You are on page 1of 14

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADO 10
IKALAWANG MARKAHAN
ARALIN 2.8
Panitikan : Pangwakas na Gawain
Paglalathala sa Social Media ng Sariling Akda
Bilang ng Araw : 7 na Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN


PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN-IIg-h-75)
 Matalinong nakikinig upang makalahok sa mapanuring talakayan sa
klase.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB-IIj-79)


 Nabibigyang-puna ang mga nababasa sa mga social media
(pahayagan, TV, internet tulad ng fb, e-mail at iba pa.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-IIg-h-75)


 Natutukoy at nabibigyang-kahulugan ang mga salitang karaniwang
nakikita sa social media.

PANONOOD (PD) (F10PD-IIg-h-73)


 Natutukoy ang mga popular na anyo ng panitikan na karaniwang
nakikita sa social media.

PAGSASALITA (PS) (F10PS-IIi-j-77)


 Naibabahagi ng buong sigla ang inilathalang sariling akda.

PAGSULAT (PU) (F10PU-IIi-j-77)


 Naisusulat ang sariling akda at nailalathala ito sa alinmang social
media

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10WG-IIIi-j-70)


 Nagagamit ang kahusayan sa gramatikal at diskorsal na pagsulat ng
isang organisado at makahulugang akda.

Ikalawang Markahan| 137


TUKLASIN
I. LAYUNIN

PANONOOD (PD) (F10PD-IIg-h-73)


 Natutukoy ang mga popular na anyo ng panitikan na karaniwang
nakikita sa social media.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-IIg-h-75)


 Natutukoy at nabibigyang-kahulugan ang mga salitang karaniwang
nakikita sa social media.

II. PAKSA

Panitikan : Pangwakas na Gawain


Paglalathala sa Social Media ng Sariling Akda
Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon 2015
nina Villma C. Ambat et.al.
Bilang ng Araw : 2 na Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya: Guess the Logo!

Tamang Sagot:
 FACEBOOK
 TWITTER
 YOUTUBE
 GOOGLE

Ikalawang Markahan| 138


Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: PICK A LOGO!
a. Ano-anong katawagan at maiuugnay na salita ang maibibigay sa mga
sumusunod na larawan?
b. Isa-isahin ang mga kabutihan at di-kabutihang dulot nito.

2. Pokus na Tanong

Paano nakatutulong ang paggamit ng iba’t ibang social media sa


pagkakaroon ng komunikasyon?

3. Presentasyon

Pag-iisa-isa sa mga mahahalagang impormasyon tungkol sa


paggamit ng mga sumusunod na social media:

https://www.youtube.com/watch?v=qg353hizG2I
https://www.youtube.com/watch?v=Hj1ZLgvsOPk
https://www.youtube.com/watch?v=SyN6DkeQDjs
https://www.youtube.com/watch?v=jHKX17A3XZQ

 Facebook
 Twitter
 Google
 Youtube

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: PASS THE QUESTION
a. Talakayin ang mga datos na napanood sa video.
b. Matapos mabatid ang mga impormasyon, paano ito makakatulong sa
iyo bilang isang mag-aaral?

ANALISIS

1. Bakit kailangang pag–aralan at unawain ang mga hakbang sa paggamit


ng social media?
2. Ano-ano ang kabutihan at di-kabutihang hatid ng iba’t ibang social
media?
3. Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga sumusunod:
APPLICATION PAGKAKATULAD PAGKAKAIBA
Facebook
Google
Twitter
Youtube

Ikalawang Markahan| 139


 Pagbibigay ng Input ng Guro

D A G D A G K A A L A M A N - (F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

Hindi kapani-kapaniwala ang bilis ng paglaganap ng impluwensya ng


social media sa buhay ng mga Pilipino. Pinagtitibay lang nito ang isang aspeto
ng kultura natin, ang pagpapa-halaga natin sa pakikipag-ugnayan.

Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa


mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng
impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network. Ito
rin ay itinuturing na isang pangkat ng mga Internet-based na mga aplikasyon
na bumubuo ng ideyolohikal at teknolohikal na pundasyon ng Web 2.0 na
nagbibigay-daan sa paglikha at pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo ng
gumagamit.

Bukod dito, ang social media ay may interactive platform na kung saan
ang isang indibidwal at mga komunidad ay maaaring magbahagi, lumikha,
tumalakay at baguhin ang nilalamang binuo ng gumagamit. Ito ang nagbibigay
daan sa isang matibay at malaganap na pagbabago sa komunikasyon sa
pagitan ng mga organisasyon, mga komunidad at mga indibidwal.

Pinatunayan na natin ito dati pa sa mga naging popular na paraan ng


komunikasyon gaya ng pagte-text, pagbisita sa mga yahoo chat rooms,
pakikipag-talastasan sa mga online forums at sa pagtambay sa facebook.
Ngayon ay laman tayo ng blogs, twitter, facebook at iba pang social
networking sites. Basta isang website ang may komunikasyong maaaring
gawin. Kung kaya’t hindi nakakapagtaka na napakataas ng porsyento ng mga
online na Pinoy sa social networks.

Ang social media ay isang tulay na nagdudugtong sa nakaraan


hanggang kasalukuyan:
1. sa mga taong nakapagbigay ng impluwensya
2. sa mga lugar na nagbigay ng masasayang alaala
3. mga karanasang nagturo ng bagong kaalaman
4. mga impormasyon tungkol sa makabagong teknolohiya
5. mga balita tungkol sa mga pagbabagong makaka-impluwensya sa
hinaharap
6. mga matututunang kaalaman na makapagpapa-unlad sa aking
kinabukasan

Ikalawang Markahan| 140


Pinalawak, pinadali, pinatipid ng social media ang paraan ng
komunikasyon at pagbabahagi ng impormasyon. Isang mabuting bagay ito
para sa ating mga gumagamit, subalit gaya ng kasabihan, “Ang lahat ng
sobra ay masama.”
Ang social media ay may kaakibat na responsibilidad at maingat na
paggamit upang hindi mapinsala at huwag makapinsala.

Sanggunian: https://thepinoysite.com/2012/10/07/social-media-at-ang-modernong-pilipino/
http://www.freelancepilipinas.org/2013/06/ano-ang-social-media.html

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: WHAT’S ON YOUR MIND?


Magbigay interpretasyon sa sumusunod na larawan patungkol sa
kahalagahang dulot ng paggamit ng social media.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: POST IT ON!


Bilang isang kabataan, paano mo hihikayatin ang iyong kapwa sa
paggamit ng social media sa mabuti at makabuluhang paraan?

IV. KASUNDUAN

1. Humanap ng iba’t ibang larawan na maiuugnay sa paksang “Epekto ng


Social Media sa Tao”.
2. Humanda sa pangkatang gawain.

Ikalawang Markahan| 141


LINANGIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN-IIg-h-75)


 Matalinong nakikinig upang makalahok sa mapanuring talakayan sa
klase.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB-IIj-79)


 Nabibigyang-puna ang mga nababasa sa mga social media
(pahayagan, TV, internet tulad ng fb, e-mail at iba pa.

II. PAKSA

Panitikan : Pangwakas na Gawain


Paglalathala sa Social Media ng Sariling Akda
Kagamitan : Powerpoint Presentation, Pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon 2015
nina Vilma C. Ambat et.al.
Bilang ng Araw : 2 na Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari

Panimulang Gawain
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya: LET’S GET READY!


Pagpapabasa ng ilang ibinahaging katha sa alinmang social
media. (pahayagan, TV, internet tulad ng fb, e-mail at iba pa)

https://www.youtube.com/watch?v=1TWHsiMYSxw

Ikalawang Markahan| 142


Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: STOP THE MUSIC
a. Ano-ano ang paksa ng binasang katha?
b. Paano naipakita ng may akda ang kasiningan ng kanyang isinulat?

2. Presentasyon

Ano-ano ang dapat isaalang-alang sa paggamit ng makabagong


teknolohiya bilang komunikasyon?

3. Pangkatang Gawain

Mungkahing Estratehiya: MANNEQUIN WITH A TWIST


CHALLENGE!
Gumawa ng senaryo at magbigay ng reaksiyon o puna sa
mga sumusunod na paksa:
PANGKAT I: Cyber Bullying
PANGKAT II: Mass Communication/Socialization
PANGKAT III: Online Games Addiction
PANGKAT IV: Facebook Depression

Pamantayan sa Pagmamarka
(Tingnan ang inihanda ng guro)

Kailangan
Katamtamang
Napakahusay Mahusay pang
Mga Kategorya Husay
10-9 8-7 Paghusayin
6-5
4-1
Lahat ng
Ang mga May mga datos inilahad ay
datos/gawain ay Angkop ang /gawain na hindi higit na
Kaangkupan sa
inilahad ay datos /gawaing gaanong nangangaila-
Task/Layunin
nagpapakikita ng inilahad. nagpapakita ng ngan ng
kaangkupan . kaangkupan. kaangkupan
sa gawain.
Napakahusay ng Mahusay ang Maliwanag ang
Hindi malinaw
ginawang ginawang ginawang
ang ginawang
Kalinawan ng pagpapaliwanag/ pagpapaliwanag pagpapaliwanag
pagpapakita
Presentasyon pagkakabuo ng / pagkakabuo ng / pagkakabuo
ng mensaheng
mensaheng mensaheng ng mensaheng
nais ipabatid.
ipinababatid. ipinababatid ipinababatid.

Ikalawang Markahan| 143


Halos lahat
ng miyembro
Ang lahat ng ng pangkat
miyembro ng ay walang
Dalawa sa
pangkat ay disiplina.
miyembro ng
nagkakaisa at Hindi maayos
May pangkat ay
may respeto sa ang
pagkakaisa at hindi maayos
isa’t isa. presentasyon
pagtutulungan na nakikilahok
Napakaayos ng .
ang bawat sa
kanilang Nangangaila-
Kooperasyon miyembro. gawain.Maayo
ipinakitang ngan ng
Maayos ang s ang ipinakita
presentasyon disiplina at
ipinakitang nilang
dahil lahat ng respeto sa
presentasyon presentasyon
miyembro ay bawat
ng bawat isa. at may
kumikilos sa isa.Kailangan
respesto sa
gawaing lahat ng
bawat isa.
nakaatang sa miyembro ay
bawat isa. nakikipagtulu
-ngan sa
gawain.
Malikhain at Walang
Napakamalikhain
mahusay ang buhay ang
at napakahusay Maayos na
pagpapalutang ipinakitang
Pagkamalikha ng pagpapalutang napalutang
sa nais pagpapalutan
in/ Kasiningan sa nais ipabatid ang ideya na
ipabatid na g ng
na mensahe/ nais ipabatid.
mensahe/ mensahe /
impormasyon
impormasyon. ideya.
 Pagtatanghal ng pangkatang gawain
 Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang
gawain
 Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na
nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa
rubriks na ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Ano-ano ang dapat isaalang-alang sa paggamit ng makabagong


teknolohiya?
2. Paano nakatulong ang ginawang pagtatanghal upang lubusang
maunawaan ang mga isyung kaakibat sa paggamit ng social media?

Ikalawang Markahan| 144


 Pagbibigay ng Input ng Guro
D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

Mahalagang isaalang-alang na marami sa mga gumagamit ng internet


ang patuloy na gumugugol ng oras para bisitahin ang maraming mga site ng
social media kaysa sa anumang iba pang uri ng site. Sa panahon ngayon, hindi
na bago sa atin ang katotohanang malaki ang naiaambag ng social media sa
ikauunlad ng anumang aspeto ng buhay ng isang tao.

Ang pangunahing benepisyo ng social media ay ang kakayahan nito na


magbigay ng pagkakataon sa gumagamit na makipag-ugnayan sa maraming
tao malapit man o malayo sa iyo.Nangangahulugan ito na maaari kang
mailantad sa isang mas malayo, mas malawak na hanay ng mga opinyon.
Bilang karagdagan, magagawa mong ibahagi ang iyong opinyon sa mas
maraming mga tao kahit saan mang bahagi ng mundo. Dito ay maaari mo ring
limitahan ang mga tao na mayroong parehong opinyon at paniniwala sa iyo at
limitahan ang mga taong gusto mong makatransaksyon.
Sanggunian: http://www.freelancepilipinas.org/2013/06/ano-ang-social-media.html
https://www.youtube.com/watch?v=qg353hizG2I

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: DUGTUNGAN MO…

Ang mga dapat isaalang-alang sa paggamit ng makabagong


teknolohiya ay __________________________________.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: ROUND TABLE DISCUSSION

1. Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang pagsabay sa makabagong


teknolohiyang hatid ng modernisasyon?
2. Magbahagi ng ilang mga karanasan patungkol sa paggamit ng
makabagong teknolohiya.

Ikalawang Markahan| 145


4. Ebalwasyon

Panuto: Piliin ang letra ng may wastong kasagutan sa bawat bilang.


1. “Walang imposible, basta maniwala ka lang sa sarili mo”.
-Mister Banatero
Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag?
a. Magkaroon ng negatibong pananaw sa buhay.
b. Magtiwala sa sarili na hindi kayang magtagumpay sa
anumang gawain.
c. Maging postibo sapagkat sarili mo ang unang magtitiwala
na kaya mo pala.
d. Sumuko at talikuran ang problema.

2. “Huwag na huwag kang hahawak ng iba, kapag alam mong


may hawak ka na”. -Bob Ong
Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag?
a. Makuntento sa isang iniibig.
b. Mangolekta ng mamahalin.
c. Bitawan mo ang mga nanakit sa iyo.
d. Kumapit sa mahal mo sapagkat hindi ka niya bibitawan.

3. Ito ang produkto sa pagsasaliksik ng iba’t ibang impormasyon sa


social media.
a. Kamangmangan c. Katamaran
b. Kaalaman d. Kagandahang-asal

4-5. Ang mga sumusunod ay negatibong epekto ng paggamit ng


social media maliban sa dalawa:
a. Pakikipag-uganayan sa ibang tao
b. Promosyon sa trabaho
c. Pagkahumaling sa Online Games
d. Kakulangan ng atensyon sa Pag-aaral

Susi sa Pagwawasto:

1. C 2. A. 3. B. 4-5. A & B

Index of Mastery

SEKSYON Blg. ng Mag-aaral INDEX

Ikalawang Markahan| 146


IV. KASUNDUAN

1. Gumawa ng maikling sanaysay tungkol sa paksang “Ang Makabagong


Teknolohiya”.
2. Humanda sa pagsulat ng Awtput 2.8.

Ikalawang Markahan| 147


ILIPAT
I. LAYUNIN

PAGSASALITA (PS) (F10PS-IIi-j-77)


 Naibabahagi ng buong sigla ang inilathalang sariling akda.

PAGSULAT (PU) (F10PU-IIi-j-77)


 Naisusulat ang sariling akda at nailalathala ito sa alinmang social
media.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 2.8


Kagamitan : Pantulong na biswal, Powerpoint Presentation
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon 2015
nina Vilma C. Ambat et.al.
Bilang ng Araw : 3 na Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Pagpapanuod ng isang videoclip.


https://www.youtube.com/watch?v=he7BN1ZyqM8

ANALISIS

1. Ano ang paksa ng napanood na video?


2. Ano-anong katangian ang dapat mong taglayin upang
mapagtagumpayan ang isang gawain?

Ikalawang Markahan| 148


ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: WORD OF THE DAY!


Bawat mag-aaral ay magsusulat ng tig-iisang salita na tumatalakay
sa pangkalahatang natutunan sa aralin at magbibigay patunay.

APLIKASYON

GOAL - Naisusulat ang sariling akda at nailalathala ito sa alinmang social


media.

ROLE - Isa kang manunulat/mamahayag sa panlingguhang magasin.

Isa ka sa mga mag-aaral na manunulat ng pahayagan sa inyong


AUDIENCE - Mga mamamayang gumagamit ng social media.
paaralan.

SITUATION - Nais mong makilala ang inyong publication ng nakararami.


Isa ka sa mga mag-aaral na manunulat ng pahayagan sa inyong
paaralan.
PRODUCT - Alinman sa tula, dagli, maikling kwento o sanaysay

Isa ka sa mga mag-aaral na manunulat ng pahayagan sa inyong


paaralan.
STANDARD - Pamantayan sa Pagmamarka:

A. Kasiningan - orihinal ang estilo ng pagsulat at pagkabuo


B. Kaangkupan - totoo ang ipinakitang paksa
Isa ka sa mga mag-aaral na manunulat ng pahayagan sa inyong
C. Kawastuan - wasto at angkop na gamit ng gramatika at
paaralan. retorika
D. Kawilihan - hikayat sa manonood / nakaaaliw

Ikalawang Markahan| 149


Pamantayan sa Pagmamarka
(Tingnan ang inihanda ng guro)

Mga Kailangan pang


Napakahusay Mahusay
Kategorya paghusayin
8- 10 7-6
5-4

May orihinal ang


Orihinal ang estilo
Kasiningan estilo ng Di masyadong
ng pagkakasulat
pagkakasulat at orihinal ang
pagkakabuo
pagkakabuo
Napakatotoo at
Totoo at tunay Naipakita ang
tunay na tunay ang
Kaangkupan ang ipinakitang kagandahan ng
ipinakitang
kagandahan ng kultura ng isang
kagandahan ng
kultura ng bansa. bansa.
kultura ng bansa.
Talagang May kawastuan
Wasto at angkop
napakawasto at kaangkupan
Kawastuan ang gramatika at
at angkop na angkop ang gramatika at
retorikang
ang gramatika at retorikang
ginamit.
retorikang ginamit. ginamit.
Sobrang nakakawili
Kawilihan Nakakawili sa May kawilihan sa
ang ginawang
mga manonood. manonood.
pagtatanghal

 Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.


 Pagbabasa ng ilang piling awtput na kinakitaan ng kahusayan
sa pagkakasulat.

IV. KASUNDUAN

1. Humanda sa pamanahunang pagsusulit.


2. Magsaliksik ng impormasyon tungkol sa kahalagahan ng mga akdang
pampanitikang mula sa bansang Africa at Persia.
3. Basahin at unawain ang mitolohiya mula sa Kenya, “Liongo”.
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles (p.245)

Ikalawang Markahan| 150

You might also like