You are on page 1of 226

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO-10

Emilio H. Minguez, Jr.


Valencia National High School

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:

PANITIKAN: Cupid at Psyche (Mitolohiya mula sa Rome, Italy) Isinalaysay ni


Apuleius (Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat)

GRAMATIKA at RETORIKA: Mga Pandiwang Ginagamit sa Pagpapahayag ng


Aksiyon, Karanasan, at Pangyayari.
.
PRODUKTO AT PAGGANAP:
Pagsasalaysay ng nasasaliksik na mito o kauri nito.
KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
1. F10PN-Ia-b-62, Naipahahayag ang mahalagang kaisipan sa napakinggan.
2. F10PB-Ia-b-62, Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda sa nangyayari
sa: sarili, pamilya, pamayanan, lipunan, at daigdig.

MARKAHAN: Unang Markahan LINGGO: Unang Linggo ARAW: Unang


Araw

I- MGA LAYUNIN:

Pagkatapos ng isang oras na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Naipahahayag ang mahalagang kaisipan sa napakinggan.


b. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda sa nangyayari sa:
sarili, pamilya, pamayanan, lipunan, daigdig.
II- NILALAMAN:

a. Paksa: Aralin 1.1, Panitikan: Cupid at Psyche (Mitolohiya mula sa Rome, Italy)
Isinalaysay ni Apuleius (Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
b. Pagsasama-sama: -Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP). Ang mga mensahe
at gamit ng mitolohiya ang isang pagmulat sa ating paniniwala sa Panginoon.

c. Estratehiya: Tahasang Pagtuturo


d. Kagamitan: netbook, PowerPoint, yeso at TV monitor
e. Sanggunian: - DepEd Modyul para sa Mag-aaral pahina 9-26
Gabay ng Guro pahina 3-10.

1
III- PAMAMARAAN:

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. -BAGO ANG TALAKAYAN


1. Panimulang Dasal
 Manalangin Tayo
2. Pagtatala ng mga lumiban sa klase  pagtsek ng dumalo sa klase at
3. Pagganyak pagsasaayos sa loob ng silid.

Pangkatin ang klase sa anim na grupo na may


5-7 na kasapi. Ipamahagi ang activity kit at
isulat/ipaskil ang panuto sa pisara.
Hulaan Mo
-Ayusin ang pagkakasunud-sunod ng mga  Pumili ng piling mag-aaral na
titik upang mabuo ang konsepto na sasagot.
ipinapakita ng mga larawan. Ang unang .
pangkat na makabubuo ng tamang salita ang
siyang panalo.

A I Y M O O L I H T

B. –PANAHON NG TALAKAYAN

1. Paglalahad:

Madalas marinig ang matalinghagang


pahayag na “Kung ikaw ay nasa Rome, gawin
mo kung ano ang ginagawa ng mga taga-
Rome.” Sumasalamin lamang ito sa kultura ng
mga taga-Rome kung saan pinakikinabangan
at pinagyayaman ang mga kaisipan,
kabihasnan, sining, at panitikang hinalaw nila
mula sa mga lugar na kanilang sinakop

Ang Aralin 1.1 ay tungkol sa  Modyul para sa Mag-aaral pahina 9


klasikong mitolohiya mula sa Rome, Italy.
Itatampok ang “Cupid at Psyche” na isa sa
mga pinagmulan na mito mula sa Rome.
Makikilala mo ang iba’t ibang diyos at diyosa
na pinaghugutan ng inspirasyon ng iba’t ibang
manunulat ng panitikan sa buong daigdig.

2
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay
inaasahang makapagsasalaysay ng mito at
maibahagi ito sa klase batay sa sumusunod na
pamantayan: a.) wastong pagbigkas,
b.) hikayat sa madla, at c.) tinig.

2. Tuklasin:

-- Sa kasunod na mga gawain, tuklasin kung


Grapikong Presentasyon:
may alam ka na tungkol sa pandiwa at
mitolohiya. Alamin kung nauunawaan mo GAWAIN 1: Pagtapat-tapatin
kung paano nakatutulong ang mitolohiya mula Basahin sa Kolum B ang bawat pahayag na
sa Rome sa pagpapaunlad ng panitikang naglalarawan ng katangian ng mga diyos na
Pilipino, at paano nakatutulong ang pandiwa nakatala sa Kolum A. Isulat ang letra ng
sa pagpapahayag ng mga karanasan, at angkop na sagot sa patlang sa tapat ng
pangyayari. Kolum A. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Kolum A Kolum B
A. Diyosa ng
___ 1. Venus kagandahan at
kalapati ang sagisag
niya
B. Diyos ng
___ 2. Cupid propesiya, araw,
at musika
C. Kapatid ni Jupiter
__ 3. Mercury at panginoon ng
-Malayang talakayan kung gaano na nila kaharian sa ilalim ng
kakilala ang mga tauhan sa Gawain1 sa tulong lupa
ng character webbing. __ 4. Pluto D. hari ng mga diyos
at kalawakan
- Hayaang magbahagi ang mga mag-aaral ng E. Diyos ng
kanilang mga sagot. Tatanggapin ng guro ang ___ 5. Jupiter pagmamahal at
lahat na sagot ng mga mag-aaral. sinasabing anak ni
Venus
-Itanong: “Ano ang napansin ninyo sa mga F. Mensahero ng mga
tauhan ng mitolohiya?” diyos at kilala sa
tawag na Hermes ng
-Tapusin ang Gawain sa pagsasabing mga Greek
“Marahil ay alam ninyo na bagama’t diyos at
diyosa ang mga tauhan sa mitolohiya ay
mayroon din silang sariling kahinaan at
kalakasan.” Grapikong Presentasyon:

3
GAWAIN 2: Alam-Nais-Natutuhan
--Gayahin ang pormat ng talahanayan sa
sagutang papel at isulat dito ang hinihiling na
A. Alam B. Nais C.
sagot sa sumusunod:
Malaman Natutuhan
Alam: Ano ang iyong nalalaman tungkol sa
mitolohiya at angkop na gamit ng pandiwa
bilang aksiyon, karanasan, at pangyayari? a. Mitolohiya a. Mitolohiya a. Mitolohiya

Nais Malaman: Ano ang gusto mong


malaman tungkol sa mitolohiya at angkop na b. Pandiwa b. Pandiwa b. Pandiwa
gamit ng pandiwa bilang aksiyon, karanasan,
at pangyayari?

Natutuhan: Batay sa talakayan, ano ang


natutuhan mo tungkol sa mitolohiya at angkop
na gamit ng pandiwa bilang aksiyon,
karanasan, at pangyayari?

(Sasagutin ito pagkatapos talakayin)

--Tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi


ang kanilang sagot sa kolum A. Tanggapin
lahat ng sagot ng mag-aaral.

--Hayaang tuklasin ng mga mag-aaral ang


tamang sagot sa patuloy na pagtalakay ng
aralin mula Linangin hanggang Pagnilayan at
Unawain.  Gawin ang mga sagot sa
kolum B
--Pangkatin ang klase sa lima. Magbigay ng
sampung minuto upang maibahagi ng bawat
isa ang kanilang sagot sa kolum B.
Pagpasiyahan ng pangkat kung aling sagot
ang magkakatulad.

--Ipasulat ito sa manila paper at ipaskil sa


alinmang bahagi ng silid-aralan. Bigyan ng
pagkakataon ang bawat pangkat na maibahagi
ang kanilang sagot. Mula sa sagot ng bawat
pangkat pag-isahin ang magkakatulad na
sagot
--Sabihin: Magkatulong nating tutuklasin ang
mga sagot sa mga nais ninyong malaman sa
pagpapatuloy ng ating talakayan.

4
3. Pagtatalakay :

--Alam mo ba na...

Ang salitang mitolohiya ay


nangangahulugang agham o pag-aaral ng
mga mito/ myth at alamat? Tumutukoy din
ito sa kalipunan ng mga mito mula sa isang
pangkat ng tao sa isang lugar na naglalahad
ng kasaysayan ng mga diyos-diyosan noong
unang panahon na sinasamba, dinarakila at
pinipintakasi ng mga sinaunang tao.
Ang salitang mito/myth ay galing sa
salitang Latin na mythos at mula sa Greek na
muthos, na ang kahulugan ay kuwento. Ang
muthos ay halaw pa sa mu, na ang ibig
sabihin ay paglikha ng tunog sa bibig.

Sa Klasikal na Mitolohiya ang


mito/myth ay representasyon ng marubdob
na pangarap at takot ng mga sinaunang tao.  Modyul para sa Mag-aaral pahina 11
Nakatutulong ito upang maunawaan ng mga
sinaunang tao ang misteryo ng pagkakalikha
ng mundo, ng tao, ng mga katangian ng iba
pang mga nilalang.

Ipinaliliwanag din nito ang nakatatakot


na puwersa ng kalikasan sa daigdig – tulad
ng pagpapalit ng panahon, kidlat, baha,
kamatayan, at apoy. Ito ay naglalahad ng
ibang daigdig tulad ng langit at ilalim ng
lupa.

Hindi man ito kapani-paniwalang


kuwento ng mga diyos, diyosa, at mga
bayani, tinuturing itong sagrado at
pinaniniwalaang totoong naganap.
Karaniwang may kaugnayan ito sa teolohiya
at ritwal.

Sa Pilipinas naman, ang mito ay


kinabibilangan ng mga kuwentong-bayang
naglalahad ng tungkol sa mga anito, diyos at
diyosa, mga kakaibang nilalang, at sa mga
pagkagunaw ng daigdig noon. Maaaring
matagpuan ang mga mitong ito sa mga
kuwentong – bayan at epiko ng mga
pangkat-etniko sa kasalukuyan. Mayaman sa

5
ganitong uri ng panitikan ang mga
naninirahan sa bulubundukin ng Luzon,
Visayas, at Mindanao.

May kuwento tungkol sa pagkagunaw


ng daigdig ang mga Ifugao. Inilarawan sa
kanilang epikong “Alim” kung paano
nagunaw ang daigdig. Ayon dito, nagkaroon
ng malaking pagbaha sa mundo at ang
tanging nakaligtas ay ang magkapatid na
sina Bugan (babae), at Wigan (lalaki). Sa
kanila nagmula ang bagong henerasyon ng
mga tao sa mundo.  Modyul para sa Mag-aaral pahina 11

Gamit ng Mitolohiya

1. Ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig


2. Ipaliwanag ang puwersa ng kalikasan
3. Maikuwento ang mga sinaunang gawaing
panrelihiyon
4. Magturo ng mabuting aral
5. Maipaliwanag ang kasaysayan
6. Maipahayag ang marubdob na pangarap,
matinding takot, at pag-asa ng
sangkatauhan  Pagsanib ng Esp.; Ang mga mensahe
at gamit ng mitolohiya ang isang
PAGSASAMA-SAMA: pagmulat sa ating paniniwala sa
-Edukasyon sa Pagapapakatao (EsP). Panginoon.

--Ang mga mensahe at gamit ng mitolohiya


ang isang pagmulat sa ating paniniwala sa
Panginoon.

4.Paglalalim:

--Magsasagawa ng pagtalakay sa kahulugan


ng mitolohiya, mito, at “Kaligirang
Pangkasaysayan ng Mitolohiya ng taga-
Rome.”
--Upang lubos na maunawaan ang kuwentong
Cupid at Psyche mabuting makilala mo ang
labindalawang pinakadakilang diyos at diyosa
ng Mitolohiya ng Rome at Greece na kilala rin
sa tawag na The 12 Great Olympian Gods.

6
Greek Roman Katangian at
Kapangyarihang  Modyul para sa Mag-aaral pahina 12
Taglay
1. Zeus Jupiter - hari ng mga diyos;
diyos ng kalawakan
at panahon
tagapagparusa sa
mga sinungaling at
hindi marunong
tumupad sa
pangako , asawa
niya si Juno, sandata
niya ang kulog at
kidlat
2. Hera Juno - reyna ng mga diyos
tagapangalagang
pagsasama ng mag-
asawa, asawa ni
Jupiter
3. Neptune - kapatid ni Jupiter
Poseidon - hari ng karagatan,
lindol
- kabayo ang
kaniyang simbolo
4. Hades Pluto - kapatid ni Jupiter
- panginoon ng
impiyerno
5. Ares Mars - diyos ng
digmaan ,buwitre
ang ibong
maiuugnay sa kaniya
6. Apollo Apollo - diyos ng propesiya,
liwanag, araw,
musika, panulaan,
diyos din siya ng
salot at
paggaling ,dolphin at
uwak ang kaniyang
simbolo
7. Athena Minerva - diyosa ng
karunungan,
digmaan, at
katusuhan , kuwago  Modyul para sa Mag-aaral pahina 12
ang ibong
maiuugnay sa kaniya
8.Artemis Diana diyosa ng
pangangaso, ligawna
hayop, at ng buwan
9. Vulcan - diyos ng apoy,
Hephaestus bantay ng mga diyos 7
10.Hermes Mercury - mensahero ng mga
diyos,
paglalakbay,pangang
IV-REPLEKSYON:
Pagninilay sa iyong mga istratehiya ng pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-aaral
sa bawat linggo. Paano mo ito naisakatuparan? Ano pang tulong ang maari mong gawin upang
sila’y matulungan? Tukuyin ang maari mong itanong/Ilahad sa iyong superbisor sa anumang
tulong na maari nilang maibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng mga-aaral na nakakuha ng 80% ____
B. Bilang ng mag-aaral na nabigyan ng karagdagang gawain bilang remedyal.
C. Naging makabuluhan baa ng ginawang remedial?
D. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha o nakaintindi sa aralin
E. Bilang ng mga mag-aaral na kailangan pang magpatuloy sa ginawang remedyal.
F. Alin sa mga istratehiyang ginamit ang mabisa? Bakit naging mabisa ito?
G. Ano-anong mga balakid ang naranasan at nabigyan ng solusyun sa tulong ng punongguro at
superbisor?
H.Ano-ano ang mga inobasyon/pagbabago o mga kagamitang panlokal ang ginamit na nais
Ibahagi sa iba pang mga guro?

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO-10


Emilio H. Minguez, Jr.
Valencia National High School

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:

PANITIKAN: Cupid at Psyche (Mitolohiya mula sa Rome, Italy) Isinalaysay ni


Apuleius (Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat)
.
PRODUKTO AT PAGGANAP:

Pagsasalaysay ng nasasaliksik na mito o kauri nito.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

1. F10PT-Ia-b-61, Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kayarian.


2. F10PS-Ia-b-64, Naipahahayag nang malinaw ang sariling opinyon sa paksang
tinalakay.

MARKAHAN: Unang Markahan LINGGO: Unang Linggo ARAW:


Ikalawang Araw

I- MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng isang oras na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kayarian;
b. Naipahahayag nang malinaw ang sariling opinyo sa paksang tinalakay.

II- NILALAMAN:
a. Paksa: Aralin 1.1, Panitikan: Cupid at Psyche (Mitolohiya mula sa Rome, Italy)
Isinalaysay ni Apuleius (Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

8
b. Pagsasama-sama: -Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP). Ang mga mensahe
at gamit ng mitolohiya ang isang pagmulat sa ating paniniwala sa Panginoon.

c. Estratehiya: Tahasang Pagtuturo


d. Kagamitan: netbook, PowerPoint, yeso at TV monitor
e. Sanggunian: DepEd Modyul para sa Mag-aaral pahina 9-26 at Gabay ng Guro page 3-10.
YouTube. Sa sumusunod na links: http://www.youtube.com/watch?
v=iMzNPEHNxcc&list=PL42F4E0F50A1D70AA&index=1http://
www.youtube.com/watch?v=WP_NeirFIkM&lis

III- PAMAMARAAN:

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. -BAGO ANG TALAKAYAN


1. Panimulang Dasal
 Manalangin Tayo
2. Pagtatala ng mga lumiban sa klase
 pagtsek ng dumalo sa
3. Pagganyak
klase at pagsasaayos sa
loob ng silid.
Isang Laro: Hulaan Tayo

-Ibibigay ko ang mga katangian ng ang mga diyos at diyosa


at huhulaan ninyo kung sino ang aking tinutukoy.

1.- hari ng mga diyos; diyos ng kalawakan at panahon, Zeus o Jupiter Titser
sandata niya ang kulog at kidlat

Magaling!

2. - kapatid ni Jupiter hari ng karagatan, lindol, kabayo ang Poseidon o Neptune


kaniyang simbolo

Magaling!

3.- diyos ng propesiya, liwanag, araw, musika, panulaan,


diyos din siya ng salot at paggaling, dolphin at uwak ang Apollo
kaniyang simbolo

9
Magaling!

Aphrodite o Venus
4.- diyosa ng kagandahan, pag-ibig, kalapati ang ibong
maiuugnay sa kaniya

Magaling!

5. - kapatid ni Jupiter at panginoon ng impiyerno. Hades o pluto

Magaling!

Grapikong Presentasyon:
B. –PANAHON NG TALAKAYAN GAWAIN 3:
Magmina ng Kaalaman
1. Paglalahad:

diyos at diyosa
Pinagbatayan
Ipagawa ang Gawain 3. Gumawa ng palabunutan na may
Planeta O

Katangian

Katangian
Produkto
nakasulat na: planeta, mga araw ng linggo, produkto o
kompanya at medisina. Ang mabubunot ng bawat
pangkat ang paksang kanilang pag-uusapan. Ipasulat sa
manila paper ang napagkasunduan ng bawat pangkat at Sabon Diyos
ipaulat ito sa harap ng buong klase. Dove pagan Venus a ng
da kagan
Panahong ilalaan: dahan
10 minuto – malayang talakayan
10 minuto – pagbuod ng napag-usapan
5 minuto – paghahanda sa pag-uulat
15 minuto – pag-uulat ng bawat pangkat sa klase

2. Pagtatalakay:

-Dugtungang pagbasa ng mitolohiyang “Cupid at Psyche.”

- Ngayon magaling na kayo sa mga katangian at kilalang-


kilala na ninyo ang mga diyos at diyosa ating ipagpatuloy
ngayon araw ang pagbasa sa mitolohiya na mula sa Rome
Basahin at unawain mo ito upang matuklasan mo kung
paano nakatutulong ang mitolohiya sa pagpapaunlad ng
panitikang Pilipino.

Cupid at Psyche

10
Isinalin sa Ingles ni Edith Hamilton
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

Noong unang panahon, may hari na may tatlong


magagandang anak na babae. Ang pinakamaganda sa tatlo
ang bunsong si Psyche. Labis siyang hinahangaan at
sinasamba ng kalalakihan. Sinasabi nilang kahit si Venus,
ang diyosa ng kagandahan, ay hindi makapapantay sa
ganda nito. Nalimot na rin ng kalalakihan na magbigay ng
alay at magpuri sa diyosa. Gayundin, ang kaniyang templo
ay wala nang mga alay, naging marumi, at unti-unti nang
nasisira. Lahat ng papuri’t karangalang dapat sa kaniya ay
napunta na lahat sa isang mortal. Nagalit si Venus at
inutusan niya si Cupid, ang kaniyang anak upang paibigin
si Psyche sa isang nakatatakot na nilalang. Hindi na niya
naisip ang maaaring maidulot ng kagandahan ng dalaga sa
kaniyang anak. Agad tumalima si Cupid at hinanap ang
 Modyul para sa Mag-
nasabing babae. Umibig siya kay Psyche nang nasilayan
aaral pahina 14-20
niya ang kagandahan ng dalaga. Tila ba napana niya ang
kaniyang sariling puso.
Nang makauwi si Cupid, inilihim niya sa kaniyang
ina ang nangyari. Labis namang nagtitiwala si Venus at
hindi na rin nito inusisa ang anak. Nanabik ang diyosa ng
kagandahan sa kahihinatnan ng buhay ni Psyche.
Gayunman, hindi naganap ang inaasahan ni Venus.
Hindi umibig si Psyche sa isang nakatatakot na nilalang o
kahit kanino. Ang isa pang nakapagtataka ay walang
umiibig sa kaniya. Kontento nang pagmasdan at sambahin
siya ng mga lalaki subalit hindi ang ibigin siya. Ang
kaniyang dalawang kapatid na malayo ang hitsura sa taglay
niyang kagandahan ay nakapag-asawa na ng hari at
namumuhay nang masaya sa kani-kaniyang palasyo.
Naging malungkot si Psyche sa kaniyang pag-iisa. Tila
walang nais magmahal sa kaniya.
Nabahala ang magulang ni Psyche. Naglakbay ang
haring ama ni Psyche upang humingi ng tulong kay Apollo.
Hiniling niyang payuhan siya ni Apollo kung paano
makahahanap ng mabuting lalaking iibig sa kaniyang anak.
Lingid sa kaalaman ng hari naunang humingi ng tulong si
Cupid kay Apollo. Sinabi niya ang kaniyang sitwasyon at  Modyul para sa Mag-
nagmakaawang tulungan siya. Kaya sinabi ni Apollo sa aaral pahina 14-20
hari na makapangangasawa si Psyche ng isang nakakatakot
na nilalang. Pinayuhan niya ang hari na bihisan ng
pamburol si Psyche, dalhin siya sa tuktok ng bundok at

11
iwan nang mag-isa. Doon ay susunduin siya ng kaniyang
mapapangasawa na isang halimaw, isang ahas na may
pakpak.
Labis na kalumbayan ang baon ng hari sa
kaniyang pagbabalik sa palasyo subalit agad pa rin siyang
tumalima sa payo ni Apollo. Ipinag-utos niyang bihisan si
Psyche ng pinakamaganda niyang damit. Pagkatapos
mabihisan si Psyche, ipinabuhat ng hari ang anak na parang
ihahatid sa kaniyang libingan papunta sa tuktok ng bundok.
Habang naglalakbay sila, nagluluksa ang lahat sa maaaring
mangyari kay Psyche. Sa kabila naman ng mabigat na
sitwasyon, buong tapang na hinarap ng dalaga ang
kaniyang kapalaran. “Dapat noon pa ay iniyakan na ninyo
ako. Ang taglay kong kagandahan ang sanhi ng panibugho
ng langit,” sumbat niya sa kaniyang ama. Pagkatapos nito
ay pinaalis na ni Psyche ang kaniyang mga kasama at
sinabing masaya niyang haharapin ang kaniyang katapusan.
Naghintay si Psyche habang unti-unting
nilalamon ng dilim ang buong bundok. Takot na takot siya
sapagkat hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa
kaniya. Patuloy siyang tumatangis at nanginginig sa takot
hanggang sa dumating ang malambing na ihip ng hangin ni
Zephyr. Inilipad siya nito at inilapag sa isang damuhang
parang kasinlambot ng kama at pinahalimuyak ng
 Modyul para sa Mag-
mababangong bulaklak. Napakapayapa ng lugar na tila aaral pahina 14-20
nawala ang lahat ng kaniyang kalungkutan. Nakatulog siya
sa kapayapaan ng gabi. Nang magising si Psyche sa tabi ng
ilog, natanaw niya sa pampang nito ang isang mansiyong
parang ipinatayo para sa mga diyos. Nagmasid-masid siya
at labis ang kaniyang pagkamangha sa kagandahan nito.
Yari sa pilak at ginto ang mga haligi, at ang sahig ay
napalamutian ng mga hiyas. Nag-aalinlangan siyang
buksan ang pinto subalit may tinig na nangusap sa kaniya.
“Pumasok ka, para sa iyo ang mansiyong ito. Maligo ka,
magbihis, at ihahanda namin ang piging para sa iyo. Kami
ang iyong mga alipin,” wika ng mga tinig.
Nalibang si Psyche sa mansiyon, kumain siya ng
masasarap na pagkain. Buong araw siyang inaliw ng mga
musika ng lira at ng mga awitin ng koro na hindi niya
nakikita. Maliban sa mga tinig na kaniyang mga kasama,
nag-iisa siya sa mansiyon. Subalit sa hindi maipaliwanag
na dahilan, batid niyang sa pagsapit ng gabi ay darating ang
kaniyang mapapangasawa. Lumipas ang maghapon nang
hindi niya namamalayan. Pagsapit ng gabi nangyari nga

12
ang inaasahan niya.
Naramdaman niya ang pagdating ng lalaki. Tulad
ng mga tinig hindi niya ito nakikita. Bumulong ang lalaki
sa kaniyang tainga. Nang marinig niya ang tinig ng lalaki,  Modyul para sa Mag-
nawala ang lahat ng takot na kaniyang nararamdaman. Sa aaral pahina 14-20
kaniyang paniniwala, hindi halimaw ang lalaki kundi isang
mangingibig at asawang matagal na niyang hinihintay.
Isang gabi ay kinausap siya nang masinsinan ng lalaki.
Binalaan siyang may panganib na darating sa pamamagitan
ng dalawa niyang kapatid. “Darating ang iyong mga
kapatid upang magluksa sa lugar kung saan ka nila
iniwan,” wika ng asawa. “Subalit huwag na huwag kang
magpapakita sa kanila sapagkat magbubunga ito ng
matinding kalungkutan sa akin at kasiraan sa iyo,” habilin
ng lalaki. Nangako naman si Psyche na tatalima sa
kagustuhan ng asawa.
Kinabukasan, narinig ni Psyche ang panangis ng
kaniyang mga kapatid. Labis na naantig ang kaniyang
damdamin sa kanilang pagluluksa. Nais niyang ibsan ang
kanilang kalungkutan at patahanin sila sa pag-iyak.
Hanggang sa maging siya ay umiiyak na rin. Kinagabihan  . Modyul para sa Mag-
ay inabutan pa siya ng kaniyang asawa na umiiyak. Sinabi aaral pahina 14-20
ng lalaki na maaari na niyang makita ang kaniyang mga
kapatid subalit mahigpit pa rin ang kaniyang babala. “Sige
gawin mo ang iyong nais subalit parang hinahanap mo ang
sarili mong kapahamakan,” wika ng lalaki. Pinayuhan siya
nang masinsinan na huwag siyang pabubuyo kaninuman na
subuking sulyapan ang mukha ng lalaki. Kung mangyayari
ito, magdurusa si Psyche sa pagkakawalay sa kaniya.
“Nanaisin kong mamatay nang isandaang beses kaysa
mabuhay nang wala ka sa aking piling. Pagbigyan mo lang
ang kaligayahan kong muling makapiling ang aking mga
kapatid,” buong pagmamakaawang hiling ni Psyche.
Malungkot na sumang-ayon ang lalaki.Kinaumagahan,
inihatid ng ihip ng hangin ni Zephyr ang dalawang kapatid
ni Psyche.
Hindi magkamayaw sa iyakan at yakapan ang
magkakapatid. Walang mapagsidlan ang nag-uumapaw
nilang kaligayahan. Nang pumasok na sila sa mansiyon
labis na pagkamangha ang naramdaman ng magkapatid.
Sila ay nakatira sa palasyo subalit walang kasingganda ang
mansiyon na ito. Nag-usisa sila kung sino ang
napangasawa ni Psyche. Tulad ng kaniyang ipinangako
inilihim ni Psyche ang tunay na pagkatao ng asawa. Nang  Modyul para sa Mag-

13
matapos na ang pagdalaw ng kaniyang mga kapatid, aaral pahina 14-20
dumakot si Psyche ng mga ginto at hiyas upang ibigay sa
kaniyang mga kapatid. Ipinahatid niyang muli ang mga
kapatid kay Zephyr. Labis na pangingimbulo ang
naramdaman ng mga ate ni Psyche sa kaniya. Ang kanilang
kayamanan ay hindi maihahambing sa kayamanang
kanilang nakita sa tahanan ni Psyche. Binalot nang labis na
inggit ang kanilang puso na humantong sa pagpaplano nila
ng ikapapahamak ng kanilang bunsong kapatid.
Noong gabi ring iyon, muling kinausap ng lalaki
si Psyche. Nagmakaawa siyang huwag na muling patuluyin
sa kanilang tahanan ang kaniyang mga kapatid. “Tandaan
mong hindi mo na ako makikitang muli kapag binali mo
ang iyong pangako,” masidhing paalala ng kaniyang asawa.
“Bawal na kitang makita, pati ba naman ang mga mahal
kong kapatid?” pagmamaktol na sumbat ni Pysche. Muling
pinagbigyan ng lalaki ang asawa na makita ang kaniyang
mga kapatid.
Kinabukasan, muling dumalaw ang dalawang
kapatid na may nabuo nang malagim na balak sa kanilang
bunsong kapatid. Nag-usisa sila nang nag-usisa hanggang
malito na si Psyche sa kaniyang mga pagsisinungaling.
Napilitan siyang sabihin ang katotohanang bawal niyang
makita ang mukha ng kaniyang asawa at hindi niya alam
ang anyo nito. Ikinumpisal ng magkapatid na alam na nila
noon pa na ang asawa ni Psyche ay isang halimaw batay sa  Modyul para sa Mag-
sinabi ng orakulo ni Apollo. Nagsisisi sila kung bakit nila aaral pahina 14-20
ito inilihim kay Psyche. Binuyo nila si Psyche na dapat na
niyang malaman ang katotohanan bago mahuli ang lahat.
Mabait lamang daw ang kaniyang asawa ngayon subalit
darating ang araw na siya ay kakainin nito. Takot ang
nangibabaw sa puso ni Psyche sa halip na pagmamahal.
Ngayon lamang niya napagtagni-tagni ang katanungan sa
kaniyang isip. Kaya pala pinagbabawalan siyang makita
ang hitsura ng kaniyang asawa sapagkat halimaw ito. At
kung hindi man ito halimaw, bakit ito hindi nagpapakita sa
liwanag? Magkahalong takot at pagkalito ang naramdaman
ni Psyche. Humingi siya ng payo sa kaniyang kapatid.
Isinagawa na ng nakatatandang mga kapatid ang masama
nilang balak. Pinayuhan nila si Psyche na magtago ng
punyal at lampara sa kaniyang silid. Kapag natutulog na
ang kaniyang asawa sindihan niya ang lampara at buong
tapang niyang itarak ang punyal sa dibdib ng asawa.
Humingi lamang daw si Psyche ng tulong at nasa di

14
kalayuan lamang ang dalawa. Kapag napatay na ni Psyche  Modyul para sa Mag-
ang asawa sasamahan siya ng kaniyang mga kapatid sa aaral pahina 14-20
pagtakas. Iniwan nila si Psyche na litong-lito. Mahal na
mahal niya ang kaniyang asawa subalit paano kung
halimaw nga ito? Nabuo ang isang desisyon sa kaniya.
Kailangan niyang makita ang hitsura ng kaniyang asawa.
Sa wakas, nang mahimbing nang natutulog ang
lalaki, patiyad na naglakad si Psyche patungo sa
pinaglagyan niya ng punyal at lampara. Kinuha niya ang
mga ito. Sinindihan niya ang lampara. Dahan-dahan siyang
lumapit sa kaniyang asawa. Laking ginhawa at kaligayahan
ang nag-uumapaw sa kaniyang puso nang masilayan niya
sa unang pagkakataon ang hitsura ng kaniyang asawa.
Hindi halimaw ang kaniyang nakita kundi pinakaguwapong
nilalang sa mundo. Nang madapuan ng liwanag ang
kagandahan ng lalaki ay tila ba mas lalong tumingkad ang
liwanag ng lampara. Sa labis na kahihiyan at kawalan ng
pagtitiwala, lumuhod siya at binalak na saksakin ang sarili.
Nang akma na niyang itatarak ang punyal sa kaniyang
dibdib, nanginig ang kaniyang kamay, at nahulog ang
punyal. Ang panginginig ng kaniyang kamay ay kapwa
nagligtas at nagtaksil sa kaniya. Sa pagnanais niyang
pagmasdan pa ang kaguwapuhan ng kaniyang asawa,
inilapit niya ang lampara at natuluan ng mainit na langis
ang balikat nito. Nagising ang lalaki at natuklasan ang
kaniyang pagtataksil. Lumisan ang lalaki nang hindi  Modyul para sa Mag-
nagsasalita. aaral pahina 14-20
Sinundan ni Psyche ang asawa subalit paglabas
niya, hindi na niya nakita ang lalaki. Narinig na lamang
niya ang tinig ng asawa. Ipinaliwanag nito kung sino
siyang talaga. “ Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung
walang tiwala,” wika niya bago tuluyang lumipad
papalayo. “Si Cupid, ang diyos ng pag-ibig!” ang naisip ni
Psyche. “ Siya ang asawa ko. Ako na isang hamak lamang
ay hindi tumupad sa aking pangako sa kaniya. Mawawala
na nga ba siya sa akin nang tuluyan?” wika niya sa
kaniyang sarili. Inipon niya ang lahat ng nalalabi niyang
lakas at nagwikang “Ibubuhos ko ang bawat patak ng aking
buhay upang hanapin siya. Kung wala na siyang natitirang
pagmamahal sa akin, maipakikita ko sa kaniya kung gaano
ko siya kamahal.” At sinimulan ni Psyche ang kaniyang
paglalakbay.
Sa kabilang banda, umuwi si Cupid sa kaniyang
ina upang pagalingin ang kaniyang sugat. Isinalaysay niya  Modyul para sa Mag-

15
sa kaniyang ina ang nangyari. Nagpupuyos sa galit si aaral pahina 14-20
Venus at lalong sumidhi ang pagseselos niya kay Psyche.
Iniwan niya si Cupid nang hindi man lang tinulungang
gamutin ang sugat nito. Determinado si Venus na ipakita
kay Psyche kung paano magalit ang isang diyosa kapag
hindi nasiyahan sa isang mortal.
Patuloy na naglakbay si Psyche at pinipilit na
makuha ang panig ng mga diyos. Siya ay palagiang nag-
aalay ng marubdob na panalangin sa mga diyos subalit
wala sa kanila ang nais maging kaaway si Venus.
Nararamdaman ni Psyche na wala siyang pag-asa sa lupa o
sa langit man. Kaya minabuti niyang magtungo sa kaharian
ni Venus at ialay ang kaniyang sarili na maging isang
alipin. Sa ganitong paraan ay umaasa siyang lalambot din
ang puso ni Venus at huhupa rin ang kaniyang galit.
Nagbabakasakali rin siyang naroon sa kaniyang ina si
Cupid. Sinimulan na niya ang paglalakbay.
Nang dumating si Psyche sa palasyo ni Venus,
humalakhak nang malakas ang diyosa. Pakutya niyang
tinanong si Psyche, “Nagpunta ka ba rito upang maghanap
ng mapapangasawa? Tiyak kong ang dati mong asawa ay
wala nang pakialam sa iyo, sapagkat muntik na siyang
mamatay dahil sa natamong sugat mula sa kumukulong
langis na dulot mo. Isa kang kasumpa-sumpang nilalang.
 Modyul para sa Mag-
Kailanman ay hindi ka magkakaroon ng asawa kung hindi aaral pahina 14-20
ka daraan sa butas ng karayom.” Sinabi ng diyosa na
tutulungan niya si Psyche sa pagsasanay. Ibinuhos niya sa
harap ni Psyche ang isang malaking lalagyan na puno ng
iba’t ibang uri ng maliliit na butong pinaghalo-halo niya.
Inutusan niya si Pysche na bago dumilim dapat ay
napagsama-sama na niya ang magkakauring buto. Agad
lumisan ang diyosa.
Tinitigan lamang ni Psyche ang malaking
tumpok ng mga buto. Napaka-imposible ng ipinagagawa sa
kaniya ng diyosa. Nasa ganitong pagmumuni si Psyche
nang pagmasdan siya ng mga langgam. Kung ang mga
mortal at imortal ay hindi naaawa sa kaniya, hindi ang
maliliit na nilalang. Nagtawag ang mga langgam ng
kanilang mga kasama at sinimulan ang pagbubukod-bukod
ng mga buto. Agad natapos ang gawain. Pagdating ni
Venus, hindi siya nasiyahan sa kaniyang nakita. Sinabi
niyang hindi pa tapos ang mga pagsubok ni Psyche.
Binigyan niya si Psyche ng matigas na tinapay. Sinabi rin  Modyul para sa Mag-
ng diyosa na sa sahig siya matutulog. Inisip ng diyosa na aaral pahina 14-20

16
kung pahihirapan at gugutumin niya si Psyche mauubos rin
ang nakaiinis nitong ganda. Samantala, tiniyak ni Venus na
hindi makalalabas si Cupid sa kaniyang silid habang
pinahihilom nito ang kaniyang sugat. Nasisiyahan si Venus
sa magandang takbo ng mga pangyayari.
Kinaumagahan, isang mapanganib na
pagsubok ang ipinagawa ni Venus kay Psyche. Pinakukuha
niya si Psyche ng gintong balahibo ng mga tupa sa tabi ng
ilog. Ang mga tupa ay mababangis at mapanganib. Nang
marating ni Psyche ang ilog, natutukso siyang tumalon at
magpalunod na lamang upang matapos na ang kaniyang
paghihirap. Nakarinig siya ng tinig mula sa halamang nasa
tabi ng ilog. “Huwag kang magpapakamatay. Hindi naman
ganoon kahirap ang ipinagagawa sa iyo. Kailangan mo lang
maghintay ng tamang panahon upang makakuha ng gintong
balahibo ng tupa. Pagsapit ng hapon ang lahat ng tupa mula
sa malalabay na halamanan ay magtutungo dito sa ilog
upang magpahinga. Magtungo ka sa halamanan at doon ka
kumuha ng mga gintong balahibong nasabit sa mga sanga.”
Sinunod ni Psyche ang payo ng halamang nasa tabi ng ilog.
Umuwi siya sa kaharian ni Venus na dala ang mga gintong
balahibo ng tupa.

“May tumulong sa iyo!” sumbat ni Venus kay  Modyul para sa Mag-


aaral pahina 14-20
Psyche. “Hindi mo ginagawa nang mag-isa ang mga
pinagagawa ko sa iyo. Hindi bale, bibigyan kita ng
pagkakataong patunayan na sadyang mapagkunwari kang
may mabuting puso at magaling.” Itinuro ni Venus sa
malayo ang itim na tubig ng talon. Binigyan niya si Psyche
ng prasko
at pupunuin ito ng itim na tubig. Nagtungo si Psyche sa
ilog ng Styx. Nakita niyang malalim ang bangin at mabato.
Tanging may pakpak lamang ang maaaring makaigib ng
tubig. Sa lahat ng kaniyang pagsubok, ito na ang
pinakamapanganib. Tulad ng inaasahan may tumulong kay
Psyche. Isang agila ang dumagit sa praskong tangan ni
Psyche at lumipad malapit sa talon. Pagbalik ng agila, puno
na ng itim na tubig ang prasko.

Hindi pa rin sumusuko si Venus sa pagpapahirap


kay Psyche. Ayaw niyang magmukhang tanga sa harap ng
madla. Ipinagpatuloy niya ang pagpapahirap sa kawawang  Modyul para sa Mag-
mortal. Binigyan niya si Psyche ng isang kahon na aaral pahina 14-20
paglalagyan niya ng kagandahang kukunin ni Psyche mula

17
kay Proserpine, ang reyna sa ilalim ng lupa. Inutos ni
Venus na sabihin ni Psyche na kailangan niya ito sapagkat
napagod siya sa pag-aalaga ng kaniyang anak na maysakit.
Katulad ng mga nauna agad tumalima si Psyche. Dala ang
kahon, tinalunton niya ang daan papunta sa kaharian ni
Hades.
Tinulungan siya ng isang tore na nagbigay sa kaniya
ng detalyadong hakbang patungo sa kaharian sa ilalim ng
lupa. Una, kailangan niyang pumasok sa isang butas na
lagusan patungo sa ilalim ng lupa sa tabi ng ilog ng
kamatayan. Kailangan niyang sumakay sa isang bangkang
ang bangkero ay si Charon. Kailangan niyang bayaran ng
pera si Charon upang siya ay makatawid. Makikita na niya
ang lansangan patungo sa palasyo. Sa pintuan ng palasyo
may nagbabantay na isang asong tatlong ulo. Kapag
binigyan ng cake ang aso ito ay magiging maamo at
papayag nang magpapasok sa palasyo.
Nagawa lahat ni Psyche ang ipinaliwanag ng tore.
Pinaunlakan din ni Proserpine ang kahilingan ni Venus.
Agad nakabalik si Psyche nang mas mabilis pa kaysa  Modyul para sa Mag-
kaniyang pagbaba. Gayunman, nasubok muli ang aaral pahina 14-20
karupukan ni Psyche. Sa paghahangad niya ng
karagdagang kagandahan upang umibig muli si Cupid sa
kaniya, natukso siyang kumuha ng kaunting ganda sa loob
ng kahon. Nang buksan niya ito, tila walang laman subalit
nakadama siya ng matinding panghihina at agad nakatulog.
Sa mga panahong ito ay magaling na si Cupid.
Sabik na siyang makita ang kaniyang asawa
subalit ibinilanggo siya ng kaniyang ina. Mahirap bihagin
ang pagmamahal. Kaya humanap si Cupid ng paraan upang
makatakas. Nakita niya ang bukas na bintana at doon siya
nakatakas. Nahanap niya agad si Psyche malapit sa
palasyo. Agad niyang pinawi ang pagtulog ng asawa at
agad sinilid ang gayuma sa kahon. Bahagya niyang tinusok
ng kaniyang busog si Psyche upang magising. Pinagalitan
niyang muli ang kaniyang asawa dahil sa pagiging mausisa
nito na humantong muli sa kaniyang kapahamakan. Sinabi
niyang magtungo si Psyche sa kaniyang ina at ibigay ang
kahon. Dito na magtatapos ang pagpapahirap ng kaniyang
ina.
Masayang nagtungo si Psyche sa palasyo
samantalang si Cupid naman ay lumipad patungo sa
kaharian ni Jupiter, ang diyos ng mga diyos at tao. Hiniling
niya na tiyaking hindi na sila gagambalain ng kaniyang ina.

18
Pumayag si Jupiter.
Nagpatawag si Jupiter ng pagpupulong ng mga
diyos at diyosa kasama na si Venus. Ipinahayag niya sa
lahat na si Cupid at Psyche ay pormal nang ikinasal at wala
nang dapat gumambala sa kanila maging si Venus. Dinala
ni Mercury si Psyche sa kaharian ng mga diyos. Dito
iniabot ni Jupiter kay Psyche ang ambrosia, ang pagkain ng
mga diyos upang maging imortal. Naging panatag na rin si
Venus na maging manugang si Psyche sapagkat isa na
itong diyosa. At kung maninirahan na ang manugang sa
kaharian ng mga diyos, hindi na muling makagagambala si
Psyche sa pagsamba ng tao kay Venus.
Ang pag-ibig (Cupid), at kaluluwa (Psyche) ay nagkatagpo
sa likod ng mapapait na pagsubok sa kanilang pagsasama
ay hindi na mabubuwag kailanman Grapikong Presentasyon:
3. Pagpapalalim o Paglinang ng Gawain: Cupid
kalakasan kahinaan
*Pagsusuri sa Tauhan

--Suriin ang katangian nina Cupid at Psyche. Tukuyin


ang kalakasan at kahinaan ng bawat isa. Gawin sa Psyche
iyong sagutang papel. kalakasan kahinaan

PAGSASAMA-SAMA:
-Edukasyon sa Pagapapakatao (EsP). Ang mga mensahe
at gamit ng mitolohiya ang isang pagmulat sa ating
paniniwala sa Panginoon.

C.-PAGKATAPOS NG TALAKAYAN:

1. Pagtatataya:
PANUTO: Isalaysay ang sariling kuro-kuro sa mga mga
sumusunod: (Limang puntos bawat sagot)
Sagutin sa
1. Kung ikaw si Psyche, tatanggapin mo rin ba ang mga kalahating papel
hamon ni Venus para sa pag-ibig? Bakit?

2. Bilang isang diyosa, ano ang hindi magandang


katangian ni Venus? Ipaliwanag.

2.Takdang-Aralin:
-Batay sa naunawaan mong mensahe mula sa mitolohiyang
“Cupid at Psyche,” paano mo ito maiuugnay sa iyong sarili,
pamilya, pamayanan, at lipunan.

IV-REPLEKSYON:
Pagninilay sa iyong mga istratehiya ng pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-

19
aaral sa bawat linggo. Paano mo ito naisakatuparan? Ano pang tulong ang maari mong gawin
upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maari mong itanong/Ilahad sa iyong superbisor sa
anumang tulong na maari nilang maibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng mga-aaral na nakakuha ng 80% ____
B. Bilang ng mag-aaral na nabigyan ng karagdagang gawain bilang remedyal.
C. Naging makabuluhan baa ng ginawang remedial?
D. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha o nakaintindi sa aralin
E. Bilang ng mga mag-aaral na kailangan pang magpatuloy sa ginawang remedyal.
F. Alin sa mga istratehiyang ginamit ang mabisa? Bakit naging mabisa ito?
G. Ano-anong mga balakid ang naranasan at nabigyan ng solusyun sa tulong ng punongguro
at superbisor?
H.Ano-ano ang mga inobasyon/pagbabago o mga kagamitang panlokal ang ginamit na nais
Ibahagi sa iba pang mga guro?

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO-10


Emilio H. Minguez, Jr.
Valencia National High School

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:

PANITIKAN: Cupid at Psyche (Mitolohiya mula sa Rome, Italy) Isinalaysay ni


Apuleius (Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat)
.
PRODUKTO AT PAGGANAP:

Pagsasalaysay ng nasasaliksik na mito o kauri nito.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
1. F10PD-Ia-b-61, Natutukoy ang mensahe at layunin ng napanood na cartoon ng
isang mitolohiya.
2. F10PU-Ia-b-64, Naisusulat ang sariling mitolohya batay sa paksang binasa.

MARKAHAN: Unang Markahan LINGGO: Unang Linggo ARAW: Ikatlong


Araw

I- MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng isang oras na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang mensahe at layunin ng napanood na cartoon ng isang mitolohiya.
b. Naisusulat ang sariling mitolohya batay sa paksang akdang binasa.

II- NILALAMAN:
a. Paksa: Aralin 1.1, Panitikan: Cupid at Psyche (Mitolohiya mula sa Rome, Italy)
Isinalaysay ni Apuleius (Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

b. Pagsasama-sama: -Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP). Ang mga mensahe

20
at gamit ng mitolohiya ang isang pagmulat sa ating paniniwala sa Panginoon.

c. Estratehiya: Tahasang Pagtuturo


d. Kagamitan: netbook, PowerPoint, yeso at TV monitor
e. Sanggunian: DepEd Modyul para sa Mag-aaral pahina 9-26 at Teacher’s Guide page 3-10,
youtube. Sa sumusunod na links: http://www.youtube.com/watch?
v=iMzNPEHNxcc&list=PL42F4E0F50A1D70AA&index=1http://
www.youtube.com/watch?v=WP_NeirFIkM&lis

III- PAMAMARAAN:

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. -BAGO ANG TALAKAYAN


1. Panimulang Dasal
 Manalangin Tayo
2. Pagtatala ng mga lumiban sa klase
 pagtsek ng dumalo sa klase at
3. Balik-Aral
pagsasaayos sa loob ng silid-aralan

--Muling balikan ang mga mahalagang


pangyayari sa mitolohiyang si Cupid at si
Psyche na nakatawag pansin sa teksto.
(Ipagpatuloy ang nakaraan aralin)

B. –PANAHON NG TALAKAYAN Grapikong Presentasyon:


GAWAIN : Krusigrama
1. Gawain:
Pahalang Pababa
- Basahin ang talaan ng kahulugan sa kolum 1. nanaig ang 1. kuwento
na PAHALANG at PABABA. Gamitin ang pagkainggit tungkol sa mga
2. tumupad sa diyos at
letrang nasa KRUSIGRAMA bilang
tungkulin, diyosa
karagdagang palatandaan upang matukoy ang sumunod sa utos 2. walang
salita. 3. nahimok, nahikayat kamatayan,
4. pagkain ng diyos- walang
diyosan katapusan
5. tayo lakad na ang 3. masidhi,
mga daliri ng maalab, masikhay
paa lamang ang na
sumasayad pagnanasa
6. nag-alab na 4. lumakas,
damdamin
21
Hayaan ang mga mag-aaral na pumili sa
mga sumusunod na:

2. Pagsusuri:
 Buzz Session
--Proseso ang sagot ng mga mag-aaral
upang mabigyang-diin ang mahahalagang  Brain Storming
kaisipan na nakapaloob sa mitolohiya at lubos
 Think , Pair & share
nilang makilala ang pagkakatulad ng
katangian ng mga diyos at diyosang tauhan sa
kalikasan ng tao.

Ipasagot
Mga sagot ng mga mag-aaral
Ang Gawain 6. Pagkatapos masagot ng mga
mag-aaral ang gawain,tumawag ng 5-7 mag-
aaral na magbabahagi sa klase ng kanilang
sagot sa bawat tanong.

1. Kung ikaw si Psyche, tatanggapin mo rin ba


ang mga hamon ni Venus para sa pag-ibig? Grapikong Presentasyon:
Bakit? GAWAIN 8: Kulturang Masasalamin

2. Magbigay ng sariling reaksiyon sa pahayag kultura ng mga Kulturang Pilipino


taga-Rome
ni Cupid na: “Hindi mabubuhay ang pag-ibig
kung walang pagtitiwala.”

3. Sa iyong paniniwala kailangan bang


paghirapan ng tao sa mundo ang pagpunta o
lugar niya sa langit? Ipaliwanag.

4. Batay sa talakayang Gamit ng mga


mitolohiya sa bahaging Tuklasin, ano ang

22
gamit ng mitolohiyang Cupid at Psyche?
Ipaliwanag

-- Ipagawa ang Gawain 8. Ipasuri sa mga


mag-aaral ang masasalaming kulturang
Romano sa akdang binasa at suriin ang
pagkakahawig nito sa kultura ng mga Pilipino.
Gawing batayan ang
halimbawang naibigay.

MGA MAG-AARAL ANG BABASA:

Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan


3. Buod: Muling isinalaysay sa Ingles ni: Maria Luisa
B. Aguilar-Cariño
- Pagsanib ng Gramatika at Retorika Isinalin ni: Vilma C. Ambat

“Hay, ano ang saysay ng buhay?”


Babasahin mo naman ang isang mito
naibulalas ni Bugan sa kaniyang asawang si
mula sa Ifugao. Pag-aaralan mo kung paano Wigan. “Hindi man lang tayo magkaroon ng
nakatutulong ang mitolohiya ng Rome sa anak; mukhang hindi pinakikinggan ng mga
pagpapaunlad ng Panitikang Pilipino at kung diyos ang ating mga panalangin!”
paano nakatutulong ang pandiwa sa Sumang-ayon naman si Wigan, “Oo, tama
pagpapahayag ng aksiyon, karanasan, at ka! Pero halika muna, mag-momma tayo at
pangyayari buhat sa binasang mito o ng mga saka natin isipin kung ano ang dapat nating
gawin.”
kauri nito.
Matagal na nag-isip ang mag-
asawa hanggang nakapagdesiyon si Bugan
na magtungo sa tahanan ng mga diyos sa
silangan. “Dito ka lang, Wigan, pupuntahan
ko ang mga diyos na sina Ngilin, Bumakker,
Bolang at ang diyos ng mga hayop.”
Sinimulan ni Bugan ang kaniyang
paglalakbay. Pumunta siya sa Ibyong,
dumaan sa Poitan, nagtungo siya sa silangan
papuntang Nahbah, Baninan. Tumawid siya
sa ilog ng Kinakin at narating niya ang lawa
sa Ayangan. Nakakita siya ng igat sa lawa.
Tinanong siya nito “Saan ka pupunta
Bugan?” Sumagot si Bugan, “Pupunta ako
ng Silangan para maghanap ng lalamon sa
akin, sapagkat hindi kami magkaroon ng
anak ni Wigan.” Tumawa ang igat. “Huwag
kang malungkot, Bugan,” wika ng nito.
“Sige magtungo ka sa silangan at
makipagkita ka sa mga diyos.”

23
Ipinagpatuloy ni Bugan ang
kaniyang paglalakbay patungo sa lugar ng
mga diyos. Narating niya ang lawa sa
Lagud. Nakita niya roon ang isang buwaya.
“Tao, bakit ka naririto?” pag-uusisa ng
buwaya. “Ako si Bugan ng Kiyangan, at
naghahanap ako ng lalamon sa akin. Wala
kaming anak ng aking asawa,” sagot ni
Bugan. Humikab ang buwaya at nagsabing,
“Hindi kita maaaring kainin sapagka’t
napakaganda mo.” Ipinagpatuloy muli ni
Bugan ang kanyang paglalakbay at
nakarating sa tahanan ng kinatatakutang
pating. Nilabanan niya ang pangangatog ng
kaniyang tuhod. Hinarap niya ang pating at
nagwika “Pakiusap, kainin mo na ako.
Kaming mag-asawa ay walang anak. Ayaw
ko nang mabuhay pa kung hindi ako
magkakaroon ng anak.” Sumagot ang pating,
“Isang malaking kahihiyan kapag kinain
kita. Napakaganda mo. Halika muna sa
aking tahanan at kumain; bago mo
ipagpatuloy ang iyong paglalakbay.”
Pagkatapos saluhan ang pating sa
hapag-kainan, muling naglakad patungong
silangan si Bugan. Sa wakas ay narating
niya ang tahanan ng mga diyos na sina
Ngilin, Bumabakker, at iba pang mga diyos.
Labis siyang napagod kaya humiga siya sa
lusong na nasa labas ng bahay. Doon
hinintay ang mga diyos. Lingid sa kaniyang
kaalaman, nasa loob lamang ng bahay si
Bumabbaker.
“May naamoy akong tao,” sabi ni
Bumabbaker. Lumabas siya ng bahay upang
hanapin ang pinanggagalingan ng amoy.
Nakita niya ang isang magandang babae na
nakaupo sa kanyang lusong. “Ano’ng
ginagawa mo dito, Bugan?” tanong niya
habang kinikilala kung si Bugan nga iyon.
“Naku, nagpunta ako rito upang mamatay,
sapagkat hindi pa rin kami nagkakaroon ng
anak ni Wigan pagkalipas ng ilang taon,”
wika ni Bugan.
“Kahibangan,” wika ni
Bumabbaker habang tumatawa. “Halika,
hanapin natin si Ngilin at kung nasaan pa
ang iba,” wika ni Bumabbaker.
Nalugod ang mga diyos na makita si Bugan.
Nagbigay sila ng regalong baboy, manok at

24
kalabaw. “Sasama kami sa iyo pabalik sa
Kiyangan. Doon ka namin tuturuan ng ritwal
na Bu-ad upang mabiyayaan ka ng mga
anak, masaganang ani at pamumuhay.”
Inihatid ng mga diyos si Bugan kay Wigan.
Tinuruan nila ang mag-asawa ng
panalanging dapat nilang sambitin sa
pagsasagawa ng ritwal na Bu-ad. Isinagawa
ni Wigan at Bugan ang ritwal at
pinasalamatan ang kanilang mga diyos.
Pagkalipas ng ilang buwan, walang
mapagsidlan ng kaligayahan ang mag-asawa
dahil sa buhay na tumitibok sa sinapupunan
ni Bugan.

Grapikong Presentasyon:
GAWAIN 9: Hamon sa Pag-unawa

4. Aplikasyon:

--Talakayin ang mahahalagang pangyayari


sa teksto.

-- Ipasagot ang mga tanong sa Gawain 9.

1. Sino sina Wigan at Bugan batay sa mitong


Ifugao?

2. Ano ang kultura ng mga Pilipino na


masasalamin sa epikong ito?
 Round Table Discussion
3. Paghambingin ang mga tauhan, pangyayari
at mensahe sa mitolohiyang “Cupid at
Psyche” at “Nagkaroon ng Anak sina Wigan
at Bugan.” Sagutin sa tulong ng dayagram.

25
4. Batay sa iyong nabasa, masasabi mo bang
may impluwensiya na ang mga mitolohiya ng
mga taga-Rome sa mga mitolohiya ng
Pilipinas? Pangtuwiranan ang sagot?
 Isang kalahating papel

--Talakayin sa klase ang mga sagot ng


mag-aaral upang magabayan sila sa pagsusuri
sa akdang nabasa.

C.-PAGKATAPOS NG TALAKAYAN:

1. Pagtatataya:

PANUTO: Saguting ang mga sumusunod na


katanungan tigdalawang puntos ang bawat
katanungan.

1. Sino ang nagsalin sa mito na si Bugan at


wigan?

2. Saang lugar ang pinagmulan ng mito na


Wigan at Bugan?

3. Anong hayop ang una niyang nasalubong sa


kanyang paglalabay?

4. Sino ang diyos na tumulong kay Bugan


para matupad ang kanyang hiling?

5. Ninais ba talaga ni Bugan na mamatay?


Bakit?

2.Takdang-Aralin:

-Magsaliksik tungkol sa Pandiwa at mga


gamit nito.

IV-REPLEKSYON:
Pagninilay sa iyong mga istratehiya ng pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-
aaral sa bawat linggo. Paano mo ito naisakatuparan? Ano pang tulong ang maari mong gawin

26
upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maari mong itanong/Ilahad sa iyong superbisor sa
anumang tulong na maari nilang maibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng mga-aaral na nakakuha ng 80% ____
B. Bilang ng mag-aaral na nabigyan ng karagdagang gawain bilang remedyal.
C. Naging makabuluhan baa ng ginawang remedial?
D. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha o nakaintindi sa aralin
E. Bilang ng mga mag-aaral na kailangan pang magpatuloy sa ginawang remedyal.
F. Alin sa mga istratehiyang ginamit ang mabisa? Bakit naging mabisa ito?
G. Ano-anong mga balakid ang naranasan at nabigyan ng solusyun sa tulong ng punongguro
at superbisor?
H.Ano-ano ang mga inobasyon/pagbabago o mga kagamitang panlokal ang ginamit na nais
Ibahagi sa iba pang mga guro?

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO-10


Emilio H. Minguez, Jr.
Valencia National High School

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:

GRAMATIKA at RETORIKA: Mga Pandiwang Ginagamit sa Pagpapahayag ng


Aksiyon, Karanasan, at Pangyayari.
PRODUKTO AT PAGGANAP:

Pagsasalaysay ng nasasaliksik na mito o kauri nito.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
1. F10WG-Ia-b-57, Nagagamit ang angkop na pandiwa bilang aksiyon, pangyayari
at karanasan.
2. F10EP-Ia-b-27, Naisasagawa ang sistematikong pananaliksik sa iba’t ibang
pagkukunan ng impormasyon( inter,silid-aklatan atbp.).

MARKAHAN: Unang Markahan LINGGO: Unang Linggo ARAW: Ikaapat


na Araw

I- MGA LAYUNIN:

Pagkatapos ng isang oras na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nagagamit ang angkop na pandiwa bilang aksiyon, pangyayari at karanasan;


b. Naisasagawa ang sistematikong pananaliksik sa iba’t ibang pagkukunan ng impormasyon
(Internet, silid-aklatan atbp).

27
II- NILALAMAN:

a. Paksa: Aralin 1.1, Gramatika; Mga Pandiwang Ginagamit sa Pagpapahayag ng


Aksiyon, Karanasan, at Pangyayari.

b. Pagsasama-sama: -Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP). Ang mga mensahe


at gamit ng mitolohiya ang isang pagmulat sa ating paniniwala sa Panginoon.

c. Estratehiya: Indirect Instruction


d. Kagamitan: netbook, PowerPoint, yeso at TV monitor
e. Sanggunian: DepEd Modyul para sa Mag-aaral pahina 9-26 at Teacher’s Guide page 3-10.

III- PAMAMARAAN:

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. -BAGO ANG TALAKAYAN


1. Panimulang Dasal
 Manalangin Tayo
2. Pagtatala ng mga lumiban sa klase  pagtsek ng dumalo sa klase at
3. Pagganyak pagsasaayos sa loob ng silid.

MAGTANIM AY DI BIRO ( folk song)


Magtanim ay di biro
Maghapong nakayuko
Di man lang makaupo
Di man lang makatayo  Sabay-sabay na umawit ang mga
mag-aaral
Braso ko’y namamanhid
Baywang ko’y nangangawit.
Binti ko’y namimitig
Sa pagkababad sa tubig.

Sa umaga, paggising  Nag-uunahan sa pagsulat ang mga


Ang lahat, iisipin mag-aaral sa kanilang sagot.
Kung saan may patanim .
May masarap na pagkain.

--Itala sa pisara ang mga salita na nagsasaad ng


kilos mula sa awit.Para manalo paramihan ang
naitala sa bawat pangkat.

28
--Handa na ba kayo sa bagong aralin ngayong
araw?

B. –PANAHON NG TALAKAYAN

1. Paglalahad:

Pagsasanib ng Gramatika at Retorika

-- Talakayin ang mga pandiwang ginamit sa


pagpapahayag ng aksiyon, karanasan, at
pangyayari.

2. Pagtatalakay:

Alam mo ba na...

iba’t iba ang gamit ng pandiwa? Ginagamit ito


sa pagpapahayag ng aksiyon, karanasan, at  Modyul para sa Mag-aaral pahina
pangyayari. 24-25

Gamit ng Pandiwa:

1. Aksiyon
May aksiyon ang pandiwa kapag may aktor o
tagaganap ng aksiyon/kilos. Mabubuo ang mga
pandiwang ito sa tulong ng mga panlaping: -um,
mag-ma-, mang-, maki-, mag-an. Maaaring tao
o bagay ang aktor.

Halimbawa:
a. Naglakbay si Bugan patungo sa tahanan ng
mga diyos.
Pandiwa → Naglakbay
Aktor → si Bugan
Aktor → si Bugan

2. Karanasan
Nagpapahayag ng karanasan ang pandiwa kapag
may damdamin. Dahil dito, may nakararanas ng
damdamin na inihuhudyat ng pandiwa.
Maaaring magpahayag ang pandiwa ng
karanasan o damdamin/emosyon. Sa ganitong
sitwasyon may tagaranas ng damdamin o
saloobin.
 Modyul para sa Mag-aaral pahina

29
Halimbawa: 24-25
a. Tumawa si Bumabbaker sa paliwanag ni
Bugan.

Karanasan → Tumawa
Aktor → si Bumabbaker

3. Pangyayari
Ang pandiwa ay resulta ng isang pangyayari.

Halimbawa:

a. Nalunod ang mga tao sa matinding baha.

Pandiwa → lunod
Pangyayari → isang matinding baha

-- Muling balikan ang tekstong binasa at suriin


ang mga pandiwang ginamit dito.

3. Pagnilayan at Unawain:

Balikan ang mga sagot ng mag-aaral sa  Gumagawa sa kanilang mga sagot


Gawain 2 at ipasagot ang kolum C. sa kolum B

-- Tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi


ang kanilang sagot sa kolum C. Tiyaking ang
mga nakasulat sa manila paper ay nasagot nang
wasto. Kung mayroong hindi nasagot na mga Grapikong Presentasyon:
tanong, linawin ng guro. GAWAIN 2: Alam-Nais-Natutuhan

-- Ipasagot ang pokus na tanong sa panitikan at


gramatika. Tiyaking tama ang mga konseptong
natutuhan ng mga magaaral

30
4. Ilipat:
A. Alam B. Nais C.
-- Pangkatin ang klase na may 6-8 kasapi bawat Malaman Natutuhan
pangkat. Papiliin ang bawat pangkat
ng pinakamahusay na pagsasalaysay batay sa
pamantayan. Papiliin rin sila ng isa sa mga a. a. a.
Mitolohiya Mitolohiya Mitolohiya
kasapi upang magsalaysay nito. Gawin itong
isang paligsahan. __________ _________ __________
b. Pandiwa b. Pandiwa b. Pandiwa
-- Ipasuri sa klase ang akda batay sa sumusunod
na napagkasunduang pamantayan: taglay ang
elemento ng akda, angkop ang pagkakagamit ng
pandiwa.

--Magbigay ng pahapyaw na pagtalakay tungkol


sa masining na pagsasalaysay.

-- Ipasalaysay ang mitong napakinggan mula sa


isinagawang panayam.  Mag-uunahan ang mga mag-aarl na
basahin ang sarili nilang gawang
mito.
-- Suriin kung maihahanay ba ang salaysay
bilang mito

C.-PAGKATAPOS NG TALAKAYAN:

1. Pagtatataya:
 Pumili ng mag-aaral na mag-uulat
PANUTO: Sipiin ang sumusunod na sa klase tungkol sa kanilang
pangungusap sa sagutang papel. Isulat sa sariling gawang mito.
patlang kung ang pandiwang may salungguhit
ay ginamit bilang aksiyon, karanasan, o
pangyayari.

___1. Ginawa ni Psyche ang lahat upang


maipaglaban ang kaniyang pagmamahal
kay Cupid.
___2. Labis na nanibugho si Venus sa
kagandahan ni Psyche.
___ 3. Nalungkot si Bantugan sa utos ng hari
kaya minabuti niyang lumayo na
lamang.
___ 4. Umibig ang lahat ng kakabaihan kay
Bantugan.

31
____ 5. Hindi nasiyahan si Jupiter sa ginawang
pagpapahirap ni Venus kay Psyche.
____6. Patuloy na naglakbay si Psyche at
pinipilit na makuha ang panig ng mga
diyos.  Isang buong papel
____7. Lalong sumidhi ang pagseselos niya kay
Psyche.
____8. Ibinuhos niya sa harap ni Psyche ang
isang malaking lalagyan ng puno.
____9. Umuwi siya sa kaharian ni Venus.
____10. Dahil sa paghihirap napilitan siyang
tumalon.

2.Takdang-Aralin:

--Magsalikisik tungkol sa sanaysay na mula sa


bansang Greece na may pamagat na “Alegorya
ng Yungib” ni Pluto.

IV-REPLEKSYON:
Pagninilay sa iyong mga istratehiya ng pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-
aaral sa bawat linggo. Paano mo ito naisakatuparan? Ano pang tulong ang maari mong gawin
upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maari mong itanong/Ilahad sa iyong superbisor sa
anumang tulong na maari nilang maibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng mga-aaral na nakakuha ng 80% ____
B. Bilang ng mag-aaral na nabigyan ng karagdagang gawain bilang remedyal.
C. Naging makabuluhan baa ng ginawang remedial?
D. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha o nakaintindi sa aralin
E. Bilang ng mga mag-aaral na kailangan pang magpatuloy sa ginawang remedyal.
F. Alin sa mga istratehiyang ginamit ang mabisa? Bakit naging mabisa ito?
G. Ano-anong mga balakid ang naranasan at nabigyan ng solusyun sa tulong ng punongguro
at superbisor?
H.Ano-ano ang mga inobasyon/pagbabago o mga kagamitang panlokal ang ginamit na nais
Ibahagi sa iba pang mga guro?

32
MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO-10
Aiza G. Huit & Emilio H. Minguez, Jr.
Valencia National High School

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:

PANITIKAN: Ang Alegorya ng Yungib Sanaysay mula sa Greece


(Allegory of the Cave ni Plato) Isinalin sa Filipino ni Willita A.Enrijo
No Valenciano’s Left behind
GRAMATIKA at RETORIKA: Ekspresiyon sa Pagpapahayag ng Pananaw.
.
PRODUKTO AT PAGGANAP:
Photo essay na magtatampok sa napapanahong isyu ng alinmang
bansa sa Mediterranean

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
1. F10PN-Ic-d-64, Naipaliliwanag ang pangunahing paksa at pantulong na mga
Ideya sa napakinggang impormasyon sa radyo o iba pang anyo ng media.
2. F10PB-Ic-d-64, Nabibigayang reaksiyon ang mga kaisipan o ideya sa tinalakay
na akda.

MARKAHAN: Unang Markahan LINGGO: Ikalawang Linggo ARAW: Unang


Araw_

I- MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng isang oras na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Naipaliliwanag ang pangunahing paksa at pantulong na mga ideya
sa napakinggang impormasyon sa radyo o iba pang anyo ng media.
b. Nabibigyang reaksiyon ang mga ideya o kaisipang lumutang sa sanaysay.

II- NILALAMAN:

a. Paksa: Aralin 1.2, Panitikan: Ang Alegorya ng Yungib (Sanaysay mula sa Greece)

33
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
b. Pagsasama-sama: -Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP). Ang mga mensahe ng
sanaysay ang isang pagmulat sa ating kamalayan at pagpapahalaga
sa kultura at kaugalian ng isang bansa..
c. Estratehiya: Collaborative/Cooperative learning
d. Kagamitan: netbook, PowerPoint, yeso, TV monitor

e. Sanggunian: - DepEd Modyul para sa Mag-aaral pahina 28-43 at


DepEd Gabay ng Guro pahina 11-14.

III- PAMAMARAAN:

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. -BAGO ANG TALAKAYAN


1. Panimulang Dasal
 Manalangin Tayo
2. Pagtatala ng mga lumiban sa klase  pagtsek ng dumalo sa klase at
3. Pagganyak pagsasaayos sa loob ng silid.

 Pumili ng piling mag-aaral na


Ipakita ang larawan Batay sa larawan, sasagot.
dugtungan ang pahayag sa speech balloon ng
iyong nabuong konsepto, o pananaw gamit Grapikong Presentasyon:
ang mga ekspresiyon ng pagpapahayag. . GAWAIN 2: Pagtibayin ang Palagay

https://www.slideshare.net/daniholic/filipino-
grade-10-learners-module
Handa na ba kayo sa bagong aralin natin
ngayon araw?
Opo titser
Ipasagot ang mga pokus na tanong:

34
• Paano makatutulong ang sanaysay sa
pagkakaroon ng kamalayan sa kultura at
kaugalian ng isang bansa?

• Paano nakatutulong ang mga pang-ugnay sa


pagsasalaysay upang mabisang maunawaan  Pumili ng piling mag-aaral na
ang mensaheng nakapaloob dito. sasagot.
.
B. –PANAHON NG TALAKAYAN

1. Paglalahad:
--Pagbibigay ng input ng guro sa uri ng
babasahin– sanaysay at sangkap ng sanaysay.

Alam mo ba na...
--Ang sanaysay ay isang uri ng akda na
nasa anyong tuluyan? Makikita sa salitang
“sanaysay” ang mga salitang “sanay” at
“salaysay.” Kung pagdurugtungin ang
dalawa, puwedeng sabihin ang “sanaysay”  Modyul para sa Mag-aaral pahina
ay “salaysay” o masasabi ng isang “sanay” o 30-31
eksperto sa isang paksa. Karaniwang ang
paksa ng mga sanaysay ay tungkol sa mga
kaisipan at bagay-bagay na maaaring
kapulutan ng mga impormasyon na
makatutulong sa pagbuo ng sariling
pananaw.
2. Pagtatalakay:

Nagtataglay ang sanaysay ng tatlong


mahahalagang bahagi o balangkas:
1. PANIMULA – Sa bahaging ito madalas
inilalahad ang pangunahing kaisipan o
pananaw ng may-akda at kung bakit mahalaga
ang paksang tinatalakay.
2. GITNA o KATAWAN – Inilalahad sa
bahaging ito ang iba pang karagdagang
kaisipan o pananaw kaugnay ng tinalakay na
paksa upang patunayan, o suportahan ang
inilahad na pangunahing kaisipan.
3. WAKAS – Nakapaloob sa bahaging ito ang
kabuuan ng sanaysay, ang pangkalahatang
palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa
mga katibayan, at katuwirang inisa-isa sa
katawan ng akda.

35
3. Paglalalim :
 Modyul para sa Mag-aaral pahina
MGA ELEMENTO NG SANAYSAY 30-31
Tema – Madalas na may iisang tema ang
sanaysay. Ang Tema ay ang sinasabi ng
isang akda tungkol sa isang paksa. Bawat
bahagi ng akda ay nagpapalinaw ng temang
ito.
Halimbawa:
Dito sa Pilipinas ang asawang babae ang
siyang naghahawak ng susi. Ang lahat ng
kinikita ng asawa ay ibinibigay sa kanya
upang ingatan at gugulin sa wastong paraan.
Anyo at Estruktura – Ang anyo at
estruktura ng sanaysay ay isang mahalagang
sangkap sapagkat nakaaapekto ito sa
pagkaunawa ng mga mambabasa. Ang
maayos na pagkakasunod-sunod ng ideya o
pangyayari ay makatutulong sa mambabasa
sa pag-unawa sa sanaysay.
Halimbawa:
Panimula  Modyul para sa Mag-aaral pahina
30-31
Sadyang isang hamon ang buhay ngayon.
Kailangang harapin ito nang buong tatag.
Katawan
Ngayong bata ka pa dapat ay mulat ka sa
nagaganap sa kapaligiran mo. Masdan ang
ilang pamilyang nakatira sa ilalim ng tulay o
gilid ng mga gusali. Kontento na sila sa
paghingi o pasahod-sahod ng kamay,
naglilimos sa mga nagdaraan.
Pero may magagawa ka pa upang hindi sila
maging pabigat sa lipunan. Ang isang
mungkahi ay ang pagbibigay ng kaalaman sa
kanila kung paano tutuklasin ang kanilang
natatagong galing na maaaring maging
puhunan nila ng pagkakaroon ng munting
negosyo.
Wakas
“Ang bawat tao ay may natatagong
kakayahan na dapat paunlarin.”

36
Kaisipan – Mga ideyang nabanggit na  Modyul para sa Mag-aaral pahina
kaugnay o nagpapalinaw sa tema. 30-31
Halimbawa:
Dapat mulat ka sa nagaganap sa iyong
kapaligiran.

Wika at Estilo – Ang uri at antas ng wika at


estilo ng pagkakagamit nito ay nakaaapekto
rin sa pag-unawa ng mambabasa, higit na
mabuting gumamit ng simple, natural, at
matapat
Larawan ng Buhay – Nailalarawan ang
buhay sa isang
makatotohanang
salaysay, masining
na paglalahad na
gumagamit ng
sariling himig ang
may-akda.
Halimbawa:
Masdan ang ilang pamilyang nakatira sa
ilalim ng tulay o gilid ng mga gusali.
Kontento na sila sa paghingi o pasahod-
sahod ng kamay, naglilimos sa mga
nagdaraan.  Modyul para sa Mag-aaral pahina
30-31
Damdamin – Naipapahayag ng isang
magaling na may-akda ang
kaniyang damdamin nang
may kaangkupan at
kawastuhan sa paraang may
kalawakan at kaganapan.
Himig – Nagpapahiwatig ng kulay o
kalikasan ng damdamin. Maaaring masaya,
malungkot, mapanudyo at iba pa.

PAGSASAMA-SAMA:
-Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP).

--Ang mga mensahe at gamit ng sanaysay ang


isang pagmulat sa ating kamalayan at
pagpapahalaga sa kultura at kaugalian ng
isang bansa.
Pagsanib ng Edukasyon sa Pagkakatao;
 Pagpapahalaga sa kaugalian at
C.-PAGKATAPOS NG TALAKAYAN:
37
paggalang sa kultura sa isang bansa.
1. Pagtatataya:

PANUTO: Ipaliwanag ang mga sumusunod.


(Limang puntos bawat tanong)
 Isang buong papel
1. Paano makatulong ang sanaysay sa
pagkakaroon ng kamayan sa kultura at
kaugalian ng isang bansa?

2. Bakit kailangan alamin ang elemento at uri


ng sanaysay?

2.Takdang-Aralin:

-Magsaliksik tungkolsa bansang Greece at


Talambuhay ni Pluto.

IV-REPLEKSYON:
Pagninilay sa iyong mga istratehiya ng pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-
aaral sa bawat linggo. Paano mo ito naisakatuparan? Ano pang tulong ang maari mong gawin
upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maari mong itanong/Ilahad sa iyong superbisor sa
anumang tulong na maari nilang maibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng mga-aaral na nakakuha ng 80% ____
B. Bilang ng mag-aaral na nabigyan ng karagdagang gawain bilang remedyal.
C. Naging makabuluhan baa ng ginawang remedial?
D. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha o nakaintindi sa aralin
E. Bilang ng mga mag-aaral na kailangan pang magpatuloy sa ginawang remedyal.
F. Alin sa mga istratehiyang ginamit ang mabisa? Bakit naging mabisa ito?
G. Ano-anong mga balakid ang naranasan at nabigyan ng solusyun sa tulong ng punongguro
at superbisor?
H.Ano-ano ang mga inobasyon/pagbabago o mga kagamitang panlokal ang ginamit na nais
Ibahagi sa iba pang mga guro?

38
MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO-10
Aiza G. Huit & Emilio H. Minguez, Jr.
Valencia National High School

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:

PANITIKAN: Ang AlegoryaNong


Valenciano’s Left behind
Yungib Sanaysay mula sa Greece
(Allegory of the Cave ni Plato) Isinalin sa Filipino ni Willita A.Enrijo
.
PRODUKTO AT PAGGANAP:

Photo essay na magtatampok sa napapanahong isyu ng alinmang


bansa sa Mediterranean.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

1. F10PT-Ic-d-63, Natutukoy ang mg salitang magkakapareho o makakaugnay ang


kahulugan.
2. F10PS-Ic-d-66, Naibabahagi ang sariling reaksiyon sa ilang mahahalagang
ideyang nakapaloob sa binasang akda sa pamamagitan ng brain storming.

MARKAHAN: Unang markahan LINGGO: ikalawang linggo ARAW:


ikalawang araw

I- MGA LAYUNIN:

Pagkatapos ng isang oras na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Natutukoy ang mga salitang magkakapareho o makakaugnay ang kahulugan.


b. Naibabahagi ang sariling reaksiyon sa ilang mahahalagang ideyang nakapaloob sa
binasang akda sa pamamagitan ng brain storming.

II- NILALAMAN:
a. Paksa: Aralin 1.2, Panitikan: Ang Alegorya ng Yungib (Sanaysay mula sa Greece)

39
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
b. Pagsasama-sama: -Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP). Ang mga mensahe ng
sanaysay ang isang pagmulat sa ating kamalayan at pagpapahalaga
sa kultura at kaugalian ng isang bansa..

c. Estratehiya: Collaborative/Cooperative learning


d. Kagamitan: netbook, PowerPoint, yeso at TV monitor

e. Sanggunian: - DepEd Modyul para sa Mag-aaral pahina 28-43 at


DepEd Patnubay ng Guro page 11-14.
III- PAMAMARAAN:

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. -BAGO ANG TALAKAYAN


1. Panimulang Dasal
 Manalangin Tayo
2. Pagtatala ng mga lumiban sa klase
 Pagtsek ng dumalo sa
3. Pagganyak
klase at pagsasaayos sa
Q and A game…
loob ng silid.
-Ibibigay ko ang mga elemento at bahagi ng sanaysay

-Game na?

1.-Sa bahaging ito madalas inilalahad ang pangunahing


kaisipan o pananaw ng may-akda at kung bakit mahalaga
ang paksang tinatalakay
-Panimula
Magaling!

2. -Ang uri at antas ng wika at estilo ng pagkakagamit nito


ay nakaaapekto rin sa pag-unawa ng mambabasa, higit na
mabuting gumamit ng simple, natural, at matapat na mga -Wika at Estilo
pahayag.
Magaling!

3.-Nailalarawan ang buhay sa isang makatotohanang


salaysay, masining na paglalahad na gumagamit ng sariling -Larawan ng Buhay
himig ang may-akda.

Magaling!

4.-Nakapaloob sa bahaging ito ang kabuuan ng sanaysay,


ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa

40
batay sa mga katibayan, at katuwirang inisa-isa sa katawan -Wakas
ng akda.
Magaling!

5. - Madalas na may iisang tema ang sanaysay. Ang Tema


ay ang sinasabi ng isang akda tungkol sa isang paksa.
Bawat bahagi ng akda ay nagpapalinaw ng temang ito.
-Tema
Magaling!

B. –PANAHON NG TALAKAYAN

1. Paglalahad:

-Hikayating magbahagi ang mag-aaral ng mga


impormasyong alam nila tungkol sa Greece. Magbabahagi
rin ang guro ng karagdagang impormasyon tungkol sa
sumulat kay Plato.

-Maaaring ibatay sa bilang ng tanong ang pagpapangkat.

2. Pagtatalakay:

--Dugtungang ipabasa sa babasahing sanaysay na


isinulat ni Plato, higit mo siyang makikilala na taglay niya
ang mataas na karunungan. Masasalamin mo rin ang
pilosopiyang pinagbatayan niya mula sa paksang kaniyang
tinalakay sa sanaysay. Gayundin, bigyan mo ng pansin
kung paano nakatutulong ang sanaysay sa pagbuo ng
sariling pananaw at paano ito magagamit upang magkaroon
ng kamalayan sa kultura at kaugalian ng isang bansa. Ang
sanaysay na ito ay salaysay ukol sa dalawang taong nag-
uusap: ang marunong na si Socrates at ang kapatid ni plato
si Glaucon.

.
Ang Alegorya ng Yungib
ni Plato
(Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo)
 Modyul para sa Mag-
At ngayon, sinasabi ko na hayaan mong ipakita ko ang aaral pahina 32-35
isang anyo na dapat mabatid o hindi mabatid tungkol sa
ating kalikasan: Pagmasdan! May mga taong naninirahan
sa yungib na may lagusan patungo sa liwanag na umaabot
sa kabuuan nito. Sila’y naroroon mula pagkabata, at ang
kanilang mga binti at leeg ay nakakadena kung kaya’t hindi
sila makagalaw, hadlang ito sa pagkilos pati ng kanilang
mga ulo . Sa di kalayuan, sa taas at likod nila ay may apoy
na nagliliyab, sa pagitan ng apoy at mga bilanggo may

41
daang papataas. Kung ang paningin mo ay dadako sa
mababang pader nito, maihahalintulad ito sa isang tabing
na pinagtatanghalan ng mga puppet. Nasilayan ko.

At nasilayan mo rin ba ang mga taong dumadaan sa


pagitan ng mga dingding na may dala- dalang mga
monumento at larawan ng mga hayop na likha sa kahoy at
bato? Ang iba sa kanila ay nagsasalita, ang iba ay tahimik.
Naipakita mo sa akin ang kakaiba nilang imahe. Sila nga ay
kakaibang mga bilanggo.

Katulad natin, ang tugon ko, na ang tangi nilang


nakikita ay pawang sarili nilang mga anino?  Modyul para sa Mag-
Totoo, ang sabi niya, paano nila makikita ang ano man aaral pahina 32-35
kung hindi sila pinahihintulutang gumalaw maging ang
kanilang mga ulo? At may mga bagay na dapat lamang
dalhin sa paraang dapat lamang makita ng mga anino? Oo,
sabi niya. At kung nakaya nilang hindi sumang-ayon sa
isa’t isa, hindi ba nila ipinalalagay na sila ay tumutukoy ng
kung ano pa man para sa kanila?
Tunay nga.

At sa higit pang pagpapalagay na ang mga bilanggo ay


may alingawngaw mula sa ibang dako, hindi ba nila
natitiyak na baka guniguni lamang ito ng isang dumaan at
may ipinagpapalagay tungkol sa pinagmumulan ng tinig?
Walang tanong-tanong, ang tugon.

Sa kanila, ang sabi ko, ang katotohanan ay walang


kahulugan kundi ang anino ng mga imahe. Iyan ang tiyak.
Ngayon, balikan muli natin kung ano ang likas na
magaganap kung sakaling ang mga bilanggo ay maging
malaya at di maaabuso sa kanilang pagkakamali. Sa una,
kung ang isa sa kanila ay mapalalaya at biglang tumayo,
lumingon, lumakad at tumingin patungo sa liwanag.
Magdurusa sa sobrang sakit. Ito mismo ang
magpapalungkot sa kaniya. Gayundin hindi niya makikita
ang dati niyang kalagayan sapagkat ang tanging nakikita
niya ay mga anino lamang. Pagkatapos isaisip, tinuran ng
isa na ang kaniyang nakita noong una ay guniguni lamang,
ngunit ngayon, siya ay papalapit na sa pagkatao. Nakikita
niya, mayroon na siyang maliwanag na pananaw- ano ang  Modyul para sa Mag-
magiging tugon niya? aaral pahina 32-35

O kaya’y, maaari mong isipin na ang kaniyang guro ay


nagtuturo ng mga bagay na dapat niya lamang kilalanin.
Hindi ba siya nagugulumihanan? Hindi kaya siya
mahumaling na ang anino na kaniyang nakita noong una ay
mas tunay kaysa mga bagay na nakikita niya sa
kasalukuyan? Malayong katotohanan.

42
At kung siya ay napilitang tumingin nang diretso sa
liwanag, wala ba siyang nararamdamang sakit upang siya’y
magkubli sa nakikitang bagay? Kaniya bang aakalain na
siya ay nasa katotohanang mas maliwanag kaysa mga
bagay na nakikita sa kasalukuyan? Totoo, ang sabi niya.

At kung ipinalalagay pang muli na siya ay atubiling


hinila pataas sa matarik at bako-bakong daan hanggang
sapilitan siyang makarating sa harap mismo ng araw, hindi
ba siya mahihirapan at magagalit? Kapag nilapitan niya
ang liwanag, ang kaniyang mga mata ay maaaring masilaw
at hindi niya magagawang makita ang mga bagay-bagay sa
kasalukuyan - ang katotohanan.Hindi muna sa  Modyul para sa Mag-
kasalukuyan, sabi niya. aaral pahina 32-35

Kailangang mahirati ang kaniyang paningin sa dakong


itaas ng mundo. At makita niya nang maliwanag ang mga
anino, kasunod ay ang repleksiyon ng tao at iba pang bagay
sa tubig, at ang mismong mga bagay. Pagkatapos, tititig
siya sa liwanag ng buwan at mga bituin, at sa maningning
na kalangitan; at kaniyang makikita ang ulap at mga bituin
sa gabi nang mas maningning kaysa liwanag ng araw na
hatid ng umaga. Tiyak. Higit sa lahat, magkakaroon siya ng
kakayahang makita ang araw, hindi lamang ang
repleksiyon niya sa tubig kundi makikita niya ang sarili sa
kinaroroonan, at hindi sa iba pa man, at siya ay
makapagninilay-nilay kung sino siya. Tiyak.

At siya ay makararating sa pagtatalo na siya mismo ay


naglaan ng panahon. At ang gumagabay sa lahat ng ito ay
yaong nakikita sa mundo, na naging dahilan upang siya at
ang kaniyang kapwa ay masanay sa pagtitig.
Maliwanag, sabi niya, una niyang makikita ang liwanag
pagkatapos ang dahilan tungkol sa kaniyang sarili. At kung
maalala niya ang dating tahanan, at ang karunungan sa
yungib pati ang mga kapuwa bilanggo, hindi ba niya
maipalalagay na mapaliligaya niya ang sarili sa pagbabago
at kaawaan na lamang sila?
Tiyak at tumpak.  Modyul para sa Mag-
aaral pahina 32-35
At kung sila ay nasanay na sa pagtanggap ng mga
karangalan sa kung sino sa kanila ang mabilis na makapuna
sa pagdaan ng mga anino at makapagsabi kung sino ang
nakaranas niyon dati? Kung sinuman ang makapagpapasiya
nang mahusay para sa kinabukasan, sa iyo bang palagay
sino ang makapag-iingat sa tinatawag na dangal at
kaluwalhatian? O kaya’y kainggitan ba ang may taglay
nito? Hindi ba niya babanggitin ang tinuran ni Homer.
“Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang

43
panginoon.” At matututuhang tiisin ang mga bagay kaysa
isaisip ang kanilang ginagawa at mamuhay katulad ng
kanilang gawi?

Oo, ang sabi niya. Sa palagay ko ay pipiliin niyang


magtiis kaysa aliwin ang mga huwad na akala at mabuhay
sa kahabag-habag na kalagayan.
Para makatiyak, sabi niya.
 Modyul para sa Mag-
aaral pahina 32-35
At kung mayroon mang paligsahan, at kailangan niyang
makipagtagisan sa pagsukat sa mga anino kasama ang mga
bilanggo na kailanman ay di nakalaya mula sa yungib. Sa
sandaling ang paningin ay nananatiling mahina, at bago ito
maging matatag (may dapat isaalang – alang sa panahon na
kakailanganin upang makamit ang bagong kalagayan ng
paningin) hindi ba siya katawa-tawa? Sasabihin ng tao sa
kaniya na ang pagpunta at pagdating niya nang wala ang
mga paningin ay mas mabuti na hindi na lamang isaisip
ang pag-unlad. At kung sinuman ang sumubok na palayain
ang iba at gabayan patungo sa liwanag; hayaang hulihin
ang nagkasala at dalhin nila sa kamatayan.
Walang tanong, ang sabi niya.

Ito ang kabuuan ng alegorya, ang sabi ko; maaari mong


dagdagan mahal kong Glaucon ang mga dating katuwiran.
Ang bilangguan ay mundo ng paningin, ang ilaw ng apoy
ay ang araw. Hindi mo ako mamamali kung
ipakakahulugan mo na ang paglalakbay papataas ay
maging pag-ahon ng kaluluwa patungo sa intelektuwal na
mundo batay sa mahina kong paniniwala. Aking
ipinahahayag, ito ay batid ng Diyos maging tama man o
mali. Ngunit tunay man o huwad, ang aking opinyon sa
mundo ng karunungan ay ito, ang ideya ng kabutihan ay
nananatili sa huli at matatagpuan lamang nang may
pagpupunyagi; at kapag ito’y natagpuan, ang lahat ng
bagay na maganda at tama sa daigdig at ang pangunahing
pinagmumulan ng dahilan at katotohanan ay yaong
sinumang may kapangyarihang kumilos nang may
katuwiran sa publiko o pribadong buhay. Samakatuwid
kailangan na ang kaniyang mga mata ay may matibay na  Modyul para sa Mag-
tuon para sa mga bagay na ito. Sumasang-ayon ako, sabi aaral pahina 32-35
niya, hanggat may kakayahan akong maunawaan ka.

At ang sabi ko, huwag kang magtaka sa iba na may


magandang pananaw na ayaw man lang magbahagi para sa
kapakanan ng tao; para sa kanilang kaluluwa sa itaas ng
mundo ay madali lamang kung saan sila’y naghahangad na
manirahan; magiging likas ang kanilang paghahangad,
kung ang ating alegorya ay mapagkakatiwalaan.

44
Oo, tunay na likas.

At mayroon bang bagay na nakapagtataka sa mga taong


nakadaan mula sa banal na pagninilay-nilay patungo sa
makasalanan nilang kalagayan o gumawa ng labag sa
kagandahang-asal? Samantala, habang ang kaniyang mga
mata ay kumukurap bago siya mahirati sa kadiliman, siya
ay mapipilitang lumaban sa korte o sa ibang lugar, tungkol
sa anino ng imahe ng katarungan at magpupunyaging
maunawaan nang ganap ang katarungan.Anuman, ngunit
kamangha-mangha ang kaniyang tugon.

Sinuman ang may wastong pag-iisip ay mababatid na


ang pagkalito ng mga paningin ay dalawang uri o  Modyul para sa Mag-
nanggaling sa dalawang dahilan, maaaring mula sa aaral pahina 32-35
paglabas ng liwanag o patungo sa liwanag. Kapag nakita
niya na sinuman na may pananaw na magulo at mahina ay
masasabing hindi pa handang humalakhak. Una niyang
itatanong kung ang kaluluwa ba ng tao ay maghahatid nang
maliwanag na buhay? O kaya’y maglalapit mula kadiliman
patungo sa araw na labis na nakasisilaw?

At kaniyang bibilangin ang maligayang kalagayan niya,


at siya ay maaawa sa iba, o kung nasa isipan man niyang
pagtawanan ang kaluluwa na nanggaling mula ilalim
patungo sa liwanag, mayroon pang mga dahilan bukod dito
kaysa mga halakhak na bumati sa kaniya at bumalik mula
sa itaas ng liwanag patungo sa yungib. Iyan, ang sabi niya
na dapat itangi.

Matapos mong mabasa ang akda, tiyak na nalaman mo


ang pananaw o kaisipan ni Plato sa halaga ng
pagkakaugnay ng kapaligiran sa karunungang tinataglay ng
tao at ano ang pagkakaiba nito sa sariling kaisipan.
Ngayon, alam kong handa ka nang isagawa ang mga
gawain na makatutulong sa iyo upang masagot ang tanong
na: Paano makatutulong ang sanaysay na magkaroon ng
kamalayan sa kultura at kaugalian ng isang bansa upang
makabuo ng sariling pananaw?

3. Pagpalalim o Paglinang na Gawain:

* Pag-unawa sa akda
Sagutin ang mga tanong sa sagutang papel.
1. Ibigay ang paksa ng sanaysay. Grapikong Presentasyon:
2. Kung ang tinutukoy na mga tao sa yungib ay ang GAWAIN 4: Pag-unawa sa akda
sangkatauhan, bakit sila tinawag na mga “bilanggo” ni
Plato? Pangatuwiranan ang sagot. Naunawaan Di-malinaw

3. Sa unang bahagi ng sanaysay, paano nakilala ng mga

45
bilanggo ang “katotohanan” ng mga bagay-bagay?
Magbigay ng mga patunay. Bigyang-kahulugan ang
naramdaman ng bilanggo nang siya ay makaalis sa
yungib at matitigan ang liwanag ng apoy? Ano ang nais
ipakahulugan ng pangyayaring ito?

4. Ipaliwanag ang mahalagang natutuhan ng bilanggo


mula sa pagtingin sa liwanag na nasa labas ng yungib.

PAGSASAMA-SAMA:
-Edukasyon sa Pagapapakatao (EsP). Ang mga mensahe
ng sanaysay ang isang pagmulat sa ating kamalayan at
pagpapahalaga sa kultura at kaugalian ng isang bansa..

 Pagsanib ng Edukasyon
C.-PAGKATAPOS NG TALAKAYAN: sa Pagkakatao;

1. Pagtatataya:  Ang mga mensahe ng


sanaysay ang isang
PANUTO: Magbigay ng reaksiyon sa ideya ng bawat pagmulat sa ating
pahayag sa loob ng kahon. Limang puntos bawat sagot. kamalayan at
pagpapahalaga sa
kultura at kaugalian ng
Nakakadena ang mga binti at leeg kaya’t di sila isang bansa..
1.
makagalaw.

Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang


2.
panginoon.
.

3. Magtiis kaysa aliwin ang mga huwad na akala.


 Isang kalahating papel

4. Ang ideya ng kabutihan ay nananatili sa huli at


matatagpuan lamang nang may pagpupunyagi.

2.Takdang-Aralin:

--Maghanap o kumuha ng isang napapanahong isyu sa


alinmang bansa sa Mediterranean buhat sa mga balita,
dokumentaryong pantelebisyon, o video sa youtube na
maaaring iugnay sa mga ideyang nakapaloob sa akdang

46
Alegorya ng Yungib.

IV-REPLEKSYON:
Pagninilay sa iyong mga istratehiya ng pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-
aaral sa bawat linggo. Paano mo ito naisakatuparan? Ano pang tulong ang maari mong gawin
upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maari mong itanong/Ilahad sa iyong superbisor sa
anumang tulong na maari nilang maibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng mga-aaral na nakakuha ng 80% ____
B. Bilang ng mag-aaral na nabigyan ng karagdagang gawain bilang remedyal.
C. Naging makabuluhan baa ng ginawang remedial?
D. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha o nakaintindi sa aralin
E. Bilang ng mga mag-aaral na kailangan pang magpatuloy sa ginawang remedyal.
F. Alin sa mga istratehiyang ginamit ang mabisa? Bakit naging mabisa ito?
G. Ano-anong mga balakid ang naranasan at nabigyan ng solusyun sa tulong ng punongguro
at superbisor?
H.Ano-ano ang mga inobasyon/pagbabago o mga kagamitang panlokal ang ginamit na nais
Ibahagi sa iba pang mga guro?

47
MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO-10
Aiza G. Huit & Emilio H. Minguez, Jr.
Valencia National High School

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:

PANITIKAN: Ang Alegorya ng Yungib Sanaysay mula sa Greece


(Allegory of the Cave ni Plato) Isinalin sa Filipino ni Willita A.Enrijo
.
PRODUKTO AT PAGGANAP:

Photo essay na magtatampok sa napapanahong isyu ng alinmang


bansa sa Mediterranean

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

1. F10PD-Ic-d-63, Natatalakay ang mga bahagi ng pinanood na nagpapakita ng mga


isyung pandaigdig.
2. F10PU-Ic-d-66, Naitala ang mga impormasyon tungkol sa isa sa napapanahong
isyung pandaigdig.
MARKAHAN: Unang Markahan LINGGO: Ikalawang Linggo ARAW:
Ikatlong Araw

I- MGA LAYUNIN:

Pagkatapos ng isang oras na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Natatalakay ang mga bahagi No


ng Valenciano’s Left Behind ng mga isyung pandaigdig.
pinanood na nagpapakita
b. Naitala ang mga impormasyon tungkol sa isa sa napapanahong isyung pandaigdig.

II- NILALAMAN:
a. Paksa: Aralin 1.2, Panitikan: Ang Alegorya ng Yungib (Sanaysay mula sa Greece)
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

b. Pagsasama-sama: -Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP). Ang mga mensahe ng


sanaysay ang isang pagmulat sa ating kamalayan at pagpapahalaga
sa kultura at kaugalian ng isang bansa..

48
c. Estratehiya: Collaborative/Cooperative learning
d. Kagamitan: netbook, PowerPoint, yeso at TV monitor

e. Sanggunian: - DepEd Learner’s Modyul pahina 28-43 at


DepEd Teacher’s Guide page 11-14.

III- PAMAMARAAN:

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. -BAGO ANG TALAKAYAN


1. Panimulang Dasal
 Manalangin tayo
2. Pagtatala ng mga lumiban sa klase
 pagtsek ng dumalo sa klase at
3. Balik-Aral
pagsasaayos sa loob ng silid.

--Balikan ang mga mahalagang pangyayari sa


Alegoryang ng Yungib. At binigyan punto
ang mga piling pahayag. Opo titser

--Ipagpatuloy sa araw na ito.

B. –PANAHON NG TALAKAYAN Grapikong Presentasyon:

1. ACTIVITY/Gawain:

- GAWAIN 5: Pagsusuri sa Sanaysay


Suriin ang balangkas ng sanaysay sa
pamamagitan ng pagsagot ng mga tanong sa
grapikong presentasyon.

49
Mga sagot ng mga mag-aaral
GAWAIN 6: Larawan ng Pagkatuto

Gumupit o gumuhit ng larawang kaugnay sa


isa sa mga isyung tinalakay sa sanaysay na
“Ang Alegorya ng Yungib.” Bumuo ng
maikling talata na nagpapaliwanag tungkol
dito.

2. ANALYSIS/ Pagsusuri:

--Proseso ang sagot ng mga mag-aaral


upang mabigyang-diin ang mahahalagang Grapikong Presentasyon:
kaisipan na nakapaloob sa Sanaysay ng GAWAIN 7: Magsanay sa SANAYSAY
Alegoryang ng Yungib ni Plato.
Bansa Isyu
Greece
Ipasagot;

GAWAIN 7: Magsanay sa sanaysay Turkey


Maghanap o kumuha ng isang napapanahong
isyu sa alinmang bansa sa Mediterranean
buhat sa mga balita, dokumentaryong Morocco
pantelebisyon, na maaaring iugnay sa mga
ideyang nakapaloob sa akdang Alegorya ng
Yungib.
France
Pagpipilian:

Mga Bansa sa Mediterrean Isyu

-Greece Bumabagsak na Ekonomiya ng Bansa


-Turkey Ang Terorismo sa Bansa
-Albania Pagkasira sa Kagubatan
-Morocco Lumalalang Polusyon
-France Legalidad sa Kasal ng Dalawang
Magkatulad na Kasarian

3. ABSTRACTION/ Buod:
MGA MAG-AARAL ANG BABASA:
- Pagsanib ng Gramatika at Retorika
Ang Ningning at Ang Liwanag
Ngayon pa lang ay binabati na kita sa (Mula sa Liwanag at Dilim)
sipag at tiyaga na iyong ipinakita. Ang ni Emilio Jacinto

50
susunod mo namang babasahin ay isang
tekstong naglalahad mula sa isinulat ni Emilio Ang ningning ay nakasisilaw at
Jacinto. nakasisira sa paningin. Ang liwanag ay
kinakailangan ng mata, upang mapagwari
Unawain ang nilalaman nito at bigyang- ang buong katunayan ng mga bagay-bagay.
pansin ang mahalagang papel ng sanaysay sa Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy
pagpapaunlad ng kamalayang panlipunan ng ng sikat na araw ay nagniningning; ngunit
mamamayan noong panahong naisulat ito. sumusugat sa kamay ng nagaganyak na
dumampot. Ang ningning ay maraya.

Ating hanapin ang liwanag; tayo’y


huwag mabighani sa ningning. Sa katunayan
ng masamang kaugalian: Nagdaraan ang
isang karuaheng maningning na hinihila ng
kabayong matulin. Tayo’y magpupugay at
ang isasaloob ay mahal na tao ang
nakalulan. Datapua’y marahil naman ay
isang magnanakaw, marahil sa isang
malalim ng kaniyang ipinatatanghal na
kamahalan at mga hiyas na tinataglay ay
natatago ang isang sukaban. Nagdaraan ang
isang maralita na nagkakanghihirap sa
pinapasan. Tayo’y napapangiti, at isasaloob.

Saan kaya ninakaw? Datapua’y


maliwanag nating nakikita sa pawis ng
kaniyang noo at sa hapo ng kaniyang
katawan na siya’y nabubuhay sa sipag
kapagalang tunay. Ay! Sa ating naging
ugali ay lubhang nangapit ang pagsamba sa
ningning at pagtakwil sa liwanag. Ito nga
ang dahilan kung kaya ang mga loob na
inaakay ng kapalaluan at ng kasakiman ay
nagpupumilit na lumitaw na maningning,
lalong-lalo na nga ang mga pinuno na
pinagkatiwalaan ng ikagiginhawa ng
kanilang mga sakop at walang ibang nasa
kundi ang mamalagi sa kapangyarihan
sukdang ikainis at ikamatay ng bayan na
nagbibigay sa kanila ng kapangyarihan.

Tayo’y mapagsampalataya sa ningning,


huwag nating pagtakhan ang ibig mabuhay
sa dugo ng ating mga ugat at magbalat-
kayong maningning.
Ay! Kung ang ating dinudulugan at
hinahainan na puspos na galang ay ang
maliwanag, ang magandang asal at matapat
na loob, walang magpapaningning pagka’t
di natin pahahalagahan. At ang mga isip at

51
akalang ano pa man ay hindi hihiwalay sa
maliwanag na banal na landas ng katuwiran.
Ang kaliluhan at ang katampalasanan ay
humahanap ng ningning upang hindi
mapagmalas ng mga matang tumatanghal
ang kanilang kapangitan; nguni’t ang
kagalingan at ang pag-ibig na dalisay ay
hubad sa ningning, mahinhin, at maliwanag
na mapatatanaw sa paningin.

Ang mahabang panahong lumipas ay


isang labis na nagpapatunay ng katotohanan
nito.
Mapalad ang araw ng liwanag!
Ay! Ang Anak ng Bayan, ang kapatid ko, ay
matututo kaya na kumuha ng halimbawa at
lakas sa pinagdaanang mga hirap at binatang
mga kaapihan?

- Mula sa Panitikan ng Pilipinas nina


Panganiban at Panganiban, 1998

 Hayaan ang mga mag-aaral na pumili


ng mga sumusunod na nakatala sa
ibaba:

 Think, Pair & Share

4. APPLICATION/ Aplikasyon:  Brain Storming

GAWAIN 8: Pagpapalawak ng Kaalaman

Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang pangunahing kaisipan ng


binasang sanaysay?

2. Isa-isahin ang pagkakaiba ng ningning at


liwanag ayon sa sanaysay.

3. Tukuyin ang mga pangyayaring binanggit


ng may-akda tungkol sa kalagayang
panlipunan noong panahong naisulat ito.

52
4. Batay sa nilalaman ng sanaysay, ano ang
layunin ni Jacinto sa pagsulat nito?  Isang Kalahating papel

C.-PAGKATAPOS NG TALAKAYAN:

1. Pagtatataya:

PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na


katanungan Tigdadalawang puntos ang bawat
tamang sagot.

--Suriin ang sanaysay batay sa sumusunod na


mga bahagi ng isang sanaysay.

a. Tema at Nilalaman
b. Anyo at Estruktura
c. Wika at Estilo Mahusay!

2.Takdang-Aralin:

--Magsaliksik tungkol sa mga ekspresiyong


ginagamit sa pagpapahayag ng pananaw at
nagpapahiwatig

IV-REPLEKSYON:
Pagninilay sa iyong mga istratehiya ng pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-
aaral sa bawat linggo. Paano mo ito naisakatuparan? Ano pang tulong ang maari mong gawin
upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maari mong itanong/Ilahad sa iyong superbisor sa
anumang tulong na maari nilang maibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng mga-aaral na nakakuha ng 80% ____
B. Bilang ng mag-aaral na nabigyan ng karagdagang gawain bilang remedyal.
C. Naging makabuluhan baa ng ginawang remedial?
D. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha o nakaintindi sa aralin
E. Bilang ng mga mag-aaral na kailangan pang magpatuloy sa ginawang remedyal.
F. Alin sa mga istratehiyang ginamit ang mabisa? Bakit naging mabisa ito?
G. Ano-anong mga balakid ang naranasan at nabigyan ng solusyun sa tulong ng punongguro
at superbisor?
H.Ano-ano ang mga inobasyon/pagbabago o mga kagamitang panlokal ang ginamit na nais
Ibahagi sa iba pang mga guro?

53
MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO-10
Aiza G. Huit & Emilio H. Minguez, Jr.
Valencia National High School

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:

GRAMATIKA at RETORIKA: Ekspresiyon sa Pagpapahayag ng Pananaw.

PRODUKTO AT PAGGANAP:
Photo essay na magtatampok sa napapanahong isyu ng alinmang
bansa sa Mediterranean

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

1. F10WG-Ic-d-59, Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng


sariling pananaw.
2. F10EP-Ic-d-28, Nasasaliksik ang mahalagang impormasyon gamit ang silid-
aklatan, internet, at iba pang batis ng mga imporamsyon.

MARKAHAN: Unang Markahan LINGGO: Ikalawang Linggo ARAW: Ikaapat


na Araw

I- MGA LAYUNIN:

Pagkatapos ng isang oras na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling pananaw.


b. Nasasaliksik ang mahalagang impormasyon gamit ang silid- aklatan,internet, at
iba pang batis ng mga imporamsyon.

II- NILALAMAN:

a. Paksa: Aralin 1.2, Gramatika: Ekspresiyon sa Pagpapahayag ng Pananaw.


b. Pagsasama-sama: -Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP). Ang mga mensahe ng
sanaysay ang isang pagmulat sa ating kamalayan at pagpapahalaga
sa kultura at kaugalian ng isang bansa..

c. Estratehiya: Collaborative/Cooperative learning

54
d. Kagamitan: netbook, PowerPoint, yeso at TV monitor

e. Sanggunian: - DepEd Learner’s Modyul pahina 28-43 at


DepEd Teacher’s Guide page 11-14

III- PAMAMARAAN:

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. -BAGO ANG TALAKAYAN


1. Panimulang Dasal
 Manalangin Tayo
2. Pagtatala ng mga lumiban sa klase  pagtsek ng dumalo sa klase at
3. Pagganyak : pagsasaayos sa loob ng silid.

1-Pagbubunot ng papel na may nakasulat na


linya ng ilang artista o tauhan sa pelikula
(ayon sa iba’tibang sakop ng panahon)  Sabay-sabay na naghahanda ang
mga mag-aaral
2-Limang minuto sa paghahanda kung paano
itatanghal. Gagayahin ng mga mag-aaral.
 Pagtatanghal ng mga mag-aaral sa
3-Limang minuto isagagawa sa harap na klase. harap ng klase.

B. –PANAHON NG TALAKAYAN

1. Paglalaad:

Pagsasanib ng Gramatika at Retorika

-- Batay sa mga naunang gawain, napaunlad mo


ang iyong pag-unawa sa isang paksa sa tulong
ng paglalahad ng iyong pananaw. Higit na
magiging malinaw ang iyong pananaw sa isang
paksa o isyu kung makikilala at magagamit mo
ang mga ekspresiyon sa pagpapahayag ng
pananaw.

2. Pagtatalakay:

Alam mo ba na...
may mga ekspresiyong ginagamit sa
pagpapahayag ng pananaw at nagpapahiwatig

55
ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o  Modyul para sa Mag-aaral pahina
pananaw? 39-40

1. Mga ekspresiyong nagpapahayag ng


pananaw. Kabilang dito ang: ayon, batay,
para, sang-ayon sa/kay, ganoon din sa
paniniwala/pananaw/akala ko, ni/ng, at iba
pa. Inihuhudyat ng mga ekspresiyong ito
ang iniisip, sinasabi o paniniwalaan ng isang
tao.
 Modyul para sa Mag-aaral pahina
Halimbawa : 39-40
a. Ayon, Batay, Sang-ayon sa ,

 Sang-ayon sa Memorandum Order No.


20 : Series of 2013 ng Commision On
Higher Education na pinagtitibay ang
pagkawala ng Filipino bilang isa sa mga
asignatura sa ilalim ng General
Education Curriculum o GEC sa taong
2016.

 Batay sa Konstitusyon 1987: Artikulo


XIV, Seksyon 6, ang wikang pambansa
ng Pilipinas ay Filipino.

 Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-


ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng
Kongreso, dapat magsagawa ng mga
hakbangin ang Pamahalaan upang
ibunsod at puspusang itaguyod ang
paggamit ng Filipino bilang midyum ng
opisyal na komunikasyon bilang wika ng
pagtuturo sa sistemang pang-
edukasyon.”

 Ayon sa tauhang si Simoun sa El


Filibusterismo, “Habang may sariling
wika ang isang bayan, taglay niya ang
kalayaan.”

b. Sa paniniwala, akala, pananaw, paningin,


tingin, palagay, ni/ ng

 Sa paniniwala ko ang pagkakaroon ng


isang mataas at matibay na edukasyon ay  Modyul para sa Mag-aaral pahina
isang saligan upang mabago ang takbo ng 39-40

56
isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng
isang masaganang ekonomiya.

 Sa aking pananaw ang edukasyon ay


kailangan ng ating kabataan sapagkat ito
ang kanilang magiging sandata sa buhay sa
kanilang kinabukasan.
 Sa tingin ng maraming guro na ang
pagkatuto ng mga mag-aaral ay hindi
lamang nakasalalay sa kanila kundi maging
sa mga magulang sa pagbibigay patnubay at
suporta sa kanilang mga anak.

c. Inaakala, Pinaniniwalaan, Iniisip  Modyul para sa Mag-aaral pahina


39-40
 Pinaniniwalaan kong higit na dapat
pagtuunan ng pamahalaan ang isyu tungkol sa
lumalalang kalagayan ng ating kalikasan.

 Inaakala ng iba na hindi mahigpit sa


pagpapataw ng kaparusahan ang DENR kaya
patuloy silang lumalabag sa batas
pangkalikasan.

d. Sa ganang akin, Sa tingin, akala, palagay


ko

Sa ganang akin, kailangang dagdagan


pa ng mga pamahalaang lokal ang pagbabantay
sa kabataang nasa lansangan tuwing hatinggabi
dahil sa lumalalang krimen.

Palagay ko, kailangan ang malawig na


programa ng DSWD para sa mga batang
lansangan na karaniwang sangkot sa maraming
krimen sa kalsada.

2. May mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng


pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o pananaw,
tulad ng sumusunod na halimbawa. Gayunman,
mapapansing di tulad ng naunang mga
halimbawa na tumitiyak kung sino ang
pinagmumulan ng pananaw, nagpapahiwatig
lamang ng pangkalahatang pananaw ang  Modyul para sa Mag-aaral pahina
sumusunod na halimbawa: 39-40

57
a. Sa isang banda, Sa kabilang dako
Sa isang banda, mabuti na ngang nalalaman ng
mamamayan ang mga anomalya sa kanilang
pamahalaang lokal nang sa gayo’y masuri nila
kung sino ang karapat-dapat na ihalal para
mamuno sa kanilang lungsod.

Sa kabilang dako, sa dami ng


naglalabasang isyung pampolitika hindi tuloy
malaman ng sambayanan kung ano ang
kahihinatnan ng bansa sa kamay ng mga
politikong pinagkatiwalaang mamuno dito.
 Modyul para sa Mag-aaral pahina
b. Samantala Samantala mamamayan 39-40
mismo ang makapagpapasya kung paano nila
nais makita ang kanilang bansa sa susunod na
mga taon. Matalinong pagpapasya ang
kailangan kung sino ang karapat-dapat
pagkatiwalaan ng kanilang boto.

3. Pagnilayan at Unawain:

--Bumuo ng mahahalagang konseptong


natutuhan sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot
sa mga tanong na nakatala sa kasunod na
Grapikong Presentasyon:
talahanayan. Magbigay ng dalawang kasagutan
sa bawat tanong.

4. Ilipat:

Napakahalaga na naunawaan mo ang kabuuan


ng aralin sapagkat ang mga natutuhang
konsepto ang makatutulong sa iyo upang
maisagawa ang inaasahang produkto – ang
paggawa ng photo essay.

Photo Essay (Sanaysay ng Larawan) – Isang


koleksiyon ng mga imahe na inilagay sa isang

58
partikular na pagkakasunod-sunod upang  Inaasahang ang mga mag-aaral ay
ipahayag ang mga pangyayari, mga gagawa ng Phot Essay bilang
damdamin, at mga konsepto sa pinakapayak Output na Gawain sa klase.
na paraan.

C.-PAGKATAPOS NG TALAKAYAN:

1. Pagtatataya:

PANUTO: Punan ng angkop na ekspresiyon


ang bawat pahayag upang mabuo ang Konsepto
ng Pananaw sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa
loob ng kahon.

1 _____Counsels on Diet and Food ay


binanggit na ang mga tinapay na
tatlong araw nang nakaimbak ay mas
mabuti sa ating katawan kung
ihahambing sa bagong luto at mainit
na tinapay.
2. _____maraming Pilipino ang pagkapanalo
ni Manny Paquiao sa sunod-sunod
niyang laban ay nangangahulugang
maipagpapatuloy pa ni Pacquiao ang
kaniyang karera sa pagboboksing.
3. _____Ang mga Pilipino ay higit na
magiging mapanuri sa mga proyekto
ng pamahalaan matapos mabatid ang
matinding korapsiyon ng ilang
politiko.
4. _____Department of Social Welfare and
Development, mapanganib din sa
mga bata ang paglalaro ng mga
marahas na internet game lalo na’t
nasa developmental stage pa lamang
ang isang bata.
5. _____mga makakalikasan, kailangang
mamulat kahit na ang pinakabatang miyembro
ng komunidad sa posibleng epekto ng climate

59
change sa sangkatauhan upang magkaroon ng  Pasagutan sa isang
kamalayan sa tamang pangangalaga ng mundo. kalahating papel

2.Takdang-Aralin:

-Magsalikisik tungkol sa parabula at paunang


pagbasa sa araling 1.3 tungkol sa bansang Syria.

IV-REPLEKSYON:
Magnilay sa iyong mga istratehiyang pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-
aaral sa bawat lingo. Paano mo ito naisakatuparan? Ano pang tulong ang maari mong gawin
upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maari mong itanong/Ilahad sa iyong superbisor sa
anumang tulong na maari nilang ibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng mga-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?


F. Anong suliranin ang aking nararanasan na solusyunan sa tulong ang aking punongguro at
superbisor?

G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

60
MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO-10
Manilyn C. Rivera, Lea P. Revilla & Emilio H. Minguez, Jr.
Valencia National High School

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:

PANITIKAN: Ang Tusong Katiwala (Parabula) Lukas 16:1-15 PSB


(Parabula mula sa Syria)

GRAMATIKA at RETORIKA: Mga Piling Pang-ugnay sa Pagsasalaysay


(Pagsisimula, Pagpapadaloy ng Pangyayari, Pagwawakas)

PRODUKTO AT PAGGANAP:
Pagbuo ng mga tuntunin (moral values) ng isang huwarang kabataang pandaigdig.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
1. F10PN-Ib-c-63, Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na
naglalahad ng katotohanan at kagandahang-asal.
2. F10PB-Ib-c-63, Nasusuri ang nilalaman.elemento at kakanyahan ng binasang
akda gamit ang mga ibinigay na tanong.

MARKAHAN: Unang Markahan LINGGO: Ikatlong Linggo ARAW: Unang


Araw

I- MGA LAYUNIN:

Pagkatapos ng isang oras na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na naglalahad ng


katotohanan at kagandahang-asal.
b. Nasusuri ang nilalaman.elemento at kakanyahan ng binasang akda gamit ang
mga ibinigay na tanong.

II- NILALAMAN:
a. Paksa: Aralin 1.3, Panitikan: Ang Tusong Katiwala (Parabula mula sa Syria)
b. Pagsasama-sama: -Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP). Ang mga mensahe ng
parabula ay nalalahad ng katotohanan at kagandahang-asal sa bawat mag-aaral.

c. Estratehiya: Collaborative/Cooperative learning


d. Kagamitan: netbook, PowerPoint, yeso at TV Monitor

61
e. Sanggunian: - DepEd Learner’s Modyul pahina 44-55 at
DepEd Teacher’s Guide page 15-18.

III- PAMAMARAAN:

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. -BAGO ANG TALAKAYAN


1. Panimulang Dasal
 Manalangin Tayo
2. Pagtatala ng mga lumiban sa klase  pagtsek ng dumalo sa klase at
3. Pagganyak pagsasaayos sa loob ng silid.

Larawan ng Buhay;

 Pumili ng piling mag-aaral na


sasagot.

https://www.slideshare.net/daniholic/filipino-
grade-10-learners-module
Gabay na tanong;

1. Ano ang ipinakikita ng bawat larawan? Grapikong Presentasyon:


2. Anong makabuluhang mensahe ang hatid
ng bawat larawan? Mga Sagot
3. Paano makatutulong ang mensaheng tanong
nakapaloob sa larawan sa ugali ng isang 1
tao? Pangatuwiranan ang sagot.
2
4. Maliban sa sinuring mga larawan,
magbigay ng iba pang sitwasyong 3
nagpapamalas/kakikitaang kagandahang-
asal. 4
Ipasagot ang mga pokus na tanong:
Bakit mahalagang maunawaan at
mapahalagahan ang parabula bilang
akdang pampanitikan?

62
Paano nakatutulong ang mga pang-
ugnay sa pagsasalaysay upang
mabisang maunawaan ang mensaheng
nakapaloob dito?

B. –PANAHON NG TALAKAYAN

1. Paglalahad:

--Batid ko na may ideya ka na sa araling ito.


Subukin nating alamin kung ang iyong mga
ideya ay tumutugon sa mga konseptong  Pumili ng piling mag-aaral na
sasagot.
saklaw ng aralin sa bahaging ito at masagot
.
ang pokus na tanong na: Bakit mahalagang
maunawaan at mapahalagahan ang parabula
bilang akdang pampanitikan? Simulan natin
sa pamamagitan ng gawain na susukat sa
lawak ng iyong Kaalaman.

2. Pagtatalakay :

Puasa: Pag-aayunong Islam


Halaw sa Ingles na isinalin sa Filipino ni
Elvira Estravo
Nag-aayuno ang mga Muslim. Tinatawag
itong Puasa ng mga Muslim sa Pilipino at
Saum sa Arabic. Ginagawa ito upang tupdin
ang turo ng Qur’an na nagsasaad ng ganito:
“Kayo na naniniwala! Ang pag-aayuno ay
iniuutos sa inyo at inutos din sa mga nauna sa
inyo, upang inyong matutuhan ang disiplina
sa sarili.”
Ang puasa ay isang ganap na pag-aayuno
sa pagkain, pag-inom, kasama na ang ano  Modyul para sa Mag-aaral pahina
mang masasamang gawi laban sa kapwa mula 44-45
sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog
nito. Hinihinging mag-ayuno ang mga Muslim
sa loob ng 29 hanggang 30 araw ng
Ramadam, ang ikasiyam na buwan sa
kalendaryong Islam. Napili ang buwang ito
dahil dito nangyari ang unang paghahayag ng
Qur’an kay Propeta Mohammad, sa kuweba
ng Hira.

Kinahapunan ng unang araw ng Ramadan,

63
mga bandang ikaanim ng hapon, sama-sama o
grupo-grupong naliligo ang mga Muslim
bilang paglilinis at bilang paghahanda sa
puasa. Ang araw na ito’y tinatawag na
peggang ng mga taga- Maguindanao.
Naghahanda ng kanduli o pagkain ang bawat
bahay. Kung minsan, ang mga pagkain sa
iba’t ibang bahay ay dinadala sa mosque at
ipinakakain sa mga naroon. Ang kanduli at
paliligo ang simula ng gawaing Ramadan sa
loob ng 29 hanggang 30 araw batay sa
paglitaw ng bagong buwan.

Sa pagitan ng ikatlo at ikaapat ng umaga o


bago sumikat ang araw, ang bawat Muslim na
may kakayahang mag-ayuno ay kumakaing  Modyul para sa Mag-aaral pahina
mabuti ng almusal na tinatawag na saul. 44-45
Pagkakain ng saul o kaya’y bago sumikat ng
araw, lahat ng uri ng pagkain, maiinom o ano
mang dadaan sa bibig ay ipinagbabawal.
Pagkakain, maaaring bumalik sa pagtulog o
magbasa ng Qur’an.

Ipinagpapatuloy ang araw-araw na gawain


sa panahong ito ng puasa. Ang ila’y umuuwi
nang maaga sa bahay o nagtitipon sa mosque
kasama ang mga kaibigan, nagbabasa ng
Qur’an o nag-uusap ukol sa relihiyon.
Mahigpit na ipinagbabawal ang pagtsitsimis.
Ang pag-aayuno ay natitigil paglubog ng
araw. Sa ilang pagkakataon, ang pagtigil ng
pag-aayuno ay ginagawa sa bahay ng datu o
sinuman sa komunidad na boluntaryong  Modyul para sa Mag-aaral pahina
maghahanda ng pagkain. Tinatawag na 44-45
pembuka ang paghahandang ito.

- Mula sa Hiyas ng Lahi 9, Vibal Publishing


House, 2013

64
3. Paglalalim:
Grapikong Presentasyon:
Gawain2: Isalaysay ng Nangyari

--Gamit ang story frame, isalaysay ang STORY FRAME


mahalagang pangyayaring nagaganap sa
panahon ng pag-aayuno o puasa. Sikaping KUWADRO 1
makagamit ng angkop na piling pang-ugnay (pagsisimula)
sa pagsasalaysay tulad ng unang, sunod, saka,
sumunod na araw, sa dakong huli.
KUWADRO 2
( pagpadaloy ng
Pangyayari)

KUWADRO 3
(Pangwawakas)

PAGSASAMA-SAMA:
-Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP).

--Ang mga mensahe ng Parabulang nababasa  Pagsasanib sa EsP; Natutunan ng


sa banal na kasulatan ay Pumukaw ng mga mag-aaral ang gumamit ng
damdamin sa bawat mag-aaral. banal na Bibliya.

C.-PAGKATAPOS NG TALAKAYAN:

1. Pagtatataya:

PANUTO: Ibigay ang mga hinihingi sa mga


sumusunod na mga katanungan, Tig dalawang
puntos;

_____1. Ano ang tawag sa sama-sama o


grupong naliligo ang mga muslim bilang
gahahanda sa puasa?

_____2. Ito ay boluntaryo sa paghahanda ng


pagkain para pagtigil ng pag-aayuno

_____3. Sino ang nagsalin sa Filipino ang


Puasa: Pagaayunong Islam?
 Pasagutan sa isang kalahating papel
_____4. Ano ang tawag ng Puasa sa Arabic?

65
_____5. Ito ang tawag na may kakayahang
mag-ayuno ay kumakaing mabuti ng almusal.

2.Takdang-Aralin:

-Magsaliksik tungkol sa kahulugan ng


parabula.

- Magdala ng Banal na Biblya para sa susunod


na talakayan

IV-REPLEKSYON:
Pagninilay sa iyong mga istratehiya ng pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-
aaral sa bawat linggo. Paano mo ito naisakatuparan? Ano pang tulong ang maari mong gawin
upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maari mong itanong/Ilahad sa iyong superbisor sa
anumang tulong na maari nilang maibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng mga-aaral na nakakuha ng 80% ____
B. Bilang ng mag-aaral na nabigyan ng karagdagang gawain bilang remedyal.
C. Naging makabuluhan baa ng ginawang remedial?
D. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha o nakaintindi sa aralin
E. Bilang ng mga mag-aaral na kailangan pang magpatuloy sa ginawang remedyal.
F. Alin sa mga istratehiyang ginamit ang mabisa? Bakit naging mabisa ito?
G. Ano-anong mga balakid ang naranasan at nabigyan ng solusyun sa tulong ng punongguro
at superbisor?
H.Ano-ano ang mga inobasyon/pagbabago o mga kagamitang panlokal ang ginamit na nais
Ibahagi sa iba pang mga guro?

66
MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO-10
Manilyn C. Rivera, Lea P. Revilla & Emilio H. Minguez, Jr.
Valencia National High School

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:

PANITIKAN: Ang Tusong Katiwala (Parabula) Lukas 16:1-15 PSB


(Parabula mula sa Syria)
.
PRODUKTO AT PAGGANAP:

Pagbuo ng mga tuntunin (moral values) ng isang huwarang kabataang pandaigdig.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

1. F10PT-Ib-c-62, Nabibigyang puna ang estilo ng may akda batay sa mga salita at
ekspresyong ginamit sa akda.
2. F10PS-Ib-c-65, Naipakikita ang kakayahan sa pagsasalita sa paggamit ng mga
berbal at di-berbal na estratehiya.

MARKAHAN: Unang Markahan LINGGO: Ikatlong Linggo ARAW:


Ikalawang Araw

I- MGA LAYUNIN:

Pagkatapos ng isang oras na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Natutukoy ang mg salitang magkakapareho o magkakaugnay ang kahulugan.


b. Naibabahagi ang sariling reaksiyon sa ilang mahahalagang ideyang nakapaloob sa
binasang akda sa pamamagitan ng brain storming.

II- NILALAMAN:

a. Paksa: Aralin 1.3, Panitikan: Ang Tusong Katiwala (Parabula mula sa Syria)
b. Pagsasama-sama: -Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP). Ang mga mensahe ng
parabula ay nalalahad ng katotohanan at kagandahang-asal sa bawat mag-aaral.

c. Estratehiya: Collaborative/Cooperative learning


d. Kagamitan: netbook, PowerPoint, yeso at TV Monitor

e. Sanggunian: - DepEd Learner’s Modyul pahina 44-55 at


DepEd Teacher’s Guide page 15-18.

67
III- PAMAMARAAN:

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. -BAGO ANG TALAKAYAN


1. Panimulang Dasal
 Manalangin Tayo
2. Pagtatala ng mga lumiban sa klase
 pagtsek ng dumalo sa
3. Pagganyak
klase at pagsasaayos sa
Isang Laro (Word Box)
loob ng silid.
-Kumuha ng maliit na kahon o box at saka ang mga papel
na nahahati sa tig 1/8.

- may mga nakalagay na mga mahahalagang pangyayari sa


nakaraang paksa.

-Hayaan ang mga mag-aaral ang bumunot ng tig isa’t-isa


para basahin ang nakasulat sa kanilang papel.

-Hayaan silang makapagpahayag sa kanilang sarili.

- Handan a kayo sa sunod na paksa tungkol sa Talinghaga


sa tusong katiwala?

PANG-ALIS SAGABAL:

GAWAIN 4: Paglinang ng Talasalitaan

Bigyang-puna ang estilo ng may-akda batay sa salita at


ekspresiyong ginamit sa pamamagitan ng pagkilala sa
damdaming ipinahahayag sa bahagi ng parabula. Hanapin
sa loob ng kahon ang damdaming angkop sa pahayag.

Lungkot, Galit, Panghihinayang, Pagtataka,


Pagkaawaa, Pag-aalinlangan

1. “May taong mayaman na may isang katiwala. May  Sa sagutang papel


nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito ang kaniyang
ari-arian.”

2. “Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo


ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin
na kita sa iyong tungkulin.”

3. “Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa

68
pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa;
nahihiya naman akong magpalimos.”
4. “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang
kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa
inyong mga kapwa upang kung maubos na iyon ay
tanggapin naman kayo sa tahanang walang hanggan.”

5. “At kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa kayamanan


ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng sa inyo ng
talagang para sa inyo?

B. –PANAHON TALAKAYAN

1. Paglalahad:
 Modyul para sa Mag-
- Alam mo ba na... aaral pahina 44-55
--Ang parabula ay maikling salaysay na nagtuturo ng
kinikilalang pamantayang moral na karaniwang batayan
ng mga kuwento ay nasa Banal na Kasulatan? Realistiko
ang banghay at ang mga tauhan ay tao. Ang mga parabula
ay may tonong mapagmungkahi at maaaring may
sangkap ng misteryo.
- Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008.
Texas, USA .

2. Pagtatalakay:

-- Sa bahaging ito, basahin mo ang isa pang halimbawa


ng parabula. Nais kong bigyan mo ng pansin ang
pagkakahabi ng mga pangyayari upang masagot mo ang
pokus na tanong na: Bakit mahalagang maunawaan at
mapahalagahan ang parabula bilang akdang pampanitikan?

Ang Tusong Katiwala


(Lukas 16:1-15)
Philippine Bible Society  Modyul para sa Mag-
aaral pahina 44-55
1) Nagsalita uli si Hesus sa kaniyang mga alagad, “May
taong mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong
sa kaniyang nilulustay nito ang kaniyang ari-arian. 2)
Kaya’t ipinatawag niya ang katiwala at tinanong, ‘Ano ba
itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng
iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong
tungkulin.’ 3) Sinabi ng katiwala sa kanyang sarili, ‘Ano
ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa
pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa;

69
nahihiya naman akong magpalimos. 4) Alam ko na ang
aking gagawin! Maalis man ako sa pangangasiwa ay may
tatanggap naman sa akin sa kanilang tahanan.
5) Isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kaniyang
amo. Tinanong niya ang una, ‘Magkano ang utang mo sa
aking amo?’ 6) Sumagot ito, ‘Isandaang tapayang langis
po.’ ‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali!  Modyul para sa Mag-
Maupo ka’t palitan mo, gawin mong limampu,’ sabi ng aaral pahina 44-55
katiwala. 7) At tinanong naman niya ang isa, ‘Ikaw, gaano
ang utang mo?’ Sumagot ito, ‘Isandaang kabang trigo po.’
‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang,’ sabi niya.
‘Isulat mo, walumpu.’ 8) Pinuri ng amo ang tusong
katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito. Sapagkat
ang mga makasanlibutan ay mas mahusay gumawa ng
paraan kaysa mga maka-Diyos sa paggamit ng mga bagay
ng mundong ito.

9) At nagpatuloy si Hesus sa pagsasalita, “Kaya’t sinasabi


ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito
sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang kung
maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa tahanang
walang hanggan. 10) Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na
bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang
mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa
malaking bagay. 11) Kaya kung hindi kayo
mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng mundong ito,
sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan?

12) At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan  Modyul para sa Mag-


ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa aaral pahina 44-55
inyo?
13) “Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa
dalawang panginoon sapagkat kamumuhian niya ang isa at
iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at
hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod
ng sabay sa Diyos at sa kayamanan.” 14) Nang marinig ito
ng mga Pariseo, kinutya nila si Jesus sapagkat sakim sila sa
salapi. 15) Kaya’t sinabi niya sa kanila, “Nagpapanggap
kayong matuwid sa harap ng mga tao, ngunit alam ng
Diyos ang nilalaman ng inyong mga puso. Sapagkat ang
itinuturing na mahalaga ng mga tao ay kasuklam-suklam sa
paningin ng Diyos.

70
3. Paglalalim
GAWAIN 5: Pag-unawa sa Akda
Sagutin ang mga tanong sa sagutang papel.
--Talakayin ang nilalaman ng
1. Ipaliwanag ang suliraning kinakaharap ng katiwala. parabula sa tulong ng mga
2. Ano ang nais patunayan ng katiwala nang bawasan niya tanong na nasa Gawain 5,
ang utang ng mga taong may obligasyon sa kaniyang gamit ang estratehiyang;
amo?
3. Paano mo maiuugnay ang pangyayari sa parabula sa  Roundtable Discussion
mga pangyayari sa kasalukuyan? Patunayan ang sagot.
 Buzz Session
4. Kung ikaw ang amo, ano ang iyong gagawin kung
mabalitaan mong nalulugi ang iyong negosyo dahil sa
paglustay ng iyong katiwala?
5. Saang bahagi ng parabula mababatid ang mensahe?

--Ipatukoy ang mahahalagang pangyayari sa bawat bahagi


ng parabula. Isulat ang sagot sa metakards
at ipadikit sa pisara.

Magbigay ng input ang guro tungkol sa katangian ng


parabula.
Nilalaman – tungkol saan ang parabula
Elemento – nagtataglay ng pamantayang moral,
makatotohanang pangyayari
Kakanyahan – mensahe at aral na ipinahahatid
gamit ang talinghagang pahayag

--Ipaulat at iproseso ang naging sagot ng bawat pangkat.  Pagsanib ng Edukasyon


sa Pagpapakatao; Ang
PAGSASAMA-SAMA: mga mensahe ng
-Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP). Ang mga mensahe parabula ay naka-antig
ng parabula ay nakaka-antig ng damdamin ng bawat isang ng damdamin ng bawat
mag-aaral na makapagbigay ng inspirasyon. isang mag-aaral na
makapagbigay ng
inspirasyon
C.-PAGKATAPOS NG TALAKAYAN:

1. Pagtatataya:

PANUTO: Ipaliwanag ang mga sumusunod na mga


pahayag /Limang puntos bawat tamang sagot;

1. Paano nakatulong ang bawat bahagi ng parabula sa


pagpapalutang ng mensahe nito? Patunayan

71
2. Sa iyong palagay, ano ang pangunahing mensahe ng
parabula?

3. Paano nakatutulong sa buhay ng tao ang mga  Pasagutan sa isang


mensaheng ibig ipahatid ng binasang parabula? buong papel

4. Kung ikaw ang may-ari ng negosyo, kukunin mo ba


ang ganitong uri ng katiwala para sa iyong negosyo?

2.Takdang-Aralin:

-- Isulat ang mga pangyayari na maaaring iugnay sa


sariling karanasan o tunay na buhay.

-- Ipasa bukas

IV-REPLEKSYON:
Pagninilay sa iyong mga istratehiya ng pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-
aaral sa bawat linggo. Paano mo ito naisakatuparan? Ano pang tulong ang maari mong gawin
upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maari mong itanong/Ilahad sa iyong superbisor sa
anumang tulong na maari nilang maibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng mga-aaral na nakakuha ng 80% ____
B. Bilang ng mag-aaral na nabigyan ng karagdagang gawain bilang remedyal.
C. Naging makabuluhan baa ng ginawang remedial?
D. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha o nakaintindi sa aralin
E. Bilang ng mga mag-aaral na kailangan pang magpatuloy sa ginawang remedyal.
F. Alin sa mga istratehiyang ginamit ang mabisa? Bakit naging mabisa ito?
G. Ano-anong mga balakid ang naranasan at nabigyan ng solusyun sa tulong ng punongguro
at superbisor?
H.Ano-ano ang mga inobasyon/pagbabago o mga kagamitang panlokal ang ginamit na nais
Ibahagi sa iba pang mga guro?

72
MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO-10
Manilyn C. Rivera, Lea P. Revilla & Emilio H. Minguez, Jr.
Valencia National High School

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:

PANITIKAN: Ang Tusong Katiwala (Parabula) Lukas 16:1-15 PSB


(Parabula mula sa Syria)

PRODUKTO AT PAGGANAP:

Pagbuo ng mga tuntunin (moral values) ng isang huwarang kabataang pandaigdig.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

1. F10PD-Ib-c-62, Nahihinuha ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng pinanood


na akda gamit ang mga estratehiyang binuo ng guro at mag-aaral.
2. F10PU-Ib-c-65, Naisusulat nang may maayos na paliwanag ang kaugnay na
collage na may kaugnayan sa paksa.
MARKAHAN: Unang Markahan LINGGO: Ikatlong Linggo ARAW: Ikatlong
Araw

I- MGA LAYUNIN:

Pagkatapos ng isang oras na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nahihinuha ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng pinanood na akda


gamit ang mga estratehiyang binuo ng guro at mag-aaral.
b. Naisusulat nang may maayos na paliwanag ang kaugnay na collage na may
kaugnayan sa paksa.

II- NILALAMAN:

a. Paksa: Aralin 1.3, Panitikan: Ang Tusong Katiwala (Parabula)


Lukas 16:1-15 PBS (Parabula mula sa Syria)

b. Pagsasama-sama: -Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP). Ang mga mensahe ng


parabula ay nalalahad ng katotohanan at kagandahang-asal sa bawat mag-aaral.

c. Estratehiya: Collaborative/Cooperative learning


d. Kagamitan: netbook, PowerPoint, yeso at TV Monitor

e. Sanggunian: - DepEd Learner’s Modyul pahina 44-55 at


DepEd Teacher’s Guide page 15-18.

73
III- PAMAMARAAN:

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. -BAGO ANG TALAKAYAN


1. Panimulang Dasal
 Manalangin Tayo
2. Pagtatala ng mga lumiban sa klase
 pagtsek ng dumalo sa klase at
3. Balik-Aral
pagsasaayos sa loob ng silid.

--Balikan at lagumin sa mga sumusunod na


mahalagang pangyayari sa talinghaga tungkol
sa “Tusong Katiwala”.

-Kung ikaw ang persona sa parabula ano ang


iyong gagawin ?

Sabihin sa mga mag-aaral na ang nakaraang


aralin ay ipagpapatuloy sa araw na ito.

B. –PANAHON NG TALAKAYAN Grapikong Presentasyon:


Suriin ang mga pangyayari sa akda batay sa
1. ACTIVITY/Gawain: nilalaman, kakanyahan at elemento gamit ang
grapikong presentasyon.
GAWAIN 6: Mga Bahagi… Suriin.
--Ang parabula ay naglalahad ng
makatotohanang pangyayari na naganap.
Nagsisilbing patnubay at lumilinang sa
mabuting asal ang aral na mapupulot dito.
Ang mensahe ng parabula ay isinulat sa
patalinghagang pahayag. Gamit ang
grapikong presentasyon, suriin ang mga
pangyayari sa parabula batay sa nilalaman,
kakanyahan at elemento.

Pangyayari sa Pangyayari sa
Parabula sariling karanasan
GAWAIN 7: Ugnayang Pangyayari
--Kopyahin ang tsart sa kuwaderno at
isulat ang mga pangyayari na maaaring iugnay
sa sariling karanasan o sa tunay na buhay.

74
2. ANALYSIS/ Pagsusuri: Mga sagot ng mga mag-aaral

--Proseso ang sagot ng mga mag-aaral


upang mabigyang-diin ang mahahalagang
kaisipan na nakapaloob sa Parabulang Tusong
Katiwala.
MGA MAG-AARAL ANG BABASA:

Mensahe ng Butil ng Kape


“The Story of a Carrot, Egg, and a Coffee
Bean”
3. ABSTRACTION/ Buod: (Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo)

- Pagsanib ng Gramatika at Retorika


Isang araw, habang nagbubungkal ng
lupa ang magsasaka, narinig niyang
Binabati kita sa sipag at tiyaga na iyong
nagmamaktol ang kaniyang anak na lalaki.
ipinakita sa mga gawaing ito. Ang susunod
Narinig nitong binabanggit ng kaniyang
nating babasahin ay isang tekstong
anak ang hirap at pagod na nararanasan sa
nagsasalaysay. Unawain ang nilalaman nito at
pagsasaka at pagbubungkal ng bukirin.
bigyang pansin ang mensahe upang
Ayon pa sa anak , nararamdaman niya na
mapahalagahan ito bilang isang akdang
hindi makatarungan ang kaniyang buhay
pampanitikan.
dahil sa hirap na nararanasan niya. Sa
pagkakataong iyon, tiningnan ng ama ang
anak at tinawag niya papunta sa kusina.

Nilagyan ng ama ang tatlong palayok ng


tubig at saka isinalang sa apoy. Walang
narinig na ano mang salitaan sa mga oras na
yaon. Hinayaan lamang nila ang nakasalang
na mga palayok. Hindi nagtagal, kumulo ang
tubig. Sa unang palayok , inilagay ng ama
ang carrot. Sa pangalawa naman ay mga
itlog. Sa panghuli, butil ng kape ang
inilahok.

“Sa tingin mo, ano ang maaaring mangyari


sa carrot, itlog at butil ng kape na aking
inilahok?” tanong ng ama.
“Maluluto?” kibit-balikat na tugon ng anak.

75
Makalipas ang dalawampung minuto, inalis
ng ama ang mga baga at pinalapit ang anak
sa mga palayok. “Damhin mo ang mga ito,”
hikayat ng ama.

“Ano ang iyong napuna?” bulong ng


ama. Napansin ng anak na ang carrot ay
lumambot. Inutusan naman siya ng ama na
kunin ang itlog at hatiin ito. Matapos
mabalatan ang itlog, napansin niya na buo at
matigas na ito dahil sa pagkakalaga.

“Higupin mo ang kape,” utos ng ama.


“Bakit po?” nagugulumihanang tanong ng
anak.

Nagsimulang magpaliwanag ang ama


tungkol sa dinaanang proseso ng carrot,
itlog, at butil ng kape. Pare-pareho itong
inilahok sa kumukulong tubig subalit iba-iba
ang naging reaksiyon.

Ang carrot na sa una ay matigas, malakas, at


tila di matitinag subalit matapos mailahok sa
kumukulong tubig ay naging malambot na
kumakatawan sa kahinaan.

Ang itlog na may puti at manipis na balat


bilang proteksiyon sa likidong nasa loob
nito, ay naging matigas matapos
mapakuluan. Samantala, ang butil ng kape
nang ito ay mailahok sa kumukulong tubig
ay natunaw ngunit kapalit nito ay
karagdagang sangkap na magpapatingkad
dito.
“Alin ka sa kanila? tanong ng ama sa
anak. “Ngayon, nais kong ikintal mo ito sa
iyong isipan, ang kumukulong tubig ay
katumbas ng suliranin sa buhay. Kapag ito
ay kumatok sa ating pinto, paano ka
tutugon? Ikaw ba ay magiging carrot, itlog o
butil ng kape?” usal ng ama.
“Ikaw ba ay magiging carrot na malakas sa
una subalit nang dumating ang pagsubok ay

76
naging mahina? O kaya naman ay magiging
tulad ng itlog na ang labas na balat ay
nagpapakita ng kabutihan ng puso subalit
nabago ng init ng kumukulong tubig?

Ang itlog ay nagpapaalala na minsan


may mga taong sa una ay may mabuting
puso subalit kapag dumaan ang pagsubok
tulad ng sigalot sa pamilya o mga kaibigan,
sila ay nagkakaroon ng tigas ng kalooban
upang hindi igawad ang kapatawaran sa
nagkasala. O maging tulad ka kaya ng butil
ng kape na nakapagpabago sa kumukulong
tubig? Kapuna-puna na sa tulong ng butil ng
kape, nadagdagan ng kulay at bango ang
kumukulong tubig,” paliwanag ng ama.

“Kung ikaw ay tulad ng butil ng kape,


ikaw ay magiging matatag sa oras ng
pagsubok. Higit sa lahat, ikaw mismo ang
magpapabago sa mga pangyayari sa paligid
mo,” dagdag na paliwanag ng ama.

“Paano mo ngayon hinaharap ang mga


suliranin sa iyong buhay?” Ikaw ba ay
sumusunod lamang sa kung ano ang
idinidikta ng sitwasyon o nagsusumikap
kang maging matatag sa harap ng mga
pagsubok.

Gayundin, patuloy ka rin bang lumilikha


ng positibong pagbabago na dulot ng di
magagandang pangyayari?

“Kaya anak, ikaw ba ay carrot , itlog, o


butil ng kape?” tanong muli ng ama.
Ngumiti ang anak, kasunod ang tugon –
“ako ay magiging butil ng kape…” katulad
mo mahal na ama.

- Mula sa Elements of Literature nina Holt


et. al. 2008. Texas, USA

77
4. APPLICATION/ Aplikasyon:

GAWAIN 8: Pag-unawa sa Nilalaman

Panuto: Unawain ang mga pahayag at sagutin


ang mga katanungan batay sa hinihinging
sitwasyon. Hayaan ang mga mag-aaral na pumili sa
mga sumusumod;
1. Paghambingin ang butil ng kape sa carrot
at itlog nang ang mga ito ay inilahok sa  Round table Discussion
kumukulong tubig.
 Buzz Session
2. “Pare-pareho itong inilahok sa
 Think, Pair & Share
kumukulong tubig subalit iba-iba ang
naging reaksiyon.” Paano mo maiuugnay  Brain Storming
ang pahayag na ito sa buhay ng tao?

3. Mabisa ba ang naging representasyon ng


ama upang magkaroon ang anak ng
maliwanag na pananaw sa kahirapang
kanilang kinakaharap? Patunayan.

4. Kung ikaw ang anak, paano mo haharapin


ang hirap ng buhay?

5. Bigyang-kahulugan ang sinisimbolo ng


butil ng kape sa kuwento.

C.-PAGKATAPOS NG TALAKAYAN:

1. Pagtatataya:

PANUTO: Unawain ang mga sumusunod na tanong.


Piliin ang tamang sagot sa bawat bilang.

1. May tonong mapagmungkahi at maaring may


sangkap na misteryo.
a. dagli b. nobela c. parabula d. tula

2. Ano ang nais patunayan ng katiwala ng bawasan


niya ang utangng mga tao na may obligasyon sa
kanyang amo.
a. may sariling intensyon
b. baka sesantihin ng amo
c. takot na mawalan ng trabaho
d. isa siyang mandaraya

78
3. Paano makakatulong sa buhay ng isang tao
ang mga aral nanabatid sa parabula?
 Isang kalahating papel
a.naging inspirasyon
b. aral sa buhay
c. nagkaroon ng direksyon ang buhay
d. lahat ng nabanggit

4. Sa pagbasa ng isang uri ng parabula anong


katangian mayroon ito?

a. may hawig sa tunay na buhay ang aral


b. nangyayari sa buhay ng bawat isa
c. mabuting balita mula sa Panginoon
d. lahat ng nabanggit

5. Ano ang katangian ng parabola na mayroon sa iba


pang akda?
a. may aral c. may misteryo
b. hango sa Bibliya d. wala sa nabanggit

Susi sa Pagwawasto:
1. C 2. C 3. D 4. C 5.
2.Takdang-Aralin:

--Magsaliksik tungkol sa mga cohesive


devices sa komunikatibong wikang Filipino.

IV-REPLEKSYON:
Pagninilay sa iyong mga istratehiya ng pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-
aaral sa bawat linggo. Paano mo ito naisakatuparan? Ano pang tulong ang maari mong gawin
upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maari mong itanong/Ilahad sa iyong superbisor sa
anumang tulong na maari nilang maibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng mga-aaral na nakakuha ng 80% ____
B. Bilang ng mag-aaral na nabigyan ng karagdagang gawain bilang remedyal.
C. Naging makabuluhan baa ng ginawang remedial?
D. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha o nakaintindi sa aralin
E. Bilang ng mga mag-aaral na kailangan pang magpatuloy sa ginawang remedyal.
F. Alin sa mga istratehiyang ginamit ang mabisa? Bakit naging mabisa ito?
G. Ano-anong mga balakid ang naranasan at nabigyan ng solusyun sa tulong ng punongguro
at superbisor?
H.Ano-ano ang mga inobasyon/pagbabago o mga kagamitang panlokal ang ginamit na nais
Ibahagi sa iba pang mga guro?

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO-10


Manilyn C. Rivera, Lea P. Revilla & Emilio H. Minguez, Jr.

79
Valencia National High School

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:

GRAMATIKA at RETORIKA: Mga Piling Pang-ugnay sa Pagsasalaysay


(Pagsisimula, Pagpapadaloy ng Pangyayari, Pagwawakas)
.

PRODUKTO AT PAGGANAP:

Pagbuo ng mga tuntunin (moral values) ng isang huwarang kabataang pandaigdig.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

1. F10WG-Ib-c-58, Nagagamit ang angkop na mga piling pag-ugnay sa


pagsasalaysay (pagsimula,pagpapadaloy ng mga pangyayari,pangwawakas).

MARKAHAN: Unang Markahan LINGGO: Ikatlong Linggo ARAW: Ikaapat


na Araw

I- MGA LAYUNIN:

Pagkatapos ng isang oras na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nagagamit ang angkop na mga piling pag-ugnay sa pagsasalaysay


(pagsimula,pagpapadaloy ng mga pangyayari,pangwawakas).

II- NILALAMAN:

a. Paksa: Aralin 1.3, Gramatika: Mga Piling Pang-ugnay sa Pagsasalaysay


(Pagsisimula, Pagpapadaloy ng Pangyayari, Pagwawakas)
.
b. Pagsasama-sama: -Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP). Ang mga mensahe ng
parabula ay nalalahad ng katotohanan at kagandahang-asal sa bawat mag-aaral.

c. Estratehiya: Collaborative/Cooperative learning


d. Kagamitan: netbook, PowerPoint, yeso at TV Monitor

e. Sanggunian: - DepEd Learner’s Modyul pahina 44-55 at


DepEd Teacher’s Guide page 15-18.

III- PAMAMARAAN:

80
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. -BAGO ANG TALAKAYAN


1. Panimulang Dasal
 Manalangin Tayo
2. Pagtatala ng mga lumiban sa klase  pagtsek ng dumalo sa klase at
3. Balik-aral pagsasaayos sa loob ng silid.

Magaling!
Batay sa mga naunang gawain, napaunlad
mo ang iyong pag-unawa kung bakit
mahalagang unawain at pahalagahan ang
parabula bilang akdang pampanitikan.

Higit na magiging madali ang pagsasalaysay


ng mga pangyayari kaugnay ng mensaheng
natutuhan sa binasang akda kung mabisa mong
magagamit ang mga pang-ugnay.

B. –PANAHON NG TALAKAYAN

1. Paglalaad:

Pagsasanib ng Gramatika at Retorika

--Pasalita man o pasulat, nakatutulong sa pag-


unawa ng mensahe ng isang diskurso ang
paggamit ng mga salitang nagsasama-sama o
nag-uugnay ng isang ideya sa mga kasunod na
ideya. Tinatawag sa Ingles na cohesive devices
ang ganitong salita.
 Modyul para sa Mag-aaral pahina
Sa komunikatibong gramatikang ito ng 50-55
wikang Filipino, tinatawag na pang-ugnay ang
mga ito. Sa pagkakaroon ng organisadong mga
pangyayari sa bawat bahagi, madali ngayong
matutukoy ang mensaheng nakapaloob dito.
May mga angkop na pang-ugnay na ginagamit
sa pagsasalaysay.

Tunghayan ang mga nakatalang


impormasyon tungkol dito upang mabatid kung
paano makatutulong ang mga pang-ugnay sa
pagsasalaysay upang mabisang maunawaan ang
mensaheng nakapaloob sa akdang
81
pampanitikan.

2. Pagtatalakay:
 Modyul para sa Mag-aaral pahina
Alam mo ba na... 50-55

ginagamit sa pagsusunod-sunod ng
pangyayari ang mga pang-ugnay o panandang
pandiskurso? Narito ang mahahalagang gamit
nito:

a. Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga


impormasyon

Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito


sa paglalahad ng pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari o pag-iisa-isa ng mga
impormasyon. Kabilang dito ang mga
salitang: pagkatapos, saka, unang, sumunod na
araw, sa dakong huli, pati, isa pa, at gayon
din.

b. Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal

Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito


ng paglalahad ng dahilan at bunga, paraan at
layunin, paraan at resulta maging sa
pagpapahayag ng kondisyon at kinalabasan.
Kabilang na pang-ugnay sa bahaging ito ang
dahil sa, sapagkat at kasi. Samantalang sa  Modyul para sa Mag-aaral pahina
paglalahad ng bunga at resulta ginagamit ang 53
pang-ugnay na kaya, kung kaya, kaya naman,
tuloy at bunga.

3. Pagnilayan at Unawain:

-- Bumuo ng mahahalagang konseptong


natutuhan sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot
sa mga tanong gamit ang grapikong
presentasyon.

1. Bakit mahalagang unawain at pahalagahan


ang mga parabula? Nakatutulong ba ang pag-

82
unawa sa mensahe sa pagkilala sa bansang
pinagmulan nito?

Grapikong Presentasyon:

2. Paano makatulong ang mga pangatnig sa


pagsasalaysay upang mabisang maunawaan ang
mensaheng nakapaloob dito?

Grapikong Presentasyon:

4. Ilipat:

Ngayon ang iyong kaalaman ay


napagyaman na sa tulong ng sinagutan mong
mga gawain. Higit sa lahat, batid kong
nakatulong ang araling ito upang tumibay ang
iyong pag-unawa sa konsepto at mga elemento
ng parabula gayundin ang pagpapahalaga dito
bilang isang akdang pampanitikan.

Naniniwala akong sapat na ang iyong


kaalaman at kasanayan upang maisagawa mo
ang inaasahang produkto para sa araling ito.
Magagamit mo na ang mga kaalamang iyong
natutuhan sa mga araling pampanitikan at
panggramatika.

C.-PAGKATAPOS NG TALAKAYAN:

1. Pagtatataya:

PANUTO: Basahin ang sariling pagsasalaysay

83
batay sa binasang parabula at piliin sa loob ng
panaklong ang angkop na pang-ugnay .

1. May nagsumbong sa isang taong mayaman


na nilulustay ng kaniyang katiwala ang
kaniyang ari-arian (kaya’t, saka) ipinatawag
niya ang katiwala at tinanong.
2. (Unang, Pagkatapos) tinawag ng katiwala  Pasagutan sa kalahating
ang may utang na isandaang tapayang langis. papel
3. (Saka, Pati) pinaupo at pinapalitan ng
limampu ang kasulatan.
4. (Gayon din, dahil sa) ang ginawa sa isa pa.
Ginawang walampung kabang trigo mula sa
isandaang trigo.
5. (Dahil sa, upang) katalinuhan ng katiwala,
pinuri ng amo ang tusong katiwala.

2.Takdang-Aralin:
-Magsalikisik , alamin ang tungkol sa maikling
kwento ng France na may pamagat na “Ang
Kwentas”.

IV-REPLEKSYON:
Pagninilay sa iyong mga istratehiya ng pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-
aaral sa bawat linggo. Paano mo ito naisakatuparan? Ano pang tulong ang maari mong gawin
upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maari mong itanong/Ilahad sa iyong superbisor sa
anumang tulong na maari nilang maibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng mga-aaral na nakakuha ng 80% ____
B. Bilang ng mag-aaral na nabigyan ng karagdagang gawain bilang remedyal.
C. Naging makabuluhan baa ng ginawang remedial?
D. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha o nakaintindi sa aralin
E. Bilang ng mga mag-aaral na kailangan pang magpatuloy sa ginawang remedyal.
F. Alin sa mga istratehiyang ginamit ang mabisa? Bakit naging mabisa ito?
G. Ano-anong mga balakid ang naranasan at nabigyan ng solusyun sa tulong ng punongguro
at superbisor?
H.Ano-ano ang mga inobasyon/pagbabago o mga kagamitang panlokal ang ginamit na nais
Ibahagi sa iba pang mga guro?

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO-10


Claudia E. Ajan
Valencia National High School

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:

84
PANITIKAN: Ang Kuwintas (Maikling Kuwento Mula sa France) ni Guy de
Maupassant (Isinalin sa Filipino ni Mariano C. Pascual)
GRAMATIKA at RETORIKA: Panghalip Bilang Panuring sa mga Tauhan
.
PRODUKTO AT PAGGANAP:
Pagsasalaysay ng isinulat na iskrip ng isang programang pantelebisyon sa
pamamagitan ng Story Board.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
1. F10PN-If-g-66 ,Pag-unawa sa Napakinggan.
2. F10PB-If-g-67,Pag-unawa sa Binasa.

MARKAHAN: Unang Markahan LINGGO: Ika-apat ARAW: Unang Araw_

I- MGA LAYUNIN:

Pagkatapos ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Naipaliliwanag ang ilang pangyayaring napakinggan na may kaugnayan sa kasalukuyang


mga pangyayari sa daigdig.
b. Napapatunayang ang mga pangyayari sa akda ay maaaring maganap sa tunay na buhay.
c. Natutukoy ang mga paagkakatulad ng kultura at tradisyon ng bansang France sa Pilipinas.
II- NILALAMAN:

a. Paksa: Aralin 1.4, Panitikan: Ang Kuwintas (Maikling Kuwento ng France)


ni Guy de Maupassant (Isinalin sa Filipino ni Mariano C. Pascual)
b. Integrasyon: - Araling Panlipunan (AP).Pagpapahalaga sa kultura at
tradisyon ng ibang bansa at pagrespeto sa kanilang kasaysayan.

c. Estratehiya: Malayang Talakayan, Pangkatang Gawain,Pag-uulat


d. Kagamitan: Laptop, PowerPoint, yeso

e. Sanggunian: - Modyul ng Mag-aaral, pahina 56-66 at Gabay ng Guro pahina 19-21,


internet: https://www.slideshare.net/FayeAguirre1/ang-kwintas-filipino-10-module-

III- PAMAMARAAN:

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. -BAGO ANG TALAKAYAN


1. Panimulang Dasal
 Magdasal Tayo
 pagtsek kung sino ang lumiban na

85
2. Pagtsetsek ng Atendans kaklase at pagsasaayos at
3. Paghahanda sa silid aralan paghahanda sa loob ng silid aralan.

a. Pagtatamo:(Elicit)
“Meron akong ipapakitang larawan,
hulaan ninyo kung ano ito at saang bansa  Hayaan ang mga mag-aaral na manghula
kung saang bansa ito matatagpuan.
ito matatagpuan”
Tanggapin ang lahat ng sagot.
Ipapakita ang larawan ng Effil Tower at
pahuhulaan kung saang bansa ito
matatagpuan.

https://www.slideshare.net/nhyrelle/ang-kuwintas-
ni-guy-de-maupassant

”Ang inyong nakikita ay effil tower at ito


ay matatagpuan sa bansang France.”
Ipakita guro ang presentasyon na
maglalarawan dito.
Ang France o French Republic ay isang
 Tumawag ng mag-aaral na magbabasa
malayang bansa sa Kanluran ng Europe. Ang ng presentasyon.
France ay pangatlo sa pinakamalaking bansa
sa Kanlurang Europe at European Union. Ang
kapitolyo ng France ay ang Paris, ang
pinakamalaking lungsod ng bansa at sentro ng
kultura at komersyo. Katulad ng iba pang
bansa sa Mediterranean, mayaman sa
panitikan ang France. Ang panitikang ito ang
nagsisilbing kanlungan ng kanilang mga
sinaunang kaugalian tradisyon, at kultura sa
kabuuan.

86
Sabihin ng guro:
“Sa Aralin 1.4, pag-aaralan mo ang isang
maikling kuwento na pinamagatang “Ang
Kuwintas.” Uunawain mo upang masalamin
sa katauhan ng mga tauhan ang pag-uugali ng
mga taong pinanggalingan nito. “

“Huhubugin din ang iyong kasanayan sa


paggamit ng panghalip upang ikaw ay
makapagsalaysay ng nabuong sariling wakas
ng kuwento sa pamamagitan ng story board
batay sa sumusunod na pamantayan:
a.) nilalaman, b.) pagkamalikhain, at c.)
daloy ng kaisipan.”

“Tutuklasin mo kung masasalamin sa


katauhan ng mga tauhan sa kuwento ang
pag-uugali ng mga taong pinanggalingan
ng akda. Gayundin, kung paano
magagamit ang panghalip sa mabisang
pagsasalaysay.”

“ Tayo na at sama-sama nating tawirin


ang dagat ng Mediterranean at tuklasin
ang kultura ng mga taga-France sa
pamamagitan ng kanilang maikling
kuwento”

b. Pakikipag-ugnayan ( Engage)
“Sa sumusunod na gawain, alamin natin kung
gaano na kalawak ang iyong kaalaman sa
kultura ng iba’t ibang bansa upang sa gayo’y
matulungan kitang matuklasan kung
masasalamin sa katauhan ng mga tauhan ang
87
pag-uugali ng mga taong pinanggalingan ng
akda at paano magagamit ang panghalip
bilang panuring sa mga tauhan sa mabisang
pagsasalaysay.”
Ipagawa ang Gawain I.
Hanapin Mo
Tukuyin mo kung aling bansa ang nagmamay-
ari ng sumusunod na larawan ng kasuotan.
Piliin ang iyong sagot mula sa mga bansang
nakasulat sa loob ng kahon sa ibaba ng mga
larawan. At pagkatapos ilarawan ang kultura
ng mga taong nasa larawan batay sa kanilang
kasuotan.

 Magsagawa ng malayang talakayan


https://www.slideshare.net/nhyrelle/ang-kuwintas-
ni-guy-de-maupassant tungkol sa pambansang kasuotan ng ibat
ibang bansa sa pamamagitan ng
pagtukoy sa bansang nagmamay-ari ng
kasuotang nasa larawan.

88
 Pagsagot ng mga piling mag-aaral.

https://www.slideshare.net/nhyrelle/ang-kuwintas-ni-
guy-de-maupassant
 Pagpapaliwanag ng mag-aaral
Pumili ng piling mag-aaral na sasagot.
Hayaang magbahagi ang mga mag-aaral ng
kanilang mga sagot.  Pagpapaliwanag ng mag-aaral.

Tanggapin maging ang maling sagot.


 Ipaliwanag ito sa klase kung bakit ito
Iproseso ang mga sagot na nakaiinsulto sa ang kanyang nagustuhan.
kulturang pinanggalingan ng kasuotan.

Itanong:
“ Nasasalamin ba sa uri ng kasuotan ang antas
sa lipunan ng isang tao?”

“Nakikilala rin ba ang ugali o pagpapahalaga


ng isang tao sa pamamagitan ng kanyang
pananamit?”
Papiliin ang mga mag-aaral ng isa sa Pinaka
gusto nilang kasuotan.  Modyul para sa Mag-aaral pahina
67-68.

B. –PANAHON NG TALAKAYAN

c. Paggalugad (Explore)

“ Isa sa mga pananamit na nahulaan ninyo


ay kasuotan mula sa France.Upang mas
lalo pa ninyong makilala ang bansang

89
France, basahin natin ngayon ang mga
impormasyon tungkol sa kanilang bansa.”

Basahin: “Kultura ng France: Kaugalian at


Tradisyon”

Pangkatin sa apat ang mga mag-aaral.

Pangkat I- Tatalakay sa maikling kasaysayan


ng France at mga wika ng France.
Pangkat II- -Relehiyon at at Pagpapahalaga ng
mga taga France.
Pangkat III- Lutuin at Pananamit
Pangkat IV- Sining, mga piyesta at
pagdiriwang.  Pag-uulat ng bawat pangkat.

“ Maghanda para sa pag-uulat ng bawat Pangkat I:


pangkat.”

Kadalasan ay kinakabit ang kulturang


d. Pagpapaliwanag: (Explain) Pranses sa Paris, na sentro ng moda,
pagluluto, sining at arkitektura, subalit ang
Integrasyon: Araling Panlipunan buhay sa labas ng Lungsod ng mga Ilaw ay
ibangiba at nagkakaiba sa bawat rehiyon.
Pagbabahagi ng bawat pangkat. Magugunita na ang kultura ng France ay
naimpluwensiyahan ng Celtic at Gallo-
Ang bawat grupo ay magbibigay ng feedback Roman Culture, gayundin ang Franks, isang
tungkol sa ulat ng bawat pangkat. tribong German. Ang France ay una nang
tinawag na Rhineland subalit noong
Maaari ring magtanong ang bawat miyembro panahon ng Iron Age at Roman era ay
sa pangkat na hindi nag-uulat tungkol sa mga tinawag na Gaul. Habang ang malawak na
impormasyong di masyadong nakuha. pagkakaiba ay naghiwalay sa mga lungsod
at punong - lungsod, sa loob ng nakalipas na
Gagabayan ng guro ang bawat pangkat at 200 taon na digmaan – ang Digmaang
handang magbigay ng karagdagang kaalaman FrancoPrussian, Unang Digmaang
sa mga itinanong ng mga mag-aaral sa di Pandaigdig at Ikalawang Digmaang
masyadong naintindihan. Pandaigdig – nagkaroon ng magkaisang
lakas. Mga Wika sa France French ang
pangunahing wika ng 65.4 milyong
mamamayan, subalit may iba pang wika ang
mga rehiyon. Ang French, ang wikang
opisyal ng France ay ang unang wika ng
88% ng populasyon samantalang ito naman
ang ikalawang wika ng mga tao rito na
hindi French ang mother tongue o unang
wika. Tinatayang 3% ng populasyon ay
nagsasalita ng wikang German,
nangingibabaw ito sa mga probinsiya sa
silangan, at may maliit na pangkat na
nagsasalita ng Flemish sa Hilagang-

90
Silangan. Arabic ang ikatlong
pinakamalaking wikang ginagamit. Italian
naman ang ikalawang wika ng mga nakatira
sa hangganan ng Italy, at Basque na
ginagamit ng mga nakatira sa French-
Spanish Border.
Ang iba pang wika ay Catalan, Breton (the
Celtic language), Occitan dialects, at mga
wika mula sa dating kolonya ng France tulad
ng Kabyle at Antillean Creole

Pangkat II:

Relihiyon ng France Katoliko ang


pangunahing relihiyon ng France –
tinatayang 80% ay nagsasabing sila ay
Katoliko. Ang iba pang pangunahing
relihiyon ay Islam, (karaniwang relihiyon ng
mga dayuhan mula sa hilagang Africa),
Protestante, at Judaism. Pagpapahalaga ng
mga taga-France Malaki ang pagpapahalaga
ng mga taga-France sa kanilang bansa at
pamahalaan at karaniwang nagagalit kapag
nakaririnig ng negatibong komento tungkol
sa kanilang bansa. Ang pag-uugali nilang ito
ay karaniwang itinuturing ng mga turista
lalo na ng mga Amerikano na kawalang-
galang. Ang ekspresiyong “chauvinism” ay
nagmula sa France. Bagaman ang
kababaihan ay gumaganap ng mahahalagang
papel sa pamilya at negosyo, marami pa rin
ang naniniwalang ang France ay male-
dominated culture. Niyayakap ng mga taga-
France ang estilo at sopistikasyon at
ipinagmamalaki nila ang katotohanang kahit
sa mga pampublikong lugar ay mala-
maharlika sila. Ang mga taga-France ay
naniniwala sa “egalite” na
nangangahulugang pagkakapantay-pantay, at
ito’y bahagi ng motto ng kanilang bansa:
“Liberte, Egalite, Fraternite.” Marami ang
nagsasabi na mas pinahahalagahan nila ang
pagkakapantaypantay kaysa kalayaan at
pagkakapatiran, ang dalawang huling salita
sa kanilang motto.

Pangkat III;

Lutuin Ang pagkain at alak ay sentro ng

91
buhay sa lahat ng antas ng lipunan, at
maraming mga pagtitipon ang nagaganap sa
isang marangyang hapunan. Palaging may
tinapay sa bawat oras ng pagkain, at
karaniwan nang makakita ng mahaba, crusty
baguettes na iniuuwi sa bahay. Ang keso ay
mahalaga ring sangkap ng bawat pagkaing
French. Bagaman marami na ang
pagbabago sa estilo ng pagluluto, marami
pa rin ang nag-uugnay sa kanilang lutuin sa
malapot na sarsa at komplikadong
paghahanda. Ang ilan sa matataas na uri ng
pagkain nila ay boeuf bourguignon –
nilagang baka na kinulob sa red wine, beef
broth at nilagyan ng bawang, sibuyas at
kabute – at coq au vin, ulam na may manok,
alak na Burgundy, Jardons (maliliit na hiwa
ng taba ng baboy), button mushrooms,
sibuyas at maaari ring lagyan ng bawang.
Pananamit Ang Paris ay kilala sa matataas
na uri ng fashion houses; ang mga taga-
France ay kilala sa hindi matatawarang
mariringal na pananamit. Karamihan sa
kanila ay sopistikado kung manamit, disente
at sunod sa uso (professional and
fashionable style), ngunit hindi sobra sa
dekorasyon (overly fussy). Ang karaniwang
damit nila ay mahahabang amerikana, terno,
mga bandana (scarves) at berets o bilog at
malalambot na sombrero.

Pangkat IV:

Sining Ang sining ay nasa lahat ng sulok ng


France – lalo na sa Paris at iba pang
pangunahing lungsod – at ang
impluwensiyang Gothic, Romanesque
Rococo at Neoclassic ay makikita sa
maraming simbahan at iba pang
pampublikong gusali. Marami sa mga
kilalang artist ng kasaysayan, kabilang ang
Espanyol na si Pablo Picasso at Dutch-born
Vincent van Gogh ay naghanap ng
inspirasyon sa Paris, at sila rin ang
nagpasimuno ng impressionism movement.
Ang Louvre Museum sa Paris ay ilan sa
pinakamalalaking museum at ang tahanan ng
maraming kilalang gawa ng sining, kasama
na ang Mona Lisa at Venus de Milo. Mga
Piyesta at Pagdiriwang Ipinagdiriwang ng

92
mga taga-France ang mga tradisyunal na
piyesta ng mga Kristiyano tulad ng Pasko at
Mahal na Araw. Inaalaala din nila ang May
Day, kilala rin bilang Araw ng mga
Manggagawa tuwing Mayo 1 at Araw ng
Tagumpay sa Europa kapag Mayo 8 bilang
pag-alaala sa pagtatapos ng pakikipaglaban
sa Europa noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Ang Araw ng Bastille ay
ipinagdiriwang tuwing Hulyo 14, ang araw
kung kailan ang fortress ng Paris ay binagyo
ng mga rebolosyunista upang masimulan na
ang Rebolusyon sa France.

e. Pagpapalalim :(Elaborate)

“Mahusay mga mag-aaral”!

“ Dapat lang ninyong malaman na ito ay


bahagi ng kanilang kultura. Maaaring ito ay
hawig sa kultura ng ibang bansa o sa ating
sariling kultura o maaaring tanging sa
kanilang bansa lamang.

“ Maaaring paningin natin ay hindi maganda


subalit sa kanila,ito ay tama sapagkat ito ang
kanilang kinagisnan.”
“Handa po kaming umunawa at magrespeto
“ Naunawaan ba ninyo at handa ba kayong sa kanilang kultura at tradisyon titser”
magrespeto sa kanilang kultura at tradisyon”?

C.-PAGKATAPOS NG TALAKAYAN:

f. Pagtatataya: ( Evaluate)
 Pagsagot ng mga mag-aaral.
“Kumuha ng isang kalahating papel at sa
pamamagitan ng Venn Diagram, isulat ang
pagkakatulad ng kultura at tradisyon ng

93
bansang France sa ating bansa.”

g.Pagpapalawig: (Extend)

1. Alamin ang kahulugan ng kuwento ng


tauhan.

2. Basahin ang kuwentong “Ang Kuwintas”

IV-REPLEKSYON:
Pagninilay sa iyong mga istratehiya ng pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-
aaral sa bawat linggo. Paano mo ito naisakatuparan? Ano pang tulong ang maari mong gawin
upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maari mong itanong/Ilahad sa iyong superbisor sa
anumang tulong na maari nilang maibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng mga-aaral na nakakuha ng 80% ____
B. Bilang ng mag-aaral na nabigyan ng karagdagang gawain bilang remedyal.
C. Naging makabuluhan baa ng ginawang remedial?
D. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha o nakaintindi sa aralin
E. Bilang ng mga mag-aaral na kailangan pang magpatuloy sa ginawang remedyal.
F. Alin sa mga istratehiyang ginamit ang mabisa? Bakit naging mabisa ito?
G. Ano-anong mga balakid ang naranasan at nabigyan ng solusyun sa tulong ng punongguro
at superbisor?
H.Ano-ano ang mga inobasyon/pagbabago o mga kagamitang panlokal ang ginamit na nais
Ibahagi sa iba pang mga guro?

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO-10


Claudia E. Ajan
Valencia National High School

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:

94
PANITIKAN: Ang Kuwintas (Maikling Kuwento Mula sa France) ni Guy de
Maupassant (Isinalin sa Filipino ni Mariano C. Pascual)
GRAMATIKA at RETORIKA: Panghalip Bilang Panuring sa mga Tauhan
.
PRODUKTO AT PAGGANAP:
Pagsasalaysay ng isinulat na iskrip ng isang programang pantelebisyon sa
pamamagitan ng Story Board.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
1. F10PT-If-g-66 ,Paglinang ng Talasalitaan
2. F10PB-If-g-67- Pag-unawa sa binasa

MARKAHAN: Unang markahan LINGGO: Ika-apat ARAW: Ikalawang araw_

I- MGA LAYUNIN:

Pagkatapos ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nabibigyang kahulugan ang mga mahihirap na salita o ekspresyonng ginamit sa akda


batay sa konteksto ng pangungusap.
b. Naihahambing ang ugali ng mga pangunahing tauhan sa kuwento gamit ang
character mapping.
c. Nagagamit sa pagbuo ng pangungusap ang mga salitang binigyan ng kahulugan.

II- NILALAMAN:

a. Paksa: Aralin 1.4, Panitikan: Ang Kuwintas (Maikling Kuwento ng France)


ni Guy de Maupassant (Isinalin sa Filipino ni Mariano C. Pascual)
b. Integrasyon: - Edukasyon sa Pagpapakatao (EP).Pagpapahalaga sa katauhan at
ugali ng mga pangunahing tauhan sa kuwento.

c. Estratehiya:Malayang Talakayan,Character Mapping,Krusigram


d. Kagamitan: Laptop, video clip, Modyul ng Mag-aaral

e. Sanggunian: - Modyul ng Mag-aaral, pahina 57-65 at Gabay ng Guro pahina 22-23,


internet: https://www.slideshare.net/nhyrelle/ang-kuwintas-ni-guy-de-maupassant

III- PAMAMARAAN:

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. -BAGO ANG TALAKAYAN


1. Pagpupuri sa Panginoon  Pakikinig sa Papuri.
2. Pagtsetsek kung sino ang lumiban
 Pagtsek kung sino ang lumiban sa
95
3. Paghahanda at pagsasaayos ng silid kaklase
aralan
 Pagsasaayos at paghahanda sa loob ng
a. Pagtatamo:(Elicit) silid aralan.
Pahapyaw na balikan ang nakaraang
aralin.Magbigay ang guro ng ibang  Hayaan ang mga mag-aaral na sumagot
sa tanong.
katanungan tungkol sa nakaraang aralin.  Magbigay ng puntos sa mga mag-aaral
Sabihin ng guro: na nakasagot sa katanungan.
“Upang madagdagan ang inyong kaalaman sa
kultura at tradisyon ng bansang France,
ipagpatuloy natin sa araw na ito ang pagtuklas
sa mga kaalaman ng bansang ito.
“Handa na ba kayo?”
 Sagot ng mga mag-aaral.
b. Pakikipag-ugnayan ( Engage)
Ipasagot ang Gawain 2
GAWAIN 2: Ilarawan Mo
‘Para sa iyo, ano-ano ang katangian ng isang
huwarang babae o lalaki?”
Magbigay ng tatlong katangian at isulat sa
loob ng hugis puso.
Magtawag ang guro ng tatlong lalaki at
tatlong babae na susulat sa mga puso.  Tatayo ang mga napiling kalalakihan at
. https://www.slideshare.net/nhyrelle/ang-kuwintas-ni-guy- kababaihan at hayaang isulat sa mga
de-maupassant
hugis pusong papel ang tatlong
“ Maari bang ibahagi ninyo ang mga dahilan
katangian ng isang huwarang babae para
kung bakit ang mga katangiang ito ang sa sa mga kalalakihan at huwarang lalaki sa
palagay ninyo ay nararapat para sa isang mga kababaihan

 Ibabahagi ng mga mag-aaral ang


kanilang mga dahilan kung bakit ang
napili nilang mga katangian ay
naglalarawan sa isang huwarang babae at
huwarang babae at lalaki?” lalaki

“ Iba iba man ang pamantayan sa pagpipili


ninyo ng mga huwarang lalaki o babae, ang
mahalaga ay siya ang inyong napili at

96
mahalaga siya sa inyo, subalit di maiwasan na
kung minsan ay nagkakamali kayo sa pagpili
na syang magiging dahilan ng pagsisisi sa
bandang huli.”

B. –PANAHON NG TALAKAYAN

c. Paggalugad (Explore)
 Tumawag ng mag-aaral na magbabasa
“ Sa araw na ito ay babasahin ninyo ang isang ng presentasyon.
uri ng kuwento, ang kuwento ng
tauhan,subalit alamin muna natin ang
katangian ng uri ng kuwentong ito na
matatagpuan sa kahon ng Alam mo ba na.”

Alam mo ba na...
Ang kuwento ng tauhan ay isang uri ng
kuwentong ang higit na binibigyang-halaga o
diin ay kilos o galaw, ang pagsasalita at
pangungusap at kaisipan ng isang tauhan?

Naglalarawan ito ng iisang kakintalan sa


taong inilalarawan o pinapaksa.
Kumakatawan siya sa kabuuan ng kuwento sa
pamamagitan ng ano mang nangingibabaw na
ideya o ng mga kabuluhan sa kuwento.

Nangingibabaw dito ang isang masusing pag-


aaral at paglalarawan sa tunay na pagkatao ng
tauhan sa katha.

Maraming paraan ang ginagamit ng may-


akda sa paglalarawan ng buong pagkatao ng
tauhan. Nasasalig ito sa kaniyang panloob na
anyo – ang isipan, mithiin, damdamin, at
gayon din sa kaniyang panlabas na anyo –
pagkilos at pananalita.

Nakatutulong din sa pagpapalitan ng


katauhan ang mga pag-uusap ng ibang tauhan
sa kuwento tungkol sa kaniya.

Ngunit sa pamamagitan na rin ng tauhan


nagkakaroon ng pinakamabisang
paglalarawan ng katauhan at maipakikita ito
sa kaniyang reaksiyon o saloobin sa isang
tiyak na pangyayari.

97
Palalimin pa ang pagtalakay sa mga
katangian ng isang kuwento ng tauhan sa
pamamagitan ng paghahambing nito sa iba
pang uri ng kuwento.

“Babasahin natin ngayon at pag-aaralan ang


maikling kuwento ng France upang sa gayo’y
maunawaan mo kung masasalamin sa
katauhan ng mga tauhan ang pag-uugali ng
mga taong pinanggalingan ng akda.”
Ang Kuwintas
Ipabasa ng dugtungan ang kuwento sa Ni Guy Maupassant
ilang piling mag-aaral. Gawin itong isang Modyul ng Mag-aaral pahina 58-64
masining na pagkukwento.
- Mula sa Hiyas ng Wika nina Dominguez et. al. 1990. Abiva Publishing

Ipakuha sa mga mag-aaral ang kanilang


mga aklat at maghanda ng mga patakaran
para sa mga dapat at di dapat gawin sa
dugtungang pagbasa.

d. Pagpapaliwanag: (Explain)

“ Bigyan natin ng kahulugan ng mga


mahihirap na salitang ginamit sa kuwento at
gamitin ninyo sa pangungusap.”

Ipagawa ang Gawain 4


Paglinang ng Talasalitaan
Basahin at unawain ang pangungusap sa  Sagutin ng mga mag-aaral ang
bawat bilang at ibigay ang kahulugan ng mga talasalitaan..
salitang initiman batay sa pagkakagamit nito
sa pangungusap.

1. Sinubok niyang isuot ang hiyas sa harap ng


salamin, nagbabantulot siya at hindi
mapagpasyahan kung ang mga iyon ay
isasauli o hindi.
2. May taglay siyang alindog na hindi 1. nagbantulot
nababagay sa kasalukuyan niyang kalagayan
kaya’t ipinaghihinagpis niya ang karukhaan
ng kaniyang lumang tahanan. 2. alindog
3. Malimit na sa pagmamasid niya sa babaeng
Briton na siyang gumaganap ng ilang abang
pangangailangan niya sa buhay ay
nakadarama siya ng panghihinayang at 3. lumbay
napuputos ng lumbay ang kaniyang puso
kapag naiisip ang mga pangarap niya sa buhay
na hindi yata magkakaroon ng katuparan.
4. “O, kahabag-habag kong Matilde! Ang

98
ipinahiram kong kuwintas sa iyo ay imitasyon
lamang, puwit lamang ng baso.
5. Naglalaro sa kaniyang balintataw ang 4. kahabag-habag
anyo ng tahimik na tanggapang nasasabitan ng
mamahaling kurtina, pinaliliwanag ng
matatangkad na kandilerong bronse at may Balintataw
nagtatanod na dalawang naglalakihang bantay
na dahil sa init ng pugon ay nakatulog na sa
dalawang malaking silyon.
6. Kung kani-kanino siya nanghiram,
lumagda sa mga kasulatan, pinasok kahit na
ang mga gipit na kasunduan, kumuha ng mga
patubuan at pumatol sa lahat ng uri ng Manghuhuthot
manghuhuthot.
7. Sa harap ng gayong nakagigimbal na
pangyayari, si Matilde ay maghapong
naghihintay na sapupo ng di-matingkalang
pangamba. Sapupo

8. Labis ang pagmimithi niyang masiyahan


siya, maging kahali-halina, kaibigibig, maging
tampulan ng papuri at pangimbuluhan ng
ibang babae. Pangimbuluhan
9. Nagulumihanang napahinto ang lalaki
nang makita niyang umiiyak ang asawa.

Iproseso ang sagot ng mga mag-aaral Nagulumihanan


upang lalong mapalalim ang kanilang
pagkaunawa sa kuwento at lubusang
makilala ang pangunahing tauhan.

e. Pagpapalalim :(Elaborate)

Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlong


pangkat.Ipasagot ang mga tanong sa pag-
unawa (Gawain 5, Unawain Mo)Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
Isang papel sa bawat pangkat na
pagtutulung tulungan nilang sagutin. Pangkatang Gawain

GAWAIN 5: Unawain Mo
Sa iyong sagutang papel, sagutin ang
sumusunod na tanong.
1. Bakit hindi masaya si Matilde sa piling ng
kaniyang asawa?
2. Ano ang ginawa ni G. Loisel upang
mapapayag ang asawa na dumalo sa
kasayahang idaraos ng kagawaran?
3. Ano-ano ang nais mangyari ni Mathilde sa Pangkat 1-Sasagot sa bilang 1 at 2
kaniyang buhay? Natupad ba ang mga ito?

99
4. Kung ikaw si Mathilde, ano ang gagawin Pangkat 2- Sasagot sa bilang 3 at 4
mo upang matupad ang mga pangarap mo sa
buhay? Pangkat 3 – Sasagot sa bilang 5 at 6
5. Sa kasalukuyang panahon, sa iyong paligid
ba ay may mga Matilde kang nakikita?
Ilarawan.
6. Anong pag-uugali ng mga pangunahing
tauhan ang masasabi mong tatak ng kanilang
kultura? May pagkakatulad ba o pagkakaiba
ito sa ating kultura? Patunayan.

Kolektahin ang papel. Pagpalitin ang


papel upang ang papel ng Pangkat 1 ay
mapunta sa Pangkat 3, ang papel ng
Pangkat 2 ay sa Pangkat 1 at ang papel ng
Pangkat 3 ay sa Pangkat 2.

Pag-usapan ang sagot sa bawat tanong.


Magbibigay ang guro ng karagdagang
impormasyonkung kinakailangan upang
lalong maunawan ng mga mag-aaral ang
kuwento.

Mahalagang mabigyang diin ang mga


katangian at pag-uugali ng bawat tauhan.

Bagaman walang maling sagot, kailangang


pagpasyahan pa rin kung alin ang
pinakatamang sagot.
Pagbabahagi ng mga kasagutan
C.-PAGKATAPOS NG TALAKAYAN:

f. Pagtatataya: ( Evaluate)

“Upang mas lalo ninyong makilala ang mga


pangunahing tauhan sa kuwento tulad nina
Matilde, G. Loisel at Madam Forester,
panoorin ninyo ang video clip na nakapokus
sa katangian ng bawat tauhan..”
https://www.youtube.comang+kwintas+VIDEO+CLIPS

Ipagawa ang Gawain 6,Kilalanin Mo.


Magkaroon ng pahapyaw na pagtalakay kung
paano ginagawa ang Character Map

Sa isang Manila paper, Isusulat ng mga mag-


aaral ang Character Map. Tutukuyin nila ang Panonood ng Video Clip
tatlong mahalagang tauhan sa kuwento, si
Mathilde, G. Loisel at Madame Forestier.
Ipakilala nila ang bawat isa batay sa kanilang

100
anyo o katangiang pisikal kung paanong sila
ay inilalarawan sa akda, ang kanilang gawi o
aksiyon at ang naging reaksiyon ng ibang
tauhan sa kanilang gawi o aksiyon.

GAWAIN 6: Kilalanin Mo

Ipakilala ang mga pangunahing tauhan sa


kuwento sa pamamagitan ng kasunod na
Character Map. Ihambing sila sa ilang
kakilala na may pagkakatulad ang ugali.
Ilahad ito sa klase.

Tauhan Katangiang Gawi/ Reaksiyon


Pisikal Aksiyon ng Ibang
Tauhan
1

g.Pagpapalawig: (Extend)

“ Kung di pa ninyo natapos ang inyong


gawain, ipagpatuloy ninyo ito bilang takdang
aralin at maghanda para sa pagbabahagi
bukas”

2. ‘ Kung may mga kakilala kayo na sa inyong


obserbasyon ay katulad o di naman kaya ay
may pagkakahawig kay Mathilde, G. Loisel at
Madame Forestier ay ibahagi din ninyo
bukas.”

IV-REPLEKSYON:
Pagninilay sa iyong mga istratehiya ng pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-
aaral sa bawat linggo. Paano mo ito naisakatuparan? Ano pang tulong ang maari mong gawin
upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maari mong itanong/Ilahad sa iyong superbisor sa
anumang tulong na maari nilang maibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng mga-aaral na nakakuha ng 80% ____
B. Bilang ng mag-aaral na nabigyan ng karagdagang gawain bilang remedyal.
C. Naging makabuluhan baa ng ginawang remedial?
D. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha o nakaintindi sa aralin
E. Bilang ng mga mag-aaral na kailangan pang magpatuloy sa ginawang remedyal.

101
F. Alin sa mga istratehiyang ginamit ang mabisa? Bakit naging mabisa ito?
G. Ano-anong mga balakid ang naranasan at nabigyan ng solusyun sa tulong ng punongguro
at superbisor?
H.Ano-ano ang mga inobasyon/pagbabago o mga kagamitang panlokal ang ginamit na nais
Ibahagi sa iba pang mga guro?

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO-10


Claudia E. Ajan
Valencia National High School

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:

PANITIKAN: Ang Kuwintas (Maikling Kuwento Mula sa France) ni Guy de


Maupassant (Isinalin sa Filipino ni Mariano C. Pascual)
GRAMATIKA at RETORIKA: Panghalip Bilang Panuring sa mga Tauhan
.

102
PRODUKTO AT PAGGANAP:
Pagsasalaysay ng isinulat na iskrip ng isang programang pantelebisyon sa
pamamagitan ng Story Board.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

1. F10PB-If-g-67- Pag-unawa sa binasa


2. F10PS-If-g-68- Pagsasalita

MARKAHAN: Unang Markahan LINGGO: Ika-apat ARAW: Ikatlong Araw_

I- MGA LAYUNIN:

Pagkatapos ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahang:

a.Nakikibahagi sa round table discussion kaugnay ng mga isyung


pandaigdig.
b. Napatutunayang ang mga pangyayari sa maikling kuwento ay maaaring
mangyayari sa totoong buhay..
II- NILALAMAN:

a. Paksa: Aralin 1.4, Panitikan: Ang Kuwintas (Maikling Kuwento ng France)


ni Guy de Maupassant (Isinalin sa Filipino ni Mariano C. Pascual)
b. Integrasyon: - Araling Panlipunan (AP).Pagtatalakay sa mga isyung
panlipunan na may inilalahad sa kuwento.

c. Estratehiya:Round table discussion,Character Profile


d. Kagamitan: Laptop, larawaan, Modyul ng Mag-aaral

e. Sanggunian: - Modyul ng Mag-aaral, pahina 66-71 at Gabay ng Guro pahina 23-24,


internet: https://www.slideshare.net/FayeAguirre1/ang-kwintas-filipino-10-module-

III- PAMAMARAAN:

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. -BAGO ANG TALAKAYAN


1. Panalangin  Panalangin.
2. Pagtsetsek ng atendans
 Pagtsek ng atendans
3. Paghahanda
a. Pagtatamo:(Elicit)  Paghahanda para sa aralin

Sabihin ng guro:

103
“Kahapon ay pinag-usapan natin ang tungkol
sa kwentong kwintas at meron akong ibinigay
na gawain na hindi pa ninyo naibahagi, handa
na ba kayong ibahagi ito ngayon?

Ipoproseso ng guro ang gagawing


 Ilalahad ng ilang mag-aaral na nais
paglalahad ng mga mag-aaral upang mabahagi sa klase ang ginawang
lumabas ang pagpapahalaga sa simpleng paghahambing sa mahahalagang tauhan
sa kuwento at sa kanilang mga kakilala
pamumuhay at pagpupunyagi upang
na may kapareho ng ugali.
matupad ang mga minimithi sa buhay.
Tauhan Katangia Gawi/ Reaksyon ng
ng Pisikal Aksiyon ibang tauhan
b. Pakikipag-ugnayan ( Engage)
“Mula pa rin sa inyong binuong pangkat ay
patunayan ninyo kung ang mga naganap sa
kuwento ba ay nangyayari din sa tunay na
buhay. Gagawin ninyo ang Gawain 7 sa
pamamagitan ng round table discussion.”
Narito ang paraan kung paano ninyo gagawin
ang round table discussion:
Mula sa limang pangkat na binuo ninyo,
pumili kayo ng isang isyu sa Gawain 7 na
inyong tatalakayin.
Pumili ng moderator na siyang magsabi sa
isyu o paksang tatalakayin. Pagkatapos ng
inyong talakayan pipili din kayo mula sa
inyong grupo ng isang taga-ulat sa inyong
pangkat na syang mag-ulat sa ginawa ninyong
talakayan. Kailangan hindi magkapareho ang
isyung inyong napili.
B. –PANAHON NG TALAKAYAN

c. Paggalugad (Explore)

Ipagawa ang Gawain 7.Patunayan Mo


GAWAIN 7: Patunayan Mo

104
1. Labis ang pagdurusa at paghihinagpis ni
Mathilde dahil sa may paniniwala siyang
isinilang siya sa daigdig upang magtamasa ng
lubos na kaligayahan sa buhay na magdudulot
ng salapi. May taglay siyang alindog na hindi
nababagay sa kasalukuyan niyang kalagayan
kaya’t ipinaghihinagpis niya ang karukhaan
ng kaniyang lumang tahanan.
2. Pinagsikapan ni G. Loisel na makakuha ng
paanyaya para sa kasayahan ng Ministro ng
Instruksyon Publiko upang siya at ang
kaniyang asawang si Mathilde ay makadalo.
Subalit sa halip na ikatuwa ito ni Mathilde na  Pagpaplano sa paggawa sa round table
katulad ng kaniyang inaasahan, inihagis niya discussion.
ang sobre sa ibabaw ng mesa at sinabing  Pagpipili ng isyung tatalakayin ng
pangkat.
ibigay na lamang ito sa mga kasama nito na
 Pagsagawa ng round table discussion.
ang mga asawa ay may nakahandang damit na
maisusuot sa kasiyahan.
3. Upang makadalo sa kasayahan, ibinigay ni
G. Loisel ang naiipon niyang apat na raang
prangko na pambili sana niya ng baril upang
ibili ni Matilde ng bestido.
4. Malapit na ang araw ng sayawan.
Nakahanda na ang bagong bestido ni Matilde
subalit malungkot pa rin siya. Nais niya ng
isang hiyas na maisusuot upang hindi siya
magmukhang kahiya-hiya sa mayayamang
babae sa kasayahan kaya’t iminungkahi ni G.
Loisel na humiram siya ng ilang hiyas sa
mayamang kaibigan nito na si Madame
Forestier.
5. Nawala ang kuwintas na hiniram ni Matilde
kay Madame Forestier. Nang makakita ng
katulad nito’y nanlumo sila sapagkat ito’y
105
nagkakahalaga ng apatnapung libong prangko
subalit maaaring ibigay sa kanila ng
tatlumpu’t anim na libo. Upang ito’y mabili,
ginamit ni M. Loisel ang namanang
labingwalong libong prangko, nangutang at
lumagda sa mga kasulatan.
6. Sampung taong naghirap ang mag-asawa sa
pagbabayad ng kanilang mga utang. Dito’y
naranasan ni Matilde ang lahat ng hirap sa
pagharap sa mga gawaing-bahay. Subalit
napagtanto niya na tunay na ang buhay ay
kakatwa at mahiwaga! Sukat ang isang maliit
na bagay upang tayo’y mapahamak o
mapabuti.
d. Pagpapaliwanag: (Explain

Iproseso ng guro ang ginawang talakayan


ng bawat pangkat sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mga katanungan bilang
pagtiyak na ang mga pangyayari sa
kuwento ay nangyari sa totoong buhay.

Itanong ang mga sumusunod bilang gabay


ng kanilang talakayan:

1. May mga babae ba talaga na katulad ni


Mathilde kung saan nanghihinayang sa
kanilang angking kagandahan
lalo na kung ito’y mapunta lamang sa hindi
magandang kalagayan? Patunayan.

2-3. Sa panahon ngayon, meron pa bang


katulad ni G. Loisel na handang umintindi
at magsakripisyo alang alang sa
kaligayahan ng isang babae? Patunayan.

4. May mga katulad pa ba ni Mathilde na


hindi kuntento sa kung anong meron lang
siya,pagpapanggap na siya ay mayaman at
pagpapakitang tao na hindi siya naghihirap?
Patunayan.

5. Meron bang sitwasyon na nangyari katulad

106
sa nangyari sa mag-asawang Loisel na dahil
sa pagkakamali ay mas lalong naghirap at
naghikahos, bumangon muli upang harapin
at pagbayaran ang ginawang kasalanan?
Patunayan
6. May nangyari na ba sa totoong buhay na
dahil sa kahirapan at,pagsisikap ay natuto na
sa buhay? Patunayan

e. Pagpapalalim :(Elaborate)
 Pag-uulat ng taga-ulat sa isyung
Ngayong napatunayan na ninyo na may mga
tinalakay.
pangyayari sa kuwento na totoong nangyari sa
totoong buhay
ihambing naman ninyo ang kultura ng France
sa ating kultura sa larangan ng pagpapahalaga
sa mga kababaihan, pagkain at pananamit
Sagutin ang gawain 8

GAWAIN 8: Kultura: Paghambingin


Malinaw bang nailarawan sa pamamagitan ng
mga pangunahing tauhan sa kuwento ang
kultura ng France sa larangan ng
pagpapahalaga sa kababaihan, pagkain, at
pananamit?
May pagkakatulad ba ito sa kultura nating
mga Pilipino? Patunayan.

Iproseso ang sagot ng mga mag-aaral upang


mapatunayanna masasalamin sa katauhan ng
mga tauhan ang pag-uugali at kultura ng mga
tao sa bansang pinagmulan nito.

C.-PAGKATAPOS NG TALAKAYAN:

f. Pagtatataya: ( Evaluate)

Kumuha ng isang kalahating papel at piliin


ang tamang ksagutan mula sa mga pagpipilia-
an.

1.May taglay siyang alindog na hindi


nababagay sa kasalukuyan niyang kalagayan
kaya’t ipinaghihinagpis niya ang karukhaan
ng kaniyang lumang tahanan. Ang salitang
may salungguhit ay nangangahulugang;
a. kakinisan
c. kagandahan
b. kayamanan

107
d. pinag-aralan

Labis ang pagdurusa at paghihinagpis ni


Mathilde dahil sa may paniniwala siyang
isinilang siya sa daigdig upang magtamasa ng
lubos na kaligayahan sa buhay na maidudulot
ng salapi. May taglay siyang alindog na hindi
nababagay sa kasalukuyan niyang kalagayan.
Ipinaghihinagpis niya ang karukhaan ng
kaniyang lumang tahanan, ang nakaaawang
anyo ng mga dingding, ang mga kortinang sa
paningin niya ay napakapangit.

2. Kung ikaw si Mathilde, ano ang dapat


mong gawin upang matupad ang iyong mga
pangarap sa buhay?
a. Hihiwalayan ko ang aking asawa at
maghahanap ng lalaking maaaring
makapagbigay sa akin ng masaganang buhay.
b. Titiisin ko na lamang ang kahirapang ito at
makokontento na sa kung ano ang kayang
ibigay sa akin ng aking asawa.
c. Maghahanap ako ng trabaho upang
matulungan ang aking asawa na gumaan ang
aming buhay.
d. Ipamumukha ko sa aking asawa na hindi
ako masaya sa uri ng buhay na kaya niyang
ibigay upang lalo siyang magsumikap.

3. Anong panghalip ang angkop sa patlang ng


pangungusap na kasunod?
______ Isa sa magaganda’t mapanghalinang
babae na sa pagkakamali ng tadhana ay
isinilang sa angkan ng mga tagasulat.
a. Siya’y c. Ako’y b. Ika’y d. Kami’y

4.Malimit na sa pagmamasid ___ sa babaeng


katulong na gumaganap ng ilang
pangangailangan niya sa buhay ay
nakadarama si Matilde ng panghihinayang at
napuputos ng lumbay ang kaniyang puso.
Anong panghalip ang angkop sa patlang ng
pangungusap?
a. niya c. nito b. nila d. sila

5.Aling pangyayari o bahagi sa nobela ang


hindi angkop na ilapat ang teoryang
humanismo?
a. Ang kaniyang buhay ay umikot lang sa
pagiging asawa at ina.

108
b. Ang pagnanais ng pagbabago para sa
kalayaan ng bansa.
c. Ang pagsisikap sa hanapbuhay upang
makamtan ang kaginhawahan.
d. Ang pakikialam ng mamamayan sa
katiwaliang naganap sa pamahalaan.

g.Pagpapalawig: (Extend)

Magsaliksik tungkol sa anapora at katapora.

IV-REPLEKSYON:
Pagninilay sa iyong mga istratehiya ng pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-
aaral sa bawat linggo. Paano mo ito naisakatuparan? Ano pang tulong ang maari mong gawin
upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maari mong itanong/Ilahad sa iyong superbisor sa
anumang tulong na maari nilang maibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng mga-aaral na nakakuha ng 80% ____
B. Bilang ng mag-aaral na nabigyan ng karagdagang gawain bilang remedyal.
C. Naging makabuluhan baa ng ginawang remedial?
D. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha o nakaintindi sa aralin
E. Bilang ng mga mag-aaral na kailangan pang magpatuloy sa ginawang remedyal.
F. Alin sa mga istratehiyang ginamit ang mabisa? Bakit naging mabisa ito?
G. Ano-anong mga balakid ang naranasan at nabigyan ng solusyun sa tulong ng punongguro
at superbisor?
H.Ano-ano ang mga inobasyon/pagbabago o mga kagamitang panlokal ang ginamit na nais
Ibahagi sa iba pang mga guro?

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO-10


Claudia E. Ajan
Valencia National High School

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:

PANITIKAN: Ang Kuwintas (Maikling Kuwento Mula sa France) ni Guy de


Maupassant (Isinalin sa Filipino ni Mariano C. Pascual)
GRAMATIKA at RETORIKA: Panghalip Bilang Panuring sa mga Tauhan
.
PRODUKTO AT PAGGANAP:
Pagsasalaysay ng isinulat na iskrip ng isang programang pantelebisyon sa
pamamagitan ng Story Board.

109
KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

1. F10PU-If-g-68- Pagsulat
2. F10WG-If-g-61- Wika at Gramatika

MARKAHAN: Unang Markahan LINGGO: Ika-apat ARAW: Ikaapat na


Araw_

I- MGA LAYUNIN:

Pagkatapos ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahang:

a.Nagagamit ang angkop na panghalip bilang panuring sa mga tauhan.


b.Nakasusulat at nakapagsalaysay ng sariling wakas sa kuwento sa
pamamagitan ng story board.
c.Napahahalagahan ang simpleng pamumuhay at pamumuhay at
pagpupursige upang maabot ang mga mithiin sa buhay.
II- NILALAMAN:

a. Paksa: Aralin 1.4, Panitikan: Ang Kuwintas (Maikling Kuwento ng France)


ni Guy de Maupassant (Isinalin sa Filipino ni Mariano C. Pascual)
b. Integrasyon: - Edukasyon sa Pagpapakatao (EP).Pagpapahalaga sa pagsisikap at
pagpupunyagi ng isang tao upang maabot ang kanyang mga pangarap.

c. Estratehiya:Malayang talakayan, Paggawa ng story board


d. Kagamitan: Laptop, larawaan, Modyul ng Mag-aaral

e. Sanggunian: - Modyul ng Mag-aaral, pahina 68-72 at Gabay ng Guro pahina 23-24,


internet: https://www.slideshare.net/FayeAguirre1/ang-kwintas-filipino-10-module-

III- PAMAMARAAN:

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. -BAGO ANG TALAKAYAN


1. Panalangin  Panalangin.
2. Pagtsetsek ng atendans
 Pagtsek ng atendans
3. Paghahanda
a. Pagtatamo:(Elicit)  Paghahanda para sa aralin

Sabihin ng guro:
“Balik- aralan ninyo ang mga kaisipang
tinalakay natin kahapon sa pamamagitan ng
110
pagsagot sa ibibigay kong pagsasanay”

Pagsasanay 1:

Basahin ang pangungusap sa bawat bilang.


Sasagutin ng mga mag-aaral ang
Punan ng angkop na panghalip ang mga
pagsasanay.
patlang mula sa ibinigay na mga
pagpipillian sa loob ng panaklong.
1. ___ (Siya’y, Ika’y, kami’y) isa sa
magaganda’t mapanghalinang babae na sa
pagkakamali ng tadhana ay isinilang sa
angkan ng mga tagasulat.
2. Labis ang pagdurusa at paghihinagpis ni
Mathilde dahil sa may paniniwala ___
(akong, kaming, siyang) isinilang siya sa
daigdig upang magtamasa ng lubos na
kaligayahan sa buhay na maidudulot ng
salapi.
3. Malimit na sa pagmamasid ___ (niya, nito,
siya) sa babaeng Briton na gumaganap ng
ilang pangangailangan niya sa buhay ay
nakadarama si Mathilde ng panghihinayang at
napuputos ng lumbay ang kaniyang puso.
4. “Mahal, akala ko’y ikatutuwa ___(nila, ko,
mo) ang pagkakuha ko sa paanyaya.”
5. Sumapit ang inaasam (naming, kong,
niyang) araw ng sayawan. Nagtamo ng
malaking tagumpay si Madame Loisel.

“Marahil ay napansin ninyo ang mga salitang


ginamit bilang panuring sa mga tauhan sa
kuwentong “Ang Kuwintas.” Nakatulong ba
ang mga ito sa malinaw na paglalahad ng mga
pangyayari sa kuwento?”
111
“Tunghayan ninyo ang kasunod na aralin
tungkol dito at pagkaraan ay sagutin ang mga
pagsasanay na kasunod. at higit mo
maunawaan ang paggamit ng panghalip sa
pagbibigay-turing sa tuhan.”

b. Pakikipag-ugnayan ( Engage)

“Alam mo ba na... ang isang babasahin o


teksto ay binubuo ng magkakahiwalay na mga
pangungusap o sugnay?
Ang mga pangungusap o sugnay na ito
bagaman magkakahiwalay ay pinagdugtong o
pinag-uugnay ng mga gamit pang-ugnay o
kohesyong gramatikal.
Ginagamit na pang-ugnay na ito ay referents
o reperensiya na kung tawagin ay anapora at
katapora.”

“Ang anapora ay mga reperensiya na


kalimitan ay panghalip na tumutukoy sa mga
nabanggit na sa unahan ng teksto o
pangungusap samantalang ang katapora
naman ay mga reperensiya na bumabanggit,
at tumutukoy sa mga bagay na nasa hulihan pa
ng teksto o pangungusap.

B. –PANAHON NG TALAKAYAN

c. Paggalugad (Explore)

Tatalakayin ang aralin sa gramatika-


Panghalip bilang Panuri sa mga tauhan

Narito ang mga halimbawa ng anapora.

1. Karamihan sa mga tao ay ikinakabit ang


kulturang Pranses sa Paris. Ito ang sentro ng
moda, pagluluto, sining at arkitektura.  Malayang talakayan ng guro at mag-
2. Ang France ay una nang tinawag na aaral
Rhineland. Noong panahon ng Iron Age at  Pagbibigay ng mga katanungan ng
Roman era, ito ay tinawag na Gaul. Pansinin mga mag-aaral sa mga kaisipang
na sa unang halimbawa, ang pangngalang hindi malinaw at di naintindihan
Paris sa unang pangungusap ay hinalinhan ng

112
panghalip na ito samantalang sa ikalawang
pangungusap ang France ay pinalitan din ng
panghalip na ito.
3. Hindi nakapagtataka ang matinding
pagnanais ni Matilde na magkaroon ng
magarang damit para sa kasayahan. Siya ay
isang babaing Frances na kilala sa
pagkakaroon ng pinakamaiinam na moda sa
pananamit.
4. Marami sa mga kilalang artist ng
kasaysayan, kabilang na ang Espanyol na sina
Picasso at Dutch-born Vincent van Gogh ay
naghanap ng inspirasyon sa Paris, at sila rin
ang nagpasimuno ng impressionism
movement.
“ Suriin ang mga panghalip na siya sa
ikatlong halimbawa at sila sa ikaapat na
halimbawa.
Ang mga panghalip na ito ay ginamit
bilang panuring sa mga ngalan ng tao na
binanggit sa unahan.
Ang mga ito ay mga panghalip na ginamit
bilang panuring sa tauhan.”

Narito ang mga halimbawa ng katapora:

1. Sila ay sopistikado kung manamit. Mahilig


din sila sa masasarap na pagkain at alak. Ang
mga taga-France ay masayahin at mahilig
dumalo sa mga kasayahan
.
2. Labis ang kaniyang pagdurusa at
paghihinagpis dahil sa may paniniwala siyang
isinilang siya sa daigdig upang magtamasa
nang lubos na kaligayahan sa buhay. Taglay
ni Mathilde ang alindog na hindi nababagay
sa kasalukuyang kalagayan sa buhay.

Sa mga halimbawang binanggit ang panghalip


na sila, ay ginamit bilang panuring sa
pangngalang taga-France samantalang ang
panghalip na siyang at siya sa ikalawang
halimbawa ay ginamit namang panuring sa
pangalang Mathilde.

Ipasagot ang pagsasanay 2

Narito pa ang mga pagsasanay:

Pagsasanay 2:

113
Punan ng angkop na panghalip ang mga  Sasagutin ng mga mag-aral
patlang upang mabuo ang diwa ng talata.
Gayahin ang pormat sa kabilang pahina sa
sagutang papel.

Talagang naghahanda na si Dan sa pag-alis


nang sabihin sa 1. ______ ng kaibigang editor
ng 2. ______ ama sa Honolulu na hintayin
muna 3. ______ ang pagtatapos ng klase sa
kolehiyo ng Punahu. “Ako ang nahirang na
magbigay ng pangaral sa mga nagtapos sa
taong ito,” ang sabi niya kay Merton, “at
maibabalita 4. ______ sa 5. ______ ama sa
Hollywood kung gaano kabuting magsermon
sa mga wahini (babae, sa wikang Kanaka) ang
6. ______ kaibigan sa Honolulu.” Pumayag si
Dan Merton. Sa nasabing commencement ng
Punahu School, doon 7. ______ nakilala si
Noemi, isang tunay na Kanaka, subalit
halimbawa ng dalagang may mataas na pinag-
aralan. Hindi 8. ______ malaman kung bakit
ang mga matang buhay na buhay ni Noemi ay
walang iniwan sa dalawang palasong sabay na
tumuhog sa kaniyang puso. Si Noemi ang
naging patnubay ng mga pangaral, palibhasa’y
9. ______ ang pangulo ng kapisanan ng mga
senior sa nasabing kolehiyo. Anong tamis 10.
______ magsalita ng wikang Ingles! Anong
lambing niyang bumigkas ng pangungusap!
“Wala pa 11. ______ naririnig na dalagang
Amerikana na kasintamis niyang magsalita!”
ang sabi pa ni Merton pagkatapos. “Ginoong
Editor,” ang sabi niya sa kaibigan ng 12.
______ ama, “hindi ako uuwi na di kasama si
Noemi.” “Talaga bang totoo ang sinasabi 13.
______?” ang usisa sa 14. ______ ng
matanda. “Paris ng katotohanang ang umaga’y
sumusunod sa gabi.” “Dan!” ang may halong
pangaral na pahayag ng matanda,
“Ang mga Kanaka ay mamamayang
Amerikano lamang, ngunit hindi laking
Amerikano. Kawika lamang 15. ______,
datapwa’t hindi natin sila kalahi.”

Pangngalan/ Panghalip Uri


Referent na inihalili (Anapora/Katapora)

1
2  Sagutin ito ng mga mag-aaral
3
4

114
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15

d. Pagpapaliwanag: (Explain

Sabihin ng guro:

“Nakababagot na mabasa at marinig ang mga


salitang paulit-ulit na ginagamit sa isang
teksto o pahayag.

Maiiwasan ang paulit-ulit na pagbanggit ng


mga ito kung gagamit tayo ng panghalip.

Tandaan na ang mga panghalip ay hindi


lamang ginagamit na panghalili sa
pangngalang binanggit sa unahan ng
pangungusap.
Ito’y maaaring ipalit sa pangngalang nasa
hulihan din ng pangungusap.
Anapora ang tawag dito kapag ito ay pamalit
o pagpapatungkol sa pangngalang ginamit sa
unahan at katapora naman kapag ito ay
pamalit o pagpapatungkol sa pangngalang
ginamit sa hulihan nito.

e. Pagpapalalim :(Elaborate)

Pangkatang Gawain:

Upang mas lalo pa ninyong maintindihan


kung gaano kahalaga ang paggamit ng
panghalip bilang panghalili sa pangalan,
gawin ang sunod na Gawain.

Ilahad ang mga katangian ng isang babaeng


taga-France na makikita sa kuwento sa
pamamagitan ng kasunod na character
mapping.
Sa ibaba nito ay ilahad sa loob ng dalawang

115
talata ang mga pagpapatunay na ang mga
katangiang ito ay karaniwang katangian ng
kababaihan ng France dahil sa ito’y bahagi ng
kanilang kultura.
Alalahanin ang wastong gamit ng mga
panghalip bilang panuring sa tauhan.

https://www.youtube.com/results?
search_query=ang+kwintas+VIDEO+CLIPS  Ipabahagi ng mga mag-aaral ang
kanilang mga Gawain.
Pumili mula sa pangkat kung sino ang
magbahagi nito sa klase.

C.-PAGKATAPOS NG TALAKAYAN:

f. Pagtatataya: ( Evaluate)
Pangkatang gawain
Sabihin ng guro:
“Tayo ay may iba’t ibang opinyon pagdating
sa pagwawakas ng anumang akdang
pampanitikan.
Ilan sa mga Pilipino ay mas gusto ang
masayang wakas. Nais nila’y nagtatagumpay
ang pangunahing tauhan sa pagwawakas ng
kuwento.
Ito ay hindi nangyayari sa lahat ng kuwento,
nobela o pelikula.
May mga kuwento ring ang wakas ay bitin, o
ibinibigay sa mambabasa ang pagbibigay ng
wakas sa kuwento. Kaya naman, kadalasan
gumagawa tayo ng sarili nating wakas.
Ito ay paraan ng dekonstruksiyon.

Sa pagbuo ng sariling wakas ng kuwento,


kailangang naiintindihan ng susulat nang
buong-buo ang sunod-sunod na mga
pangyayari sa kuwento.
Kailangan ding nakikilala niya ang bawat

116
tauhan, ang mga katangian nito na ikinaiiba
niya sa ibang tauhan ng kuwento.

Ngayon ay gagawa kayo ng inyong sariling


wakas mula sa kuwentong ating binasa sa
pamamagitan ng story board.

Ang storyboard ay isang grapikong


representasyon ng mga pangyayari sa
pamamagitan ng mga larawan na inaayos
ayon sa pagkakasunod-sunod sa layuning
buhayin sa isip o diwa ang larawang
gumagalaw, animation at motion graphic.

Nagsimula ang storyboarding sa Walt


Disney Productions sa pagsisimula ng 1930,
pagkaraan ng ilang taon ng katulad na proseso
nang paggamit sa Walt Disney at iba pang
animation studios.

Narito ang isang halimbawa ng story board.

Storyboard, kinuha noong Nobyembre 12, 2014 Mula sa


https://www.google.com.ph/ search?
q=sample+stroyboard&esspv=2&biw=1366&bih =
667&1bm=isch & imgil

117
Narito naman ang pamantayan para sa
gagawin mong storyboard:
Ikaw ay lalahok sa paligsahan na inilunsad ng
Palanca Memorial Awards tungkol sa
pagbabago o pagpapalit ng wakas ng
natatanging maikling kuwento na may
malungkot at nakabiting wakas tulad ng
“Mabangis na Lungsod at Kalupi.”

Ang iyong nabuong wakas ay isasalaysay mo


sa mga hurado sa pamamagitan ng storyboard.
Ang lupon ng hurado ay iyong lubos na
mahihikayat sa pagsasaalang-alang ng
sumusunod na pamantayan:
A. Makabuluhan at naiibang wakas . . . 50%
B. Pagkamalikhain .... 30%
C. Daloy ng Kaisipan . . . . . . 20%
KABUUAN . . . . . . 100

g.Pagpapalawig: (Extend)

“Binabati ko kayo!”
Matagumpay ninyong natapos ang mga
gawain sa modyul na ito.
Kung may mga bahagi ng aralin na hindi pa
rin malinaw sa inyo, maaari ninyo itong
balikan.

Magtanong kayo sa inyong guro upang lalo


ninyo itong maunawaan.
Kung ang lahat ay malinaw na sa inyo, maaari
na kayong magpatuloy sa susunod na aralin.

IV-REPLEKSYON:
Pagninilay sa iyong mga istratehiya ng pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-
aaral sa bawat linggo. Paano mo ito naisakatuparan? Ano pang tulong ang maari mong gawin
upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maari mong itanong/Ilahad sa iyong superbisor sa
anumang tulong na maari nilang maibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng mga-aaral na nakakuha ng 80% ____
B. Bilang ng mag-aaral na nabigyan ng karagdagang gawain bilang remedyal.
C. Naging makabuluhan baa ng ginawang remedial?
D. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha o nakaintindi sa aralin
E. Bilang ng mga mag-aaral na kailangan pang magpatuloy sa ginawang remedyal.
F. Alin sa mga istratehiyang ginamit ang mabisa? Bakit naging mabisa ito?
G. Ano-anong mga balakid ang naranasan at nabigyan ng solusyun sa tulong ng punongguro
at superbisor?
H.Ano-ano ang mga inobasyon/pagbabago o mga kagamitang panlokal ang ginamit na nais
Ibahagi sa iba pang mga guro?
118
MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO-10
Virgie T. Ardaniel
Lurugan National High School

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

PANITIKAN: Ang Kuban ng Notre Dame (Nobela Mula sa France) ni Victor Hugo
(Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo)
GRAMATIKA at RETORIKA: Mga Hudyat sa Pagsusunod-sunod ng Pangyayari

PRODUKTO AT PAGGANAP
Pagbuo ng dalawang minutong movie trailer na nagtatampok sa alinmang bahagi ng
nobela.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
119
1. F10PN-Ig-h-67 - Pag-unawa sa Napakinggan.

MARKAHAN: Unang Markahan LINGGO: Ikalima ARAW: Unang Araw_

I- MGA LAYUNIN

Pagkatapos ng 60 minuto, 80% sa mga mag-aaral ay inaasahang:

a.Naibibigay ang katangian ng isang tauhan batay a napakinggang diyalogo.


b.Natutukoy ang kahulugan, elemento at layunin ng nobela.
c.Nasusuri ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng nobela

II- NILALAMAN

a. Paksa: Aralin 1.5, Panitikan: Ang Kuban ng Notre Dame (Nobela Mula sa
France) ni Victor Hugo (Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo)

b. Integrasyon: - Edukasyonn sa Pagpapakatao (EsP) Pagpapahalaga sa


katangian ng isang tauhan batay sa napakinggang diyalogo.

c. Estratehiya: Malayang Talakayan, Pangkatang Gawain,Pag-uulat

d. Kagamitan: Laptop, PowerPoint,. TV Monitor, manila paper, Pentel pen

e. Sanggunian: - Modyul ng Mag-aaral, pahina 74-85 at Gabay ng Guro pahina 25-29


Internet: : https://www.youtube.com/watch?v=6WyJ--c1Ua0

III- PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. BAGO ANG TALAKAYAN


 Panalangin
1. Panimulang Dasal  Pagtsek kung sino ang lumiban
2. Pagtsetsek ng Atendans na kaklase
 Pagsasaayos at paghahanda sa
3. Paghahanda sa silid aralan
loob ng silid aralan.
a. Pagtatamo (Elicit)
* Pagbabalik-aral: * Hayaan ang mga mag-aaral na ibahagi ang
Mga kohesyong gramatikal : Anapora at mga diyalogo na kanilang napakinggan
Katapora mula sa mga paborito nilang artista na
*Pagganyak gumanap sa mga pelikula o kaya’y teleserye.
Ipabahagi sa mga mag-aaral ang mga linya
o diyalogo ng mga paborito nilang artista na
gumanap sa mga pelikula o kaya’y teleserye.

120
*Itanong sa mga mag-aaral:
Ano ang damdaming namamayani sa mga
diyalogong ibinigay? *Tatawag ng mag-aaral na maglalahad ng
kanilang kasagutan.
Sabihin ng guro:
Ang France ay kilala bilang sentro ng
edukasyon at ideyalismo noong Age of
Enlightenment sa Europa. Kilala rin ang
bansa sa hindi maitatatwang kagandahan sa
estruktura ng mga gusali. Kakambal ng
kagandahan ng bansa ang kagandahan ng
kanilang panitikan. Hindi mabilang ang aklat
at nobela ang naisulat sa France na likha ng
itinuturinng na mga tanyag sa pagsulat ng
panitikan.
Sa Aralin 1.5, inaasahang maipamamalas
mo ang pag-unawa at pagpapahalaga sa
nobela na pinamagatang “Ang Kuba ng notre
Dame” ang nobelang ito ay isinulat ni Victor
hugo na itinuturing na isa sa mahusay na
manunulat sa mundo.
Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay sa
mga hhudyat sa pagsusunod-sunod ng mga
pahayag na makatuttulong para sa malalim na
pag-unawa sa paksang nais ipabatid ng
babasahing nobela”
Bilang pangwakas na gawain inaasahang
makabubuo ka ng dalawang minutong movie
trailer na nagtatampok sa aliinmang bahagi ng
nobela. Ito ay itataya batay sa sumusunod na
pamantayan:
a.) orihinalidad ng iskrip , b.) pagganap, c.)
produksyon (kasuotan/props),
d.)paglalapat ng musika/tunogmasasagot
mo ang mga pokus na tanong na; 1.)
Paano naiiba ang nobela sa iba pang
akdang pampanitikan?
Sa pagtatapos ng araling ito: inaasahan na
masasagot ang mga tanong na; 1.) Paano
naiiba ang nobela sa iba pang uri ng akdan ng
mgag pampanitikan sa pagkilala sa kultura at
kaugalian ng isang bansa? 2.) At paano naka-
tutulong sa pagsasalaysay ang mga hudyat sa
pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa
buod ng isang nobela.

b. Pakikipag-ugnayan ( Engage)
Gawain: Katangian Ko… Diyalogo Ko
Ibigay ang katangian ng tauhan batay sa

121
babasahing diyalogo na hango sa mga akda.

Hindi ako pumupunta sa bahay ng


isang lalaking estranghero sa akin,” sabi ng
babae.
-Halaw sa nobelang : “Isang Libo’t *Pipili ang guro ng apat na mag-aaral na
Isang Gabi (One Thousand and One Night) siyang babasa sa mga diyalogo.
ng Saudi Arabia

Sige, bibigyan kita ng trabaho. Pero


ayaw ko nang tamad, ha? Dos singkwenta
gana mo. “(don ho sa pinagtrabahuan ko,
tatlong piso… (O, e, di doon ka
magtrabaho). Burahin ko nang pangalan
mo?” Halaw sa nobelang “Maynilang sa Kuko
ng Liwanag”

“Kasalanan n’yo ang nangyari, e!


Natataranta kasi kayo basta may kostumer
kayong kano. Pa’no natitipan kayo ng
dolyar. Basta nakikita kayo ng dolyar.
Naduduling na kayo, kaya binabastos
ninyo ang mga kapwa. - Halaw sa nobelang
“Gapo” ni Lualhati Bautista

“Walang ibang babae akong minahal”


-Halaw sa nobelang “Ang Kuba ng Notre
Dame

Mga Gabay na Tanong;


1. Paano nakatulong ang mga pangyayari sa
pagkilala ng katangian ng tauhan?
2. Anong uri ng tauhan ang nabuo ng may
akda?
3. Nalaman ba sa diyalogo ang pagkakilanlan
ng isang tauhan? *Pipili ang guro ng mga mag-aaral na
Hayaang magbahagi ang mga mag-aaral sasagot.
ng kanilang mga sagot.
Sasabihin ng guro: “Sa susunod na gawain,
alamin natin kung gaano na kalawak ang
iyong kaalaman tungkol sa nobela, elemento
ng nobela, layunin ng nobela at mga dapat
tandaan sa pagsulat ng nobela.

B. PANAHON NG TALAKAYAN
c. Paggalugad (Explore)

Itanong sa mga mag-aaral:


Sino sa inyo ang nagbabasa ng nobela?
122
Ano ang karaniwang tema ng mga nobelang
binabasa ninyo?
Sa tingin ninyo, bakit likas sa mga Pilipino
ang pagbabasa ng mga nobela?
Bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral
na basahin ang paksang tatalakayin.

Pangkatin sa apat ang mga mag-aaral. *Pipili ang guro ng mga mag-aaral na
Pangkat I- Tatalakay sa kahulugan ng nobela sasagot
at tatlong elemento ng nobela.
.
Pangkat II- -Tatalakay sa pangunahing
layunin ng nobela, mga pangyayari at
paglalarwan ng tauhan.

Pangkat III- Tatalakay sa mga dapat tandaan


sa pagsulat ng nobela at pagsusuri batay sa *Magsagawa ng malayang talakayan ang
teoryang humanismo. bawat pangkat tungkol sa mga katanungan
na kanilang bibigyang kasagutan.
“ Maghanda para sa pag-uulat ng bawat
pangkat.”

d. Pagpapaliwanag (Explain)

Pagbabahagi ng bawat pangkat sa kanilang


kasagutan.

*Pag-uulat ng bawat pangkat.

Pangkat I:
Ang nobela ay bungang-isip/ katha na
nasa anyong prosa, kadalasang halos
pang-aklat ang haba na ang banghay ay
inilalahad sa pamamagitan ng mga tauhan at
diyalogo. Ito’y naglalahad ng isang kawil
ng mga kawili-wiling pangyayari na hina-
habi sa isang mahusay na pagkakabalangkas.
Tatlong elemento na makikita sa nobela
1. Isang kuwento o kasaysayan
2. Isang pag-aaral
3. Paggamit ng malikhaing guniguni

Pangkat II:
Pangunahing layunin ng nobela ay
lumibang, bagaman sa di-tahasang paraan,

123
ito’y maaari ring magturo, magtaguyod ng
isang pagbabago sa pamumuhay sa lipunan,
o magbigay ng isang aral.

Mga pangyayari – dahil binubuo ng mga


kabanata, dapat na ang mga pangyayari ay
magkakaugnay may panimula, papaunlad na
mga pangyayari na magsasalaysay ng
katunggalian ng nobela, kasukdulan, at
kakalasan na patungo sa wakas.

Paglalarawan ng tauhan – ang lalong


mahusay na nobela ay naglalarawan ng
tauhan. Ito’y ginagawa nila sa isang paraang
buhay na buhay, kaya’t parang mga tunay na
tauhan ang kinakaharap natin habang
binabasa ang nobela

Pangkat III;
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
Nobela
1.Sa isang mahusay na nobela, ang mga
tauhan ay hindi pinagagalaw ang may akda,
sila’y gumagalaw ng kusa – lumuluha,
nalulugod, nagtataksil, nagtatapat, nang-
aapi, tumatangkilik- alinsunod sa angkin
nilang lakas, mga hangarin, at mga
nakapaligid sa kanila.
Maaari ring magtanong ang mga mag- Ang mga kilos nila’y siyang mga kilos
aaral na hindi kasama sa mga nag-ulat tungkol nahinihingi ng mga katutubo nilang ugali at
sa mga impormasyong ‘di masyadong ng mg pangyayaring inilalarawan ng
naunawaan. kumatha.
2. . Ang mga masasaklaw na simulain ng
Magbibigay ang bawat grupo ng feedback pagsasalaysay. Ang nobela’y may pauna, ng
tungkol sa ulat ng bawat pangkat. tumutugon sa mga katanugang Sino? Ano?
Kalian? Saan?
. Gagabayan ng guro ang bawat pangkat at Sa pagsusuri ng mga akda tulad ng mga
handang magbigay ng karagdagang input sa nobela isang mahalagang pamaraan ang
mga itinanong ng mga mag-aaral sa ‘di paglalapat ng mga pananaw. Ang teoryang
masyadong naintindihan. humanismo ay itinatanghal ang buhay,
dignidad, halaga, at karansan ng bawat
e.Pagpapalalim (Elaborate) nilalang maging ang karapatan at
tungkulin ng sinuman at paunlarin ang
Ang nobela ay itinuturing na makulay, sariling talino at talento.
mayaman at makabuluhang anyo ng paniti-
kang tuluyan.
Binubuo ito ng mga yugto na nagsasa-
laysay ng mga kawing-kawing na pangyayari
ng buhay ng mga tao na bukod sa nagbibigay-
aliw ay nagpapakilos at pumupukaw sa

124
damdamin at kamalayan ng mga mambabasa.
Sa nobela, maraming pangyayari ang
inilalahad, samantalang sa maikling kuwento,
iisang pangyayari lamang ang inilalahad.
Iisa ang balangkas ng nobela at maikling
kuwento ngunit nagkakaiba lamang ito sa
nilalaman dahil ang mga pangyayaring
isinasalaysay dito ay may kaugnayan sa
lipunang ginagalawan ng mamamayan at
naglalarawan ng kultura ng bawat bansang
pinanggalingan nito.
Ang isang nobela ay may mga katangiang
dapat taglayin. Ito ay ang sumusunod:
a.) maliwanag at maayos na pagsulat ng mga
tagpo at kaisipan,
b.) pagsaalang-alang sa kailangang kaasalan,
c.) kawili-wili at pumupukaw ng damdamin,
d.) pumupuna sa lahat ng larangan sa buhay at
sa mga aspekto ng lipunan tulad ng gobyerno
at relihiyon,
e.) malikhain at may dapat maging
maguniguning paglalahad, at
f.) nag-iiwan ng kakintalan.

C. PAGKATAPOS NG TALAKAYAN:

f. Pagtatataya ( Evaluate)

Panuto: Isulat ang wastong sagot sa mga


sumusunod na pahayag.

1.Ito ay bungang-isip/katha na nasa anyong


prosa, kadalasang halos pang-aklat ang haba
na ang banghay ay inilalahad sa pamamagitan
ng mga tauhan at diyalogo.
2.Ang mga ______ ay may pagkakaugnay-
ugnay, may panimula, papaunlad na mga
pangyayari na magsasalaysay ng tunggalian
ng nobela, kasukdulan, at kakalasan na
patungo sa wakas.
3.Pinaniniwalaan ng teoryang ito na ang tao
ay isang rasyonal na nilikha na may
kakayahang maging makatotohanan at mabuti.

Pag-iisa-isa.
4-6 Ibigay ang tatlong elemento na

125
karaniwang matatagpuan sa isang mahusay na
nobela
4. Isang kuwento o kasaysayan
5. Isang pag-aaral
6. Paggamit ng malikhaing guniguni
7- 10 Mga pangunahing layunin ng nobela
7. Lumibang
8. Magturo
9. Magtaguyod ng pagbabago sa pamumuhay
o lipunan
10. Magbigay ng isang aral

g. Pagpapalawig (Extend)

Basahin ang buod ng nobelang “Ang


Kubang Notre Dame”.nasa pahina 77-79,
Modyul ng Mag-aaral.

IV-REPLEKSYON
Pagninilay sa iyong mga istratehiya ng pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-
aaral sa bawat linggo. Paano mo ito naisakatuparan? Ano pang tulong ang maari mong gawin
upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maari mong itanong/Ilahad sa iyong superbisor sa
anumang tulong na maari nilang maibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng mga-aaral na nakakuha ng 80% ____
B. Bilang ng mag-aaral na nabigyan ng karagdagang gawain bilang remedyal.
C. Naging makabuluhan baa ng ginawang remedial?
D. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha o nakaintindi sa aralin
E. Bilang ng mga mag-aaral na kailangan pang magpatuloy sa ginawang remedyal.
F. Alin sa mga istratehiyang ginamit ang mabisa? Bakit nagging mabisa ito?
G. Ano-anong mga balakid na naranasan na nasolusyunan sa tulong ngpunongguro at
superbisor?
H.Ano-ano ang mga inobasyon/pagbabago o mga kagamitang panglokal ang ginamit na nais
Ibahagi sa iba pang mga guro?

126
MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10
Virgie T. Ardaniel
Lurugan National High School

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:

PANITIKAN: Arakin 1.5: Ang Kuba ng Notre Dame ( Nobela Mula sa France)
ni Victor Hugo (Isinalin sa Filipino ni Wilita A. Enrijo)

GRAMATIKA at RETORIKA: Mga Hudyat sa Pagsusunod-sunod ng Pangyayari

PRODUKTO AT PAGGANAP:
Pagbuo ng dalawang minutong movie trailer na nagtatampok sa alinmang bahagi ng
nobela.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
1. F10PB-Ig-h-68 - Pag-unawa sa Binasa
2. F10PT-Ig-h-66 - Paglinang ng Talasalitaan
3. F10PU-1g-h-67 - Pagsulat

MARKAHAN: Unang Markahan LINGGO: Ikalima ARAW: Ikalawang


Araw_

127
I- MGA LAYUNIN:

Pagkatapos ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahang:

1.Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela bilang isang akdang pampanitikan


sa pananaw humanismo o alinmang angkop na pananaw.
2.Nakikilala ang pagkakaugnay-ugnay ng mga salita ayon sa antas o tindi ng
kahulugang ipinahahayag nito (clining).
3.Naihahambing ang ilang pangyayari sa napanood na dula sa mga pangyayari sa
binasang kabanata ng nobela.

II- NILALAMAN:

a. Paksa: Aralin 1.5, Panitikan: Ang Kuban ng Notre Dame (Nobela Mula sa France)
ni Victor Hugo (Isinalin sa Filipino ni Willita Enrijo)
b. Integrasyon: - Edukasyon sa Pagpapakatao (EP).Pagpapahalaga sa katauhan at ugali ng
mga pangunahing tauhan sa nobela

c. Estratehiya: Malayang Talakayan, Pagkliklino


d. Kagamitan: Laptop, video clip, TV Monitor, Manila paper, Pentel pen

e. Sanggunian: - Modyul ng Mag-aaral, pahina 74-85 at Gabay ng Guro pahina 25-29,


internet: -https://www.youtube.com/watch?v=6WyJ--c1Ua

III- PAMAMARAAN:

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. -BAGO ANG TALAKAYAN *Pakikinig sa Papuri.


1. Pagpupuri ng Panginoon
*Pagtsek ng atendans
2. Pagttsek ng atendans
3. Paghahanda at pagsasaayos ng silid- *Pagsasaayos at paghahanda sa loob ng
aralan silid aralan.

a. Pagtatamo (Elicit)
Pagbabalik-aral:
Nobela, Elemento ng nobela, Layunin ng *Tatawag mga mag-aaral na sasaagot sa
nobela, Mga dapat tandaan sa pagsulat ng mga katanungan.
nobela
. Magbibigay ang guro ng mga katanungan
tungkol sa napag-aralan sa nagdaang araw.

Sabihin ng guro:
“Upang madagdagan ang inyong kaalaman sa
bansang France, ipagpatuloy natin sa araw na
ito ang pagtuklas sa mga kaalaman ng
bansang ito sa pamamagitan ng pagtalakay sa

128
isa sa kilalang nobela na nagmula sa kanilang
bansa.”

b. Pakikipag-ugnayan ( Engage)
Itatanong ng guro:
Sino sa inyo ang may kamag-anak,
kaibigan o kakilala na may kapansanan? *Pipili ng mga mag-aaral na sasagot sa mga
Ano ang karaniwang reaksyon o
katanungan.
ginagawa ng mga tao kapag nakakita sila ng
mga taong may kapansanan?
Paano nila pinakikitunguhan ang mga ito?

*Panoorin ang isa sa mga episode ng Kapuso


Mo, Jessica Soho: Lalaking naglalako ng ice *Panonood ng Video Clip
cream kahit putol ang binti, kilalanin! Internet:https://www.youtube.com/watch?
v=6WyJ--c1Ua0
Mga Gabay na Tanong:
Ano ang damdaming namayani sa iyo
*Ibabahagi ng mga mag-aaral ang kanilang
habang pinapanood ito?
damdamin pagkatapos na mapanood ang
Isalaysay ang pagpupunyagi ng may kapan- episode.
sanan maitaguyod lamang ang kanilang *Isasalaysay ng mga mag-aaral ang pagpu-
pamilya. punyagi ng lalaking may kapansanan
maitaguyod lamang ang kanilang pamilya.
May mga kakilala ba kayo na may mga
kapasanan na nagsusumikap at hindi naging
sagabal ang kanilang kapansanan? *Pagsasalaysay ng mga piling mag-aaral sa
- buhay ng isang tao na nagsumikap sa kabila
Pagbibigay input ng guro sa uri ng ng kapansanan.
babasahing nobela.

B. PANAHON NG TALAKAYAN

c. Paggalugad (Explore)

“ Sa araw na ito ay tatalakayin natin ang isang


nobela, ito ay pinamagatang “Ang Kuba ng
Notre Dame.”
Ipabasa ng dugtungan ang nobela,
gagamitin ang inihandang powerpoint presen-
tation. Ang Kuba ng Notre Dame
(Buod)
ni Victor Hugo
Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo

Sa isang malawak na espasyo ng Katedral


nagkikita-kita ang mamamayan upang
magsaya para sa “Pagdiriwang ng

129
Kahangalan” na isinasagawa sa loob ng
isang araw taon-taon. Taong 1482 nang
itanghal si Quasimodo – ang kuba ng Notre
Dame bilang “Papa ng Kahangalan” dahil sa
taglay niyang labis na kapangitan. Siya ang
itinuturing na pinakapangit na nilalang sa
Paris. Nang araw na iyon, iniluklok siya sa
trono at ipinarada palibot sa ilang lugar sa
Paris sa pamamagitan ng pangungutya ng
mga taong naroroon na nakikibahagi sa
kasiyahan. Naroroon si Pierre Gringoire,
ang nagpupunyaging makata at pilosopo sa
lugar. Hindi siya naging matagumpay na
agawin ang kaabalahan ng mga tao sa
panonood ng nasabing parada. Malaki ang
kaniyang panghihinayang sapagkat wala
man lang nagtangkang manood ang
kaniyang inihandang palabas. Habang
isinasagawa ang mga panunuya kay
Quasimodo, dumating ang paring si Claude
Frollo at ipinatigil ang pagdiriwang.
Inutusan niya si Quasimodo na bumalik sa
Notre Dame na kasama niya. Sa
paghahanap ng makakain, nasilayan ni
Gringoire ang kagandahan ni La Esmeralda-
ang dalagang mananayaw. Ipinasiya niyang
sundan ang dalaga sa kaniyang pag-uwi.
Habang binabagtas ni La Esmeralda ang
daan, laking gulat niya nang sunggaban siya
ng dalawang lalaki – sina Quasimodo at
Frollo. Sinubukang tulungan ni Gringoire
ang dalaga subalit hindi niya nakaya ang
lakas ni Quasimodo kung kaya’t nawalan
siya ng malay. Dagli namang nakatakas si
Frollo. Dumating ang ilang alagad ng hari
sa pangunguna ni Phoebus – ang kapitan ng
mga tagapagtanggol sa kaharian. Dinakip
nila si Quasimodo. Samantala, hatinggabi
na nang pagpasiyahan ng pangkat ng mga
pulubi at magnanakaw na bitayin si
Gringoire. Lumapit si La Esmeralda sa
pinuno ng pangkat at nagmungkahing
huwag ituloy ang pagbitay sapagkat handa
siyang magpakasal sa lalaki sa loob lamang

130
ng apat na taon, mailigtas lamang ang buhay
ni Gringoire sa kamatayan. Nang sumunod
na araw, si Quasimodo ay nilitis at
pinarusahan sa tapat ng palasyo sa
pamamagitan ng paglatigo sa kaniyang
katawan. Matindi ang sakit ng bawat latay
ng latigo na ipinapalo sa kaniyang katawan.
Inisip niya ang dahilan ng kaniyang
pagdurusa. Ang lahat ng iyon ay kagustuhan
at ayon sa kautusan ni Frollo- na kailanman
ay hindi niya nagawang tutulan dahil sa
utang na loob. Kasabay ng sakit na
nadarama niya ay ang matinding kirot na
nalalasap sa bawat panghahamak sa kaniya
ng mga taong naroroon. Nagmakaawa siya
na bigyan siya ng tubig subalit tila bingi ang
mga taong nakatingin sa kaniya – na ang
tanging gusto ay lapastanganin at
pagtawanan ang kaniyang kahabag-habag
na kalagayan. Dumating si La Esmeralda.
Lumapit ang dalaga sa kaniya na may
hawak na isang basong tubig. Pinainom
siya. Samantala, sa di kalayuan ay may
babaeng baliw na sumisigaw kay La
Esmeralda. Tinawag siya ng babaeng
“hamak na mananayaw” at “anak ng
magnanakaw.”
Kilala ang babae sa tawag na Sister Gudule.
Siya ay pinaniniwalaan na dating mayaman
subalit nawala ang bait nang mawala ang
anak na babae, labinlimang taon na ang
nakalilipas. Makaraan ang ilang buwan,
habang si La Esmeralda ay sumasayaw sa
tapat ng Notre Dame at pinagkakaguluhan
ng maraming tao, napagawi ang mga mata
ni Phoebus sa mapang-akit na kagandahan
ng dalaga. Nang mapuna ni La Esmeralda si
Phoebus ay napaibig dito ang dalaga. Tila
siya nawalan ng ulirat nang kaniyang
marinig ang paanyaya ng binata na magkita
sila mamayang gabi upang lubos na
magkakilala. Si Frollo ay nakatanaw lamang
mula sa tuktok ng Notre Dame at
nakaramdam ng matinding panibugho sa

131
nasasaksihan. Ang kaniyang matinding
pagnanasa kay La Esmeralda ang nag-
udyok sa kaniya na talikuran ang Panginoon
at pag-aralan ang itim na mahika. Mayroon
siyang masamang balak. Nais niyang
bihagin ang dalaga at itago sa kaniyang
selda sa Notre Dame. Nang sumapit ang
hatinggabi, sinundan niya si Phoebus sa
pakikipagtipan kay La Esmeralda. Habang
masayang nag-uusap ang bagong
magkakilala ay biglang may sumunggab ng
saksak kay Phoebus ngunit mabilis ding
naglaho ang may sala. Hinuli ng mga alagad
ng hari si La Esmeralda sa pag-aakalang
siya ang may kagagawan ng paglapastangan
sa kapitan. Matapos pahirapan sa paglilitis,
sapilitang pinaako kay La Esmeralda ang
kasalanang hindi niya ginawa. Pinaratangan
din siyang mangkukulam. Siya ay
nasintensiyahang bitayin sa harap ng
palasyo. Dinalaw siya ni Frollo sa piitan at
ipinagtapat ang pag-ibig sa kaniya.
Nagmakaawa ang pari na mahalin din siya
at magpakita man lang kahit kaunting awa
ang dalaga subalit tinawag lamang siya ni
La Esmeralda ng tiyanak na monghe at
pinaratangang mamamatay tao. Tumanggi
siya sa lahat ng alok ni Frollo. Bago ang
pagbitay, iniharap si La Esmeralda sa
maraming tao sa tapat ng Notre Dame
upang kutyain. Napansin ng dalaga ang
anyo ni Phoebus kaya isinigaw niya ang
pangalan ng binata. Si Phoebus ay
nakaligtas sa tangkang pagpatay sa kaniya.
Tumalikod si Phoebus na tila walang
naririnig at tinunton ang bahay ng babaeng
kaniyang pakakasalan. Ilang sandali’y
dumating si Quasimodo galing sa tuktok ng
Notre Dame patungo kay La Esmeralda
gamit ang tali. Hinila niya paitaas ang
dalaga patungo sa Katedral at tumatangis na
isinigaw ang katagang “Santuwaryo”. Si
Quasimodo ay napaibig kay La Esmeralda
nang araw na hatiran siya ng dalaga ng

132
tubig sa panahong wala man lang
magnasang tumulong sa kaniya. Matagal na
niyang pinagplanuhan kung paano itatakas
si La Esmeralda sa naging kalagayan ng
dalaga. Batid ni Quasimodo na ang dalaga
ay mananatiling ligtas hangga’t nasa
katedral. Sa mga araw na magkasama ang
dalawa, mahirap para kay La Esmeralda na
titigan ang pangit na anyo ni Quasimodo. Di
nagtagal, naging magkaibigan ang dalawa.
Lumusob sa katedral ang pangkat ng mga
taong palaboy at magnanakaw – sila ang
kinikilalang pamilya ni La Esmeralda .
Naroon sila upang sagipin ang dalaga
sapagkat narinig nila na nagbaba ng
kautusan ang parliyamentaryo na paaalisin
si La Esmeralda sa katedral. Samantala,
inakala naman ni Quasimodo na papatayin
ng mga lumusob si La Esmeralda kaya
gumawa siya ng paraan upang iligtas ang
dalaga. Malaking bilang ng mga lumusob
ang napatay ni Quasimodo. Habang
nagkakagulo, sinamantala ni Frollo na
makalapit kay La Esmeralda. Nag-alok siya
ng dalawang pagpipilian ng dalaga: ang
mahalin siya o ang mabitay? Mas pinili ni
La Esmeralda ang mabitay kaysa mahalin
ang isang hangal na tulad ni Frollo. Iniwan
ni Frollo ang dalaga na kasama si Sister
Gudule. Labis ang pagkamangha ng dalawa
nang mabatid nila na sila ay mag-ina.
Nakilala ni Sister Gudule si La Esmeralda
dahil sa kuwintas na suot ng dalaga. Ito ang
kaniyang palatandaan na suot ng kaniyang
anak bago mawala. Ninasa ni Sister Gudule
na iligtas ang anak subalit huli na ang lahat.
Nang mabatid ni Quasimodo na nawawala
si La Esmeralda, tinunton niya ang tuktok
ng tore at doon hinanap ang dalaga. Sa di
kalayuan, napansin niya ang anyo ng
dalaga. Si La Esmeralda ay nakaputing
bestida at wala ng buhay. Naantig siya sa
kaniyang nasaksihan. Labis na galit ang
nararamdaman niya kay Frollo na noon pa

133
man ay batid niya na may matinding
pagnanasa sa dalaga. Nawala sa katinuan si
Quasimodo. Nang mamataan niya si Frollo,
hinila niya ito at sa matinding lungkot na
nararamdaman ay inihulog niya ito mula sa
tore- ang paring kumupkop sa kaniya.
Inihulog niya sa kamatayan ang taong
naghatid ng pagdurusa sa babaeng kaniyang
minahal – si La Esmeralda. Habang
nakatitig sa wala ng buhay na katawan ng
dalaga, sumigaw si Quasimodo, “walang
ibang babae akong minahal.” Mula noon,
hindi na muling nakita pa si Quasimodo.
Matapos ang ilang taon, nang matagpuan ng
isang lalaking naghuhukay ng puntod ang
libingan ni La Esmeralda, nasilayan niya
ang hindi kapani-paniwalang katotohanan-
nakayakap ang kalansay ng kuba sa katawan
ng dalaga.

Pagkatapos basahin, papangkatin ng guro sa


limang pangkat ang mga mag-aarl.
.
Ipagawa ang Gawain 4: Paglinang ng Tala-
salitaan.
*Ayusin ang mga salita ayon sa antas o
tindi ng kahulugan. Gamitin ang teknik
pagkiklino

134
d. Pagpapaliwanag (Explain)

Pagtalakay sa mga mahahalagang


pangyayari sa nobela.
Iproseso ang sagot ng mga mag-aaral
upang lalong mapalalim ang kanilang
pagkaunawa sa nobela at lubusang makilala
ang pangunahing tauhan.

e. Pagpapalalim (Elaborate)

Sa limang pangkat na binuo, ipasagot ang


mga tanong sa pag-unawa sa binasa

(Gawain 5, Unawain Mo)


Isulat ang sagot sa manila paper.

Pangkat 1.
1. Ilarawan ang natatanging katangian na *Pipili ang mga mag-aaral mula sa kanilang
taglay ni Quasimodo. Ano ang suliranin na pangkat ng magbabahagi ng kanilang
bumabagabag sa kaniya?
kasagutan.
2. Bakit ninais ni Pierre Gringoire na
makisali sa pangkat ng mga pulubi at
magnanakaw?
*Hikayatin ang mga mag-aaaral na ibahagi
Pangkat 2 ang kanilang naunawaan sa binasang buod
3.Paano natagpuan ang kalansay ni ng nobela.
Quasimodo sa loob ng libingan ni La
Esmeralda?
4.Ano ang pananaw ng may-akda tungkol sa
pamilya? Pag-ibig? Magbigay ng mga
patunay.

Pangkat 3 *Bigyan ng pagkakataon na magkaroon ng


5. May mahalagang papel ba ang katedral sa malayang talakayan ang bawat pangkat
kuwento na nakapaloob sa nobela? upang masagot ang mga katanungan
Pangatwiran ang sagot.
6. Anong kakaibang katangian ni Claude
Frollo bilang kontrabidang tauhan sa binasang
akda?

135
Pangkat 4
7. Ilarawan ang magkaibang wakas ng mga
tauhan na masasalamin sa nobela. Gamitin
ang kasunod na dayagram sa pagsagot

8. Maglahad ng mga pangyayari o bahagi sa


nobela na magpapakilala sa kultura o
pagkakilanlan ng bansang pinagmulan ng
akda.

Pangkat 5
9. Anong mga katangian ng mga tauhan ang
nagpapakilala sa kultura o bansang kaniyang
pinagmulan?
10. Paano nakatulong ang mga pangyayari at
tauhan sa pagpapakilalang kultura o bansang
kanilang pinagmulan?

Pag-usapan ang sagot sa bawat tanong.


Hayaang magbigay ng karagdagang kasa-
gutan o impormasyon ang mga mag-aaral
upang lalong maunawan ng lubusan ang
nobela.

Mahalagang mabigyang diin ang mga


katangian ng tauhan batay sa kanilang
diyalogo na nakapaloob sa nobela.

C. PAGKATAPOS NG TALAKAYAN:

f. Pagtatataya ( Evaluate)

Ipagawa ang Gawain 6: Suring Tauhan


Ilarawan ang katangian ng nga tauhan sa
nobelang binasa at paano ipinakikilaala ang
kultura at pagkakakilanlan ng bansang
kanyang pinagmulan.

*Pagbabahagi ng mga kasagutan.

136
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na
katanungan. Panuto: Ilarawan ang katangian ng nga
tauhan sa nobelang binasa at paano
1.Ang may akda ng nobelang “Ang Kuba ng ipinakikilaala ang kultura at pagkakaki-
Notre Dame? lanlan ng bansang kanyang pinagmulan.
2.Dito naganap ang mga pangyayari sa
nobela?

3.Siya ang itinanghal na “Papa ng Kaha-


ngalan”.

4.Siya ang kapitan ng mga tagapagtanggol sa


hari.
5.Siya ang dalagang mananayaw na tumulong
kay Quasimodo.

6.Siya ay pinaniniwalaan na dating mayaman


subalit nawala ang bait nang mawala ang anak
na babae.

7.Siya ang sumaksak kay Phoebus dahil sa


matinding panibugho.
8.Ang hatol o parusang ipinagkaloob kay
Quasimodo.

9.Ang palatandaan ni Sister Gudule na si La


Esmeralda ang kaniyang nawawalang anak.

10.Ang hindi kapani-paniwalang natagpuan


ng lalaking naghuhukay sa puntod ng libingan
ni La Esmeralda.

g. Pagpapalawig (Extend)

Kung ikaw ay susulat ng nobela o


anumang akda na ang pangunahing tauhan ay
may kapansanan, ano ang pangunahing
suliraning mabubuo na posibleng iikot sa
nobela?

* Bubuo ng paglalahat ang mga mag-aaral sa


pamamagitan ng pagsagot sa katanungang:
“Bakit mahalaga ang papel na ginagam-
panan ng mga tauhan upang makabuo ng
isang mabisang nobela o iba pang akda?”
Gamitin ang graphic organizer

137
*Hikayatin ang mga mag-aaral na maglahad
ng kaisipan sa ibinigay na sitwasyon.

IV-REPLEKSYON:
Pagninilay sa iyong mga istratehiya ng pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-
aaral sa bawat linggo. Paano mo ito naisakatuparan? Ano pang tulong ang maari mong gawin
upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maari mong itanong/Ilahad sa iyong superbisor sa
anumang tulong na maari nilang maibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng mga-aaral na nakakuha ng 80% ____
B. Bilang ng mag-aaral na nabigyan ng karagdagang gawain bilang remedyal.
C. Naging makabuluhan baa ng ginawang remedial?
D. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha o nakaintindi sa aralin
E. Bilang ng mga mag-aaral na kailangan pang magpatuloy sa ginawang remedyal.
F. Alin sa mga istratehiyang ginamit ang mabisa? Bakit nagging mabisa ito?
G. Ano-anong mga balakid na naranasan na nasolusyunan sa tulong ngpunongguro at
superbisor?
H.Ano-ano ang mga inobasyon/pagbabago o mga kagamitang panglokal ang ginamit na nais
Ibahagi sa iba pang mga guro?

138
MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10
Virgie T. Ardaniel
Lurugan National High School

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

PANITIKAN: Aralin 1.5: Ang Kuba ng Notre Dame (Nobela Mula sa France)
ni Victor Hugo (Isinalin sa Filipino ni Wilita A. Enrijo)
GRAMATIKA at RETORIKA: Mga Hudyat ng Pagsusunod-sunod ng Pangyayari
.
PRODUKTO AT PAGGANAP
Pagbuo ng dalawang minutong movie trailer na nagtatampok sa alinmang bahagi ng
nobela.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
1. : F10PU-Ig-h-69 – Pagsulat
2. F10PN-Ig-h-67 – Pag-unawa sa Napakinggan

139
MARKAHAN: Unang Markahan LINGGO: Ikalima ARAW: Ikatlong Araw_

I. MGA LAYUNIN:

Pagkatapos ng aralin, 80% sa mga mag-aaral ay inaasahang:

a..Naisasadula ang isang pangyayari sa tunay na buhay na may


pagkakatulad sa mga piling pangyayari sa kabanata ng nobela.
b.Masigasig na makakasali sa isasagawang pagsasadula.

II. NILALAMAN

a. Paksa: Aralin 1.5, Panitikan: Ang Kuba ng Notre Dame (Nobela Mula
France) ni Victor Hugo (Isinalin sa Filipino ni Wilita A.Enrijo)

b. Integrasyon: - Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP). Nailalahad ang isang


pangyayari sa tunay na buhay na may pagkakatulad sa mga piling
pangyayari sa kabanata ng nobela.

c. Estratehiya: Pagsasadula
d. Kagamitan: Laptop

e. Sanggunian: Modyul ng Mag-aaral, pahina 74-87 at Gabay ng Guro, pahina 25-29,


Internet: https://www.youtube.com/watch?v=6WyJ--c1Ua0

III. PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. BAGO ANG TALAKAYAN


1. Panalangin  Panalangin
2. Pagtsek ng atendans  Pagtsek ng atendans
 Paghahanda
3. Paghahanda
a. Pagtatamo (Elicit)

Pagbabalik-aral sa tinalakay na buod ng


nobelang “Ang Kuba ng Notre Dame.”
Itanong sa mga mag-aaral:
1.Sino ang mga tauhan sa nobelang “Ang
Kuba ng Notre Dame?” Ibigay ang papel na *Hikayatin ang mga mag-aaral na sumagot.
kanilang ginampanan.
2. Makatarungan ba ang panghuhusga ng mga
tao kay Quasimodo?
3. Paano ipinakita ni Quasimodo ang pagma-

140
mahal niya kay La Esmeralda?
4. Ilarawan ang uri ng pagmamahal ni
Quasimodo kay La Esmeralda.
-Ipoproseso ng guro ang gagawing
paglalahad ng mga mag-aaral upang lalong
mapalutang ang kagandahan ng nobela.

b. Pakikipag-ugnayan ( Engage)
Panuto: Gumawa ng dula-dulaan. Hatiin ang
klase sa limang pangkat.
1.Bawat pangkat ay pipili ng lider.
2.Magpagawa ng maikling dula-dulaan na
nagpapakita ng isang pangyayari sa tunay na
buhay na may pagkakatulad sa mga piling
pangyayari sa kabanata ng nobelang “Ang
Kuba ng Notre Dame.”
3.Bigyang-laya ang bawat pangkat na pumili
ng mga kasama na gaganap sa iba’t ibang
papel sa gagawing dula-dulaan..
Bibigyan ng pagkakataon ang mga mag-
aaral na mag-ensayo

B. PANAHON NG TALAKAYAN

c.Paggalugad (Explore)

- Presentasyon ng dula na binuo


*Presentasyon ng dula na binuo
Mga Pamantayan
A. Mensahe/Kaangkupan sa Tema
B. Lohikal na pagkakaayos ng kaisipan
C. Kahusayan sa pagtatanghal ( Pag-
arte/Ekspresyon ng Mukha)
D. Sining/estilo ng paglalarawan
*Tatayain ang presentasyon ayon sa sumu-
sunod:
20 puntos – lahat ng pamantayan ay naisaka-
tuparan
15 puntos – tatlo sa mga pamantayan ang
naisakatuparan
10 puntos – dalawa sa mga pamantayan ang
naisakatuparan
5 puntos – isa sa mga pamantayan ang
naisakatuparan
141
d. Pagpapaliwanag (Explain)

Ipabahagi sa klase ang kinalabasan ng


dula-dulaan na ginawa ng bawat pangkat.
Hayaan silang magbigay-puna sa dula- *Ibigay ang mensahe o aral nakapaloob na
dulaan ng ibang pangkat at magbigay ng mga sa dula.
suhestiyon upang mas maging maayos ang
susunod na pagtatanghal sa iba pang aralin.
Ipabigay ang mensahe o aral na nakapaloob
sa dulang ginawa.
Magbigay ng karagdagang ideya o input ang
guro.
Maaaring ibigay ang mga sumusunod na
sitwasyon upang mapangatwiranan ng mga
mag-aaral.

1. May mga tao ba na mahilig humusga sa


ibang tao batay sa panlabas na kaanyuan ng
kanilang kapwa? *Ipabahagi sa klase ang sagot.ng mga mag-
2. Sa panahon ngayon, meron pa bang aaral
katulad ni Quasimodo na handang ibuwis
ang buhay alang-alang sa babaeng mina-
mahal?
3. May nangyari na ba sa totoong buhay na
dahil sa kahirapan at,pagsisikap ay naging
matagumpay ang buhay? Patunayan.

Iproseso ang sagot ng mga mag-aaral upang


mapatunayan na masasalamin sa katauhan ng
mga tauhan ang pag-uugali at kultura ng mga
tao sa bansang pinagmulan nito.

e. Pagpapalalim (Elaborate)

May mga pangyayari sa nobela na naga-


ganap sa totoong buhay. Isa na rito ang
pagkakaiba ng esrado ng tao sa buhay. Hindi
rin nawawala ang panghuhusga sa panlabas na
kaanyuan ng tao. At ang panlalamang ng iba
sa mga taong may kapansanan.

C. PAGKATAPOS NG TALAKAYAN

f. Pagtatataya ( Evaluate)

Pagbibigay ng maikling pagsubok mula sa


isinagawang pagsasadula.

g. Pagpapalawig (Extend)

142
Basahin ang buod ng nobelang “Dekada ’70,”
ni Lualhati Bautista sa pahina 81-83 , Modyul
ng Mag-aaral.
IV. REPLEKSYON
Pagninilay sa iyong mga istratehiya ng pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-
aaral sa bawat linggo. Paano mo ito naisakatuparan? Ano pang tulong ang maari mong gawin
upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maari mong itanong/Ilahad sa iyong superbisor sa
anumang tulong na maari nilang maibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng mga-aaral na nakakuha ng 80% ____
B. Bilang ng mag-aaral na nabigyan ng karagdagang gawain bilang remedyal.
C. Naging makabuluhan baa ng ginawang remedial?
D. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha o nakaintindi sa aralin
E. Bilang ng mga mag-aaral na kailangan pang magpatuloy sa ginawang remedyal.
F. Alin sa mga istratehiyang ginamit ang mabisa? Bakit nagging mabisa ito?
G. Ano-anong mga balakid na naranasan na nasolusyunan sa tulong ngpunongguro at
superbisor?
H.Ano-ano ang mga inobasyon/pagbabago o mga kagamitang panglokal ang ginamit na nais
Ibahagi sa iba pang mga guro?

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10


Virgie T. Ardaniel
Lurugan National High School

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

PANITIKAN: Ang Kuban ng Notre Dame (Nobela Mula sa France)


ni Victor Hugo (Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo)
GRAMATIKA at RETORIKA: No Valenciano’s
Mga Hudyat Left
ngbehind
Pagsusunod-sunod ng Pangyayari
.
PRODUKTO AT PAGGANAP
Pagbuo ng dalawang minutong movie trailer na nagtatampok sa alinmang bahagi ng
nobela.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
1. F10WG-Ig-h-62- Wika at Gramatika
2. F10PS-Ig-h-69 - Pagsasalita

MARKAHAN: Unang Markahan LINGGO: Ikalima ARAW: Ikaapat na


Araw_

143
I.MGA LAYUNIN

Pagkatapos ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nagagamit ang angkop na mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng


pangyayari.
b. Nakabubuo ng dalawang minutong movie trailer na nagtatampok sa
alinmang nobela ng isang bansa sa Mediterranean.
c. Napahahalagahan ang maayos na ugnayan ng isang pamilya.
II. NILALAMAN

a. Paksa: Aralin 1.5, Panitikan: Ang Kuba ng Notre Dame ( Nobela Mula sa
France) ni Victor Hugo (Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo)

b. Integrasyon: - Edukasyon sa Pagpapakatao (EP).Pagpapahalaga sa maayos na


ugnayan ng pamilya.
c. Estratehiya: Malayang talakayan, Paggawa ng movie trailer
d. Kagamitan: Laptop, TV Monitor, Mga larawaan,

e. Sanggunian: - Modyul ng Mag-aaral, pahina 74-85 at Gabay ng Guro pahina 25-29


Internet: https://www.youtube.com/watch?v=6WyJ--c1Ua0

III- PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Bago ang Talakayan


1. Panalangin *Panalangin.
2. Pagtsek ng atendans
*Pagtsek ng atendans
3. Paghahanda
a. Pagtatamo (Elicit) *Paghahanda para sa aralin
Pagbabalik-aral sa aralin
Pagganyak:
Pagpapakita ng larawan ng mga naganap
*Sasagutin ng mga mag-aaral ang mga
sa panahon ng 1970 o Martial Law :
*Larawan ng dating Pangulong Ferdinand katanungan..
Marcos
*Mga demonstrasyon o pagrarali
*Mga krimeng naganap
Gabay na Tanong:
Tungkol saan ang mga larawan?
Nagaganap pa ba ito sa kasalukuyan?

144
*Pagbibigay ng input ng guro sa uri ng
babasahing nobela.

Dugtungang pagbasa sa buod ng


nobelang “Dekada ’70.”
Ipasagot ang Gawain 7: Pagpapalawak ng
Kaalaman. Suriin ang binasang buod sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong sa
sagutang papel.

Pangkatang Gawain: Isulat sa sagutang papel


ang mga kasagutan.

Pangkat 1 - Paano makikita kay Amanda


Bartolome ang mga katangiang Paglalahad sa mga kasagutan.
pagkakakilanlan ng kaniyang bansa?

Pangkat 2 - Batay sa binasang buod, ano ang


tema ng akda? Tukuyin ang mga bahaging
nagpapatunay.

Pangkat 3 - Ilarawan ang kaugalian o kultura


na masasalamin sa binasang buod?

Pangkat 4- Isa-isahin ang mga kultura/


kaugalian nakaimpluwensiya sa pagkatao ng
tauhan?
Pangkat 5 - Paano nakatulong ang paglalapat
ng teoryang humanismo sa pagpapakilala ng
kultura o kaugalian ng bansa?

Pangkat 6 – Paghahambing ng ilang


pangyayari sa napanood na dula sa mga
pangyayari sa binasang kabanata ng nobela.

*Pag-usapan ang sagot sa bawat tanong.

145
Magbibigay ang guro ng karagdagang
impormasyon kung kinakailangan upang
lalong maunawan ng mga mag-aaral ang
bahagi ng nobela.
*Maaaring magtanong ang mga mag-aaral
na hindi kasama sa mga nag-ulat tungkol sa
mga impormasyong ‘di masyadong
naunawaan.
*Magbibigay ang bawat grupo ng
feedback tungkol sa ulat ng bawat pangkat.
. *Gagabayan ng guro ang bawat pangkat at
handang magbigay ng karagdagang input sa
*Malayang talakayan ng guro at mga mag-
mga itinanong ng mga mag-aaral sa ‘di
masyadong naintindihan. aaral.
.
b. Pakikipag-ugnayan ( Engage)
“Alam mo ba na ang mga panandang
pandiskurso ay maaaring maghudyat ng
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o di
kaya’y maghimaton sa pagkakabuo ng
diskurso? Karaniwan nang ito ay
kinakatawan ng mga pang-ugnay o pangatnig.

B. PANAHON NG TALAKAYAN

c. Paggalugad (Explore)

*Pagsasanib ng Gramatika at Retorika-


Mga Hudyat sa Pagsusunod-sunod ng
Pangyayari
Balikan ang buod na “Dekada ’70” sa
pahina sa pahina 8183. Bigyang-pansin kung
paano nakatulong ang mga hudyat o
panandang pandiskurso sa pagsasalaysay ng
mga pangyayari.

Una, ang panganay na si Jules, may liberal na


pag-iisip.
Sumunod ay si Gani, maagang nag-asawa’t
nagkaanak ngunit mabilis din silang
nagkahiwalay ni Evelyn. Bunga nito, siya’y
nanirahan na sa abroad kapiling ng kanyang
bagong pamilya.
Ikatlo, ang pinakamalambing na si Jason, ang
kakulangan niya bilang estudyande ay
matagumpay na napagtatakpan na katangian
niya bilang anak.
146
Pagkatapos, ang bunsong si Bingo namulat sa
mundong walang katahimikan at walang
katiyakan, ngayo’y magtatapos na ng
kolehiyo.
Mapapansin ang salita sa unahan ng mga
pangungusap na nagbigay-linaw sa mahihirap
na bahagi ng babasahin. Nakatulong ito sa
pagsasalaysay ng pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari
P
d. Pagpapaliwanag (Explain)
Alam
Mga Halimbawa ng mga pang-ugnay/
pangatnig na ginagamit bilang hudyat sa
pagsusunod-sunod ng pangyayari.:
 At, saka, pati – nagsasaad ng
pagpupuno o pagdaragdag ng
impormasyon *Pagbibigay ng mga karagdagang
 Maliban, bukod kay, huwag lang, halimbawa
bukod sa – nagsasaad ng pagbubukod
o paghihiwalay
 Tuloy, bunga nito, kaya, naman –
nagsasaad ng kinalabasan o
kinahinatnan

 Kapag, sakali, kung – nagsasaad ng


nagsasaad ng kondisyon o pasubali
*Magbigay ng karagdagang halimbawa
ang mga mag-aaral. Gagamitin ang mga
hudyat sa pagsusunod-sunod ng pangyayari
sa pangungusap.

e. Pagpapalalim (Elaborate)

Sabihin ng guro:
Upang mas lalong maunawaan ang gamit
ng mga ito, sagutin ang Pagsasanay 1.
*Pagsasanay 1: Punan ang patlang na angkop
na mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng
pangyayari. (sa madaling sabi, saka, dahil,
kung, bukod sa) *Pagsagot sa Pagsasanay 1.
Si Amanda Bartolome ay isang
babaeng nagsisikap matunton at maunawaan
ang tunay na kahulugan ng pagiging isang
babae sa gitna ng masalimuot na kalagayan ng
bansa noong dekada ’70 sa ilalim ng Batas
Militar.

147
(1) ________ isang babae, kumikilos siya
bilang isang ina (sa limang anak na pulos
lalaki) at asawa ayon sa dikta ng lipunan at ng
asawa niyang si Julian. Bagaman tradisyonal,
umiiral sa pamilyang Bartolome ang kalayaan
sa pagpapahayahag ng damdamin (2) _____
kaya’t lumaki ang kanilang mga anak namulat
ang kamalayansa nangyayari sa lipunan
(3)_____ dito’y sumali sa kilosang
makakaliwa ang kanilang panganay na si
Julies (4) _____ nagging makata at
manunulat naman si Emman at nahilig sa
musikang rock ‘n roll si Jason. Si Gani naman
ay malayang pumasok ang pagiging US navy
bagaman taliwas ito sa paniniwala ng mga
kapatid. (5) ______ nanatiling matatag
ang pamilyang Bartolome sa kabila ng
napakaraming pagsubok ng panahon. Dito rin
nasubok ang katatagan ng pagsasama nina
Amanda at Julian, kung saan si Amanda ay
nagnais na matunton ang sarili bilang isang
babae, malayo sa dikta ng lipunan, at ng
asawa.

C. PAGKATAPOS NG TALAKAYAN:

f. Pagtatataya ( Evaluate)

Panuto: Gawin ang Pagsasanay 2 : Gamitin sa


pangungusap ang sumusunod na panandang
pandiskurso o hudyat ng pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari sa pagsasalaysay ng isang
napanood na palabas.
*Pagbuo ng dalawang minutong movie
1. magsisimula ako sa
_______________________________ trailer.
2. huwag kang
_______________________________
3. bunga nito
_______________________________
4. sakali
_______________________________
5. sa ibang salita
______________________________

Sabihin ng guro:
“Basahin at unawain ang sitwasyon. Gawin
ang hinihingi mula rito sa tulong ng *Ipabahagi ng mga mag-aaral ang kanilang
pagsasalang-alang sa mga konseptong mga gawain.

148
natutuhan.”
(Bago ang gawain, ipaliwanag ng guro kung
paano ang paggawa ng movie trailer)

g. Pagpapalawiak (Extend)

“Magaling! Mahusay ninyong naisagawa


ang inaasahang pagganap. Patunay ito na
naunawaan ninyo ang kabuuan ng ating aralin.
Iminumungkahi ko na muli ninyong balikan
ang mga pokus na tanong upang matiyak na
tama ang kakailanganing pag-unawa na dapat
malaman sa katapusan ng aralin.

IV-REPLEKSYON:
Pagninilay sa iyong mga istratehiya ng pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-
aaral sa bawat linggo. Paano mo ito naisakatuparan? Ano pang tulong ang maari mong gawin
upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maari mong itanong/Ilahad sa iyong superbisor sa
anumang tulong na maari nilang maibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng mga-aaral na nakakuha ng 80% ____
B. Bilang ng mag-aaral na nabigyan ng karagdagang gawain bilang remedyal.
C. Naging makabuluhan baa ng ginawang remedial?

149
D. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha o nakaintindi sa aralin
E. Bilang ng mga mag-aaral na kailangan pang magpatuloy sa ginawang remedyal.
F. Alin sa mga istratehiyang ginamit ang mabisa? Bakit nagging mabisa ito?
G. Ano-anong mga balakid na naranasan na nasolusyunan sa tulong ngpunongguro at
superbisor?
H.Ano-ano ang mga inobasyon/pagbabago o mga kagamitang panglokal ang ginamit na nais
Ibahagi sa iba pang mga guro?

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO-10


Darwin N. Esmalde/Claudia E. Ajan
Dagatkidavao Integrated School
Valencia National High School

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:

PANITIKAN: Ang Tinig ng Ligaw na Gansa (Tulang Liriko-Pastoral- Egypt)


Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
GRAMATIKA: Mga Hudyat sa Pagpapahayag ng Emosyon at Saloobin
( Padamdam na Pangungusap, Pahayag na Tiyakang Nagpapadama ng
Damdamin at Konstruksiyong Gramatikal)
.
PRODUKTO AT PAGGANAP:
Pagsulat ng sariling tula.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

1. F10PN-Ie-f-65 ,Pag-unawa sa Napakinggan.


2. F10PB-Ie-f-65 Pag-unawa sa Binasa

MARKAHAN: Unang Markahan LINGGO: Ika-Anim na Linggo ARAW: Unang


Araw_

150
I- MGA LAYUNIN:

Pagkatapos ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nabibigyang reaksyon ang napakinggang damdamin na nakapaloob ssa isang tula at awit.
b. Naibabahagi ang sariling interpretasyon kung bakit ang mga damdamin nakapaloob sa
tula ay ipinararanas sa mambabasa.

II- NILALAMAN:

a. Paksa: Aralin 1.6 Ang Tinig ng Ligaw na Gansa (Tula mula sa Egypt)
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Mula sa Ingles na isinalin ni William Kelly Simpson
b. Integrasyon: - Music and Arts (MAPEH).Pagpapahalaga sa sining at kultura ng
isang bansa.

c. Estratehiya: Malayang Talakayan, Pangkatang Gawain


d. Kagamitan: Laptop, PowerPoint

e. Sanggunian: - Modyul ng Mag-aaral, pahina 86-87 at Gabay ng Guro pahina 30.

III- PAMAMARAAN:

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. -BAGO ANG TALAKAYAN


1. Pagdarasal
 Magdasal
2. Pagtsek ng atendans  pagtsek kung sino ang lumiban na
3. Paghahanda kaklase at pagsasaayos at
paghahanda sa loob ng silid aralan.

a. Pagtatamo:(Elicit)

“Sino sa inyo ang nakapunta na sa bansang


 Hayaan ang mga mag-aaral na manghula
Egypt? ng mga kasagutan. Tanggapin ang lahat
Anu-ano kaya ang mga mahahalagang ng sagot.
kasaysayan ng kanilang bansa?”
”Sa araw na ito ay lalakbayin natin ang
bansang Egypt at kilalanin natin ang kanilang
kultura”

151
Ipakita ang presentasyon  Tumawag ng mag-aaral na magbabasa sa
presentasyon.

“Kilala ang mga taga-Egypt sa


pagpapahalaga sa kamatayan ng tao. Ngunit
lingid sa kaalaman ng nakararami higit nilang
pinahahalagahan ang buhay, kaya maging sa
kamatayan ay nais nila itong ipagpatuloy. Ang
katibayan sa paniniwalang ito ay ang mga
sinaunang tulang nakuha sa mga kuweba ng
Egypt. Ang paksa at tema ng mga ito ay
pawang tungkol sa kanilang pagpapahalaga sa
karaniwang pamumuhay ng mga tao.

Ang Aralin 1.6 ay naglalaman ng tulang


lirikong pastoral ng Sinaunang taga-Egypt na
pinamagatang, “Ang Tinig ng Ligaw na
Gansa.”
Masusulyapan mo kung paano naghahangad
ng simpleng uri ng pamumuhay ang mga taga
Egypt na namumuhay sa sopistikadong
henerasyon.
Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay sa
pagpapahayag ng emosyon na magagamit sa
pagsulat ng tula batay sa sumusunod na
pamantayan:
a.) malinaw na mensahe,
b.) matalinghaga, at
c.) may kariktan.

Masasagot mo rin ang mga pokus na


tanong na: Paano mabisang maipahahayag
ang damdamin sa tula?

Gayundin, susuriin mo kung bakit


mahalagang unawain ang tulang lirikong
pastoral ng mga taga-Egypt?

152
Sa sumusunod na gawain, tutuklasin kung
ano na ang nalalaman mo tungkol sa tula at
tulang liriko upang sa gayo’y magabayan kita
sa pagtuklas kung bakit mahalagang unawain
ang tulang lirikong pastoral ng mga taga-
Egypt

b. Pakikipag-ugnayan ( Engage)

Ipagawa ang Gawain 1

GAWAIN 1: Lagyan ng tsek (a) ang


nagpapahayag ng katotohanan tungkol sa tula.
___salamin ng Buhay
___maaaring may sukat at tugma
___nahahati sa iba’t ibang kabanata
___binubuo ng mga taludtod at talata
___piling-pili ang mga salitang ginagamit
___ naglalaman ng masisidhing damdamin
____maikli lamang at nababasa sa isang
upuan
___ karaniwang nagsasalaysay ng mga
pangyayari
___ nagpapahayag ng katotohanan lamang
___ ginagamitan ng tayutay o
matatalinghagang pahayag

Magsagawa ng malayang talakayan upang  Ipawasto ang sagot ng mga mag-aaral


pag-usapan ang mga katotohanan tungkol
sa tula sa Gawain 1.

--Tatanggapin ang lahat ng sagot.

GAWAIN 2: Concept Web


Pumili ng mga salita mula sa kasunod na
kahon na may kaugnayan sa tulang liriko at
isulat ito sa concept web.
Ipaliwanag sa isa hanggang tatlong
pangungusap ang konseptong nabuo.
Sukat tugma korido trahedya  Mula sa mga salita, bubuo ang mga mag-
aaral ng katuturan ng tulang liriko.
awitin tula balagtasan pastoral
soneto epiko tanaga dalit
damdamin elehiya opinyon Oda

153
Bumuo ng sariling katuturan tungkol sa
tulang liriko mula sa nabuong concept web

Tulang Liriko-
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
Bumuo ng sariling katuturan tungkol sa
_____________________________________
tulang liriko mula sa nabuong concept web
_____________________________________
Tulang Liriko-
_____________________________________
____________________________________
_____________________________________ ____________________________________
Tanggapin lahat ng sagot Iproseso ang mga ____________________________________
____________________________________
sagot ng mga mag-aaral at ilalagay sa concept
____________________________________
web. ____________________________________

I-ugnay ang susunod na Gawain


Sabihing:
“Babasahin natin ang isang halimbawa ng
tulang liriko. Alalahanin ang nabuong
katuturan at iwasto sa pagpapatuloy ng ating
talakayan.”

B. –PANAHON NG TALAKAYAN

c. Paggalugad (Explore)

Magparinig ng isang awiting naglalarawan


ng isang simple at napakagandang lugar.

“Sa Libis ng Nayon”


Kahit sa gabing madilim s alibis ng nayon
Tagimtim nitong kudyapi ay isang himatan
Maligaya ang panahon sa lahat ng naroroon
Bawat puso’y tumutugon sa nilalayon

Puno ng kawayan ay naglangitngitan


Lalo na kung hipan ng hanging amihan
Ang katahimikan nitong kaparangan
154
Pinukaw na tunay nitong kasayahan

Kung ang hanap mo ay ligaya sa buhay Sa Libis ng Nayon


Sa libis ng nayon doon na manirahan
Taga-bukid man may gintong kalooban Suriin ang damdamin at mensahe ng awiting
Kayamanan ay dangal ng kabukiran napakinggan.
Ipasuri ang damdamin at mensahe ng awiting
--Ipasuri ang damdamin at mensahe ng napakinggan.

awiting napakinggan.
Damdamin Mensahe

Ipasagot sa mga mag-aaral ang tanong:


“ Kung ikaw ay susulat ng isang awitin, anong
paksa at damdamin ang nais mong ipahayag
dito?” Bakit?

d. Pagpapaliwanag: (Explain)

Tulang liriko Alam mo ba na...

Ang tulang liriko o tula ng damdamin ay puno


ng masisidhing damdamin ng tao tulad ng
pag-ibig, kalungkutan, kabiguan, kaligayahan,
tagumpay, at iba pa?
Maikli at payak ang uring ito ng tula.

Uri ng Tulang Liriko:


 Modyul ng Mag-aaral pahina 87-88.
a. Pastoral – ang salitang pastoral ay mula sa
salitang Latin na “pastor.” Pangkatang Gawin
Ang tulang pastoral ay hindi lamang tungkol
sa buhay ng isang pastol at pagpapastol. Ito ay
tulang pumapaksa at naglalarawan ng
simpleng paraan ng pamumuhay, pag-ibig, at  Ipabasa ang talakayan tungkol sa
iba pa. tulang liriko
Ang mga sopistikadong alagad ng sining ang  Ipatalakay sa mag-aaral ang
sumusulat ng tulang pastoral na nagpapalagay nilalaman ng binasa.
at dinarama ang katauhan ng isang simpleng
tao. Maaaring pag-aralan ang tulang pastoral
bilang:
a. isang alegorya na gumagamit ng
simbolismo.
b. panitikang nagbibigay ng pagkakataon sa

155
mga mambabasa na maranasan ang pagtakas
sa magulong buhay at madama pansamantala
ang malaya at walang kaguluhang buhay.
c. Paglagay ng komplikado sa simple

Sa Pilipinas ito’y tulang naglalahad ng buhay-


buhay sa bukid at pagpapahalaga sa gawain at
pamumuhay sa bukid.
Halimbawa: Halika sa Bukirin ni Milagro

b. Elehiya – Isang tula ng pamamanglaw na


madaling makilala ayon sa paksa, gaya ng
kalungkutan, kamatayan, at iba pa. Maaaring
ito’y pagdaramdam o kahapisan para sa isang
minamahal, pamimighati dahil sa isang yumao
o nag-aagaw-buhay pa lamang na dahil sa
kalungkutan ay nagnanais na ang
maliligayang sandali ay agad lumipas.
Halimbawa: Ang Pamana ni Jose Corazon de
Jesus
c. Soneto – tulang may labing-apat na
taludtod hinggil sa damdamin, kaisipan at
pananaw sa buhay ng tao, may malinaw na
kabatiran ng likas na pagkatao. Sa kabuuan,
ito’y naghahatid ng aral sa mambabasa.
Halimbawa: Soneto ng Buhay ni Fernando B.
Monleon
d. Oda – Nagpapahayag ng isang papuri,
panaghoy, o iba pang uri ng damdamin;
walang tiyak na bilang ng pantig o tiyak na
bilang ng taludtod sa isang saknong.
Nagpapahayag ang oda ng matayog na
damdamin at kaisipan ng makata. Sa
matandang panulaan, karaniwang ito’y isang
awit ng papuri patungkol sa mga pambihirang
nagawa ng isang dakilang tao, bansa o
anumang bagay (buhay man o patay) na
maaaring papurihan sa pamamagitan ng
pagtula. Halimbawa: Tumangis si Raquel
e. Awit – Ang karaniwang pinapaksa nito ay
may kinalaman sa pag-ibig, kabiguan,
kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot, at
kaligayahan. Tinatawag na kundiman na ayon
kay Jose Villa Panganiban ay isang awit
hinggil sa pag-ibig o palasintahan. Ito’y
nilalapatan ng tugtugin, karaniwang maikli at
punong-puno ng pagsamo at pagluhog sa
isang sinisinta. Halimbawa: May Isang
Pangarap ni Teodoro Gener f. Dalit – Noong
araw ito ay isang awitin patungkol sa

156
paglilingkod sa Diyos at pananampalataya.

Nabibilang din sa uring ito ang tula ng


pagmamahal at pagkalugod na ang layunin ay
pagdakila at pagpaparangal. Sa panahon ng
mga Espanyol ang dalitsamba at dalitbansa ay
itinuturing nang iisa dahil kilala ang dalawa sa
taguring dalit.
Ang dalitsamba ay patungkol sa Diyos,
samantalang ang dalitbansa ay pagpapahayag
ng pag-ibig at pagdakila sa bayan.
Halimbawa: Halika sa Bukirin ni Milagros
Macaraig

e. Pagpapalalim :(Elaborate)

Iproseso ang sagot ng mag-aaral sa


pamamagitan ng mga gabay na tanong:

1. Ano ang tula?


2. Paano naiiba ang tula sa iba pang uri ng
panitikan?
Pagkakaroon ng malayang talakayan
3. Paano nagkaka-iba iba ang apat na uri ng
tula ayon sa kaanyuan nito?

C.-PAGKATAPOS NG TALAKAYAN:

f. Pagtatataya: ( Evaluate)

PANUTO: Basahin ang mga halimbawa ng


tula sa bawat uri ng tulang liriko at suriin
batay sa mensahe at damdaming
ipinapahayag.

g.Pagpapalawig: (Extend)

Magsaliksik tungkol sa mga elemento ng tula.

IV-REPLEKSYON:
Pagninilay sa iyong mga istratehiya ng pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-
aaral sa bawat linggo. Paano mo ito naisakatuparan? Ano pang tulong ang maari mong gawin
upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maari mong itanong/Ilahad sa iyong superbisor sa
anumang tulong na maari nilang maibigay sa iyo sa inyong pagkikita.

157
A. Bilang ng mga-aaral na nakakuha ng 80% ____
B. Bilang ng mag-aaral na nabigyan ng karagdagang gawain bilang remedyal.
C. Naging makabuluhan baa ng ginawang remedial?
D. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha o nakaintindi sa aralin
E. Bilang ng mga mag-aaral na kailangan pang magpatuloy sa ginawang remedyal.
F. Alin sa mga istratehiyang ginamit ang mabisa? Bakit naging mabisa ito?
G. Ano-anong mga balakid ang naranasan at nabigyan ng solusyun sa tulong ng punongguro
at superbisor?
H.Ano-ano ang mga inobasyon/pagbabago o mga kagamitang panlokal ang ginamit na nais
Ibahagi sa iba pang mga guro?

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO-10


Darwin N. Esmalde/Claudia E. Ajan
Dagatkidavao Integrated School
Valencia National High School

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:

PANITIKAN: Ang Tinig ng Ligaw na Gansa (Tulang Liriko-Pastoral- Egypt)


Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
GRAMATIKA: Mga Hudyat sa Pagpapahayag ng Emosyon at Saloobin
( Padamdam na Pangungusap, Pahayag na Tiyakang Nagpapadama ng
Damdamin at Konstruksiyong Gramatikal)
.
PRODUKTO AT PAGGANAP:
Pagsulat ng sariling tula.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

2. F10PN-Ie-f-6 Pag-unawa sa Napakinggan


3. F10PS-le-f-67 Pagsasalita

MARKAHAN: Unang MarkahanLINGGO: Ika-anim na LinggoARAW: Ikalawa_

158
I- MGA LAYUNIN:

Pagkatapos ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nabibigyang reaksyon ang napakinggang damdamin na nakpaloob sa isang


tula o awit.
b. Nabibigyang puna ang bisa ng paggamit ng mga salitang nagpapahayag ng
matinding damdamin.
c. Naipahahayag sa tula ang positibong pananaw sa buhay.
II- NILALAMAN:

a. Paksa: Aralin 1.6 Ang Tinig ng Ligaw na Gansa (Tula mula sa Egypt)
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Mula sa Ingles na isinalin ni William Kelly Simpson
b. Integrasyon: - Music and Arts (MAPEH).Pagpapahalaga sa sining at
kultura ng isang bansa.

c. Estratehiya: Malayang Talakayan, Pangkatang Gawain


d. Kagamitan: Laptop, PowerPoint

e. Sanggunian: - Modyul ng Mag-aaral, pahina 88-91 at Gabay ng Guro pahina 31.

III- PAMAMARAAN:

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. -BAGO ANG TALAKAYAN


1. Pagdarasal
 Magdasal
2. Pagtsek ng atendans  pagtsek kung sino ang lumiban na
3. Paghahanda kaklase at pagsasaayos at
paghahanda sa loob ng silid aralan.
a. Pagtatamo:(Elicit)
Pagbabalik-aral sa mahalagang konseptong  Tumawag ng mga piling mag-aaral na
natutuhan sa aralin. magbahagi ng kanilang natutuhan.

b. Pakikipag-ugnayan ( Engage)
Ipabasa muli ang talakayan tungkol sa
elemento ng tula. Ipakita ang presentasyon
 Tumawag ng mag-aaral na babasa ng
Mga Elemento ng Tula
presentasyon.
1. Sukat – Ito’y bilang ng pantig sa bawat
taludtod. Ang isang taludtod ay karaniwang
may 8,12 at 16 na pantig o sukat.

159
Halimbawa:
Sukat: Lalabindalawahing pantig
Ako’y magsasakang bayani ng bukid
Sandata’y araro matapang sa init
Hindi natatakot kahit na sa lamig
 Hayaan ang mga mag-aaral na makisali
Sa buong maghapon gumagawang pilit.
sa talakayan.
2. Tugma – Ito’y ang pagkakasintunugan ng
mga salita sa huling pantig ng bawat taludtod.  Ipabigay ang mga mag-aaral ng mga
katanungan at reaksiyon tungkol sa
Maaaring ganito ang tugma ng hulihan: a-a-a-
tinalakay na kaalaman.
a, a-b-a-b, o kaya ay a-b-d-a.
Halimbawa: Tugmang a-a-a-a (magkatugma
lahat ng linya) Sa aking lupain doon
nagmumula
Lahat ng pagkain nitong ating bansa
Ang lahat ng tao, mayaman o dukkha
Sila’y umaasa sa pawis ko’t gawa.
3. Talinghaga – Ito’y ang matayog na
diwang ipinahihiwatig ng makata.
Ayon kay A. Abadilla, tugma at hindi tula
ang binasa kapag sa unang pagbasa ay
nauunawaan agad ang ibig sabihin.
Kailangang may naitatagong kahulugan sa
salita o pahayag. Dito kinakailangan ang
paggamit ng tayutay o matalinghagang mga
pahayag.
Halimbawa:
Nahuli sa pain, Ako’y umiyak
Ako’y hawak ng iyong pag-ibig
Hindi ako makaalpas
4. Kariktan – Ito’y ang malinaw at di-
malilimutang impresyon na nakikintal sa
isipan ng mambabasa.
Mahusay ang tula kapag may naibibigay na
impresyong mahirap mabura sa puso at isipan
160
ng bumabasa.
Mga Paraan sa Pagsulat ng Tula
1. Magmasid sa paligid, paglakbayin ang
imahinasyon at magbasa ng mga halimbawa
ng tula. Sa ganitong paraan, detalyado at
malinaw na mailalarawan ng makata ang
kaisipang nais niyang palutangin sa tula.
2. Lahat na ng paksa ay naitampok na sa tula
subalit nakasalalay pa rin sa makata ang
pagiging orihinal ng akdang kaniyang
isinusulat. Nagiging bago ang lumang paksa
sa pagbibigay ng makata ng bagong pananaw
tungkol dito. Ang pananaw na ito ay maaaring
batay sa sarili niyang karanasan, mga namasid
niya o bunga lamang ng kanyang makulay na
imahinasyon.
3. Ang tula ay siksik at nag-uumapaw sa
mensahe na ipinahahayag sa kakaunting salita
lamang. Magiging busog sa kahulugan at
malikhain ang pagpapahayag ng kaisipan
kung gagamitan ng tayutay (sinadyang
paglayo sa karaniwang paraan ng
pagpapahayag ng kaisipan) at
matatalinghagang pananalita.
4. Kailangang maging mapagparanas ang
isang tula upang mag-iwan ng kakintalan sa
mambabasa. Mapagparanas ang isang tula
kung ipinakikita at ipinadarama (nalalasahan,
naaamoy, naririnig) ng makata ang mensahe
ng kanyang akda hindi lamang niya ito
sinasabi. –
Mula sa Sulyap sa Panulaang Filipino,(Macaraig, 2004) at Panitikan
sa Pilipino 2 (Pandalubhasaan), (Gonzales, 1982)

b. Pakikipag-ugnayan ( Engage)
161
Pangkatang Gawin Modyul ng Mag-aaral pahina 89-91.

Ipabasa ang tulang “ Ang Tinig ng Ligaw


na Gangsa”

Naririto ang isang tulang nasulat noong


panahon ng Bagong Kaharian (1570-1085
B.C.) ng Sinaunang Egypt.
Ito ang panahon ng pagapapalawak ng Empire
ng Egypt at panahon ng napakasopistikadong
pag-usbong ng kultura nito.
Tuklasin mo kung bakit mahalagang unawain
ang tulang pastoral ng mga taga-Egypt na
nagpapakita ng pagnanais nila ng simpleng
buhay sa gitna ng komplikadong sitwasyon ng
kanilang panahon.

Ang tinig ng ligaw na gansa


nahuli sa pain, umiyak
Ako’y hawak ng iyong pag-ibig,
hindi ako makaalpas.

Lambat ko ay aking itatabi,


subalit kay ina’y anong masasabi?
Sa araw-araw ako’y umuuwi,
karga ang aking mga huli
Di ko inilagay ang bitag
sapagka’t sa pag-ibig mo’y nabihag.

Unang Pagbasa: Tahimik na pagbasa ng


Tula
Pagpapasagot sa Gawain 3

Hikayating makisali ang lahat sa talakayan

162
Mula sa mga damdaming ipinahayag sa
Gawain,ipabigay ang mga mag-aaral ng
sariling reaksyon.

 Pagkatapos sagutin ang Gawain, muling


balikan ang tula at halawin dito ang
kontekstuwal na kahulugan ng mga
salita.

Bigyan ninyo ng reaksyon ang mga


damdaming napapaloob sa tula:

Damdamin Reaksiyon

B. –PANAHON NG TALAKAYAN

c. Paggalugad (Explore)

Pangalawang Pagbasa:
Pagpapalapat ng himig ayon sa damdaming
nangingibabaw dito.

d. Pagpapaliwanag: (Explain)

Pahapyaw na talakayin ang mensaheng nais


ipahiwatig ng tula.

163
 Bigyan ang mga mag-aaral
ng pagkakataon na
ipaliwanag ang kanilang
sagot sa klase.
 Maglaan ng sampung minuto
para sa malayang talakayan, 5
minuto sa pagbubuod ng
sagot at kabuuang 15 minuto
para sap ag-uulat ng lahat ng
pangkat sa harap ng klase.

Hayaang magbigay ng karagdagang


paliwanag ang iba pang mga pangkat sa ulat
ng iba kung sa pa67lagay nila ito ay kulang o
may nakaligtaan. Iproseso ang sagot ng mga
mag-aaral.
 Tumawag ng mga piling
e. Pagpapalalim :(Elaborate) mag-aaral na sasagot

“ Suriin natin ang tula batay sa ginamit na


simbolismo at kung ano ang kahulugan nito.”

164
C.-PAGKATAPOS NG TALAKAYAN:

f. Pagtatataya: ( Evaluate)

Panuto:
Sa isang kalahating papel, sagutin ang mga
sumusunod na katanungan

1. Ano ang tinutukoy na komplikasyon ng


buhay sa tula?

2. Paano ipinakita sa tula ang simpleng


pananaw sa komplikasyon ng buhay?

3. Ano ang impresiyon o kakintalang naiwan


sa iyo pagkatapos mong mabasa ang tula?

4. Paano nakatutulong ang pagtingin sa iba’t


ibang pananaw o perspektibo ng tao sa buhay.

g.Pagpapalawig: (Extend)

Basahin ang tulang “Bayani sa Bukid” ni Al


Perez

IV-REPLEKSYON:

165
Pagninilay sa iyong mga istratehiya ng pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-
aaral sa bawat linggo. Paano mo ito naisakatuparan? Ano pang tulong ang maari mong gawin
upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maari mong itanong/Ilahad sa iyong superbisor sa
anumang tulong na maari nilang maibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng mga-aaral na nakakuha ng 80% ____
B. Bilang ng mag-aaral na nabigyan ng karagdagang gawain bilang remedyal.
C. Naging makabuluhan baa ng ginawang remedial?
D. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha o nakaintindi sa aralin
E. Bilang ng mga mag-aaral na kailangan pang magpatuloy sa ginawang remedyal.
F. Alin sa mga istratehiyang ginamit ang mabisa? Bakit naging mabisa ito?
G. Ano-anong mga balakid ang naranasan at nabigyan ng solusyun sa tulong ng punongguro
at superbisor?
H.Ano-ano ang mga inobasyon/pagbabago o mga kagamitang panlokal ang ginamit na nais
Ibahagi sa iba pang mga guro?

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO-10


Darwin N. Esmalde/Claudia E. Ajan
Dagatkidavao Integrated School
Valencia National High School

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:

166
PANITIKAN: Ang Tinig ng Ligaw na Gansa (Tulang Liriko-Pastoral- Egypt)
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
GRAMATIKA: Mga Hudyat sa Pagpapahayag ng Emosyon at Saloobin
( Padamdam na Pangungusap, Pahayag na Tiyakang Nagpapadama ng
Damdamin at Konstruksiyong Gramatikal)
.
PRODUKTO AT PAGGANAP:
Pagsulat ng sariling tula.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

1. F10PWG-Ie-f-60 ,Wika at Gramatika.

MARKAHAN: Unang Markahan LINGGO: Ika-apat ARAW: Ikatlong Araw_

I- MGA LAYUNIN:

Pagkatapos ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahang:

a.Nagagamit ang angkop na mga paraan ng pagpapahayag ng damdamin sa isang


tula.
b. Naipaliliwanag ang kabutihang naidudulot ng tapat na pagpapahayag ng
damdamin sa kapwa.
c. Naipahahayag sa tula ang positibong pananaw sa buhay.
II- NILALAMAN:

a. Paksa: Aralin 1.6 Ang Tinig ng Ligaw na Gansa (Tula mula sa Egypt)
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Mula sa Ingles na isinalin ni William Kelly Simpson

Mga Hudyat sa Pagpapahayag ng Emosyon at Saloobin


( Padamdam na Pangungusap, Pahayag na Tiyakang Nagpapadama
Ng Damdamin at Konstruksiyong Gramatikal)
b. Integrasyon: - Music and Arts (MAPEH).Pagpapahalaga sa sining at
kultura ng isang bansa.

c. Estratehiya: Malayang Talakayan, Pangkatang Gawain


d. Kagamitan: Laptop, PowerPoint

e. Sanggunian: - Modyul ng Mag-aaral, pahina 92-98 at Gabay ng Guro pahina 33-34,


III- PAMAMARAAN:

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. -BAGO ANG TALAKAYAN

167
1. Pagdarasal  Magdasal
 Pagtsek kung sino ang lumiban na
2. Pag-aatendans
kaklase at pagsasaayos at
3. Paghahanda paghahanda sa loob ng silid aralan.

a. Pagtatamo:(Elicit)
Sabihin ng guro Bayani ng Bukid
“ Pinapabasa ko sa inyo ang tungkol sa tulang ni: Alejandrino Q. Perez
“Bayani ng Bukid”, ngayon susuriin ninyo Ako’y magsasakang bayani ng bukid
Sandata’y araro matapang sa init
ang tula batay sa gabay na mga katanungan.” Hindi natatakot kahit na sa lamig
Sa buong maghapon gumagawang pilit.
Papangkatin ng guro ang mga mag-aaral sa
Ang kaibigan ko ay si Kalakian
limang pangkat upang sagutin ang mga
Laging nakahanda maging araw-araw
katanungan Sa pag-aararo at paglilinang
Upang maihanda ba ang lupang mayaman
Sagutin ang mga gabay na tanong.
Ang haring araw di pa sumisikat
1. Tungkol saan ang tula? Ako’y pupunta na sa napakalawak
2. Ano-ano ang simbolismong ginamit sa Na aking bukiring laging nasa hagap
At tanging pag-asa ng taong masipag.
tula?
3. Ano ang damdaming nangingibabaw sa Sa aking lupain doon nagmumula
tula? Lahat ng pagkain nitong ating bansa
4. Paano nagkakatulad o nagkakaiba ang Ang lahat ng tao, mayaman o dukkha
Sila’y umaasa sa pawis ko’t gawa.
mensahe ng tulang “Ang Tinig ng Gansa” sa
tulang ito? Sa aking paggawa ang tangi kong hangad
5. Ano ang masasalaming kultura ng mga Ang aki’y dumami ng para sa lahat
Kapag ang balana’y may pagkaing tiyak
Pilipino sa tulang “Bayani ng Bukid?”
Umaasa akong puso’y nagagalak.

At pagmasdan ninyo ang aking bakuran


Inyong makikita ang mga halaman
Dito nagmumula masarap na gulay
Paunang pampalakas sa ating katawan.

Sa aming paligid namamalas pa rin


Ang alagang hayop katulad ng kambing
Baboy, manok, pato’y alay ay pagkain
Nagdudulot lakas sa sariling atin.

168
Ako’y gumagawa sa bawat panahon
Na sa aking puso ang taos na layon
Na sa bawat tao, ako’y makatulong
At nang maiwasan ang pagkakagutom.

Ako’y magsasakang bayani ng bukid


Sandata’y araro matapang sa init
Hindi natatakot kahit na sa lamig
Sa buong maghapon gumagawang pilit. –
Mula sa Panitikan ng Pilipinas nina Pangiban at Panganiban. 1998

 Ipasuri sa mga mag-aaral ang tula batay


sa ibinigay na katanungan.

 Sagutin ng pangkat ang mga katanungan


 Ipabahagi ang kanilang kasagutan at
magkaroon ng malayang talakayan.
 Pag-usapan sa buong klase ang mga
kasagutang tinalakay.
 Hikayatin ang mga mag-aaral sa
paghahambing ng halimbawang pastoral
mula sa Egypt at sa Pilipinas.
 Gabayan ang mga mag-aaral sa
paghinuha ng damdaming ipinahihiwatig
sa bawat saknong ng tula.

169
b. Pakikipag-ugnayan ( Engage)
Sabihin ng guro:
“Iba’t iba ang damdamin ng mga tao. Sa
pagpapahayag ng damdamin nagiging
makulay ang alinmang akdang pampanitikan
kaya mahalagang malaman kung paano
mabisang maipahahayag ito. Republikang Basahan
ni Teodoro Agoncillo
Republika baga itong busabos ka ng
Basahin ang tula at pagtuunan ng pansin ang dayuhan?
damdaming nangingibabaw sa Ang tingin sa tanikala’y busilak ng
pamamagitan ng pagsagot sa gabay na tanong. kalayaan?
Kasarinlan baga itong ang bibig mo’y
Ipabasa ang tulang “ Republika ng Basahan”
nakasusi?
Ang mata mong nakadilat ay bulag na di
mawari,
Ang buhay mo’y walang patid na hibla ng
pagtataksil
Sa sarili, lipi’t angkan, sa bayan mong
dumarating!
Kalayaan! Republika! Ang bayani’y
dinudusta
Kalayaan pala itong mamatay nang abang-
aba!
Kasarinlan pala itong ni hindi mo masarili
Ang dangal ng tahanan mong ibo’t pugad ng
pagkasi.
Malaya ka, bakit hindi? Sa bitaya’n ikaw’y
manhik,
At magbigting mahinahon sa sarili na ring
lubid!
Kalayaan – ito pala’y mayron na ring
tinutubo
Sa puhunang dila’t laway, at hindi sa luha’t
dugo!
Humimbing kang mapayapa, mabuhay kang
nangangarap,
Sa ganyan lang mauulol ang sarili sa
magdamag.
Lumakad ka, hilain mo ang kadenang may
kalansing,
Na sa taynga ng busabos ay musikang
naglalambing!
Limutin mo ang nagdaan, ang sarili ay
taglayin,
Subalit ang iniisip ay huwag mong
bibigkasin!
Magsanay ka sa pagpukpok, sa pagpala at
paghukay,
Pagkat ikaw ang gagawa ng kabaong kung

170
mamatay
Purihin mo ang bayaning may dalisay na
adhika,
Ngunit huwag paparisan ang kanilang gawi’t
gawa
Republika na nga itong ang sa inyo’y hindi
iyo,
Timawa ka at dayuhan sa lupain at bayan
mo!
Kalayaan! Malaya ka, oo na nga, bakit
hindi?
Sa patak ng iyong luha’y malaya kang
mamighati!
Sa simoy ng mga hangin sa parang at mga
bundok,
Palasapin mo ang sukal ng loob mong
kumikirot.
Kasarinlan! Republika! Kayo baga’y
nauulol,
Ang inyong kalayaa’y tabla na rin ng
kabaong?
Bawat hakbang na gawin mo sa templo ng
kalayaan
Ay hakbang na papalapit sa bunganga ng
libingan!
Republika! Kasarinlan! Mandi’y hindi
nadarama,
Ang paglaya’y sa matapang at sa kanyon
bumubuga!
Ang paglaya’y nakukuha sa tulis ng isang
sibat,
Ang tabak ay tumatalim sa pingki ng
kapuwa tabak
Ang paglaya’y isang tining ng nagsamang
dugo’t luha,
Sa saro ng kagitinga’y bayani lang ang
tutungga.
Bawat sinag ng paglayang sa karimlan ay
habulin,
Isang punyal sa dibdib mo, isang kislap ng
patalim!
- Mula sa Panitikan ng Pilipinas nina Pangiban at
Panganiban. 1998

171
Sagutin ang mga gabay na tanong.
Isulat ito sa sagutang papel. Pagbabasa ng presentasyon

1.Bakit hindi tunay ang pagkamit ng kalayaan


ng bansa ayon sa may-akda?
2.Paano makakamit ang tunay na kalayaan
ayon sa tula?
3.Magtala ng lima hanggang sampung
taludtod o saknong ng tula na nagpapah
nagpapahayag ng iba’t ibang damdamin. .

Gamitin ang kasunod na pormat sa


pagtalakay ng iyong sagot.

Ano ang naramdaman mo pagkatapos basahin


ang tula?
5.Paano ipinahayag ng makata ang damdamin
sa tula?
6.Naging mabisa ba ito? Ipaliwanag

B. –PANAHON NG TALAKAYAN

c. Paggalugad (Explore)

Alam mo ba na...

Ang wika ay hindi lamang instrumento sa


pagpapahayag ng kaisipan kundi ng saloobin,
gawi at paniniwala.
Sa pamamagitan nito’y naipahahayag natin
ang nadarama natin sa ating kapwa.

Ito ay ang mga sumusunod

Pagpapahayag ng Emosyon

Maraming paraan ng pagpapahayag ng


emosyon o damdamin sa wikang Filipino,
kabilang ang sumusunod:
1. Isang paraaan ang paggamit ng padamdam
na pangungusap sa pagpapahayag ng
matinding damdamin.
Ginagamit sa pangungusap na ito ang bantas
na padamdam (!), at kung minsa’y ang bantas
na patanong (?) tulad ng sumusunod:
a. Paghanga: Wow! Perfect ang iskor
mo.Naks! Ganda! Bilib ako!
b. Pagkagulat: Ha? Nakakahiya.Inay!
Naku po!
 Hikayating makisali ang

172
c. Pagkatuwa: Yahoo! Pasado ako, Yehey! lahat.
Yipee!
d. Pag-asa: Harinawa, Sana sumama ka sa
group study namin.
e. Pagkainis/Pagkagalit: Bagsak ako!
Kakainis!
Ginagamit din kung minsan ang
panandang pananong (?) sa pagpapahayag
ng damdamin lalo na kung ito ay may
halong pagtataka. Maaaring samahan ang
mga ito ng parirala o sugnay na tumitiyak
sa emosyong nadarama.

Gaya nito:
a. Paghanga: Wow, ang ganda n’yan, a!
b. Pagkagulat: O, ikaw pala!
c. Pagkalungkot: Naku, kawawa naman
siya!
d. Pagtataka: Siyanga? Totoo bang sinabi
mo?
e. Pagkatuwa: Yipee! Matutuwa si
Mommmy.
f. Pagkagalit/ Pagkainis: Hmmpp!
Nakaiinis ka!
g. Pag-asa: Naku, sana nga’y makapasa ka
na!
2. Isa ring paraan ang paggamit ng
pahayag na tiyakang nagpadama ng
damdamin at/ o saloobin ng nagsasalita.
Ngunit mahuhulaang hindi masyadong
matindi ang damdaming inihahayag sa
ganitong paraan.
Pansinin ding ginagamitan ng tuldok ang
mga pahayag, bagaman maaari ring
gamitan ng padamdam ang bawat isa
upang makapaghudyat ng mas matinding
damdamin.

a. Pagtanggi: Dinaramdam ko, hindi na ako


lalahok sa paligsahan.
b. Pagkasiya: Mabuti naman at narito na
kayo.
c. Pagtataka: Hindi ako makapaniwala.
Ngayon ko lang narinig ang
balitang iyan.
d. Pagkainis: Nakabubuwisit talaga ang
kinalabasan ng pagsusulit.

173
3. Maihahayag din ang iba pang emosyon
sa tulong ng sumusunod na konstruksiyong
gramatikal: • Paggamit ng mga padamdam
na pahayag na karaniwang binubuo ng
pariralang nominal o adjectival.

a. Ang ganda ng tulang iyan!


b. Nakakapanggigil talaga ang alaga mong
aso!
c. Ang ilap ng gansa!

•Paggamit ng mga ekspresiyong


karaniwang nagpapahiwatig ng antas ng
kasukdulan o kasobrahan.
a. Napakakulit ng lalaking mangingibig!
b. Sobrang bait ng mag-aaral.
c. Ang ganda-ganda niya!
d. Talagang gulat na gulat si Arvyl.

Pangkatin ang klase sa siyam. Ang bawat


pangkat ay bubuo ng halimbawang
pangungusap ayon sa paraan ng paggamit ng
wika sa pagpapahayag ng emosyon, Ang guro
ang magbibigay ng damdamin at ang mag-
aaral ang magpapahayag nito ayon sa paraang
iniaatas sa kanila.

d. Pagpapaliwanag: (Explain)

Ipasagot ang mga pagsasanay at ibabatay sa


pagpapaliwanag ng mga kaalamang hindi
masyadong naunawaan ng mga mag-aaral.

Ipasagot ang pagsasanay 1

Isa isahing ipaliwanag ng guro ang kaugnayan


ng pangungusap sa damdaming nais ipahayag
at ang ginamit na paraan sa pagpapahayag.

174
e. Pagpapalalim :(Elaborate)

Pagsasanay 2:
Narito ang iyong pagkakataong
maipahayag ang iyong saloobin. Bumuo ng
isang pangungusap na nagpapahayag ng
iyong damdamin sa sumusunod na mga
katauhan. Ipahayag ang pangungusap na
tila kausap mo sila. Gumamit ng iba’t
ibang paraan ng pagpapahayag ng
damdamin.
1. Taong lihim na hinahangaan:________
2. Nakilalang may mabigat na suliranin: ____
3. Taong nais hingan ng paumanhin: _______
4. Kaklase na hinahangaan mo dahil sa
kanyang kabutihan: _______
5. Pangulo ng Pilipinas;_____________

C.-PAGKATAPOS NG TALAKAYAN:

f. Pagtatataya: ( Evaluate)

Pagsasanay 3:
Sumulat ng isang text message na
magpapanumbalik ng pag-asa sa iyong
kaibigan, kaklase o kakilalang may
pinagdaraanang suliranin.
Sikaping ipahayag sa mensahe ang positibong
pananaw sa buhay upang magpatuloy siyang
harapin ito. Maaaring patula o tuluyan ang
isusulat na mensahe.
Isulat sa sagutang papel o maaaring ipadala sa
iyong guro sa pamamagitan ng pagtext.

g.Pagpapalawig: (Extend)

Sagutin ang mga sumusunod na


katanungan:
1. Paano naiiba ang pastoral sa iba pang uri
ng tulang liriko?
2. Bakit mahalagang maipahayag ng tao ang
kaniyang damdamin sa kapwa?
3. Paano nakatutulong ang pagbabasa ng
tulang pastoral sa mambabasa ?
4. Bakit mahalagang unawain ang tulang
lirikong pastoral ng mga taga-Egypt?
5. Paano mabisang maipahahayag ang
damdamin sa tula?

IV-REPLEKSYON:

175
Pagninilay sa iyong mga istratehiya ng pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-
aaral sa bawat linggo. Paano mo ito naisakatuparan? Ano pang tulong ang maari mong gawin
upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maari mong itanong/Ilahad sa iyong superbisor sa
anumang tulong na maari nilang maibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng mga-aaral na nakakuha ng 80% ____
B. Bilang ng mag-aaral na nabigyan ng karagdagang gawain bilang remedyal.
C. Naging makabuluhan baa ng ginawang remedial?
D. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha o nakaintindi sa aralin
E. Bilang ng mga mag-aaral na kailangan pang magpatuloy sa ginawang remedyal.
F. Alin sa mga istratehiyang ginamit ang mabisa? Bakit naging mabisa ito?
G. Ano-anong mga balakid ang naranasan at nabigyan ng solusyun sa tulong ng punongguro
at superbisor?
H.Ano-ano ang mga inobasyon/pagbabago o mga kagamitang panlokal ang ginamit na nais
Ibahagi sa iba pang mga guro?

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO-10


Darwin N. Esmalde/Claudia E. Ajan
176
Dagatkidavao Integrated School
Valencia National High School

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:

PANITIKAN: Ang Tinig ng Ligaw na Gansa (Tulang Liriko-Pastoral- Egypt)


Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
GRAMATIKA: Mga Hudyat sa Pagpapahayag ng Emosyon at Saloobin
( Padamdam na Pangungusap, Pahayag na Tiyakang Nagpapadama ng
Damdamin at Konstruksiyong Gramatikal)
.
PRODUKTO AT PAGGANAP:

Pagsulat ng sariling tula.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

1. F10PWG-Ie-f-60 ,Wika at Gramatika.


2. F10PU-Ie-f-67 Pagsulat

MARKAHAN: Unang Markahan LINGGO: Ika-anim ARAW: Ikaapat na


Araw_

I- MGA LAYUNIN:

Pagkatapos ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nagagamit ang angkop na mga paraan ng pagpapahayag ng damdamin sa isang tula.


b. Naipaliliwanag ang kabutihang naidudulot ng tapat na pagpapahayag ng damdamin sa
kapwa.
c. Nakasusulat ng tulang pandamdamin na nagpapahayag ng positibong pananaw
sa buhay sa likod ng pagiging masalimoot nimo.
II- NILALAMAN:

a. Paksa: Aralin 1.6 Ang Tinig ng Ligaw na Gansa (Tula mula sa Egypt)
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Mula sa Ingles na isinalin ni William Kelly Simpson
b. Integrasyon: - Music and Arts (MAPEH).Pagpapahalaga sa sining at kultura ng isang
bansa.
c. Estratehiya: Malayang Talakayan, Pangkatang Gawain
d. Kagamitan: Laptop, PowerPoint

e. Sanggunian: - Modyul ng Mag-aaral, pahina 92-98 at Gabay ng Guro pahina 33-34,

III- PAMAMARAAN:

177
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. -BAGO ANG TALAKAYAN


1. Pagdarasal
 Magdasal
2. Pag-aatendans  Pagtsek kung sino ang lumiban na
3. Paghahanda kaklase at pagsasaayos at
paghahanda sa loob ng silid aralan.
c. Pagtatamo:(Elicit)
Sabihin ng guro
“ Sagutin natin ang mga katanungan na
 Magbahagi ang bawat pangkat ng
ibinigay ko bilang takdang aralin.”
kanilang mga kasagutan
1. Paano naiiba ang pastoral sa iba pang uri ng Pangkat 1- unang tanong
tulang liriko? Pangkat 2-ikalawang tanong
Pangkat 3-ikatlong tanong
2. Bakit mahalagang maipahayag ng tao ang
Pangkat 4-ikaapat na tanong
kaniyang damdamin sa kapwa? Pangkat 5-ikalimang tanong
3. Paano nakatutulong ang pagbabasa ng
tulang pastoral sa mambabasa ?
4. Bakit mahalagang unawain ang tulang
lirikong pastoral ng mga taga-Egypt?
5. Paano mabisang maipahahayag ang
damdamin sa tula?
Pagkatapos ng pakikipagpalitan ng sagot at
tanong sa kaklase, bumuo ng sintesis
tungkol sa mga natutuhan sa buong aralin.
Talakayin ang sagot sa tulong ng kasunod
na grapikong presentasyon

c. Pakikipag-ugnayan ( Engage)
Sabihin ng guro:

178
“May natutunan na kayo tungkol sa tulang
pastoral at ang mga pahayag na naghuhudyat Hayaan ng mga mag-aaral na magbigay ng
mga katanungan,pagpapalinaw sa mga hindi
ng damdamin kaya napagtanto kung handa na
masyadong nintidihan.
kayo para makasulat ng isang tula batay sa
mga pamantayan.”
Ipakita ng guro ang pamantayan sa
pamamagitan ng presentasyon ng power
point..
B. –PANAHON NG TALAKAYAN

c. Paggalugad (Explore)

Bago magpaliwanag ang guro sa mga


patakaran sa pagsulat ng awitin, tiyakin muna
niyang handa na ang mga mag-aaral

d. Pagpapaliwanag: (Explain)

Ipaliwanag ng guro ang Gawain at ang mga


kaukulang puntos.

e. Pagpapalalim :(Elaborate)
Pagbibigay ng guro ng mga komento o
feedback tungkol sa ginawang tula ng mga
mag-aaral.

C.-PAGKATAPOS NG TALAKAYAN:

179
f. Pagtatataya: ( Evaluate)

Pagtsek ng mga ginawang tula ng mga mag-


aaral.

g.Pagpapalawig: (Extend)

Magsaliksik tungkol sa epiko ni Gilgamesh



Modyul ng Mag-aaral pahina 91-95.

IV-REPLEKSYON:
Pagninilay sa iyong mga istratehiya ng pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-
aaral sa bawat linggo. Paano mo ito naisakatuparan? Ano pang tulong ang maari mong gawin
upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maari mong itanong/Ilahad sa iyong superbisor sa
anumang tulong na maari nilang maibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng mga-aaral na nakakuha ng 80% ____
B. Bilang ng mag-aaral na nabigyan ng karagdagang gawain bilang remedyal.
C. Naging makabuluhan baa ng ginawang remedial?
D. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha o nakaintindi sa aralin
E. Bilang ng mga mag-aaral na kailangan pang magpatuloy sa ginawang remedyal.
F. Alin sa mga istratehiyang ginamit ang mabisa? Bakit naging mabisa ito?
G. Ano-anong mga balakid ang naranasan at nabigyan ng solusyun sa tulong ng punongguro
at superbisor?
H.Ano-ano ang mga inobasyon/pagbabago o mga kagamitang panlokal ang ginamit na nais
Ibahagi sa iba pang mga guro?

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO10


Marcel Gabini Cumlat
Valencia National High School

180
PAMANRAYANG PANGNILALALMAN:
PANITIKAN: A. Panitikan: Epiko ni Gilgamesh, Epiko mula sa Mesopotamia
Salin sa Ingles ni N.K. Sandars
Saling-buod sa Filipino ni Cristina S. Chioco B.
Gramatika at Retorika: Mga Pananda sa Mabisang Paglalahad ng Pahayag

PRODUKTO AT PAGGANAP:
Pagtatanghal ng Chamber Theater

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
F10PN-Ii-j-68-Naibabahagi ang sariling opinyon o pananaw batay sa napakinggan.

Markahan: Una ng Markahan Linggo: Ikapito Araw: Unang Araw

I.LAYUNIN:
Sa katapusan ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nahihinuha kung bakit itinuturing na bayani sa kanilang lugar at
kapanahunan ang piling tauhan sa epiko batay sa napakinggang di-inihandang
talumpati.

II. NILALAMAN:
a. Paksa: PANITIKAN: Ang Epiko ni Gilgamesh (Epiko - Egypt) ni N.K. Sandars
(Isinalin sa Filipino ni Cristina S. Chioco)
b. Pagsasama-sama: Araling Panlipunan(AP).Kasaysayan ng Mesopotamia.
c. Estratehiyan: Active Learning
d. Kagamitan: Netbook, Powerpoint
e. Sanggunian: Modyul para sa mga Mag-aaral pahina 101-106

III. PAMAMARAAN:

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. BAGO ANG TALAKAYAN

1. Panimulang Dasal  Manalangin tayo.

181
2. Pagtatala ng mga lumiban sa klase.  Pagtala sa dumalo ng klase at
3. Paghahanda sa silid aralan pagasasaayos sa loob ng silid.
.

a.Pagtatamo: (Elicit)

Tutukuyin ng guro kung ano ang  Ano ang Epiko?


nalalaman ng mga mag-aaral tungkol sa  Ano ang kahalagahan ng epiko sa
Epiko. Pagkatapos ay magkakaroon ng literaturang Filipino?
pagtatalakay tungkol dito
 Ang mga mag-aaral ay magbabahagi ng
kanilang nalalaman tungkol sa epiko.

Ipagawa ang Gawain 1.” Hanapin Mo”


Kolum A Kolum B Kolum C
Pamagat ng Pangunahing Supernatural
GAWAIN 1: Hanapin Mo. Suriin ang
Epiko Tauhan na
sumusunod na epiko sa
kapangyarihan
Kolum A. Tukuyin kung sino ang
1.
pangunahing tauhan ng mga ito at isulat
Indarapatra
sa Kolum B. Alamin din kung ano ang
at
supernatural na kapangyarihan nito at
Sulayman
isulat sa Kolum C.
2. Ibalon
3. Tuwaang
4. Illiad at
Odyssey
5. Divine
Comedy
6. Song of
Roland

b.Pakikpag-ugnayan: (Engage)
“Sa sumusunod na gawain, alamin natin
kung gaano na kalawak ang inyong
kaalaman sa kultura ng iba’t ibang lugar
na pinagmulan ng mga Epiko”  Sagutin ang isang mahalagang tanong sa
pangkat. Pagkatapos ay ibahagi sa klase
ang sagot na nabuo
 Anong kultura ang masasalamin sa
epiko na kasalukuyang maaaninag sa
lugar na pinagmulan niito?

B. PANAHON NG TALAKAYAN
c. Paggalugad (Explore):

182
 Ang pag-aaralang epiko ay mula sa
“Tanong Ko, Sagot Mo” Mesopotamia. Ito ay kinikilala bilang
kaunaunahang dakilang likha ng
Sabihin sa mga mag-aaral na ang pag- panitikan.
aaralang epiko ay mula sa Mesopotamia.  Basahin at talakayin rin ang kasaysayan
Ito ay kinikilala bilang kaunaunahang ng Mesopotamia upang mapalawak ang
dakilang likha ng panitikan. Upang lalo pag unawa.Pagkatapos sagutin ang
nila itong maunawaan ay ipababasa ang mga tanong para sa paglilinaw
Kasaysayan ng Epiko. Talakayin rin ang
kasaysayan ng Mesopotamia ng bahagya  “Lahat ba ng tauhan ng epiko ay may
upang mapalawak ang pag unawa. supernatural na kapangyarihang
taglay?” Magkaroon ng malayang
talakayan tungkol ditto
 Bakit itinuturing na bayani sa kanilang
lugar at kapanahunan ang piling tauhan
sa epiko?

 Basahin nang masining ang epikong


nagmula sa Gilgamesh.
d. Pagpapaliwanag: (Explain)  Dugtungan ang paraan ng pagbabasa
kaya’t makisama para sa maunlad na
 Pangkatin ang mga mag-aaral sa pagbasa nito.
dalawa. Ipabasa nang dugtungan
ang epiko. Mula sa Epiko ni Gilgamesh
salin sa Ingles ni N.K. Sandars
 Basahin ng guro ang unang talata saling-buod sa Filipino ni Cristina S. Chioco
sa paraang masining upang
tularan ng mga mag-aaral. Mga Tauhan:

Anu - Diyos ng kalangitan; ang Diyos Ama


Ea - Diyos ng karunungan; kaibigan ng mga
tao
Enkido - Kaibigan ni Gilgamesh; matapang
na tao na nilikha mula sa luwad
Enlil - Diyos ng hangin at ng mundo
Gilgamesh - Hari ng Uruk at ang bayani ng
epiko
Ishtar - Diyosa ng pag-ibig at digmaan; ang
reyna ng mundo
Ninurta - Diyos ng digmaan at pag-aalitan
Shamash - Diyos na may kaugnayan sa araw
at sa mga batas ng tao
Siduri - Diyosa ng alak at mga inumin
Urshanabi - Mamamangkang naglalakbay
araw-araw sa dagat ng kamatayan
patungo sa tahanan ng Utnapishtim
Utnapishtim - Iniligtas ng mga diyos mula sa
malaking baha upang sirain ang mga
tao; binigyan ng mga diyos ng buhay na
walang hanggan.

183
1. Nagsimula ang epiko sa pagpapakilala kay
Gilgamesh, ang hari ng lungsod ng Uruk,
na ang dalawang katlo ng pagkatao ay diyos
at ang sangkatlo ay tao. Matipuno,
matapang at makapangyarihan. Ngunit
mayabang siya at abusado sa kaniyang
kapangyarihan. Dahil sa kaniyang pang-
aabuso, patuloy na nananalangin ang
kaniyang mga nasasakupan na nawa’y
makalaya sila sa kaniya.

2. Tinugon ng diyos ang kanilang dasal.


Nagpadala ito ng isang taong kasinlakas ni
Gilgamesh, si Enkido, na lumaking kasama
ng mga hayop sa kagubatan. Nagpang-amok
ang dalawa nang sila ay magkita. Nanalo si
Gilgamesh. Ngunit sa bandang huli ay
naging matalik na magkaibigan sila. Di
naglaon ay naging kasa-kasama na ni
Gilgamesh si Enkido sa kaniyang mga
pakikipaglaban. Una, pinatay nila si
Humbaba, ang demonyong nagbabantay sa
kagubatan ng Cedar. Pinatag nila ang
kagubatan. Nang tangkain nilang siraan ang
diyosang si Ishtar, na nagpahayag ng
pagnanasa kay Gilgamesh, ipinadala nito
ang toro ng Kalangitan upang wasakin ang
kalupaang pinatag nila bilang parusa.
Nagapi nina Gilgamesh at Enkido ang toro
. Hindi pinahintulutan ng mga diyos ang
kanilang kawalan ng paggalang kaya
itinakda nilang dapat mamatay ang isa sa
kanila, at iyon ay si Enkido na namatay sa
matinding karamdaman.

3. Habang nakaratay si Enkido dahil sa


matinding karamdaman, sa sama ng loob ay
nasabi niya sa kaniyang kaibigan ang
ganito: “Ako ang pumutol sa punong Cedar,
ako ang nagpatag ng kagubatan, ako ang
nakapatay kay Humbaba, at ngayon, tingnan
mo kung ano ang nangyari sa akin. Makinig
ka kaibigan, nanaginip ako noong isang gabi.
Nagngangalit ang kalangitan at sinagot ito
ng galit din ng sangkalupaan. Sa pagitan ng
dalawang ito ay nakatayo ako at sa harap ng

184
isang taong ibon. Malungkot ang kaniyang
mukha, at sinabi niya sa akin ang kaniyang
layon. Mukha siyang bampira, ang kaniyang
mga paa ay parang sa leon, ang kaniyang
mga kamay ay kasintalim ng kuko ng agila.
Sinunggaban niya ako, sinabunutan, at
kinubabawan kaya ako ay nabuwal. Pagkatapos
ay ginawa niyang pakpak ang aking mga
kamay. Humarap siya sa akin at inilayo sa
palasyo ni Irkalla, ang Reyna ng Kadiliman,
patungo sa bahay na ang sinumang mapunta
roon ay hindi na makababalik.

4. Sa bahay kung saan ang mga tao ay nakaupo


sa kadiliman, alikabok ang kanilang kinakain at
luad ang kanilang karne. Ang damit nila’y
parang mga ibon na ang pakpak ang tumatakip
sa kanilang katawan, hindi sila nakakikita ng
liwanag, kundi pawang kadiliman. Pumasok
ako sa bahay na maalikabok, at nakita ko ang
dating mga hari ng sandaigdigan na inalisan ng
korona habang buhay, mga makapangyarihan,
mga prinsipeng naghari sa mga nagdaang
panahon. Sila na minsa’y naging mga diyos
tulad nina Anu at Enlil ay mga alipin ngayon
na tagadala na lamang ng mga karne at
tagasalok ng tubig sa bahay na maalikabok.
Naroon din ang mga nakatataas na pari at ang
kanilang mga sakristan. May mga tagapagsilbi
sa templo, at nandun si Etana, ang hari ng
Kish, na minsa’y inilipad ng agila sa
kalangitan. Nakita ko rin si Samugan, ang hari
ng mga tupa, naroon din si Ereshkigal, ang
Reyna ng Kalaliman, at si Belit-Sheri na
nakayuko sa harapan niya, ang tagatala ng mga
diyos at tagapag-ingat ng aklat ng mga patay.
Kinuha niya ang talaan, tumingin sa akin at
nagtanong: “Sino ang nagdala sa iyo rito?
Nagising akong maputlang-maputla,
naguguluhan, tila nag-iisang tinatahak ang
kagubatan at takot na takot”.

5. Pinunit ni Gilgamesh ang kaniyang damit, at


pinunasan niya ang kaniyang luha. Umiyak
siya nang umiyak. Sinabi niya kay Enkido,
“Sino sa mga makapangyarihan sa Uruk ang
may ganitong karunungan? Maraming di-
kapani-paniwalang pangyayari ang nahayag.
Bakit ganyan ang nilalaman ng iyong puso?

185
Hindi kapanipaniwala at nakatatakot na
panaginip. Kailangan itong paniwalaan
bagaman ito’y nagdudulot ng katatakutan,
sapagkat ito’y nagpapahayag na ang matinding
kalungkutan ay maaaring dumating kahit sa
isang napakalusog mang tao, na ang katapusan
ng tao ay paghihinagpis.” At nagluksa si
Gilgamesh. “Mananalangin ako sa mga
dakilang diyos dahil ginamit niya ang aking
kaibigan upang mahayag ang kasasapitan ng
sinoman sa pamamagitan ng panaginip.”

6. Natapos ang panaginip ni Enkido at


nakaratay pa rin siya sa karamdaman. Araw-
araw ay palala nang palala ang kaniyang
karamdaman. Sinabi niya kay Gilgamesh,
“Minsan ay binigyan mo ako ng buhay, ngayon
ay wala na ako kahit na ano.” Sa ikatlong araw
ng kaniyang pagkakaratay ay tinawag ni
Enkido si Gilgamesh upang siya’y itayo.
Mahinang-mahina na siya, at ang kaniyang
mga mata ay halos di na makakita sa kaiiyak.
Inabot pa ng sampung araw ang kaniyang
pagdadalamhati hanggang labindalawang araw.
Tinawag niya si Gilgamesh, “Kaibigan,
pinarusahan ako ng mga dakilang diyos at
mamamatay akong kahiyahiya. Hindi ako
mamamatay tulad ng mga namatay sa labanan;
natatakot akong mamatay, ngunit maligaya ang
taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa
katulad kong nakahihiya ang pagkamatay.”
Iniyakan ni Gilgamesh ang kaniyang kaibigan.

7. Pinagluksa ni Gilgamesh ang pagkamatay ng


kaniyang kaibigan sa loob ng pitong araw at
gabi. Sa huli, pinagpatayo niya ito ng estatwa
sa tulong ng kaniyang mga tao bilang alaala.

 Tukuyin ang mga kulturang maaaninag


sa binasa at ipliwanag ang pagkakatulad
at pagkakaiba nito.
e.Pagpapalalim : (Elaborate)
 “Pagbabahagi”Patunayan ang
pagkakaiba at pagkakatulad ng
mga epiko ay nakasalig sa uri ng
kultura ng bansang pinagmulan
nito at ang bawat tauhan ng epiko
ay nagtataglay ng supernatural na  Sagutin ang mga mahahahalagang
kapangyarihan. tanong sa isang ikaaapat na papel.

186
PAGSASAMA-SAMA:
Edukasyon sa Pagpapakatao  Bakit ang mga tauhan ba sa epiko ay
:Ipasagot sa mga mag-aaral ang nagtataglay ng supernatural na
mahahalagang tanong sa panitikan. kapangyarihan?
 Ano ang katangian mo na maituturing
C. PAGKATAPOS NG sa mundo na kapangyarihan ng tao?
TALAKAYAN:
f. Pagtataya: (Evaluate)
 Tutukuyin ng mga mag-aaral ang
pangunahing tauhan ng epiko. Punan ng tamang impormasyon ang kahon.
Aalamin din nila ang
supernatural na kapangyarihang Maga tauhan Supernatural na
taglay ng bawat isa. Magsagawa Kapangyarihan
ng malayang talakayan tungkol 1.
sa mga ito. Hayaang magbahagi 2.
ang mga mag-aaral ng kanilang 3.
4.
mga sagot.
5.

g. Pagpapalawig: (Extend)
Ang mga mag-aaral ay magsasagawa ng
pananaliksik tungkol sa taglay na
supernatural na kapangyarihan ng mga
tauhan sa epiko.

IV-REPLEKSYON:
Pagninilay sa iyong mga istratehiya ng pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-
aaral sa bawat linggo. Paano mo ito naisakatuparan? Ano pang tulong ang maari mong gawin
upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maari mong itanong/Ilahad sa iyong superbisor sa
anumang tulong na maari nilang maibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng mga-aaral na nakakuha ng 80% ____
B. Bilang ng mag-aaral na nabigyan ng karagdagang gawain bilang remedyal.
C. Naging makabuluhan baa ng ginawang remedial?
D. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha o nakaintindi sa aralin
E. Bilang ng mga mag-aaral na kailangan pang magpatuloy sa ginawang remedyal.
F. Alin sa mga istratehiyang ginamit ang mabisa? Bakit naging mabisa ito?
G. Ano-anong mga balakid ang naranasan at nabigyan ng solusyun sa tulong ng punongguro
at superbisor?
H.Ano-ano ang mga inobasyon/pagbabago o mga kagamitang panlokal ang ginamit na nais
Ibahagi sa iba pang mga guro?

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO10


Marcel Gabini Cumlat
Valencia National High School

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
PANITIKAN: A. Panitikan: Epiko ni Gilgamesh, Epiko mula sa Mesopotamia

187
Salin sa Ingles ni N.K. Sandars
Saling-buod sa Filipino ni Cristina S. Chioco B.
Gramatika at Retorika: Mga Pananda sa Mabisang Paglalahad ng Pahayag

PRODUKTO AT PAGGANAP:
Pagtatanghal ng Chamber Theater

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
F10PB-Ii-j-69- Nabubuod sa isang critique ang sariling panunuri ng alinmang akdang
Mideterranean.

MARKAHAN: Unang Markahan LINGGO: Ikapito ARAW: Ikalawang


Araw

I.MGA LAYUNIN:
Sa katapusan ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naibabahagi ang sariling interpretasyon kung bakit dumaranas ng iba’t ibang suliranin ang
pangunahing tauhan sa epiko.
2. Nailalahad ang pagkakaiba at pagkakatulad ang mga epiko
3. Napatutunayang ang mga tauhan sa epiko ay nagtataglay ng supernatural na kapangyarihan
II Nilalaman:
a. Paksa: PANITIKAN: Ang Epiko ni Gilgamesh (Epiko - Egypt) ni N.K. Sandars
(Isinalin sa Filipino ni Cristina S. Chioco)
b. Pagsasama-sama: Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP).Paghinuha sa impak ng ating paraan
ng pagpapahayag ng damdamin tungo sa ibang tao.
c. Estratehiyan: Active Learning
d. Kagamitan: Netbook, Powerpoint
e. Sanggunian: Modyul para sa Mag-aaral, pahina 108

III.PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. BAGO ANG TALAKAYAN  Manalangin tayo.
 Pagtala sa dumalo ng klase at
1. Panimulang Dasal pagasasaayos sa loob ng silid.

188
2. Pagtatala ng mga lumiban sa klase.
3. Paghahanda sa silid aralan

a. Pagtamo:(Elicit) Isulat sa Venn Diagram ang pagkakaiba at


Ipagawa ang Gawain 4. “Paglinang ng pagkakatulad ng epiko at mitolohiya.
Talasalitaan”
 GAWAIN 2: Kilalanin Mo. Sa
pamamagitan ng Venn Diagram,
ibigay ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng epiko at mitolohiya.

Suriin kung anong damdamin ang nais


b.Pakikpag-ugnayan: (Engage) palutangin ng may-akda sa bawat pahayag.
GAWAIN 4: Paglinang ng Talasalitaan Piliin at salungguhitan ang salitang
Suriin kung anong damdamin ang nais nagpapahayag ng damdamin sa bawat
palutangin ng may-akda sa bawat pahayag. pangungusap. Isulat sa ikaapat na papel ang
Piliin at salungguhitan ang salitang tamang sagot.
nagpapahayag ng damdamin sa bawat
pangungusap. Isulat sa patlang sa unahan ng _____ 1. “Kaibigan, pinarurusahan ako ng
bilang kung anong damdamin ito. mga dakilang diyos at mamamatay akong
kahiya-hiya. Hindi ako mamamatay tulad ng
mga ibang namatay sa labanan; natatakot
akong mamatay, ngunit maligaya ang taong
namatay sa pakikipaglaban, kaysa katulad
kong nakakahiya ang pagkamatay.”
_____ 2. “Ako ang pumutol ng Punong
Cedar, ako ang nagpatag ng kagubatan, ako
ang nakapatay kay Humbaba, at ngayon
tingnan mo ang nangyari sa akin?”
_____ 3. “Sino sa mga makapangyarihan sa
Uruk ang may ganitong karunungan?
Maraming di kapani-paniwalang pangyayari
ang nahayag. Bakit ganyan ang nilalaman
ng iyong puso?”

_____ 4. Mananalangin ako sa mga dakilang


diyos dahil ginamit niya ang aking kaibigan
upang mahayag ang kasasapitan ng sino
man sa pamamagitan ng panaginip.”
_____ 5. “Minsan ay binigyan mo ako ng
buhay, ngayon ay wala na ako kahit na

189
ano.”.
B. PANAHON NG TALAKAYAN:
c.Paggalugad (Explore)
Tutukuyin ang mga impormasyon na
tumutukoy sa kabuuang kwento ng epiko.

“Unawain Mo”. Sa iyong sagutang papel,


sagutin ang sumusunod na tanong.
 Ilarawan si Gilgamesh, ang
pangunahing tauhan sa epiko.
 Kung ikaw si Enkido, nanaisin mo
bang maging kaibigan ang isang
tulad ni Gilgamesh? Bakit?
 Kung ikaw si Gilgamesh at namatay
si Enkido, ano ang iyong
mararamdaman? Bakit?
 Anong mahalagang kaalaman
tungkol sa buhay ang ipinahihiwatig
ng akda?
 Bakit kaya kahiya-hiya para kay
Enkido ang kaniyang kamatayan?
 Ipaliwanag ang mensaheng
ibinabahagi ng akda tungkol sa
pagkakaibigan?
 Sa inyong palagay, bakit kailangang
iparanas ng may-akda ang mga
suliranin sa pangunahing tauhan ng
epiko? Maituturing ba silang mga
bayani ng kanilang panahon? Bakit?
 Nasasalamin ba sa epiko ang
paniniwala ng mga taga-Ehipto
tungkol sa buhay na walang
hanggan? Patunayan. Ano ang
kaibahan nito sa paniniwala nating
mga Pilipino?
 Kung bibigyan ka ng pagkakataong
baguhin ang wakas ng kuwento,
paano mo ito wawakasan?
d. Pagpapaliwanag: (Explain)  Bakit mahalagang pag-isipan ang
Ipagtanggol Mo paraan ng pagpapahayag ng ating
Naibabahagi ang sariling interpretasyon damdamin?
kung bakit dumaranas ng iba’t ibang
suliranin ang pangunahing tauhan sa epiko.

 Suriin ang mga suliraning


pinagdaanan ng mga pangunahing
tauhan sa epiko. Sa pamamagitan ng

190
isang di inihandang talumpati
(extemporaneous speaking)
e. Pagpapalalim : (Elaborate) ipagtanggol ng ilang mag-aaral ang
“Kapangyarihan Mo, Ipakita Mo” paksang: “Kailangan bang
 Isa sa mga katangian ng tauhan ng maranasan ng pangunahing tauhan
epiko ay ang pagkakaroon nito ng sa epiko ang mga suliraning
supernatural na kapangyarihan. pinagdaanan sa akda?”
Bagaman ang binasang epiko ay Pangatuwiranan.
isang buod lamang, sikaping
matukoy ang supernatural na
katangian ng bawat tauhan. Sipiin sa
iyong sagutang papel ang lobo ng
diyalogo at isulat ang hinihinging
impormasyon.

 Nailalahad ang pagkakaiba at


pagkakatulad ng mga epiko sa
pamamagitan ng Venn Diagram

C. PAGKATAPOS NG TALAKAYAN:

191
f. Pagtataya: (Evaluate)
GAWAIN 8: Kultura: Paghambingin

Sa pamamagitan ng Venn Diagram, isulat


ang pagkakaiba at pagkakatulad ng epikong
g. Pagpapalawig: (Extend) Gilgamesh sa iba pang epikong nabasa
Magsaliksik tungkol sa mga konsepto ninyo.
ngpagsulat ng iskrip sa isang Chamber
theatre at mga pananda sa mabisang
pagpapahayag ng damdamin.

 Sa pangkatang gawain ay talakayin


ang pagkakaiba o pagkakatulad ng
mga kulturang makikita sa binasang
akda mula sa pook na pinagmulan
nito. Ihambing din ito sa kulturang
nakasanayan salugar na tinitirhan.

IV-REPLEKSYON:
Pagninilay sa iyong mga istratehiya ng pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-
aaral sa bawat linggo. Paano mo ito naisakatuparan? Ano pang tulong ang maari mong gawin
upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maari mong itanong/Ilahad sa iyong superbisor sa
anumang tulong na maari nilang maibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng mga-aaral na nakakuha ng 80% ____
B. Bilang ng mag-aaral na nabigyan ng karagdagang gawain bilang remedyal.
C. Naging makabuluhan baa ng ginawang remedial?
D. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha o nakaintindi sa aralin
E. Bilang ng mga mag-aaral na kailangan pang magpatuloy sa ginawang remedyal.
F. Alin sa mga istratehiyang ginamit ang mabisa? Bakit naging mabisa ito?
G. Ano-anong mga balakid ang naranasan at nabigyan ng solusyun sa tulong ng punongguro
at superbisor?
H.Ano-ano ang mga inobasyon/pagbabago o mga kagamitang panlokal ang ginamit na nais
Ibahagi sa iba pang mga guro?

Banghay Aralin sa Filipino10

192
Marcel Gabini Cumlat
Valencia National High School

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
PANITIKAN: A. Panitikan: Epiko ni Gilgamesh, Epiko mula sa Mesopotamia
Salin sa Ingles ni N.K. Sandars
Saling-buod sa Filipino ni Cristina S. Chioco B.
Gramatika at Retorika: Mga Pananda sa Mabisang Paglalahad ng Pahayag

PRODUKTO AT PAGGANAP:
Pagtatanghal ng Chamber Theater

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
F10Pt-Ii-j-68-Naibibigay ang kaugnay na mga konsepto ng piling salitang critique at
simposyum.

MARKAHAN: Unang Markahan LINGGO: Ikapito ARAW: Ikatlong


Araw:

I.MGA LAYUNIN:
Sa katapusan ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nagagamit nang wasto ang mga pananda sa mabisang pagpapahayag.

II. NILALAMAN:
a. Paksa: GRAMATIKA at RETORIKA: Mga Pananda sa Mabisang Paglalahad ng mga Pahayag
b. Pagsasama-sama: Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP).Paghinuha sa impak ng simpleng
pangyayari sa ating buhay.
c. Estratehiyan: Active Learning
d. Kagamitan: Netbook, Powerpoint
e. Sanggunian: Learners modyul pahina110

III.PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

193
A. BAGO ANG TALAKAYAN  Tayo ay manalangin.
 Pagtala sa dumalo ng klase at
1. Panimulang Dasal pagasasaayos sa loob ng silid.
2. Pagtatala ng mga lumiban sa klase.
3. Paghahanda sa silid aralan

a. Pagtamo: (Elicit)
Ipagawa sa mga mag aaral ang pagsasanay 1 Pagsasanay 1: Punan ng angkop na mga
upang mapatunayan nila ang kanilang pananda sa mabisang paglalahad ng
kaalaman sa paggamit ng ng angkop na pahayag ang talatang kasunod.
pananda sa mabisang paglalahad ng
pahayag. Maraming epiko ang kumalat sa buong
mundo. Bawat bansa ay may 1. ____ epiko.
Mababasa sa kasaysayan na ang 2. ____
epiko na naisulat ay ang Epiko ni
Gilgamesh. Sa Europe, 3. ____ ang
kasaysayan ng epiko sa Homer ng Greece 4.
____ 800 BC. 5. ____ ang The Iliad and
Odyssey. Ang mga kilalang manunulat ng
epiko sa Europe ay sina Hesiod, Apollonius,
Ovid, Lucan, at Statius. Ang estilo ng
pagsulat ng epiko ay dactylic hexameter. 6.
____, hindi madali ang pagsulat nito. Ito’y
karaniwang nagsisimula sa isang panalangin
sa isang musa 7.___ naglalaman ng
masusing paglalarawan, mga pagtutulad at
talumpati. 8. ____ ang mahahalagang
pangyayari sa kasaysayan tulad ng The Fall
of Troy, The Foundation of Rome, The Fall
of Man, at iba pa. Ang mga tauhan nito ay
maharlika. Sinasabing noong panahon ng
Medieval, napakaraming epiko ang naisulat,
9. ____ ito’y hindi madalas basahin. Ang
bawat bansa ay nakalikha ng kanilang
dakilang manunulat ng epiko. Sa Italy, 10.
____ kay Virgil ay mayroon din silang
Dante. Ang kilalang epiko ni Dante ay ang
The Divine Comedy. Ito’y naging
inspirasyon ng maraming makata at pintor
sa loob ng maraming dantaon, 11. ____, si
T.S. Eliot ay nagdala ng kopya nito sa bulsa
ng kaniyang amerikana. Ang The Divine
Comedy ay dinisenyuhan ni Gustave Dore
noong ikalabinsiyam na siglo. Isa sa mga
epikong Espanyol ng Middle Ages ay ang
El Cid o El Cantar Mio Cid na kuwento ng
pagsakop sa Valencia ni Rodrigo Diaz de
Vivar at sa French naman ay ang Chanson
de Roland na kuwento ni Charlemagne at

194
ang pag-atake sa kaniyang tropa ni Basques
at Roncevaux noong 778. 12. ____ ang
dalawang epikong ito ay tungkol sa
kabayanihan ng mga pangunahing tauhan sa
pakikidigma. 13. ____, may dalawang
epikong German naman ang nakilala sa
buong mundo. Ito ay ang The Heliad,
ikalabinsiyam na siglong bersyon ng
Gospels sa Lumang Saxon; at ang The
Nibelungenlid. Ang 14. ____ ay kuwento ni
Seigfried, Brunhild, Dietrich, Gunther,
b. Pakikipag-ugnayan: (Engage) Hagen at Atila the Hun. 15. ____ ganda ng
Pangkatang Ulat pagkakasulat ng mga ito, ito ay nagbigay ng
kakaibang impluwensiya sa literaturang
 Ipawasto ang sagot ng mga mag- German.
aaral sa pamamagitan ng
pangkatang pag-uulat. Ipapaskil ng
bawat pangkat ang kanilang sagot
sa manila paper o cartolina.  Ipapaskil sa dingding ang sagot ng
 Magkaroon ng talakayan upang as bawat pangkat at magkaroon ng
talakayan upang maunawaan pa ang
maunawaan pa ang paksa.
paksa.

B. PANAHON NG TALAKAYAN:

c.Paggalugad (Explore)
Tutukuyin ang mga pananda sa mabisang
paglalahad ng pahayag.

Sagutin ang mga mahahalagang tanong sa


pangkatang gawain.
d. Pagpapaliwanag: (Explain)
 Ang mga mag-aaral ay
Pangkat 1. Ano mga pananda?
magkakaroon ng pangkatang
Pangkat 2. .Ano ang kahalagahan nitong
gawain tungkol sa iskrip at pananda.
dulot sa pangungusap?

 Sa puntong ito ay magkakaroon tayo


ng gawain.Ang gawain ay gagawin
sa magkatulad na pangkat. Ang
unang pangkat ay mag-uulat ng
e. Pagpapalalim: (Elaborate) iskrip at ang ikalawang pangkat ay
 Suriin ang ginawang gawain at magtatala ng mga pananda sa
tukuyin kung saang bahagi ang mabisang pagpapahayag batay sa
pwede pang linangin. Pagkatapos ay nasaliksik na takdang aralin.
bibigayan ng kaugnay na mga

195
konsepto ang piling salitang
“critique at simposium”.
 Magkaroon ng talakayan satungkol
sa epekto ng bantas sa pangungusap
sa buhay ng tao.

C. PAGKATAPOS NG TALAKAYAN:

f. Pagtataya: (Evaluate)
Ipasagot sa mga mag-aaral ang isang
mahahalagang tanong. (5 Minuto)
 Paano nakatutulong ang mga
pananda sa mabisang paglalahad ng
pahayag?
g. Pagpapalawig: (Extend)
Magsaliksik ang mga mag-aaral tungkol sa
“Simposyum at critique”.

IV-REPLEKSYON:
Pagninilay sa iyong mga istratehiya ng pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-
aaral sa bawat linggo. Paano mo ito naisakatuparan? Ano pang tulong ang maari mong gawin
upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maari mong itanong/Ilahad sa iyong superbisor sa
anumang tulong na maari nilang maibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng mga-aaral na nakakuha ng 80% ____
B. Bilang ng mag-aaral na nabigyan ng karagdagang gawain bilang remedyal.
C. Naging makabuluhan baa ng ginawang remedial?
D. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha o nakaintindi sa aralin
E. Bilang ng mga mag-aaral na kailangan pang magpatuloy sa ginawang remedyal.
F. Alin sa mga istratehiyang ginamit ang mabisa? Bakit naging mabisa ito?
G. Ano-anong mga balakid ang naranasan at nabigyan ng solusyun sa tulong ng punongguro
at superbisor?
H.Ano-ano ang mga inobasyon/pagbabago o mga kagamitang panlokal ang ginamit na nais
Ibahagi sa iba pang mga guro?

Banghay Aralin sa Filipino10


Marcel Gabini Cumlat
Valencia National High School

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:

196
PANITIKAN: A. Panitikan: Epiko ni Gilgamesh, Epiko mula sa Mesopotamia
Salin sa Ingles ni N.K. Sandars
Saling-buod sa Filipino ni Cristina S. Chioco B.
Gramatika at Retorika: Mga Pananda sa Mabisang Paglalahad ng Pahayag

PARODUKTO AT PAGGANAP:
Pagtatanghal ng Chamber Theater

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
F10PD-Ii-j-67-Naimumungkahi ang mga dapat isaalang-alang sa pagsasagawa ng
isang simposyum batay sa nakita sa aklat o iba pang batis ng impormasyon.

MARKAHAN: Unang Markahan LINGGO: Ikapito ARAW: Ikaapat na Araw

I.MGA LAYUNIN:
Sa katapusan ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakasusulat ng iskrip ng Chamber Theater batay sa bahagi ng epikong binasa
2. Naisusulat ang paglalahad na nagpapatunay na ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga
epiko ay nakasalig sa uri ng kultura ng bansang pinagmulan nito at ang bawat tauhan ng
epiko ay nagtataglay ng supernatural na kapangyarihan.

II. NILALAMAN:
a. Paksa: Paksa: GRAMATIKA at RETORIKA:
Mga Pananda sa Mabisang Paglalahad ng mga Pahayag
b. Pagsasama-sama: Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP).Kailangan ba talagang babae ang
maghugas ng Pinggan?
c. Estratehiyan: Active Learning
d. Kagamitan: Netbook, Powerpoint
e. Sanggunian: Modyup para sa mga Mag-aaral pahina 111-112

III. PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. BAGO ANG TALAKAYAN
1. Panimulang Dasal  Tayo ay manalangin.
2. Pagtatala ng mga lumiban sa klase.  Pagtala sa dumalo ng klase at
3. Paghahanda sa silid aralan pagasasaayos sa loob ng silid.

197
A. Pagtamo: (Elicit) BAKIT BABAE ANG NAGHUHUGAS
Ipaisa-isa sa ilang mag-aaral ang NG MGA PINGGAN?
mahahalagang impormasyong inilahad Filomena Colendrino Isinaayos ni Jayzuz
tungkol sa simposyum. Pagkatapos, Cliefrod M. Dionesio
tumawag ng isang mag-aaral na magbubuod Muling isinaayos ni Joselyn Calibara-
ng mga impormasyong pinag-aralan. Sayson

B. Pakikipag-ugnayan: (Engage) LIGHTS ON (Nakatayo si Ka Ugong sa


Kilatisin Mo likuran ng mesa habang nakaupo naman si
 Basahin ang bahagi ng iskrip ng Ka Maldang sa kaliwang bahagi nito).
chamber theater sa pinamagatang
“Bakit Babae ang Naghuhugas ng Tagapagsalaysay: Sa bayan ng Sta. Rosa ay
mga Pinggan?” may nakatirang mag-asawa na
nagngangalang Hugo at Imelda. Sa tuwing
sila’y kakain ay palagi na lang nilang pinag-
 Magkaroon ng talakayan upang mas aawayan ang paghuhugas ng pinggan. Sa
maunawaan pa ang paksa. tuwing tatanggi si Hugo ay pagagalitan
naman siya ni Imelda. Kung ano-anong
pangalan ang itinatawag niya kay Hugo.
Kung mahuling sumasagot ay tutugisin
naman ni Imelda ang pobreng si Hugo ng
walis tingting. Kaagad namang tatakbo ang
kaniyang asawa sa bahay ng kumpadre at
doon magpapalipas ng galit ni Imelda.
Nakasanayan nang tawagin ng mga
kapitbahay ang bugnuting si Imelda ng...

Ka Maldang: Ka Maldang!
Tagapagsalaysay: At ang pobreng si Hugo
ng ______
Ka Ugong: Ka Ugong.
Tagapagsalaysay: Isang araw, patapos na
silang kumain, matigas na sinabi ni Ka
Ugong na...
Ka Ugong: Hindi na ako maghuhugas ng
mga pinggan!
Ka Maldang: At sino?! Ka Ugong: Huwag
mong sabihing ako? Aba! Buong umaga na
nga akong nag-aararo sa bukid tapos ako pa
ang maghuhugas ng pinggan, hindi na ako
maghuhugas ng kahit isang pinggan.

Tagapagsalaysay: Tumayo si Ka Maldang,


namaywang at hinarap si Ka Ugong habang
natatakot sa dulo ng mesa.
Ka Ugong: Ikaw. (Mahina niyang sagot).
Ikaw ang babae. Ikaw ang dapat magtrabaho
sa bahay.
Ka Maldang: Sige nga! Anong gagawin

198
mo?! Matapos mong itali iyang kalabaw mo
sa bukid ay mahihiga ka na lamang,
mahirap ba iyon?! (Malungkot na parang
naglalambing namang sasabihin ni Ka
Maldang). Ako na nga ang nagluluto,
naglilinis ng bahay, naglalaba ng mga
damit, pati pagbubunot ng sahig, ultimo
pag-aayos ng kisame ako ang gumagawa.
Lahat ng trabaho ng alila, inaako ko na
(mangingilid ang luha sabay sigaw kay Ka
Ugong) tapos ngayon, ayaw mo pang
maghugas ng mga pinggan!!
Ka Maldang: (Tinitigan si Ka Ugong at
ang kaniyang walis, kinuha ang walis, at
akmang hahabulin si Ka Ugong) Ikaw!
Tamad!
Ka Ugong: (Sumuot si Ka Ugong sa ilalim
ng mesa) Teka! Teka! Huwag mo akong
paluin! May naisip na akong paraan na
lulutas sa problema natin!
Ka Maldang: Sige, labas d’yan! Sabihin
mo ngayon kung anong paraan ‘yang
sinasabi mo! (Itinago ni Ka Maldang ang
walis.)
Tagapagsalaysay: Umupo si Ka Ugong sa
tapat ni Ka Maldang.
Ka Maldang: O, ano? Ka Ugong: Alam
mo, huwag na nating pag-awayan pa ang
paghuhugas ng pinggan. Daanin na lang
natin sa isang paligsahan. Bawal magsalita
pagkatapos kong sabihin ang salitang
umpisa, at ang matatalo ay siyang laging
maghuhugas ng mga pinggan.
Ka Maldang: Iyon lang? Ang matatalo ay
ang siyang maghuhugas ng mga pinggan,
ha? Kasama ng mga palayok at kawali?
Ka Ugong: Oo! Kapag nagsalita ka sa akin,
o kanino man o kahit ano man, ikaw ang
palaging maghuhugas ng mga pinggan.
Ka Maldang: Napakadali niyan! Kaya
kong isara ang bibig ko kahit isang buwan.
Ikaw? Kahit kalabaw kinakausap mo.
Ka Ugong: Handa ka na ba?

BLACKOUT
(Dance: Di Bale na Lang by Gary V.)
(sing/dance: Season of Love by RENT)
Entire Cast: CURTAIN
May-akda: Filomena Colendrino

199
Isinaayos ni Jayzuz Cliefrod M. Dionesio
B. PANAHON NG TALAKAYAN: Muling isinaayos para sa modyul na ito ni
Joselyn Calibara-Sayson
c.Paggalugad (Explore)
Sumulat Ka
Pagsasanay 2: Basahin ang bahagi ng iskrip  Sumulat ng sariling iskrip na
ng chamber theater sa pinamagatang “Bakit maaaring idugtong na pangyayari
Babae ang Naghuhugas ng mga Pinggan?”
hanggang sa wakas. Sikaping
Sumulat ng sariling iskrip ng maaaring
susunod na pangyayari hanggang sa wakas. gumamit ng mga pananda
Sikaping gumamit ng mga pananda sa
mabisang paglalahad.

d. Pagpapaliwanag : (Explain)
“Pagbabahagi”
Maghahanda ang guro ng isang bolang
papel. Ito’y bubuuin sa pamamagitan ng
patongpatong na piraso ng papel. Ang mga
papel na ito ay nakasulat ang mga na tanong
sa pag-unawa.

Sa puntong ito ay magkakaroon tayo ng


pagpapaliwanag sa pamamagitan ng isang
laro. Magpapatugtog ng musika ang guro at
kung sino man ang nakahawak ng papel na
bola sa panahon na huminto ang musika ay
kinakailangang sumagot sa tanong na
nakasulat sa loob nito.
 Anong uri ng akda ang nalikha?
 Saan nakabatay ang iskrip chamber
na nalikha?
e. Pagpapalalim: (Elaborate)  Ano-ano ang mga kapangyarihan ng
Sa pangkatang gawain ay tatalakayin ng tauhan?
mga mag-aaral ang mga dapat isaalang-  Bakit mahalaga ang kapangyarihan
alang sa pagsasagawa ng isang simposyum ng mga tauhan sa kwento?
batay sa nabasa sa aklat o iba pang batis ng  Paano nakatutulong ang mga
impormasyon. pananda sa mabisang paglalahad ng
pahayag sa pagsulat ng iskrip
C. PAGKATAPOS NG TALAKAYAN: chamber?

f. Pagtataya: (Evaluate)
 Sa pangkatang gawain ay talakayin
Ipasagot sa mga mag-aaral ang ang mga dapat isaalang-alang sa
mahahalagang tanong . pagsasagawa ng isang simposyum.
 Mayroon bang pagkakaiba at
200
pagkakatulad ang mga epiko na
nakasalig sa uri ng kultura sa
bansang pinagmulan nito?
 Bakit ang bawat tauhan ng epiko ay
nagtataglay ng supernatural na
kapangyarihan?

Sa isang ikaapat na papel ay


sagutin ang mga tanong. Isulat lamang
ang tamang sagot sa papel.

1. Ang pinakamatandang epiko sa mundo at


kinikilala bilang kauna-unahang dakilang
likha ng panitikan ay ang ________.
a. Ibalon c. Gilgamesh
b. Illiad at Odyssey d. Beowulf

2. May taglay siyang alindog na hindi


nababagay sa kasalukuyan niyang kalagayan
kaya’t ipinaghihinagpis niya ang karukhaan
ng kaniyang lumang tahanan. Ang salitang
may salungguhit ay nangangahulugang
______.
a. kakinisan c. kagandahan
b. kayamanan d. pinag-aralan

3. Ang _____ ay tulang pasalaysay na


nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing
tauhan na nagtataglay ng katangiang
nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan
ay buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.
a. Mitolohiya c. alamat
b. Epiko d. Korido

4. Ito ay tumutukoy sa katutubong panitikan


ng Pilipinas na nagsasalaysay ng
kabayanihan at supernatural na mga
pangyayari.
a. mito c. alamat
b. epiko d. mitolohiya

5. Mababasa sa kasaysayan na ang ____


epikong naisulat ay ang epiko ni Gilgamesh.
Anong pananda ang angkop sa patlang?
a. una c. bilang karagdagan
b. at saka d. pagkatapos

6. Lubhang nalibang si Marko sa


pakikipagsayaw kaya’t mag-iikaapat na ng

201
madaling araw nang silang mag-asawa’y
umuwi. Tanging isang lumang dokar na
lamang ang kanilang nasakyan. Ang dokar
ay isang ________.

a. maliit na Bangka c. pampasaherong


dyip
b. lumang kotse d. kalesa

7. Ang Pangulo ng Pamantasan ng San


Antonio ay isang tunay na pilantropo.
Maliban sa paaralan at palaruan, ________
rin ang nagpatayo ng ating simbahan. Kaya
naman, ang parangal na Pilantropo ng Taon
ay karapat-dapat lamang para sa kaniya.
Anong paghalip panao ang maaaring isulat
sa patlang?
a. ito c. ikaw
b. kami d. siya

8. _________ nangyari iyon upang


matauhan ang mga nagtutulog-tulogan. Ano
ang angkop na ekspresiyon na
nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng
paksa?
a. Sa kabilang dako c. Sa ganang akin
b. Sa aking palagay d. Sa paniniwala

9. Masyadong dinamdam ni Don Mariano


ang ginawang pagtatanan ng anak kaya’t
nagawa niya itong itakwil. Palibhasa’y ama,
_______ napatawad niya rin ito. Anong
panandang pandiskuro ang angkop sa
patlang?
a. sa wakas c. sa dakong huli’y
b. pagkaraa’y d. pagdating ng
panaho’y

10. Bakit masasabing higit na


pinahahalagahan ng mga taga-Mesopotamia
ang buhay kaysa kamatayan?

a. Naniniwala silang ang kamatayan ay


karugtong lang ng buhay.
b. Nagpapatayo sila ng mga piramide para
sa mga namatay na paraon.
c.Makikita sa mga sinauna nilang tula ang
pagpapahalaga nila sa kagandahan ng
buhay.

202
d. Naniniwala silang ang kamatayan ay
simula pa lamang ng walang hanggang
kaligayahan.

11. Katutubong panitikan sa Pilipinas na


nagsasalaysay ng kabayanihan at
supernatural na mga pangyayari.

a. mito c. alamat
b. epiko d. mitolohiya

12. Nagsimula kay _________ng Greece


ang tradisyon ng epiko sa Europa noong 800
BC.

a. Homer c. Gilgamesh
b. Joselyn Calibara-Sayson d. Beowulf

13. Isa sa mga kilalang epikong Espanyol ng


Middle Ages ay ang El Cid o El Cantar Mio
Cid na sinulat noong 1207 ni ______.

a. Rodrigo Diaz de Vivar


b. Per Abbat.
c. Chanson de Roland
d. Homer

14. Ito ang epiko na nagmula sa Bikol?

a. Ibalon
b. Biag ni Lam-Ang
c. Hudhud ni Aliguyon
d. Tuwaang

15.Siya ang nagsaling-buod sa Filipino ng


“Mula sa Epiko ni Gilgamesh”

a. N.K. Sandars
b. Cristina S. Chioco
c. J.H. Beasted
d. Joshua J. Mark

g. Pagpapalawig: (Extend)
Pag-aralan ang iskrip chamber na ginawa at
magkakaroon ng pagtatanghal sa susunod na

203
talakayan.

IV-REPLEKSYON:
Pagninilay sa iyong mga istratehiya ng pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-
aaral sa bawat linggo. Paano mo ito naisakatuparan? Ano pang tulong ang maari mong gawin
upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maari mong itanong/Ilahad sa iyong superbisor sa
anumang tulong na maari nilang maibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng mga-aaral na nakakuha ng 80% ____
B. Bilang ng mag-aaral na nabigyan ng karagdagang gawain bilang remedyal.
C. Naging makabuluhan baa ng ginawang remedial?
D. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha o nakaintindi sa aralin
E. Bilang ng mga mag-aaral na kailangan pang magpatuloy sa ginawang remedyal.
F. Alin sa mga istratehiyang ginamit ang mabisa? Bakit naging mabisa ito?
G. Ano-anong mga balakid ang naranasan at nabigyan ng solusyun sa tulong ng punongguro
at superbisor?
H.Ano-ano ang mga inobasyon/pagbabago o mga kagamitang panlokal ang ginamit na nais
Ibahagi sa iba pang mga guro?

Banghay Aralin sa Filipino10


Marcel Gabini Cumlat
Valencia National High School

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
PANITIKAN: A. Panitikan: Epiko ni Gilgamesh, Epiko mula sa Mesopotamia
Salin sa Ingles ni N.K. Sandars
Saling-buod sa Filipino ni Cristina S. Chioco B.
Gramatika at Retorika: Mga Pananda sa Mabisang Paglalahad ng Pahayag

204
PRODUKTO AT PAGGANAP:
Pagtatanghal ng Chamber Theater

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
F10PU-Ii-j-70 Nailalahad nang malinaw sa isang simposyum ang nabuong critique
ng alinmang akdang pampanitikanng Mediterranean

MARKAHAN: Unang Markahan LINGGO: Ikawalo ARAW: Unang


Araw

I: MGA LAYUNIN:
Sa katapusan ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakapagtatanghal ng Chamber Theater.
2. Nakabubuo ng isang critique ng alinmang akdang pampanitikan.
2. Nakababahagi ng mga opinyon tungkol sa ginawang critique.

II. NILALAMAN:
a. Paksa: GRAMATIKA at RETORIKA:
Mga Pananda sa Mabisang Paglalahad ng mga Pahayag
b. Pagsasama-sama: Music Arts Physical Education and Health (MApEH).Tutukuyin ang
mga magagandang katangian upang maging maayos ang daloy ng paghahanda sa gagawing
pagtatanghal.
c. Estratehiyan: Active Learning
d. Kagamitan: Rubrics, laptop
e. Sanggunian: Modyul ng mga Mag-aaral pahina 113-117

III. PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. BAGO ANG TALAKAYAN  Tayo ay manalangin.
1. Panimulang Dasal  Pagtala sa dumalo ng klase at
2. Pagtatala ng mga lumiban sa klase. pagasasaayos sa loob ng silid.
3. Paghahanda sa silid aralan

A. Pagtamo: (Elicit)
 Magbubunutan ang limang pangkat
kung sino ang mauunang

205
magtanghal. Ang pagtatanghal ay
mamarkahan batay sa
napagkasunduang pamantayan o ng
mungkahing pamantayan .

A. Iskrip (50%)
1. Orihinal, hango sa epikong ibinigay,
taglay ang lahat ng elemento ng iskrip ng
Chamber Theater, angkop ang paglalapat ng
tunog at musika .....
50%
2. Orihinal, hango sa epikong ibinigay,
kulang ng isang elemento ng iskrip ng
Chamber Theater, angkop ang paglalapat ng
tunog at musika. .....
40%
3. Hindi orihinal, hango sa epikong
ibinigay, kulang ng dalawang elemento ng
iskrip ng Chamber Theater, gumamit ng
tunog at musika ngunit hindi naman angkop
..... 30%
4. Hindi orihinal, hango sa epikong
ibinigay, kulang ng dalawang elemento ng
iskrip ng Chamber Theater, hindi nilapatan
ng tunog at musika .....
20%

B. Pagganap (50%)
1. Masining, malakas ang boses,
nagampanan ang pagiging tagapagsalaysay
ng mga tauhan, angkop ang mga kasuotan,
angkop ang mga kagamitan o “props” .....
50%
2. Masining, hindi gaanong malakas ang
boses, nagampanan ang pagiging
tagapagsalaysay ng mga tauhan, angkop
ang mga kasuotan, angkop ang mga
kagamitan o “props” ..... 40%
3. Masining, hindi gaanong malakas ang
boses, may mga bahaging hindi
nagampanan ang pagiging tagapagsalaysay
ng mga tauhan, angkop ang mga kasuotan,
angkop ang mga kagamitan o “props” .....

30%
4. Masining, hindi gaanong malakas ang
boses, may mga bahaging hindi
nagampanan ang pagiging tagapagsalaysay
ng mga tauhan, hindi angkop ang mga
kasuotan, kulang ang mga kagamitan o
“props” .....
20%

KABUUAN . . . . . .

206
100%
 Sa pangkatang gawain ay sagotin
B. Pakikipag-ugnayan: (Engage) ang mga mahahalagang tanong
Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng tungkol sa pinag-aralan.
pangkatang gawain at sasagot sa tanong na Pangkat 1.Anong mga problema ang
nakalaan para sa pangkat. kinaharap sa pagbuo ng isang chamber
theatre?

Pangkat 2.Anong magagandang katangian


ng isang tagapagtanghal ang nakakatulong
sa pagbuo ng isang chamber theatre?

Pangkat 3.Magkaroon ng pagpupuna upang


B. PANAHON NG TALAKAYAN: malinang pa ang kaalaman sa pagbuo ng
c.Paggalugad (Explore) chamber theatre.Isusulat ng mga mag-aaral
ang kanilang puna upang maging batayan sa
 Sa pamamagitan ng pangkatang gagawing talakayan tungkol dito.
gawain, ang mga mga-aaral ay
magkakaroon ng bagyuhang utak sa  Sa magkatulad na pangkat ay pag-
pagbuo ng critique.Pagkatapos ay aralan ang tungkol sa critique.
magkakaroon ng tanongan at sagot Pagkatapos ay magkakaroon ng
para sa paglilinaw. tanongan at sagot iba pang pangkat
 Pagkatapos ng paglilinaw ay upang mas maunawaan pa ang
gagawa ang mga ag-aaral ng sariling binasa.
critique tungkol sa ginawang  Pagkatapos mapag-aralan ang
pagtatanghal. critique ay sikaping makabuo nito
tungkol sa ginawang pagtatahal.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsasagawa ng


Suring-basa
1. Alamin kung anong uri ng akdang
pampanitikan ang sinusuri.
2. Bago isulat ang suring-basa ng isang
akda, gumawa muna ng sinopsis o maikling
lagom.

3. Ipahayag ang kaisipan sa malinaw at


tiyak na paraan .
4. Gumamit ng mga pananalitang matapat.
5. Pahalagahan din ang paraan o estilo ng
pagkakasulat.

Pormat na gagamitin sa pagsulat ng


suring-basa

I. Panimula

Panimula Uri ng panitikan – Pagtukoy sa


mga anyo ng panitikang sinulat, sa himig o

207
damdaming taglay nito. Bansang
pinagmulan – Pagkilala sa bansa kung saan
naisulat ang akda.
Pagkilala sa may-akda – Ito ay hindi
nangangahulugan sa pagkasuri sa pagkatao
ng may-akda kundi sa mga bagay na nag-
uudyok sa kanyang likhain ang isang akda.
Layunin ng akda – Pagsusuri sa
kahalagahan ng akda kung bakit sinulat.
Layunin ba nitong magpakilos o
manghikayat, manuligsa, magprotesta, at
iba pa.

II. Pagsusuring Pangnilalaman

- Tema o Paksa ng akda – Ito ba’y


makabuluhan, napapanahon, makatotohanan
at mag-aangat o tutugon sa sensibilidad ng
mambabasa

- Mga Tauhan/Karakter sa akda – Ang


mga karakter ba’y anyo ng mga taong likha
ng lipunanng ginagalawan, mga tauhang
hindi pa nalilikha sa panahong
kinabibilangan o mga tauhang lumilikha,
nagwawasak, nabubuhay, o namamatay.
Kung walang tauhan, ang persona sa akda
ang ilarawan.

- Tagpuan/Panahon – Binibigyang-pansin
sa panunuring pampanitikan ang
kasaysayan? kapaligiran at panahong
saklaw ng isang akda bilang mga saksi at
sanhi ng kalagayan o katayuan ng
indibidwal, ng kaniyang kaugnayan sa
kapwa at sa lipunan.

- Balangkas ng mga Pangyayari – Isa


bang gasgas na mga pangyayari ang
inilahad sa akda? May kakaiba ba sa
nilalamang taglay? Dati o luma na bang
mga pangyayaring may bagong bihis, anyo,
anggulo, o pananaw? Paano binuo ang
balangkas ng akda? May kaisahan ba ang
pagkakapit ng mga pangyayari mula simula
hanggang wakas? Ano ang mensaheng
ipinapahiwatig ng kabuuuan ng akda? May
natutuhan ka ba sa nilalaman ng akda?

208
- Kulturang Masasalamin sa akda – May
nakikita bang uri ng pamumuhay,
paniniwala, kaugalian o kulturang
nangingibabaw sa akda? Nakaimpluwensiya
ba ito sa pananaw ng ibang tao o bansa?

III. Pagsusuring Pangkaisipan


- Mga Kaisipan/Ideyang Taglay ng akda
– Ang isang akdang pampanitikan ay
nagtataglay at nagpapaliwanag sa mga
kaisipang umiiral, tinatanggap at
pinatutunayan ng mga tiyak na sitwasyon o
karanasan. Maaari ding ang mga kaisipang
ito ay salungatin, pabulaanan, magbago o
palitan. Ito ba ay mga katotohanang
unibersal, likas sa tao at lipunan, mga batas
ng kalikasan, sistema ng mga ideya o
paniniwalang kumokontrol sa buhay?
Mahalagang masuri sa akda ang mga
kaisipang ginamit na batayan sa paglahad
ng mga pangyayari.
- Estilo ng Pagkasulat ng Akda – Epektibo
ba ang paraan ng paggamit ng mga salita?
Angkop ba sa antas ng pang-unawa ng mga
mambabasa ang pagkakabuo ng akda? May
bisa kaya ang estilo ng pagkakasulat sa
d. Pagpapaliwanag: (Explain) nilalaman ng akda? Masining ba ang
“Pagbabahagi” pagkakagawa ng akda? Ito ba’y
 Pagkatapos ng pagsusulat ay kahalagahang tutugon sa panlasa ng
magbabagyuhang-utak ang mga mambabasa at sa katangian ng isang
mag-aaral tungkol sa kanilang mga mahusay na akda?
ideya sa ginawang critique.
IV. Buod - Hindi kailangang ibuod nang
e. Pagpapalalim: (Elaborate) mahaba ang istorya ng akda. Ang
Hayaan ang mga mag-aaral na magbahagi sa pagbanggit sa mahahalagang detalye ang
kanilang sagot sa klase sa mga sumusunod bigyang-tuon.
na tanong.
 Pagnilayan ang karanasan sa  Iulat sa harap ang nabuong critique
pagtatanghal ng isang chamber tungkol sa ginawang pagtatanghal.
theatre. Anong aral ang napulot sa Talakayin ang mga napunang
ginawang gawain? nakita at ipaliwanag sa klase ang
 Bigyan din ng pansin ang mga tungkol dito.
salitang nagpapahayag ng
damdamin at mga uri nito.

C. PAGKATAPOS NG TALAKAYAN:

f. Pagtataya: (Evaluate)
 Sumulat ng isang critique ng
alinmang akdang pampanitikang

209
Mediterranean batay sa mga napag-
aralang dapat isaalang-alang sa
pagsasagawa ng simposyum.
g. Pagpapalawig: (Extend)
Tukuyin sa ginawang talakayan ang mga
salitang nagpapahayag ng damdamin at uri
nito.

IV-REPLEKSYON:
Pagninilay sa iyong mga istratehiya ng pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-
aaral sa bawat linggo. Paano mo ito naisakatuparan? Ano pang tulong ang maari mong gawin
upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maari mong itanong/Ilahad sa iyong superbisor sa
anumang tulong na maari nilang maibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng mga-aaral na nakakuha ng 80% ____
B. Bilang ng mag-aaral na nabigyan ng karagdagang gawain bilang remedyal.
C. Naging makabuluhan baa ng ginawang remedial?
D. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha o nakaintindi sa aralin
E. Bilang ng mga mag-aaral na kailangan pang magpatuloy sa ginawang remedyal.
F. Alin sa mga istratehiyang ginamit ang mabisa? Bakit naging mabisa ito?
G. Ano-anong mga balakid ang naranasan at nabigyan ng solusyun sa tulong ng punongguro
at superbisor?
H.Ano-ano ang mga inobasyon/pagbabago o mga kagamitang panlokal ang ginamit na nais
Ibahagi sa iba pang mga guro?

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO10


Marcel Gabini Cumlat
Valencia National High School

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
PANITIKAN: A. Panitikan: Epiko ni Gilgamesh, Epiko mula sa Mesopotamia
Salin sa Ingles ni N.K. Sandars
Saling-buod sa Filipino ni Cristina S. Chioco B.
Gramatika at Retorika: Mga Pananda sa Mabisang Paglalahad ng Pahayag

210
PRODUKTO AT PAGGANAP:
Pagtatanghal ng Chamber Theater

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
F10PS-Ii-j-70 Nailalahad nang malinaw sa isang simposyum ang nabuong critique
ng alinmang akdang pampanitikang Mediterranean

MARKAHAN: Unang Markahan LINGGO: Ikawalo ARAW: Ikalawang


Araw

I. MGA LAYUNIN:
Sa katapusan ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nahihinuha ang kahulugan ng simposyum.
2. Nakabubuo ng isang simposyum naa tumatakay sa critique ng alinmang akdang
pampanitikan ng Mediterranean.

II. NILALAMAN
a. Paksa: PANITIKAN: BAKIT BABAE ANG NAGHUHUGAS NG MGA PINGGAN?
Filomena Colendrino Isinaayos ni Jayzuz Cliefrod M. Dionesio
Muling isinaayos ni Joselyn Calibara-Sayson
b. Pagsasama-sama: Edukasyon sa Pagpapakatao(EsP)Kailangan ng pagtutulungan sa
trabaho ng bahay.Hindi mahalaga ang kasarian sa gawaing bahay basta ang importante ay
nagtutulungan.
c. Estratehiyan: Active Learning
d. Kagamitan: Netbook, Powerpoint
e. Sanggunian: Modyul ng mga Mag-aaral pahina 117

III.PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. BAGO ANG TALAKAYAN

1. Panimulang Dasal  Tayo ay manalangin.


2. Pagtatala ng mga lumiban sa klase.  Pagtala sa dumalo ng klase at
3. Paghahanda sa silid aralan pagasasaayos sa loob ng silid.

A. Pagtamo: (Elicit)  Ang klase ay papangkatin sa 6

211
Ipagawa ang Gawain 1.” Hanapin Mo” upang pag-aralan ang tungkol sa
 Magbalik-aral sa akdang pinag- simposyum.
aralan sa nakaraang araw.
 Tukuyin ang mga mahahalagag
ipormasyon/pangyayari naganap sa
pinag-aralan.

B. Pakikipag-ugnayan: (Engage)
“Alamin Mo”
Ang Simposyum
 Sa loob ng 15 minuto ay pag-aralan
ang konsepto ng simposyum sa Ang simposyum ay nag-ugat sa salitang
pangkatang gawain. Griyego na sympinein na
nangangahulugang sama-samang pag-
 Itanong: “Lahat ba ng tauhan ng inom. Mahihiwatigang ang pagsasalo-
epiko ay may supernatural na salong ito ay sinasabayan ng mga
kapangyarihang taglay?” talakayan at pagpapalitan ng mga
Magkaroon ng malayang talakayan opinyon kaugnay ng mga kasalukuyang
tungkol dito. pangyayari.
 Bakit itinuturing na bayani sa
kanilang lugar at kapanahunan ang Sa kasalukuyan ito ay nangangahulugang
piling tauhan sa epiko? isang pagtitipon kung saan may malayang
talakayan o palitan ng mga kaisipan.
Maaari ding pagpupulong kung saan may
ilang tagapagsalita na nagbibigay ng
maiikling panayam tungkol sa isang
paksa o iba’t ibang aspekto ng naturang
paksa. Ito’y isang mahalagang paraan
upang matalakay, mailahad ang ideya at
mapalawak ang kaisipan sa paksang
pinag-uusapan. Ito ay may isang
modereytor na:

a. Tagapaglahad ng paksa at layunin ng


talakayan
b. Tagapagpakilala ng mga tagapagsalita
c. Tagapatnubay sa kaayusan at daloy ng
talakayan
d. Tagapaglinaw sa mga tanong at detalye
e. Tagapagbigay ng buod ng talakayan

Isa-isang tatalakayin ng mga


tagapagsalita ang paksang ibinigay sa
kanila ayon sa itinakdang oras at haba ng
pagsasalita. Kapag nakapagsalita na ang
lahat ng bumubuo sa pangkat, ito ay
susundan ng lahatang diskusyon o open
forum kung saan maaaring magtanong
ang mga tagapakinig. Sa bahaging ito

212
nagkakaroon ng paglilinaw at pagbatid sa
ibang bagay na kaugnay ng paksang
tinatalakay. Mahalagang paghandaang
mabuti ng mga panauhing tagapagsalita
ang saklaw ng kanilang paksa at ang
kasanayan sa pagbigkas sa harap ng mga
tagapakinig upang maging malinaw at
makabuluhan ang pagtalakay sa paksa.

Ang tagumpay ng simposyum ay hindi


lamang nakasalalay sa kahandaan ng mga
tagapagsalita. Malaki ang tungkuling
ginagampanan ng mga tagapakinig sa
gawain. Ang aktibong tagapakinig ay
makatutulong upang maging produktibo
ang simposyum. Ang mabuting pakikinig
ay nangangahulugang pagpapakita ng
interes sa paksang tinatalakay, paggalang
sa mga tagapagsalita at kapwa
tagapakinig, maayos na paraan ng
pagtatanong at matalinong pagbibigay ng
reaksiyon ukol sa mga napakinggan.

Sa kabuuan, kung ang lahat ay may


kahandaan sa gawain, ang pagdaraos ng
simposyum ay isang kapaki-pakinabang
B. PANAHON NG TALAKAYAN: na uri ng ehersisyong pangkaisipan at
c.Paggalugad (Explore) kasanayan sa pagsasalita at pakikinig.
 Pangkatin ang mga mag-aaral sa
dalawa. Ang pangkat 1-3 ang
magkakasama habang ang pangkat
4-6 naman ang
magkakasama.Balikang muli ang
“Ang Epiko ni Gilgamesh” at ang
chamber theatre na “BAKIT
BABAE ANG NAGHUHUGAS
NG MGA PINGGAN?”.

Bawat pangkat ay bubuo ng pinal na


Suring Basa batay sa akdang nakalaan
sa bawat pangkat. PARA SA UNANG PANGKAT
Mula sa Epiko ni Gilgamesh
salin sa Ingles ni N.K. Sandars
saling-buod sa Filipino ni Cristina S.
Chioco

Mga Tauhan:
Anu - Diyos ng kalangitan; ang Diyos
Ama

213
Ea - Diyos ng karunungan; kaibigan ng
mga tao
Enkido - Kaibigan ni Gilgamesh;
matapang na tao na nilikha mula sa luwad
Enlil - Diyos ng hangin at ng mundo
Gilgamesh - Hari ng Uruk at ang bayani
ng epiko
Ishtar - Diyosa ng pag-ibig at digmaan;
ang reyna ng mundo
Ninurta - Diyos ng digmaan at pag-aalitan
Shamash - Diyos na may kaugnayan sa
araw at sa mga batas ng tao
Siduri - Diyosa ng alak at mga inumin
Urshanabi - Mamamangkang naglalakbay
araw-araw sa dagat ng kamatayan
patungo sa tahanan ng Utnapishtim
Utnapishtim - Iniligtas ng mga diyos
mula sa malaking baha upang sirain ang
mga tao; binigyan ng mga diyos ng buhay
na walang hanggan.

1. Nagsimula ang epiko sa pagpapakilala


kay Gilgamesh, ang hari ng lungsod ng
Uruk, na ang dalawang katlo ng pagkatao
ay diyos at ang sangkatlo ay tao.
Matipuno, matapang, at
makapangyarihan. Ngunit mayabang siya
at abusado sa kaniyang kapangyarihan.
Dahil sa kaniyang pang-aabuso, patuloy
na nananalangin ang kaniyang mga
nasasakupan na nawa’y makalaya sila sa
kaniya.

2. Tinugon ng diyos ang kanilang dasal.


Nagpadala ito ng isang taong kasinlakas
ni Gilgamesh, si Enkido, na lumaking
kasama ng mga hayop sa kagubatan.
Nagpang-amok ang dalawa nang sila ay
magkita. Nanalo si Gilgamesh. Ngunit sa
bandang huli ay naging matalik na
magkaibigan sila. Di naglaon ay naging
kasa-kasama na ni Gilgamesh si Enkido
sa kaniyang mga pakikipaglaban.
Una, pinatay nila si Humbaba, ang
demonyong nagbabantay sa kagubatan ng
Cedar. Pinatag nila ang kagubatan. Nang
tangkain nilang siraan ang diyosang si
Ishtar, na nagpahayag ng pagnanasa kay
Gilgamesh, ipinadala nito ang toro ng
Kalangitan upang wasakin ang kalupaang

214
pinatag nila bilang parusa. Nagapi nina
Gilgamesh at Enkido ang toro. Hindi
pinahintulutan ng mga diyos ang kanilang
kawalan ng paggalang kaya itinakda
nilang dapat mamatay ang isa sa kanila, at
iyon ay si Enkido na namatay sa
matinding karamdaman.

3. Habang nakaratay si Enkido dahil sa


matinding karamdaman, sa sama ng loob
ay nasabi niya sa kaniyang kaibigan ang
ganito: “Ako ang pumutol sa punong
Cedar, ako ang nagpatag ng kagubatan,
ako ang nakapatay kay Humbaba, at
ngayon, tingnan mo kung ano ang
nangyari sa akin. Makinig ka kaibigan,
nanaginip ako noong isang gabi.
Nagngangalit ang kalangitan at sinagot
ito ng galit din ng sangkalupaan. Sa
pagitan ng dalawang ito ay nakatayo ako
at sa harap ng isang taong ibon.
Malungkot ang kaniyang mukha, at sinabi
niya sa akin ang kaniyang layon. Mukha
siyang bampira, ang kaniyang mga paa ay
parang sa leon, ang kaniyang mga kamay
ay kasintalim ng kuko ng agila.
Sinunggaban niya ako, sinabunutan, at
kinubabawan kaya ako ay nabuwal.
Pagkatapos ay ginawa niyang pakpak ang
aking mga kamay. Humarap siya sa akin
at inilayo sa palasyo ni Irkalla, ang Reyna
ng Kadiliman, patungo sa bahay na ang
sinumang mapunta roon ay hindi na
makababalik.

4. Sa bahay kung saan ang mga tao ay


nakaupo sa kadiliman, alikabok ang
kanilang kinakain at luad ang kanilang
karne. Ang damit nila’y parang mga ibon
na ang pakpak ang tumatakip sa kanilang
katawan, hindi sila nakakikita ng liwanag,
kundi pawang kadiliman. Pumasok ako sa
bahay na maalikabok, at nakita ko ang
dating mga hari ng sandaigdigan na
inalisan ng korona habang buhay, mga
makapangyarihan, mga prinsipeng
naghari sa mga nagdaang panahon. Sila
na minsa’y naging mga diyos tulad nina
Anu at Enlil ay mga alipin ngayon na
tagadala na lamang ng mga karne at

215
tagasalok ng tubig sa bahay na
maalikabok. Naroon din ang mga
nakatataas na pari at ang kanilang mga
sakristan. May mga tagapagsilbi sa
templo, at nandun si Etana, ang hari ng
Kish, na minsa’y inilipad ng agila sa
kalangitan. Nakita ko rin si Samugan, ang
hari ng mga tupa, naroon din si
Ereshkigal, ang Reyna ng Kalaliman, at si
Belit-Sheri na nakayuko sa harapan niya,
ang tagatala ng mga diyos at tagapag-
ingat ng aklat ng mga patay. Kinuha niya
ang talaan, tumingin sa akin at
nagtanong: “Sino ang nagdala sa iyo rito?
Nagising akong maputlang-maputla,
naguguluhan, tila nag-iisang tinatahak
ang kagubatan at takot na takot”.

5. Pinunit ni Gilgamesh ang kaniyang


damit, at pinunasan niya ang kaniyang
luha. Umiyak siya nang umiyak. Sinabi
niya kay Enkido, “Sino sa mga
makapangyarihan sa Uruk ang may
ganitong karunungan? Maraming di-
kapani-paniwalang pangyayari ang
nahayag. Bakit ganyan ang nilalaman ng
iyong puso? Hindi kapanipaniwala at
nakatatakot na panaginip. Kailangan
itong paniwalaan bagaman ito’y
nagdudulot ng katatakutan, sapagkat ito’y
nagpapahayag na ang matinding
kalungkutan ay maaaring dumating kahit
sa isang napakalusog mang tao, na ang
katapusan ng tao ay paghihinagpis.” At
nagluksa si Gilgamesh. “Mananalangin
ako sa mga dakilang diyos dahil ginamit
niya ang aking kaibigan upang mahayag
ang kasasapitan ng sinoman sa
pamamagitan ng panaginip.”

6. Natapos ang panaginip ni Enkido at


nakaratay pa rin siya sa karamdaman.
Araw-araw ay palala nang palala ang
kaniyang karamdaman. Sinabi niya kay
Gilgamesh, “Minsan ay binigyan mo ako
ng buhay, ngayon ay wala na ako kahit na
ano.” Sa ikatlong araw ng kaniyang
pagkakaratay ay tinawag ni Enkido si
Gilgamesh upang siya’y itayo. Mahinang-
mahina na siya, at ang kaniyang mga

216
mata ay halos di na makakita sa kaiiyak.
Inabot pa ng sampung araw ang kaniyang
pagdadalamhati hanggang labindalawang
araw. Tinawag niya si Gilgamesh,
“Kaibigan, pinarusahan ako ng mga
dakilang diyos at mamamatay akong
kahiyahiya. Hindi ako mamamatay tulad
ng mga namatay sa labanan; natatakot
akong mamatay, ngunit maligaya ang
taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa
katulad kong nakahihiya ang
pagkamatay.” Iniyakan ni Gilgamesh ang
kaniyang kaibigan.

7. Pinagluksa ni Gilgamesh ang


pagkamatay ng kaniyang kaibigan sa loob
ng pitong araw at gabi. Sa huli,
pinagpatayo niya ito ng estatwa sa tulong
ng kaniyang mga tao bilang alaala.

PARA SA IKALAWANG PANGKAT


BAKIT BABAE ANG NAGHUHUGAS
NG MGA PINGGAN?
Filomena Colendrino Isinaayos ni Jayzuz
Cliefrod M. Dionesio
Muling isinaayos ni Joselyn Calibara-
Sayson

LIGHTS ON (Nakatayo si Ka Ugong sa


likuran ng mesa habang nakaupo naman
si Ka Maldang sa kaliwang bahagi nito).

Tagapagsalaysay: Sa bayan ng Sta. Rosa


ay may nakatirang mag-asawa na
nagngangalang Hugo at Imelda. Sa
tuwing sila’y kakain ay palagi na lang
nilang pinag-aawayan ang paghuhugas ng
pinggan. Sa tuwing tatanggi si Hugo ay
pagagalitan naman siya ni Imelda. Kung
ano-anong pangalan ang itinatawag niya
kay Hugo. Kung mahuling sumasagot ay
tutugisin naman ni Imelda ang pobreng si
Hugo ng walis tingting. Kaagad namang
tatakbo ang kaniyang asawa sa bahay ng
kumpadre at doon magpapalipas ng galit
ni Imelda. Nakasanayan nang tawagin ng
mga kapitbahay ang bugnuting si Imelda
ng...

Ka Maldang: Ka Maldang!

217
Tagapagsalaysay: At ang pobreng si
Hugo ng ______
Ka Ugong: Ka Ugong.
Tagapagsalaysay: Isang araw, patapos
na silang kumain, matigas na sinabi ni Ka
Ugong na...
Ka Ugong: Hindi na ako maghuhugas ng
mga pinggan!
Ka Maldang: At sino?! Ka Ugong:
Huwag mong sabihing ako? Aba! Buong
umaga na nga akong nag-aararo sa bukid
tapos ako pa ang maghuhugas ng
pinggan, hindi na ako maghuhugas ng
kahit isang pinggan.
Tagapagsalaysay: Tumayo si Ka
Maldang, namaywang at hinarap si Ka
Ugong habang natatakot sa dulo ng mesa.
Ka Ugong: Ikaw. (Mahina niyang
sagot). Ikaw ang babae. Ikaw ang dapat
magtrabaho sa bahay.
Ka Maldang: Sige nga! Anong gagawin
mo?! Matapos mong itali iyang kalabaw
mo sa bukid ay mahihiga ka na lamang,
mahirap ba iyon?! (Malungkot na parang
naglalambing namang sasabihin ni Ka
Maldang). Ako na nga ang nagluluto,
naglilinis ng bahay, naglalaba ng mga
damit, pati pagbubunot ng sahig, ultimo
pag-aayos ng kisame ako ang gumagawa.
Lahat ng trabaho ng alila, inaako ko na
(mangingilid ang luha sabay sigaw kay
Ka Ugong) tapos ngayon, ayaw mo pang
maghugas ng mga pinggan!!
Ka Maldang: (Tinitigan si Ka Ugong at
ang kaniyang walis, kinuha ang walis, at
akmang hahabulin si Ka Ugong) Ikaw!
Tamad!
Ka Ugong: (Sumuot si Ka Ugong sa
ilalim ng mesa) Teka! Teka! Huwag mo
akong paluin! May naisip na akong
paraan na lulutas sa problema natin!
Ka Maldang: Sige, labas d’yan! Sabihin
d. Pagpapaliwanag: (Explain) mo ngayon kung anong paraan ‘yang
“Pagbabahagi” sinasabi mo! (Itinago ni Ka Maldang ang
walis.)
Patunayang ang pagkakaiba at Tagapagsalaysay: Umupo si Ka Ugong
pagkakatulad ng mga epiko ay nakasalig sa sa tapat ni Ka Maldang.
uri ng kultura ng bansang pinagmulan nito
at ang bawat tauhan ng epiko ay
nagtataglay ng supernatural na Ka Maldang: O, ano? Ka Ugong: Alam

218
kapangyarihan. mo, huwag na nating pag-awayan pa ang
paghuhugas ng pinggan. Daanin na lang
e. Pagpapalalim: (Elaborate) natin sa isang paligsahan. Bawal
Pagbabahagi magsalita pagkatapos kong sabihin ang
 Ang mga mag-aaral ay salitang umpisa, at ang matatalo ay
magbabahagi ng kanilang critique siyang laging maghuhugas ng mga
sa akadang pinagtuunan sa pinggan.
pamamagitan ng simposyum na Ka Maldang: Iyon lang? Ang matatalo
presentasyon. ay ang siyang maghuhugas ng mga
pinggan, ha? Kasama ng mga palayok at
C. PAGKATAPOS NG TALAKAYAN: kawali?
Ka Ugong: Oo! Kapag nagsalita ka sa
f. Pagtataya: (Evaluate) akin, o kanino man o kahit ano man, ikaw
Tanong Mo, Sagot Ko ang palaging maghuhugas ng mga
Sa bahahing ito, ang mga mag-aaral ay pinggan.
magkakaroon ng deliberasyon sa mga Ka Maldang: Napakadali niyan! Kaya
konsepto o punang nailahad na hindi kong isara ang bibig ko kahit isang
malinaw sa buong klase. Ang lahat ay buwan. Ikaw? Kahit kalabaw kinakausap
maaring pagtanong para sa paglilinaw. mo.
Ka Ugong: Handa ka na ba?

BLACKOUT
(Dance: Di Bale na Lang by Gary V.)
g. Pagpapalawig: (Extend) (sing/dance: Season of Love by RENT)
Ang mga mag-aaral ay magsasagawa ng Entire Cast: CURTAIN
pananaliksik tungkol sa akdang tuluyan na May-akda: Filomena Colendrino
matatagpuan sa isang bansa sa Isinaayos ni Jayzuz Cliefrod M. Dionesio
Mideterranean. Muling isinaayos para sa modyul na ito ni
Joselyn Calibara-Sayson

IV-REPLEKSYON:
Pagninilay sa iyong mga istratehiya ng pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga
mag-aaral sa bawat linggo. Paano mo ito naisakatuparan? Ano pang tulong ang maari
mong gawin upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maari mong itanong/Ilahad sa iyong
superbisor sa anumang tulong na maari nilang maibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng mga-aaral na nakakuha ng 80% ____
B. Bilang ng mag-aaral na nabigyan ng karagdagang gawain bilang remedyal.
C. Naging makabuluhan baa ng ginawang remedial?
D. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha o nakaintindi sa aralin
E. Bilang ng mga mag-aaral na kailangan pang magpatuloy sa ginawang remedyal.
F. Alin sa mga istratehiyang ginamit ang mabisa? Bakit naging mabisa ito?
G. Ano-anong mga balakid ang naranasan at nabigyan ng solusyun sa tulong ng
punongguro at superbisor?

219
H.Ano-ano ang mga inobasyon/pagbabago o mga kagamitang panlokal ang ginamit na
nais Ibahagi sa iba pang mga guro?

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO10


Marcel Gabini Cumlat
Valencia National High School

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
PANITIKAN: A. Panitikan: Epiko ni Gilgamesh, Epiko mula sa Mesopotamia
Salin sa Ingles ni N.K. Sandars
Saling-buod sa Filipino ni Cristina S. Chioco B.
Gramatika at Retorika: Mga Pananda sa Mabisang Paglalahad ng Pahayag

PRODUKTO AT PAGGANAP:
Pagtatanghal ng Chamber Theater

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
F10PN-Ii-j-63 Nagagamit ang komunikatibong kasanayan sa paggamit ng wikang
Filipino isang simposyum

MARKAHAN: Unang Markahan LINGGO: Ikawalo ARAW: Ikatlong


Araw

I.MGA LAYUNIN
Sa katapusan ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

220
1. Nakabubuo ng isang simposyum na tumatalakay sa critique ng alinmang akdang
pampanitikan ng Mediterranean.

II NILALAMAN:
a. Paksa: Panitikan: Bakit Babae ang nNaghuhugas ng Pinggan.
Filomena Colendrino Isinaayos ni Jayzuz Cliefrod M. Dionesio
Muling isinaayos ni Joselyn Calibara-Sayson
b. Pagsasama-sama: Edukasyon sa pagpapakatao(AP).Ang magandang dulot ng magandang
katangian ng tagapagsalita sa simposyum.
c. Estratehiyan: Active Learning
d. Kagamitan: Netbook,
e. Sanggunian: Modyul ng mga Mag-aaral pahina 118

III. PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. BAGO ANG TALAKAYAN

1. Panimulang Dasal  Tayo ay manalangin.


2. Pagtatala ng mga lumiban sa klase.  Pagtala sa dumalo ng klase at
3. Paghahanda sa silid aralan pagasasaayos sa loob ng silid.

A. Pagtamo: (Elicit)
Ipagawa ang Gawain 1.” Hanapin Mo”
 Papangkatin ang mga mag-aaral
sa 4 .Ang bawat pangkat ay
magbabagyuhang-utak upang
pagdisisyunan kung anong
akdang tuluyan mula sa
Mediterannean ang gagamitin
para sa gagawing critique.
 Pagkatapos itong madisisyunan
ay pag-aralan na ito upang
maunawaan nang lubos sang
akda.
. Miyembro ka ng Pintig at Tinig, isang pangkat
B. Pakikipag-ugnayan: (Engage) ng mga manunulat. Upang mapaunlad pa ang

221
inyong kasanayan sa pagsulat, magsasagawa
 Ang mga mag-aaral ay kayo ng isang simposyum. Hinati kayo sa
magsusulat ng kanilang sariling pangkat upang magsagawa ng suring-basa sa
suring basa ng kahit anyong isang akdang tuluyan. Ang lahat ng pangkat ay
akdang tuluyan na nagmula da naatasang magsagawa ng suring-basa ng isang
Mideterranean. akdang tuluyan mula sa isa sa mga bansa sa
Mediterranean. Ito ay ibabahagi ng pangkat sa
buong grupo upang makritik ang ginawang
pagsusuri. Sikaping sundin ang pamantayang
ibinigay upang maging matagumpay ang
gagawing pagsusuri at pagdaraos ng
simposyum.

Pamantayan

I. Suring-basa (30 puntos)

a. Mabisang Panimula ……………………..


……… 5 puntos
b. Pagsusuring pangnilalaman ……………...…
10 puntos
c. Pagsusuring Pangkaisipan
…………………… 10 puntos
d. Buod
…………………………………………………..
5 puntos

II. Pagbabahagi (20 puntos)


B. PANAHON NG TALAKAYAN: a. Kahandaan
c.Paggalugad (Explore) ……………………………………….. 5 puntos
“Ibahagi Mo” b. Pagbabahagi ng impormasyon …………. 5
puntos
 Ang bawat pangkat ay c. Lalim ng pagsusuri ………………………….
magbabahagi sa kanilang …. 10 puntos
nabuong critique sa pamamagita Kabuuang Puntos 50 puntos
ng simposyum. Ito ay
ipepresenta sa harap ng buong
klase upang masuri pa ang
ginawang critique. Ang mga
kaklase ay hinihikayat na itsulat
ang mga punang natukoy sa
pagbabahagi ng awtput.

d. Pagpapaliwanag: (Explain)
“Linawin Mo”

 Sa bahahing ito, ang mga mag-


aaral ay magkakaroon ng
deliberasyon sa mga konsepto o
punang nailahad na hindi

222
malinaw sa buong klase. Ang
lahat ay maaring pagtanong para
sa paglilinaw.

e. Pagpapalalim: (Elaborate)
”Sagotin Mo”
 Ang mga mag-aaral ay
magbibigay ng tanong sa mga
kaklase para sa mas
malawakang pag-unawa..
Tuyukuyin nila ang mas mabuting ideya
na maaaring gamitin para maging
maganda ang kabuan ng critique na
ginawa.

C. PAGKATAPOS NG
TALAKAYAN:

f. Pagtataya: (Evaluate)
: Tanong Mo, Sagot Ko

 Ang bawat pangkat ay


magsusulat ng pinal na awtput
sa critique na nabuo sa akdang
napili.Pagkatapos ay isusumite
ito sa Guro upang sa mas
masidhing pagsusuri.
 Ibigay ang mahalagang tanong:  Sa isang buong malinis na papel ay
sagotin ang tanong. Sikaping
g. Pagpapalawig: (Extend) maipaliwang ang pagkakasagot nito.
Paghahanda sa unang  Anong katangian ng tagapagsalita ang
markahang pasulit kailangan sa pagbibigay ng simposyum?
Ano ang dulot nito sa buhay ng tao?

IV-REPLEKSYON:
Pagninilay sa iyong mga istratehiya ng pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-
aaral sa bawat linggo. Paano mo ito naisakatuparan? Ano pang tulong ang maari mong gawin
upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maari mong itanong/Ilahad sa iyong superbisor sa
anumang tulong na maari nilang maibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng mga-aaral na nakakuha ng 80% ____
B. Bilang ng mag-aaral na nabigyan ng karagdagang gawain bilang remedyal.
C. Naging makabuluhan baa ng ginawang remedial?
D. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha o nakaintindi sa aralin
E. Bilang ng mga mag-aaral na kailangan pang magpatuloy sa ginawang remedyal.
F. Alin sa mga istratehiyang ginamit ang mabisa? Bakit naging mabisa ito?
G. Ano-anong mga balakid ang naranasan at nabigyan ng solusyun sa tulong ng punongguro
at superbisor?
H.Ano-ano ang mga inobasyon/pagbabago o mga kagamitang panlokal ang ginamit na nais

223
Ibahagi sa iba pang mga guro?

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO10


Marcel Gabini Cumlat
Valencia National High School

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
PANITIKAN: A. Panitikan: Epiko ni Gilgamesh, Epiko mula sa Mesopotamia
Salin sa Ingles ni N.K. Sandars
Saling-buod sa Filipino ni Cristina S. Chioco B.
Gramatika at Retorika: Mga Pananda sa Mabisang Paglalahad ng Pahayag

PRODUKTO AT PAGGANAP:
Pagtatanghal ng Chamber Theater
Kasanayang Pampagkatuto:
Layunin:
Sa katapusan ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nasasagot ng buong husay ang mga tanong sa buong markahan.
2. Nahinuha ang kahalagahan ng mga aralin sa unang markahan.
Markahan: Unang Markahan Linggo: Ikawalo Araw: Ikaapat na Araw

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

224
1. F10PU-Ii-j-70 ,Naisusukat ang isang critique ng alinmang akdang pampanitikang
Mediterranean

MARKAHAN: Unang Markahan LINGGO: Ikawalong Lingggo ARAW:


______

I- MGA LAYUNIN:

Pagkatapos ng aralin o talakayan ang mga mag-aaral ay inaaasahang:

a. Naisusulat ang paglalahad na nagpapatunay na ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga epiko ay


nakasalig sa uri ng kultura ng bansang pinagmulan nito at ang bawat tauhan ng epiko ay nagtataglay
ng supernatural na kapangyarihan;

b. Nakasusulat ng iskrip ng Chamber Theater batay sa bahagi ng epikong binasa.

II- NILALAMAN:

-Laguman pagtayaya bilang: 2

III-PAMAMARAAN:

a. Panalangin

b. Pagbibigay ng Panuto

c. Pagmamasid sa mga mag-aaral habang sumasagot sa pagtataya

d. Pagwawasto sa mga papel

IV- PAGTATALA SA RESULTA:

V- REPLEKSYON:

a. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya; _______________

b .Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain para sa

remediation:_____________

225
226

You might also like