You are on page 1of 32

Labaw Donggon

Mula sa Isang Bahagi ng Epikong “Hinilawod” ng Bisayas


Si Labaw ay isa sa tatlong mala-bathalang
anak nina Abyang Alunsina, isang diwata, at
Buyung Paubari, isang mortal. Ipinanganak
siya na nagtataglay ng kakaibang
kapangyarihan. Siya rin ay malakas at makisig
at nakapagsasalita na nang matatas nang
isilang tulad ng kaniyang mga kapatid.
Sa tatlong magkakapatid, si Labaw Donggon ang
nagpakita ng interes sa magagandang babae. Isang araw
matapos ipanganak ay nagpaalam siya sa ina na
makikipagsapalaran siya upang makahanap ng
makakaisang-dibdib. Narinig niya ang kariktang taglay
ni Anggoy Ginbitinan mula sa bayan ng Handug. Kaya
nagpasiya siyang lumisan sa kanila patungo sa Handug
dala ang isang mahiwagang kapa, sombrero, sinturon, at
kampilan mula sa ina.
Pagkalipas ng ilang araw na paglalakbay sa mga kapatagan,
kabundukan, at mga lambak ay narating na niya ang bibig ng
Ilog Halawod. Nang hingin niya ang kamay ni Anggoy
Ginbitinan sa ama nito, nagbigay ang ama ng kondisyon bilang
kaniyang dote. Kinakailangan niyang mapatay ang halimaw na
si Manalintad. Agad itong pinuntahan ni Labaw Donggon at
pinatay ang halimaw gamit ang kaniyang mahiwagang sinturon.
Bilang patunay ng kaniyang tagumpay ay pinutol nito ang
buntot at dinala sa ama ni Anggoy Ginbitinan. Ikinatuwa ito ng
ama kaya pumayag siyang ipakasal ang anak. Pagkatapos ng
kasal ay naglakbay ang magkabiyak pauwi sa tahanan ni Labaw
Donggon.
Sa kanilang daan pauwi ay may nasalubong
silang pangkat ng mga binata na nag-
uusapusap tungkol sa isang napakagandang
dalagang nakatira sa Tarambang Burok. Ito ay
ang kapatid na babae ni Sumpoy, ang diyos sa
mundong ilalim. Inihabilin niya agad sa
kaniyang ina ang pangangalaga sa kaniyang
asawa pagkarating at agad na
nakipagsapalarang muli.
Nagtagumpay naman siya sa panunuyo at panliligaw kay
Anggoy Doroonan. Hindi nagtagal ay muli siyang nagpakasal
at inuwi ang asawa sa kaniyang tahanan.
Hindi nagtagal ay may nabalitaan si Labaw na isa pang
magandang babae, si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata.
Ninais niyang pakasalan ang babae kaya nagtungo siya sa
kinaroroonan ni Nagmalitong Yawa. Sakay ng kaniyang
bangka, naglayag si Labaw sa mga dagat, ulap, at iba’t ibang
kalupaan. Ngunit nang dumating siya sa kinaroroonan ni
Nagmalitong Yawa ay napag-alaman niyang kasal na ito kay
Buyung Saragnayan.
Pinakiusapan ni Labaw si Buyung na ibigay
si Nagmalitong Yawa sa kaniya ngunit hindi
pumayag si Buyung sa pakiusap na ito
hanggang sa maglaban sila. Matagal na
panahon na naglaban ang dalawa. Parehong
malakas sina Labaw at Buyung subalit
naunang napagod si Labaw. Ginamit ni
Buyung ang pagkakataong ito upang talunin
ang kalaban. Kaagad niyang itinali si Labaw at
binitin na parang hayop sa kural ng baboy
Samantala, kapwa nagsilang ng lalaking anak
ang kaniyang mga asawa. Sa kagustuhang makita
nina Asu Mangga, anak na panganay ni Abyang
Ginbitinan, at Buyung Baranugun, anak na
panganay ni Anggoy Doroonan, ay nagpasiya silang
hanapin ang ama pagkasilang pa lamang nila. Sa
tulong ng bolang kristal ni Buyung Baranugan ay
nalaman ng magkapatid ang nangyari sa kanilang
ama. Kaagad nilang hinanap ng ang kanilang ama
upang iligtas sa kamay ni Buyung.
Nakipaglaban sina Baranugan at Asu Mangga kay
Buyung ngunit dahil sa angking lakas ni Buyung ay
nahirapan sila. Kahit gaano kalakas ang magkapatid ay
hindi pa rin nila mapatay si Buyung. Dahil dito,
nagpasiya ang dalawa na humingi ng tulong sa mga
impakto ngunit hindi pa rin matalo-talo si Buyung.
Sumunod silang nagpunta sa kanilang lola na si Abyang
Alunsina. Ayon sa kanilang lola, matatalo lang nila si
Buyung kapag pinatay nila ang isang baboy ramong
nagtataglay ng puso nito na makikita sa pusod ng
kagubatan.
Kaagad naman ginawa ni Baranugan at Asu
Mangga ang sinabi ng kanilang lola. Nagtungo
ang magkapatid sa pusod ng kagubatan at
doon nakita nila ang isang baboy ramo.
Pinagtulungan ng magkapatid na patayin ang
baboy ramo at kinain ang puso nito. Hindi
nagtagal ay nanghina at pinanawan ng lakas si
Buyung. Sa kaniyang huling saglit ay
namimighating namaalam si Buyung sa
kaniyang asawa.
Nakipaglabang muli si Buyung kahit na siya ay
mortal na ngunit mas malakas na ngayon ang
magkapatid. Matapos mapatay si Buyung ng
nakalalasong palaso ay kaagad hinanap nina Baranugan
at Asu Mangga si Labaw. Subalit makalipas ang
mahabang panahong paghahanap ay natagpuan nila si
Labaw sa ilalim ng lambat na lubhang matatakutin at
halos bingi na. Mukhang natakot siya sa labanan sa
pagitan ng magkapatid at ni Buyung.
Iniuwi ng magkapatid sa kanilang tahanan ang ama.
Sa kabila ng kahapisan, ipinahayag ni Labaw ang
kaniyang kagustuhang maghanap pa ng
mapangangasawa at magkaroon pa ng anak na lalaki.
Ikinagalit ito ng kaniyang mga asawa subalit
ipinaliwanag niyang pantaypantay pa rin ang kaniyang
pagmamahal na igagawad sa kanila. Agad ginamot si
Labaw ng kaniyang mga asawa kaya madali siyang
gumaling. Ikinatuwa ito nang lubos ni Labaw.
Ipinaalam din niya sa kaniyang mga
kapatid na magpunta kung saan naroroon si
Nagmalitong Yawa dahil nabalitaan niya na
mayroon pang dalawang kapatid na babae si
Nagmalitong Yawa at nais niyang ipahanap
ang mga ito. Agad namang umalis ang dalawa
upang sundin ang utos ng kanilang kapatid na
si Labaw.
ETIMOLOHIYA
 Ang etimolohiya ay isang pag-aaral sa pinagmulan
ng salita, kung papaano ito nabuo at kung papaano ito
nagbago ng kahulugan sa pagdaan ng panahon.
 Mula sa salitang Griyego na “etymon” na
nangangahulugang “may kahulugan” at ang “logia”
na ang ibig sabihin ay “pag-aaral.”
 Gumagamit ng konteksto ng wika at konteksto
tungkol sa wika para makakuha ng kaalaman kung
paano nagagamit ang mga salita noong sinaunang
panahon at kung kailan naging bahagi ng wika ang
salita.
Mayaman ang wikang Filipino sa mga hiram na salitang
Kastila, Ingles, Hapones, Malayo, Tsino, Indones, at iba
pa.
Ang mga salita sa ating bansa ay hango sa mga
sumusunod na pangunahing wika:
 Austronesyo
 Indo-Europeo
 Afro-Asyatik
Kadalasang iniaangkop ang mga hiram na salita sa
bigkas at baybay ng bansang nanghihiram ng wika.

LAPIZ - LAPIS
-parehong gamit panulat na may tingga
BALLPEN – BOLPEN
- parehong gamit panulat na may tinta
Maaaring magkaroon ng kahawig ang salita ngunit may
ibang kahulugan ang hiniram na salita.

QUERIDA – KERIDA
mahal – kabit
XEROX (tatak ng makinarya )
– SEROKS (pagkopya ng makinaraya )
Ang mga salitang hiram sa Ingles na nagkakaroon ng
ibang kahulugan.

GIMMICK - GIMIK
panlalansi - paglabas kasama ng mga kaibigan comfort
room - CR
banyo - palikuran
Sa mga halimbawa, ang mga salitang
lapiz at querida ay hango sa wikang
Kastila. Samantala, ang ballpen, Xerox,
gimmick, at comfort room ay mula sa
wikang Ingles.
MGA PARAAN
NG PAGBUO NG
SALITA
Sa pamamagitan ng paglalapi sa
orihinal na salita ay maaaring mabago
ang kahulugan nito.
HALIMBAWA:
 (in) + text = tinext
 (mag) + load = magload
Sa pamamagitan ng pagtatambal ng
mga salita ay nakabubuo ng panibagong
salita.
HALIMBAWA:
 doble + kara = doble-kara
 mata + pobre = matapobre
Sa pamamagitan ng pagpapaikli ng mga
salita o clipping, nabubuo ang salita.
Tinatawag din itong pagkakaltas.
HALIMBAWA:
 condominium = condo
 kumpadre = pare
Sa paggamit ng mga akronim ay
nabubuo ang bagong salita batay sa
unang tunog o pantig ng orihinal na
salita.
HALIMBAWA:
 For Your Information = FYI
 et cetera = etc
PAGGAMIT SIMBOLISMO NG TUNOG
 Ito ay mula sa ideya na ang mga tunog, huni, ingay, o
tinig na likha ay nagbibigay ng kahulugan sa sarili
nito. Ito ay nagbibigay-daan sa bagong salitang may
kahulugan.
HALIMBAWA:
 Masarap pakinggan ang lagaslas ng tubig.
 Muli na namang umarangkada ang tren.
 Naririnig ko ang malakas na tsug-tsug nito.
Mga Pang-ugnay
sa Pagsusunod-
sunod ng mga
Pangyayari
 Ang paglalahad ng pagsusunod-sunod ng mga pangyayari ay
pagpapahayag ng mga ideya at pag-iisa-isa sa kaisipan sa isang
paksa.
 Mahalaga sa isang sulatin ang pagkakasunodsunod ng mga
pangyayari. Upang makapaglahad nang maayos at makabuo ng
isang talatang tumpak ang ugnayan ng mga argumento, katuwiran,
at totoong pangyayari ay gumagamit tayo ng mga salitang pang-
ugnay bilang hudyat.
 Sa Ingles, kilala ito bilang mga transition words.
 Ang pagsusunod-sunod ng mga pangyayari ay sumasagot dapat sa
tanong na paano. Malinaw na naipakikita sa mga tekstong ito ang
mga pangyayari, kaparaanan, at kasaysayan mula sa simula
hanggang sa wakas.
KRONOLOHIKAL
• Nagpapakita ng pagsasaayos batay sa tiyak na salik tulad ng edad,
distansiya, halaga, lokasyon, dami, at iba pa. Karaniwan, ito ay
pagsusunod-sunod ng mga pangngalan gamit ang pang-uring
pamilang na panunuran o ordinal.
HALIMBAWA:
Unang asawa ni Labaw Donggon si Anggoy Ginbitinan, pangalawa si
Anggoy Doroonan, at pangatlo si Nagmalitong Yawa.

• Maaaring gamitin ang mga salitang nagsasaad ng pagkakasunod-


sunod ng mga pangngalan o kung pang-ilan ito tulad ng una,
ikaapat, pansampu.
PROSIDYURAL
• Tinatawag na tekstong prosidyural ang isang tekstong nagpapakita ng
proseso. Nagbibigay halaga ito sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga
hakbang o paraan tungo sa tiyak na katapusan upang magawa ang isang
bagay.

HALIMBAWA:
Upang makalikha ng sinturon ay sundin ang sumusunod na hakbang. Unang
hakbang ay sukatin muna ang baywang gamit ang panukat na tape. Ikalawang
hakbang ay iguhit ito upang makita ang magiging histura ng sinturon.
Ikatlong hakbang ay tantiyahin ang lapad na nais gawin.

• Maliban sa mga pang-uring pamilang na panunuran, maaari din itong


dugtungan ng salitang hakbang o step para maipahayag ang hakbangin
nitong gawain.
SIKUWENSIYAL
Ang sikuwensiyal ay nakabatay sa serye ng mga pangyayaring
magkakaugnay sa isa’t isa. Humahantong ito sa iisang
pangyayari na siyang paksa ng isang kuwento.

HALIMBAWA:
Noong unang panahon ay may mag-asawang diwata at mortal.
Nagkaroon sila ng tatlong anak at ang isa ay pinangalanan
nilang Labaw. Isang araw, nagpasiya si Labaw na maghanap ng
mapangangasawa. Kahit ayaw ng ina ay agad pa rin niyang
binasbasan ang paglalakbay ng anak.
Maaaring gamitin ang sumusunod na mga
pang-ugnay sa pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari sa kuwento: isang araw, habang,
saka, bago/bago iyon/bago pa man,
pagkatapos/tapos/matapos, nang, hanggang,
habang, samantala, noong,
kaagad/agad/agad-agad, sa pagkakataong
iyon, sumunod, at iba pang tulad nito.

You might also like