You are on page 1of 9

9 Department of Education

National Capital Region


SC HOO LS DIVISIO N OFF IC E
MARIKINA CITY

FILIPINO
Unang Markahan-Modyul 7:
Pag-uuri ng mga Tiyak na Bahagi sa Akda
na Nagpapakita ng Katotohanan,
Kagandahan at Kabutihan

May-akda: Mark Ryan V. Canimo


Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin
Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin
 Aralin – Pag-uuri ng mga Tiyak na Bahagi sa Akda na Nagpapakita
ng Katotohanan, Kagandahan at Kabutihan

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo ang


sumusunod:
A. nauuri ang mga bahagi na nagpapakita ng katotohanan;
B. nauuri ang mga bahagi na nagpapakita ng kabutihan; at
C. nauuri ang mga bahagi na nagpapakita ng kagandahan sa
nobelang pinakinggan

Subukin
Bago ka magpatuloy sa ating aralin, basahing mabuti ang bawat pahayag o
pangungusap. Isulat sa patlang ang KT kung ito ay nagpapakita ng Katotohanan,
KB kung Kabutihan at KG kung Kagandahan.

_____ 1. Unti-unting pumatak ang butil ng luha ni Jun habang umaakyat sa


entablado upang kunin ang medalya ng karangalan. Biglang pumasok sa
alaala niya ang pangaral ng kaniyang namayapang ina.
_____ 2. Kasabay ng mainit na panahon ang pagkaipit ng bus na sinasakayan ni
Cecil sa mala-parking lot na kahabaan ng EDSA. Tanaw niya mula sa
kaniyang kinauupuan ang mga batang kumakatok sa mga pribadong
sasakyan.
_____ 3. Hindi mawala sa isipan ni Rochelle ang kalunos-lunos na sinapit ng mga
naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal. Agad niyang kinuha ang
cellphone upang buksan ang Facebook App. Hihikayatin niya ang mga
kaibigan na magbigay ng donasyon.
_____ 4. Humampas sa kaniyang pisngi ang hangin matapos buksan ang bintana
ng kaniyang kuwarto. Tanaw niya mula roon ang luntiang paligid ng
kanilang bakuran.
_____5. Alas dos nang hapon, papalabas si Susan papunta sa tindahan ni Aling
Lita. Para siyang nakikipagpatentero sa mga nakakasalubong sa eskinita
habang umiiwas sa mga kapitbahay niyang nagkukuwentuhan sa labas ng
bahay.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 1
Pag-uuri ng mga Tiyak na Bahagi sa Akda
Aralin na Nagpapakita ng Katotohanan,
Kabutihan at Kagandahan

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pag-uuri ng mga tiyak na bahagi sa


akda na nagpapakita ng katotohanan, kabutihan at kagandahan sa akda.
Malilinang ito kung matapat mong maisasagawa ang mga gawain.

Balikan
Magbalik-aral tungkol sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari gamit ang
angkop na pang-ugnay. Punan mo ng angkop na pang-ugnay ang mga patlang
upang mabuo at mapagsunod-sunod ang mga pangyayari sa talata sa ibaba.

Wastong Paghuhugas ng Kamay


Mahalaga sa panahon ito ang pagpapalakas at pagpapatibay ng ating
kalusugan at katawan. Ang paghuhugas nang wasto sa ating mga kamay ay
isa sa mga paraan upang mapanatiling ligtas tayo sa sakit. (1)________, basain
ang iyong mga kamay sa malinis na tubig na dumadaloy. (2)___________ ay
sabunin ito nang mabuti. Kuskusin nang mabuti ang palad, kuko, daliri at
likurang bahagi ng kamay. (3)_______ nito, banlawan nang mabuti ang mga
kamay sa malinis na tubig na dumadaloy. (4)_______, patuyuin mo ang iyong
mga kamay gamit ang tuyo at malinis na tuwalya.

Tuklasin
A. Panimula

Paganahin mo ang iyong imahinasyon. Isiipin mo na sa loob ng kahon ay


may larawan ng isang babae na nakikipag-rally o may hawak na plakard upang
ipaglaban ang karapatan ng kababaihan. Isiping mabuti at sagutan ang gabay na
tanong.

Gabay na Tanong:

1. Makatotohanan ba ang inisip mong larawan sa loob ng kahon?

City of Good Character 2


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
2. Masasabi mo bang may kabutihan sa kaniya/kanilang ginagawa?
3. Ano ang kagandahan ng kaniya/kanilang ginagawa?
4. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng nasa larawan, gagawin mo rin ba ang
kanilang ginagawa? Bakit?

B. Pakikinig
Simulan na natin ang pagtalakay sa paksang aralin sa pamamagitan ng
pakikinig sa bahagi ng isang nobela mula sa Saudi Arabia na pinamagatang “Isang
Libo’t Isang Gabi” na isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera, pagsagot sa mga
gabay na tanong at karagdagang kaalaman.

Upang mapakinggan ang bahagi ng nobelang “Isang Libo’t


Isang Gabi”, puntahan mo ang link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=cVcZtuZQ6L0&t=128s

Pakinggan mong mabuti at unawain ang bahagi nobela.


Bigyang-pansin ang mga pangyayari na nagpapakita ng
katotohanan, kabutihan at kagandahan.

C. Pag-unawa sa Pinakinggan

1. Batay sa napakinggan, paano mo ilalarawan ang pangunahing tauhan?


2. Aling bahagi ng napakinggang akda ang makatotohanan o tunay na
nagaganap sa ating lipunan? Paano?
3. May pangyayari ba sa nobela na nagpapakita ng kabutihan ng tauhan?
Patunayan.
4. Aling bahagi ng napakinggang akda ang sumasalamin sa kagandahan ng
buhay, bagay o kapaligiran?
5. Kung ikaw ang tauhang babae sa napakinggang akda, gagawin mo rin ba
ang kaniyang ginawa? Bakit?

D. Paglinang sa Talasalitaan

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Ibigay ang kasingkahulugan ng


salitang may salungguhit sa pamamagitan ng paglalagay ng mga letra sa kahon
upang mabuo ang salita.

1. Isang babaing mangangalakal ang nakipag-isang dibdib sa isang lalaking


mahilig maglakbay sa buong mundo.
K S L
2. Humingi rin siya ng tulong sa Cadi.” Diyos ko! Cadi. “Oo,”sagot nito at
siya’y nagpatuloy. “Pag-aralan mo ang kaso ko at gagantimpalaan ka ng
Diyos.”
H K M
3. Nang sulyapan siya ng Cadi, umibig din ito sa kaniya.
T I G N

City of Good Character 3


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
4. Pumunta rin siya at humingi ng tulong sa Vizier na palayain ang kaniyang
kapatid sapagkat lubha niya itong kailangan.
P Y L
5. Nang marinig ng hari ang nakahahabag na salaysay sa pagkakakulong ng
kapatid, bumukal sa puso nito ang awa at pagmamahal.
N K W

Suriin

Ang nobela ay isang uri ng prosa o mahabang kathang pampanitikan


na naglalahad ng mahusay na paghahabi ng mga pangyayaring
sumasalamin sa hangarin ng manunulat na maipakita ang katotohanan,
kabutihan at kagandahan sa pamamagitan ng kawili-wili, maayos at
magandang estilo ng pagsusulat, angkop na pagpili ng mga salita at
nagpapakita ng tatak ng manunulat.
May mga nobelang naglalayong magpakita ng paghahangad ng
pagbabago sa lipunan, suliraning pampamilya, personal na karanasan,
kasaysayan, moralidad at romansa o pag-ibig.

Pagyamanin

Sa bahaging ito, palawakin natin ang iyong kaalaman sa pag-uuri ng mga


tiyak na bahagi ng nobela na nagpapakita ng katotohanan, kagandahan at
kabutihan. Pumili lamang ng isang gawain mula sa ibaba batay sa iyong interes o
kakayahan. Gawin mong gabay ang pamantayan sa pagmamarka sa pagsasagawa
ng gawaing napipili.

Gumuhit ka ng representasyon ng katotohanan, kabutihan


at kagandahang makikita sa napakinggang bahagi ng
nobela. Ipaliliwanag mo ang iyong iginuhit.

Bumuo ka ng liriko na nagpapahayag ng katotohanan,


kabutihan at kagandahang makikita sa napakinggang akda.
Lapatan mo ito ng himig mula sa isang napapanahong awitin.
Awitin ito habang kinukuhanan ng bidyo ang sarili. Ipadala o
i-upload sa ating google classroom.

City of Good Character 4


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Pumili ka ng isang eksena mula sa napakinggang akda. Iarte o
gumawa ng sariling monologo kaugnay nito na nagpapakita ng
katotohanan, kabutihan at kagandahan. Kuhanan ang sarili ng
bidyo at ipadala/ i-upload sa ating google classroom.

Sumulat ng liham sa iyong kaibigan na humihikayat na basahin


ang nobela. Ipabatid sa kaniya ang katotohanan, kabutihan at
kagandahang makikita sa nobela.

Pamantayan sa Pagmamarka

Malinaw na naipakita ang kagandahan, katotohanan at kabutihan 40


sa nobela

Malikhaing naisagawa ang gawain 30

Kakikitaan ng kabihasaan sa aralin 30

Kabuoan 100

Isaisip

TANDAAN NATIN!

Ang mga nobela ay naglalahad ng mga pangyayaring


nagpapakita ng katotohanan, kabutihan at kagandahan na
halaw sa mga pangyayari sa lipunan at sa buhay ng tao.

Isagawa
Sa pagkakataong ito, subukan nating ilapat sa tunay na buhay ang
natutuhan mo sa ating aralin. Gumawa ka ng interbyu sa isang miyembro ng
pamilya o kaibigan na nakabasa ng nobela. Sa pag-uusap o pagtalakay, ilista ang
mga katotohanan, kabutihan at kagandahang nakita sa ginawang interbyu sa
nabasa nilang nobela. Gamitin ang rubrik sa bahaging PAGYAMANIN.

City of Good Character 5


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tayahin

Tiyak akong naunawaan mo na ang ating aralin, susukatin natin ang iyong
natutuhan. Gawin mo ang sumusunod:

A. Isulat sa patlang kung ang pahayag o pangungusap ay nagpapakita ng


KATOTOHANAN, KABUTIHAN at KAGANDAHAN.

_______1. Kitang-kita sa mukha ni Josie ang bigat ng kaniyang dinadala, napansin


ito ni Aling Entia kaya’t marahan niyang hinaplos ang ulo ng anak
pagkatapos ay niyakap niya ito nang mahigpit.
_______2. Lumipas ang mga araw, nananatiling hindi umiimik si Marissa sa kabila
ng paulit-ulit na panunukso ng kaniyang mga kaklase dahil sa kulay ng
kaniyang balat at kulot na buhok. Bagsak ang balikat niya sa tuwing
uuwi sa kanilang tahanan.
_______3. Hindi maitatanggi ang kasiyahan na Joseph. Kitang-kita sa kaniyang
mga mata ang pananabik na makitang muli ang mga anak matapos ang
labing-apat na araw niyang quarantine pagkababa ng barko.
_______4. Iba talaga rito sa Marikina! Hindi maitatanggi ang kalinisan at kaayusan
ng paligid, paghangang nasambit ni Lucy habang tinatanaw ang
malaking orasan sa Sports Center.
_______5. Paakyat pa lamang si Joey ay narinig na niya ang paghingi ng tulong ng
matandang babae. Nakita niyang hinila ng lalaki sa matanda ang maliit
na bag. Nagmadali siyang tumakbo upang habulin ang lalaki.

B. Panuto: Muli mong balikan ang napakinggang akda. Sa pamamagitan ng isang


vlog, ibahagi mo sa iyong mga kaibigan ang katotohanan, kabutihan at
kagandahang nakita mo sa pakikinig ng bahagi ng nobela. Gamitin ang rubrics
sa bahaging PAGYAMANIN.

Karagdagang Gawain
Subukan mong magbasa ng nobela o bahagi nito. Sumulat ng isang talata
na nag-iisa-isa sa pangyayaring makatotohanan, may taglay na kabutihan at
kagandahan. Gamitin ang rubrik sa bahaging PAGYAMANIN ng modyul na ito.

Muli, isang pagbati sa iyong ipinakitang sigasig sa pag-aaral sa modyul na


ito. Hanggang sa muli!

City of Good Character 6


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Susi ng Pagwawasto
5. KABUTIHAN
4. KAGANDAHAN
3. KATOTOHANAN
2. KATOTOHANAN
1. KABUTIHAN
C.TAYAHIN

4. Sa huli
3. Pagkatapos
2. Sumunod/Kasunod
1. Una
B. BALIKAN

5. KT
4. .KG
3. KB
2. KT
1. KB
A. SUBUKIN

Sanggunian

Peralta, Romulo et al., 9 Panitakang Asyano (Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino)


Peralata, Romulo et al., 9 Panitakang Asyano (Gabay ng Guro sa Filipino)
Mga Larawan
https://publicdomainvectors.org/en/free-clipart/Physical-education-teacher/73300.html
https://pixabay.com/vectors/headset-music-mp3-listen-2781422/
https://pixabay.com/illustrations/painter-painting-art-artists-brush-3834472/
https://www.publicdomainpictures.net/en/view-image.php?image=41093&picture=musical-symbol-
silhouette
https://publicdomainvectors.org/en/free-clipart/Comedy-and-tragedy-masks-vector-image/68645.html

City of Good Character 7


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Mark Ryan V. Canimo (Guro, NHS)


Mga Editor: Adelwisa P. Mendoza (Guro, CISSL)
Lawrence Dimailig (Guro, MSHS)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (Guro, KNHS)

Tagalapat: Jee-jay B. Canillo (Guro, NHS)

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang
Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management Section

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like