You are on page 1of 36

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10

(11:00-12:00 Diamond)
(3:00-4:00 Sapphire)
___________________________

Bilang ng Sesyon: 4

I. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

a. Paksa

Panitikan
 Mga Diyos at Diyosa ng Mitolohiyang Griyego at Romano
 “Cupid at Psyche”
(Mitolohiya mula sa Rome Italy)
Isinalaysay ni Apuleius
(Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat)
pahina 14-20
 Nagkaroon ng Anak sina Bugan at Wigan
(Mitolohiya Mula sa Ipugaw)
Muling isinalaysay sa Ingles ni Maria isa B. Aguilar-Cariño
Isinalin ni Vilma C. Ambat

Gramatika at Retorika
 Mga Pandiwang Ginagamit sa Pagpapahayag ng Aksiyon,
Karanasan at Pangyayari

b. Sanggunian
 Grade 10 Learning Module sa Filipino
 www.googlesearch.com
 www.youtube.com

c. Kagamitan
 Laptop
 Aklat
 Speaker
 Power Point Presentation ng ilang mga diyos at diyosa ng
mitolohiyang Romano at Griyego
 Video Clip tungkol sa mga katangian at katungkulan ng mga diyos at
diyosa ng mitolohiyang Romano at Griyego

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO

a. Estratehiya sa Pag-aaral (Tuklasin at Linangin)


- Naisasagawa ang sistematikong pananaliksik tungkol sa
impluwensiya ng mitolohiya sa panitikan, kultura at wika sa
buong daigdig.
b. Panonood (Linangin)
- Nasusuri ang kalakasan at kahinaan ng tauhan sa
napanood na powerpoint presentation ng mitolohiya
(cartoon)

c. Paglinang ng Talasalitaan (Linangin)


- Naibibigay ang kaugnay na kahulugan ng salita batay sa
konteksto ng binasang mitolohiya.
- Nakabubuo ng makabuluhang pangungusap gamit ang
ilang salita mula sa mitolohiya.

d. Pag-unawa sa Binasa
(Linangin)
- Naipaliliwanag kung bakit may mga katangian ang mga
tauhan sa mitolohiya na gusto at ayaw tularan

(Pagnilayan at Unawain)
- Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda sa
nangyayari sa: sarili, pamilya, pamayanan, lipunan at
daigdig

e. Gramatika at Retorika

(Linangin)
- Nagagamit ang angkop na pandiwa sa pagpapahayag ng
aksiyon, karanasan, at pangyayari sa pagsasalaysay ng
mito o ng mga kauri nito.

(Pagnilayan at Unawain)
- Napatutunayang nakakatulong ang pandiwa sa mabisang
pagpapahayag ng aksiyon, karanasan at pangyayari.

f. Pagpapahalaga (Linangin)
- Napapahalagahan ang matalinong pagpapasiya sa buhay.

g. Pagsulat (Linangin)
- Naisusulat sa pamamagitan ng muling pagsasalaysay ang
nasaliksik na mito o kauri nito.

h. Pagsasalita (Ilipat)
- Naisasalaysay ang nasaliksik na mito o kauri nito.

PAMAMARAAN

1. Panimulang Gawain

A. Panalangin
B. Pagkuha ng Liban sa Klase
2. Paglinang sa Aralin

A. Paglalahad (Tuklasin)
Magkakaroon ng malayang talakayan tungkol sa mga tauhan ng
Gawain 1 kung gaano nila ito kakilala sa tulong ng character webbing.
Hahayaan ang mga mag-aaral na magbahagi ng kanilang mga sagot at
ideya.

Ipapakita ng guro ang powerpoint presentation ng mga diyos at


diyosa, matapos ang talakayan, itatanong ng guro ang mga sumusunod na
tanong?
- Ano ang napansin ninyo sa tauhan ng mitolohiya?
- Paano ninyo ilalarawan ang mga tauhan sa mitolohiya?
Pipili ng isa sa mga diyos at diyosa ang mga mag-aaral at
magbibigay sila nghinuha kung ano-ano ang maaring kahinaan at kalakasan
nito sa tulong ng character profile.

Papangkatin ang klase sa lima. Bibigyan sila ng sampung minuto


upang maibahagi ng bawat isa ang kanilang mga sagot batay sa Gawain 2.
(Alam-Nais-Natutuhan), kolum A at B (saka na sasagutin ang C pagkatapos
ng aralin). Pipiliin ng bawat pangkat ang mga sagot na hindi
magkakapareha upang makabuo ng maraming ideya. Isulat ang mga
nakuhang sagot sa isang manila paper o bond paper at ipaskil ito sa
alinmang bahagi ng silid.

B. KASUNDUAN
Pagyayamanin ng mga mag-aaral ang kanilang mga sagot upang
mas lalong mabigyang-diin nito. Kailangang kinabukasan ay nakapaskil na
sa pisara ang pinagyaman/nirebisang sagot.

Inihanda ni:

CHARLOU MAE S. SARTE


Guro I

Noted by:

NOEL P. MAMAC
School Head
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10
(11:00-12:00 Diamond)
(3:00-4:00 Sapphire)
___________________________

Bilang ng Sesyon: 4

I. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

b. Paksa

Panitikan
 “Cupid at Psyche”
(Mitolohiya mula sa Rome Italy)
Isinalaysay ni Apuleius
(Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat)

Gramatika at Retorika
 Mga Pandiwang Ginagamit sa Pagpapahayag ng Aksiyon,
Karanasan at Pangyayari

c. Sanggunian
 Grade 10 Learning Module sa Filipino
 www.googlesearch.com

d. Kagamitan
 Print out ng “Cupid at Psyche” ni Apuleius na Mitolohiya mula sa
Rome Italy at isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
 Power Point Presentation ng ilang diyos at diyosa na nabanggit sa
mitolohiya

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO

a. Estratehiya sa Pag-aaral (Tuklasin at Linangin)


- Naisasagawa ang sistematikong pananaliksik tungkol sa
impluwensiya ng mitolohiya sa panitikan, kultura at wika sa
buong daigdig.

b. Panonood (Linangin)
- Nasusuri ang kalakasan at kahinaan ng tauhan sa
napanood na powerpoint presentation ng mitolohiya
(cartoon)

c. Paglinang ng Talasalitaan (Linangin)


- Naibibigay ang kaugnay na kahulugan ng salita batay sa
konteksto ng binasang mitolohiya.
- Nakabubuo ng makabuluhang pangungusap gamit ang
ilang salita mula sa mitolohiya.
d. Pag-unawa sa Binasa
(Linangin)
- Naipaliliwanag kung bakit may mga katangian ang mga
tauhan sa mitolohiya na gusto at ayaw tularan
(Pagnilayan at Unawain)
- Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda sa
nangyayari sa: sarili, pamilya, pamayanan, lipunan at
daigdig

e. Gramatika at Retorika
(Linangin)
- Nagagamit ang angkop na pandiwa sa pagpapahayag ng
aksiyon, karanasan, at pangyayari sa pagsasalaysay ng
mito o ng mga kauri nito.
(Pagnilayan at Unawain)
- Napatutunayang nakakatulong ang pandiwa sa mabisang
pagpapahayag ng aksiyon, karanasan at pangyayari.

f. Pagpapahalaga (Linangin)
- Napapahalagahan ang matalinong pagpapasiya sa buhay.

g. Pagsulat (Linangin)
- Naisusulat sa pamamagitan ng muling pagsasalaysay ang
nasaliksik na mito o kauri nito.

h. Pagsasalita (Ilipat)
- Naisasalaysay ang nasaliksik na mito o kauri nito.

PAMAMARAAN

3. Panimulang Gawain

A. Panalangin
B. Pagkuha ng Liban sa Klase

4. Paglinang sa Aralin

C. Paglalapat (Linangin)
Ipoproseso ang sagot ng mga mag-aaral upang mabigyang-diin ang
mahahalagang kaisipan na nakapaloob sa mitolohiya at lubos nilang
makilala ang pagkakatulad ng katangian ng mga diyos at diyosang tauhan
sa kalikasan ng tao.

Kikilalanin na isa-isa ang ilan sa mga diyos at diyosa na napanood sa


power point presentation para malaman ng mga mag-aaral ang kalakasan,
kahinaan at katangian ng mga ito. Magkakaroon ng malayang talakayan.
Sasagutin ng mga mag-aaral ang Gawain 6 at 7 at pipili lamang ang
guro ng iilang mga mag-aaral na magbabahagi ng kanilang mga sagot sa
klase. Pahapyaw na tatalakayin ang kanilang mga sagot upang magkaroon
ng malawak na kaalaman at pag-unawa ang buong klase.

Babasahin ng guro ang akdang Cupid at Psyche at gagawin ng mga


mag-aaral ang Gawain 8 kung saan sususriin ng mga mag-aaral ang
masasalamning kulturang Romano sa akdang napakinggan at susuriin ang
pagkakahawig nito sa kultura ng mga Pilipino.

Tatalakayin ang mga pandiwang ginamit sa pagpapahayag ng


aksiyon, karanasan at pangyayari. Muling babalikan ang tekstong
napakinggan at suriin ang mga pandiwang ginamit dito.

C. KASUNDUAN
Sagutin ang mga sumusunod sa buong papel.
- Pagsasanay 1
- Pagsasanay 2
- Pagsasanay 3

Inihanda ni:

CHARLOU MAE S. SARTE


Guro I

Noted by:

NOEL P. MAMAC
School Head
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10
(11:00-12:00 Diamond)
(3:00-4:00 Sapphire)
_____________________

Bilang ng Sesyon: 4

I. LAYUNIN

a. Nalalaman ng mga mag-aaral ang mga elemento ng mitolohiya at kaibahan


ng mitolohiyang Romano/Griyego at mitolohiyang Pilipino.
b. Nakikilala ang mga Diyos at Diyosa ng Mitolohiya ng Pilipinas at ang iba
pang nilalang na parte na ng kultura’t tradisyon ng mga Pilipino.
c. Nasasabi ang kaibahan ng mitolohiya sa epiko.
d. Nakapapanood ng dalawang video (2) na halimbawa ng kuwentong bayan
sa Pilipinas na pinamagatang, “Si Pilandok: Ang Bantay-Gubat” at “Si
Pilandok At Ang Mga Buwaya”
e. Nakapagbibigay ng halimbawa ng alam na mito.
f. Nakapagbibigay ng buod sa halimbawang mito.

II. NILALAMAN

a. Paksa
 “Ang Mitolohiya at ang Mga Elemento Nito”

b. Sanggunian
 Aklat sa Grade 10 Filipino
 www.googlesearch.com
 www.youtube.com
 www.slideshare.com

c. Kagamitan
 Video ng buod ng “Cupid at Psyche”
 Video ng Epiko ng mga Ipugaw: “Hudhud”
 Print out ng “Ang Mitolohiya at ang Mga Elemento Nito”
 Power Point Presentation ng “Ang Mitolohiya at ang Mga Elemento
Nito”
 Power Point Presentation ng “Mitlohiya sa Pilipinas”
 Video ng “Si Pilandok: Ang Bantay-Gubat” (Halimbawa ng
Kuwentong-bayan sa Pilipinas.
 Video ng “Si Pilandok At Ang Mga Buwaya” (Halimbawa ng
Kuwentong-bayan sa Pilipinas.

III. PAMAMARAAN

1. Panimulang Gawain

A. Panalangin
B. Pagkuha ng Liban sa Klase
C. Paalala
Tatanungin ng guro ang tungkol sa kanilang peryodikal na proyekto

D. Balik-Aral
Papanoorin ng guro ang mga mag-aaral ng video ng Cupid at Psyche
at matapos mapanood ang video ng budo ng mito ay itatanong ng guro ang
mga sumusunod na katanungan:
1. Sino-sino ang mga tauhan sa Cupid at Psyche?
2. Ano ang mga alam ninyong kuwentong mito bukod sa Cupid at
Pyche?

2. Paglinang sa Aralin

A. Paglalahad
Ilalahad ng guro ang kahulugan ng mito at ang mga elemento nito
sa papamagitan ng isang powerpoint presentation. Magkakaroon ng
malayang talakayan tungkol sa kahulugan ng mito at ang mga elemento
nito.

B. Pagsusuri
Susuriin ng mag-aaral ang kaibahan ng mito sa epiko, manonood
ang mga mag-aaral ng halimbawang epiko ng Pilipinas, “ Epiko ng Mga
Ipugaw: Huhdhud”. Ikokompara ng mga mag-aaral kung ano ang
kaibahan ng epiko sa mito base sa dalawang video na kanilang napanood.

C. Paglalahat
Magkakaroon ng malayang talakayan tungkol sa napanood na video.
Magbibigay ang mga mag-aaral ng mga puna tungkol sa napanood na
dalawang video. Isasalaysay nila ang kanilang mga puna, maaaring
kalakasan, kahinaan o kaibahan at pagkakapareho sa nilalaman ng
dalawang magkaibang video partikular sa tauhan, tagpuan at banghay ng
kuwento.

D. Pagtataya
Magkakaroon ng pagsusulit tungkol sa mga natalakay na paksa.

Inihanda ni:

CHARLOU MAE S. SARTE


Guro I

Noted by:

NOEL P. MAMAC
School Head
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10
(11:00-2:00 Diamond)
(3:00-4:00 Sapphire)
_____________________

Bilang ng Sesyon: 4

I. LAYUNIN

a. Nakababasa ng halimbawa ng mitolohiya ng Pilipinas na pinamagatang


“Nagkaroon ng Anak sina Bugan at Wigan”
b. Nakikilala ang mga tauhan at gampanin sa mitolohiya ng Pilipinas na
pinamagatang “Nagkaroon ng Anak sina Bugan at Wigan”
c. Nasusuri ang akdang “Nagkaroon ng Anak sina Bugan at Wigan”
d. Nakikilala ang mga pandiwang ginagamit sa pagpapahayag ng Aksiyon,
Karanasan at Pangyayari.
e. Nakabubuo ng sariling pangungusap gamit ang pandiwang nagpapahayag
ng aksiyon, karanasan at pangyayari.
f. Nasusuri ang mga pangungusap gamit ang pandiwang nagpapahayag ng
aksiyon, karanasan at pangyayari.

II. NILALAMAN

a. Paksa

Panitikan
 “Nagkaroon ng Anak sina Bugan at Wigan”
(Mitolohiya mula sa Pilipinas)
Muling Isinalaysay sa Ingles ni Maria Luisa B. Aguilar Cariño
(Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat) pp. 23-24

Gramatika at Retorika
 Mga Pandiwang Ginagamit sa Pagpapahayag ng Aksiyon,
Karanasan at Pangyayari

b. Sanggunian
 Grade 10 Learning Module sa Filipino
 www.googlesearch.com

c. Kagamitan
 Aklat sa Filipino 10

III. PAMAMARAAN

1. Panimulang Gawain

A. Panalangin
B. Pagkuha ng Liban sa Klase
C. Paalala
Kukumustahin ng guro ang progreso ng kanilang peryodikal na
proyekto.

D. Pagganyak
Itatanong ng guro ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang mitolohiya?
2. Ano ang mga alam ninyong kuwentong mito bukod sa Cupid at
Pyche.

A. Paglalahad
Magkakaroon nag malayang talakayan tungkol sa mga naitanong ng
guro sa pagganyak.

B. Pagsusuri
Babasahin ng mga mag-aaral ang mitolohiya ng Pilipinas na
pinamagatang “Nagkaroon ng Anak sina Bugan at Wigan” na muling
isinalaysay sa Ingles ni Maria Luisa B. Aguilar Cariño at isinalin sa Filipino ni
Vilma C. Ambat sa kanilang Modyul sa pahina 23-24. Susuriin ng mga mag-
aaral ang akda at itatala ang mga sumusunod:
 Tauhan – mga gampanin nito
 Tagpuan – ilalarawan ang bawat tagpuan sa mito.
 Banghay – paraan ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari

Matapos makalap ang hinihinging bahagi ng mito, magkakaroon ng


malayang talakayan tungkol sa “Nagkaroon ng Anak sina Bugan at
Wigan” at sasagutin ng mga mag-aaral ang sumusunod na gawain:

1. Sino sina Wigan at Bugan batay sa mitong Ifugao?


2. Ninais ba talaga ni Bugan na mamatay? Bakit?
3. Sino-sino ang mga nilapitan ni Bugan para matupad ang kaniyang
mithi?
4. Natupad ba ang mga mithi ni Bugan? Ipaliwanag.
5. Ano ang kultura ng mga Pilipino na masasalamin sa epikong ito?
6. Paghambingin ang mga tauhan, pangyayari at mensahe sa
mitolohiyang “Cupid at Psyche” at “Nagkaroon ng Anak sina
Wigan at Bugan.”
7. Batay sa iyong nabasa, masasabi mo bang may impluwensiya na
ang mga mitolohiya ng mga taga-Rome sa, mga mitolohiya ng
Pilipinas? Pangtuwiranan ang sagot?

C. Paglalahat
Matapos ang talakayan, ilalahad ng guro ang mga pandiwang
ginagamit sa pagpapahayag ng aksiyon, karanasan at pangyayari.
Magkakaroon ng malayang talakayan tungkol dito. Ibibigay ng guro ang
sumusunod na halimbawa:

a. Naglakbay si Bugan patungo sa tahanan ng mga diyos.


b. Tumalima si Psyche sa lahat ng gusto ni Venus.
Pandiwa
a.→ Naglakbay
b.→ Tumalima
Aktor
a.→ si Bugan
b.→ si Psyche

c. Tumawa si Bumabbaker sa paliwanag ni Bugan.


d. Nalungkot ang lahat nang mabalitaan ang masamang nangyayari.

Karanasan
c.→ Tumawa
d.→ Nalungkot
Aktor
c.→ si Bumabbaker
d.→ ang lahat

e. Sumasaya ang mukha ni Venus sa nakikita niya sa paligid.


f. Nalunod ang mga tao sa matinding baha.

Pandiwa
e.→ Kumukulo
f. → Nalunod
Pangyayari
e.→ sa napangasawa ng
kaniyang anak
f.→ isang matinding baha

D. Paglalapat
Ang mga mag-aaral naman ang magbibigay ng sariling halimbawa
ng pangungusap na may mga pandiwang ginagamit sa pagpapahayag ng
aksiyon, karanasan at pangyayari.

Pagsasanay 1 (Pisarang Gawain)


Sipiin ang sumusunod na pangungusap sa talakayang kuwaderno.
Salungguhitan ang pandiwa at ikahon ang salitang nagsasaad ng aksiyon,
karanasan at pangyayari. Isulat sa patlang ang code kung ang pandiwang
may salungguhit ay ginamit bilang:
A-aksiyon
K-karanasan
P-pangyayari

______1. Ginawa ni Psyche ang lahat upang maipaglaban ang


kaniyang pagmamahal kay Cupid.
______ 2. Labis na nanibugho si Venus sa kagandahan ni Psyche.
______3. Nalungkot si Bantugan sa utos ng hari kaya minabuti niyang
lumayo na lamang.
______4. Umibig ang lahat ng kakabaihan kay Bantugan.
______5. Hindi nasiyahan si Jupiter sa ginawang pagpapahirap ni
Venus kay Psyche.
______6. Patuloy na naglakbay si Psyche at pinipilit na makuha ang
panig ng mga diyos.
______7. Lalong sumidhi ang pagseselos niya kay Psyche.
______8. Ibinuhos niya sa harap ni Psyche ang isang malaking
lalagyan ng puno.
______9. Umuwi siya sa kaharian ni Venus.
______10. Dahil sa paghihirap natukso siyang tumalon.
______11. Lumikhaang mga taga-Rome ng bagong mitolohiya batay
sa mitolohiya ng mga Greek.
______12. Nalusaw ng modernisasyon ang karamihan sa mga
katutubong kultura ng mga Pilipino.
______13. Natuwasi Cupid sa tagumpay ni Psyche.

E. Pagtataya
Magkakaroon ng pagsusulit tungkol sa mga natalakay na paksa.
Sasagutin ng mga mag-aaral ang sumusunod:

Pagsasanay 2 (Sanayang Kuwaderno)


Salungguhitan ang pandiwang ginamit sa pangungusap at bilugan ang
tinutukoy nito. Kilalanin kung anong gamit ng pandiwa ang ginamit dito. Isulat ang
A para sa aksiyon, K sa karanasan, at P sa pangyayari. Isulat ang sagot sa patlang
bago ang bilang.

____1. Kumukulo ang dugo ni Mang Ben sa tuwing naririnig ang pangalan ng
kaniyang suwail na anak.

____2. Lalong nahintakutan ang mga biktima ng lindol dahil sa kanilang dinanas.

____3. Binungkal ng mga magsasaka ang natutuyot ng bukirin.

____4. Natabunan ng gumuhong lupa ang kubo ni Aling Martha.

____5. Naglako ng mga kakanin si Rita kaninang umaga.

____6. Nagulat si Psyche nang mapagmasdan niya ang anyo ng asawa.

____7. Pinutol ng mga nagkakaingin ang sandaang taon na puno ng akasya.

____8. Kinuha ni Tony ang pluma ni Boy.

____9. Natalsikan ng kumukulong mantika si Roy.

___10. Gumaganda ang araw ni Mia kapag nakakarinig siya ng mga huni ng ibon.

Inihanda ni:

CHARLOU MAE S. SARTE


Guro I

Noted by:

NOEL P. MAMAC
School Head
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10
(7:40-9:40 10-Sapphire / 3:00-4:00 10-Diamond)
_____________________

Bilang ng Sesyon: 4

I. LAYUNIN

a. Nakapagbibigay ng mga gawain na karaniwang ginagawa tuwing may


libreng oras.
b. Nakapagtatala ng pandiwa ayon sa napanood na video
c. Nakikilala ang mga pandiwang ginagamit sa pagpapahayag ng Aksiyon,
Karanasan at Pangyayari.
d. Nakabubuo ng sariling pangungusap gamit ang pandiwang nagpapahayag
ng aksiyon, karanasan at pangyayari.
e. Nasusuri ang mga pangungusap gamit ang pandiwang nagpapahayag ng
aksiyon, karanasan at pangyayari.

II. NILALAMAN

a. Paksa

Gramatika at Retorika
 Mga Pandiwang Ginagamit sa Pagpapahayag ng Aksiyon,
Karanasan at Pangyayari pp.24-25

b. Sanggunian
 Grade 10 Learning Module sa Filipino
 www.googlesearch.com
 www.youtube.com
 www.slideshare.com

c. Kagamitan
 Aklat sa Filipino 10
 3 Video ng mga pandiwa
 Powerpoint presentation ng Mga Pandiwang Ginagamit sa
Pagpapahayag ng Aksiyon, Karanasan at Pangyayari.
 Powerpoint presentation ng Gawain tungkol sa Mga Pandiwang
Ginagamit sa Pagpapahayag ng Aksiyon, Karanasan at Pangyayari

III. PAMAMARAAN

1. Panimulang Gawain

A. Panalangin
B. Pagkuha ng Liban sa Klase
C. Paalala
Kukumustahin ng guro ang progreso ng kanilang peryodikal na
proyekto.

D. Pagganyak
Itatanong ng guro ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang inyong mga nakaatas na gawaing bahay (household
chores)?
2. Ano ang paborito ninyong gawin tuwing walang pasok?

2. Paglinang sa Aralin

A. Paglalahad
Papanoorin ang mga mag-aaral ng video tungkol sa pandiwa. Itatala
nila ang mga pandiwang kanilang napansin sa video at isasalin nila ito sa
wikang Filipino sapagkat ito ay nasa wikang Ingles. Ang haba ng video ay
nasa 24-25 minuto.

B. Pagsusuri
Papangkatin ang mga mag-aaral sa 5 pangkat. Sa malinis na manila
paper, isusulat ng bawat grupo ang mga naitala nilang pandiwa mula sa
videong napanood. Isusulat din nila ang mga gawain nila sa bahay at
paboritong gawin kapag walang pasok. Tandaan na limitahan lamang sa
sampu (10) bawat grupo ang itatalang paboritong gawin at gawain sa
bahay. Bibigyan lamang ng 15 minuto ang bawat grupo para matapos ang
naiatas na gawain. Kapag natapos na ay kokolektahin ng guro ang kanilang
gawa.

Magkakaroon ng malayang talakayan tungkol sa napanood na video


at ang mga naitala nilang mga salitang kilos o pandiwa. Isa-isa ring
tatalakayin ang mga naibigay na sagot ng mga mag-aaral sa katanungan ng
guro na:
1. Ano ang inyong mga nakaatas na gawaing bahay (household
chores)?
2. Ano ang paborito ninyong gawin tuwing walang pasok?

C. Paglalahat
Matapos ang talakayan, ilalahad ng guro ang mga pandiwang
ginagamit sa pagpapahayag ng aksyon, karanasan at pangyayari gamit ang
powerpoint presentation. Magkakaroon ng malayang talakayan tungkol dito.
Ibibigay ng guro ang sumusunod na halimbawa:

a. Naglakbay si Bugan patungo sa tahanan ng mga diyos.


b. Tumalima si Psyche sa lahat ng gusto ni Venus.
Pandiwa
a.→ Naglakbay
b.→ Tumalima
Aktor
a.→ si Bugan
b.→ siPsyche

c. Tumawa si Bumabbaker sa paliwanag ni Bugan.


d. Nalungkot ang lahat nang mabalitaan ang masamang nangyayari.

Karanasan
c.→ Tumawa
d.→ Nalungkot
Aktor
c.→ si Bumabbaker
d.→ ang lahat

e. Sumasaya ang mukha ni Venus sa nakikita niya sa paligid.


f. Nalunod ang mga tao sa matinding baha.

Pandiwa
e.→ Kumukulo
f. → Nalunod
Pangyayari
e.→ sa napangasawa ng
kaniyang
anak
f.→ isang matinding baha

Matapos maibigay ang halimbawa at matalakay ang tungkol sa


pandiwang ginagamit sa pagpapahayag ng aksyon, karanasan at pangyayari,
kukunin ng guro ang output ng limang pangkat at ibabalik ito sa lider ng grupo.
Susuriin ng bawat grupo ang naitala nilang mga pandiwa at kikilalanin ito isa-isa sa
loob ng 15 minuto. Gamit ang ibang kulay na pentel pen, kikilalanin ng mga mag-
aaral bawat grupo kung ito ba ay:
A – Pandiwang Aksyon
K – Pandiwang Karanasan
P – Pandiwang Pangyayari

Isusulat lamang nila ang code sa tabi ng kanilang naitalang salitang kilos/pandiwa.
Kapag natapos na ay tatalakayin ito ng isang representante bawat grupo.

D. Paglalapat
Matapos ang presentasyon sa naunang gawain, ang mga mag-aaral
naman ang magbibigay ng sariling halimbawa ng pangungusap na may mga
pandiwang ginagamit sa pagpapahayag ng aksiyon, karanasan at
pangyayari gamit ang mga salitang naitala nila sa kanilang output. Isusulat
nila ito sa pisara, hihimay-himayin at tutukuyin ang pandiwa at uri nito at
ipapaliwanag sa klase

Pagsasanay 1 (Pisarang Gawain)


Sipiin ang sumusunod na pangungusap sa talakayang kuwaderno.
Salungguhitan ang pandiwa at ikahon ang salitang nagsasaad ng aksiyon,
karanasan at pangyayari. Isulat sa patlang ang code kung ang pandiwang
may salungguhit ay ginamit bilang:
A-aksiyon
K-karanasan
P-pangyayari

______1. Ginawa ni Psyche ang lahat upang maipaglaban ang


kaniyang
pagmamahal kay Cupid.
______ 2. Labis na nanibugho si Venus sa kagandahan ni Psyche.
______3. Nalungkot si Bantugan sa utos ng hari kaya minabuti niyang
lumayo na lamang.
______ 4. Umibig ang lahat ng kakabaihan kay Bantugan.
______ 5. Hindi nasiyahan si Jupiter sa ginawang pagpapahirap ni
Venus
kay Psyche.
______6. Patuloy na naglakbay si Psyche at pinipilit na makuha ang
panig
ng mga diyos.
______7. Lalong sumidhi ang pagseselos niya kay Psyche.
______8. Ibinuhos niya sa harap ni Psyche ang isang malaking
lalagyan ng
puno.
______9. Umuwi siya sa kaharian ni Venus.
______10. Dahil sa paghihirap natukso siyang tumalon.
______11. Lumikhaang mga taga-Rome ng bagong mitolohiya batay
sa
mitolohiya ng mga Greek.
______12. Nalusaw ng modernisasyon ang karamihan sa mga
katutubong kultura ng mga Pilipino.
______13. Natuwa si Cupid sa tagumpay ni Psyche.

E. Pagtataya
Magkakaroon ng pagsusulit tungkol sa mga natalakay na paksa.
Sasagutin ng mga mag-aaral ang sumusunod:

Pagsasanay 2 (Sanayang Kuwaderno)


Salungguhitan ang pandiwang ginamit sa pangungusap at bilugan ang
tinutukoy nito. Kilalanin kung anong gamit ng pandiwa ang ginamit dito. Isulat ang
A para sa aksiyon, K sa karanasan, at P sa pangyayari. Isulat ang sagot sa patlang
bago ang bilang.
____1. Kumukulo ang dugo ni Mang Ben sa tuwing naririnig ang pangalan ng
kaniyang suwail na anak.

____2. Lalong nahintakutan ang mga biktima ng lindol dahil sa kanilang dinanas.

____3. Binungkal ng mga magsasaka ang natutuyot ng bukirin.

____4. Natabunan ng gumuhong lupa ang kubo ni Aling Martha.

____5. Naglako ng mga kakanin si Rita kaninang umaga.

____6. Nagulat si Psyche nang mapagmasdan niya ang anyo ng asawa.

____7. Pinutol ng mga nagkakaingin ang sandaang taon na puno ng akasya.

____8. Kinuha ni Tony ang pluma ni Boy.

____9. Natalsikan ng kumukulong mantika si Roy.

___10. Gumaganda ang araw ni Mia kapag nakakarinig siya ng mga huni ng ibon.

Bibigyan ng sapat na oras ang mga mag-aaral para kopyahin at sagutin ang
pagsasanay 2. Matapos ang naibigay na oras at natapos na ng mga mag-aaral ang
kanilang pagsasanay, sila ay magpapalitan ng sanayang kuwaderno at iwawasto
ang bawat bilang. Sasagutin ang bawat pangungusap sa pisara at ipapaliwanag ng
naatasang sumagot.

Inihanda ni:

CHARLOU MAE S. SARTE


Guro I

Noted by:

PERCIVAL C. VILLEGAS
School Head
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10
(7:40-9:40 10-Sapphire / 3:00-4:00 10-Diamond)
_____________________

Bilang ng Sesyon: 3

I. LAYUNIN

a. Nababasa at nauunawaan ang akda ni Plato na “Alegorya ng Yungib.”


b. Nasusuri ang ang akda ni Plato na “Alegorya ng Yungib.”
c. Nakakapanood ng video ng akda ni Plato na “Alegorya ng Yungib.”
d. Nabibigyang kahulugan ang mga mahihirap na salita/talasalitaan mula ang
akda ni Plato na “Alegorya ng Yungib”

II. NILALAMAN

a. Paksa

Panitikan
 “Ang Alegorya ng Yungib”
Sanaysay mula sa Greece
Mula sa Allegory of the Cave ni Plato
(Isinalin sa Filipino ni Wilita A. Enrijo) pp. 32-35

b. Sanggunian
 Grade 10 Learning Module sa Filipino
 www.googlesearch.com
 www.youtube.com
 www.slideshare.com

c. Kagamitan
 Aklat sa Filipino 10
 Video ng Nagkaroon ng Anak sina Bugan at Wigan
 Suring video ng “Plato’s Allegory of the Cave”
 Animated video ng “Plato’s Republic: Allegory of the Cave”
 Video ng “Alegorya ng Yungib”
 Powerpoint presentation ng Elemento ng Sanaysay
 Suring video ng “Ang Ningning at ang Liwanag” ni Emilio Jacinto.
III. PAMAMARAAN

1. Panimulang Gawain

A. Panalangin
B. Pagkuha ng Liban sa Klase
C. Paalala
Kukumustahin ng guro ang progreso ng kanilang peryodikal na
proyekto.

D. Balik-Aral
Papanoorin ng video ang mga mag-aaral na pinamagatang
“Nagkaroon ng Anak sina Bugan at Wigan”

E. Pagganyak
Magbibigay ang guro ng kawikaan ni Voltaire at ibibigay nila ang
kanilang hinuha ukol dito.
“Mahirap pakawalan ang mga taong nakakadena sa kanilang
pinaniniwalaan” -Voltaire

2. Paglinang sa Aralin

A. Paglalahad
Magkakaroon nag malayang talakayan tungkol sa pahayag ni Voltaire
na “Mahirap pakawalan ang mga taong nakakadena sa kanilang
pinaniniwalaan.”

B. Pagsusuri
Matapos ang talakayan tungkol sa pahayag ni Voltaire, babasahin ng
mga mag-aaral ang sanaysay ni Plato na mula sa kaniyang akda na “The
Republic” na pinamagatang “Alegorya ng Yungib” na isinalin sa Filipino ni
Wilita A. Enrijo sa kanilang Modyul sa pahina 32-35.

Susuriin ng mga mag-aaral ang akda at sasagutin ang Gawain 4 sa


pahina 36. Papangkatin ang mga mag-aaral sa limang pangkat at sasagutin
ang mga sumusunod sa isang buong papel.

GAWAIN 4: Pag-unawa sa akda


Sagutin ang mga tanong sa sagutang papel.

1. Ibigay ang paksa ng sanaysay.

2. Kung ang tinutukoy na mga tao sa yungib ay ang sangkatauhan, bakit


sila tinawag na mga “bilanggo” ni Plato? Pangatuwiranan ang sagot.

3. Sa unang bahagi ng sanaysay, paano nakilala ng mga bilanggo ang


“katotohanan” ng mga bagay-bagay? Magbigay ng mga patunay.

4. Bigyang kahulugan ang naramdaman ng bilanggo nang siya ay


makaalis sa yungib at matitigan ang liwanag ng apoy? Ano ang nais
ipakahulugan ng pangyayaring ito?
5. Ipaliwanag ang mahalagang natutuhan ng bilanggo mula sa pagtingin
sa
liwanag na nasa labas ng yungib.

6. Magbigay ng reaksiyon sa ideya ng bawat pahayag sa loob ng kahon.

a. Nakakadena ang mga binti at leeg kaya hindi sila makagalaw.

b. Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon.

c. Magtiis kaysa aliwin ng mga huwad na akala.

d. Ang ideya ng kabutihan ay nananatili sa huli at matatagpuan lamang ng


may pagpupunyagi.

e. Sinuman ang kumilos ay nang may katuwiran sa publiko o pribadong


buhay, kailangan ang kaniyang mga mata ay may matibay na tuon.

7. Paano ipinakilala ni Plato ang kahalagahan ng “katotohanan”


at“edukasyon”
sa buhay ng sangkatauhan? Ipaliwanag.

8. Sumasang-ayon ka ba sa argumentong inilatag ni Plato sa kaniyang


sanaysay
tungkol sa “katotohanan” at “edukasyon?” Pangatuwiranan ang iyong
sagot.

9. Naging makahulugan ba ang ideyang ipinahihiwatig sa wakas


ngsanaysay?
Patunayan.
10. Masasalamin ba sa binasang sanaysay ang kultura at kaugalian ng
bansang
Gresya? Sa paanong paraan inilahad ito ng may-akda?

C. Paglalahat
Matapos masagot ang pangkatang gawain ay manonood ang mga
mag-aaral ng mga sumusunod na video.

D. Paglalapat
Matapos mapanood ang tatlong video ay magkakaroon ng malayang
talakayan ukol dito. Magkakaroon din ng pag-uulat tungkol sa pangkatang
gawain na sinagutan ng mga mag-aaral, ang Gawain 4 na matatagpuan sa
modyul nila sa pahina 36.

Magbabatuhan ng tanong ang bawat grupo kung may ilang sagot na


hindi klaro o kulang sa impormasyon. Magbibigay din sila ng hinuha tungkol
sa napanood na akda.

E. Pagtataya
Magkakaroon ng pagsusulit tungkol sa mga natalakay na paksa.
Sasagutin ng mga mag-aaral sa kanilang sanayang kuwaderno ang Gawain
5 sa pahina 37.
Inihanda ni:

CHARLOU MAE S. SARTE


Guro I

Noted by:

PERCIVAL C. VILLEGAS
School Head
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10
(7:40-9:40 10-Sapphire / 3:00-4:00 10-Diamond)
_____________________

Bilang ng Sesyon: 3

I. LAYUNIN

a. Nakikilala ang kahulugan ng sanaysay, bahagi at ang mga elemento nito.


b. Nalalaman ang ekspresiyong ginagamit sa pagpapahayag ng pananaw.
c. Nababasa at nasusuri ang bahagi ng sanaysay ni Emilio Jacinto na Ang
Ningning at ang Liwanag at naikukumpara ito sa sanaysay ni Plato na
Alegorya ng Yungib.
d. Nalalaman ang paraan ng paggawa ng photo essay.
e. Nakakapanood ng halimbawa ng photo essay.
f. Nakakagawa ng sariling photo essay.

II. NILALAMAN

a. Paksa

Panitikan
 “Ang Ningning at Ang Liwanag”
Sanaysay mula sa Pilipinas
Mula sa Liwanag at Dilim
ni Emilio Jacinto pp. 38

Gramatika at Retorika
 Mga Elemento ng Sanaysay pp.30-32
 Ekspresiyong Ginagamit sa Pagpapahayag ng Pananaw pp.39-40

b. Sanggunian
 Grade 10 Learning Module sa Filipino
 www.googlesearch.com
 www.youtube.com
 www.slideshare.com
 http://sanaysay-filipino.blogspot.com/2012/08/ano-ang-
sanaysay.html
 http://maamgare.blogspot.com/2011/07/sanaysay-uri-sangkap-at-
bahagi.html
 http://donians83.blogspot.com/2015/06/mga-elemento-ng-
sanaysay.html
 Arrogante, Jose A. et al. 2010. Panitikang Pilipino: Pampanahong
Elektroniko, Binagong Edisyon. 125 Pioneer St. Mandaluyong City.
National Book Store
 http://alimbukad.com/category/sanaysay Retrieved February 23,
2015
 http://filipinotagalog.blogspot.com/2011/09/sanaysay.html Retrieved
March 02, 2015

c. Kagamitan
 Aklat sa Filipino 10
 Video ng halimbawa ng photo essay na pinamagatang
“Environmental Issues”
 Powerpoint presentation ng Elemento ng Sanaysay
 Powerpoint presentation ng Pagsulat ng Sanaysay ng Sanaysay
 Powerpoint presentation ng halimbawa ng photo essay.
 Powerpoint presentation ng paggawa ng photo essay.

III. PAMAMARAAN

1. Panimulang Gawain

A. Panalangin
B. Pagkuha ng Liban sa Klase
C. Paalala
Kukumustahin ng guro ang progreso ng kanilang peryodikal na
proyekto.

D. Balik-Aral
Itatanong guro ang sumusunod:
1. Sino ang tinutukoy ni Plato na mga bilanggo?
2. Sa kabuuan, ano ang nais ipabatid ni Plato sa mga
mambabasa ng Alegorya ng Yungib?

E. Pagganyak
Ang mga mag-aaral ay manonood ng video ng isang halimbawa ng
sanaysay ni Emilio Jacinto na pinamagatang “Ang Ningning at ang Liwanag”
sipi mula sa “Liwanag at Dilim”
2. Paglinang sa Aralin

A. Paglalahad
Matapos mapanood ang video ay magpapakita ang guro ng larawan,
ito ay ang tanyag na likhang-sining ni Juan Luna na “Spolarium” at
hahayaan ang mga mga-aaral na magbigay ng sariling opinyon kung ano sa
tingin nila ang istorya sa naturang pintang larawan ni Luna. Magkakaroon
ng malayang talakayan ukol sa nakitang larawan.

B. Pagsusuri
Matapos ang talakayan tungkol sa ipinakitang larawan ay ilalahad ng
guro ang mga sumusunod sa pamamagitan ng isang powerpoint
presentation:
 Kahulugan ng Sanaysay
 Bahagi ng Sanaysay
 Elemento ng Sanaysay
 Katangian ng Susulat ng Sanaysay
 Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Sanaysay

Magkakaroon ng malayang talakayan ukol dito at bukas ang


talakayan para sa mga opinyon bilang suri ng mga mag-aaral sa kanilang
napansin sa inilahad ng guro.
C. Paglalahat
Matapos ang talakayan, ilalahad ng guro ang mga Ekspresiyong
Ginagamit sa Pagpapahayag ng Pananaw. Ang mga ito’y kinakailangan din
at mahalagang bahagi sa pagsulat ng sanaysay lalo na’t ang ibinigay ng
tagapagsulat ay hindi pawing opinion lamang kundi base na sa katotohanan
o aktwal na karanasan o pangyayari o nasaksihan. Tatalakayin ang tungkol
paggawa ng photo essay sa pamamagitan ng powerpoint presentation.

D. Paglalapat
Kung sapat na ang impormasyong nakuha ng mga mag-aaral mula
sa sanaysay, mga ekspresiyong ginagamit sa pagpapahayag ng pananaw at
mga tuntunin sa paggawa ng photo essay, manonood ang mga-aaral ng
video tungkol sa paggawa ng photo essay para gawing batayan sa kanilang
gagawing sariling photo essay at upang lubos na maintindihan ang layunin
at paraan ng paggawa nito.

E. Pagtataya
Ang mga mag-aaral ay gagawa ng sariling photo essay nila. Maaring
ang mga larawan ay iginuhit, kinuha mula sa internet o sariling kuha gamit
ang camera. Ang mga larawan ay mula 6 hanggang sampu.
Inihanda ni:

CHARLOU MAE S. SARTE


Guro I

Noted by:

PERCIVAL C. VILLEGAS
School Head
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10
(7:40-9:40 10-Sapphire / 3:00-4:00 10-Diamond)
_____________________

Bilang ng Sesyon: 3

I. LAYUNIN

a. Nakababasa ng halimbawa ng parabula mula Syria.


b. Nasusuri ang pabulang “Ang Tusong Katiwala”
c. Nakapagbabahagi ng sariling karanasan na nabanaag, nakita o nasapit sa
nabasang pabula.

II. NILALAMAN

a. Paksa

Panitikan
 “Ang Tusong Katiwala”
Parabula mula sa Syria
(Lukas 16:1-15)
Philippine Bible Society pp. 47-48

Gramatika at Retorika
 Mga Piling Pang-ugnay sa Pagsasalaysay
(Pagsisimula, Pagpapadaloy ng Pangyayari, Pagwawakas)

b. Sanggunian
 Grade 10 Learning Module sa Filipino
 www.googlesearch.com
 www.youtube.com
 www.slideshare.com

c. Kagamitan
 Aklat sa Filipino 10
 Video ng Ang Tusong Katiwala
 Power Point presentation ng Ang Tusong Katiwala
III. PAMAMARAAN

1. Panimulang Gawain

A. Panalangin
B. Pagkuha ng Liban sa Klase
C. Paalala
Kukumustahin ng guro ang progreso ng kanilang peryodikal na
proyekto.

D. Pagganyak

GAWAIN 1: Larawan ng Buhay


Marahil ay batid mo na ang kahalagahan ng mensahe o
mahahalagang kaisipang dapat mabatid sa anumang uri ng babasahin. Suriin
mo ang kasunod na mga larawan.
Pagkatapos, sagutin ang kasunod na mga tanong sa iyong sagutang
papel.

1. Ano ang ipinakikita ng bawat larawan?


2. Anong makabuluhang mensahe ang hatid ng bawat larawan?
3. Paano makatutulong ang mensaheng nakapaloob sa larawan sa ugali ng
isang tao? Pangatuwiranan ang sagot.
4. Maliban sa sinuring mga larawan, magbigay ng iba pang sitwasyong
nagpapamalas/kakikitaan ng kagandahang-asal.

2. Paglinang sa Aralin

A. Paglalahad
Babasahin ng mga mag-aaral ang “Tusong Katiwala” sa pahina 47-48
at sasagutin ang mga sumusunod na Gawain.
GAWAIN 4: Paglinang ng Talasalitaan
Bigyang-punaang estilo ng may-akdabatay sa salita at ekspresiyong ginamit
sa
pamamagitan ng pagkilala sa damdaming ipinahahayag sa bahagi ng parabula.
Hanapin sa loob ng kahon ang damdaming angkop sa pahayag.
1. “May taong mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong sa kaniyang
nilulustay nito ang kaniyang ari-arian.”
2. “Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong
pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.”
3. “Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko
kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos.”
4. “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa
paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwaupang kung maubos na iyon ay
tanggapin naman kayo sa tahanang walang hanggan.”
5. “At kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang
magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?”

lungkot galit panghihinayang

pagtataka pagkaawa pag-aalinglangan


B. Pagsusuri
Batay sa nabasang parabula, sagutin ang mga sumusunod na
katanungan mula sa Gawain 5.

GAWAIN 5: Pag-unawa sa Akda


Sagutin ang mga tanong sa sagutang papel.
1. Ipaliwanag ang suliraning kinakaharap ng katiwala.
2. Ano ang nais patunayan ng katiwala nang bawasan niya ang utang ng
mga taong may obligasyon sa kaniyang amo?
3. Kung ikaw ang may-ari ng negosyo, kukunin mo ba ang ganitong uri ng
katiwala para sa iyong negosyo?
4. Paano mo maiuugnay ang pangyayari sa parabula sa mga pangyayarisa
kasalukuyan? Patunayan ang sagot.
5. Kung ikaw ang amo, ano ang iyong gagawin kung mabalitaan mong
nalulugi ang iyong negosyo dahil sa paglustay ng iyong katiwala?
6. Sa iyong palagay, ano ang pangunahing mensahe ng parabula?
7. Paano nakatutulong sa buhay ng tao ang mga mensaheng ibig ipahatid ng
binasang parabula?
8. Saang bahagi ng parabula mababatid ang mensahe?
9. Paano nakatulong ang bawat bahagi ng parabula sa pagpapalutang ng
mensahe nito? Patunayan.
10. Ano ang katangian ng parabulang binasa sa ibangakdang pampanitikan?
Gamitin ang dayagram sa pagsagot

C. Paglalahat

GAWAIN 6: Mga Bahagi… Suriin


Ang parabula ay naglalahad ng makatotohanang pangyayari na
naganap. Nagsisilbing patnubay at lumilinang sa mabuting asal ang aral na
mapupulot dito. Ang mensahe ng parabula ay isinulat sa patalinghagang
pahayag. Gamit ang grapikong presentasyon, suriin ang mga pangyayari sa
parabula batay sa nilalaman, kakanyahan at elemento.

D. Paglalapat

GAWAIN 7: Ugnayang Pangyayari


Kopyahin ang tsart sa kuwaderno at isulat ang mga pangyayari na
maaaring iugnay sa sariling karanasan o tunay na buhay.

Pangyayari sa Parabula Pangyayari sa Sarili

Inihanda ni:

CHARLOU MAE S. SARTE


Guro I

Noted by:

PERCIVAL C. VILLEGAS
School Head

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10


(7:40-9:40 10-Sapphire / 3:00-4:00 10-Diamond)
_____________________

Bilang ng Sesyon: 2
I. LAYUNIN

a. Nakababasa ng tekstong may hatid na mensahe na pinamagatang “Ang


Mensahe ng Butil ng kape.
b. Nasusuri ang tekstong may hatid na mensahe na pinamagatang “Ang
Mensahe ng Butil ng kape.
c. Nakapagbabahagi ng sariling karanasan na nabanaag, nakita o nasapit sa
nabasang teksto.

II. NILALAMAN

a. Paksa

Panitikan
 “Ang Mensahe ng Butil ng Kape”
“The Story of a Carrot, Egg, and a Coffee Bean”
(Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo) pp. 50-51

Gramatika at Retorika
 Mga Piling Pang-ugnay sa Pagsasalaysay
(Pagsisimula, Pagpapadaloy ng Pangyayari, Pagwawakas)

b. Sanggunian
 Grade 10 Learning Module sa Filipino
 www.googlesearch.com
 www.youtube.com
 www.slideshare.com
 Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA

c. Kagamitan
 Aklat sa Filipino 10
 Video ng Ang Tusong Katiwala
 Video ng Mensahe ng Butil ng Kape
 Power Point presentation ng Ang Tusong Katiwala
 Power Point presentation ng Mensahe ng Butil ng Kape

III. PAMAMARAAN

1. Panimulang Gawain

A. Panalangin
B. Pagkuha ng Liban sa Klase
C. Paalala
Kukumustahin ng guro ang progreso ng kanilang peryodikal na
proyekto.
D. Balik-Aral
Magpapakita ng video ang guro tungkol sa Ang Tusong Katiwala at ibibigay
niya ang huod sa pamamagitan ng powerpoint presentation

2. Paglinang sa Aralin

A. PAGLALAHAD
Babasahin ng mga mag-aaral ang tekstong “Mensahe ng Butil ng
Kape” sa pahina 50-51.

B. PAGSUSURI

GAWAIN 8: Pag-unawa sa Nilalaman


Sagutin ang mga tanong.
1. Paghambingin ang butil ng kape sa carrotat itlog nang ang mga ito ay
inilahok
sa kumukulong tubig.
2. “Pare-pareho itong inilahok sa kumukulong tubig subalit iba-iba ang
naging
reaksiyon.” Paano mo maiuugnay ang pahayag na ito sa buhay ng tao?
3. Mabisa ba ang naging representasyon ng ama upang magkaroon ang
anak
ng maliwanag na pananaw sa kahirapang kanilang kinakaharap?
Patunayan.
4. Kung ikaw ang anak, paano mo haharapin ang hirap ng buhay?
5. Bigyang-kahuluganang sinisimbolo ng butil ng kape sa kuwento.

C. PAGLALAPAT
GAWAIN 9: Sino Ako?
Magsalaysay ng pangyayari sa buhay mo na may kaugnayan sa naging
kalagayan ng mga tauhan sa binasang kuwento. Magtala ng natutuhang
mensahe sa pangyayari sa buhay. Gamitin ang kasunod na grapikong
presentasyonsa pagsasalaysay ng mga
pangyayari.
Pagsasanib ng Gramatika at Retorika

•Sa pagsasalaysay, gumamit ng mga pang-ugnay na nagdaragdag o nag-iisaisa


ng mga impormasyon o pangyayari. Bigyang-pansin ang mga salitang may
salungguhit upang higit itong maunawaan.

• Kabilang din sa pagsasalaysay ang pagpapahayag ng resulta o maaaring


kinalabasan ng pangyayari.

Alam mo ba na...
ginagamit sa pagsusunod-sunod ng pangyayari ang mga pang-ugnay o
panandang pandiskurso? Narito ang mahahalagang gamit nito:
a. Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon
Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito sa paglalahad ng
pagkakasunodsunod ng mga pangyayari o pag-iisa-isa ng mga
impormasyon. Kabilang dito ang mga salitang: pagkatapos, saka, unang,
sumunod na araw, sa dakong huli, pati, isa pa, at gayon din.

b. Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal


Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito ng paglalahad ng dahilan
at bunga, paraan at layunin, paraan at resulta maging sa pagpapahayag ng
kondisyon at kinalabasan. Kabilang na pang-ugnay sa bahaging ito ang
dahil sa, sapagkat at kasi. Samantalang sa paglalahad ng bunga at resulta
ginagamit ang pang-ugnay na kaya, kung kaya, kaya naman, tuloy at
bunga.

D. PAGLALAHAT
Pagsasanay 2
Pumili ng paksa na gagamitin sa pagsulat ng isang kuwento o
pangyayari. Salungguhitanang mga pangatnig na ginamit sa pagsulat.

Mga Paksang Pagpipilian:

Pagsasanay 3
Sumulat nang maayos na paliwanag tungkol sa alinman sa mga
paksa. Gumamit ng mga pang-ugnay sa puntong pinag-uusapan o paksa.
Pumili lamang ng isa.

E. PAGTATAYA

Pagsasanay 1
Basahin ang sariling pagsasalaysay batay sa binasang parabula at piliin sa
loob ng panaklong ang angkop na pang-ugnay.

1. May nagsumbong sa isang taong mayaman na nilulustay ng kaniyang


katiwala ang kaniyang ari-arian (kaya’t, saka) ipinatawag niya ang katiwala
at tinanong.

2. (Unang, Pagkatapos) tinawag ng katiwala ang may utang na isandaang


tapayang langis.

3. (Saka, Pati) pinaupo at pinapalitan ng limampu ang kasulatan.

4. (Gayon din, dahil sa) ang ginawa sa isa pa. Ginawang walampung
kabang trigo mula sa isandaang trigo.

5. (Dahil sa, upang) katalinuhan ng katiwala, pinuri ng amo ang tusong


katiwala.

Inihanda ni:
CHARLOU MAE S. SARTE
Guro I

Noted by:

PERCIVAL C. VILLEGAS
School Head

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10


(7:40-8:40 10-Sapphire / 3:00-4:00 10-Diamond)
_____________________

You might also like