You are on page 1of 2

IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 10

Pangalan: _________________________________________
Baitang at Seksyon: ______________________ Petsa: _____________________

I. PAGTUTUKOY: Panuto: Isulat ang mga salita o konseptong tinutukoy sa bawat pahayag. (2puntos)

1. Tumutukoy sa payak na karapatan at mga kalayaang nararapat na matanggap ng lahat ng tao


2. ito ang mga karapatan na pag-aari ng bawat tao para sa pag-unlad ng kanyang pagkatao at Karapatan
3. ito ay mga karapatang pantao na bumubuo ng pamayanan upang isulong ang panlipunan, pangkabuhayan, at
pangkultural na pag-unlad sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang likas na kayamanan at pagsusulong sa
malusog na kapaligiran
4. ito ang karapatan ng tao upang mabuhay at pumili ng lugar kung saan siya maninirahan at maghahanapbuhay
5. ito ay mga karapatan upang mabuhay ang tao sa isang lipunan at upang isulong ang kanyang kapakanan
6. ito ang mga karapatan ng tap na makisali sa mga proseso ng pagdedesisyon sa pamayanan katulad ng pagboto
ng mga opisyal ng pamahalaan pagsali sa referendum at plebesito
7. Tinagurian ito bilang “world’s first charter of human rights.”
8. ito ang mga karapatan patungkol sa pagsusulong ng kabuhayan at disenteng pamumuhay
9. Ito ang nagbigay-proteksiyon sa mga karapatang pantao ng lahat ng mamamayan at maging ang iba pang
taong nanirahan sa bansa
10. Binigayang diin dito na lahat ng tao ay inilang na malaya ata may pantay -pantay na dignidad

II. Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong at sagutan. Piliin ang tamang sagot.
1. Ang mga karapatang sibil at pulitikal ng mga Pilipino ay nakasulat sa ________
A. Bill of rights Art.III
B. Bill of rights Art.II
C. Bill of rights Art.XII
D. Bill of rights Art.XIII
2. Ang dalawang uri ng karapatan ay :
A. Likas o Natural at ayon sa batas
B. Sibil at Pampulitika
C. Pang-ekonomiya
D. Universal Rights
3. Mga karapatang taglay ng tao kahit hindi ipagkalon ng Estado
A. Natural Rights
B. Constitutional Rights
C. Statutory Rights
D. Wala sa nabanggit
4. Mga karapatang kaloob ng binuong batas at maaring alisin sa pamamagitan ng panibagong batas
A. Natural Rights
B. Constitutional Rights
C. Statutory Rights
D. Wala sa nabanggit
5. Isang pandaigdigang kasunduan ng mga bansa upang mabigyang proteksyon ang mga batang may 17
gulang pababa sa anumang bansa sa daigdig
A. Petition of rights
B. United Nations Convention on the Rights of the child
C. Convention on elimination of discrimination against women
D. Magna carta
6. Anyo ng paglabag na pananakit at pagsugat sa katawan ng tao tulad ng pambubugbog, pagkitil ng buhay.
A. Pisikal na Paglabag
B. Sikolohikal at Emosyonal na Paglabag
C. Sistematikong Paglabag
D. wala sa pagpipilian
7. anyo ng paglabag na ang pisikal na pananakit ay nagdudulot ng trauma sa isang tao.
A. Pisikal na Paglabag
B. Sikolohikal at Emosyonal na Paglabag
C. Sistematikong Paglabag
D. wala sa pagpipilian
8. Nakapaloob dito ang karapatang magkaroon ng matiwasay at tahimik na pamumuhay , kalayaan sa
pagsasalita , pag-iisip, pag-oorganisa , pamamahayag , malayang pagtitipon.
A. Pampulitika
B. Sibil o panlipunan
C. Pangkultura
D. Nasasakdal
9. Karapatan sa sa sariling relihiyon o paniniwala
A. Pampulitika
B. Pangkabuhayan
C. Pangkultura
D. Nasasakdal
10. Karapatang magkaroon ng Negosyo , hanapbuhay at disenteng pamumuhay.
A. Pampulitika
B. Panlipunan
C. Pangkabuhayan
D. Pangkultura

III. TAMA O MALI. Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag. Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaadng
pahayag at MALI kung di-wasto.
1. Lahat tayo ay may Karapatan sa buhay at mamuhay sa Kalayaan at kaligtasan – The Right to Life
2. Ang bawat tao ay walang karapatang kilalanin saan mang dako bilang isang tao sa harap ng batas
3. Walang sino mang ipaiilalim sa di-makatwirang pagdakip, pagpigil o pagpapatapon
4. Nakasaad sa The first Geneva Convention ang Karapatan ng mga nasugatan at may sakit na sundalo.
5. Sinumang inaresto ay dapat mabigyan ng impormasyon hingil sa dahilan ng pag aresto
6. Nakasaad sa karapatang maging malaya ang karapatang sumali sa matahimik na asembliya
7. Ang mga Karapatan ng mga bata ay nakagrupo sa apat na aspeto
8. Ang kasunduan sa pag-alis ng diskriminasyon laban sa kababaihan ay sinimulang ipatupad noong 1982.
9. Edukasyon para sa karapatang pantao ito ay isa sa pinakamahusay na paraan upang hindi malabag ang
karapatang pantao.
10.Sa paaralan ang paglabag sa Karapatang pantao ay makikita kapag ang mga local na opisyal ng pamahalaan
ay hindi tumupad sa kanilang tungkulin.

“Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo; at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan.”
Kawikaan 3:5

Ipinasa ni: Gng. Joana marie M. Querijero


JHS-Teacher

Sinuri ni: Bb. Mary Anne Hizon


JHS Coordinator

Inaprubahan ni: Gng.Leodora G. Mendoza


OLMCC PRINCIPAL

You might also like