You are on page 1of 70

Paksang-Aralin

Paksa: Alamat

KasanayangPanggramatika: Mga Pang-ugnay sa


Paglalahad
Teksto: Ang Alamat ng Baysay
(Bahagi ng The Beautiful Bungangsakit)
salin ni Reynaldo S. Reyes
Mula sa The Legend by Damian L. Eugenio, UP Press

Sanggunian:
Grade 7 Kurikulum Guide (2013)
Kalinangan (Rex Bookstore)
www.rexinteractive.com
www.youtube.com

Aralin1

ALAMAT

Alamat ng Baysay
(BAHAGINGTHEBEAUTIFULBUNGANGSAKIT)
SALINNIREYNALDOS.REYES
MULASATHELEGENDBYDAMIANL.EUGENIO

UPPRESS

Balik-aral

Ano ang paborito


ninyong laro at bakit?

Pagganyak:

LUGARMO!
HUHULAANKO!

Kikilalanin
ninyo ang
mga
larawan na
ipapakita
ko.

Tanong???

1. Napuntahan na ba ninyo
ang mga lugar na ito?

2. Alin dito ang hindi pa


ninyo nadadalaw/
napupuntahan? Bakit?

3. Paano nakatutulong sa
programang panturismo
ang mga pook na ito?

4. Ano ang maaari mong


gawin para mapaunlad ang
bayan ng Santa Barbara?

PaghahawanngSagabal

Panuto:
Gamitin sa sariling
pangungusap ang mga
sumusunod na ayon sa
sariling pagkaunawa.
(Prior Knowledge)

1. Kuta
2. Nagtatag
3. Bukana
4. Vinta
5. Kublihan

PaglalahadngAralin

AlamatngBaysay
(BAHAGINGTHEBEAUTIFULBUNGANGSAKIT)

SALINNIREYNALDOS.REYES
MULASATHELEGENDBYDAMIANL.EUGENIO
UPPRESS

Dahil sa ipinakitang kalupitan ng mga tulisang-dagat, ang mga


naninirahan sa Balud, sa pangunguna ng mga misyonerong
Heswita, ay nagtungo sa Binongtoan, isa sa kalapit na nayon.
Doon ay nagsimula silang bumuo ng panibagong nayon at matatag
na kuta na yari sa mga batong adobe. Pinatatag nila ang kanilang
nayon. Naglagay sila ng mga pamigil na harang laban sa marahas
na pananalakay ng mga tulisang-dagat. Ang mga tagapamuno ng
Binongtoan ay sina Ambrocio Makarumpag, Francisco
Karanguing, Juan Katindoy, at Tomas Makahilig. Sa pagpupulong
ng mga tagapamuno na dinaluhan ng mga misyonerong Heswita,
silay nagkasundo na pangalanan ang lugar na Baysay na may
kahulugang maganda bilang parangal at sa alaala ng kanilang
magandang si Bungangsakit.

Samantala, ang mga taga-Omit na nakasalamuha ni


Bungangsakit nang kanyang kabataan ay hindi sumama sa
pagtatatag ng bayan ng Baysay. Sa halip, silay nagkaisa at
nagtatag ng kanilang sariling barangay na pinangalanang
Guibaysayi, na may kahulugang Ang Pinakamaganda bilang
pagbibigay parangal din sa kagandahan ng kanilang si
Bungangsakit. Ang mga naninirahan sa Baysay ay nagtatag ng
pangkat ng mga tagapagtanggol na binubuo ng matatapang na
kalalakihan sa kanilang lugar na pinamumunuan ni Katindoy,
isang matapang na mandirigma. Batid nilang ang mga tulisangdagat ay muling babalik kayat nagtayo sila ng kuta na yari sa
matitigas na bato sa Bungal na matatagpuan sa bukana ng ilog. Sa
kutang ito magtitipon ang matatapang na tagapagtanggol ni
Katindoy upang planuhin ang kanilang mga gagawing depensa
laban sa mga tulisang-dagat at upang mamatyagan ang paparating
na mga vinta.

Noong 1832, ang ilang piling lugar sa Bungal ay inihanda para sa


pagtatayo ng Simbahang Katoliko ng mga Heswita. Subalit sa
kakapusang-palad, ang walo-walo ay dumating at sinalanta ang buong
kuta. Ang walo-walo ay walong araw na walang tigil na pag-ulan nang
malakas na may kasamang malalakas na hangin. Pagkalipas ng ilang
araw, dumaan pa ang napakalakas at nagngangalit na bagyo sa lugar na
kumitil sa napakaraming buhay at sumira ng napakaraming ari-arian.
Sapagkat walang matirahan ang sinalanta ng bagyo, ang mga natirang
buhay na naninirahan sa Baysay ay nagpasyang muling kumilos upang
humanap ng lugar na may mga burol na magsisilbing pananggalang sa
malalakas na hangin. Napili nila ang kasalukuyang kinalalagyan ng
bayan ng Baysay. Malapit sa lugar na ito ay matatagpuan ang mga burol.
Isa sa mga ito ay tinayuan ng mga katutubo ng mataas na tore. Mula sa
tore ay matatanaw ang paparating na mga vinta at ang mga burol ay
maaaring mapaglikasan sa mga panahon ng pagbaha at kublihan kapag
may malalakas na bagyo.

PagtalakaysaTeksto:

1. Bakit nagtatag ng matibay


na depensa ang mga
naninirahan sa Balud?

2. Ano-anong mga pagunlad ang naganap sa mga


mamamayan sa kuwento?

3. Bakit hindi naging


matagumpay ang
pagtatayo ng Simbahang
Katoliko sa kanilang lugar?

4. Paano nakayanan ng mga


mamamayan ang mga
pagsubok na dumating sa
kanilang buhay?

5. Alin sa mga pangyayari sa


akda ang kapani-paniwala?
Alin naman ang hindi kapanipaniwala?

Kapani-paniwala

Di-kapani-paniwala

PagpapahalagangPangkatauhan

Kung ikaw ang


mapipiling pinuno
ng Baysay, paano
mo pamumunuan
ang iyong
mamamayan?

KasanayangPampanitikan

KALIGIRANNGALAMAT
Angalamatay likhangkuwento na pasalindila na
nagpapaliwanag ng pinagmulan ng isang bagay. Ito ay nagmula
sa wikang Latin na legendana nangangahulugang upang
mabasa.
Layunin ng alamat na magpaliwanag ng pinagmulan ng mga
bagay sa ibat ibang paraan. Hindi man makatotohanan ang
mga alamat, naging instrumento naman ito ng pagtuturo ng
wastong asal, paghahanap ng katotohanan, at pagpapayabong
ng kultura ng ating mga ninuno hanggang sa kasalukuyang
panahon.
Educational

Sanggunian: Ilaw: Pinagsanib ng Wika


at Panitikan Baitang 7,
Leonora dela-Cruz Oracion,
Materials, Inc. 2012

Innovative

ELEMENTONGALAMAT

1.Tauhan ang mga gumaganap sa isang


alamat; ang nagbibigay buhay sa temang nais na
iparating ng alamat.
2.Tagpuan ang bumubuo ng imahinasyon
ng mga mambabasa; nagpapakita hindi lamang ng
lugar at panahon kung kalian at saan naganap ang
alamat kundi naglalarawan din ng paraan ng
pamumuhay o estado ng mga tauhan sa lipunan.

3.Banghay ang pagkakasunud-sunod ng pangyayari sa


isang alamat na nahahati sa tatlong bahagi:
Simula inilalarawan ang tauhan at tagpuan ng alamat
Katawan inilalahad ang mga pangyayaring
nagpapakita ng pag-iisip at kaugalian ng bawat
tauhan
at ang suliranin at paraan ng pagharap ng
tauhan sa
suliranin
Wakas ang kinahihinatnan ng kuwento o naging
resolusyon
Sanggunian: Manwal sa Pagsasanay sa
Pilipino-Panitikan Ikatlong Taon ng
Programa sa Pagsasanay sa

Mataas na Paaralan, DECS-FAPEFilipino, 1991

PNC

PagtalakayPanggramatika

PahambingoKomparatibo

ito ay mga pahayag na ginagamit sa


pagtutulad ng dalawang tao, bagay,
lunan o pangyayari.

DalawangUringPahambing:

1.Pahambingnamagkatulad
2.Pahambingnadi-magkatulad

Pahambingnamagkatulad
naghahambing ng dalawang bagay na
may parehong timbang o kalidad,
ginagamitan ito ng mga salitang pareho,
tulad, gaya ng, kamukha ng, kapareho,
magkasing-, magsing- at iba pa.

Halimbawa:

Parehong maunlad ang barangay na


Buyo at Jibao-an kung pagbabatayan ang
mga nakatayong istruktura.
1.

2. Maganda ang pagpapalakad niya sa


barangay katulad din ng pagpapalakad ng
kanyang ama bilang barangay kapitan.

Pahambingnadimagkatulad
pahambing na nagpapakita ng diwa ng
pagkakait, pagtanggi o pagsalungat.
Nauuri ito sa dalawa:
Ito ay palamang at pasahol.

Ang palamang ay may higit na


positibong katangian ang
inihahambing sa bagay na
pinaghahambingan.
Naipapakita ito sa pamamagitan ng
paggamit ng mga salitang lalo, higit,
di-hamak, mas, at iba pa.

Halimbawa:

1. Higit na matamis ang mangga ng


Guimaras kaysa sa ibang probinsya.
2. Mas marami ang tao sa plaza
kaysa sa simbahan.

Ang pasahol ay may higit na


negatibong katangian ang
inihahambing sa pinaghahambingan.
Gumagamit dito ng di-gaano, digasino at di-masyado.

Halimbawa:
1. Di-gaanong malawak ang
sementeryo ng Buyo sa sementeryo sa
bayan.
2. Di- masyadong marami ang tao sa
palengke kung Martes ikumpara sa araw
ng Biyernes.

Gawainsa
Pagpapahalaga

Pangkatang
Gawain

Balikan ang
Alamat ng Baysay,
isasalin ninyo ito
sa anyong komiks.
Gawin itong
malikhain at
makulay. Maaaring
sa computer o
guhit kamay ang
gagawing komiks.

Pamantayan: Rubrik sa Pagmamarka sa Paggawa ng Komiks


Pamantayan

5Puntos

4Puntos

3Puntos

Nilalamanng
Komiks

Maayos at maganda
ang nilalaman ng
komiks. Malinaw
ang mensahe na nais
iparating nito.

May mga bahaging


hindi maayos ang
nilalaman at
mensaheng nais
iparating.

Magulo ang nilalaman ng


komiks at hindi malinaw ang
mensaheng nais iparating

Kaangkupansa
Paksa

Napakaangkop ng
tema ng ginawang
komiks

May kaangkupan
ang tema ng
ginawang komiks

Hindi angkop o walang


kaugnayan ang nabuong
komiks sa tema

Pagkakabuo
(guhitkamay/
computer)

Napakaangkop ng
ginawang disenyo at
nilalaman ng
komiks. Epektibong
nagamit at
nakapupukaw ng
atensyon

May kaangkupan
ang disenyo ngunit
hindi gaanong
nagamit nang wasto
ang mga larawan

Walang kaangkupan at hindi


nagamit nang wasto ang
nilalaman at disenyo ng guhit

Paraanng
Presentasyon

Maayos at
maliwanag ang
paraan ng
presentasyon

May bahaging
Hindi maayos at maliwanag
magulo sa paraan ng ang paraan ng presentasyon
presentasyon

Marka

PagtatayaA
Panuto: Ihambing ang binasang
alamat sa iba pang alamat na nabasa
ninyo. Gumamit ng mga pangungusap na
may pahambing na magkatulad at
pangungusap para sa pahambing na dimagkatulad. Gamitin ang grapikong
pantulong sa ibaba.

Paghahambing ng Alamat

Tema
Tauhan
Tagpuan
Banghay
AralnaNatutuhan

AlamatngBaysay

IbangAlamatnaNabasa

PagtatayaB
Panuto: Tukuyin kung palamang o
pasahol ang mga salitang pahambing na
ginamit sa pangungusap.

IloiloGolfandCountryClub
Kinilala bilang pinakamatandang golf course sa Pilipinas.
Napatunayan ito dahil sa mga nahukay na dalawang bola na
may markang Wright and Ditson at Spalding and Pat na kapwa
may ukit na taong 1899. Itinatag ito ng 13 inhenyerong tagaScotland habang ginagawa ang Proyektong Philippine Railway
System na dadaan sa bayan ng Santa Barbara. Binuo ang Santa
Barbara Golf and Country Club para lamang sa mga tagaBritanya at Amerika. Naging kasapi ng Royal and Ancient Golf
Club of St. Andrews Fife, Scotland at tumanggap ng mga
Pilipinong kasapi noong 1920. Sinunog ito ng mga Hapon ang
Club House noong 1941 at nagsilbing kuwartel ng mga
sundalong Pilipino at Amerikano noong 1945.

Kasunduan
PangkatangGawain

Panuto:
Bumuo ng isang alamat
kaugnay ng larawang ito.
Sikaping gumamit ng mga
salitang pahambing.

Pamantayan:RubriksaPagmamarka
Nilalaman/Kuwento 30%
Kasiningan at Kaayusan ng Banghay - 30%
Kaangkupan ng Salitang Ginamit 20%
Pagpapalutang ng Kultura
20%
100%

MaramingSalamat

PamelaS.Caday
Teacher II
Tagsing-Buyo National High School

You might also like