You are on page 1of 4

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Week 4 – Quarter 2

Aralin: Gamit ng Wika sa Social Media


Layunin:
• Natutukoy ang mga angkop na salita, pangungusap ayon sa konteksto ng
paksang napakinggan sa mga balita sa radyo at telebisyon
• Natutukoy ang iba’t iabng paggamit ng wika sa nabasang pahayag mula sa mga
blog, social media posts, at iba pa.

Panimula
1. Bakit kinakailangang maging responsible sa paggamit ng social media?
2. Anu-ano ang epekto nito sa pag-iisip ng mga karaniwang mamamayan?

Pagtalakay
Ano nga ba ang Social Media? Ang social media ay mga website at applications na ating
ginagamit sa tulong ng Internet kung saan ito ang koneksyong dumadaloy sa
mga kompyuter.Sa paglipas ng panahon ay dumarami ang mga nahihikayat na gumamit ng social
media mapabata man o matanda.

Ang Social Media ay ginagamitan ng iba’t ibang wika ngunit ano nga ba ang naitutulong ng
wika sa Social Media? Ano ano ang kontribusyon ng wika sa Google, Facebook, Twitter at iba
pang mga websites sa Social Media?
1. Unang una sa lahat, ang wika ay ang siyang makinarya o instrumento para sa
pakikipagugnayan ng tao. Pinadadali nito ang paghahatid ng mga mensahe natin sa
ating mga kaibigan o mahal sa buhay na hindi natin kapiling.
2. Wika ang siyang dahilan kung bakit tayo ay nakakakuha ng
mga mahahalagang impormasyon at kahulugan ng mga bagay bagay sa mundong
ito.Maaaring tungkol sa siyensa,matematika,panlipunan,at iba pa. Nagsisilbi itong
paraan upang tayo ay makakuha ng mga kaalaman at makibalita sa mga pangyayari
na nagaganap saan mang parte ng mundo na siyang magiging gabay natin sa
pamumuhay sa pang araw araw.
3. Dahil sa wika sa social media ay malayang nakakapagpahayag ng
damdamin,opinyon,pananaw,ideya at kaisipan ang mga tao na maaaring makatulong
sa ating mga kapwa o sa ating lipunan.

Ito ang ilan sa mga sitwasyon na nagpapakita ng gamit ng wika sa Social Media:
1. Ang mga OFW, mga mahal natin sa buhay na hindi natin nakakapiling – dahil sa
wika ay makakausap natin sila at makakamusta kahit sila ay nasa malayong lugar.
Maaari kang makabalita at makapagbigay ng impormasyon.
2. Sa hanapbuhay – maaari kang kumita ng pera dahil sa wika, maipapakila mo ang
iyong produkto sa mabilis at madaling paraan. Makakausap mo din ang iyong mga
kliente ng walang kahirap hirap. At magagamit mo ang wika upang mas lalong
mahikayat ang mga tao na bumili sa iyo. Dahil sa wika ay pwede ka din makahanap ng
trabaho na pwede mong mapasukan.
3. Sa pag aaral – sa pagkuha ng impormasyon para sa iyong takdang aralin, sa pagkuha
ng mga bagong kaalaman, sa pagpapahayag ng iyong mga ideya sa mga iba’t ibang
aspekto sa buhay.
4. Sa pamumuhay – maaari kang magbahagi ng iyong mga kaalaman ukol sa mga bagay
bagay. Makakakuha ka din ng mga gabay at impormasyon na makakatulong sa iyong
mga gawain o mga aktibidad sa buhay.
5. Pagbabalita – Sa labas o loob man ng bansa, makakakuha ka ng balita tungkol sa mga
nangyayari, dahil dito maaari kang makapagbigay ng solusyon at makatulong sa mga
problema ng bansa o mundo at maikalat ang balita.
https://iamalayne.wordpress.com/2016/10/03/gamit-ng-wika-sa-social-media/

Gawain A
Basahin ang teksto at sagutan ang mga sumusunod na katanungan pakatapos.
1. Batay sa pagpapakahulugan ng slacktivism sa artikulo, slacktivist ka ba? Ipaliwanag ang iyong sagot.
2. Paano mo ginagamit ang iyong facebook, Twitter, o Instagram account?
3. Batay sa mga naitalang layunin, tingin mo ay nagagamit mo sa tamang dahilan at pamamaraan ang social
media? Pangatwiran.
4. Mahalaga bang gamitin ang wikang Filipino sa social media?
5. Sa tingin mo ba ay nagagamit nang wasto ang social media upang ipalaganap ang kahalagahan ng
wikang pambansa? Pangatuwiranan.

You might also like