You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION I
SCHOOLS DIVISION OF CANDON CITY
Candon City, Ilocos Sur

FILIPINO 10
Kwarter 1 – Linggo 1 - Modyul 1:
Inihanda ni: Caroline N. Enrico

Aralin Pokus ng Pandiwang


Tagaganap, Layon,
2 Pinaglalaanan, at Kagamitan

Matapos nating matalakay ang araling pampanitikan, dumako naman tayo sa gramatika.

Dapat mong mabatid na…


Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa o salitang kilos sa simuno o
paksa ng pangungusap. Paksa o simuno ang tawag sa bahaging pinag-uusapan sa loob ng
pangungusap. Pandiwa naman ang bahagi ng panalitang nagsasaad ng kilos o
galaw.Narito ang apat sa iba’t ibang pokus ng pandiwa:
1. Tagaganap o Aktor ang pokus ng pandiwa kung ang paksa o simuno ng pangungusap
ang tagaganap ng kilos ng pandiwa.
Halimbawa: Si Venus ay nagalit nang labis kay Psyche.
Ang paksa dito ay si Venus na siya ring gumanap ng kilos na nagalit kaya’t ito ay nasa
pokus tagaganap.
2. Layon o Gol ang pokus ng pandiwa kung ang layon ay siyang paksa o binibigyang-diin
sa pangungusap.
Halimbawa: Pinag-usapan ng mga mag-aaral ang mitolohiya tungkol kay Cupid at
Psyche.

Sa pangungusap sa itaas, ang ginamit na pandiwa ay pinag-usapan na Filipino


tumutukoy sa paksa
10 - Page 1 of 7
ng pangungusap na mitolohiya tungkol kay Cupid at Psyche na pinangungunahan ng
panandang ang. Ano ang layon sa paksang ang mitolohiya tungkol kay Cupid at Psyche?
Tama! ito ay pinag-usapan.
IV. HALIMBAWA
Upang lubusan mong maunawaan ang araling ito, narito ang ilan pang halimbawa na
maaari mong maging gabay. Pansinin na ang mga naitimang salita ang pandiwa at ang mga
nasalungguhitan ang paksa o simuno ng pangungusap.
 Pokus Tagaganap
1. Namangha si Psyche sa ganda ng palasyo.
2. Natakot ang diyosa ng kagandahan sa kaniyang pag-iisa.
3. Umalis si Cupid sa sama ng loob sa di-nagtiwalang asawa.

 Pokus sa Layon
1. Inilipad ng hangin ni Zephyr ang dalawang kapatid ni Psyche.
2. Ipinagkatiwala ni Psyche ang kapalaran sa mga kaibigang tumulong sa kaniya.
3. Inihandog ng mga mortal ang papuri at paghanga kay Psyche.

 Pokus sa Pinaglalaanan
Filipino 10 - Page 2 of 7
1. Ipaghihiganti ng ina ang sinapit ng anak.
2. Ipagpapaalam ni Psyche ang mga kapatid na makadalaw sa kaniya.
3. Ihihingi ng amang hari ng tulong kay Apollo si Psyche upang makapangasawa.

 Pokus sa Kagamitan
1. Ipantatarak sana ng diyosa ang punyal na hawak subalit di-natuloy.
2. Ipanghahasik niya ng kabutihan ang aral na itinuro ng ama sa kaniya.
3. Ipansasalok ng tubig ang praskong kaloob sa kaniya.

V. PAGLALAHAT:
 Ang salitang mitolohiya ay nangangahulugang agham o pag-aaral ng mga mito/myth
at alamat. Tumutukoy ito sa kalipunan ng mga mito mula sa isang pangkat ng tao sa
isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos/diyosa noong unang panahon
na sinasamba, dinarakila, at pinipintakasi ng mga sinaunang tao.
 Ang salitang myth/mito ay galing sa salitang Latin na mythos at mula sa Greek na
muthos, na ang kahulugan ay kwento. Ang muthos ay halaw sa mu, na ang ibig
sabihin ay paglikha ng tunog sa bibig.
 Sa Pilipinas, ang mito ay kinabibilangan ng mga kuwentong-bayang naglalahad ng
tungkol sa mga anito, diyos at diyosa, mga kakaibang nilalang, at sa mga pagkagunaw
ng daigdig noon. Maaaring matagpuan ang mga mitong ito sa mga kuwentong-bayan
at epiko ng mga pangkat-etniko sa kasalukuyan.
 Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa o salitang kilos sa simuno o
paksa ng pangungusap. Maaaring ito ay nasa pokus tagaganap, layon, pinaglalaanan, at
kagamitan. Paksa o simuno ang tawag sa bahagi ng pangungusap na pinag-uusapan.
Pandiwa naman ang bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw.

VI. PAGSASANAY:

A. Basahin ang mga salita sa panggitnang hanay. Tukuyin ang salitang ugat at
kasingkahulugan ng mga ito. Isulat sa kinabibilangang hanay ang hinihinging kasagutan.

Salitang-ugat Salita Kahulugan


1 1. kalumbayan 1
2 2. nabahala 2
3 3. tumatangis 3
4 4. napakapayapa 4
5 5. pagmumuni 5

B. Ipahayag nang malinaw ang iyong sariling pananaw kaugnay sa mitolohiyang “Cupid at
Psyche”sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong.

Filipino 10 - Page 3 of 7
1. Kilalanin ang mga tampok na tauhan sa mitong “Cupid at Psyche” at ilahad ang katangian
ng bawat isa.

a. ____________________ ______________________________________________

b. ____________________ ______________________________________________

c. ____________________ ______________________________________________

2. Tukuyin ang mga kulturang Roma na nakapaloob sa mitong binasa at ipaliwanag.


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, mayroon bang pangyayari sa akda na nagpapakita ng paglabag sa


pananampalataya o relihiyon? Patunayan.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

C. Ang Bibliya ay nagbigay ng napakagandang pagpapakahulugan sa tunay na pag-ibig.


Basahin ito at iugnay sa akdang binasa, sariling karanasan, pamilya, lipunan, at
daigdig.

“Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi mainggitin, hindi mayabang ni


mapagmataas man, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi
magagalitin, o mapagtanim sa kapwa. Hindi niya ikinatutuwa ang gawaing masama,
ngunit ikinagagalak ang katotohanan. Ang pag-ibig ay mapagpatawad,
mapagtiwala, puno ng pag-asa, at mapagtiis hanggang wakas.” 1 Corinto 13:4-7

Iugnay sa mga Kasagutan/Kaisipan


sumusunod:

akdang binasa
(Cupid at Psyche)

sariling karanasan

pamilya

Filipino 10 - Page 4 of 7
lipunan

daigdig

D. Marami na ring mga palabas, cartoon man o tao mismo ang tauhan na kinasasangkutan
ng mga diyos at diyosa. Ngayon ay magbahagi ka ng isang napanood mong mito at
tukuyin ang mensahe at layunin nito. Maaari mong gamitin ang link na ito kung
wala ka pang ibang napanood: https://www.youtube.com/watch?v=LGTTAfwHugY
https://www.youtube.com/watch?v=bZy8H1RgSTI
https://www.youtube.com/watch?v=e6XeP9gQPmg&t=3s

Rubrik para sa pagmamarka ng kasagutan sa napanood na cartoon kaugnay sa isang mito:


Krayterya 3 2 1
Kaugnayan sa Ang kasagutan ay Ang kasagutan ay may Ibang genre ang
paksa naaayon sa paksang kaugnayan lamang sa inilahad na
mito na napanood. mito. kasagutan
Nilalaman Ang pagtalakay at Ang pagtalakay at Hindi maliwanag at
paliwanag ay buo at paliwanag ay hindi walang kaugnayan
malinaw sa umayon sa konteksto ang paliwanag sa
mambabasa. ng awtput. paksa.
Gamit ng Wasto ang gramatikang May kaunting dapat Maraming
gramatika ginamit, baybay at iwasto sa gramatikang pagwawasto ang
bantas ginamit, baybay at kinakailangan
bantas. kaugnay sa
gramatika.

____________________
(Pamagat
Pagtalakay sa napanood:

Layunin ng palabas:

Mensaheng hatid:

Filipino 10 - Page 5 of 7
E. Sa tulong ng iyong natutuhan sa aralin kaugnay sa pokus ng pandiwa, bumuo ng mga
pangungusap na nagpapahayag ng iyong pananaw kaugnay sa kultura, relihiyon,
socio-ekonomiko, kasaysayan, o iba pang nauugnay sa iyong buhay, karanasan o
saloobin. Bilugan ang pandiwang gagamitin at salungguhitan ang paksa sa bawat
pangungusap. Gamiting gabay ang naibigay sa bawat bilang. Isulat sa loob ng kahon
ang nabuong pangungusap.

1. Pokus sa Tagaganap – kultura

2. Pokus sa Tagaganap-socio-ekonomiko

3. Pokus sa Layon- kasaysayan

4. Pokus sa Pinaglalaanan- relihiyon

5. Pokus sa Kagamitan- karanasan

Filipino 10 - Page 6 of 7
VII. TALASANGGUNIAN

Ambat, V. C., Barcelo, M. t., Carino, E. O., Dasig, M. J., Enrijo, W. A., Molina, S. C., . . .
Urgelles, R. P. (2015). Panitikang pandaigdig Modyul Para sa Mag-aaral. Pasig City:
Vibal Group Inc.
Bae, H. (2019, November). Diyos at Diyosa ng Griyego. Retrieved from PDFCookie:
https://pdfcookie.com/documents/diyos-at-diyosa-ng-griyego-429jz5k3jdln
Marasigan, E. V., Dayag, A., & M., m. (2017). Pinagyamang Pluma 10. Quezon City:
Phoenix Publishing House, Inc.
Maria. (2017). CUPID at PSYCHE | Greek Mythology | Filipino 10. Retrieved from
YouTube: https://www.youtube.com/watch?v=hteaGOOA_3A
Marivic. (2017, 10). Cupid at Psyche. Retrieved from Google Images:
https://www.marvicrm.com/2017/10/cupid-at-psyche-buod
Mellor, S. A. (2018, February 22). he myth of Thor's journey to the land of giants. Retrieved
from You Tube: https://www.youtube.com/watch?v=e6XeP9gQPmg&t=3s

Mestach, C. (2013, November 11). Myth of Pandora's Box. Retrieved from Youtube:
https://www.youtube.com/watch?v=LGTTAfwHugY

Vera, O. (2020, December 2). Mashya at Mashyana Mito ng Pagkalikha. Retrieved from
YouTube: https://www.youtube.com/watch?v=bZy8H1RgSTI

Zeus. (2019, Nobyembre 4). Retrieved from Wikipedia: https://tl.wikipedia.org/wiki/Zeus

VIII. MGA KASAGUTAN:

Pagsasanay
A.
Salitang-ugat Kahulugan
1. lumbay 1. kalungkutann
2. bahala 2. nag-alala
3. tangis 3. umiiyak
4. payapa 4. napakatahimik
5. muni 5. pag-iisip

Gawaing B-E

Depende sa sagot ng mag-aaral

Filipino 10 - Page 7 of 7

You might also like