You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 02
Schools Division of Isabela
ANGADANAN EAST DISTRICT
Angadanan

FILIPINO-7

Pangalan: _____________________________ Petsa: ______________ Iskor: ___________

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa
iyong sagutang papel.

1. “Alam kong niloloko mo lang ako, pero hindi kita papatulan,” naibulong ni Lokes a Babay sa
sarili nang matuklasang niloko siya ng asawa nang pagpalitin ni Lokes a Mama ang hayop na
nahuli ng kanilang bitag. Anong pag-uugali ni Lokes a Babay ang mahihinuha rito?
A. Siya ay mapagbigay.
B. Mapagmahal na asawa.
C. Mahaba ang kaniyang pasensya.
D. Mapagpatawad sa kaniyang asawa
2. Walang maidudulot na tama ang kadamutan.
A. Tama, dahil ito ay maling gawi.
B. Tama, dahil puedeng patawarin ang madamot.
C. Mali, dahil hindi puwedeng magbago ang madamot.
D. Mali, dahil kapag madamot hindi nakapag-iisip ng tama.
3. Magkaiba man ng katawagan, ngunit nagmula naman sa iisang Maylikha.
A. Tama, dahil tayo ay mga Pilipino na iisang lahi.
B. Tama, dahil iisa ang maylikha ng lahat.
C. Tama, dahil sa bayaning nagbuwis ng kanilang buhay.
D. Tama, dahil tayo ay nasa iisang bansa.
4. Bago pa man dumating ang mga Kastila may sarili ng sibilisasyon ang Pilipinas.
A. Tama, dahil pinatutunayan ito ng mga sinaunang paraan ng pagsulat at pamahalaan.
B. Tama, dahil may panitikan na nakasulat sa mga aklat.
C. Mali, umasa lang tayo sa tradisyong bitbit ng mga kastila.
D. Mali, dahil sila mismo ang bumuo ng sibilisadong mga Pilipino.
5. “Hindi ko na matiis ang pakikitungo mo sa akin. Alam ko na ang ginagawa mong panloloko sa
akin. Payag na ako sa dati mo pang sinasabing pakikipaghiwalay sa akin,” pahayag ni Lokes a
Babay. Ano ang mahihinuhang kalagayan ng mga kababaihan sa kanilang lipunan?
A. Makapangyarihan ang mga lalaki sa tahanan.
B. Makapangyarihan ang mga babae sa lipunan.
C. May kapangyarihan ang mga lalaking makipaghiwalay.
D. May kakayahan ang mga babaeng ipagtanggol ang sarili.

Panuto: Maghinuha sa kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng


kuwentong bayan batay sa mga pangyayari o usapan ng mga tauhan. Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel.

6. “Gusto ko makatikim ulit ng matabang usa. Halika, maglagay tayong muli ng bitag sa gubat,”
sabi ni Lokes a Mama. Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag na ito?
A. Madaling makahuli ng usa sa gubat.
B. Sagana ang gubat ng mga hayop na maaaring mahuli.
C. Hindi nauubos ang mga hayop sa kanilang mga kagubatan.
D. Hindi ipinagbabawal ang ang panghuhuli ng mga hayop sa gubat.
7. Ang mag-asawa sa binasa ay kapwa nabubuhay sa pangangaso. Mahihinuha na ang kanilang
lugar ay…
A. magubat at mapuno
B. nasa tabing-dagat
C. nasa lungsod
D. nasa kapatagang taniman ng palay
8. Pinagbilinan ni Lokes a Babay ang kaniyang mga guwardiya na huwag na huwag palalapitin
ang kaniyang asawa sa kaniyang magarang tahanan. Mahihinuhang si Lokes a Babay ay…
A. mapaghiganti
B. mapagkumbaba
C. masungit
D. mabait
9. Sa paanong paraan niloko ni Lokes a Mama ang kanyang asawa?
A. Pinagpalit nya ang kanyang huling ibon sa huli ni Lokes Babay na isang matabang
usa.
B. Sa pagtaksil kay Lokes a Babay.
C. Sa pag-iwan kay Lokes a Babay.
D. Sa pakikipag-apid sa ibang babae.
10. Si Lokes a Babay ay bumili ng malawak na lupain at nagpatayo ng isang torogan o
malapalasyong tirahan. Ano ang mahihinuhang kalagayan ni Lokes a Babay?
A. Umunlad ang kaniyang pamumuhay.
B. Naghirap siya nang umalis siya sa kaniyang asawa.
C. Hindi na siya nanghuhuli ng hayop sa gubat.
D. Swerte ang munting ibon na kaniyang nahuli sa gubat.

A. Panuto: Punan ng tamang sagot/salita ang bawat patlang para mabuo ang talata. Piliin
sa loob ng tatsulok ang tamang sagot.

Ang 1.________________ ay isang maikling salaysay na 2. ________________ sa 3.________________


sa pamamagitang ng mga 4.________________ at ito’y kapupulutan ng 5. ________________.

kuwentong-bayan
nagpalipat-lipat
salinlahi
bibig
aral
B. Panuto: Isulat ang mga salitang may kaugnayan sa paghihinuha. 1-5

C. Panuto: Bigyang paghihinuha ang nakapaloob na kaugalian at kalagayang panlipunan sa


akda na masasalamin pa rin hanggang ngayon. 10-puntos

Inihanda ni: JULIET C. SATURIO


Tagapayo/Guro sa Filipino _____________________________

Lagda ng Magulang
Republic of the Philippines
Department of Education
Region 02
Schools Division of Isabela
ANGADANAN EAST DISTRICT
Angadanan

FILIPINO-7

Pangalan: _____________________________ Petsa: ______________ Iskor: ___________

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Tumutukoy sa mga ebidensiyang magpapatunay na maaring nakasulat, larawan o video.


A. dokumentaryong ebidensiya
B. nagpapakita ng datos
C. nagpapakita ng emosyon
D. dokumentaryong Analisa

2. Karaniwang ang mga pahayag na ito ay dinurugtungan ng _________ na lalo pang makapagpapatunay
sa katotohanan ng inilalahad.
A. datos o ebidensiya
B. pangungusap
C. Dahilan
D. pangngalan

3. Akdang tuluyan na karaniwang naglalahad ng kaugalian at tradisyon ng lugar kung saan ito nagmula
at lumaganap.
A. maikling-kuwento
B. pabula
C. nobela
D. kuwentong –bayan

4. Ang mga sumusunod ay pahayag na nagpapakikilala sa kuwentong-bayan, maliban sa isa?


A. Nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon sa paraang pasalindila o pasalita
B. Nagtataglay ng anyong tuluyan at naglalaman ng mga kaugalian at tradisyon ng lugar na pinagmulan
nito.
C. May iisang pangunahing tauhan na may mahalagang suliranin na dapat lutasin.
D. Pagmamay-ari ito ng isang tao lamang.

5. Mga salitang nagsasabi o nagsasaad ng pananalig o paniniwala sa ipinahahayag ay tinatawag


na____________
A. patunay
B. dokumentaryong ebidensiya
C. pahiwatig
D. datos

6. Kilala ang islang ito bilang “Lupang Pangako o Land of promise”


A. Luzon
B. Mindanao
C. Visayas
D. Palawan

7. Sinasalamin ng kuwentong-bayan ang mga sumusunod maliban sa:


A. kaugalian
B. tradisyon
C. paniniwala
D. tunggalian

8. Ano ang tawag sa katunayang pinalalakas ng ebidensiya, pruweba o impormasyon?


A. konklusyon
B. ebidensya
C. pahiwatig
D. impormasyon

9. Alin sa sumusunod na mga kuwentong-bayan ang nanggaling sa Mindanao


A. Si Malakas at si Maganda
B. Mariang Makiling
C. Manik Buangsi
D. Si Pula at si Puti

10. May layuning higit na maging malinaw ang isang kaisipang inihahayag.
A. pahayag na nagbibigay patunay
B. pagsasalayasay
C. pangangatuwiran
D. mahalagang kaisipan

11. Ang tulong mula sa iba't ibang bansa na umabot sa mahigit 14 bilyong piso ang nagpapakita sa likas
na kabuting-loob ng tao anuman ang kulay ng balat at lahi mo. Anong uri ng pagbibigay ng patunay ito?
A. nagpapakita
B. nagpapahiwatig
C. nagpapatunay
D. dokumentaryong ebidensiya

12. Sa pagpapatunay ng isang bagay, mahalagang masundan ito ng __________


A. Ebidensiya o datos
B. solusyon
C. pangangatwiran
D. salaysay

13. Umabot hanggang Intensity VII na pagyanig ang naramdaman sa ilang lugar sa Mindanao. Anong
patunay ang makikita dito?
A. nagpapahiwatig
B. pinatutunayan ng detalye
C. matibay na konkulsyon
D. pagsasalaysay

14. Nangimbulo ang mga kapatid ni Tuan Putli sa kanyang magandang kapalaran. Ang salitang may
salungguhit at nangangahulugang?
A. natuwa
B. nainggit
C. nalungkot
D. nagalit

15. Kung ikaw ang tatanungin, anong mga paghahanda ang dapat gawin para maiwasan ang pinsalang
dulot ng lindol?
A. pagsasanay ng pamilya para sa lindol
B. pananatiling matatag at nagkakaisa
C. pagiging kalmado
D. paghahanda ng mga gamit pang-emerhensiya
Piliin sa Hanay B ang mga inihahayag sa Hanay A. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

HANAY A HANAY B
________ 1. Taglay ang matibay na
Kongklusyon A. mga ebidensiyang magpapatunay na
maaaring nakasulat, larawan o Video

________ 2. May dokumentaryong


ebidensiya B. alitang nagsasaad na ang isang
bagay na pinatutunayan ay totoo o
tunay

________ 3. Pinatutunayan ng mga


detalye C. makikita mula sa mga detalye
ang patunay sa isang pahayag

________ 4. Nagpapakita
D. isang katunayang pinalalakas ng
ebidensiya, pruweba, impormasyon
na totoo ang pinatutunayan

________ 5. Nagpapahiwatig
E. sa pamamagitan ng pahiwatig ay
masasalamain ang katotohanan

Inihanda ni: JULIET C. SATURIO


Tagapayo/Guro sa Filipino _____________________________

Lagda ng Magulang

You might also like