You are on page 1of 2

AFGBMTS FILIPINO DEPARTMENT | 2021

UNANG KWARTER- FILIPINO 10


MODYUL 3
Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling pananaw sa pamamagitan ng
pagbuo ng isang TRAVELOGUE.
( F10WG-Ic-d-59 )

Performance Task
Sa tulong ng iyong mga kasama sa pangkat, bumuo ng isang TRAVELOGUE na maglalahad ng
inyong sariling pananaw, damdamin at mahahalagang impormasyon tungkol sa isang partikular na lugar
na napili ng inyong grupo na nais ninyong mapuntahan pagkatapos ng pandemya.

Tandaan, kinakailangan na gumamit kayo ng mga pahayag sa pagbibigay ng inyong sariling


pananaw o opinyon kung bakit ang napili ninyong lugar ang pinakamagandang lugar na dapat pasyalan
kung sakaling matapos na ang pinagdaraanan nating pandemya.
MGA HAKBANG SA PAGSASAGAWA NG GAWAIN:
1. Pumili ng isang partikular na lugar sa Pilipinas na maaaring narating n’yo na o hindi pa na nais
ninyong mapasyalan sakaling matapos na ang pandemya at mula rito balangkasin ang magiging
daloy ng inyong travelogue.
2. Hatiin ang mga bahagi ng TRAVELOGUE sa bawat miyembro para sa INDIBIDWAL NA GAWAIN.
Maaaring ang mga miyembro ay magsilbing tagapagsulat at tagakalap ng mga impormasyon at
detalye patungkol sa napiling lugar, magsilbing travel host o documentarist o mag-edit ng
video/powerpoint presentation.
3. Sikaping makagamit ng mga salita o pahayag sa pagbibigay ng inyong pananaw, opinyon at
saloobin kung bakit ang napiling ninyong lugar ang pinakamagandang lugar na dapat pasyalan
sakaling matapos na ang pandemya.
4. Para sa KOLABORATIBONG GAWAIN, gumawa ng VIDEO o POWERPOINT PRESENTATION
para sa inyong TRAVELOGUE / TRAVEL VLOG. Maaaring lapatan ng musika upang higit na
maging kaakit-akit ang inyong presentasyon.
5. Siguraduhing ang mga larawan at video clip na gagamitin sa inyong travelogue ay bibigyan ng
angkop na kredito o pagkilala sa gagawin ninyong PPT/Video Presentation na iuupload sa ating
FACEBOOK GROUP sa FILIPINO 10.
6. Gamitin ang hashtag na #BIYAHERONGBERNARDINO.
7. Mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas ng bahay at pagsasama-sama ng magkakagrupo
sa pagbuo ng Kolaboratibong Gawain.

RUBRIKS SA PAGMAMARKA

KRAYTERYA PUNTOS

1. Nakasunod sa itinakdang hakbang sa pagbuo ng travelogue. 20

2. Nailahad nang malinaw ang pananaw, opinyon o saloobin 25


hinggil sa napiling lugar sa pamamagitan ng travelogue
gamit ang mga salita o pahayag sa pagbibigay ng pananaw.

3. Pagiging malikhain mula sa mga salitang ginamit 30


hanggang sa materyales sa pagbuo ng travelogue.

4. Kabuuang presentasyon ng Power Point o Video na ini-upload 25


sa Facebook Group.
KABUUAN 100

Inihanda ng mga Guro sa FILIPINO 10


Binigyang-Pansin ni: Sa Kabatiran ni:

SUSANA G. DELA CRUZ ROSAURO A. VILLANUEVA, Ph. D.


Ulong-Guro VI, Kagawaran ng Filipino Punong Guro IV

You might also like