You are on page 1of 1

Hindi maipagkakaila na ang social media ay nagpabago sa kung paano tayo nakikipagusap sa iba’t ibang

tao. Mula sa pagbahagi ng ating mga saloobin hanggang sa pagplano kung saan natin gusto pumunta sa
bakasyon ito ay halos nakalagay o nakapaloob sa ating mga social media accounts tulad na lamang ng
Facebook at Twitter. Ang social media para sa atin ay ang tulay upang magkaroon ng komunikasyon sa
mas maraming tao, ito ay nakakatulong sa pagkakaroon ng mga kaibigan kahit nasa malayo man sila. Sa
pagkakaroon ng mga kaibigan sa malalayong lugar, umuunlad ang wika at napapalawak ang ating
bokabularyo. Malaki din ang naitutulong ng social media sa ating wika sa kadahilanan na maraming
impormasyon o kaalaman ang ating nakukuha sa social media, katulad na lamang ng pagkakaroon ng
mga panibagong salita: barkada, balikbayan, at gimmick. Ngunit ito din ay may kamalian sapagkat sa
pagunlad ng social media, sa paglimot ng mga lumang wika na galing pa sa ating mga ninuno at
nasasalinan din ang wika ng halong Ingles na kung saan nagiging slang ang ilan sa ating mga Pilipino. Isa
ring negatibong epekto nito ay mas pinipili na ng mga kabataan na makipagusap na lamang sa mga social
networking sites kesa sa personal magusap kasi para sa kanila mas mabilis at mas madalas nila itong
ginagamit. Dapat may balanse at limitasyon ang paggamit natin ng social media, huwag natin
kakalimutan ang ating wika, gamitin natin ang social media sa tamang paraan at sa alam nating
makakatulong upang umunlad ang ating wika.

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, ang social media ay lubos na nakatutulong sa pag unlad ng wika. Bakit?
Sapagkat sa pamamagitan nito, mas naipapahayag ng bawat tao ang kani-kaniyang mga saloobin ukol sa
iba’t-ibang isyu. Maaari ring maitaguyod natin ang ating sariling wika na Filipino sa paggamit ng social
media sapagkat sa pagpapahayag ng ating mga sariling kaalaman, syempre gagamitin natin ang wikang
Filipino at dahil dito, maipapamalas natin ang ating mga nalalaman sa paraang alam natin. Sa social
media, tayo ay may kalayaang gawin ang lahat ng gusto natin na kung maaari ay nasa mabuting
pamamaraan. Sa pag unlad ng wikang Filipino, kaagapay natin ang social media dahil ito’y isang paraan
na maaari nating maipagmalaki ang wikang Filipino na mag susuyo sa iba pang mga mamamayan na
patuloy na tangkilikin at gamitin ang wikang ito sa tamang pamamaraan.

You might also like