You are on page 1of 24

Department of Education

National Capital Region

10 SCHOOLS DIVISION OFFICE


MARIKINA CITY

FILIPINO
Unang Markahan-Modyul 1
Pagpapapaliwanag sa Mahahalagang Kaisipan/
Pananaw ng Mitolohiya, Pag-uugnay ng
Kahulugan ng Salita sa Kayarian Nito
at Paggamit ng Pokus ng Pandiwa

May-Akda: Deborah C. Joseph


Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character 1


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

Ang modyul na ito ay binubuo ng isang aralin:


● Aralin : Pagpapapaliwanag sa Mahahalagang Kaisipan/Pananaw ng
Mitolohiya, Pag-uugnay ng Kahulugan ng Salita sa Kayarian Nito at
Paggamit ng Pokus ng Pandiwa

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo ang


sumusunod:
A. Naipaliliwanag ang mahahalagang kaisipan/pananaw sa
pinakinggang mitolohiya
B. Naiuugnay ang mga mahahalagang kaisipang nakapaloob sa
binasang akda sa nangyayari sa sarili, pamilya, pamayanan/lipunan
at daigdig
C. Naiuugnay ang kahulugan ng salita beta sa kayarian nito
D. Natutukoy ang mensahe at layunin ng napanood na cartoon ng isang
mitolohiya
E. Naipahahayag nang malinaw ang sariling opinyon sa paksang
tinalakay
F. Nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa (tagaganap, layon,
pinaglalaaanan at kagamitan) pagsasaad ng aksyon, pangyayari,
karanasan, pagsulat ng paghahambing, pagsulat ng saloobin,
paghahambing ng sariling kultura at ng ibang bansa, pagsulat ng
sariling kuwento

City of Good Character 1


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Subukin

Bago ka mag-umpisa ng aralin, isagawa ang mga gawaing ito.

A. Iguhit ang puso ( ) sa bawat linya kung tama ang paglalarawan sa


mitolohiya at bulaklak ( ) naman kung hindi wasto.

_____1. Ang mitolohiya ay ang pag-aaral ng mito o myth.


_____2. Ito ay naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos at diyosa.
_____3. Binubuo ng mga kabanata ang mitolohiya.
_____4. Ang tagpuan ng mitolohiya ay may kaugnayan sa kulturang
kinabibilangan at sinaunang panahon.
_____5. Ito ay binubo ng taludtod, persona at talinghaga.

B. Lagyan ng tsek (/) kung ang pangungusap ay nagpapaliwanang ng


mahalagang pananaw at ekis (X) kung hindi.

_____ 1. Ang pagsunod sa batas lalo na sa panahon ng pandemya ay


lubhang mahalaga upang mapigilan ang pagkalat ng sakit
na Covid-19.
_____ 2. Maigi ang manindigan sa sariling pananaw.
_____ 3. Bilog ang mundo.
_____ 4. Ang buhay at kapalaran ng tao ay nakasalalay sa Diyos.
_____ 5. Bahala na si Batman.

City of Good Character 2


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Pagpapapaliwanag sa Mahahalagang
Kaisipan/Pananaw ng Mitolohiya,
Aralin
Pag-uugnay ng Kahulugan ng Salita
sa Kayarian Nito at Paggamit ng
Pokus ng Pandiwa

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagpapaliwanag ng


mahahalgang kaisipan o pananaw sa pinakinggang mitolohiya, pag-uugnay ng
kahulugan ng salita sa kayarian nito at paggamit ng pokus ng pandiwa. Upang
ito ay malinang, kailangan mong gawin nang matapat ang lahat ng gawain.

Balikan

Balik-aralan mo ang tungkol sa mitolohiya noong ikaw ay nasa


ikapito/ikawalo/ikasiyam na grado pa.

A. Punan ng salita ang bawat patlang upang mabuo ang konsepto ng talata.
Pumili ng sagot sa kahon na nasa dakong ibaba.

Ang salitang 1.___________ ay nangangahulugan ng agham o pag-aaral ng


mga 2.__________ at 3.__________. Tumutukoy rin ito sa kalipunan ng mga mito
mula sa isang 4.__________ng mga tao sa isang 5.__________ na naglalahad ng
mga kasaysayan ng mga 6.____________ noong unang panahon na 7.__________,
8.__________ at 9.__________ ng mga sinaunang 10.__________.

Mito/ Myth lugar tao Alamat


sinasamba pangkat dinarakila pinipintakasi
Mitolohiya diyos-diyosan

B. Magbigay ng 3 halimbawa ng pamagat ng mitolohiya na iyong napag-aralan


na sa mga nakaraang taon.
1. _____________________________________________________________________
2. _____________________________________________________________________
3. _____________________________________________________________________

City of Good Character 3


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tuklasin

A. Panimula:

Pag-aralan ang dalawang larawan. Mayroon bang kaugnayan ang mga


ito sa isa’t isa? Isulat ito sa espasyong nakalaan sa ibaba.

Puna/Obserbasyon : ______________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
B. Pagbasa:

Cupid at Psyche
inalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

Noong unang panahon, may hari na may tatlong magagandang anak na


babae. Pinakamaganda sa tatlo ang bunsong si Psyche. Labis siyang
hinahangaan at sinasamba ng kalalakihan. Sinasabi nilang kahit si Venus, ang
diyosa ng kagandahan, ay hindi makapapantay sa ganda nito. Nalimot na rin ng
kalalakihan na magbigay ng alay at magpuri sa diyosa. Gayundin, ang kaniyang
templo ay wala nang mga alay, naging marumi, at unti-unti nang nasisira. Lahat
ng papuri’t karangalang dapat sa kaniya ay napunta na lahat sa isang mortal.
Nagalit si Venus at inutusan niya si Cupid, ang kaniyang anak upang paibigin
si Psyche sa isang nakatatakot na nilalang. Hindi na niya naisip ang maaaring
maidulot ng kagandahan ng dalaga sa kaniyang anak. Agad tumalima si Cupid
at hinanap ang nasabing babae. Umibig siya kay Psyche nang nasilayan niya ang
kagandahan ng dalaga. Tila ba napana niya ang kaniyang sariling puso.

Nang makauwi si Cupid, inilihim niya sa kaniyang ina ang nangyari. Labis
namang nagtitiwala si Venus at hindi na rin nito inusisa ang anak. Nanabik ang
diyosa ng kagandahan sa kahihinatnan ng buhay ni Psyche.

Gayunman, hindi naganap ang inaasahan ni Venus. Hindi umibig si Psyche


sa isang nakatatakot na nilalang o kahit kanino. Ang isa pang nakapagtataka ay

City of Good Character 4


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
walang umiibig sa kaniya. Kontento nang pagmasdan at sambahin siya ng mga
lalaki subalit hindi ang ibigin siya. Ang kaniyang dalawang kapatid na malayo
ang hitsura sa taglay niyang kagandahan ay nakapag-asawa na ng hari at
namumuhay nang masaya sa kani-kaniyang palasyo. Naging malungkot si
Psyche sa kaniyang pag-iisa. Tila walang nais magmahal sa kaniya.

Nabahala ang magulang ni Psyche. Naglakbay ang haring ama ni Psyche


upang humingi ng tulong kay Apollo. Hiniling niyang payuhan siya ni Apollo
kung paano makahahanap ng mabuting lalaking iibig sa kaniyang anak. Lingid
sa kaalaman ng hari naunang humingi ng tulong si Cupid kay Apollo. Sinabi niya
ang kaniyang sitwasyon at nagmakaawang tulungan siya. Kaya sinabi ni Apollo
sa hari na makapangangasawa si Psyche ng isang nakatatakot na nilalang.
Pinayuhan niya ang hari na bihisan ng pamburol si Psyche, dalhin siya sa tuktok
ng bundok at iwan nang mag-isa. Doon ay susunduin siya ng kaniyang
mapapangasawa na isang halimaw, isang ahas na may pakpak.

Labis na kalumbayan ang baon ng hari sa kaniyang pagbabalik sa palasyo


subalit agad pa rin siyang tumalima sa payo ni Apollo. Ipinag-utos niyang
bihisan si Psyche ng pinakamaganda niyang damit. Pagkatapos mabihisan si
Psyche, ipinabuhat ng hari ang anak na parang ihahatid sa kaniyang libingan
papunta sa tuktok ng bundok. Habang naglalakbay sila, nagluluksa ang lahat sa
maaaring mangyari kay Psyche. Sa kabila naman ng mabigat na sitwasyon,
buong tapang na hinarap ng dalaga ang kaniyang kapalaran. “Dapat noon pa ay
iniyakan na ninyo ako. Ang taglay kong kagandahan ang sanhi ng panibugho ng
langit,” sumbat niya sa kaniyang ama. Pagkatapos nito ay pinaalis na ni Psyche
ang kaniyang mga kasama at sinabing masaya niyang haharapin ang kaniyang
katapusan.

Naghintay si Psyche habang unti-unting nilalamon ng dilim ang buong


bundok. Takot na takot siya sapagkat hindi niya alam kung ano ang naghihintay
sa kaniya. Patuloy siyang tumatangis at nanginginig sa takot hanggang sa
dumating ang malambing na ihip ng hangin ni Zephyr. Inilipad siya nito at
inilapag sa isang damuhang parang na kasinlambot ng kama at pinahalimuyak
ng mababangong bulaklak. Napakapayapa ng lugar na tila nawala ang lahat ng
kaniyang kalungkutan. Nakatulog siya sa kapayapaan ng gabi. Nang magising si
Psyche sa tabi ng ilog, natanaw niya sa pampang nito ang isang mansiyon na
parang ipinatayo para sa mga diyos. Nagmasid-masid siya at labis ang kaniyang
pagkamangha sa kagandahan nito. Yari sa pilak at ginto ang mga haligi, at ang
sahig ay napalamutian ng mga hiyas. Nag-aalinlangan niyang buksan ang pinto
subalit may tinig na nangusap sa kaniya. “Pumasok ka, para sa iyo ang
mansiyong ito. Maligo ka, magbihis, at ihahanda namin ang piging para sa iyo.
Kami ang iyong mga alipin,” wika ng mga tinig.

Nalibang si Psyche sa mansiyon, kumain siya ng masasarap na pagkain.


Buong araw siyang inaliw ng mga musika ng lira at ng mga awitin ng koro na
hindi niya nakikita. Maliban sa mga tinig na kaniyang mga kasama, nag-iisa siya
sa mansiyon. Subalit sa hindi maipaliwanag na dahilan , batid niyang sa pagsapit

City of Good Character 5


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
ng gabi ay darating ang kanyang mapapangasawa. Lumipas ang maghapon na
hindi niya namalayan. Pagsapit ng gabi nangyari nga ang inaasahan niya.
Naramdaman niya ang pagdating ng lalaki. Tulad ng mga tinig di niya ito
nakikita. Bumulong ang lalaki sa kanyang tainga. Nang marinig niya ang tinig
ng lalaki nawala lahat ng takot ng kanyang nararamdaman. Sa kanyang
paniniwala hindi halimaw ang lalaki kundi isang mangingibig at asawang
matagal na niyang hinihintay.

Isang gabi ay kinausap siya nang masinsinan ng lalaki. Binalaan siyang


may panganib na darating sa pamamagitan ng dalawa niyang kapatid. “Darating
ang iyong mga kapatid upang magluksa sa lugar kung saan ka nila iniwan,” wika
ng asawa. “Subalit huwag na huwag kang magpapakita sa kanila sapagkat
magbubunga ito ng matinding kalungkutan sa akin at kasiraan sa iyo,” habilin
ng lalaki. Nangako naman si Psyche na tatalima sa kagustuhan ng asawa.

Kinabukasan, narinig ni Psyche ang panangis ng kaniyang mga kapatid.


Labis na naantig ang kaniyang damdamin sa kanilang pagluluksa. Nais niyang
ibsan ang kanilang kalungkutan at patahanin sila sa pag-iyak. Hanggang sa
maging siya ay umiiyak na rin. Kinagabihan ay inabutan pa siya ng kaniyang
asawa na umiiyak. Sinabi ng lalaki na maaari na niyang makita ang kaniyang
mga kapatid subalit mahigpit pa rin ang kaniyang babala. “Sige gawin mo ang
iyong nais subalit parang hinahanap mo ang sarili mong kapahamakan,” wika
ng lalaki. Pinayuhan siya nang masinsinan na huwag siyang pabubuyo kanino
man at subuking sulyapan ang mukha ng lalaki. Kung mangyayari ito
magdurusa si Psyche sa pagkakawalay sa kanya. “Nanaisin kong mamatay ng
isandaang beses kaysa mabuhay nang wala ka sa aking piling. Pagbigyan mo
lang ang kaligayahan kong muling makapiling ang aking mga kapatid”, buong
pagmamakaawang hiling ni Psyche. Malungkot na sumang-ayon ang lalaki.

Kinaumagahan, inihatid ng ihip ng hangin ni Zephyr ang dalawang kapatid


ni Psyche. Hindi magkamayaw sa iyakan at yakapan ang magkakapatid. Walang
mapagsidlan ang nag-uumapaw nilang kaligayahan. Nang pumasok na sila sa
mansiyon labis na pagkamangha ang naramdaman ng magkapatid. Sila ay
nakatira sa palasyo subalit walang kasingganda ang mansiyon na ito. Nag-usisa
sila kung sino ang napangasawa ni Psyche. Tulad ng kaniyang ipinangako
inilihim ni Psyche ang tunay na pagkatao ng asawa. Nang matapos na ang
pagdalaw ng kaniyang mga kapatid, dumakot si Psyche ng mga ginto at hiyas
upang ibigay sa kaniyang mga kapatid. Ipinahatid niyang muli ang mga kapatid
kay Zephyr. Labis na pangingimbulo ang naramdaman ng mga ate ni Psyche sa
kaniya. Ang kanilang kayamanan ay hindi maihahambing sa kayamanang
kanilang nakita sa tahanan ni Psyche. Binalot nang labis na inggit ang kanilang
puso na humantong sa pagplaplano nila ng ikaapahamak ng kanilang bunsong
kapatid.

Noong gabi ring iyon, muling kinausap ng lalaki si Psyche. Nagmakaawa


siyang huwag na muling patuluyin sa kanilang tahanan ang kaniyang mga
kapatid. “Tandaan mong hindi mo na ako makikitang muli kapag binali mo ang

City of Good Character 6


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
iyong pangako,” masidhing paalala ng kaniyang asawa. “Bawal na kitang makita,
pati ba naman ang mga mahal kong kapatid?” pagmamaktol na sumbat ni
Pysche. Muling pinagbigyan ng lalaki ang asawa na makita ang kaniyang mga
kapatid. “Tandaan mong hindi mo na ako makikitang muli kapag binali mo ang
iyong pangako,” masidhing paalala ng asawa . “Bawal na kitang makita , pati ba
naman ang mga mahal kong kapatid?” pagmamaktol na sumbat ni Psyche.
Muling pinagbigyan ng lalaki ang asawa na makita ang kanyang mga kapatid.

Kinabukasan, muling dumalaw ang dalawang kapatid na may nabuo nang


malagim na balak sa kanilang bunsong kapatid. Nag-usisa sila nang nag-usisa
hanggang malito na si Psyche sa kaniyang mga pagsisinungaling. Napilitan
siyang sabihin ang katotohanang bawal niyang makita ang mukha ng kaniyang
asawa at hindi niya alam ang anyo nito. Ikinumpisal ng magkapatid na alam na
nila noon pa na ang asawa ni Psyche ay isang halimaw batay sa sinabi ng orakulo
ni Apollo. Nagsisisi sila kung bakit nila ito inilihim kay Psyche. Binuyo nila si
Psyche na dapat na niyang malaman ang katotohanan bago mahuli ang lahat.
Mabait lamang daw ang kaniyang asawa ngayon subalit darating ang araw na
siya ay kakainin nito. Takot ang nangibabaw sa puso ni Psyche sa halip na
pagmamahal. Ngayon lamang niya napagtagni-tagni ang katanungan sa
kaniyang isip. Kaya pala pinagbabawalan siyang makita ang hitsura ng kaniyang
asawa sapagkat halimaw ito. At kung hindi man ito halimaw, bakit ito hindi
nagpapakita sa liwanag? Magkahalong takot at pagkalito ang naramdaman ni
Psyche. Humingi siya ng payo sa kaniyang kapatid. Isinagawa na ng
nakatatandang mga kapatid ang masama nilang balak. Pinayuhan nila si Psyche
na magtago ng punyal at lampara sa kaniyang silid. Kapag natutulog na ang
kaniyang asawa sindihan niya ang lampara at buong tapang niyang itarak ang
punyal sa dibdib ng asawa. Humingi lamang daw si Psyche ng tulong at nasa di
kalayuan lamang ang dalawa. Kapag napatay na ni Psyche ang asawa
sasamahan siya ng kaniyang mga kapatid sa pagtakas. Iniwan nila si Psyche na
litong-lito. Mahal na mahal niya ang kaniyang asawa subalit paano kung
halimaw nga ito? Nabuo ang isang desisyon sa kaniya. Kailangan niya makita
ang hitsura ng kanyang asawa.

Sa wakas, nang mahimbing nang natutulog ang lalaki, patiyad na naglakad


si Psyche patungo sa pinaglagyan niya ng punyal at lampara. Kinuha niya ang
mga ito. Sinindihan niya ang lampara. Dahan- dahan siyang lumapit sa kanyang
asawa. Laking ginhawa at kaligayahin ang nag-uumapaw sa kanyang puso nang
masilayan niya sa unang pagkakataon ang hitsura ng kanyang asawa. Hindi
halimaw ang kanyang nakita kundi pinakaguwapong nilalang sa mundo. Nang
madapuan ng liwanag ang kagandahan ng lalaki ay tila ba mas lalong tumingkad
ang liwanag ng lampara. Sa labis na kahihiyan at kawalan ng pagtitiwala,
lumuhod siya at binalak na saksakin ang sarili. Nang akma na niyang itatarak
ang punyal sa kanyang dibdib, nanginig ang kanyang kamay at nahulog ang
punyal. Ang panginginig ng kanyang kamay ay kapwa nagligtas at nagtaksil sa
kanya. Sa pagnanais niyang pagmasdan pa ang kaguwapuhan ng kanyang
asawa, inilapit niya ang lampara at natuluan ng mainit na langis ang balikat

City of Good Character 7


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
nito. Nagising ang lalaki at natuklasan ang kanyang pagtataksil. Lumisan ang
lalaki nang hindi nagsalita.

Sinundan ni Psyche ang asawa subalit paglabas niya, hindi na niya nakita
ang lalaki. Narinig na lamang niya ang tinig ng asawa. Ipinaliwanag nito kung
sino siyang talaga. “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala,” wika
niya bago tuluyang lumipad papalayo. “Si Cupid, ang diyos ng pag-ibig!” ang
naisip ni Psyche. “Siya ang asawa ko. Ako na isang hamak lamang ay hindi
tumupad sa aking pangako sa kaniya. Mawawala na nga ba siya sa akin nang
tuluyan?” wika niya sa kaniyang sarili. Inipon niya ang lahat ng nalalabi niyang
lakas at nagwikang “Ibubuhos ko ang bawat patak ng aking buhay upang
hanapin siya. Kung wala na siyang natitirang pagmamahal sa akin, maipakikita
ko sa kaniya kung gaano ko siya kamahal.” At sinimulan ni Psyche ang kaniyang
paglalakbay

Sa kabilang banda, umuwi si Cupid sa kaniyang ina upang pagalingin ang


kaniyang sugat. Isinalaysay niya sa kaniyang ina ang nangyari. Nagpupuyos sa
galit si Venus at lalong sumidhi ang pagseselos niya kay Psyche. Iniwan niya si
Cupid nang hindi man lang tinulungang gamutin ang sugat nito. Determinado si
Venus na ipakita kay Psyche kung paano magalit ang isang diyosa kapag hindi
nasiyahan sa isang mortal.

Patuloy na naglakbay si Psyche at pinipilit na makuha ang panig ng mga


diyos. Siya ay palagiang nag-aalay ng marubdob na panalangin sa mga diyos
subalit wala sa kanila ang nais maging kaaway si Venus. Nararamdaman ni
Psyche na wala siyang pag-asa sa lupa o sa langit man. Kaya minabuti niyang
magtungo sa kaharian ni Venus at ialay ang kaniyang sarili na maging isang
alipin. Sa ganitong paraan ay umaasa siyang lalambot din ang puso ni Venus at
huhupa rin ang kaniyang galit. Nagbabakasakali rin siyang naroon sa kaniyang
ina si Cupid. Sinimulan na niya ang paglalakbay.

Nang dumating si Psyche sa palasyo ni Venus, humalakhak nang malakas


ang diyosa. Pakutya niyang tinanong si Psyche, “Nagpunta ka ba rito upang
maghanap ng mapapangasawa? Tiyak kong ang dati mong asawa ay wala nang
pakialam sa iyo, sapagkat muntik na siyang mamatay dahil sa natamong sugat
mula sa kumukulong langis na dulot mo. Isa kang kasumpa-sumpang nilalang.
Kailanman ay hindi ka magkakaroon ng asawa kung hindi ka daraan sa butas
ng karayom.” Sinabi ng diyosa na tutulungan niya si Psyche sa pagsasanay.
Ibinuhos niya sa harap ni Psyche ang isang malaking lalagyan na puno ng iba’t
ibang uri ng maliliit na butong pinaghalo-halo niya. Inutusan niya si Pysche na
bago dumilim dapat ay napagsama-sama na niya ang magkakauring buto. Agad
lumisan ang diyosa.

City of Good Character 8


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tinitigan lamang ni Psyche ang malaking tumpok ng mga buto. Napaka
imposible ng ipinapagawa sa kanya ng Diyosa. Nasa ganitong pagmumuni si
Psyche ng pagmasdan siya ng mga langgam. Kung ang mga mortal at imortal ay
hindi naaawa sa kanya, hindi ang maliit na nilalang. Nagtawag ang mga langgam
ng kanilang mga kasama at sinimulan ang pagbubukod-bukod ng mga buto.
Agad natapos ang gawain. Pagdating ni Venus, hindi siya nasiyahan sa kanyang
nakita. Sinabi niyang hindi pa tapos ang mga pagsubok ni Psyche. Binigyan niya
si Psyche ng matigas na tinapay. Sinabi rin ng diyosa na sa sahig siya matutulog.
Inisip ng diyosa na kung pahihirapan at gugutumin niya si Psyche mauubos din
ang nakaiinis nitong ganda. Samantala, tiniyak ni Venus na hindi makalalabas
si Cupid sa kaniyang silid habang pinahihilom nito ang kaniyang sugat.
Nasisiyahan si Venus sa magandang takbo ng mga pangyayari.

Kinaumagahan, isang mapanganib na pagsubok ang ipinagawa ni Venus


kay Psyche. Pinakukuha niya si Psyche ng gintong balahibo ng mga tupa sa tabi
ng ilog. Ang mga tupa ay mababangis at mapanganib. Nang marating ni Psyche
ang ilog, natutukso siyang tumalon at magpalunod na lamang upang matapos
na ang kaniyang paghihirap. Nakarinig siya ng tinig mula sa halamang nasa tabi
ng ilog. “Huwag kang magpapakamatay. Hindi naman ganoon kahirap ang
ipinagagawa sa iyo. Kailangan mo lang maghintay ng tamang panahon upang
makakuha ng gintong balahibo ng tupa. Pagsapit ng hapon ang lahat ng tupa
mula sa malalabay na halamanan ay magtutungo dito sa ilog upang magpahinga.
Magtungo ka sa halamanan at doon ka kumuha ng mga gintong balahibong
nasabit sa mga sanga.” Sinunod ni Psyche ang payo ng halamang nasa tabi ng
ilog. Umuwi siya sa kaharian ni Venus na dala ang mga gintong balahibo ng tupa.

“May tumulong sa iyo!” sumbat ni Venus kay Psyche. “Hindi mo ginagawa


nang mag-isa ang mga pinagagawa ko sa iyo. Hindi bale, bibigyan kita ng
pagkakataong patunayan na sadyang mapagkunwari kang may mabuting puso
at magaling.” Itinuro ni Venus sa malayo ang itim na tubig ng talon. Binigyan
niya si Psyche ng prasko at pupunuin ito ng itim na tubig. Nagtungo si Psyche
sa ilog ng Styx. Nakita niyang malalim ang bangin at mabato. Tanging may
pakpak lamang ang maaaring makaigib ng tubig. Sa lahat ng kaniyang pagsubok,
ito na ang pinakamapanganib. Tulad ng inaasahan may tumulong kay Psyche.
Isang agila ang dumagit sa praskong tangan ni Psyche at lumipad malapit sa
talon. Pagbalik ng agila, puno na ng itim na tubig ang prasko.

Hindi pa rin sumuko si Venus sa pagpapahirap kay Psyche. Ayaw niyang


magmukhang tanga sa harap ng madla. Ipinagpatuloy niya ang pagpapahirap sa
kawawang mortal. Binigyan niya si Psyche ng isang kahon na paglalagyan niya
ng kagandahang kukunin ni Psyche mula kay Proserpine, ang reyna sa ilalim ng
lupa. Inutos ni Venus na sabihin ni Psyche na kailangan niya ito sapagkat
napagod siya sa pag-aalaga sa kanyang anak na may sakit. Katulad ng mga
nauna agad na tumalima si Psyche. Dala ang kahon, tinalunton niya ang daan
papunta sa kaharian ni Hades. Tinulungan siya ng isang tore na nagbigay sa
kanya ng detalyadong hakbang patungo sa kaharian sa ilalim ng lupa. Una,
kailangan niyang pumasok sa isang butas na lagusan patungo sa ilalim ng lupa

City of Good Character 9


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
sa tabi ng ilog ng kamatayan. Kailangan niyang sumakay sa isang bangkang ang
bangkero ay si Charon. Kailangan niyang bayaran ng pera si Charon upang siya
ay makatawid. Makikita na niya ang lansangan patungo sa palasyo. Sa pintuan
ng palasyo may nagbabantay na isang asong tatlo ang ulo. Kapag binigyan ng
cake ang aso ito ay magiging maamo at papayag nang magpapasok sa palasyo.

Nagawa lahat ni Psyche ang ipinaliwanag ng tore. Pinaunlakan din ni


Proserpine ang kahilingan ni Venus. Agad nakabalik si Psyche nang mabilis pa
kaysa kanyang pagbaba. Gayunpaman, nasubok muli ang karupukan ni Psyche.
Sa paghahangad niya ng karagdagang kagandahan upang umibig muli si Cupid
sa kaniya, natukso siyang kumuha ng kaunting ganda sa loob ng kahon. Nang
buksan niya ito, tila walang laman subalit nakadama siya ng matinding
panghihina at agad nakatulog.

Sa mga panahong ito ay magaling na si Cupid. Sabik na siyang makita ang


kaniyang asawa subalit ibinilanggo siya ng kaniyang ina. Mahirap bihagin ang
pagmamahal. Kaya humanap si Cupid ng paraan upang makatakas. Nakita niya
ang bukas na bintana at doon siya nakatakas. Nahanap niya agad si Psyche
malapit sa palasyo. Agad niyang pinawi ang pagtulog ng asawa at agad sinilid
ang gayuma sa kahon. Bahagya niyang tinusok ng kaniyang busog si Psyche
upang magising. Pinagalitan niyang muli ang kaniyang asawa dahil sa pagiging
mausisa nito na humantong muli sa kaniyang kapahamakan. Sinabi niyang
magtungo si Psyche sa kaniyang ina at ibigay ang kahon. Dito na magtatapos
ang pagpapahirap ng kaniyang ina.

Masayang nagtungo si Psyche sa palasyo samantalang si Cupid naman ay


lumipad patungo sa kaharian ni Jupiter, ang diyos ng mga diyos at tao. Hiniling
niya na tiyaking hindi na sila gagambalain ng kaniyang ina. Pumayag si Jupiter.

Nagpatawag si Jupiter ng pagpupulong ng mga diyos at diyosa kasama na


si Venus. Ipinahayag niya sa lahat na si Cupid at Psyche ay pormal nang ikinasal
at wala nang dapat gumambala sa kanila maging si Venus. Dinala ni Mercury si
Psyche sa kaharian ng mga diyos. Dito iniabot ni Jupiter kay Psyche ang
ambrosia, ang pagkain ng mga diyos upang maging imortal. Naging panatag na
rin si Venus na maging manugang si Psyche sapagkat isa na itong diyosa. At
kung maninirahan na ang manugang sa kaharian ng mga diyos, hindi na muling
makagagambala si Psyche sa pagsamba ng tao kay Venus.

Ang pag-ibig (Cupid), at kaluluwa (Psyche) na nagkatagpo sa likod ng


mapapait na pagsubok sa kanilang pagsasama ay hindi na mabubuwag
kailanman.

Sanggunian: Filipino 10 Modyul Para sa Mag-aaral, pahina 14 - 20

C. Paglinang ng Talasalitaan:

City of Good Character 10


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
A. Tukuyin ang kahulugan ng mga salita . Sundin ang talaan sa ibaba.
Basahin ang pagpapakahulugan sa Hanay A ( pahalang na baghagi ) at
ang tinutukoy sa hanay B ( pababang bahagi ). Punan ng nawawalang
letra ang bawat kahon upang mabuo ang salita sa loob ng krusigrama.
Sundan ang mga letrang nasa krusigrama upang matukoy ang kasagutan
nito.

City of Good Character 11


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
D. Pag-unawa sa Binasa

1.Ano ang kalakasan at kahinaan nina Cupid at Psyche?


2.Ano ang pinakamaling ginawa ni Psyche na nagdulot ng malaking suliranin
sa kaniya ?
3. Bakit gayon na lamang ang inggit at galit ni Venus kay Psyche?

4. Bakit itinago ni Cupid ang tunay niyang pagkatao kay Psyce?

5. Bakit naging panatag ang kalooban ni Venus na maging manugang si


Psyche?
6. Bilang isang diyosa, ano ang hindi magandang katangian ni Venus?

Ipaliwanag.
7. Kung ikaw si Psyche, tatanggapin mo rin ba ang mga hamon ni Venus?
Bakit?
8. Ano-ano ang mahahalagamg kaisipan sa binasa?
9. Alin-alin ang mahahalagang kaisipan na maiuugnay sa pangyayari sa sarili
at pamilya?
10.Alin-alin ang mahahalagang kaisipan na maiuugnay sa pangyayari sa
lipunan at daigdig?

Suriin

A. KAISIPAN SA AKDA

Ang kaisipan ay mga ideya o pananaw na nakapaloob sa isang akda na


nagpapakita ng iba’t ibang perspektiba sa pag-unawa sa lipunan at sa daigdig na
ginagalawan ng tao. Mahalaga ang isang kaisipan o ideya kung ito ay nagtuturo
o nagbibigay ng bagong perspektiba o pananaw at kaalaman sa mga mambabasa.
Kadalasan ang mga kaisipan ay kailangang maipaliwanag upang higit na
maunawaan ng mga tagapakinig at mambabasa.

Ang mahahalagang kaisipan sa isang akda ay lalong nagkakaroon ng


tunay na kabuluhan kung naiuugnay ang mga ito sa mga pangyayari o
nangyayari sa sarili, pamilya, lipunan at daigdig. Halimbawa, ang kaisipang
“Diyos ay pag-ibig.” Kung ang bawat tao ay nakararanas ng pag-ibig, siya ay may
Diyos sa puso. Kung gayon ito ay maaaring iugnay sa sarili, sa pamilya, sa
lipunan at sa daigdig dahil halos lahat naman ay nakararanas na umibig at
magkaroon ng Diyos sa buhay.

B. KAHULUGAN AT KAYARIAN NG SALITA

City of Good Character 12


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Pag-aralan ang sumusunod na pares ng mga salitang inihalimbawa. Mapapansin mong
magkakaiba ang kanilang kayarian. Dahil sa pagbabago sa kayarian ng salita (paggamit
ng mga panlapi, pagtatambal at pag-uulit) ay nag-iiba rin ang kahulugan.

Nabasa-hindi sinasadyang pagbasa


Binasa-sadyang pagbasa

Kahoy-piraso ng kahoy/puno
Makahoy-maraming kahoy/maraming puno

Araw- nagbibigay-liwanag sa mundo


Arawan-suweldong ibinibigay araw-araw/uri ng pasuweldo

Apat ang mga kayarian ng salita.

1. Payak ang salita kung wala itong panlapi, walang katambal at hindi inuulit. Binubuo
ito ng salitang-ugat lamang.
Halimbawa: buhay, kapatid, tagumpay

2. Maylapi ang kayarian ng salita kung binubuo ito ng salitang-ugat na may kasamang
panlapi. May limang uri ng paglalapi ng salita.

a. Paggamit panlaping ikinakabit sa unahan ng salita o unlapi –


Halimbawa: paglikha, umasa, nagsisi

b. Paggamit panlaping nasa gitna ng salita o gitlapi


Halimbawa: tumugon, kumanta, magsalita

c. Paggamit panlaping ikinakabit sa hulihan ng salita o hulapi


Halimbawa: sabihin, turuan, samahan

d. Paggamit ng panlaping ikinakabit sa unahan at hulihan ng salita o kabilaan


Halimbawa: kabutihan, pag-isipan,maarawan

e. Paggamit ng panlaping ikinakabit sa unahan, gitna at hulihan ng salita o laguhan


Halimbawa: pagsumikapan, ipagsumigawan, magdinuguan

3. Inuulit ang kayarian ng salita kapag ang kabuuan o isa o higit pang pang pantig sa
dakong unahan ay inuulit.

May iba’t ibang uri ng pag-uulit:

a. Inuulit na ganap o buong salitang-ugat ang inuulit


Halimbawa: sama-sama, sira-sira, gabi-gabi

b. Inuulit na parsyal– isang pantig o bahagi lamang ng salita ang inuulit


Halimbawa: tatakbo, pupunta, dadalawa

c. Magkahalong ganap at parsyal– buong salita at isang bahagi ng pantig ang inuulit
Halimbawa: tutulog-tulog, sasayaw-sayaw, lalakad-lakad

City of Good Character 13


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
4. Tambalan ang kayarian ng salita kung ito ay binubuo ng dalawang salitang
pinagsasama para makabuo ng isang salita lamang.

May dalawang uri ng tambalan:

a. Malatambalan o Tambalang Parsiyal– kapag ang kahulugan ng salitang


pinagtambal ay nananantili
Halimbawa : bukang -liwayway, bahay-kubo, kuwentong-bayan

b. Tambalang ganap – kapag nakabubuo ng ibang kahulugan kaysa sa kahulugan ng


dalawang salitang pinagsama
Halimbawa: dalagambukid, hampaslupa, kapitbahay

C. OPINYON/PANANAW

Alam mo ba na mapapaunlad mo ang iyong pag-unawa sa isang paksa sa tulong


ng paglalahad ng iyong opinyon o pananaw? Higit na magiging malinaw ang iyong
opinyon o pananaw sa isang paksa o isyu kung makikilala at magagamit ang mga angkop
na pahayag sa pagsasagawa nito. Maaari mong gamiting panimula ang mga angkop na
pahayag sa paglalahad ng iyong opinyon o pananaw upang ika’y pakinggan at
maunawaan. Sa pagpapahayag ng iyong opinyon o pananaw, nararapat na magkaroon ka
ng kabatiran sa dalawang uri nito.

Dalawang Uri ng Opinyon:

1. Matatag na Opinyon – lubos ang paniniwala ng nagsasalita at tila hindi na mababago


ang kaniyang saloobin.
Labis kong pinaniniwalaan… Kumbinsido akong…
Buong igting kong sinusuportahan ang… Lubos akong
naninindigan….
Halimbawa:
Labis kong pinaniniwalaan na ang pagtulong sa kapwa ay bukal sa loob at hindi
kailanman naghihintay ng anumang kapalit.
2. Neutral na Opinyon – tila maaaring magbago ang paniniwala ng nagsasalita batay sa
kaniyang nabasa o narinig.
Sa aking palagay…
Kung hindi ako nagkakamali…
Kung ako ang tatanungin… Sa tingin ko ay…
Kung hindi ako nagkakamali...
Halimbawa:
Kung ako ang tatanungin, mas makabubuting sumunod tayo sa mga ipinatutupad na
batas upang mapangalagaan ang ating kaligtasan.

D. POKUS NG PANDIWA

Pokus ng pandiwa ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa


simuno o paksa ng pangungusap. Naipapakita ito sa pamamagitan ng taglay na
panlapi ng pandiwa. Makatutulong din sa mabilisang pagtukoy sa pokus ng
pandiwa kung alam natin ang mga pananda na ginagamit sa paksa tulad ng si,

City of Good Character 14


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
sina (kung tumutukoy sa tao) at ang, ang mga (kung tumutukoy sa bagay. Ang
paksa ay maaaring makita sa unahan, gitna o hulihang bahagi ng pangungusap.

Mga Uri ng Pokus ng Pandiwa

1. Pokus sa Tagaganap (Aktor) – kapag ang paksa ng pangungusap ang


gumagawa ng kilos na isinasaad ng pandiwa. Ginagamitan ng mga unlaping um-
na-, mag-, nag-, ma-, mang-, makapag-, maki-, magpa-, magsipag at gitlaping –
um-. Maaari ring gamitin ang mga nominatibong panghalip tulad ng ako, kita,
ka, siya, tayo, kami, kayo at sila. Ang paksa ng pokus ay sumasagot sa tanong
na “sino?”
Halimbawa:
Nagtalumpati ang panauhing pandangal sa harap ng mga mag-aaral.
Ang pangulo ay tumugon sa pangangailangan ng taumbayan.

2. Pokus sa Layon (Gol) – kapag ang layon ang paksa o ang binibigyang-diin sa
pangungusap. Ginagamitan ng mga unlaping ma-, na-, paki-, ipa-pa-, gitlaping –
in- hulaping –in, -hin, -an, -han. Ang paksa ng pokus ay sumasagot sa tanong na
“ano?”
Halimbawa:
Ipatutupad ng pamahalaan ang Enhanced Community Quarantine sa mga
lugar na may matataas na kaso ng Covid-19.
Pinuri ng WHO ang mga epektibong pamamaraang isinasagawa ng lungsod
ng Baguio upang mapagtagumpayan ang pandemya.

3. Pokus sa Pinaglalaanan (Tagatanggap) – kapag ang paksa ay tumutuon sa


tao o bagay na nakikinabang sa resulta na isinasaad ng pandiwa. Ginagamitan
ng mga panlaping i- + -in-, ipag-, ipinag at ipagpa. Ang paksa ng pokus na ito ay
sumasagot sa tanong na “Para kanino?”
Halimbawa:
Ipinaghanda niya ng masarap na pagkain ang mga panauhin.
Sa labis na katuwaan ng ama, ibinili niya ng bagong gamit ang kaniyang
anak para sa pasukan.

4. Pokus sa Kagamitan (Instrumental) – kapag ang bagay na ginamit o naging


kagamitan sa pagganap ng kilos ang pinagtutuunan ng pandiwa. Ginagamitan
ng mga panlaping ipang-, at ma- + ipang-. Ang paksa ng pokus ay sumasagot sa
tanong na “Sa pamamagitan ng ano?”.
Halimbawa:
Ang minanang yaman ni Aurora ay ipinantulong niya sa mga mahihirap.
Ipinantatawid nila sa gutom ang kakaunting kitang nakukuha niya sa
pamamasada.

E. GAMIT NG PANDIWA
1. Aksyon- May aksyon ang pandiwa kapag may aktor o tagaganap ng
aksyon/kilos. Mabubuo ang mga pandiwang ito sa tulong ng mga panlaping:
-um, mag- ma-, mang-, maki-, mag-an.
Maaaring tao o bagay ang aktor.
Halimbawa:
a. Naglakbay si Bugan patungo sa tahanan ng mga diyos.
b. Tumalima si Psyche sa lahat ng gusto ni Venus.

City of Good Character 15


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
2. Karanasan-Nagpapahayag ng karanasan ang pandiwa kapag may
damdamin. Dahil dito, may nakararanas ng damdamin na inihuhudyat ng
pandiwa. Maaaring magpahayag ang pandiwa ng karanasan o damdamin/
emosyon. Sa ganitong sitwasyon, may tagaranas ng damdamin o saloobin.
Halimbawa:
a. Tumawa si Bumabbaker sa paliwanag ni Bugan.
b. Nalulungkot ang lahat nang mabalitaan ang masamang nangyayari.

3. Pangyayari-Ang pandiwa ay resulta ng isang pangyayari.


Halimbawa:
a. Naawa si Bumabbaker nang masaksihan ang panlulumo ni Bugan.
b. Nasiyahan si Bugan sa ipinakitang pagpapahalaga sa kaniya ng mga
diyos.

Ngayon naman ay palawakin mo ang iyong kasanayan batay sa pinag-


aralan sa bahaging suriin. Balikan ang aralin upang maisagawa ang mga gawain.

A. Mula sa ibinigay na salita sa ibaba, ibigay ang kahulugan ng mga salita


batay sa kayarian ng salitang kinabibilangan.

Salita Kayarian Kahulugan


1. Araro

2. Inaararo

3. Napakinggan

4. Pinakinggan

5. Bahaghari

6. Tawad

7. Pinatawad

8. Sunod-sunod

9. Sunod-sunuran

10. Kapitbahay

City of Good Character 16


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
B. Gamitin ang sumusunod na salita sa paglalahad ng iyong opinyon o
pananaw tungkol sa napapanahong isyung pandaigdig na nakasulat sa
kahon. Pumili sa sumusunod na mga halimbawa sa ibaba.

Labis kong pinaniniwalaan… Sa aking palagay..

Kumbinsido akong… Kung ako ang tatanungin..

Lubos akong naninidigan… Sa tingin ko…

Buong giting kong sinusuportahan ang… Kung di ako nagkakamali…

KAHIRAPAN KARAPATANG PANTAO

--------------------------------- ----------------------------------
--------------------------------- ----------------------------------_

EDUKASYON MALAYANG
PAMAMAHAYG

---------------------------------- -----------------------------------
---------------------------------- -----------------------------------

C. Pagyamanin mo ang iyong natutuhan sa aralin. Isulat sa patlang kung ang


pandiwang may salungguhit ay ginamit bilang aksyon, karanasan, o pangyayari.

_______1.Nag-isip ang mag-asawa hanggang sa makapagdesisyon si Bugan.


_______2. Nalungkot ang mga diyos sa narinig mula kay Bugan.
_______3. Gumawa ng paraan si Bugan mabiyayaan lamang siya ng anak.
_______4. Nagtungo si Bugan sa lupain ng mga diyos upang humingi ng tulong.
_______5. Tumalima si Bugan sa mga ipinag-utos ng mga diyos.
_______6. Nagulat si Bumabakker sa narinig na paliwanag ni Bugan.
_______7. Nagalak ang mga diyos sa ritwal na inaalay ng mga tao.
_______8. Nasiyahan si Igat sa isinagot ni Bugan.
_______9. Sumang-ayon si Wigan sa mungkahi ni Bugan.
______10. Nagdiwang ang mag-asawa dahil sa ipinagkaloob na biyaya ng mga diyos.

City of Good Character 17


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
A. Mahalaga ang isang kaisipan o ideya kung ito ay nagtuturo o
nagbibigay ng bagong perspektiba o pananaw at kaalaman sa mga
mambabasa. Kadalasan ang mga kaisipan ay kailangang maipaliwanag
at linawin upang higit na maunawan ng mga tagapakinig at
mambabasa upang maisagawa ito sa tunay na buhay.

Tandaan, bukod sa mga kaisipan na makukuha sa akda, ang


mitolohiya ay maaaring gamitin sa sumusunod:

1. Ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig.


2. Ipaliwanag ang puwersa ng kalikasan.
3. Maisalaysay ang sinaunang gawaing panrelihiyon.
4. Magturo nang mabuting aral
5. Maipaliwanag ang kasaysayan
6. Maipahayag ang marubrob na pangarap, matinding takot at pag-asa
ng sangkatauhan

B. Ang malinaw na ugnayan ng kayarian-kahulugan ay ang


pagbabago ng kahulugan ng mga salita batay sa uri ng kayarian nito.

C.
Mensahe ng akda- ito ay mga ideya o kaisipang nais iparating ng akda
sa mga mambabasa. Ito ay kadalasang nangingibabaw na ideya sa
isang akda.

Layunin ng akda – Ito ay maaaring hinuha o palagay lamang na


layunin sa pagkakasulat. Masasalamain ito sa mga mensaheng
nakapaloob sa akda. Iba ang layunin ng akda sa layunin ng may-akda.

D. Mahalaga ang pagpapahayag ng ating opinyon o pananaw tungkol sa


iba’t ibang isyung nagaganap hindi lamang sa ating bansa kundi
maging sa ibang bahagi ng mundo. Tandaan na mas magiging
makabuluhan , malinaw at katanggap-tanggap ito kung magagamit
nang maayos ang mga angkop sa pahayag sa paglalahad ng opinyon o
pananaw.

E. Tandaan na ang pandiwa ay may iba’t ibang gamit. Ginagamit ito


bilang pagpapahayg ng aksyon, karanasan at pangyayari. Naipapakita
ito sa taglay na panlapi ng pandiwa.

City of Good Character 18


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Isagawa
A. Para sa mag-aaral na online

Ilapat sa tunay na buhay ang iyong natutuhan sa aralin. Panoorin ang isang
mitolohiya sa link na nasa ibaba. Pagkatapos, bumuo ng Isang maayos na
buod. Tukuyin at ipaliwanag ang mahahalagang kaisipang nakapaloob dito
at ilahad kung paano ito maisasabuhay.

The Myth of Medusa and Athena:


https://www.youtube.com/watch?v=FLbrY-u2rRs

Gawing gabay ang pamantayang ito:

Mga Napaka- Katamta- Nangangailangan


Pamantayan husay Mahusay man ng pagsasanay
5 4 3 2
Naisalaysay ang
mga pangyayari
ayon sa tamang
pagkakasunod-
sunod
Natukoy at
naipaliwanag
ang kaisipan
Malinaw na
naiugnay sa
sariling buhay
Kabuoang
Puntos

B. Para sa modular

Ilapat sa tunay na buhay ang iyong natutuhan sa aralin.


Mula sa binasang mitolohiya “ Cupid at Psyche”, bumuo ng isang maayos
na buod.Tukuyin at ipaliwanag ang mahahalagang kaisipang nakapaloob
at ilahad kung paano ito maisasabuhay. Gawing gabay ang pamantayan sa
itaas.

City of Good Character 19


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Ngayong naunawaan mo na ang aralin. Oras na para sukatin ang iyong
natutuhan sa aralin.

A. Lagyan ng bilang 1 ang patlang kung ang mahalagang kaisipan ay


maiuugnay sa pangyayari sa sarili, bilang 2 kung sa pamilya, bilang 3 kung
sa lipunan at bilang 4 kung sa daigdig.

_____ 1. Pana-panahon ang buhay ng tao.


_____ 2. Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng gobyerno para
sa’yo kundi itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa
gobyerno.
_____ 3. Huwag mong gawin sa iyong kapuwa ang ayaw mong gawin ng
iyong kapuwa sa’yo.
_____ 4. Ang bawat tao ay may karapatan at pananagutan.
_____ 5. Hangarin mo ang edukasyong mapagpalaya.
_____ 6. Ang pag-aaral ay mainam na pundasyon para sa hinararap.
_____ 7. Ang pamilyang sama-sama sa pagdarasal ay pamilyang
tumitibay.
_____ 8. Ang batas ay batas.
_____ 9. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
____10. Igalang lahat ng tao anoman ang kanyang katayuan, kasarian at
lahing pinagmulan.

B. Tukuyin ang kayarian ng mga salitang may salungguhit sa sumusunod


na pangungusap. Isulat sa patlang kung ito’y Payak, Maylapi, Inuulit o
Tambalan.
__________1. Kailangan nating magtulungan upang malagpasan ang
krisis na kinakaharap ng ating bansa.
__________2. Ugaliing magsuot ng face mask tuwing lalabas ng bahay
upang maiwasang mahawaan ng virus.
__________3. Mas makabubuting maglakad na lamang kung malapit-lapit
din lang ang pupuntahan.
__________4. Naniniwala ang mga mamamayan na matatapos din ang
pandemyang nararanasan.
__________5. Tandaan lagi na pagkatapos ng matinding ulan, bahaghari
ay masisilayan.

City of Good Character 20


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
C. Salungguhitan ang pandiwa at bilugan ang paksa ng pangungusap. Isulat sa
patlang ang pokus ng pandiwang ginamit sa pangungusap.

_______1. Pumasok siya sa serbisyo upang magsilbi sa bayan.


_______2. Mahalagang alamin ang iyong angking kakayahan para sa
ikapagtatagumpay ng buhay.
_______3. Dulot ng kahirapang nararanasan ng pamilya, ipinanghingi na
lamang ni Tonyo ng makakain ang kanyang pamilya.
_______4. Maluwag niyang tinanggap ang katotohanan tungkol sa kanyang
pagkatao.
_______5. Ipinansasanggalang ko sa lahat ng suliranin ang matibay na
pananampalataya sa Diyos.

Paimbulogin ang iyong kakayahan kaugnay ng aralin. Magsagawa ng isang


panayam sa iyong magulang, lolo o lola. Magpakuwento sa kanila ng mga mito (o
iba pang kauri nito). Isulat sa papel ang mito na narinig ayon sa iyong
pagkakaunawa.
Sikaping isaalang-alang ang mga pokus ng pandiwa upang mailahad nang
malinaw ang mga pangyayari at mahahalagang kaisipan sa mito. Gamiting gabay
ang pamantayang nakatala sa iyong pagsusulat.

Pamantayan sa Mahusay Katamtaman


Pagmamarka 10 5
Naipahayag ng wasto at
malinaw ang kuwentong
kaugnay sa paksang binasa
Mabisang nagamit ang mga
pokus ng pandiwa sa
pagkukuwento.
Kapupulutan ng aral ang
kuwento.
Kabuoang Puntos = 30

Natutuwa ako sa iyong ipinakitang kagalingan sa ating talakayan.


Binabati kita! Sige, hanggang sa muli!

City of Good Character 21


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
22 City of Good Character
Hayskul, pp 3 – 21. Manila, Philippines: Rex Book Store.
Bucu, Amelia V., et.al (2016). Kalinangan 10 (Wika at Panitikan) para sa
Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral, pahina 14 – 22 , 23-26
Sanggunian
SUBUKIN TAYAHIN
A. B. A B.
1. 1. / 1.) 1,2,3,4 6) 1 1. payak
2. 2./ 2) 1,2,3 7) 2 2.maylapi
3. 3. X 3) 1,2,3,4 8) 3,4 3. inuulit
4. 4. X 4) 1,2,3,4 9) 1,2,3,4 4. payak
5. 5, X 5) 1 10)1,2,3,4 5. tambalan
TAYAHIN C.
1. Pumasok – siya – aktor
2. Alamin – ang iyong angking kakayahan – layon
3. Ipinanghingi – ang kanyang pamilya - tagatanggap
4. Tinanggap – ang katotohanan - layon
5. Ipinangsanggalang – ang matibay na pananampalataya sa Diyos -
kagamitan
Susi sa Pagwawasto
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Deborah C. Joseph (Guro, PHS)


Mga Editor: Ma. Grace Z. Cristi (Guro, THS)
Kimberly M. Capuno (Guro, MHS)
Adelwisa P. Mendoza (Guro, CISSL)
Tagasuri- Panloob: Galcoso C. Alburo (Superbisor sa Filipino)
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (KNHS)
Tagalapat: Jee-jay B. Canillo (NHS)

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino
Ivy Coney A. Gamatero
Superbisor sa LRMS

City of Good Character 23


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like