You are on page 1of 2

Assemblywoman Felicita G.

Bernardino Memorial Trade School


Lias, Marilao, Bulacan

Ikalawang Lagumang Pagsusulit sa Filipino 10


Ikatlong Markahan

Pangalan: ______________________________________ Petsa: _________________________________


Baitang at Pangkat: ______________________________ Guro: _________________________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang bago ang bilang.

_____1. Sa anong uri ng akdang pampanitikan nabibilang ang tekstong “Akasya o Kalabasa”?
A. alamat B. tula C. anekdota D. maikling kuwento
_____2. Ano ang sadya ng mag-amang Simon at Iloy sa kanilang pagluwas sa Maynila?
A. pagpapatala sa nalalapit na pasukan C. paghahanap ng pansamantalang matitirhan
B. paghahanap ng trabahong mapapasukan D. pagbebenta ng kanilang mga aning palay
_____3. Nang makausap ni Mang Simon ang punong-guro, ano ang kaagad niyang ipinakiusap dito?
A. pagpapatala para sa iskolarysip ng anak C. pagpapatala ng anak sa maikling kurso
B. pagpapatala ng anak sa isang buong kurso D. pagpapatala ng anak sa libreng dormitoryo
_____4. Sa iyong palagay, pumayag ba ang punong-guro sa pakiusap ni Mang Simon?
A. Oo, dahil maagap itong tumugon sa tanong ni Mang Simon.
B. Oo, ngunit ito ay may himig pangungumbinsi sa kanyang sinabi.
C. Hindi, dahil ang nais niya ay bigyan ang bata ng buong kurso.
D. Hindi, dahil walang inihahandog na maikling kurso sa paaralang iyon.
_____5. Ito ay kuwentong hango sa isang nakawiwili at nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang tao.
A. alamat B. tula C. anekdota D. maikling kuwento
_____6. Ano ang nais ipahiwatig ng punong-guro sa pahayag na “Kung ang nais ninyo ay magpatubo ng isang
mayabong na punong akasya, gugugol kayo ng puu-puung taon, subalit ang kakailanganin ninyo ay ilang buwan
lamang upang makapaghalaman kayo ng isang kalabasa”?
A. Ang tagumpay ng tao sa buhay ay nakasalalay sa ilang taong pagsusumikap sa pag-aaral.
B. Mas maamo ang kapalaran sa mga taong mataas ang pinag-aralan.
C. May mga taong kahit hindi nakatapos ng pag-aaral ay nagagawang magtagumpay sa buhay.
D. Ang pagmamadali sa pag-aaral ay walang naidudulot na maganda sa kinabukasan.
_____7. Sa iyong palagay, ano ang magiging pasya ni Mang Simon matapos makausap ang punong-guro?
A. Ipagpapatuloy nito ang planong pagkuha ng maikling kurso ng anak.
B. Kukumbinsihin niya ang anak na mag-aral habang nagtatrabaho.
C. Hahayaan na niya ang anak na kumuha ng buong kurso sa hayskul.
D. Ipauubaya niya sa kanyang anak ang pagpapasya.
_____8. Ito ay sangkap na nagbibigay-kakayahan sa nagsasalita na palawakin ang kaniyang mensahe upang mabigyan
ng wastong interpretasyon ang salita, mas maunawaan ang salita, at maipahayag ang mas malalim na kahulugan
nito.
A. pagsasalaysay B. diksorsal C. anekdota D. opinyon
_____9. Ito ay pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring totoo pero maaaring pasubalian ng iba.
A. pagsasalaysay B. diksorsal C. anekdota D. opinyon
_____10. Ito ay isang diskursong naglalatag ng mga karanasang magkakaugnay
A. pagsasalaysay B. diksorsal C. anekdota D. opinyon
B. Iguhit sa Hanay B ang Anyo ng Lobo ng Usapan sa pagbuo ng isang Komiks na tinutukoy sa Hanay A.

HANAY A HANAY B

11.Scream Bubble

12. Caption Box

13. Thought Bubble

14. Speech Bubble

15.Whisper Bubble

C. Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pahayag. Kung MALI, palitan ng tamang sagot ang nakasalungguhit na
salita o lipon ng mga salita sa bawat bilang.

__________ 16. Ang maikling kuwento o maikling katha ay nililikha nang masining upang mabisang maikintal sa isip at
damdamin ng mambabasa ang isang pangyayari tungkol sa buhay ng tauhan o ng lugar na pinangyarihan
ng mahahalagang pangyayari.
__________ 17. Ang kuwento ng tagpuan ay nagbibigay-diin sa ugali o katangian ng tauhan.
__________ 18. Ang teaser o trailer ay isang maikling patikim sa manonood sa kabuuang pelikulang kanilang
mapapanood.
__________ 19. Ang maikling kuwento ay may taglay na kariktan hanggang sa kasukdulan na agad susundan ng wakas.
__________ 20. Ito rin ay may isang pangunahing tauhang may mahalagang suliraning kailangang bigyan ng solusyon

D. Bilugan ang dalawang salitang magkaugnay sa bawat pangungusap.

21. Nakatira si Jasmine (Sarah Geronimo) sa Baguio kasama ang kaniyang Lola Olive (Gina Pareno). Masaya siyang
naninirahan sa piling ng taong nag-alaga sa kanya simula pagkabata.
22. Simula nang mamatay ang kanyang mga magulang, si Lola Olive na ang nag-alaga sa kanya. Siya rin ang umaruga rito
habang nagdadalaga.
23. Nang magkasakit ang kanyang lola ay labis itong nalungkot. Nalugmok siya sa pag-iisip kung paano makatutulong sa
paggaling ng kanyang lola.
24. Hindi pumayag ang kanyang mga kapatid na dalhin ni Jasmine si Happy sa Baguio. Tutol ang mga ito dahil
baka mapahamak ang dalaga lalo’t mag-isa ito.
25. Pursigido pa rin si Jasmine na ituloy ang kanyang balak. Determinado itong makatulong upang gumaling
ang kanyang lola.

Inihanda ng mga guro sa Filipino Binigyang Pansin:

Sinuri: Susana G. Dela Cruz


Ulong – Guro IV, Kagawaran ng Filipino
Annalyn R. Gonzales
Dalubhasang Guro I – Filipino Pinagtibay:

Rosauro A. Villanueva, Ph.D.


Punongguro IV

You might also like