You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 02
Schools Division of Isabela
Ramon District
SAN MIGUEL INTEGRATED SCHOOL
San Miguel, Ramon, Isabela 3319
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT

Pangalan:_________________________________________________ Petsa:________

Seksyon:_______________________ Nakuha:______/40

PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na


sitwasyon/pangyayari. Piliin o Itiman ang titik ng pinakatamang sagot sa sagutang papel. . (Ang bura ay
nangangahulugan ng pagiging mali)

A. MELC: Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong-


bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan F7PD-Ib-86
Panuto: Tukuyin ang angkop na hinuha batay sa kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na
pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan. Isulat sa sagutang
papel ang letra ng tamang sagot sagot.
______1. Hindi lang ang lalaking si Lokes a Mama ang nangangaso. Maging ang asawa niyang si Lokes a
Babay ay nangangaso rin. Anong pag-uugali ng mga tauhan ang mahihinuha sa pangungusap?
A. Malalakas ang mga lalaki
B. Mas masipag ang mga babae kaysa sa mga lalaki.
C. May babae na ring bomber ngayon
D. May itinatagong kalakasan rin ang mga babae

______2. Ang mag-asawa sa binasa ay kapwa nabubuhay sa pangangaso. Mahihinuhang ang kanilang lugar
ay__________.
A. Kapatagan B. Nasa lungsod C. Nasa tabing-dagat D. Magubat at Mapuno
______3. Mag-isang kinakain ng lalaki ang kanyang nahuling hayop at hindi niya binigyan ang kanyang
asawa. Anong kaugalian ang ipinakita ng tauhan sa akda?
A. Pagiging maasikaso ng mga ina sa mga anak
B. Pagiging matakaw sa karne ng mga kalalakihan
C. Pagiging mahiligin sa pagkain ang mga Pilipino
D. Pagiging sakim ng mga namumuno

______4. Pinayuhan ang datu ng mga nakatatanda na kailangan niyang mag-asawa upang magkaroon ng
tagapagmana. Mahihinuha sa pahayag na ito na,
A. Ang datu ay nasasabik ng makapag-asawa.
B. Ang mga nakakatanda ang maaaring pumili ng kaniyang mapapangasawa.
C. Ang pagsunod sa mga nakakatanda ay kaugalian nila.
D. Ang pagsunod sa nakakatanda ay kinaiinisan niya.
______5. Nahirapan ang Datu na pumili ng mapapangasawa sapagkat maraming
magagandang dalaga sa kanyang nasasakupan. Ngunit sa tulong ng kanyang
tagapayo ay nakapili siya ng dalawang mapagmahal na asawa. Mahihinuhang
pinahihintulutan sa kanilang kultura ang higit sa isang asawa. Sa anong
relihiyon nabibilang ang ganitong tradisyon?
A. Katoliko B. Iglesia ni Cristo C. Muslim D. Seventh Adventist
B. Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay F7WG-Ia-b-1
Panuto: Piliin ang wastong pahayag sa pagbibigay ng patunay ang bawat patlang. Piliin sa loob ng
kahon ang tamang sagot.
______6. _________, ang pagiging mapagmalasakit ng Datu ang naging dahilan upang hangaan siya sa
kanilang lugar. Alin sa mga salita ang kabilang sa mga salitang nagbibigay patunay?
A. sa totoo lang B. pagiging matalino D C. naging dahilan D. buong nayon
1
______7. Ipinakita nina Farida at Hasmin na magkaiba man ang kanilang edad kaya naman nilang ipakita
ang kanilang pagmamahal sa Datu. ________mapalad ang Datu sa pagkakaroon ng asawang kagaya
nila. Alin sa mga salita ang kabilang sa mga salitang nagbibigay patunay?
A. edad B. sadyang C. mapalad D. ipinakita
______8. _________na ang tapat na pamumuno ay binibiyayaan ng Maykapal nang higit pa sa inaasahan.
Alin sa mga salita ang kabilang sa mga salitang nagbibigay patunay?
A. binibiyayaan B. tapat C. pamumuno D. tunay

______9. _________ang nagmamahal ay handang gawin ang lahat upang maalagaan ang kanyang
minamahal. Alin sa mga salita ang kabilang sa mga salitang nagbibigay patunay?
A. totoong B. pagtamo C. pagsusumikap D. kaalaman
______10. _________pinatuyan ng mga frontliners na karapat- dapat silang ikarangal ng bayan. Alin sa mga
salita ang kabilang sa mga salitang nagbibigay patunay?
A. ikarangal B. pinatunayan C. frontliners D. sadyang
C. MELC: Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang napakinggan o nabasa
F7PN-Ic-d-2
______11. Kapag nalaman ng ibang hayop kung paanong namatay ang baboy ramo dahil kay Pilandok, ano
kaya ang kanilang gagawin?
A. Iiwas sila at hindi na makikipagkaibigan o lalapit kay Pilandok
B. Pupurihin nila si Pilandok sa kanyang ginawa
C. Sasaktan o gagamit sila kay Pilandok
D. Isusumpa si Pilandok
______12. Naisahan nanaman ni Pilandok ang buwaya. Ano kaya ang mangyayari sa susunod na kanilang
pagkikita?
A. Hindi pakakwalan nang buhay ng buwaya si Pilandok
B. Magiging magkaibigan na si Pilandok at Buwaya
C. Muli nanamang maiisahan ni Pilandok si Buwaya
D. Papatayin na ni Buwaya si Pilandok
______13. Nagbunyi ang ibang hayop nang matalo si Pilandok ng isang suso. Ano ang mensaheng nais
ipaabot
ng mga ito kay Pilandok.
A. Ang galling mo talaga Pilandok! Ikaw ang idol ko
B. Buti nga sayo ang sama kasi ng ugali mo naman ang nanlilinlang sa kanila.
C. Pumusta kami kay suso kaya sa pagkatalo mo ay mayroon kaming matatangap na premyo.
D. Tama lang ang nangyari sa iyo para malaman mo kung ano ang nadarama ng kapwa mo kapag ikaw
naman ang nanlilinlang sa kanila.
______14. Tinanggap ni Pilandok ang pagkatalo kay Suso at nangako na magababago na. anong katangian
ang makikita kay Pilandok?
A. Marunong ding tumanggap ng pagkatalo si Pilandok C. Masipag din pala si pilandok
B. Magaling makisama si Pilandok D. Walang pakialam si Pilandok
D. MELC: Naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng mga pangyayari F7FB-Id-e-4
Natutukoy ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa bawat pangungusap
Panuto: Tukuyin ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa bawat pangungusap.

______15. Marami ang nagtatapon ng basura sa ilog kaya sa kaunting pag-ulan ay umaapaw ito. Ano ang
bunga sa pangungusap?
A. kaya sa kaunting pag-ulan ay umaapaw ito C. kaya umaapaw ito
B. marami ang nagtatapon ng basura D. basura sa ilog
______16. Kaya nasira ang kagandahan ng ilog, pinabayaan ito ngmgatao. Ano ang sanhi sa
pangungusap?
A. kaya nasira C. kaya nasira ang kagandahan ng ilog
B. pinabayaan D. pinabayaan ito ng mga tao
______17. Dahil sa malinis, walang amoy at malinaw na tubig, marami ang namamasyal at naliligo sa ilog
Pasig. Ano ang bungasapangungusap?
A. dahil sa malinis,walang amoy at malinaw na tubig C. marami ang namamasyal
B. marami ang namamasyal at naliligo sa ilog Pasig D. sa ilog Pasig

2
______18. Nangamba ang mga tao na tuluyan nang masira ang ilogPasig, kaya kumilos na sila bago
mahuli ang lahat. Anoangsanhi sa pangungusap?
A. nangamba ang mga tao C. kaya kumilos na sila
B. tuluyan nang masira D. bago mahuli ang lahat
E. MELC: Nasusuri ang isang dokyu-film batay sa ibinigay na pamantayan F7PS-ld-e-4
Nakikilala ang mga elemento ng dokyu-film
______19. Mahalaga ang sequence iskrip sapagkat ito ang ______.
A. paraan ng pagkuha ng wastong anggulo upang maipakita sa mga manonood ang pangyayari sa bisa ng
ilaw at lente ng kamera
B. naghaharap nang mahusay at makatotohanan ang mga detalye ng palabas
C. pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ng kuwento sa pelikula at dito makikita ang layunin ng
kuwento
D. nagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit at sitwasyon para sa masining na paglalahad
ng masining na biswal na pagkukuwento
______20. Ang sinematograpiya ay ang ______.
A. pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ng kuwento sa pelikula at dito makikita ang layunin ng
kuwento
B. pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit at sitwasyon para sa masining na paglalahad
ng masining na biswal na pagkukuwento
C. paraan ng pagkuha ng wastong anggulo upang maipakita sa mga manonood ang pangyayari sa bisa ng
ilaw at lente ng kamera
D. paghaharap nang mahusay at makatotohanang mga detalye ng palabas
______21. Ang pag-e-edit ay nakababawas sa haba ng pelikula sapagkat ______.
A. Ito ay pagpuputol, pagdurugtong-dugtong muli ng mga tagpo upang tayain kung alin ang hindi na
nararapat isama ngunit di makaaapekto sa kabuuan ng istorya ng pelikula
B. napagsusunod-sunod nito ang mga mahahalagang pangyayari
C. ito ang pagkuha ng wastong anggulo upang maipakita sa mga manonood ang pangyayari sa bias ng ilaw
ng lente ng kamera.
D. Ito ang nagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit at sitwasyon para sa masining na
paglalahad ng masining na biswal na pagkukuwento.
______22. Ang buong dokumentaryong pampelikula ay responsibilidad ng director sapagkat siya ______.
A. ang nagdedesisyon ng pamamaraan at diskarte sa pagpapatakbo ng kuwento sa pelikula
B. ang gumagastos sa produksyon ng dokumentaryong pampelikula
C. ang pangunahing tauhan
D. ang sumulat ng kabuuan ng kuwento
F. MELC: Naisasalaysay nang maayos ang buod, pagkakasunod-sunod ng mga panyayari sa kwento .

Nakikilala ang elemento ng kwento, mito,alamat, at kuwentong -bayanPanuto: Basahin at unawaing mabuti
ang akda at pagkaraan ay sagutin ang mga tanong. Piliin lamang ang pinakawastong sagot.

______23. Ito ay bahagi ng banghay kung saan ang kawilihan ng mga mambabasa ay nakasalalay
A. simula B. tunggalian C. kasukdulan D. saglit na kasiglahan
______24. Dito makikita ang pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan sa mga suliraning kanyang
kahaharapin.
A. simula B. tunggalian C. kasukdulan D. Lahat ng nabanggit
______25. Ito ang pinakamataas na pangyayari sa kuwento kaya’t ito ang pinakamaksiyon. Sa bahaging
ito unti-unting nabibigyang-solusyon ang suliranin at dito malalaman kung magtatagumpay ba ang
pangunahing tauhan o hindi
A. simula B. tunggalian C. kasukdulan D. kakalasan
______26. Ito ang pababang aksiyon ng kuwento kung saan unti-unting nang nasosolusyunan ang mga
suliranin sa kuwento?

A. kakalasan B. wakas C. kasukdulan D. tauhan

G. MELC: Nagagamit nang wasto ang mga retorikal na pang -ugnay na ginagamit sa akda (kung, kapag,
sakali , at iba pa), sa paglalahad (una ikalawa , halimbawa at iba pa , isang araw at samantala) sa pagbuo
ng editoryal na nanghihikayat (totoo,tunay,pero,subalit at iba pa) F7WG-If-g-4
3
Punan ng wastong pang-ugnay napaglalahad ang bawat patlang. Piliin ang titik ng tamang sagot.

Pagpipilian para sa bilang 27-30 A. dahil sa B. Samantalang C. Sa kabilang banda D. Sapagkat

27. ___________kaniyang katapangan walang nangahasnamakipagdigma kay Prinsipe Bantugan.


28.__________ ipinag-utos ni HaringMadali na walang makikipag-usap kay Prinsipe Bantugan. Agad
nagtungosi Haring Madali sa langit upang bawiin ang kaluluwa ni Bantugan 29. _________dinala ni
Prinsesa Datimbang ang bangkay ni Bantugan sa Bumbaran. Silaay nagulumihanan 30. __________ hindi
nila kilala si Bantugan.

H. Melc:Nagagamit ang mga pangungusap na walang tiyak na paksa sa pagbuo ng patalastas. F7WG-Ih-i-5

Nakikilala ang mga pangungusap na walang tiyak na paksa

______31. Maalinsangan ngayon. Anong uri ito ng pangungusap na walang paksa?


A. eksistensyal B. pamanahon C. modal D. temporal

______32. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang halimbawa ng pangungusap na walang paksa?
A. Nag-aaral ng mabuti ang mga bata sa silid aralan. C. Tayo ay manananghalian na mamaya.

B. Umuulan na. D. Ang bata ay payatin.

______33. Piliin ang pangungusap na nagpapakita ng halimbawa ng pormularyong panlipunan.


A. Mabuhay! B. Aray! C. Sabado ngayon. D. Pasukan na.

______34. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng pangungusap na nagsasaad ng maikling sambitla. Alin ang hindi?
A. Grabe! B. Naku! C. Aray! D. May mga tao na sa party.
I. Melc: Naiisa-isa ang mga hakbang na ginawa sa pananaliksik mula sa napakinggang mga pahayag. F7PN-
Ij-6

______35. Hakbang sa pananaliksik na ayon sa iyong interes at kaalaman, ano ito?


A. piliin ang paksa B. paglalahad ng layunin C. bibliyograpi D. balangkas

______36. Makikita rito ang iyong mga dahilan kung bakit nais isagawa ang pananaliksik. Ano ito?
A. pagsulat ng pinal na pananaliksik C. paglalahad ng layunin
B. balangkas D. pangangalap-tala
______37. Anong hakbang ang tungkol sa pagsulat ng talaanngmgasanggunian na kinuha ang mga
impormasyon sa pananaliksik?
A. pangangalap-tala C. pinal na Balangkas
B. pagwawasto at Pagrebisa D. bibliyograpi
J. MELC: Naipapaliwanag ang mga salitang ginamit sa paggawa ng proyektong panturismo F7PT-lj-6

______38. Binubuo ng mga larawan at mensaheng nagpapakita at nagpapahayag ng kagandahan at mga


natatanging tanawin sa isang bayan.
A. Poster B. Travel Brochure C. Blog D. AVP
______39. Pagtalakay o pagkukuwento na matatagpuan sa Internet. Naglalaman ito ng mahahalagang
impormasyon at larawang may kaugnayan sa paksa.
A. Poster B. Travel Brochure C. Blog D. AVP
______40. Patalastas na nasa kapirasong papel na dinesenyo upang makapagbigay kaalaman at
maihatid ang mensahe na magagamit sa proyektong panturismo.

A. Poster B. Travel Brochure C. Blog D. AVP

Inihanda ni Inaprubahan ni: Pinagtibay ni:

EVANGELINE F. RECODOS JUVELYN G. MANUEL DELIA A. TOLENTINO


Teacher III Head Teacher I Principal II
Department Head

4
ANSWER KEY- FILIPINO 7 -Q4

1. D 11. . 21. . 31. .


2. D 12. . 22. . 32. .
3. D 13. . 23. . 33. .
4. C 14. . 24. . 34. .
5. C 15. . 25. . 35. .
6. A 16. . 26. . 36. ..
7. B 17. . 27. . 37. .
8. D 18. . 28. . 38. .
9. A 19. . 29. . 39. .
10. D 20. 30. 40.

You might also like