You are on page 1of 2

CYRUS CYLINDER

539 B.C.E. – Sinakop ni Haring Cyrus ng Persia at kaniyang mga tauhan ang lungsod ng Babylon.
Pinalaya niya ang mga alipin at ipinahayag na maaari silang pumili ng sariling relihiyon. Idineklara
rin ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng lahi.
Kinakitaan din ng kaisipan tungkol sa karapatang pantao ang iba pang sinaunang kabihasnan
tulad ng India, Greece, at Rome.
Ang mga itinatag na relihiyon at pananampalataya sa Asya tulad ng Judaism, Hinduism,
Kristiyanismo, Buddhism, Taoism, Islam at iba pa ay nakapaglahad ng mga kodigo tungkol sa
moralidad, kaisipan tungkol sa dignidad ng tao at tungkulin nito sa kaniyang kapwa.
Nakatala ito sa isang baked-clay cylinder na tanyag sa tawag na “Cyrus Cylinder.” Tinagurian ito
bilang “world’s first charter of human rights.”
Ang karapatang pantao na nakapaloob sa Cyrus Cylinder ay pinaniniwalaang may mga kinalaman
sa pagkawala ng bias o pagtangi sa lahi, kultura o maging ng relihyon.  Nakasaad dito na dapat ay
pantay-pantay lang ang tingin sa kahing kaninong tao.  Nakasaad din dito na may karapatan ang
bawat tao na pumili ng sarili nitong paniniwala.
Ganito ang eksaktong mababasa sa cyrus cylinder na gawa sa hinulmang luwad:  "ANG LAHAT
NG TAO AY MAY KARAPATANG PUMILI NG RELIHYON AT MARAPAT ITURING NA
KAPANTAY NG IBANG LAHI

MAGNA CARTA
Noong 1215, sapilitang lumagda si John I, Hari ng England, saMagna Carta, isang dokumentong
naglalahad ng ilang karapatan ng mga taga-England. Ilan sa mga ito ay hindi maaaring dakpin,
ipakulong, at bawiin ang anumang ari-arian ng sinuman nang walang pagpapasiya ng hukuman.
Sa dokumentong ito, nilimitahan ang kapangyarihan ng hari ng bansa.

Ito naman ay kasulatan o dokumentong pinagpilitang sang-ayunan ni King John ng Inglatera. 


Tinawag din itong Greater Charter noong 1215. Nakapaloob dito ang mga karapatan ng simbahan
o paniniwala na malaya sa pakikialam ng Estado o pamahalaan, nakasaad din ang mga
karapatang magmay-ari ng mga mana at ari-arian para sa lahat ng mamamayan ng walang
pagmamalabis ng buwis.

Iginiit ito ng mga maharlika o nobleng mga Ingles upang hindi maging katulad ng dati ang
kapangyarihan ng mga hari. Itinatak dito ni Haring Juan ang kanyang selyo o tatak noong 1215.

PETITION OF RIGHT
Noong 1628 sa England, ipinasa ang Petition of Right na naglalaman ng mga karapatan tulad
nang hindi pagpataw ng buwis nang walang pahintulot ng Parliament, pagbawal sa pagkulong
nang walang sapat na dahilan, at hindi pagdeklara ng batas militar sa panahon ng kapayapaan.

Hinggil naman ito sa paglaban sa mga hindi pagpapatupad at paglabag ng mga batas. Ipinadala
ang petisyon na ito kay King Charles I. Ang nilalaman nitong ay ang petisyon ay pagkondena sa
kahit na anong buwis o paniningil nang hindi batid o walang basbas ni apruba ng Parliamento.

May pagbabawal sa pagkulong ng walang dahilan.

BILL OF RIGHTS
Noong 1787, inaprubahan ng United States Congress ang Saligang-batas ng kanilang bansa.Sa
dokumentong ito, nakapaloob ang Bill of Rights na ipinatupad noong Disyembre 15, 1791. Ito ang
nagbigay-proteksiyon sa mga karapatang pantao ng lahat ng mamamayan at maging ang iba
pang taong nanirahan sa bansa.
Nararapat na taglay ng bawat indibiduwal ang mga karapatang nakasaad dito dahil taglay nito ang
dignidad ng isang tao, anoman ang kaniyang katayuan sa lipunan at kalagayang pang-
ekonomika.

DECLARATION OF THE RIGHTS OF MAN AND OF THE CITIZEN


Noong 1789, nagtagumpay ang French Revolution na wakasan ang ganap na kapangyarihan ni
Haring Louis XVI. Sumunod ang paglagda ng Declaration of the Rights of Man and of the Citizen
na naglalaman ng mga karapatan ng mamamayan.

UNANG GEVEVA CONVENTION


Noong 1864, isinagawa ang pagpupulong ng labing-anim na Europeong bansa at ilang estado ng
United States sa Geneva, Switzerland. Kinilala ito bilang The First Geneva Conventionna may
layuning isaalang-alang ang pag-alaga sa mga nasugatan at may sakit na sundalo nang walang
anumang diskriminasyon.

Layunin ng pagpapatatag dito na protektahan ang lahat ng mga biktima ng digmaan/gyera at


naging katuwang ang International Red Cross sa pagsagip ng mga buhay at sa pagpapagamot sa
mga naapektuhan.
Ang digmaan ay sa kasamaang palad, nagresulta ng datos na may namatay na halos 40,000
katao. Pinalala ng kakulangan ng mga pasilidad ang mga suliranin noon kahit pinilit na rin nitong
magkaroon ng mga pagtigil sa bakbakan na kailangan para sa gamutan.

UDHR
Noong 1948, itinatag ng United Nations ang Human Rights Commissionsa pangunguna ni Eleanor
Roosevelt, asawa ng yumaong Pangulong Franklin Roosevelt ng United States. Sa pamamagitan
ng naturang komisyon, nilagdaan at ipinatupad ang dokumentong tinawag naUniversal
Declaration of Human Rights.
Nang itatag ang United Nations, nagkaroon ng diin ang mga bansang kasapi nito na magkaroon
ng malinaw at kongkretong balangkas ng mga karapatan para tiyak na maibabahagi ang
kaalaman at maisakatuparan ang mga karapatang pantao nakasaad dito.  Binansagan din ito
bilang “International Magna Carta for all Mankind.” Lubos na pinahahalagahan ang buhay,
pribadong ari-arian, at hustisya para sa lahat sa UDHR.

You might also like