You are on page 1of 2

MASVILLE NATIONAL HIGH SCHOOL

KAGAWARAN ng FILIPINO
PANG-ARAW-ARAW NA TALA SA PAGTUTURO

Guro GNG. JONAH S. BAUTISTA


Baitang/Antas G-9
Petsa OKTUBRE 14, 2019
Markahan at Linggo: IKALAWANG MARKAHAN-IKAPITONG LINGGO

I.Layunin
A.Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa dula gamit ang teknolohiya at pagpapalawak ng pangungusap upang mailarawan
ang kaugalian at uri ng pamumuhay ng bansang pinanggalingan nito.
B.Pamantayan sa Pagganap:
Nailalarawan ng mag-aaral nang may kasiningan ang mga kaugalian at uri ng pamumuhay sa alinmang bansa na pinanggalingan
nito
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
(IKATLONG ARAW)
C.MgaKasanayang Pagkatuto: F9EP-IIG-H-19
Nasasaliksik ang kulturang nakapaloob sa dulang binasa na kabilang sa Silangang Asya.
D.Mga Kasanayang Pagkatuto sa F9PB-IIg-h-48
bawat Domain: Nasusuri ang binasang dula batay sa elemento at pagkakabuo nito
II.Nilalaman Panitikan: Munting Pagsinta
Dula – Mongolia
Mula sa Pelikula ni Sergei Bordrov
Hinalaw ni Mary Grace A. Tabora
C. Uri ng Teksto: Naglalarawan
KAGAMITANG PANTURO:  Modyul sa Filipino 9,Tisa,pisara, Smart T.V
A.Sanggunian  Panitikang Asyano P.151-164

B. Iba pang kagamitan sa


 Pananaliksik,Modyul sa Filipino 9, Panitikang Asyano
pagtuturo (mula sa portalng
Learning Resource)
III.PAMAMARAAN:
A.Balik-aral sa nakaraang
aralin at/o pagsisimula ng  Pagpapalabas ng isang video trailer ukol sa bansang Mongolia.
bagong aralin.
B.Pag-uugnay ng mga  Mga Gabay na Tanong
halimbawa sa bagong aralin
1. Ayon sa inyong napanood, Anu-anong impormasyon ang inilahad sa video?
2. Ano ang masasabi mo ukol sa kanilang bansa at ilang kultura na ipinakita sa
video?
C. Pagtalakay ng bagong  Pagtalakay sa binasang dula kahapon na pinamagatang “Munting Pagsinta” ng
konsepto at paglalahad ng bansang Mongolia ayon sa elemento at pagkakabuo ng dula.
bagong kasanayan.  Pagbabahagi ng kasagutan ng mga mag-aaral.

D. Paglinang ng Kabihasaan Pangkatang Gawain


(Tungo sa Formative Assessment)  Pagbibigay ng Gawain ng guro ukol sa binasang dula at mga kaugnay na kaisipan
nito.

PANGKAT 1: Pagtatanghal ng dulang Munting Pagsinta at paglalahad


ng kulturang Monggolians
PANGKAT 2: Pagpapakilala sa mga tauhan sa masining na paraan
PANGKAT 3: Pagpapakita ng Make a picture ukol sa epekto ng
maagang pag-aasawa
PANGKAT 4: Pagsasagawa ng Talk show na nagpapakita ng mga sanhi
ng maagang pag-aasawa ng mga tribong Monggolians
Pangkat Etniko sa Pilipinas at pangkaraniwang pilipino

Pamantayan ng Pagmamarka

 Napalitaw ang konsepto at kaisipan na nais ikintal sa mga manonood.


 Naitanghal nang malikhain ang Gawaing iniatas.
 Maayos at malinaw na naitanghal ang presentasyon.
 Nakitaan ng Pagkakaisa ang bawat kasapi ng pangkat.

Ang katumbas na iskor ay:

4 – Napakahusay
3 – Mahusay
2 – Hindi Mahusay
1 – Kinakailangan pang Linangin

 Presentasyon ng Bawat Pangkat


 Pagbibigay ng karagdagang impormasyon hinggil sa pangyayari.
 Pagmamarka ng bawat Pangkat sa Presentasyong itinanghal
 Pangkat 1-4 – Pangkat 2-3 (Pagmamarka vice-versa)

E. Paglalapat ng aralin sa pang-  Paano kaya natin maitatama ang ilang maling paniniwala at kultura ng mga pangkat
araw-araw na buhay etniko sa ating bansa ukol sa maagang pag-aasawa?

F. Paglalahat ng aralin:  Bakit mabisa ang dula sa paglalarawan ng karaniwang buhay?


 May pagkakaiba at pagkakapareho ba ang kultura ng ating bansa sa Mongolia?
Ipaliwanag.
G. Pagtataya:  Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa kwaderno.

1. Genre ng panitikan na naglalarawan ng mga pangkaraniwang pamumuay ng


tao na may layuning itanghal sa entablado.
a. tula c. sanaysay
b. Maikling kuwento d. dula
2. Sina Yesugui at Temujin ay buhat pa sa tribong ____ng Mongolia
a. Borjigin c. aeta
b. Merit d. mangyan
3. Elemento ng dula na sumasaksi sa pagtatanghal ng dula at sa kanila inilalaan
ang palabas.
a. direktor c. manonood
b. aktor d. iskrip
4. Sa pagdedesisyon ng ama na pumili ng mapapangasawa sa ibang tribo na
hindi nila kalahi ay nagpapakita na.
a. Walang paggalang sa tribong namulatan
b. Pambayad atraso ang anak sa kasalanang nagawa
c. Ang anak ang susi sa pag-iisa ng tribo
d. Pananakop at pagkakasundo ng tribo
5. Masasalamin sa dulang Munting Pagsinta ang kultura ng mga Mongolians ukol
sa _______.
a. Pagsibol ng munting pag-ibig at pagmamahalan.
b. Maagang pagpili ng mapapangasawa at pag-aasawa.
c. Maagang pagbubuntis ng mga kabataan sa Mongolia
d. Pagpili ng Mapapangasawa sa ibang tribo
H. Karagdagang Gawain para sa Kasunduan:
Takdang aralin o remediation  Maghanda sa pagsulat ng iskrip bukas ukol sa paksang iaatas ng guro.

Inihanda ni: Gng. Jonah S. Bautista


Guro sa Filipino 9

You might also like