan ang ating wika, gamitin natin ang social media

sa tamang paraan at sa alam nating makatutulong upang umunlad ang ating

wika.(Wordpress.com)

LOKAL NA PAG-AARAL

Ayon kay Hill at Gleason sa (Tumangan, et al., 2000), ang wika ay nagbabago. Ang

isang wikang stagnant ay maaari ring mamatay tulad ng hindi pag gamit niyon. Ang isang

wika ay maaring nadadagdagan ng mga bagong bokabularyo. Bunga ng pagiging malikhain ng

mga tao, maaaring sila ay nakakalikha ng mga bagong salita. Ang pinakamahusay na

halimbawa nito ay ang mga salitang balbal at pangkabataan. Samatala kailangan ding

lapatan ng mga katawagan ang mga produkto ng pag-unlad ng teknolohiya at sensya. Bunga

nito ang ating wika ay nadaragdagan ng mga bagong salita na hindi umiiral noon. May mga

salita ring maaaring nawawala sapagkat hindi na ginagamit.

Samantala, ayon kay Fishman (1974), ang pagpaplanong pangwika ay nakadepende nang

malaki sa elaborasyong lesikal. Ito ay tumutukoy sa proseso ng intelekwalisasyon ng mga

terminolohiya. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga dating di-kilalang

salita sa pamamagitan ng pagbibigay ng depinisyon, sinonim, antonym, at hayperonim ng mga

bagong terminolohiya. Ayon naman kay Rosa Visa Ann B. Arocha, ang wika ang maituturing na

pinakamabisang kasangkapan sa ating pakikipag-komunikasyon sa ating kapwa. Ang wika,

pasalita man o pasulat ay magiging sandata natin sa ating pakikihamok sa mga hamon ng

buhay.
Ayon kay G. Joey Arrogante, ang mga salitang lalabas o dapat mamutawi sa iyong bibig

ay mabubuti. Hindi dapat makakasakit sa kapwa. Kaya nga lamang sa panahon ngayon iba-iba

na ang maririnig sa mga kabataan ngayon. Ayon kay Espina at Borja (1996), ang

komunikasyon ay isang makabuluhang kasangkapan upang maangkin ng bawat nilikha ang

kakayahang maipaliwanag nang buong linaw ang kanyang iniisip at nadarama. Dito umuusbong

ang isang matatag na pagkakaunawaan at relasyon ng mga tao sa lipunan. Nagiging bukas ang

isipan sa mga pangyayari sa loob at labas ng ating bansa at nagsisilbing libangan ng

karamihan. Ngunit sa kabilang dako, nagiging bulag tayong mga estudyante sa maaring dulot

o epekto nito sa ating wika.

Dahil sa social media, imbes na wika natin ang ating ginagamit na Sinurigaonon ay

iba na, mas tinatangkilik na natin ang ibang wika kesa sa sarili nating wika. Merong

iilang kabataan na nahihiya ng gamitin ang ating sariling wika kaya ang ginagamit nilang

lengwahi sa pakikig-usap ay iba na, gaya ng Ingles at Tagalog, na dapat ay mas binibigyan

natin ng importansya ang ating sariling wika para ito maipreserba, para pag dating nang

susunod na henerasyon ay mas lalo nilang maintindihan kung kung bakit kailangan natin

ipreserba ang ating wika.

BANYAGANG PAG-AARAL

Nagsilbing tulay o daluyan ang internet na makipag-ugnayan o kumonekta sa

kapwa,makakuha o makapag-ambag ng mga impormasyon, mga bagay tulad ng mga kasalukuyang

ginagawa o events na aabangan o isasagawa o kaya, mga larawan, mensahe o notifications,

video, wall posting, iba pang dahilan ng pakikipag-ugnayan o koneksyon. Malawak na ang

saklaw ng modernisasyon, lumaganap na ito mula sa ating lipunan hanggang sa mga

komunidad. Ang institusyon ng edukasyon ay hindi ligtas ditto at nakikinabang sa

teknolohiya kung saan ang information technologies (IT) na may taglay na pananagutan ng

pagbabago ng pagtuturo, pag-iisip, at pagkatuto. (Halverson at Smith 2009-2010).

You might also like