You are on page 1of 7

7

Learning Activity Sheet


sa FILIPINO
Kuwarter 1- Linggo 6- MELC 11
Mga Salitang Ginagamit sa Paggawa
ng Proyekto Panturismo

REHIYON VI- KANLURANG VISAYAS


RO6_Q1_Filipino7_MELC11
FILIPINO 7
Learning Activity Sheet Kwarter 1 Week 6 MELC 11: Mga Salitang Ginagamit sa
Paggawa ng Proyektong Panturismo
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng gawain kung
ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Filipino 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang magamit
ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas,

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma
nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet – Filipino 7

Mga Manunulat: Phoebe G. Lumanog


Editor: Gerryl The A. Jaena
Tagasuri: Grace J. Fuentes, Rona F. de la Torre
Tagalapat: Mara Jamaica B. Floreno

Division of CADIZ CITY Management Team:


Ma. Lorlinie M. Ortillo
May P. Pascual
Gerryl The A. Jaena
Rona F. de la Torre

Regional Management Team:


Ramir B. Uytico
Pedro T. Escobarte, Jr.
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Celestino S. Dalumpines IV
Pambungad na Mensahe
MABUHAY!

Ang Filipino 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo sa pamamagitan ng


sama-samang pagtutulungan ng Dibisyon ng Lungsod Cadiz sa ng Kagawaran ng Edukasyon,
Region 6 – Kanlurang Visayas sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Division
(CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating
mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K
to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na mapagtagumpayan


nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang kakayahan at laang
oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may kapaki-
pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang pangangailangan at
sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Filipino 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matugunan
ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy ang
kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng
learning center sa kanilang komunidad.

Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa mga
gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang pag-unlad ng
mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Filipino 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matulungan
ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong paaralan.
Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at makabuluhang mga
gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.

i
Kuwarter 1, Linggo 6

Learning Activity Sheet Blg. 9


Pangalan ng Mag-aaral: __________________________________________________________
Taon at Pangkat: ______________________________________ Petsa: ___________________

FILIPINO 7
PANGWAKAS NA GAWAIN

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA

Naipaliliwanag ang mga salitang ginagamit sa paggawa ng proyektong panturismo. F7PT-Ij-6

II. PANIMULA (SUSING KONSEPTO)

PROYEKTONG PANTURISMO

Alam mo bang ang ating bansa ay mayaman sa iba’t ibang kultura, tradisyon at wika? Ang
araling ito ay magpapakilala tungkol sa iba’t ibang kultura at tradisyon na mayroon ang ating bansang
Pilipinas. Halina’t maglakbay sa araling ito!

Ang Pilipinas ay mayaman sa likas na yaman at mga natatanging pasyalan kaya napakasigla
ng ating turismo. Tunay na napakaraming bagay ang maipagmamalaki ng ating bansa. Sa araling ito,
sisikapin nating higit pang hikayatin ang ibang tao na pahalagahan at ipagmamalaki ang ating turismo.

THE RUINS

Suriin ang larawan sa itaas. Tungkol saan ang mga ito?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

1 RO6_Q1_Filipino7_MELC11
Magagandang tanawing masarap pasyalan, iba’t ibang kultura at masasarap na
pagkain ang matitikman ay iilan lamang sa mga bagay na mararanasan sa paglalakbay o
pamamasyal sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Nakatutuwang isipin na ang ating pamahalaan
at iba pang mga pribadong sektor ay gumagawa ng iba’t ibang paraan ng pagpapalakas ng
turismo sa ating bansa.

Dahil sa kahalagahan ng turismo sa ekonomiya ng bansa, ang pamahalaan ay


gumagastos ng malalaking halaga sa advertisement upang itaguyod at isulong ang industriya
ng turismo sa bansa.

Malaki ang papel na ginampanan ng advertisement sa pagpapalakas ng turismo sa


bansa. Mayroon itong dalawang kategorya - print at electronic media.

PRINT ELECTRONIC
Diyaryo Telebisyon
Magazine Radio
Brochure Internet
Flyer

III. SANGGUNIAN

https://www.slideshare.net/JenitaGuinoo/proyektong-panturismo-travel-brochure
https://grade7.modyul.online/filipino-7-modyul-13-pagsagawa-ng-isang-makatotohanan-at-
mapanghikayat-na-proyektong-panturismo/#gallery-page-18

IV. MGA GAWAIN

GAWAIN I

PANUTO: Tukuyin kung anong kompanya o produkto ang nagtataglay ng mga sumusunod
na “tagline”sa pamamagitan ng slogan.

1. “Hari ng padala” _______________________________________________


2. “Nakasisiguro gamot ay laging bago”_______________________________
3. “Pambansang Litson Manok” _____________________________________
4. “Langhap Sarap, Bee Happy” _____________________________________
5. “M, Love ko To” _______________________________________________

GAWAIN II

PANUTO: Sagutin ang sumusunod na katanungan:

1. Naging madali ba para sa iyo ang pagtukoy kung kaninong kompanya o produkto ang mga
tagline? Bakit oo? Bakit hindi?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

2 RO6_Q1_Filipino7_MELC11
2. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng promosyon ng isang produkto o kompanya?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, bakit nahihikayat ng advertisement ang mga tao na tangkilikin ang isang
produkto o kompanya?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

GAWAIN III

Ang advertisement ay hindi lamang nag-eendorso para sa mga kompanya o produkto


kundi ginagamit din ito sa iba’t ibang paraan. Ikaw ngayon ay gagawa ng proyektong
panturismo na nanghihikayat ng mga turistang puntahan ang isang lugar.

Panuto: Pumili ng isang magagandang tanawin sa inyong sariling lugar na gusto mong i-
advertise na puntahan ng mga turista. Bumuo ng Travel Brochure gamit ang mga larawan
nito. Isaalang-alang ang mga dapat tandaan sa paggawa ng Travel Brochure. Ipaliwanag ang
mga salitang ginamit sa paggawa ng proyektong panturismo. Maaaring ilagay sa short
bondpaper, computerized o maaring ginupit na larawan. Gawing gabay ang rubriks sa ibaba
sa pagbuo ng nasabing proyekto.

Rubriks sa paggawa ng Travel Brochure


Nilalaman Ang mga larawan at Ang mga larawan at Ang mga larawan ay
4 datos o impormasyon ay hindi gaanong
impormasyon ay kinuha lamang sa sinaliksik ng mga
buhat sa masusing isang sanggunian mag-aaral
pananaliksik (3) (1)
(4)
Paggamit ng salita Lubos na May ilang mga Hindi gaanong
3 naipaliliwanag ang salitang hindi naipaliliwanag ang
ginamit na salita sa naipaliliwanag sa mga salitang ginamit
ginawang proyekto ginawang proyekto sa proyekto
(3) (2) (1)
Kabuoang dating Lubos na maayos at Maayos at kaakit- Hindi gaanong
3 kaakit-akit ang akit ang ginawang kaakit-akit ang
panghihikayat sa panghihikayat sa panghihikayat sa
ginawang proyekto ginawang proyekto ginawang proyekto
(3) (2) (1)
Kabuuan 10

V. REPLEKSYON

Panuto: Natutuhan ko sa gawaing ito na:


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3 RO6_Q1_Filipino7_MELC11
V. SUSI SA PAGWAWASTO:

Gawain 1 1. LBC 2. MERCURY 3. ANDOKS 4. JOLLIBEE 5. MCDO

Gawain 2 Ang guro na ang magbibigay ng puntos

Gawain 3 Ang guro na ang magbibigay ng puntos

4 RO6_Q1_Filipino7_MELC11

You might also like