You are on page 1of 6

TXTBK + QUALAS

SANAYANG PAPEL Blg.7


Textbook based instruction
SA FILIPINO 10
paired with MELC-Based
Quality Assured Learner’s
Kwarter 2 Linggo 7
Activity Sheet (LAS)

Pangalan: ____________________________Baitang at Pangkat: _____________________


Guro: _______________________________Petsa ng Pagpasa : _________________________

MELC 1: Nabibigyang-puna ang mga nababasa sa mga social media (pahayagan, TV, internet tulad ng fb,
e-mail, at iba pa) F10PB-Iii-j-79
MELC 2: Natutukoy at nabibigyang-kahulugan ang mga salitang karaniwang nakikita sa social media
F10PT-IIg-h-75
MELC 3:Natutukoy ang mga popular na anyo ng panitikan na karaniwang nakikita sa mga social
mediaF10PD-IIg-h-73
MELC 4: Naisusulat at naibabahagi sa iba ang sariling akdaF10PU-Iii-j-77
MELC 5: Nagagamit ang kahusayan sa gramatikal at diskorsal na pagsulat ng isang organisado at
makahulugang akda F10WG-Iii-j-70
Aralin: Social Media: Pagbibigay-puna, Pagbibigay-kahulugan, Pagtukoy sa mga popular na anyo ng panitikan,
Pagsulat at pagbabahagi ng akda
Sanggunian: www.google.com Pahina:

Layunin: Nakapagbabahagi ng opinyon o reaksiyon sa mga nababasa sa social media (pahayagan, TV, internet tulad
ng fb, e-mail, at iba pa)
Kasanayan Bilang: 33 Pagbibigay-puna sa Social Media Araw: 1
KONSEPTO:
Ang Social Media ay tumutukoy sa Sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay
lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga
network. Ito rin ay itinuturing na isang pangkat ng mga Internet-based na mga aplikasyon na bumubuo ng ideyolohikal
at teknolohikal na pundasyon ng Web 2.0 na nagbibigay-daan sa paglikha at pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo ng
gumagamit. Ito rin ay may interactive platform na kung saan ang isang indibidwal at mga komunidad ay maaaring
magbahagi, lumikha, tumalakay at baguhin ang nilalamang binuo ng gumagamit nito. Ito ang nagbibigay daan sa isang
matibay at malaganap na pagbabago sa komunikasyon sa pagitan ng mga organisasyon, mga komunidad at mga
indibidwal.
Ang social media ay isang tulay na nagdudugtong sa nakaraan hanggang sa kasalukuyan:
1. Sa mga taong nakapagbigay ng impluwensiya
2. Sa mga lugar na nagbigay ng masasayang alaala
3. Mga karanasang nagturo ng bagong kaalaman
4. Mga impormasyon tungkol sa makabagong teknolohiya
5. Mga balita tungkol sa mga pagbabagong makaka-impluwensiya sa hinaharap
6. Mga matututunang kaalaman na makapagpapa-unlad sa kinabukasan ng bawat isa.
 Bakit nga ba kailangang pag-aralan at unawain ang mga hakbang sa paggamit ng social media?
Ang social media ay may kaakibat na responsibilidad at dapat pag-ingatan ang paggamit nito. Ang lahat
ng sobra ay nakasasama, kadalasan pa nga nating naririnig at nababasa ang mga katagang ito “think before you click”.
(https://internetatsocialmedia.wordpress.com)
Halimbawa ng mga Social Media:
1. Facebook 6. Telebisyon
2. Twitter 7. Yahoo
3. Instagram 8. Google
4. Youtube 9. Pahayagan
5. Skype 10. Radyo

Ang mga larawang nasa ibaba ay ilan sa mga halimbawa na karaniwang mababasa o makikita sa iba’t-ibang
uri ng social media.
1
www.facebook.com

https://www.google.com https: www.youtube.com https://www.google.com

Pagsasanay 1: Pagbibigay-puna sa Social Media

Panuto: Pumili ng 2 pangyayari na kadalasang makikita o nababasa sa social media at ibigay ang iyong reaksyon o
puna sa mga sumusunod na paksa. Isulat ito sa isang buo at malinis na papel. Gawing gabay ang rubriks na nasa ibaba
sa pagsagot ng Gawain.

PAKSA 1: CYBERBULLYING
PAKSA 2: Pagbibigay ayuda sa Panahon ng Pandemya
PAKSA 3: Pagbibigay impormasyon o balita
PAKSA 4: It’s more fun in Calbayog

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
KATEGORYA Napakahusay (5pts) Mahusay (3pts) Mahina (1pt)
Nilalaman
Kaugnayan sa Tema
Paggamit ng Salita
Hikayat sa mambabasa
Kabuoan (20 pts)

Layunin: Natutukoy at nabibigyang-kahulugan ang mga salitang karaniwang nakikita sa social Media.

Kasanayan Bilang:34 Pagtukoy at Pagpapakahulugan sa Salitang Nakikita sa Social Media Araw:2


KONSEPTO:
2
Ang salitang digital natives ay tumutukoy sa mga tao o sa henerasyon na ipinanganak sa gitna ng
pagsibol ng mga digital na teknolohiya gaya ng cellphones, kompyuter, at iba pa. Kadalasan ang mga taong tinatawag
na Techie ay hindi na gaanong nahihirapan sa paghahanap ng mga impormasyon sa internet sapakat sila ay mayroong
kaalaman sa paggamit ng makabagong teknolohiya at iba’t-ibang online platforms gaya ng facebook at youtube .Ang
multimedia naman ay ang paggamit ng iba’t-ibang paraan upang makapagpadala ng impormasyon sa ibang tao gaya ng
midyang limbag at pahayagan, potograpiya, advertising, sine, pamamahayag katulad ng radyo at telebisyon
Pagsasanay 1
PANUTO: Hanapin sa Hanay B ang titik ng tamang sagot na hinihingi sa Hanay A.
Hanay A Hanay B
______1. Techie a. ipinanganak sa panahon ng pagsibol ng teknolohoiya
______2. Multimedia b. taong eksperto sa teknolohiya
______3. sa pamamagitan ng facebook c. ang pagsasama-sama ng iba’t ibang klase ng teknolohiya
______4. Kahalagahan ng youtube katulad ng audio, video, graphics, plain text, at hyperlinks
______5. nabibilang sa uri ng digital natives d. malayang humanap ng maraming kaibigan at makipagko-
munikasyon sa mga kamag-anak saan mang panig ng mundo
e. nakakapagpakita ka ng iba’t ibang videong ginawa mo o
ng ibang tao na maaaring makatulong o mang-aliw sa kanila
Pagsasanay 2. Sagot mo, ipaliwanag mo!
Panuto: Sagutin at ipaliwanag ang sumusunod na mga katanungan.
1. Magbigay ng mga kabutihan at di-kabutihang dulot ng social media.
2. Bilang isa sa mga kabataang maituturing na digital native, paano mo gagamitin ang iba’t-ibang kabutihang
dulot ng social media?

Layunin: Natutukoy ang mga popular na anyo ng panitikan na karaniwang nakikita sa mga social media

Kasanayan Bilang: 3 5 Pagtukoy ng mga Popular Na Anyo ng Panitikan sa Social Media Araw:3
KONSEPTO
Ang social media ay ginagamit upang makasagap ng mga balita sa lipunan, makahanap ng trabaho, mapalago ang
negosyo o makapagkuwentuhan sa mga kaibigan, katrabaho o maging sa hindi mo kakilala. May iba’t-ibang site ang
social media na naging bahagi na ng buhay ng bawat isa gaya ng Facebook. Ito ay isang social networking website at
serbisyo kung saan ang mga user ay maaaring mag-post ng mga komento, magbahagi ng mga larawan atbp. Dito,
hahayaan kang makita ang buhay ng mga kaibigan mo o ng kahit sinong tao at tinutulutan kang ipaalam sa kanila kung
ano ang nangyayari sa iyo. Ang Twitter naman ay nahahawig sa Facebook bagama’t mas simple ito at idinisenyong
para sa mabilis na pagkomento at pagpapaskil ng mga imahen. Ang Youtube ay isang website na nagbabahagi ng video
at nagbibigay-daan para sa mga tagagamit o user nito na mag-upload, makita at ibahagi ang mga video clip. Ang
Instagram ay isang online mobile na serbisyong photo-sharing, video-sharing at social networking na nagbibigay
pahintulot sa mga gumagamit na kumuha ng mga larawan at video at ibahagi ito sa iba’t-ibang plataporma ng social
networking. Ang Yahoo ay isang portal na nagsisilbing elektronikong pintuan patungo sa iba’t-ibang serbisyo o
website. Ang Google ang isa sa mga pangunahing social media app na ginagamit upang maghanap ng mga
impormasyon o links patungo sa ibang website. Ang Pahayagan ay isang uri ng paglilimbag na naglalaman ng mga
balita o tala tungkol sa mga kaganapan na nagyayari sa lipunan. Ang Telebisyon (TV) o tanlap (tanlaw + diglap) ay
isang sistemang telekomunikasyon para sa pagpapahayag at pagtanggap ng mga gumagalaw na mga larawan at tunog sa
kalayuan. Ito ay pangmasang panghatid, ng libangan, edukasyon,balita o pag-alok. Ang Radyo ay isang teknolohiya na
pinapahintulutan ang pagpapadala ng mga modulation ng electromagnetic waves na may frequency na mas mababa
kaysa liwanag. Ito ang ikalawa sa pinakaginagamit at pinagkakatiwalaang pagkukunan ng pampulitika at iba’t-ibang
impormasyon sa Pilipinas
Pagsasanay 1
Panuto: Tukuyin kung ano ang tawag sa mga popular na uri ng social media na nasa ibaba at ibigay ang kahalagahan
nito sa bawat tao.

1._____________________ 2.__________________

3
3.__________________ 4.__________________ 5.___________________

Pagsasanay 2
Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano sa tingin mo ang naging epekto ng social media sa tao?
2. Sa iyong palagay , bakit mahalaga ang pagsabay sa makabagong uri ng pakikipagkomunikasyong hatid ng
modernisasyon?

Layunin: Naisusulat, nagagamit at naibabahagi sa iba ang kahusayan sa gramatikal at diskorsal na pagsulat ng isang
organisado at makahulugang akda

Kasanayan Bilang: 36 Isang Akda: Isulat mo! Araw: 4


KONSEPTO:
Ang proseso sa pagsulat ay hindi lamang nakapokus sa akto ng pagsulat. Kasangkot dito ang pag-iisip,
pagtalakay, pagbabasa, pagpaplano, pag-eedit at pagsulat muli ng nabuong sulatin.
Ito ay paulit-ulit na proseso kung saan sinisimulan ang pagsulat at pagkatapos ay maaring baguhin ang
naisulat hanggang sa mabuo ang sulatin. Sa pagsulat ay dapat gumamit ng wastong bokabularyo o mga salita. Maging
maingat din sa paggamit ng mga salita na madalas katisuran o pagkamalian ng karaniwang mambabasa. Higit sa lahat,
dapat makita o mabatid ang layunin at pokus ng nilalaman ng iyong isinulat.

Pagsasanay 1

Panuto: Sumulat ng isang malayang tula o Spoken Poetry tungkol sa kahalagahan ng social media sa lipunan. Gumamit
ng matatalinghagang salita at simbolismo tungkol sa kahalagahan nito sa pagpapaabot ng iba’t-ibang impormasyon at
kasiyahang naibibigay nito sa tao. Maaring i-angkla dito ang isyu tungkol sa pandemyang COVID 19 na kinakaharap
ng ating bansa, mga kalamidad, pag-ibig sa kapwa o magulang, atbp. Mamarkahan ito batay sa sumusunod na
pamantayan:

Kayarian…………………………………….. 5 puntos
Kasiningan …………………………………. 5 puntos
Kaangkupan…………………………………5 puntos
kabuuan……………………………………..15 puntos

Susi sa Pagwawasto
SOCIAL MEDIA: Pagbibigay-Puna (mga posibleng opinyon/reaksiyon)
PAKSA 1: Cyberbullying
Ang cyberbullying ay nagiging sanhi ng makabuluhang emosyonal at sikolohikal na pagkabalisa. Dahil sa
walang humpay na pambu-bully ng iilan, nakararanas ng depression, takot at nagkakaroon ng mababang pagtingin sa
sarili ang taong nagiging biktima nito. Kung minsan bilang isang resulta, nag-uumpisa sila ng paghihiganti o
nakikibahagi sila ng paghihiganti. Ang ganitong uri ng pang-aabuso gamit ang social media ay dapat ng matigil upang
sa gayon ay maprotektahan ang pagkatao at imahe ng bawat isa at ang taong gumagawa ng ganitong uri ng krimen ay
dapat managot sa batas.
4
PAKSA 2: Pagbibigay Ayuda sa Panahon ng Pandemya
Sa pagharap ng mundo sa pandemyang hatid ng COVID 19, hindi na mabilang pa ang mga pribadong sector ng
lipunan, grupo o ng mga indibidwal ang naghahatid at nagbibigay ng ayuda o tulong pinansiyal sa lahat ng mga
naapektuhan ng nasabing virus. Ang social media ngayon ang naging tulay upang makapaghatid ng tulong sa mga
5
1. Facebook-gamit sa pakikipagkomunikasyon, pagbabahagi ng mga impormasyon at balita at napapalawak nito ang
iyong mga kaalaman sa mga bagay-bagay. Nadaragdadagan din ang bilang ng iyong mga nagiging kaibigan at
nakapagbibigay din ito ng kasiyahan sa bawat isa bata man o matanda.
2. Telebisyon- mahalaga ang pagkakaroon ng telebisyon sapagkat dito natin nalalaman ang mga mahahalagang
pangyayari na nagaganap sa loob at labas ng bansa. Nakapagbibigay din ito ng aliw at kasiyahan sa mga
manonood Nakatutulong din ito sa pagbibigay ng kalidad na kaalaman upang maisulong ang de-kalidad na
edukasyon sa buong mundo.
3. Pahayagan- Sa pagbabasa ng pahayagan, nagkakaroon tayo ng kaalaman sa mga nangyayari sa loob at labas ng
ating bansa. Mahuli man tayo sa mga bagong balita, maari parin tayong bumili at makapagbasa ng mga balitang
laman ng mga pahayagan upang sa gayon ay hindi tayo nahuhuli sa mga kaalamang dapat nating mabatid.

Pagsasanay 2
Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano sa tingin mo ang naging epekto ng social media sa tao?
Sagot:
Halos lahat na yata ng tao sa mundo ngayon ay nakadepende na ang buhay at kasiyahan sa social media.
Hindi maikakailang halos lahat ng bagay ay makikita mo na online. Maraming mga balita at impormasyon ang
makukuha mo gamit ang iba’t-ibang social media accounts. Kung may gusto kang bilhin ay kukunin mo lang ang
iyong cellphone o kompyuter at ilang pindot lang, bingo! Makikita mo na ang hinahanap mo. Kahit ang
paghahanap ng magiging katuwang sa buhay ay sa social media na inaasa. Sa pag-aaral palaging partner si social
media upang mapadali ang mga gawaing ibinibigay ng mga guro. Sa pagnenegosyo para higit na mapalago ito
ginagamit narin ang impluwensiya ng social media. Sa panahon ngayon, naging parte na ng pang araw-araw na
buhay ng tao higit lalo ng mga kabataan ang internet at social media.

2. Sa iyong palagay , bakit mahalaga ang pagsabay sa makabagong uri ng pakikipagkomunikasyong hatid ng
modernisasyon?
Sagot: Mahalaga ang pakikisabay sa makabagong uri ng pakikipagkomunikasyon hatid ng modernisasyon upang
hindi ka mapag-iwanan ng panahon at gayundin upang matulungan ang iyong sarili na maging maunlad at
kapakipakinabang na miyembro ng lipunan laban sa mapanghamon na globalisasyon. Ang mga kagandahang
dulot nito ay dapat lamang gamitin sa tama at huwag abusuhin dahil ito ay nilikha rin ng tao upang mapabuti ang
uri ng pamumuhay na mayroon tayo hindi upang makasira o sumira ng buhay ng ibang tao.

You might also like