You are on page 1of 47

Matapos mong maisagawa ang mga gawain sa modyul na

ito, inaasahang:

 Naibibigay ang sariling interpretasyon sa mga salitang


paulit-ulit na ginamit sa akda.

 Nahihinuha ang kaligirang pangkasaysayan ng


binasang alamat ng Kabisayaan.

 Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa


paghahambing (higit/mas, di-gaano, di-gasino, at iba
pa).
Panuto:

Piliin ang nais na maging numero mo bilang


isang manlalaro, sa bawat mapipili ay may
kaakibat na katanungan na kailangang
sagutin. Bigkasin ang tiktik
ng tamang sagot.
S1 S2 S3 S4 S5
1. Ang kanyang masaganang luha ay
nakikipagtimpalak sa patak ng ulan.
Tukuyin ang wastong interpretasyon ng salitang
may salungguhit.

A. naliligo at nakikipaglaro sa ulan


B. nagbibigay-aliw ang patak ng ulan sa tao
C. nakikisabay ang kalungkutan sa patak ng ulan
D. nakikipag-unahan ang luha sa patak ng ulan
2. Pinagmulang bansa ng mga mangangalakal na
sumuyo sa pitong dalaga.

A. Borneo

B. Indonesia

C. Malaysia

D. Vietnam
3. Tukuyin ang kinabibilangang panahon sa “Alamat ng Pitong
Isla.”

A. Panahon ng Pre-kolonyal

B. Panahon ng Kastila

C. Panahon ng Amerikano

D. Panahon ng Hapon
4. (laki) ang bangka ni Pedro at Juan.
Ang angkop na panlaping gagamitin sa
paghahambing sa pangungusap ay __________.

A. Magkasin-

B. Labis

C. Lubha

D. Ga-
5. (lakas) ng mga mangangalakal ang taong iyon.
Ang angkop na panlaping gagamitin sa paghahambing
sa pangungusap ay __________.

A. Kasin-

B. Lalo

C. Gangga-

D. Ga-
Panuto:
Pumili ng bayani sa ML na nais
gamitin sa pagsagot ng mga
katanungan hinggil sa nakaraang
tinalakay na paksa.
Awiting batay sa pamumuhay, tradisyon,
at diyalekto ng isang partikular na lugar
sa Pilipinas

A. Balbal C. Lalawiganin

B. Awiting-bayan

D. Pampanitikan E. Kolokyal F. Pambansa


Kinabibilangang antas ng wika ng salitang
“nagsusunog ng kilay”.

A. Balbal C. Lalawiganin

B. Awiting-bayan

D. Pampanitikan E. Kolokyal F. Pambansa


Ang salitang ginagamit sa mga aklat at
babasahing nailathala sa iba’t ibang kapuluan
at sa lahat ng paaralan

A. Balbal C. Lalawiganin

B. Awiting-bayan

D. Pampanitikan E. Kolokyal F. Pambansa


Ito ay ang pinakamababang antas ng wika
na maririnig sa ilang mga pangkat.

A. Balbal C. Lalawiganin

B. Awiting-bayan

D. Pampanitikan E. Kolokyal F. Pambansa


Ang karaniwang wika na ginagamit
lamang sa partikular na pook o lalawigan.

A. Balbal C. Lalawiganin

B. Awiting-bayan

D. Pampanitikan E. Kolokyal F. Pambansa


Panuto:
Pumili ng nais na klase ng laro sa ML at
tukuyin ang lugar na isinasaad nito upang
ma-unlock ang mga impormasyong may
kinalaman sa kaligirang pangkasaysayan
ng sumusunod na lugar.
AK LA N
Ito ay isang lalawigan ng Pilipinas na
matatagpuan sa Rehiyon ng Kanlurang
Visayas. Kalibo ang kabisera nito.
Matatagpuan sa hilagang-kanlurang bahagi
ng pulo ng Panay ang lalawigan.
AN T I Q U E
Ang Antique ay isang lalawigan ng Pilipinas
na matatagpuan sa Rehiyon ng Kanlurang
Visayas. San Jose de Buenavista ang kabisera
nito.
CA P I Z
Ang Capiz ay isang unang klaseng lalawigan sa
Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng
Kanlurang Kabisayaan. Lungsod ng Roxas ang
kabisera nito at matatagpuan sa hilagang-
silangang bahagi ng Pulo ng Panay,
pinapaligiran ng Aklan at Antique sa kanluran,
at Iloilo sa timog. Nakaharap ang Capiz sa Dagat
Sibuyan sa hilaga
I L OI LO
Ang Iloilo ay isang lalawigan ng Pilipinas na
matatagpuan sa rehiyong Kanlurang Visayas.
Lungsod ng Iloilo ang kapital nito at
matatagpuan sa timog-silangang bahagi ng Pulo
ng Panay
P A NA Y
Ang Panay ay isang tatsulukan na pulo sa
Pilipinas na matatagpuan sa kanlurang bahagi
ng Kabisayaan. Sa pamamahala, nahahati ang
pulo sa apat na lalawigan: Aklan, Antique,
Capiz, at Iloilo, na ang lahat ay nasa rehiyon ng
Kanlurang Kabisayaan.
Pokus na Tanong
1. Bakit mahalagang malaman at makilala ang kaligirang
pangkasaysayan ng alamat ng isang lugar?

2. Paano napahahalagahan ng mag-aaral ang paggamit ng


mga pahayag sa paghahambing?
Ang interpretasyon ay pag-unawa sa isang
natatanging pamamaraan. Maaari itong
pagpapakahulugan o pagpapaliwanag ng
isang salita. Nakatutulong ang sariling
interpretasyon upang lumawak ang
impormasyon o kahulugan ng tiyak na
salita.
TALASALITAAN
Panuto:
Magbigay ng sariling
interpretasyon sa mga salitang
ginamit sa pangungusap.
nanaghoy Lubhang pag-iyak

nanangis Pag-iyak

Humingi ng tulong sa
pamamagitan ng panalangin Buhos ng luha o hagulgol
Nagsagwan sa dagat nagsagwan

Sumuong sa dagat kumawkaw

Pumunta sa dagat Pumedal sa tubig


Unawain:

Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan


Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan.

1. Ilahad ang katangian ng sumusunod ayon sa nabasang


alamat:
a. Ama
_________________________________________________________
b. Pitong Dalaga
_________________________________________________________
c. Mga Mangangalakal mula sa Borneo
_________________________________________________________
2. Ano ang naging suliranin sa nabasang alamat?
____________________________________________
____________________________________________
3. Bakit naging matindi ang pagluha ng ama sa
paglisan ng kanyang mga
anak?
____________________________________________
____________________________________________
4. Ilahad ang nangyari sa mga dalaga dulot ng
pagsuway sa kanilang ama.
____________________________________________
____________________________________________
5. Kung ikaw ang isa sa mga dalaga, ano ang
iyong magiging pasya ukol sa
payo at pasya ng iyong ama? Ipaliwanag.
____________________________________________
____________________________________________
Alam mo ba na....
Isang uri ng pagsasalaysay na isinalindila ng mga ninuno sa iba’t ibang
henerasyon ang alamat. Layon ng akdang ito na mailipat ang mga kaalaman at
paniniwala tungo sa kanilang nasasakupan. Isa ito sa nagpayaman ng
tradisyong pasalindila sa Pilipinas.

Ang alamat o legend sa Ingles ay mula sa wikang Latin na “legendus” na


nangangahulugang “upang mabasa”. Ayon sa diksiyonaryo.ph, ang alamat ay
salaysay hinggil sa pinagmulan ng isang bagay o pook. Likhang-isip lamang
ang akdang ito at mahirap patunayan ang mga pangyayari. Nabibilang ito sa
uri ng kuwentong bayan. Tinanggap ito ng mga sinaunang tao bilang
katotohanan sa mga paliwanag sa nangyayari sa kapaligiran. Kaya naman
sinasalamin nito ang pamumuhay, paniniwala at pagpapahalaga ng ating mga
ninuno. Sa kabila nito,mababakas pa rin ang mga kaugaliang Pilipino na
maipamamana sa atin.
Sa pagbabasa ng alamat, mahihinuha ang nakapaloob na kaligirang
pangkasaysayan kabilang ang kultura, tradisyon, gawi at kilos
batay sa mga susing salita, mga pahayag at iba pa.

Kaugnay nito, ang Alamat ng Pitong Isla ay buhay pa rin sa Isla ng


Panay. Pinaniniwalaang ang pitong isla ay ang mga pitong
dalagang sumuway sa kanilang ama. Mahihinuha ring naganap ito
bago dumating ang mga Kastila o pre-kolonyal dahil sa paraan ng
kanilang paglalakbay. Masasalamin din ang wagas na pagmamahal
ng ama sa kanyang mga anak. Sa kasalukuyan, ang mga islang ito
ay naging tampok na lugar at patuloy na dinarayo ng mga turista.
GRAMATIKA / WIKA
Mga Pahayag sa Paghahambing
Mahalaga ang pagpapahayag sa pakikipag-ugnayan ng bawat isa.
Ito ang pagsasawika ng nasa isip natin. Kaya naman, mahalaga ring
malaman ang mga wastong pagpapahayag sa pamamagitan ng
salita o katagang gagamitin natin.

Kaugnay nito, ang paghahambing ay ginagamit upang


maipaliwanag at mabigyang-linaw ang pagkakapareho o
pagkakaiba ng katangian. Ginagamitan ito ng mga panlaping
kasing-, magsing-, ga-/gangga o mga katagang lalo, di-gaano,
higit, labis at iba pa.
Halimbawa:

1. Kasingganda ng pitong dalaga ang mga bulaklak.

2. Gahigante ang sinakyang praw ng mga mangangalakal upang


makatakas.

3. Labis ang pagmamahal ng ama sa kanyang mga anak na dalaga kung


ihahambing ito sa pagmamahal niya sa kanyang sarili.

4. Higit na matapang ang mga mangangalakal na taga-Borneo kaysa sa


matanda.
Pagsasanay

Paghambingin na’tin!
Panuto:

Pagkumparahin ayon sa katangian ang mga pares ng larawan sa


sumusunod na slide. Gumamit sa pangungusap ng mga panlapi
o kataga na nagsasaad ng paghahambing.
Sagutin ang pokus na tanong
1. Bakit mahalagang malaman at makilala ang kaligirang
pangkasaysayan ng alamat ng isang lugar?

2. Paano napahahalagahan ng mag-aaral ang paggamit ng


mga pahayag sa paghahambing?
Panuto:
Ipahayag ang iyong mga natutuhan sa paksa gamit ang akrostik. Gawing gabay
sa pagsagot ang unang letra sa ALAMAT. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
Panuto:
Magsaliksik ng iba pang alamat mula sa Kabisayaan. Ihambing angkaligirang pangkasaysayan
nito sa akdang “Alamat ng Pitong Isla” gamit ang talahanayan. Isulat ang kasagutan sa sagutang
papel.
Paalam at
Salamat mga mag-aaral!

You might also like