You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IX, Zamboanga Peninsula
School Division of Zamboanga del Sur
Navalan National High School

Ikatlong Lagumang Pagsusulit sa Filipino 10

Pangalan: __________________________Seksyon:__________________Petsa:________Iskor:____

Piliin at salungguhitan sa loob ng panaklong ang angkop na salin sa salitaang nakaitalisado na makikita sa patlang.

Noong unang (1.) time (bagyo, oras, panahon) ang kalangitan at kalupaan ay mag-asawa. Sila ay may
dalawang anak na sina Langit at Tubigan. Sila ay may kani-kaniyang (2.) covered (palaruan, nasasakupan,
palayan). Si Langit ay diyosa ng (3.) galaxy (lupain, kalawakan, kalangitan), at si (4.) pond (tubigan,
kalikasan, katubigan) naman ay diyosa ng katubigan. Sina Langit at Tubigan ay (5.) married (nag-iibigan,
nagpakasal, magkababata) at ang nagging anak nila ay apat, tatlo ang lalaki at isa ang babae. Si Dagat ay
(6.) chic (makisig, mayabang, mabait), malakas na lalaki at ang katawan ay mulato. Si adlaw ay (7.)
cheerful (masayahin, masigla, mainam) na lalaki naa ng katawan ay ginto. SI Bulan ay isang (8.) weak
(maginoong, mahinang, matabang) lalaki naa ng katawan ay kulay tanso. Si Bitoon ang (9.) only (tanging,
maraming, isang) babae na maganda ang katawan at kulay (10.) silver (pilak, ginto, tanso)

Gamit ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika, isulat sa patlang ang angkop na salin sa mga sumusunod na pahayag.

1. Speak calmly ________________________________________


2. Study hard ________________________________________
3. Take a nap ________________________________________
4. Wait a minute ________________________________________
5. Congratulations ________________________________________

Gamit ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika, isulat sa patlang ang angkop na salin sa mga sumusunod na
pangungusap.

1. How are you? _________________________________________________


2. What are you doing? _________________________________________________
3. I want to call you. _________________________________________________
4. I’m always thinking of you. _________________________________________________
5. I’m glad to meet you. _________________________________________________

Bigyang kahulugan ang mga salitang nakasulat ng pahilig batay sa ginamit na panlapi. Piliin sa loob ng kahon at isulat
lamang ang titik ng iyong sagot sa patlang bago ang bilang.

a. Lumisan b. nalito c. napahiya d. sayangin d. naimbitahan.

_____1. Ang mga taong nakikinig sa kaniya ay nagulumihanan.


_____2. Ang sermon na ginawa ni Mullah ay dapat pag-aralan at huwag itong aksayahin.
_____3. Nangingimi ang mga nakikinig sa kaniyang homiliya.
_____4. Muli naman siyang inanyayahan sa simbahan.
_____5. Agad siyang umalis matapos makapagsalita sa harap ng mga tao.

Panuto : Piliin at bilugan ang letra ng tamang sagot sa hinihingi ng pahayag .

1. Kung ikaw ay isa sa mamamayan ng Timog Africa, ano ang iyong magiging damdamin sa talumpati ni Mandela?

A. Ipagpapasalamat at tatanawin na isang malaking utang na loob ang kanyang kabayanihan.

B. Nalulugod at nagpapasalamat na sa wakas abot kamay na ang kalayaan.

C. Iiyak dahil sa wakas dumating na ang pagbabagong inaasam at kalayaang hinahangad.


D. Puno ng pag-asa sapagkat sa loob ng mahabang panahon ay may isang pinunong may malasakit, pagmamahal at simbolo ng
katarungan at kalayaan sa kanyang mamamayan.

2. Batay sa bahagi ng talumpati ni Mandela , ano ang isa sa maaaring maging dahilan ng pagkalugmok ng isang bansa?

A. pagpapahirap sa mamamayan

B. pagkakaroon ng malupit na pinuno

C. pagpapairal ng kontrakwalisasyon sa mga manggagawa

D. di-pantay na pagtingin sa mga mamamayang iba-iba ang estado sa buhay.

3. Ang talumpating ito ay masasabi mo bang isang uri ng sanaysay na pormal?

A. Hindi sapagkat ito ay subhektibo na tumatalakay sa paksang karaniwan, pang- araw-araw, at personal.

B. Oo, sapagkat ang himig ng pananalita ay parang nakikipag-usap lamang.

C. Hindi dahil ito ay obhektibo at ang tono ay mapitagan at nagbibigay ng impormasyon.

D. Oo, dahil ito ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa dating kalagayan ng lahi ng nagtatalumpati at nanghihikayat din siya na
magkaroon ng kalayaan.

4. Sa kanyang binigay na talumpati ano sa tingin mo ang kanyang layunin?

A. Nais niyang imulat ang tao sa iba’t ibang panig ng mundo sa nangyayaring karahasan laban sa mga tribo ng Africa at hangarin na
pagkakaisa sa itim at puting mamamayan ng Africa na labanan ang hindi pantay na pagtrato sa kanila.

B. Ipahayag sa buong mundo na lahat ng tao ay may karapatan na mamuno sa kanyang bansa ano paman ang kulay at lahi nito.

C. Ipakita ang kanyang tapang at sigaw ng damdamin at mapapait na karanasan.

D. Paghihiganti sa lahat ng masasamang naranasan ng kanyang mamamayan sa mga puting lahi.

5. Pula : Rosas : : Luntian : ____________

A. Girlscout B. Ibon C. Dahon D. Bundok

6. Itim na Pusa :__________________: : Paruparo : Bisita

A. Pamahiin B. Alaga C. Malas D. Insekto

7. Magsalita:Kumanta : : Maglakad: _____________

A. Maligo B. Sumayaw C. Kumain D. Uminom

8. _______________ : Tag-init : : Disyembre _________

A. Panahon – Marso B. Hunyo – Kasal

C. Marso-Tag-ulan D. Ice Cream-Pasko

9. Ang mga sumusunod ay paglalarawan sa pormal na sanaysay maliban sa isa.

A. Nagbibigay ng impormasyon.

B. Maingat na pinipili ang pananalita.

C. Ang tono ay mapitagan.

D. Subhektibo sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda.

10. ____________estadistika may 1.18M ang kaso ng Covid-19 sa Pilipinas, 1.1M ang nakarecover at 19, 946 ang namamatay na mga
Pilipno.

A. Ayon kay B. Gayundin C. Batay sa D. Alinsunod

You might also like