You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A
Schools Division of Quezon Province
Atimonan I District
BALUBAD INTEGRATED SCHOOL
FILIPINO 7

PANGALAN: ___________________________________ DATE:


__________________
GRADE & SECTION: _____________________________ MARKA:
________________

TEST I. MARAMIHANG PAGPIPILIAN


A. PANUTO: Piliin ang tamang sagot. Isulat ang letra ng napiling sagot sa
patlang. (1 puntos bawat sagot)

____1. _____ sipag at pagtitiwala sa Diyos ay umunlad ang kaniyang buhay.


A. Ayon sa B. Ukol sa C. Ayon kay D. Dahil sa
____2. Nakita nila ang kanyang kasipagan ________ nabigyan siya ng magandang
oportunidad.
A. kaya B. dahil C. sapagkat D. kasi
____3. Ang ginagawa ng pamahalaan ay ____________ batas.
A. alinsunod sa B. ukol kay C. alinsunod kay D. tungkol sa
____4. Sa pagharap ng pagsubok ay kailangang matatag ___________
mapagtagumpayan ang mga ito.
A. sapagkat B. upang C. ngunit D. kapag
____5. Kailangang mag-aral ng mabuti ___________ magandang kinabukasan.
A. para sa B. ayon sa C. para kay D. ayon kay
____6. Mahalaga ba ang Alamat bilang isang akdang pampanitikan?
a. Hindi, dahil ito ay nagdadagdag lamang sa mga panitikan na mahirap unawain
b. Siguro, dahil ito ay nagsisilbing libangan ng mga sinaunang tao bilang paraan ng
pagpapahayag ng ating kasaysayan.
c. Oo, dahil ito ang nagsisilbing salamin ng ating kultura, paniniwala sa ating pang
araw-araw na pamumuhay at pinagmulan ng bagay o lugar.
d. Wala sa nabanggit
____7. Ano ang katangian ng Alamat?
a. ito ay isang tiyak na SETTING: isang oras at isang lugar
b. b.ito ay nagbabago sa paglipas ng mga taon at pinananatiling makulay at kapana-
panabik
c. ito ay mayroong mga alintuntunin na may kakayahang umangkop kung saan ay
maaring magsimula sa mga himala na pinaniniwalaan na talagang pangyayari.
d. Lahat ng nabanggit
____8. Ano ang tamang kahulugan ng salitang “alamat”?
a. Isang kuwento ng pinagmulan ng lugar o bagay.
b. Isang uri ng pampanitikan na nagsasaad ng pang-araw-araw na gawain ng isang
tao.
c. Isang uri ng akda na nagpapakita ng pagiging matapang ng isang tao at kung
paano niya ito nalagpasan na may positibong pananaw sa buhay
d. Isang uri ng panitikan na naglalahad ng mga magagandang pangyayari sa isang
tao kung paano niya nailigtas ang kanyang mga kapwa mula sa isang traydor na
tao.
____9. Ang Alamat ay naglalaman ng mga elemento. Ano ang mga ito?
a. Tauhan at Banghay
b. Tagpuan at Tauhan
c. Tauhan, Tagpuan at Banghay
d. Wala sa nabanggit
____10. Sinasalamin ng kwentong bayan ang mga sumusunod maliban sa
A. Kaugalian B. Tradisyon C. Paniniwala D. Tunggalian
____11. Makakapasa ako sa pagsusulit kung mag-aaral ako nang mabuti. Anong
pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap?
A. sa B. ako C. kung D. nang
____12. Sakaling hindi niya na ako pansinin, maghahanap na lang ako ng
panibagong kaibigan. Anong pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap?
A. Sakaling B. hindi C. na D. maghahanap
____13. Kapag gumawa pa ulit ako ng gulo, ako ay patatalsikin na sa paaralan.
Anong pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap?
A. Ako B. pa C. gumawa D. kapag
____14. Ipagtatapat ko ang aking nararamdaman kung papayag siyang sumama sa
akin mamaya. Anong pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap?
A. Ipagtatapat B. ko C. kung D. siyang
____15. Kapag umulan, hindi ako pupunta sa bahay ninyo. Anong pang-ugnay ang
ginamit sa pangungusap?
A. Kapag B. hindi C. ako D. pupunta
TEST II. IDENTIPIKASYON
PANUTO: Hanapin sa talaan sa ibaba ang mga kasagutan. Isulat ang sagot
sa iyong sa patlang.

____________________1. Ang kaluluwa ng maikling kuwento.


____________________2. Nagsasaad ng pinakamasidhing kawilihan.
____________________3. Naglalarawan ng simula patungo sa paglalahad ng
unang suliraning inihahanap ng lunas.
____________________4. May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao
laban sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan.
____________________5. Magliliwanag sa mga komplikasyong nalikha sa unang
bahagi ng kuwento at magpapatuloy ang paglutas ng problema ng pangunahing
tauhan.
____________________6. Ang huling bahagi o ang kahihinatnan ng kuwento.
____________________7. Ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga
insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.
____________________8. Problemang haharapin ng tauhan.
____________________9. Ang mensahe ng kuwento.
____________________10. Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.

-Saglit na kasiglahan -Suliranin -Kakalasan


-Banghay -Panimula -Paksang Diwa
-Kaisipan -Tagpuan -Tunggalian
-Kasukdulan -Wakas

TEST III. PAGTATAPAT-TAPAT


PANUTO: Hanapin sa Hanay B kung ano ang tinutukoy ng nakatala sa Hanay A.
Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

HANAY A HANAY B
____1. Ito ay pumapaksa sa mga hayop na inihahambing sa
mga tao dahil sa mga pag-uugali at katangiang pantao na taglay nito.
____2. Prediksyon o hula sa maaaring mangyari batay sa mga
naunang impormasyon at pangyayari. A. Protagonista
____3. Ito ay isang tulang pasalaysay na nag sasalaysay ng B. Parabula
kabayanihan ng pangunahing tauhan na kalimitang nagtataglay C. Mito
ng kapangyarihan at kadalasan ay mula sa lipi ng diyos o diyosa. D. Pang-ugnay
____4. Nagsasalaysay ng mga pangyayaring hinango sa Bibliya. E. Maikling Kwento
____5. Ito ay isang anyo ng panitikan na may layuning F. Alamat
magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay at pangunahing G. Antagonista
tauhan. H. Epiko
____6. Tauhang mahalaga sa kuwento o mas kilalang “bida”. I. Panghihinuha
J. Pangatnig
Halos lahat ng panhunahing pangyayari ay may kinalaman
K. Pabula
sa kanya.
____7. Isang uri ng panitikan na nagsasalaysay ng pinagmulan
ng mga bagay-bagay sa daigdig.
____8. Mas kilala sa katawagan na kontrabida, siya ang kalaban
o pantapat na tauhan sa bida na nagtataglay ng negatibong katauhan.
____9. Ito ay kuwento tungkol sa mga diyos at diyosa.
____10. Isang bahagi ng pananalita na nag-uugnay ng mga salita,
sugnay, o pangungusap.

TEST IV. KLASIPIKASYON

A. PANUTO: Tukuyin at isulat sa patlang kung ito ba ay PANG-ANGKOP,


PANGATNIG o PANG-UKOL ang mga may salungguhit na retorikal na pang-
ugnay na salita na ginamit sa bawat pangungusap.

_______________1. Gusto nang umuwi ng mga tao sa probinsiya subalit hindi pa


maari ay dahil mapanganib.
_______________2. Ipinatupad niya ang panukalang ito para sa mga mamayang
kanyang sinasakupan.
_______________3. Nais kung pumasok sa trabaho ngunit may sakit ako.
_______________4. Masyadong tahimik ang mga daan ngayon dahil sa
pandemiya.
_______________5. Ang Rehiyon XII ay isa sa mga masaganang rehiyon sa buong
bansa.

TEST V. ENUMERASYON
PANUTO: Ibigay ang mga sumusunod.

A. (7) URI NG PANGATNIG


1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.

B. (3) URI NG PANG-UGNAY


1. P
2. P
3. P

“Ang tunay na sikreto sa tagumpay ay pagsisikap at patuloy na pagbangon sa bawat


pagkakamali, kaya’t mangarap ka at abutin mo”
Ma’am Rizelle 😊

You might also like