You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
CALAWITAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Unang Markahang Pagsusulit
(Filipino 10)
Pangalan:_______________________________ Petsa: ___________________
Baitang at Pangkat:_______________________

General Instructions:
 Panatilihin ang kalinisan at kaayusan ng papel  Gumamit lamang ng malalaking titik.
 Basahin at Suriing mabuti ang mga tanong
I. MULTIPLE CHOICE: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa patlang sa tabi ng bilang.
____1. Ito ang agham sa pag-aaral ng mga alamat at mga kwento ng pinagmulan ng isang grupo o bansa.
A. Alamat B. Parabula C. Epiko D. Mitolohiya
____2. Sino ang Hari ng mga Diyos sa mga Sinaunang Paniniwalang Griyego?
A. Aphrodite B. Hades C. Zeus D. Poseidon
____3. Siya ay Isang mortal na manlililok na umibig sa kanyang obra maestrang iskultura.
A. Ganymede B. Pygmalion C. Apollo D.Bacchus
____4. Ano ang pananaw ng nasabing manlililok sa mga ordinaryong kababaihan?
A.Siya ay hindi natutuwa dahil sa masasamang gawi ng mga ito
B.Labis niyang ikinasisiya ang atensyon ng mga kababaihan
C. Di niya ito binibigyang pansin dahil mas gusto niya ang pagsamba sa mga diyos.
D. Natutuwa siyang lihim subalit di niya ito maaaring pansinin
____5. Basahin ang bahagi ng mitong nasa ibaba.
Tuluyan nang nagbago ang mundo ni Pygmalion. Siya na ni ayaw makipag-usap sa sinomang
babae, ngayon ay nag-uubos ng kaniyang panahon sa “pakikipag-usap” sa isang estatwang
inaalayan din niya ng mga regalo tulad ng mga bulaklak, kabibe, ibon at iba pang alam niyang
nagugustuhan ng mga totoong babae.
Anong uri ng damdamin ang inilalarawan ng mga bahagi ng mitolohiya?
A. Pagkagalit B. Pag-ibig C. Paghanga D.Pagkatuwa
____6. Anong pagpapala ang naidulot ng Diyosa ng Pag-ibig sa binata?
A.Binigyang-buhay nito ang rebultong gawa ng manlililok.
B.Binigyan niya ito ng isang dalagang kawangis ng kanyang rebulto
C. Siya ang naging asawa ng masuyong mangingibig.
D. Binigyan niya ito ng isang dalagang may higit na ganda kaysa sa kanyang obra.
____7. Ang pandiwa ay bahagi ng pananalitang nagsasaad ng kilos o galaw. Alin sa mga sumusunod ang isang halimbawa nito?
A.Siya B. Doon C. Tayo D.Maganda
____8. Para sa mga bilang 8-11, tukuyin ang gamit ng mga sumusunod ng mga pandiwang may salungguhit sa pangungusap.
Sinakal ni Andrea si Christian dahil sa mga pagiging madaldal nito.
A. Pangyayari B. Karanasan C. Aksiyon D. Tagaganap
____9. Siya ay nahabag sa nakitang kalagayan ng kanyang mga kaibigan sa San Miguel.
A. Pangyayari B. Karanasan C. Aksiyon D. Tagaganap
____10. Naospital ang mga mag-aaral dahil sa pagbagsak ng kisame ng silid-aralan.
A. Pangyayari B. Karanasan C. Aksiyon D. Tagaganap
____11. Si Kenneth ay nabalisa matapos makita ang mga nasirang pananim.
A. Pangyayari B. Karanasan C. Aksiyon D. Tagaganap
____12.Ito ay kuwentong hango sa Banal na Kasulatan at kinikilalang may pamantayang moral.
A. Pabula B. Parabula C. Nobela D. Maikling kwento
____13.Sa akdang Talinhagang ng Aliping Pinagkatiwalaan ng Salapi, ilang alipin ang pinagkatiwalaan ng mga salapi ng taong
naglakbay?
A. 1 B. 2 C. 3 D. 4
____14.Ang aliping binigyan ng P5,000 ay tumubo ng P5,000, gayon din ang binigyan ng P2,000 ay tumubo rin ng P2,000 kaya’t
sinabihan sila ng tapat at mabuting alipin.” Ano ang kahulugan ng pangyayari?
A. Paunlarin ang biyayang ipinagkaloob sa iyo C. Itago ang halagang ibinigay sa iyo upang di maubos.
B. Patubuan ng doble ang perang ipinagkaloob D. Gawin paraan ang iba pang paraan upang tumubo ang salapi
____15.Ito ang naramdaman ng manlalakbay nang malamang tumubo ang salaping ipinagkaloob niya sa kaniyang aliping
pinagkalooban ng P5,000 at P2,000.
A. Nagalit B. Nagalak C. Nalumbay D. Nasuklam
____16.Ito ang ginawa ng alipin sa P1,000 ipinakaloob sa kaniya.
A. itinapon sa ilog B. inilagak sa bangko C. itinago sa hinukay na lupa D. ipinamigay sa nangangailangan
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
CALAWITAN NATIONAL HIGH SCHOOL
____17.Para sa mga bilang 17-20, piliin ang mga salitang pang-ugnay na kukumpleto sa patlang ng bawat pangungusap.
Si Lany ay maganda at matalino __________ siya ay hinahangaan ng mga kabinataan sa nayon.
A. Kaya naman B. Sapagkat C. Una D. Pagkatapos
____18. Sina Marie at Lea ay bumili ng mga kagamitan sa eskwela tulad ng papel,panulat,kwaderno at _________ bag.
A. Kung kaya B. Saka C.Pati D. Isa pa
____19. Ang mga mag-aaaral ay natutong magluto kaya’t nang ____________ ay ipinagluto nila ang kanilang ina.
A. Sa una B. Sapagkat C. Sumunod na araw D. Pagkatapos
____20. Ang mga guro, __________ na ang mga mag-aaral at kawani ay dumalo sa kainan.
A. Kung kaya B. Saka C.Pati D. Isa pa
II. Basahing mabuti ang mga pangugusap sa ibaba, ilagay ang salitang SANG-AYON kung ito ay totoong nangyari sa akda, at
DI-SANG-AYON kung hindi.
_______1. Nagwakas ang digmaan sa gitna ng gabi.
_______2. Kakaunti lamang ang bilang ng mga namatay.
_______3. Ang kalahati ng pangkat ni Črtomir ay umalis sa kanyang pangkat.
_______4. Ang lawa sa akda ay ang Bohinj.
_______5. Ang digmaan sa epiko ay madilim at nakakgimbal.
III. A. Basahin ang sumusunod na teksto. Punan ang mga patlang sa ibaba ng titik ng mga wastong hudyat-pananaw .

1.______, laganap ang sakit na covid-19 sa buong mundo. 2.______, ito ay nakababahala dahil makaaapekto ito nang
malaki sa buhay at pamumuhay ng maraming tao. Tumaas ang bilang ng tinamaan ng nakahahawang sakit na ito at 3.
________, ito ay dahil marami ang hindi sumusunod sa ipinatutupad na tuntunin ng pamahalaan. 4. _______, dapat na maging
maingat ang lahat at manatili na lamang sa loob ng tahanan kung hindi mahalaga ang pupuntahan. 5.______ isa itong paraan
upang hindi na lumaganap ang pandemya ng sakit na ito kung tayo ay patuloy na susunod sa maayos na paraan.

A. Para sa akin B. Sa aking palagay C. Kung ako ang tatanungin


D. Ang pagkakaalam ko ay E. Ayon sa nabasa kong balita F. May punto ka ngunit
B. Ilagay sa patlang ang tamang hudyat/pananda sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa epiko. Piliin ang sagot mula sa
kahon sa ibaba.
1. _____________, isang gulo sa itaas ng kulay-abong bundok, nandito ang huling kuta ni Crtomir.
2. ________, makikita ang lambak ng Carniola ng Carantania matatagpuan ang pinunong matapag na si Crtomir at ang
kanyang hukbo.
3. ____________ nito ay ang mga pagkubkob ng kalaban sa kanilang huling teritoryo.
4. _____________ ng anim na buwan at sa kasamaang palad ay napatay ang mga Slovene na kawal. Madugo at nakaktakot
ang kinahinatnan ng mga ito.
5. ____________, si Črtomir ang natira. Dumating ang umagang ang mga bangkay ng kanyang mga kawal na hanggang sa
huli’y naging tapat.

Sa huli Una Sa simula


Pagkatapos Kasunod Kalaunan

IV. A. Salungguhitan ang wastong panghalip mula sa mga salita na nasa panaklong.

1. Si Jules Chicot ay nais makuha ang lupa ni Nanay Magloire kung kaya (sila, siya) ay nag-alok rito.
2. Kinatuwa (nila, niya) ang pagpayag ng matanda sa kanyang alok ukol sa lupa.
3. Bukas ay magbalik (ikaw, ka) para sa sagot ko sa iyong alok.
4. Natutong maging isang lasinggera si Nanay Magloire kung kaya (ito, iyon) ay nasawi isang gabi ng taglamig.
5. Labis ang kaligayahan ni Chicot nang mapunta sa (kanila,kaniya) ang lupa ng yumaong matanda.

B. Piliin mula sa kahon sa ibaba ang titik ng salitang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit. Isulat ito sa patlang sa
tabi ng bilang.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
CALAWITAN NATIONAL HIGH SCHOOL
_____1. Sa huli ay nakumbinsi rin siya kaya’t lumagda na sa isang kasulatan. (sumulat, pumirma)
_____2. Iniisip ng matanda na isang patibong ang inihahanda para sa kanya. (tinik, bitag)
_____3. Nagpunta siya sa bahay ni Chicot bilang pagtugon sa paanyaya nito. (imbitasyon, alok)
_____4. Minsan, habang nakamasid si Chicot sa ginagawa ng matanda ay nakapag-isip siya ng isang kondisyon. (nakatingin,
nakatulala)
_____5. Ang pakay ni Chicot ay makuha ang lupa kay Nanay Magloire. (nais, hadlang)

A. Nais B. Hadlang C. Imbitasyon


D. Nakatingin E. Pumirma F. Bitag

V. Sagutin ang sumusunod batay sa iyong kamalayan sa sumusunod na paksa (3-10 pangungusap).

Batay sa iyong kaalaman ukol sa kasalukuyang lagay ng mundo sa gitna ng umiiral na pandemya, Tama ba o hindi na muli nang
ipahintulot ang pag-aalis ng facemask sa mga pampublikong lugar? Pangatwiranan.

______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________

Ihinanda ni:

CHRISTIAN L. CHUA
Guro, Filipino 10

You might also like