Professional Documents
Culture Documents
Filipino
Ikalawang Markahan
Modyul 3
Panitikang Bisaya: Salamin ng
Mayamang Kultura, Tradisyon, at
Kaugalian ng Kabisayaan
0
Panimula
Sa modyul na ito ay pag-aralan mo ang isa sa mga akdang pampanitikan ng
Kabisayaan, ang alamat. Ito ay pinamagatang, “Alamat ng Bundok Kanlaon”. Bahagi rin ng
aralin ang pagtatalakay sa “Mga Pahayag sa Paghahambing” na makatutulong na malinang
ang kakayahang suriin ang mga pahayag na naghahambing sa mga akdang panitikan tulad
ng alamat na tatalakayin.
MGA PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAGKATUTO (MELC)
F7PB-IIc-d-8 Nahihinuha ang kaligirang pangkasaysayan ng binasang alamat ng
Kabisayaan
F7WG-IIc-d-8 Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa paghahambing (higit/mas,
di- gaano, di-gasino, at iba pa)
Subukin
Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan. Piliin ang pinakatamang sagot.
(Note: Gumamit ng isang buong papel. Huwag kalimutan ang iyong pangalan, taon/seksyon,
petsa at bilang ng modyul. Sundin ang pormat sa ibaba.)
1. Di- hamak na maganda naman ang pamumuhay ng mga Pilipino sa ibang bansa. Anong
pang-uri sa pahambing na palamang ang ginagamit sa pangungusap?
A. di- hamak C. sa ibang bansa
B. ang pamumuhay D. ng mga Pilipino
2. Di-gaanong masaya ang pasko sa ibang bansa gaya ng sa PIilipinas. Ang may salungguhit
ay______________.
A. hambingang Inuulit C. hambingang palamang
B. hambingang pasahol D. hambingang magkatulad
4. Ang dagat ay di-lubhang maalon ngayong umaga na tulad kagabi. Ang may salungguhit
ay______________.
A. hambingang pasahol C. hambingang magkatulad
B. hambingang palamang D. hambingang di- magkatulad
1
5. Sa pahayag na: “Di hamak na matangkad si Romeo sa kaniyang kapatid”. Anong uri ng
paghahambing ang may salungguhit sa pangungusap?
A. pasahol C. magkatulad
B. palamang D. di- magkatulad
6. Ito ay isang kuwentong- bayan na nagsasaad kung paano nabuo at ano ang pinagmulan
ng mga bagay- bagay sa mundo.
A. alamat B. pabula C. parabula D. maikling kuwento
Higit na katangi-tangi ang ugali mayroon si Datu Ramilon. Dagdag sa pagiging bantog
ang pakakaroon ng di- matularang kagandahan ng kanyang anak na si Kang. Higit na minahal
ni Kang si Laon kaya sumang- ayon siyang pakakasalan nito. Nang malaman ni Datu Sabunan
na magpapakasal si Kang at Laon ay di-hamak na nagagalit siya at nilusob ang barangay ni
Datu Ramilon. Dahil sa di-gaanong handa ang pangkat ni Datu Ramilon, sila ay natalo sa
labanan.
Hango sa Alamat ng Bundok Kanlaon
Alamin
Pagkatapos ng aralin na ito, ikaw ay inaasahang:
A. naisalaysay ang mga pangyayari sa binasang alamat;
B. nailarawan ang mga tauhan sa alamat; at
2
C. naipaliwanag ang aral na natutuhan mula sa nabasang alamat.
Balikan/Pagganyak
A. Panuto: Gumuhit o gumupit ng larawan ng isa sa mga lugar-panturismo na may
kaugnayan sa katabing larawan. Sagutin ang mga tanong at pagkatapos,
ihambing ang iginuhit o idinikit na larawan, sa larawan ng Negros Occidental.
Gabay na tanong:
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3
Tuklasin
Basahin at unawain ang kasunod na alamat upang matuklasan mo ang mga pangyayari,
mailarawan ng maayos ang mga tauhan at matutuhan ang aral o mensahe nito.
Alamat ng Bundok Kanlaon
(Negros Occidental)
Natatangi sa Negros ang baranggay ni Datu Ramilon dahil sa kaniyang kahanga-
hangang katapangan at kabaitan. Dagdag pa sa pagiging bantog ng datu ang pagkakaroon
ng napakagandang anak na nagngangalang Kang. Hindi tumututol si Datu Ramilon sa
pamimintuho ng kalalakihan sa kaniyang anak dahil sa siya ay maunawain at mapagmahal
na ama. Madalas nga niyang sinasabing "ang lalaking maibigan ng aking anak na si Kang ay
hindi ko tututulan. Igagalang ko ang kaniyang kapasiyahan kung ito ang kaniyang ikaliligaya."
Sa dinami-dami ng mangingibig ni Kang, ang nagkapalad ay si Laon na anak ng isang
raha sa kalapit nilang baranggay. Isang araw, naglakas-loob ang magkasintahang magtapat.
"Ama, may sasabihin po sa inyo si Laon," ang bungad ni Kang kay Datu Ramilon.
"Magsalita ka, binata," tugon ng datu. " Ano ang iyong pakay?"
"Nais ko pong hingin ang inyong pahintulot sa aming pag-iibigan ni Kang." pagtatapat ni Laon.
"Wala kang aalalahanin," sagot ni Datu Ramilon. "Humanda kayo at idaraos natin ang inyong
kasal sa kabilugan ng buwan."
Naghandog si Laon ng dote kay Datu Ramilon. Sagana ang hapag kainan sa masasarap na
pagkain bilang pagsalubong sa pagtataling-puso nina Kang at Laon.
Subalit hindi pa natatapos ang seremonya ng kasal ay biglang narinig ang malakas na
tinig ng isang kawal. "Mahal na Datu Ramilon! Mahal na Datu Ramilon! Dumarating po ang
pangkat ni Datu Sabunan!" Si Datu Sabunan ng Palawan ay masugid na manliligaw ni Kang.
Nagpasiya itong lumusob sa baranggay ni Datu Ramilon sapagkat nabalitaan nitong ikakasal
sina Kang at Laon. Mabilis na iniutos ni Datu Ramilon na harapin ng kaniyang mga kawal ang
kalaban. Naganap ang madugong labanan at sa kasamaang-palad ay nalipol ang pangkat ni
Datu Ramilon, kabilang sina Kang at Laon.
Sa tibay ng pag-iibigan nina Kang at Laon, natagpuan ang kanilang bangkay na
magkayakap. Di nagtagal ay may lumitaw na munting burol sa kinamatayan ng
magkasintahan.
"Aba! Lumalaki ang burol na kinalugmukan nina Kang at Laon!" nasabi ng isang kawal.
"Oo nga at tila nagiging mabilis ang paglaki nito," ayon naman sa kausap.
Mula noon ang dating maliit na burol ay naging isang malaking bundok. Tinawag ito ng mga
tao na bundok nina Kang at Laon subalit sa paglipas ng panahon, ito ay kinilalang Bundok ng
Kanlaon.
Ramos, Maria S. 1984. Katha Publishing Company. Quezon City
4
Pag-unawa sa Binasa
_____________________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
5
Suriin/talakayin
Alam mo ba na…
Ang karaniwang paksa ng mga alamat ay ang ating katutubong kultura, mga kaugalian,
at kapaligiran. Taglay nito ang magagandang katangiang tulad ng kalinisan ng kalooban,
katapatan at katapangan, subalit tinatalakay rin sa mga alamat ang hindi mabubuting
katangiang tulad ng kasakiman, katamaran, kalupitan, paghihiganti, pagsumpa, at iba pa.
Karaniwan itong kapupulutan ng aral at nagpapakita na ang kabutihan ay laging nananaig
laban sa kasamaan.
Isaisip
Isagawa
Panuto: Batay sa mga pangyayari sa alamat, Ilarawan ang “Bundok Kanlaon”. Isulat ang sagot
sa kahon
6
Pagyamanin/Karagdagang Gawain
Panuto: Gamit ang cue card, ayusin ang mga salita o pahayag upang mabuo ang aral
mula sa “Alamat ng Bundok Kanlaon.” Ipaliwanag din ang nasabing aral ng
alamat.
hanggang Wagas na
magkasama pagmamahal
kamatayan
1. Paliwanag:
Alamin
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang;
A. natutukoy ang mga salitang naghahambing;
B. napahahalagahan ang pagbuo ng mga pangungusap gamit ang paghahambing;
at
C. nakasusulat ng sariling pagbubuod ng alamat ng “Bundok Kanlaon” gamit ang
hambingang palamang at pasahol.
7
Balikan/Pagganyak
Panuto: Ihambing ang dalawang larawan sa ibaba.
________________________________________________________________
_______________________________________________________________
Tuklasin
Basahin at unawain ang komiks na nailahad sa ibaba. Pansinin ang mga salitang may
salungguhit
8
Samakalawa, ang ka- Oo Kang, magkaanak sana
salan. Ipagdarasal natin tayo ng higit sa inaasahan
na mas masaya tayo sa natin at magkaroon tayo ng
panahong iyon. malaki-laking pamilya.
Hindi inaasahang lusubin ni Datu Sabunan, isa sa mga manliligaw ni Kang, ang
barangay nina Datu Ramilon nang nalalaman niya ang pagpapakasal nito.
9
Suriin / Talakayin
Alam mo ba na…
Isaisip
10
Isagawa
A. Panuto: Basahin ang pangungusap sa bawat bilang. Salungguhitan ang mga pahayag na
naghahambing. Pagkatapos, isulat sa patlang kung ito ba ay Pahambing na
Pasahol o Pahambing na Palamang.
Pagyamanin/Karagdagang Gawain
a. di-hamak na naisip ko
Pangungusap: ________________________________________________________
11
c. mas matalino
Pangungusap: _______________________________________________________
d. di-lubhang makisig
Pangungusap: _______________________________________________________
e. mahal na mahal
Pangungusap: _______________________________________________________
Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
(Note: Gumamit ng isang buong papel. Huwag kalimutan ang iyong pangalan, taon/seksyon,
petsa at bilang ng modyul. Sundin ang pormat sa ibaba.)
1. Ito ay isang kuwentong bayan na nagsasaad kung paano nabuo at ano ang pinagmulan
ng mga bagay- bagay sa mundo.
A. alamat B. pabula C. parabula D. maikling kuwento
12
9. Ang Bundok Kanlaon ay mula sa pangalan nina
A. Kang B. Datu Ramilon C. Datu Sabunan D. Kang at Laon
11. Di- hamak na maganda naman ang pamumuhay ng mga Pilipino sa ibang bansa. Anong
pang uri na pahambing na palamang ang ginagamit sa pangungusap?
A. di- hamak C. sa ibang bansa
B. ang pamumuhay D. ng mga Pilipino
12. Di-gaanong masaya ang pasko sa ibang bansa gaya ng sa PIilipinas. Ang may salungguhit
ay:
A. Hambingang Inuulit C. Hambingang palamang
B. Hambingang pasahol D. Hambingang magkatulad
15. Sa pahayag na: “Di-hamak na matangkad si Romeo sa kaniyang kapatid”. Anong uri ng
pahambing ang sinalungguhitan sa pangungusap?
A. di- magkatulad C. palamang
B. magkatulad D. pasahol
Sanggunian:
-Panlitikang Rehiyonal Kagamitan ng Mag-aaral 2017
-Aragon, Angelita L. Mga Alamat at Iba pang mga Kuwento (LegendsAnd other Stories).
Quezon City:Tru- Copy Printing Press, 1986, pp.80-81.
Mga larawan:
-https://www.pinterest.com/aetrafabgin/anime-black-and-white/
-https://www.istockphoto.com/illustrations/black-and-white-beach
13
Susi sa Pagwawasto
1. Pahambing na Palamang
2. Pahambing na Palamang
3. Pahamabing na Palamang
4. Pahambing na Pasahol
5. Pahambing na Palamang
6. Pahambing na Pasahol
7. Pahambing na Palamang
8. Pahambing na Pasahol
9. Pahambing na Palamang
14